All-Time Favorite: First Time...

By teldelulu_

65.7K 840 48

"You have innocent eyes, Blanca, and you are as pure as your name signifies." Magpapakasal sila ni Kier. At... More

Author's Note
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12

Chapter 1

8.6K 66 1
By teldelulu_


KANINA pa paikot-ikot si Blanca sa sala at patingin-tingin sa malaking relo sa ibabaw ng shelf. Naroong hawiin ang kurtina sa freneh window na nakatanaw sa gate.

"Hindi mo kailangang mag-abang sa bintana, Blanca," mula sa likod ay nilapitan ni Mrs. Rowena dela Fuente ang stepdaughter. Kasunod nito ang anak na si Denise. "Maririnig mo naman kung dumarating na si Kier."

"He's almost an hour late, Tita," sagot ng dalaga na naupo sa sofa at nagbuntong- hininga. Hindi iyon ang unang pagkakataong na-late ang boyfriend sa mga lakad nila. Hindi pa nangyaring dumating sa oras na usapan ang binata.

"Baka na-traffic, hija," sagot nito. "Alam mo naman ang boyfriend mo, baka hindi nakaalis ng maaga sa shooting. Marahil ay late ng nakauwi sa unit niya si Kier."

"Marahil nga po," marahang sagot ng dalaga sa nababagabag na tono. Hindi na siya umaasang darating pa ang boyfriend.

Si Kier Romero ay isang sikat na commercial and ramp model. Lahat halos ng produkto na hindi magkakalaban ay ang binata ang kinukuhang modelo. At karamihan ay mga panlalaking produkto. At kung ang ibang mga tao ay naiinis pag pinuputol ang programa sa TV dahil sa commercial, hindi ang mga fans ni Kier Romero.

"Baka naman ibang babae ang dahilan ng pagka-atraso ng boyfriend mo, Blanca," susog ni Denise na naupo sa sofa at pailalim na tiningnan si Blanca.

"Tumigil ka riyan, Denise!" saway ni Rowena sa anak. "Kung wala kang masabing maganda ay huwag kang magsasalita ng pangit," idinugtong nito. Pagkatapos ay binalingan si Blanca. "O, eh, napagpasiyahan na ba ninyo ang petsa ng kasal?"

"Iyon nga sana ang pag-uusapan namin ngayon. Tita." Muli siyang tumayo at wala sa loob na sumulyap sa labas ng bintana. Usapan nila ng kasintahan na lalabas sa gabing ito. They will decide the wedding date over french dinner and candle light.

"Hay, naku, Blanca," si Denise uli na humiga sa sofa at itinaas ang dalawang binti sa pormang mag-i-exercise. "Kung ako sa iyo ay magbibihis na lang ako uli. Malamang na may nakaharang kay Kier at tuluyang nakalimutan ang date ninyo."

Matalim ang sulyap na ibinigay ni Rowena sa anak. "Bakit ka nagsasalita ng ganiyan, Denise? Hindi mo ba narinig ang sinabi lang ni Blanca na ngayong gabi nila dapat na pag-uusapan ang petsa ng kanilang kasal?"

"Nakita na nga ninyo at hanggang ngayon ay wala pa si Kier," patuloy ni Denise. "This is suppose to be an important night pero hayun at hindi natin alam kung nasaan. Ang alam ko, ang tanging dahilan kaya hanggang ngayon ay mag-boyfriend pa iyang dalawa ay dahil pakipot iyang pamangkin ninyo," walang pakundangang wika nito. "Denise!" Si Rowena na hinaluan. na ng galit ang tinig.

"Mahal ako ni Kier at mahal ko rih siya, Denise. At hindi ako naniniwalang ginagawang biro ni Kier ang relasyon namin sa pamamagitan ng pag-aalok ng kasal," sagot ni Blanca sa mahinahong tono. "For one month now, we've been planning our wedding. At marahil ay may hindi maiiwasang sirkumstansiya si Kier kaya wala pa hanggang ngayon," sinulyapan nito ang stepmother na tumango at akmang magsasalita pero inunahan ni Denise.

