The Royal Chef

By senoritaxara

22.7K 1.2K 326

Sarina Sandoval is a woman from the modern world, she is an aspiring chef from the Blue House. At a young age... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1: The Training
Chapter 2: Azrael Luna
Chapter 3: The Triplets
Chapter 4: The Recipe
Chapter 5: The Palace
Chapter 6: Elimination
Chapter 7: First Day
Chapter 8: Alas
Chapter 9: Favorite
Chapter 10: Hilaga
Chapter 11: Hilaga (2)
Chapter 12: Hilaga (3)
Chapter 13: Hilaga (4)
Chapter 14: Dethroned Queen
Chapter 15: Sugalan
Chapter 16: Lawa
Chapter 17: Ghosted
Chapter 18: Goodbye
Chapter 19: Trip
Chapter 20: Kabaong
Chapter 22: Pagbabalik
Chapter 23: Starvation
Chapter 24: Royal Kitchen
Chapter 25: Diary
Chapter 26: Ruiz Clan
Chapter 27: Last Entry
Chapter 28: The Red Book
Chapter 29: King
Chapter 30: Banquet
Chapter 31: Unexpected
Chapter 32: Him
Chapter 33: Awake
Chapter 34: Regained
Chapter 35: Caught
Chapter 36: Library
Chapter 37: Truth
Chapter 38: Help
Chapter 39: Plan
Chapter 40: Rest

Chapter 21: Stars

346 27 3
By senoritaxara

[Chapter 21]

"Ayos ka lamang ba?" Nag-aalalang bungad ni Mika sa kaniyang head chef.

"Binibini, ano ang nangyayari?" Namumutlang tanong ni Isko.

Hindi nakapagsalita si Sarina. Tuluyan na siyang napahagulgol nang makita ang kaibigan at kaagad niya itong niyakap ng mahigpit.

"Inulit namin ang ritual at ibinalik ka rito sapagkat hindi bumabalik ang kaluluwa ni Azrael sa sarili niyang katawan." Paliwanag ni Tandang Arus. "Hindi namin maintindihan kung bakit ayaw pasukin ni Azrael ang kaniyang katawan. Hindi maaaring mabakante ang katawan ni Azrael sapagkat mawawalan ito ng buhay. Baka ipakulong pa kami ng ama ni Azrael sa salang pagpatay sa kaniyang anak sapagkat kami ang huli nitong nakasama." Dagdag ni Tandang Arus na kaagad namang sinangayunan ni Mika. Na nagpakunot naman sa noo ni Isko.

"Ayos ka lang, Binibini? "Tanong ni Mika.

Nag-aalala siya. Pinunasan niya ang pisngi ni Sarina na napupuno ng luha saka niya hinaplos ang buhok nito. Hindi niya alam kung bakit ito nagkakaganito. Ito ang unang beses na naglabas ng luha ang kaniyang head chef. Sa ilang taon niyang nakasama ito ay ngayon lamang ito umiyak. Buong buhay niya ay mayabang lamang nitong ngisi ang naaalala niyang ekspreyson sa mukha nito.

Nakakapanibago. Hindi ba ito masaya na ibinalik nila ito sa panahong ito?

"Nais mo bang bumalik ulit? May isa pang pagkakataon si Tandang Arus." Saad na lamang ni Mika.

Ngunit mariing umiling si Sarina at napayakap na lamang nang mahigpit kay Mika. Ayaw na niyang bumalik pa roon. Ayaw na niyang maranasan pa ulit ang nakakatakot na naransan niya sa panahong iyon.

Hindi naman makapagsalita si Isko. Wala siyang maintindihan sa mga nangyayari. Basta ang alam niya lang ay may ritual at nasasaktan ngayon ang kaniyang amo. Pinili na lamang niyang manahimik at haplusin ang likod ng kaniyang amo kahit na bawal niya itong hawakan sapagkat isa siyang Ginoo at ang kaniyang amo ay Binibini.

Isang kapangahasan ang kaniyang ginagawa ngayon. Ngunit anong magagawa niya? Ito ang kailangan ng kaniyang amo.

