Aftertaste of The Night (Pere...

By chiXnita

23.3K 1.4K 472

[ Pereseo Series #3 ] Akira Menaide Pereseo got pregnant before her graduation. She made a promise to herself... More

Aftertaste of The Night
Start
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19

Chapter 2

927 62 10
By chiXnita

‧͙⁺˚*・༓☾ CHAPTER 2 ☽༓・*˚⁺‧͙

Fynn Andrei del Mazo, 29 years old.

I tried to search something about him online, but I couldn't find anything helpful other than his age and that his family owns a food chain company.

Sabi ng informant ni Maddie, matagal na raw itong bumuwag sa pamilya nito. He started his own business at the age of twenty-five. What kind of business? I don't know. Kung gusto ko raw malaman, tanungin ko na lang sa personal dahil magkikita naman daw kami.

Minsan gusto ko na talagang sakalin si Madeline. Hindi ako sigurado kung gusto niya ba talaga akong tulungan o pahirapan.

"Are you ready, Hon?" Napalingon ako nang bumukas ang pinto sa kuwarto. I was doing my hair and make-up nang sumilip si Jordan.

Jordan's my boyfriend. We celebrated our second anniversary last month. He's my first and last boyfriend since I gave birth to Brandon. Bran is six years old now. Si Jordan din ang pinakamatagal kong nakarelasyon. Sa mga past relationships ko, masuwerte na kapag umabot 'yon ng anim na buwan.

Desidido na ako na si Brandon lang ang makakasama ko hanggang sa tumanda ako. But Jordan courted me for almost two years. Nung una, out of pity lang siguro at gusto ko lang subukan makipag-commit ulit kaya sinagot ko siya. But he has been faithful to me ever since. Wala akong mahanap na butas sa kanya. He's kind, good-looking, and Bran likes him.

I don't see him cheating on me or breaking up with me. If we ever break up, I'm sure it will be my fault.

May anak na ako pero tanggap niya si Bran simula umpisa kahit na ayaw ng pamilya niya sa akin noon dahil sa typical na ugali ng mga pinoy kapag single mother ang isang babae.

Nagkakilala kami sa trabaho. Parehas kaming nagtatrabaho sa isang travel agency. Nag-graduate ako sa kursong BSTM. He trained me in my first month. He's our supervisor now. He's a hard worker so I wouldn't be surprised if he becomes a manager in the next few years.

As for me, I don't care about promotion. I only work for our daily needs. And to save money. I don't intend to work long. I want to start my own business before Brandon enters senior high school.

"Yes. Tara na?" Tumayo ako mula sa harapan ng salamin. I took my bag and hooked my hand on his arm.

For now, I need to work. Hangga't walang sapat na ipon, trabaho lang nang trabaho.

"Nasa school na ba si Bran?" tanong ni Jordan habang isinusuot sa akin ang helmet. Sabay kaming pumapasok sa trabaho at umuuwi gamit ang kanyang motor.

"Nakaalis na sila ni Yana." Pamangkin niya si Yana. Ito ang palaging kasama ni Bran pumasok at umuwi dahil parehas sila ng school na pinapasukan. Grade 9 na ito at nangako naman na siya ang bahala kay Bran sa tuwing may pasok.

When Bran was in kindergarten, I hired a nanny to look after him because I had to work. But after I caught her pinching and hitting my son with a notebook, I will never trust anyone else to watch over him again.

Nag-alok si Jordan na si Yana ang magbabantay dahil siya ang nagpapaaral sa pamangkin niya. Nung una ayoko pa kasi bata pa rin naman si Yana. Hindi ako sigurado kong nagbabarkada ba siya sa school. Pero alam ko naman na hindi lahat ng estudyante katulad ko nung nag-aaral pa kaya pumayag din ako kalaunan.

I'm sure that when Jordan proposes to me, I will say yes.

Ayos lang naman kasi kay Bran. Madalas oo lang naman ang sagot niya dati sa mga sinasabi ko. Ngayon na nagkakaisip na siya, hindi ko na alam kung papayag pa siyang magpakasal kami ni Jordan.

So, I can't tell Jordan about the list either. I don't know how to explain it to him. He asked me before about Bran's father. But when I said it was a long story and I didn't want to talk about it, he respected that. He never asked me about it again.

Although I want to open up to him, I'm worried that he may not understand me, and we may end up fighting. Brandon's choices will always be my priority over anything else.

I really don't want to hurt Jordan.

Dumating ang araw ng pagkikita namin ni Andrei. Maddie gave my contact number to his secretary. I received a call from his secretary yesterday to let me know about our appointment today.

Magkita raw kami sa isang coffee shop. Nagpaaga ako dahil ayoko naman na ako ang hinihintay. Hindi ko rin alam kung ma-traffic ba at commuter lang ako. Ayokong abalahin si Jordan na ihatid ako dahil hindi niya nga alam ang lakad kong ito.