"Hindi si Kier ang marrying type, Blanca. He offered marriage for one simple reason, his excuse to bed you," banayad na napasinghap si Blanca. Si Rowena ay nagbuka ng bibig para muling sawayin ang anak subalit nagpatuloy ang dalaga.

"Ikaw ang alam kong pinakamatagal na naging girlfriend ni Kier. Why, ang galing mong magpakipot," patuloy nito sa paismid na paraan. "One piece of advice, Blanca, stop playing hard to get. Lalaki ang boyfriend mo, hindi lang basta lalaki. Magandang lalaki at sikat at maraming mga babaeng naghahabol. Kahit sinong higit sa iyo ay makukuha ng boyfriend mo sa isang pitik lang ng kamay."

Humugot ng malalim na paghinga si Blanca upang kontrolin ang sarili at upang hindi makapagsalita ng hindi maganda sa stepsister.

"Hindi akonagpapakipot, Denise, neither playing hard to get. In fact, tulad ng alam mo ay naging mag-boyfriend kami ni Kier just barely two weeks after we met. It is just that I don't go for pre-marital sex."

"At wala namang masama roon, Denise," si Rowena sa anak. "Napaka-liberal kong tao. Malalaki na kayo at may mga sari-sariling isip. Alam na ninyo ang tama at mali. Kung ikaw ay gusto mo ng all-the-way sa pakiki-pagrelasyon sa boyfriend mo, then go ahead. Hindi kita napigilan, doon, "'di ba?"

Ewan ni Blanca kung imahinasyon n'ya lang pero may nahihimigan siyang bitterness sa tono ng madrasta. "As long as you don't get yourself pregnant," wika nito sa panuntunang natutuhan sa maraming mga taong paninirahan sa ibang bansa.

Nagtrabaho sa Amerika si Rowena at doon na rin nakapag-asawa ng isang foreigner makalipas lamang ang dalawang taon. Trece anyos si Denise nang mabiyuda si Rowena. Bumalik sa Pilipinas kasama ang anak upang dito na mamirmihan. Nakilala nito ang ama ni Blanca, si Herman dela Fuente, minsang magtungo ng Maynila si Herman para sa seminar ng mga high school teachers. Nagkagustuhan ang dalawa at nagpakasal.

Sa unang limang taon ay nanatili sa probinsiya ang mag-anak bagaman sukal sa loob ni Denise. Subalit nahimok ni Rowena si Herman na sa Maynila na manirahan dahil mas malaki ang oportunidad nito na matulungan ang asawa sa pagtatrabaho. Totoo naman dahil naging isang matagumpay na realtor sales agent si Rowena at malaking bagay para sa kanilang mag-anak ang dagdag na income.

Ipinagbili ni Herman ang kaunting ari-arian sa probinsiya at sa trabaho ni Rowena ay naging madali para sa kanila ang makakuha ng isang bahay at lupa sa isang subdivision sa Fairview. Natanggap namang guro si Herman sa isa sa mga public high schools sa Maynila.

Hustong nakatapos ng kolehiyo si Blanca may walong buwan na ang hakararaan nang mamatay si Herman. Inatake ito sa puso habang nagda-drive ng sasakyan pauwi kasama si Rowena. Bumunggo sa poste ng ilaw ang kotse at noon din ay namatay si Herman. Si Rowena ay pinalad na hindi gaanong nasaktan.

"Hindi na uso si Maria Clara, Blanca," patuloy ni Denise.

"Karaniwan na lang ang sex sa magkasintahan. Ipinahahayag niyon ang damdamin ninyo sa isa't isa."

Hindi sumagot si Blanca. Hindi niya gustong makipagtalo sa stepsister sa harap ng tiyahin. Isa pa, kahit na ano pa ang sabihin niya ay hindi rin siya mananalo kay Denise. May sarili itong opinion at hindi na iyon mababago. And she has her own, too.

Physically, ay gusto niyang managhili sa stepsister. She's beautiful. Lagi nang nakakatawag ng pansin. Mestiza dahil Amerikano ang ama. Mataas at pangmodelo ang tindig. At natural ang tila mamula-mulang buhok. Si Denise ay isa ring realtor agent sa opisina ni Rowena. Dahil maganda ay malakas bumenta ng bahay at lupa ang dalaga.