"Waka na ako, Mika..." Humahagulgol na saad ni Sarina habang nakayakap kay Mika. "Wala na ako. Wala na akong babalikan. P-Patay na ako."

Natigilan si Mika sa sinabing iyon ng kaniyang head chef. "Ano ang ibig mong sabihin?"

"Hindi na ako makakabalik pa sa totoo kong panahon. Wala na ako," humahagulgol na saad ni Sarina. Parang dinudurog ang kaniyang puso sa nangyayari. Ang takot na nararamdaman niya kanina ay hindi parin nawawala sa kaniyang sistema.

Nagkatinginan na lamang si Mika at si Tandang Arus. Hindi na muna sila nagtanong pa at hinayaan na muna si Sarina na umiyak at ilabas ang bigat na nararamdaman nito.

Matapos ang ilang minuto ay napatahan na ni Mika si Sarina. Nakaupo na ito ng maayos sa isang silya habang nakayuko at sa dalawa nitong kamay ay nakaipit ang isang baso ng tubig.

"Ayos ka na?" Tanong ni Mika at hinaplos ang likod nito.

Marahang tumango si Sarina. Hanggang ngayon ay hindi parin maalis ang takot na naramdaman niya kanina noong ibinabaon siya sa lupa. Ang takot niya noong mga oras na iyon ang papatay sa kaniya, hindi iyong kawalan ng hangin sa loob ng kabaong.

"Nakakatakot..." Panimula ni Sarina.

Tumayo naman si Isko dahilan upang mapatingin sa kaniya ang lahat.

Ngumiti siya ng tipid. "Ako ay lalabas muna. Ako ay wala naman pong alam sa inyong pinag-uusapan kung kaya't bibigyan ko na lamang kayo ng pribadong espasyo," saad nito saka yumuko nang kaunti at lumabas na ng bahay.

Pinili niyang umalis nalang kaysa ang marinig pa ang pag-uusapan ng tatlo. Nais niyang malaman ang nangyayari. Ngunit nasisiguro niyang kapag bumukas ang mga bibig nito ay siguradong maguguluhan lamang siya.

Hindi rin naman magsasalita ang kaniyang amo upang ipaliwanag ang lahat sa kaniya. Kaya mas mainam na hindi na lamang niya marinig ang pag-uusapan nito upang hindi na madagdagan pa ang kaguluhan sa isipan niya.

Nang makalabas si Isko ay napabuga ng hangin si Sarina. Mugto pa ang kaniyang mga mata dahil sa pag-iyak. Ang ilong ay namumula. Ang dalawang kamay na may hawak na baso ay nanginginig.

"Ano ang iyong nakita?" Tanong ni Tandang Arus.

Huminga muna ng malalim si Sarina. Kalmado na siya. Ngunit tuwing naaalala niya ang nangyayari ay dinadapuan siya ng takot.

"N-Nakabalik ako sa totoo kong mundo. Pero nasa loob ako ng kabaong at inililibing na ako sa ilalim ng lupa." Pagkekwento ni Sarina at mabilis na umiling. "Ayoko na. Ayoko nang bumalik pa roon. I don't want to experience that again." Nanginginig at natatakot nitong sabi.

Ang dating mayabang na ngisi nito sa labi ay nawala. Ang mayabang at arogante nitong presensya ay napalitan ng takot at sakit. Ibang iba sa Sarina na kilala ni Mika.

Nagkatinginan na lamang si Mika at si Tandang Arus. Pareho ang kanilang iniisip.

"Isang lamang ang ibig sabihin noon." Saad ni Tandang Arus kaya napatingin sa kaniya ang dalawa. "Patay ka na at wala ka ng lugar sa mundong iyon, Binibini."

Natahimik nalang si Sarina. Hindi na niya alam kung ano ang sasabihin. Masyado pa siyang natatakot. Pakiramdam niya ay nasa loob parin siya ng kabaong na iyon at naghahanap ng hangin at umaasang huhukayin ulit

"Mabuti na lamang pala at naibalik ka namin agad dito," saad ni Mika at malungkot na napatitig sa kaniya. Naaawa sa naranasan ng kaniyang head chef.

"Nakausap ko si Azrael..." dadag pa ni Sarina. "Patay na siya. Pinatay niya ang sarili niya."