Tinitingnan ko ang wallet ko kung may pera pa ba ako pangkape nang may dumaang lalaki na may hawak ng leash ng aso. Sumusunod ang malaking asong itim sa kanya. Dahil na-trauma ako nung ten years old ako dahil kinagat ng aso sa kanang binti, automatic na humakbang paatras ang mga paa ko. Pakiramdam ko kapag may nakikita akong aso na hindi ako pamilyar, susunggaban ako.

I didn't anticipate what happened next.

Someone bumped into me.

"Oh my! Are you blind?" Kasabay ng inis na tili nito, halos mapatalon ako nang maramdaman ang malamig na likido na tumapon sa likod ko.

Dali akong humarap para tingnan kung sino ang nakabangga sa akin. Humingi agad ako ng paumanhin. I was expecting an apology from her, too. Pero sa itsura ng babaeng kaharap ko kung wala lang siyang hawak na kape at cellphone sa kabilang kamay niya, parang malutong na sampal ang makukuha ko. She was glaring at me from head to toe.

Tiningnan ko ang kanyang light dress na suot. May bahagyang kape na tumalsik sa bandang dibdib niya. Pero hindi iyon maikukumpara sa natapon sa akin. Kulang na lang makalahati ang hawak niyang kape. At gumagapang pa rin ang basa sa laylayan ng damit ko.

"Look what you've done! How am I going to fix my dress? I have something important to go to."

Tumingin ako sa kaliwa ko. Hinabol ko ng tingin ang itim na asong kumakaway ang buntot. Huminga ako nang malalim para kumalma. I suddenly remembered my teenage self. Kung 'yon siguro ang nakabangga ng babaeng 'to, kanina pa natuklap sa anit ang buhok niya.

Tanga ba siya? Siya lang ba may lakad, ha? Kaya nga ako nakabihis ng pang-alis at nasa labas ako dahil may lakad ako.

Siya na nga itong bumangga at tinapunan ako ng kape, siya pa ang may ganang mag-inarte? Siya ang nakaharap at nakatingin sa akin, sana umiwas siya hindi 'yong babanggain pa niya.

Kilalanin niya talaga binabangga niya. Kapag hindi ko natansiya sarili ko, papatulan ko talaga siya.

"I'm so sorry, Miss..." Sa halip, humingi na lang ulit ako ng pasensiya. Kailangan talaga sa buhay, mahaba pasensiya mo. Kahit ilang sagi na lang mapuputol na rin ang pisi ng pasensiya ko.

"No! I can't accept your apology."

'Di 'wag! Ampotchingina mo. Pinipilit ba kita?

Tumalikod ako para iwan na siya doon dahil ayoko magkasala, pero bigla niyang hinarang ang isang paa sa daraanan ko kaya natisod ako.

If it wasn't for the man who came out of the coffee shop and accidentally caught my fall, my face would have definitely kissed the rough floor.

Shit!

Pakiramdam ko lumabas ang puso ko sa dibdib at lumipad sa kalawakan ang kaluluwa ko. Kung hindi lang nagsalita ang lalaki at sa pabango niyang kinikiliti ang ilong ko, hindi ako mapapakurap.

"Are you okay, Miss?" nananantiya ang boses niya. My face was pressed against his chest, so I looked up to peek at his face. Nang mapatitig ako sa kanyang mukha, kumunot ang kanyang noo. Napapikit ako dahil nasilaw sa sinag ng araw.

He was wearing sunglasses so I couldn't read what he was thinking. I stood firmly and never glanced at the man's face again. I just stared at his chest. I gasped when I saw the lipstick mark on his polo shirt.

Nyeta! Nagkalat ka na naman, Akira!

Sa nataranta ay mabilis kong idinikit ang palad sa dibdib niya para tanggalin ang lipstick stain. "Hala! Sorry..." Gusto kong sabunutan ang sarili sa kagagahan. Ayaw mabura ng lipstick sa polo shirt niya. Mas lalo lang kumalat. "Ampotchi," bulong ko.

"Get off your hand!" Someone harshly pulled my wrist. Napaharap ulit ako sa babae na sobrang namumula na ang mukha ngayon. She had just thrown the coffee cup she was holding. Nagkalat ang laman nito sa kalsada. "Don't touch him."

"What happened?" the guy asked her.

I raised an eyebrow because they knew each other.

"Babe, look what that bitch did to my dress."

Hindi ko maiwasang umirap sa kawalan. Mag-jowa pa nga.

Mga panira ng araw. Maghiwalay sana kayo!

He calmed down his scandalous girlfriend. "C'mon, let's go. I'll just buy you a new dress."

'Di sana all.

Humingi ulit ako ng paumanhin sa kanila lalo na sa lalaki dahil mukhang siya pa ang nahihiya sa nangyari. He apologized to me even though he shouldn't have to. He even offered to pay for my wet clothes, but I refused. Natintahan ko rin naman ng lipstick ang polo niya kaya quits.

Hinila na niya paalis ang girlfriend niyang nagmamaktol pa rin at masama ang tingin sa akin. Pinagtitinginan na nga kami kaya pasimple na rin akong umalis at pumasok sa loob ng coffee shop.

Nakakairita ang babaeng 'yon. Matagal ko na ngang pinatulog ang demonyitang alter ego ko, gusto pang gisingin.