She's twenty-two at dalawang taon ang kabataan kaysa kay Denise. Newly graduate at wala pang trabaho. At totoo namang may naiwang kaunting pera ang ama subalit iyon ay para sa lahat at hindi lang para sa kanya. Kumpara kay Denise, ordinaryo lang ang taas niya. Five feet ang three inches. Hindi maputi at hindi rin naman maitim. Pero kung pagtatabihin sila ni Denise ay magmumukha siyang negra.

Denise is a stunning beauty while she considered herself ordinary. Bagaman hindi ganoon ang tingin ng mga nakakakilala sa kanya. Sabi ng mga kaibigan at mga kakilala niya ay nasa kanya ang uri ng mukhang habang tinititigan ay hindi mo pagsasawaang tingnan. Somehow ay gusto niyang maniwala roon dahil noong elementary ay hindi siya iilang beses na nakukuhang muse.

Bagaman nagbagong lahat iyon nang dumating sa buhay niya si Denise. Si Denise ang naging center of attraction dahil sa obvious na pagiging half-American ng stepsister.

Subalit dahil talaga namang may sariling pang-akit ay hindi siya nawalan ng manliligaw. At sa loob ng nakalipas na panahon ay dalawang beses siyang nagka- boyfriend. Subalit mga pawang hindi nagtagal dahil sadyang ginagawan ng paraan ni Denise na makuha ang atensiyon ng boyfriend niya. Iyon ang nagpangyari upang kinalimutan na muna niya ang pakikipag-boyfriend at isinubsob ang sarili sa pag-aaral and graduated with honors.

Hanggang sa makilala niya si Kier Romero five months ago. Isang kliyente ang pinuntahan ng stepmother sa isang kilalang subdivision sa Makati at isinama siya dahil tini-train siya ng stepmother bilang realtor sales consultant.

She didn't remember talking to the buyer bagaman naipakilala siya ni Rowena dito. Sa oras na akma siyang kakausapin nito ay naroon na agad si Kier. He was so charming at kinuha nitong lahat ang atensiyon niya while Rowena talked to the customer.

Nahihiya siya sa madrasta nang pauwi na sila subalit binale-wala iyon ni Rowena. Nakuha nito ang sales para sa isang house and lot at tuwang-tuwa dahil sa malaki ang magiging komisyon.

Iyon ang simula at niligawan siya ni Kier. Hindi ito tumigil hanggang hindi siya napapasagot. At sino ang babaeng aayaw sa binata. Tall and macho at higit sa lahat ay guwapo. Sa una'y hindi niya gustong sagutin ang binata dahil nagpakita rin si Denise ng interest dito. Subalit tiniyak ni Kier sa kanya na hindi ito interesado sa stepsister niya kundi sa kanya.

Hindi birong galak ang nadama niya. Si Kier ang kauna-unahang lalaking hindi nakuha ni Denise mula sa kanya. Kaya naman nang sagutin niya si Kier ay panatag ang loob niya.

Kung mayroon man silang bahagyang pinagtatalunan ni Kier ay ang pagiging konserbatibo at old fashion niya. Minsang isinama siya nito sa bachelor's pad ng binata ay sinikap nitong ibuwal ang paniniwala niya. Subalit nagalit siya at hindi na nagpilit si Kier.

"Sex is beautiful," muling wika ni Denise na nagpaputol ng daloy ng alaala niya. "Sa ginagawa mo ay tila ba ang sex ay isang kasuklam-suklam na bagay para sa magkasintahan."

"Pabayaan mo si Blanca sa moral values niya, Denise," si Rowena sa anak sa tonong nagsesermon. "Kung gagawin nating debate ang paksang iyan ay walang mananalo sa inyo at lalong wala akong gustong kampihan. Hindi ka niya pinakikialaman sa mga affairs mo kaya hayaan mo siya sa gusto niyang mangyari. To each his own."