Nanlaki ang mga mata ni Mika sa narinig at napatitig sa kaniya. "Kung ganoon ay ayaw na talaga niyang bumalik sa katawan niya?"

"Ang sabi niya sa sa akin ay patay na siya at pinapaubaya na niya sa akin ang katawan niya." Naluluhang saad ni Sarina habang nakayuko parin at nakatitig sa tubig na nasa loob ng basong hawak niya.

Napatitig si Mika kay Sarina. Hindi alam kung dapat ba siyang matuwa sa balitang iyon dahil hindi na siya iiwan ni Sarina o malulungkot dahil hindi na ito kailanman makakabalik pa sa totoo nitong panahon.

Napabuga ng hangin si Sarina. Hindi niya maintindihan ang iba sa nangyari sa kaniya. Ngunit isa lang ang tumatatak sa isipan niya. Iyon ay wala na siyang lugar pa sa panahon niya at ang buhay na mayroon si Azrael ay kaniya na.

Napayuko siya. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya sa balitang ito o malulungkot sa sinapit niya at sa sinapit ni Azrael. Naawa siya sa nangyari kay Azrael. Paano na ito? Paano na ang katawan nito? Ang buhay nito?

"Huwag ka nang mag-isip pa ng malalim, Binibini. Naintindihan mo naman na 'di ba ang sinabi ng may-ari ng katawang iyan. Ang katawan niya ay iyo na. Wala ka ng
dapat alalahanin pa dahil ang buhay mo sa iyong panahon ay wala na," saad ni Tandang Arus. Isinara na nito ang librong naglalaman ng ritual saka ito napabuga ng hangin. "Wala ka nang magagawa. Dito ka na mananatili, Binibining Sarina."

Hindi na lamang sumagot si Sarina dahil totoo ang sinabi ni Tandang Arus. Wala na siyang lugar pa sa panahon niya. Ang buhay ni Azrael dito ay kaniya na. Wala na siyang magagawa pa upang makabalik sa panahon niya. Ang magagawa nalang niya ay tanggapin ang buhay na binigay sa kaniya ni Azrael.

Ngunit kahit na si Azrael na mismo ang nagsabi ay hindi niya parin maiwasang maawa rito. Paano na ito? Ayaw naba talaga nitong bumalik? Kung ganoon ay bakit? Bakit nito pinatay ang sarili nito? Bakit ganoon na lamang nito kadali na ipamigay ang sarili nitong buhay?

"Huwag mo na masyadong isipin iyon. Ang dapat nga ay magpasalamat ka kay Azrael sapagkat dahil sa kaniya ay nabigyan ka pa ng pangalawang buhay," saad ni Mika.

Napatingin sa kaniya si Sarina at doon na ito napangiti ng tipid. Tama ito. Ang magagawa na lamang niya ngayon ay tanggapin ang katotohanang hindi na siya makakabalik pa sa panahon niya at magpasalamat kay Azrael dahil sa bagong buhay na ibinigay nito.

Napabuga ng hangin si Sarina at napapikit. Kung nasaan ka man Azrael, sana ay masaya ka na riyan. Nangangako akong simula ngayon ay pahahalagahan ko ang buhay na bigay mo at aalagaan si Mikael.... Saad niya sa kaniyang isipan. Umaasang maririnig siya ni Azrael. Ay siya nga pala, don't worry. Ako na ang bahala, aalamin ko kung ano ang problema at kung bakit mo tinapos ang sarili mong buhay. Dagdag niya pa.

Muli siyang dumilat at nakangiting mukha ni Tandang Arus ang una niyang nakita. "Narinig niya ang iyong mensahe. At masaya siya sa iyong sinabi. Dinugtong na lamang niya na huwag mo na raw alamin pa ang dahilan ng kaniyang pagpapakamatay, maayos na raw siya at kontento na," saad nito saka ito sumandal sa upuan.

Dahil sa sinabing iyon ni Tandang Arus ay napangiti si Sarina. Kung nasaan kaman Azrael ay maraming salamat. Pero hindi mo ako mapipigilan sa gusto kong gawin. Aalamin ko ang dahilan kung bakit ka nagpakamatay, hindi ako titigil hangga't hindi ako naliliwanagan, Azrael.

