Moymoy Lulumboy Book 2 Ang N...

By Kuya_Jun

78.3K 2.9K 111

Moymoy Lulumboy Book 2 Ang Nawawalang Birtud by Kuya_Jun More

PROLOGUE
KABANATA 1
KABANATA 2: NAIIBANG KAKLASE
KABANATA 3: MGA TIBARO SA AMALAO
KABANATA 4: PATUNGO SA GABUN
KABANATA 5: ANG NAGPAKILALANG INA
KABANATA 6: ANAK NI BUHAWAN
KABANATA 7: ANG KAPANGYARIHAN NI AMORA
KABANATA 8: ANG PAGDIRIWANG AT SI IMA
KABANATA 9: PAGDATING NI ALANGKAW
KABANATA 10: SI TRACY SA SIBOL ENCANTADA
KABANATA 12: ANG MGA WAKWAK
KABANATA 13: NAKANINO ANG BERTUD?
KABANATA 14: ANG PAGDALAW
KABANATA 15: KAILANGAN KO ANG TULONG NIYO
KABANATA 16: BAKIT, ALANGKAW?
KABANATA 17: DAMDAMIN NG ISANG INA
KABANAT 18: SA BULKAN NG TAAL
KABANATA 19: ANG NAGHAHANAP
KABANATA 20: SA LIBRARY NAGANAP
KABANATA 21: MAY BALITA ANG BALA
KABANATA 22: MAGKAPATID SA SUMISIKAT NA ARAW
KABANATA 23: ANG BUHAY NA SI BUHAWAN
KABANATA 24: ISA SA MGA GINTO NG BUHAY
KABANATA 25: SA GABUN ITINULOY
KABANATA 26: INA NG MGA ANAK
KABANATA 27: ANG PAGSAULI
KABANATA 28: INGKONG DAKAL
KABANATA 29: NARITO LAMANG AKO
KABANATA 30: MGA BINALIKAN

KABANATA 11: ANG DALAWANG INA AT ANG DATING MUNDO NG MGA TIBARO

1.9K 94 0
By Kuya_Jun


SA VERANDA ng hardin ng palasyo ng Sibol, pinagmamasdan ni Tracy ang mga bituin na nasa kalangitan.

"Walang pinagkaiba ang mga bituin dito sa amin," sabi ni Tracy.

Marahan ay nilapitan siya ni Lilliw.

"Wala naman talagang pinagkaiba ang mundo natin, Tracy. Ang pagkakaiba lang ay ang panlabas na kaanyuan natin," malumanay na sagot ni Liliw.

Humarap si Tracy kay Liliw. "Tapatin mo 'ko, ayoko nang paligoy-ligoy, ano ang plano mo? May balak kang kunin si Moymoy?"

Napaisip si Liliw at pagkatapos ay mapait na ngumiti at umiling.

"Ano'ng gusto mong sabihin sa akin? May ibig sabihin ang ngiting 'yan, mahal na diyosa?"

Umiling na muli si Liliw, tiningnan niya nang diretso si Tracy. "Gusto kong magpasalamat... sa 'yo... Sa pagpapalaki mo kay Moymoy"

"Welcome." Nagkibit-balikat si Tracy, walang maapuhap na sasabihin kaya itinapon ang mga tingin sa paligid.

"Pinalaki mo siyang napakabuting bata," pagpapatuloy ni Liliw.

"Oo naman. Bawal ang matigas ang ulo. Sumusunod sa akin ang bebe ko."

Napangiting muli si Liliw.

"Bebe, yun ang tawag ko sa kanya. Terms of endearment. Sa akin ang tawag niya, Mama, minsan Mommy. Minsan pinapaiksi niya—Ma."

Napaisip si Tracy. "Ikaw? Sa 'yo—kung gusto mo, Nanay, Inang?"

Marahang lumapit si Liliw kay Tracy, hinawakan ang dalawang kamay nito. Tiningnan ni Liliw ang nakabukas nitong palad. Saglit na natigilan si Tracy habang naikikita niyang pinagmamasdan ni Liliw ang kanyang palad. "Ito ba? Ito ba ang tunay na palad ng isang inang nag-aruga sa anak? Muli, maraming salamat sa 'yo." Inangat niya ang kanyang mukha at tiningnan si Tracy. "Hindi ko maaaring makita ang anak ko. Hindi ko siya puwedeng hawakan, dahil maganganib ang buhay niya. Ganoon ang likas na katangian namin—na kapag nagkaanak ang isang Apo na kagaya ko sa isang tibaro ay mamamatay ang magiging anak namin kapag nagpakita ito sa akin—kapag hinawakan ko, niyakap, at tinitigan. Kapag nagpakita ako kay Moymoy, ipapahamak ko ang buhay niya. At hindi ko iyon gagawin sa anak ko." Malunanay ang pagsalaysay ni Liliw.

"Ay may ganyan bang drama? Ang lupit pala."

"Tracy, nakasaad sa liya—si Moymoy ang magliligtas sa tibaro ng Gabun. Siya ang babawi ng sumpa." May diin ang mga salitang iyon ni Liliw.