Pumasok ako sa loob ng restroom para ayusin ang sarili. Isinara ko ang pinto. Sana wala munang kumatok para magbanyo. Hinubad ko ang blazer at binasa para linisin ang natapon na kape. I even applied hand soap to get rid of the smell. Thank goodness there's a hand dyer.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa loob. Paglabas ko, wala namang sumita sa akin. Wala rin namang gaanong customer pa kaya nakahinga ako nang maluwag. Hindi ko tuluyang nalinis ang damit dahil may mantsa pa rin. Sana lang hindi ako mukhang dugyot sa paningin nung Andrei.

I ordered coffee while waiting for him. Lihim akong nagpasalamat na hindi agad siya dumating kaya may oras pa ako para mag-ayos.

I was halfway through my coffee, and I was getting bored scrolling through Instagram when someone stood in front of me.

"Are you Akira?" tanong nito at naghila ng upoan sa tapat ko.

Napakurap ako nang tumingin sa kanya. Kumunot ang noo ko at napatingin pa sa paligid para i-double check kung ako ba ang kinakausap niya. Sigurado akong tinawag niya akong Akira, pero hindi ako sigurado kung siya ba si Andrei.

"Yes, and you are? Andrei?" tanong ko pabalik para makasiguro.

He nodded. "But you can call me Finnie," pakilala niya habang pumipilantik ang mga daliri. Daling pumasok sa isip ko ang buong pangalan niya, Fynn Andrei. "Holy moly, dear. Since that night, I've been looking for you, but it appears that you were the one who crashed Jasmine's party, and she wasn't familiar with you. I had no idea where to find you after that. I'm pleased that you have reached out to me now. How are you pala? Did you wait long ba? Sorry if I'm late, dumaan pa ako sa salon to fix my nails."

Umawang ang bibig ko. Wala akong masabi dahil biglang nag-malfunction ang braincells ko.

Ampotchi! Anong nangyayari?

Nananaginip ba ako?

Did I really make out or have a sex with a gay before? What the hell, Akira?! Kahit kanino lang talaga?

I don't have any issues with homosexuals or bisexuals. Mas gugustuhin ko nga kung siya ang tatay ni Bran para wala kami maging problema ni Jordan. Pero anong sasabihin ko sa anak ko? Paano ko ipaliliwanag sa kanya ang sitwasyon?

Matatanggap niya kaya kung mas babae pang gumalaw ang daddy niya kaysa sa mommy niya?

Tumikhim ako at pinilit kinalma ang sarili. Nginitian ko siya kahit kung ano-ano nang lumalabas sa bibig niya. Baka kasi nagkakamali lang ako, 'di ba?

Why couldn't I remember anything? Everything that took place during and after the party was blurred to me. I just know that Maddie persuaded me to go there. Kinabukasan, nasa condo na ako ni Maddie at kahit siya hindi nakita ang naghatid sa akin dahil nakatulog na siya.

I was frustrated with her for leaving me alone, but she was even more furious with me because I suddenly disappeared, and she thought I had run off. When she didn't see me anymore at the party, she left.

Sa sobrang laki ng party na 'yon at sa dami ng pumunta, marami nangyari na wala nga ako gaanong maalala.

Ampotchingina! Wala nga akong maalala pero klarong-klaro sa akin lahat ng nangyari sa kama.

May magical etits yata tatay ni Brandon.

But I couldn't blame the guy. Because if it wasn't for his powerful and magical seed—wala akong Brandon ngayon.

I haven't told Madeline yet what happened to me today, but I can already hear her irritating and judgmental laughter in my head.

"Sandali lang!" I interrupted what Andrei was saying...I mean, Finnie. "I really need to ask you this first to put my mind at ease."

Kasi kung makapagsalita siya at kung kumustahin niya ako—it feels like we were childhood friends who had been separated for a substantial amount of time and have just reunited after several decades.

"What is it?" Nilalanggam ang ngiti niya. Ang tamis. Napatitig ako sa labi niyang mas mapula pa yata ang shades ng lipstick kaysa sa akin.

I'm uncertain if asking this question will make me regret it. But if I don't act and face the ghost of the past that I've been trying to avoid for a long time, nothing will happen. Kaya nilunok ko ang namumuong kaba at pag-aalinlangan. Tumuwid ako ng upo.

I looked him straight into the eyes and asked... "Nag-sex ba tayo noon?"

𓆩♡𓆪

Continue Reading

You'll Also Like

7.5M 15.9K 6
(Romance) [Pioneer#1] Lahat ng may buhay namamatay. Lahat ng bagay nasisira. Lahat ng pagkain nabubulok. Lahat may hangganan. What's my point? Foreve...
27.8M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
1.4M 54.2K 37
Lulubog, lilitaw--ganyan ang feelings ni Diane Christine para kay Jesuah. Pero paano kung sa isang iglap ay malaman niyang mahal din siya nito? Aamin...
2.5K 193 75
An epistolary. Lou finally shoots her shot to message her ultimate crush on twitter. Happy crush stage, bubbly confessions and chats that will lead...