Sumimangot si Denise. "Ayan na naman kayo, Mommy. Totoong hindi kayo kumakampi kahit na kanino sa amin pero may palagay akong sa tuwing nag-uusap tayong tatlo ay laging ako ang kontrabida."

Napapailing si Rowena. Hindi nito gustong ganoon lumalabas ang trato niya sa dalawa. Pareho nitong mahal ang dalawang babae kahit na nga ba hindi nito tunay na anak si Blanca. Nang pakasalan ito ni Herman ay inaasahan na nitong magrerebelde sa kanya si Blanca. Subalit hindi nangyari ang inaasahan niya. Magalang at masunurin si Blanca bagaman likas na mahiyain.

"Dahil wala kang alam gawin, hija, kundi ang kontrahin at pintasan ang mga ginagawa ng kapatid mo. Why don't you mind your own affairs?"

"That is all right, Tita. Sisterly argument lang naman ang sa amin ni Denise," salo ni Blanca na lalong ikinasimangot ni Denise.

"The usual underdog drama," padabog itong tumayo. Tuloy-tuloy na pumanhik sa itaas.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Blanca. "I don't think Kier is still coming, Tita. Papanhik na rin ako sa itaas."

"Ipatatawag kita kung darating siya, Blanca. Pero natitiyak ko, may mahalagang bagay kaya hindi nakarating ang boyfriend mo." Pahabol ni Rowena nang nasa hagdan na siya.

Isang tango ang isinagot ni Blanca. Gustong sabihin sa tiyahin na sana'y tumawag man lamang ang kasintahan kung hindi ito nakarating. Pero hindi na isinatinig ang nasaisip.

KINABUKASAN ay tawag mula kay Kier ang nagpagising sa dalaga.

"I'm sorry, darling," wika nito sa apologetic na tinig. "I was tied-up last night. May natanguan palang appointment ang manager ko sa Rogue Advertising ay hindi sinabi sa akin."

"Naiintindihan ko ang trabaho mo, Kier. Pero sana'y tumawag ka man lang nang hindi na ako naghintay," hindi niya gustong lagyan ng paninisi ang tinig pero iyon din ang lumabas.

"I am sorry about that, too. Nasa isang restaurant kami while discussing the contract at nasa kotse ang CP ko. At sa pakikipagnegosasyon ko ay nawala ng tuluyan sa isip kong tawagan ka. At nang matapos naman ang meeting, it was almost twelve at naipasya kong huwag ka ng istorbohin dahil malamang na tulog ka na." It was smoothly explained at nagbigay si Blanca.

"I'll make up for it, darling," patuloy ni Kier nang hindi agad siya sumagot. "We'll have lunch the day after tomorrow. Hindi bukas dahil may shooting ako para sa briefs commercial," he said huskily. Isang sinasadyang huskiness na hindi ilang kababaehan ang kinikilig pag nasa TV si Kier.

"I love you, Kier," marahang wika niya.

"And I love you, too, darling. Sa lunch date natin ay pag-usapan natin kung kaitan natin dapat itakda ang kasal. I want it as soon as possible. Gusto ko ng isang simpleng kasal lang, Blanca. Ang Tita Rowena at si Denise at ilang mga piling kaibigan lamang. And of course, my dear big brother," may kakaibangtono si Kier sa bandang huling sinabi subalit hindi pinansin ni Blanca iyon.

"Hindi ko rin gusto ang kasal na tila karnabal, Kier," sang-ayon niya sa katipan. "And considering your status ay malamang na ganoon nga ang mangyayari kung malalaman ng marami ang kasal natin."

"Sana nga'y makasal na tayo, Blanca. Kung maaari nga lang ay bukas na iyon. Alam mo na kung bakit, di ba?" Ang sumunod na mga sinabi nito sa kasintahan ay naging uncomfortable para kay Blanca. Para sa kanya ay obscene talks iyon. Hindi naman siya prude pero gusto niyang isiping binabastos siya ng kasintahan. But of course, that's foolish thinking.

"Oh, Kier, you're embarassing me," protesta niya.

"Why, darling? Don't you want to hear what I want to do with you once we are married? Why, even now if you will only allow me ay gusto kong gawin sa iyo," his voice seductive. Ang tinig na tinitilian ng mga fans sa TV.

