{Completed} A Hopeless Heart...

By IHeartYongSeo09

3K 98 28

It's just a typical short story of a man and a woman. They are bestfriends since then. All the people around... More

A Hopeless Heart {AHH}
*A-H-H, Ch.1
*A-H-H, Ch.2
*A-H-H, Ch.3
*A-H-H, Ch.4
*A-H-H, Ch.5
*A-H-H, Ch.6
*A-H-H, Ch.7
*A-H-H, Ch.8
*A-H-H, Ch.9

*A-H-H, Ch.10 ( Finale - Epilogue )

200 8 2
By IHeartYongSeo09

*A-H-H, Ch.10 ( Finale – Epilogue )

 

~RIAN’s POV~

 

Nandito ako ngayon sa practice room namen.

Nagpapakabusy mag-isa.

Naghahalungkat ng kung anu-ano.

Gumagawa ng walang kabuluhang gawain.

Napangiti ako ng sarkastiko,

Para kong tanga.

Hindi. Tanga pala talaga.

At hindi lang yon. Gag* pa.

Walang kwenta, napakamanhid ko para hindi maramdaman yon.

Sh*t.

Napahinto ako sa ginagawa ko at sumalampak sa sahig.

Napayuko ako.

Sinundan ko naman sya nung gabing yon.

Pero wala eh.

Hindi ko alam kung san sya nagpunta.

Inikot ko ang buong lugar, ginawa ko ang lahat mahanap ko lang sya,

Kaso bigo ako.

Kahit anino nya hindi ko nakita.

Hinayaan ko na ang sarili ko na mabasa ng ulan.

Inisip ko pa nga na baka pati sya nabasa na den.

Baka magkasakit sya kung sakaling mangyari yon.

Nung mga oras na nakita ko si Shelbie na pinapanood kami ni Elthy habang magkalapat ang labi naming dalawa,

Sobrang na-guilty ako non. Hindi ko alam kung anong gagawin kong paliwanag sa kanya. Para akong napako sa kinatatayuan ko. Hindi ko rin mabasa ang mga nasa mata ni Shelbie nung panahon na yon. Wala akong makita sa kanya.

Pero nang kumanta sya ng One Last Cry, doon ko lang nalaman kung ano ba talaga ang nagawa ko sa kanya.

Sinaktan ko sya ng sobra. Ang tanga ko kase. Napaka-walang kwenta kong kaibigan.

Ayoko pa naman sa lahat ay ang makitang umiiyak si Shelbie. Kapag nakikita ko sya sa ganung sitwasyon, pakiramdam ko gusto kong pumatay ng tao.  Yung taong nagpaiyak sa kanya.

Kaya nga ngayon,

Sobrang galit ako sa sarili ko..

Magiisang linggo na mula ng mangyari ang contest.

Sinubukan kong puntahan si Shelbie sa bahay nila pero lagi syang wala.

Sinasabi ni tita o kaya ni Shella na umalis si Shelbie. Pero alam ko, ayaw nya lang akong makita.

Fvck. Sarap murahin ng sarili ko.

Bakit kailangan ngayon ko lang to marealize?

Baket kailangan pang layuan ako ng bestfriend ko para magising tong totoo kong nararamdaman?

Sh*t Rian. Ang tanga mo. Ang manhid mo.

Hanggang ngayon hindi ko pa ren nakikita si Shelbie.

Wala eh. Pinagtataguan ako. Tinanong ko na den si Krane kung nasan sya, kaso hindi nya daw alam.

Muntik ko na ngang lunurin sa alak ang sarili ko eh. Napigilan lang ako ni Rembert. Tss.

Sinubukan ko rin tawagan at itext sya. Wala pa rin.

Naramdaman ko na bumukas ang pinto kaya napaangat ang ulo ko.

“Yo Zup! Kanina pa kita hinahanap, nandito ka lang pala.” Rembert.

“Kailangan mo?” umupo sya sa tabi ko.

“Wala naman. Medyo curious lang.” sya.

Napatingin ako sa kanya, “San?”

Ngumiti sya, “Sa hindi daw pagpasok ni Elthy.”

Napaiwas ako ng tingin sa kanya at hindi sya sinagot kaya tumingin sya saken, “Huy. Anong nangyare?”

Hindi pa rin ako nagsalita at tumayo lang ako sabay punta sa gamit ko.

Sinundan nya naman ako, “Rian. Hindi ka man lang ba nag-aalala na hindi pumapasok ang girlfriend mo ah?”

Nanatili pa rin akong hindi kumikibo at inaayos ko lang ang mga gamit ko.