Napabuga nang hangin si Sarina at nakipagkamay kay Tandang Arus. "Maraming salamat po sa tulong mo kahit na nasayang ko lang ang dalawang pagkakataon mo na makapaglakbay sa panahon."

"Ayos lamang, wala rin naman akong balak na maglakbay sa mga panahon. Kontento na ako sa buhay ko rito." Sagot ni Tandang Arus saka ito nagpakawala ng isang ngiti.

Napangiti na lamang si Sarina at yumuko upang magbigay galang dito. Nagpapasalamat siya sa tulong nito. Dahil dito ay naliwanagan siya na hindi na talaga siya makakabalik pa. Dahil dito ay nagawa niyang magising sa katotohanan.

"Magpahinga na muna kayo rito saka kayo bumalik sa inyong kaharian. Siguradong pagod kayo, lalo ka na," turo nito kay Sarina saka ito ngumiti. "Dahil ilang paglalakbay ang iyong nagawa ngayong araw."

Mabilis namang tumango si Sarina. Pagod na pagod na nga talaga siya. Ang gusto nalang niya ngayon ay humiga sa malambot na kama.

Kinagabihan ay nanatili ang tatlo sa labas ng bahay ni Tandang Arus. Tahimik lamang sila habang nakahiga sa malaking telang nakalatag sa damuhan at habang nakatitig sa mga bituin sa kalangitan.

Habang nakahiga sila ay may isa pa silang malaking tela at iyon ang kanilang ginawang kumot upang mabawasan ang lamig. Napapagitnaan ni Mika at ni Isko si Sarina.

Tahimik lamang silang tatlo. Si Sarina na malalim ang iniisip dahil sa nangyari sa kaniya. Si Mika na tahimik lang rin dahil pinapakiramdaman ang nararamdaman ng kaniyang head chef. Si Isko na tahimik lang rin dahil nadamay lang sa emosyon ng dalawa. Nakikisama lang siya.

"Sa palagay ko ay nakatadhana talaga ako rito," basag ni Sarina sa katahimikan habang nakatitig sa mga bituin sa kalangitan.

Sabay na napalingon ang dalawa niya pang kasama sa kaniya. Si Mika na nalungkot sa sinabi ng kaniyang head chef at si Isko na kinabahan dahil tila wala ng balak na bumalik sa kaharian ng Silangan ang kaniyang amo.

Hindi ito maaring manatili rito sa bundok ng Mawi!

"B-Binibining Azrael, ako'y malilintikan kapag mananatili tayo—"

Hindi na natapos pa ni Isko ang kaniyang sasabihin dahil isang maliit na palad ang tumakip sa kaniyang bibig. Tinakpan lang naman ni Sarina gamit ang kaniyang palad ang bibig ni Isko upang matahimik ito. Dahil din sa kamay ni Sarina kaya hindi makahinga si Isko dahil pati ang kaniyang ilong ay natatakpan nito.

"Babalik pa tayo, huwag kang kabahan. Iba ang tinutukoy ko," saad ni Sarina at muling napabuntong-hininga, ramdam niya ang kamay ni Isko na pilit tinatanggal ang kaniyang kamay mula sa bibig nito.

Natawa nalang si Sarina sa ginagawa nito saka ito pinagbigyan sa gusto nito. Nang tanggalin na ni Sarina ang kamay niya sa bibig ni Isko ay kaagad itong nakahinga ng maluwag. Kung hindi pa tinanggal agad ni Sarina ang kamay niya ay siguradong nalagutan na ito ng hininga.

Napahawak nalang si Isko sa kaniyang dibdib at huminga ng malalim sabay buga ng malakas. Muntik na siyang bawian ng buhay ng wala sa oras!

Bukod sa muntik na niyang pagkakamatay sa kamay ng kaniyang amo ay may bumabagabag rin sa isipan ni Isko. Nais niyang magtanong tungkol sa mga nangyayari ngunit alam niyang mas maguguluhan lang siya sa magiging sagot ng kaniyang amo kaya hindi na lamang siya magtatanong.