"Hindi ko masyadong maintindihan ang bagay na 'yan. Ang sumpa. Si Moymoy ang bayani ng lahat ng tiga rito. Sorry talaga. Napakabata pa lang niya, kaya niya? 'Yung nakita ko noong gabi na pakikisagupa niya sa masasamaang loob, malay ko kung tsamba-tsamba lang niya o tinulungan mo siya."

"Hindi ko siya maaaring tulungan. Ang mga Apo ng Sibol ang nagpataw ng sumpa at wala kaming kakayahang bawiin iyon. At lalong hindi ko magawang tulungan si Moymoy dahil mamamatay siya kapag nagkaroon kami ng ugnayan sa ano mang bagay," pagdidiin ni Liliw.

"Ano ba talaga 'yang sumpa na 'yan?"

"Noong araw, ang mga tibaro ay maliligaya sa piling naming mga Apo, dito sa Sibol Encantada. Dahil sa ginawa ni Buhawan—nang pasukin niya ang Panalturan at dalhin ang ilang Ginto ng Buhay na naroon, pinarusahan namin sila. Ang dati nilang buhay na halos walang suliranin dito sa Sibol ay binawi namin. Hindi mo iyon lubos na nalalalaman dahil isa kang buntawi at hindi tiga rito."

"Siguro nga," biglang napaisip si Tracy." Ay oo naman!"

Huminga nang malalim si Liliw at tiningnan nang diretso si Tracy. "Gusto mo bang malaman kung ano ang buhay ng mga tibaro noong hindi pa ipinataw ang sumpa? Gusto mong malaman kung gaano kaganda ang buhay nila noon, sa piling naming mga Apo. Nang narito pa sila sa Sibol Encantada?"

"Sure. Gusto kong makita at gusto kong malaman, pero papaano?"

"Tumingin ka at tumingala ka sa mga bituin," utos ni Liliw kay Tracy.

Sumunod si Tracy sa sinabi ni Liliw. Ikinumpas ni Liliw ang kanyang kamay at sa marahang paraan, nag-iba ang paligid. Kahit na nanatili sila sa kinatatayuan nila, nakarating sila sa ibang dimensiyon. Sa dimensiyon ng ibang panahon. Ibinalik ni Liliw sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan ang nakaraan—noong ang mga tibaro ay maliligaya pa na parang nasa paraiso ang mga ito sa Sibol Encantada.

Marahang pinagmasdan ni Tracy ang paligid—napansin niya kaagad ang pinagkaiba ng lugar kanina sa ilang saglit lang. Bigla ay nabatid na niyang naiiba ang kanyang nakikita kaysa nakita na niya noon pa sa Gabun. Hindi nakatakas sa kanya ang ilang nilalang na naroon sa kanyang kinatatayuan—ang nagliliparang mga nilalang na may magaganda at mapuputing pakpak.

"Iyan ang mga manananggal noon, Tracy," sabi ni Liliw.

Patuloy na napapanganga si Tracy sa kanyang nakikita. Sa isang dako ay nakita niya ang naglalakad na mga binata't dalaga. Lahat sila ay pare-pareho ang mga damit—lampas tuhod ang bestida ng mga babae, samantalang ang mga lalaki'y naka-polo na mahahaba ang manggas na kulay puti rin. Ang kanilang pantalon ay abuhin. Malinis ang paligid at ang mga halaman ay mayayabong. Kung hindi maraming prutas ang mga punongkahoy, hitik sa makukulay na bulaklak ang mga ito. May mga kalalakihan na namimitas ng prutas at ang kababaihan naman ay naghihintay sa ibaba at sinasalo nila ang mga pinipitas ng mga lalaki sa pamamagitan ng kani-kanilang basket. Ang iba'y lumilipad-lipad at namimitas ng bulaklak o di kaya'y mga prutas sa mga punongkahoy.

"Iba-ibang tibaro ang mga 'yan, may mga aswang, manananggal, duwende..."

Nakita ni Tracy ang mga duwende na may magaganda at kumikinang na mga damit na naglalaro sa malinis na damuhan.

"Halika..." Marahan ay hinawakan ni Liliw ang kamay ni Tracy at pagkatapos ay umangat sila sa lupa. Hindi ito ikinagulat ito ni Tracy—bagkus ay patuloy na nawiwili siya sa kanyang nakikita.

Isang malamig at preskong hangin ang sumasalubong sa mukha at katawan ni Tracy habang limilipad sila at nakatingin sa buong Sibol Encantada...