Napakamot naman sya ng ulo nya, “P*cha Rian. Sagutin mo naman ang tanong ko! Para kong walang kausap dito ah!”

Napahinto ako sa ginagawa ko at hinarap sya, “Hinde.”

Napatingin sya saken. Halata na nagulat sya sa sagot ko, “Ha? Anong hinde? Eh girlfriend mo yung tao ah.”

“Sino nagsabe sayo?”

Napakunot ang noo nya, “Anak ng. Baliw ka na ba? Alam ng buong school na girlfriend mo si Elthy!”

Iniwas ko na ang tingin sa kanya at inayos muli ang gamit ko, “Hindi na ngayon.”

Lumapit sya saken, “H-hindi na? Ibig mong sabihen natauhan---este---break na kayo? Gag* naman. Kelan pa?!”

Tiningnan ko sya ng masama, “Minumura mo ba ko?”

Napatawa naman sya, “Hahaha. Pasensya. Nadala lang ako. Pero di nga? Kelan pa kayo nagbreak?”

“Nung contest.”

“Contest?” nag-isip sya, “Yung sa battle of the bands?! Ang tagal na pala! Baket di ko to alam?!”

Sinukbit ko na ang bag ko at tiningnan ko sya, “Kailangan ba?” sabi ko sabay lagpas sa kanya.

Naglalakad na ko papuntang pintuan ng bigla akong mapahinto sa sinabi nya, “Kung break na kayo, ano pang ginagawa mo dito?”

Napaharap ako sa kanya na nakangiting nakatingin saken, “Anong ibig mong sabihen?”

Umiling iling sya, “Tsk. Tsk. Tsk. Wag mong sabihin na hindi mo alam?”

Napakunot ang noo ko, “Ang alin ba? Fvck Rembert. Wag mo kong paglaruan ah.”

Napatawa naman sya at lumapit saken, “Hahaha. Easy man. Mukha ngang hindi pinaalam sayo ng so called bestfriend mo to ah.”

Tiningnan ko sya ng sabihin-mo-na-sakin look at napatawa ulit sya.

“Ok. Ok. Nalaman ko lang to sa mahal ko eh. Kay Krane. Sabe nya since sila ang nag-champion sa battle of the bands, bukod sa trophy at pera na nakuha nila ay may isa pa silang reward.”

“Ano yon?”

“Yun ay walang iba kundi training sa New Jersey. Libre yun. Wala ka ng aalalahanin pa. Sila ng bahala sa lahat.”

“O ano naman?”

“Ay, gag* naman pre. Hindi mo pa ren gets?!”

“Ang ano ba?”

“Tss. Aalis ang C.U ACES. Magte-training sila sa New Jersey pare. At sabi ni Krane, pinauna daw don ang leader ng grupo para mas magprepare. At sino ba ang leader ng C.U ACES? Diba ang bestfriend mo na mahal mo na ngayon? Kaya kung ako sayo, hindi na ko mag-eemote emote pa dito. Gayung alam ko na si Shelbie ay on the way na sa airport sa mga oras na to. Naiintidihan mo na ba ngayon Rian?”

Hindi ako makakilos at makapagsalita sa sinabi ni Rembert. Si Shelbie? Nasan na sya ngayon? On the way sa airport para pumunta sa New Jersey?

Napatingin ako kay Rembert, “Sh*t. Baket ngayon mo lang to sinabe?!”

“Eh akala ko alam mo eh!”

Tiningnan ko sya ng masama, “Patay ka saken pag hindi ko naabutan si Shelbie.” Sabi ko sabay takbo at labas ng room.

Badtrip! Baket naman ngayon pa?!

Hindi ko pa nga naaamin sa kanya na mahal ko sya eh!

Naman Shelbie. Wag ka munang sumakay ng eroplano oh.

Hintayin mo ko.

Sumakay ako ng kotse ko at pinaharurot hanggang airport.

Hindi ako mapakali. Hindi ko maiwasang maisip na baka nakaalis na sya.

Nakakainis!

Lalo ko pang pinabilis ang andar ng kotse ko.

Buti hindi gaanong traffic ngayon.

Nakarating naman ako ng airport at agad na bumaba sa kotse ko.

Pumasok ako at inikot ang tingin sa paligid ko.

Shelbie, magpakita ka.

Tumakbo ako at patuloy syang hinanap.

Please.. Please.. Sana hindi pa huli ang lahat..

Sana nandito ka pa Shelbie..

***

~SHELBIE’s POV~


(A/N: Paki-play ang video sa may gilid. ;) Lucky by Jason Mraz and Colbie Caillat. Paki-ulit nalang kapag natapos nyo na. Hehe.)