"B-Binibini, tila ikaw ay may dinadalang problema. Ngunit kung ano man iyan ay alam kong malalampasan mo rin iyan," saad nalang ni Isko dahil pati siya ay nahahawa sa pagiging malungkot ng dalawa.

Habang nakatitig sa mga bituin ay inabot ni Sarina ang ulo ni Isko at marahan itong tinapik. "Salamat sa pagsama sa akin dito kahit na hindi mo alam ang dahilan."

Napangiti si Isko. Hindi niya maiwasang kiligin sa kaniyang amo. Sinong hindi kikiligin kung tinapik siya nito sa ulo?! Kahit sino ay wala itong kinausap na trabahador sa tahanan nila. Ngunit heto siya, tinapik pa sa ulo ng kaniyang amo!

Hindi niya maiwasang isipin na nakakalamang na siya sa mga kasamahan niya ngayon. Naninigurado siyang kapag naikwento niya ang kaganapang ito sa mga katrabaho niya ay maiinggit ang mga ito sa kaniya. Napangisi siya. Tinatamaan siya ng yabang. Iniisip niya palang na maiinggit ito sa kaniya ay natutuwa na siya.

"Ang labi mo, Isko. Baka mapunit," pang-aasar ni Sarina rito. Kahit gabi ay nakikita niyang nakangiti ito ng malapad.

Kinagat ni Isko ang kaniyang labi upang maiwasan ang pagngiti. "Masaya lamang ako, Binibini."

Natawa nalang si Sarina at tumango. Pinipilit niyang maging masaya at kalimutan ang nangyari. At pakiramdam niya ay nagagawa naman niya iyon dahil ngayon ay tila nababawasan na ang kaba niya.

"Binibini, kalimutan mo na ang nangyari at pahalagahan kung ano ang mayroon ka ngayon," saad ni Mika nang mapansing natulala nanaman ang kaniyang head chef.

Napabuga ng hangin si Sarina. Gusto na niyang magyabang ulit. Gusto na niyang mag-chix hunting ulit. Pero bakit ganoon? Hindi niya magawa.

"Sinusubukan ko na. Pero kahit ganon ay marami paring tanong sa isip ko. Like, bakit ako? Bakit ako pa ang napili niyang umangkin sa katawan niya? Gusto kong malaman lahat. Gusto ko siyang makausap. Gusto kong maliwanagan, Mika."

Mabilis namang nanlaki ang mga mata ni Isko sa narinig. May inangkin ang amo niya?!

Hindi siya makapaniwala! Ang amo niya pa ang nang-angkin! Napakamapusok na binibini!

Mabilis namang hinampas ni Sarina ang braso ng kaniyang katabi dahil naramdaman niya ang pagkagulat nito. May violent reaction nanaman ito sa narinig. Siguradong may iniisip nanaman itong kakaiba sa kaniya.

"Wala akong ginahasa, Isko. Huwag kang OA." Saad ni Sarina.

Napanguso naman si Isko at napahimas sa kaniyang braso. "A-Ano po ba kasi ang ibig niyong sabihin sa inangkin, Binibini? Tsaka ano pong Oh Ey?"

"Wala, matulog ka nalang d'yan dahil maaga pa tayong aalis bukas. Bawal magpuyat ang mga bata," saad ni Sarina. Bata, na-eenjoy niya na ituring itong bata dahil tatlong taon ang tanda niya rito. Pakiramdam niya napaka-superior niya.

Kaagad namang napakunot ang noo ni Isko sa narinig. "Hindi na po ako bata, sa totoo lang ay kaya ko nang gumawa ng bata," saad nito. At kaagad na sumilay sa labi nito ang pilyong ngisi habang nakatingin sa kaniya.

Kaagad ring napangisi si Sarina sa narinig at kaagad na hinampas ang tiyan ni Isko. Aba, same vibes pala sila nito e! Nagustuhan niya ang sinabi nito! Pwede niyang magamit iyon sa mga chix sa bahay-aliwan. Taste niya ang mga ganoon! Mga wild jokes!

"Aba, mukhang nagmana ka sa akin ah," mayabang na saad ni Sarina dito. Same vibes sila na talagang nagustuhan ni Sarina.