"Please, Kier..."

"I'm trying to turn you on, Snow Queen," natatawang wika ng binata.

Hindi malaman ni Blanca kung mapapahiya siya o ano. May pakiramdam siyang hindi tukso ang ginagawa ng kasintahan kundi insulto. Snow Queen.
Hanggang sa maibaba niya angtelepono ay nanatili siyang nakatitig sa kawalan. Isang tawa ang nagpaangat ng mukha niya.

"O, anong sinabi sa iyo ni lover boy?" Si Denise na nakasandal sa may hamba ng hagdan. Ni hindi niya narinig na nabuksan ang pinto ng silid niya. "Believe me, Blanca, hindi gagawin ni Kier ang palaging huwag kang siputin sa mga lakad niniyo kung pinapayagan mo siya sa gusto niyang mangyari. Beware, maraming mga babaeng naghahangad sa boyfriend mo."

"Isa ka na roon," sagot niya sa naniningkit na mga mate.

Tumaas ang kilay ni Denise. "Inaamin kong may gusto ako kay Kier, Blanca. He's gorgeous. But he's a poor catch dahil sa sarili lang niya'y kulang pa ang kinikita ni Kier."

"How can you say that?" Manghang wika niya.

"At least, hindi ako ipokritang tulad mo," paismid nitong ngiti sa kanya. "Gusto mo si Kier pero nililimitahan mo ang mga bagay na inaasahan niya sa iyo. Hindi ba one- way traffic ang gusto mong mangyari? Chocolate and roses from him. Dinner dito, pasyal doon. Concert dito, show doon. But what did he get from you? Over-pakipot. Sinasadyang pagpapakipot. I consider it the height of hypocricy!"

Bago pa napigilan ni Blanca ang sarili ay tumaas ang kamay niya at dumapo sa mukha ni Denise.

"Bitch!" Sigaw ni Denise sa nanlilisik na mga mata.

Napaatras si Blanca. Hindi niya gustong gawin iyon. "I-I am really sorry, Denise. I really am"

Dinama ni Denise ng palad ang nasaktang pisngi. Sa nanlilisik na mga mata'y tinitigan ang stepsister.

"You'll pay for this, Blanca," wika nito sa nag-iigting na mga bagang. Pagkatapos ay mabilis na tumalikod.

Nanlumong muling naupo sa sofa si Blanca. Hindi niya akalaing maiwala ang pagpipigil sa sarili. Mula pa noong dalagita siya ay hindi iilang beses siyang tinudyo at hiniya ni Denise pero hindi niya pinatulan, hanggang ngayon.

"Sinasadya nang pagpapakipot... the height of hypocricy!"

Umuugong sa tenga niya ang sinabi nito. Ganoon ba talaga ang ginawa niya? A relationship is a give-and-take process. At siya nga ba'y puro take lang ng take? Hindi pa ba sapat na pinahintulutan niya si Kier na hagkan at yakapin siya? Of course, when he went carnal, inaawat na niya ang kasintahan.

Was she as frigid as she thought herself to be? Isa nga ba siyang hypocite or subconsciously, a prude?

Continue Reading

You'll Also Like

20.1K 327 16
Kung literal ang mga damdamin ng isang taong masayang nagmamahal, marahil ay nakatingala ang mga bigo sa mga tulad nya na lumilipad sa kalangitan, ma...
787K 7.9K 67
𝐢𝐧𝐜𝐥𝐮𝐝𝐞𝐬 𝐚𝐥𝐥 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐛𝐨𝐲𝐬 ✦ .  ⁺   . ✦ .  ⁺   . ✦ don't forget to vote, share and comment. 🤍
40.9K 484 12
Alam ni Cassie na naaksidente siya sa laot. But it's too much of a coincidence na magkamalay siya sa pribadong baybayin ng mga Dela Garza. Naroon na...
11.6K 254 11
"Kailangan kong malaman kung alam mong ikaw lang ang gusto kong hawakan at halikan tuwing hinahawakan at hinahalikan kita." Buong buhay ni Jasmine...