Nalalaman ni Tracy na lumilipad siya kasama si Liliw. At sa ibaba ay nakikita niya ang kumunidad ng mga tibaro. Ang kanilang mga bahay ay iba iba pero maririkit. Maririkit dahil, iba't iba ang makukulay ang mga ito. Napapaligiran ng mga halaman at mga puni na namumulaklak at namumunga. Kapansin-pansin na ang kanilang mga bahay ay nakahilera sa mga burol. Mayroong nasa paanan ng burol at mayroon namang nasa itaas. Mayroon ding mga bahay na nakadikit sa burol at ang makukulay na pinto ang makikitang nakadikit sa burol—na an gang loob mismo ng bahay ay nasa burol. Sa gitna ng komunidad ay makikita ang malaking liwasan na pinagdadausan ng ano mang pagdiriwang. Pantay-pantay ang damo nito at napapaligiran ng mga halamang mabulaklak. Sa isang tabi naman ay may look na may malinis na tubig na malayang dumadaloy patungo sa talon. Dito ay sari-saring mga ibon at mapuputing bibe at mga gansa ang naglalanguyan. Sa tabi ng look ay ang malaking balon na pinagkukuhanan nila ng malinis na tubig. Nakita ni Tracy na may kaayusan ang kapaligiran at ang mga tibaro ay matiwasay na nabubuhay.

"Napakaganda... Isa itong paraiso." Hindi naiwasan ni Tracy ang mag-komento sa kanyang nakikita.

Sa ilang saglit, nagulat siya nang unti-unti ay dumidilim. Ang maliwanag na araw ay natatakpan ng dilim. "Ano'ng nangyayari?" tanong ni Tracy kay Liliw.

"Natupad ang sumpa," sagot ni Liliw.

Nakita ni Tracy na ang mga tibaro na tumingala sa kalangitan. Lahat sila ay nagtataka—pinagmamasdan ang nagaganap sa paligid. Isa-isang nakita ni Liliw na nag-iiba ang anyo ng mga aswang. Naging malahalimaw ang mga ito. Ang mga manananggal ay naging kulay itim ang mga pakpak. Ang mga duwende ay lumiit pa lalo. Nagtakbukan ang mga nuno sa burol. Isang manananggal ang nagtungo, bumulusok na lumipad sa harapan ni Tracy—biglang nag-iba ang anyo—nanlisik ang mga mata, nahati ang katawan, umitim ang pakpak, nagkabalahibo ang katawan, at biglang inilabas ang mahabang dila.

*****

Sa isang iglap, natagpuan ni Tracy ang sarili sa veranda ng palasyo sa kinatatayuan niya kanina lamang kasama si Liliw. Para siyang nakatulog ng mahimbing sa isang napakagandang panaginip at biglag nagising nang magsimula ang isang bangungot.

"Hindi mo kailangang makita ang hindi magandang pangyayari."

Ang tinig ay nagmula kay Liliw na nanatiling nasa kanyang tabi.

"Ipinakita ko lang sa 'yo ang kalagayan ng mga tibaro noong nandito pa sila sa Sibol. At ang kinahinatnan nila sa sumpa... huwag na lang," malumanay na sabi ni Liliw.

Bumaling si Tracy kay Liliw at naging seryoso ang kanyang tinig. "Ano ba talaga ang kinalaman ni Moymoy rito, kung hindi mo naman siya kukunin sa akin?"

"Anak ko siya, sa akin siya nanggaling. Ang kanyang ama ay isang mahusay na mandirigma. Taglay niya ang dalawang malalakas na puwersa—ako bilang may diwani, at ang ama niya na matapang sa ano mang laban. Siya ang may kakayahan na bawiin ag sumpa."

"Ano'ng gusto mong gawin ko?"

"Nanganganib ang buhay mo rito, Tracy."

Naghari saglit ang katahimikan.

Ipinagpatuloy ni Liliw ang kanyang sinasabi. "Minsan ka nang nagtungo rito noon—dinukot ka ng mga rebelde, si Buhawan at ng kanyang pangkat."

"Ha? Paano nangyari iyon?"

"Binura namin sa iyong alaala ang naging karanasan mo rito."

"Gano'n ba?"

Tumango si Liliw.

"Pero napakagaling ni Moymoy. Sabi mo nga, anak mo siya at anak siya ng isang matapang na mandirigma."

"Walang duda na makapangyarihan si Moymoy. Pero sa kasalukuyan, ang bertud ni Buhawan ang hinahanap ng mga rebelde para buhayin itong muli."

"Kalabisan ako rito, gano'n ba?"

Matipid na ngumiti si Liliw. "Isang bagay ang dapat mong malaman."

"Ano 'yon?"

"Nalalaman ko—nagdesisyon na si Moymoy noon pa."

"Na ano?"

"Babawiin niya ang sumpa. Lalaban siya. Kakalabanin ang puwersa ng mga rebelde ng Gabun."

Continue Reading

You'll Also Like

43.8K 3.9K 31
Ika-apat na aklat. Hindi makapaniwala si Jake sa kanyang pinagmulan. Mula nang tulungan niya si Carol na sagipin si Zandro, hindi na niya muling naal...
58.4K 1.6K 25
|| Book 2 Completed || Akala nila tapos na. Akala nila matatahimik na sila. Pero bumalik sya. Bumalik sila! Para muling guluhin ang barkada. (Book 2...
20.9M 767K 74
â—¤ SEMIDEUS SAGA #01 â—¢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
626K 14K 45
"Naglalakad ako patungo sa aming classroom nang matanaw ko sa kabilang dulo ng hallway ang isang grupo ng mga kalalakihan. Parang lindol ang tindi ng...