Napangisi nalang si Isko, hindi niya rin akalain na sasangayon at matutuwa sa sinabi niya ang kaniyang amo. Nagbibiro lang naman siya.

Napailing nalang si Mika. Naaasiwa sa pinagsasabi ng dalawa. Habang nakikinig sa dalawa ay may naalala siya kaya naman tumagilid siya at hinarap ang dalawa na ngayon ay nagyayabangan at nagpapalitan ng pick up line. Nagtatagisan kung sino ang mas maganda ang pick up line.

"Head chef, naalala ko. Ayaw na ayaw mo sa mga lalake. Pero napapansin kong attracted ka parin naman sa kanila. Pinipigilan mo lang," panimula ni Mika dahilan upang matigilan si Isko at Sarina at mapatingin sa kaniya. "Sabihin mo nga, niloko ka na ba?"

Napangisi si Sarina sa tanong ni Mika. Napapalatak siya ng dila saka napatitig sa mga bituin sa kalangitan. Sa sinabing iyon ni Mika ay madami siyang naalala.

"Ay, kung sa niloko lang ay siguradong may award na ako ngayon," nakangising saad ni Sarina.

"Naloko ka na?!" Gulat na tanong ni Mika.

Pati si Isko ay nagulat rin. Hindi akalaing nagkaroon na pala ng kasintahan ang kaniyang amo.

"Hah! Ilang beses na," napapailing na saad ni Sarina.

Ang dami niyang naalala. Lalo na noong mga oras na umiiyak siya mag-isa sa kwarto. Nagpapakalunod sa alak at kinikwestyon ang sarili kung ano ba ang kulang sa kaniya. Iyong mga oras na nadudurog siya mag-isa dahil sa panloloko ng mga naging boyfriend niya. Yes, halos lahat ng naging boyfriend niya ay niloko lang siya. Kung hindi nangaliwa, ay pineperehan lang siya.

"That's how I started to stop dating men. Masakit maloko, Mika. Ilang beses kong naranasan 'yon, thinking na hindi lahat ng lalake ay manloloko kagaya nga ng sabi nila." Natawa ng mapait si Sarina saka nilingon si Mika. "But bakit lahat sila ay niloko lang ako? Akala ko ba ang mga lalake ay hindi pare-pareho?"

Natahimik si Mika sa sinabi ng kaniyang head chef. Hindi siya makapaniwala na ilang beses na pala itong niloko. At ito ang naging dahilan kaya hindi na ito nagkaroon ng interes sa mga lalake.

Pati si Isko ay nagulat rin. Hindi niya naintindihan ang sinabi ng kaniyang amo ngunit nakakasiguro siya sa kaniyang narinig na ilang beses nang niloko ang kaniyang amo. Hindi siya makapaniwala. Sa ganda nito ay may nanloko pa rito? Napailing si Isko. Talagang nakakatakot na ang mga tao ngayon.

"Ngunit... Tama naman ang sabi ng mga tao, Binibini. Hindi lahat ng lalake ay manloloko. Siguro ay napipili mo lamang ang maling tao," saad ni Mika. Umaasang maliliwanagan ang kaniyang head chef.

Nakangising napapailing si Sarina. "Nah, bahala na sila. Basta ako, sa babae nalang ako. Mas masaya pa," saad ni Sarina. Sarado na ang isip niya.

Miss na miss na niya ang bahay-aliwan sa kaharian ng Silangan. Napapaisip na siya kung kamusta na ba ang mga baby niya roon. Ilang linggo na niya itong hindi nakikita. Nakakamiss. Namimiss niya na ng malalaki nitong boobs na paminsan-minsan ay pinapapisil sa kaniya ng mga chix niya.

Napakagat siya sa kaniyang labi. Mukhang natutuwa naman kasi ang mga chix niyang iyon kapag ginagawa niya iyon.

I'm not a pervert! Sila ang may gusto non! Saad niya sa kaniyang isipan.

"Mas nais mong ibigin ang mga binibini, Binibining Azrael?" Tanong ni Isko. Bago iyon sa kaniyang pandinig sapagkat sa kaharian ng Silangan ay wala pang naideklarang magkasintahan na pareho ang kasarian. Ngunit sa ibang kaharian ay may mga ganoong nangyayari pero ipinagbabawal iyon sapagkat isa raw iyong kapangahasan at kawalang-hiyaan. May mga pinaparusahan pa nga dahil doon kaya naman hindi na nakakapagtaka na hindi pabor ang mga tao sa ganoong relasyon.

"Masarap magmahal ng babae, Isko. Magtiwala ka sa akin, naranasan ko na 'yan." Nakangising saad ni Sarina sabay kindat kay Isko na ngayon ay nakatingin sa kaniya. Ang mukha ay magtatanong kung totoo ba talaga ang mga sinasabi niya.

"Ngunit ikaw naman ang nanloloko sa kanila, Binibini," saad ni Mika.

Sa sinabing iyon ni Mika ay natameme si Sarina. Natigilan siya at napaisip. Hanggang sa manlaki ang kaniyang mga mata at napatakip siya sa kaniyang bibig.

"Oo nga 'no. Pinagsasabay-sabay ko sila," saad ni Sarina nang maalalang nagrerenta pala siya ng sampung babae gabi-gabi sa bar noon sa panahon niya, pati ngayon sa bahay-aliwan na pinupuntahan niya. "Pero nagtatrabaho lang naman sila sa bahay-aliwan. Meaning, maraming lalake ang nakakasalamuha nila. Trabaho nila 'yon. Same lang kami." Palusot ni Sarina.

Natawa nalang si Mika. "Ngunit hindi mo ba naisip na baka kaya ka naloko. Dahil madali lamang lokohin ang mga babae? Madali tayong mapaikot, Binibini."

Napangiwi si Sarina. Wala na siyang pakealam kung madaling maloko ang babae. Basta para sa kaniya ay ayaw na niyang magmahal pa ng lalake. Nadala na siya! Mga manloloko!

Ilang buwan siyang nagdusa kaiisip kung ano ba ang mali sa kaniya, bakit siya iniiwan at niloloko. Ngunit nang magsimula siyang i-date ang mga babae ay doon lang siya natauhan. Walang kulang sa kaniya! Walang mali sa kaniya. Sadiyang manloloko lamang ang mga lalake dahil kailanman ay hindi siya umiyak o nasaktan noong babae na ang mga naging kasintahan niya.

Hindi siya ang may mali. Kundi ang mga manlolokong mga naging boyfriend niya noon.

Ngunit kaagad siyang natigilan nang lumitaw sa kaniyang isipan ang umiiyak na hitsura ni Alas noon sa lawa. Ang namumula nitong mata na napupuno ng luha ay nakatingin sa kaniya.

Mabilis na napahawak si Sarina sa kaniyang dibdib. Bigla itong tumibok na akala mo ay na-eexcite na makita si Alas.

Nanlaki ang mga mata ni Sarina. Pamilyar. Pamilyar sa kaniya ang ganitong pakiramdam. Ito ang nararamdaman niya sa tuwing nagkakagusto na siya!

No way! Hindi pwede! This is a bad sign!

"No!" Hiyaw niya dahilan upang magulat ang dalawa niyang kasama. "Hindi. Hindi ako nagkakagusto sa kaniya. Babae. Babae ang gusto ko."

"Binibini, ano ang nangyaya—" Hindi na natapos ni Mika ang sasabihin niya sana dahil bigla na lamang tumayo si Sarina na tila nagmamadali.

Napatayo rin sila ni Isko habang nagtatakang nakatingin kay Sarina na ngayon ay natataranta na.

"Tara na. Matulog na tayo, bukas na bukas rin ay babalik ba tayo sa Silangan. Kailangan kong makita ang mga baby loves ko," saad ni Sarina saka binitbit ang telang pinaghigaan nila saka siya nagsimulang maglakad pabalik sa bahay.

Hindi siya pwedeng magkagusto kay Alas. Lalake ito. Siguradong lolokohin lang siya nito. Siguradong kapag nagsawa ito sa kaniya ay maghahanap ito ng mas maganda at mas better sa kaniya. Ayaw na niyang maranasan pa iyon! Ayaw na niyang maloko ulit. Manloloko ang mga lalake!

Babae! Babae ang gusto niya!

Hinampas niya ang kaniyang dibdib na ngayon ay marahas na tumitibok sa tuwing naiisip niya si Alas. Siguro ay nangyayari lamang ito sa kaniya dahil ilang linggo na niyang hindi nabibisita ang mga chix sa bahay-aliwan. Sign lang ito na namimiss na niya ang mga baby niya!

Tama! Naguguluhan lang siguro ang puso ko ngayon. Pangungumbinsi niya sa kaniyang sarili. Kaya tumitibok ang puso niya kay Alas dahil hindi na niya nakikita ang mga chix niya. Naguguluhan na ang kaniyang puso.

Ngunit isa lang ang alam niya. Kailangan niya itong pigilan. Dahil sa huli ay siya lang rin ang masasaktan. Oo, cute at mahiyain si Alas. At iyon ang mga tipo niya! Cute at mahiyain. Ngunit ang tao ay maaaring magbago. Hindi mo alam kung ano na ang tumatakbo sa isipan nito. Pwedeng magbago si Alas.

Kaya naman habang maaga pa ay pipigilan na niya ang nararamdaman niyang ito. Babae, sa babae lang siya magkakagusto!

"Binibini, sandali!" Habol ng dalawa kay Sarina na ngayon ay nakapasok na sa bahay ni Tandang Arus. Nagkatinginan na lamang si Mika at Isko saka mabilis na sumunod kay Sarina.

Kinaumagahan ay mabilis na nag-empake ang tatlo. Ngayon ay nasa labas na sila ng kubo habang nakangiti kay Tandang Arus na ngayon ay nakangiti rin sa kanila.

"Bumalik kayo rito kahit kailan niyo gusto, bukas ang aking maliit na tahanan para sa inyo," saad ni Tandang Arus.

Kaagad namang ngumiti ang tatlo at yumuko upang magbigay galang. Matapos ay inabot ni Sarina ang dalawang bayong ng prutas at dalawang bayong ng tinapay na binili pa nila sa Hilaga bago sila nagtungo rito. Hindi ito mabilis masira kaya ito ang naisip niyang ibigay kay Tandang Arus.

"Handog ko po sainyo. Balita ko po kasi ay hindi kayo tumatanggap ng salapi," saad ni Sarina. Nawala na rin ang takot niya sa matanda. Hindi kagaya noong una niyang kita rito.

Napangiti si Tandang Arus at tinanggap ang apat na bayong. Hindi niya maiwasang matawa dahil sa sinabi ni Sarina. Dahil totoo iyon. Hindi siya tumatanggap ng salapi bilang pasasalamat.

"Kahit na wala kang ibigay ay ayos lamang, Binibini. Huwag ka na lamang magbigay pa ng salapi sapagkat wala naman akong panggagamitan niyan," saad ni Tandang Arus at pinakita ang kaniyang kapaligiran. "Nasa bundok ako, hindi na ako bumababa pa kaya aanhin ko ang salapi. Ngunit maraming salamat sa handog mong ito, Binibini."

Ngumiti naman si Sarina at yumuko ulit. "Maraming salamat din po sa pagtulong sa akin. Mauuna na po kami," saad niya saka na siya kumaway.

Kumaway rin ang matanda habang nakatingin sa kanila. Tumalikod na sila at nagsimula nang maglakad paalis sa bundok.

Napabuga ng hangin si Sarina. Ito na ang araw na magbabalik siya. At sa pagbabalik niya, ang buhay ni Azrael ay tuluyan nang mapapasakamay niya.

**********

Continue Reading

You'll Also Like

19.2K 315 38
Kai is something what You can say is a prodigy he always loved playing Soccer he found it fun that he was so much better than everyone one day he get...
8.7K 525 57
Isang Nerd Mahirap Magaling makipaglaban Inaayawan ng ibang tao Pulubi na kung pulubi ang turing nila sa kanya Sya pa rin pala ang tagapagligatas nyo.
1.2K 63 24
It's is story mystery princess name dark she have happy life happy family but now its about going to change for her her parents got murder she was 6...
10.3M 770K 88
Marriage had always been my dream but not to a man about whom I know nothing. The moment my father fixed an alliance of me to a Prince without even t...