Nakaupo ako ngayon dito sa may waiting area. Naghihintay ng announcement para sa pag-alis ko.

Tiningnan ko ang relo ko. 4:30pm na pala.

Dapat sa mga oras na to ay inannounce na ang flight ko. Saktong 4:30 kasi yun.

Pupunta nga pala ako ng New Jersey. Alam naman to ng school kaya pinayagan nila akong umalis kahit na on-going pa ang klase.

Yung iba kong kabanda ay susunod sakin after ng sem na to. May special training kasi kami don. Magandang opportunity din yun para samin.

Si Rian, hindi ko na nga pala sya nakita since nung contest. Aaminin ko, pinagtataguan ko sya. Hindi ko kasi alam kung ano ang mangyayari pag nagkaharap kami at alam ko na sa mga oras na to, alam na nya na mahal ko sya.

Kaso syempre, may mahal na syang iba eh. Kaya nga napaka-right timing nitong opportunity dahil makakatulong to para makalimutan ko si Rian at makalayo sa kanya.

Napaangat ang ulo ko ng marinig ko ang speaker na sinasabing ang flight ko na ang aalis.

Tumayo na ako at tumingin muna sa paligid ko.

Umaasa pa rin kasi ako na baka nandito si Rian. Na baka alam na nya na aalis ako tapos pipigilan nya ako.

Napatawa ako ng sarkastiko.

Ano ka ba naman Shelbie. Hindi yun mangyayari no. Sinabi na ngang may mahal na yung iba eh.

Nagumpisa na akong maglakad para makasakay ng eroplano.

Si Shawn nga pala, sinabi nya sakin na aalis na daw sya ulit ng bansa. Umamin din sya sakin na gusto daw nya ako. Kaso may gusto naman daw akong iba. Kaya susuko na daw sya. Hindi ko naman sya napigilan dahil tuliro pa rin ako sa mga nangyari samin ni Rian. At sabi pa nya wala na din daw dahilan para manatili sya dito kasi aalis din naman daw ako. Kaya mas mabuti na bumalik nalang sya sa New York. Mas maaga nga ang flight nya sakin eh. Kanina pa sya umalis. Mga 7:00am. Ayaw naman nyang magpahatid. Maghanda nalang daw ako para sa flight ko.

Huminto ako sa lugar kung saan magchecheck ng mga dalang gamit. Nakapila ako at tahimik na pinapanood ang mga taong nasa harapan ko.

Kaso nabigla ako ng may marinig akong announcement uli sa speaker.

“Calling the attention of Ms. Shelbie Uriceson C. Morales. We have some important matters to you. So, wherever you are right now. Please stay. Thank you.”

Nanlaki talaga ang mata ko ng marinig ko yun. Kinabahan din ako. Syempre naman! Lahat ng tao sa airport na to narinig yun! At hindi lang yun ah! Binanggit pa ang pangalan ko! >.<

Ano ba kasing meron? May bomba ba dito sa luggage ko? Eh pero teka, hindi pa nga naiinspect oh! -__-

Pero wala na kong nagawa kundi sundin ang sinabi nung taga-announce. Hindi nga ako umalis sa pwesto ko.

Patingin tingin ako sa paligid ko. Baka may dumating na mga police at hulihin na ko dahil sa kung ano mang violation na nagawa ko.

Pero imbis na yun ang mangyari eh nakarinig muli ako ng boses mula sa speaker. Isang pamilyar na boses.

“Uhh. Shelbie. Kung nasan ka man ngayon dito sa napakalaking airport na to. Sana wag ka munang umalis dyan. Please. Wag ka munang sumakay ng eroplano. Wag mo kong iwan.” Nabigla ako sa narinig ko.

Boses ng isang lalaki ang nagsalita. Napahinto tuloy ang mga tao sa ginagawa nila. Hindi rin siguro nila akalain na may magsasalita ng ganun sa speaker na rinig ng lahat.

“Shelbie. Alam ko naman na nasaktan kita. Sorry ah? Ang manhid ko kasi. Kailangan mo pa kong iwasan para malaman ko ang totoo kong nararamdaman. Siguro nga, nabulag ako sa relasyon na meron tayo. Akala ko bestfriend lang talaga ang turing ko sayo. Pero hindi pala. Nagkamali ako. At pasensya na kung ngayon ko lang to nalaman. Na higit pa pala don ang kaya kong ibigay sayo.”

Halos mapako naman ako dito sa kinatatayuan ko ngayon. Si Rian yun. Bakit nya naisipan na sabihin ang mga salitang yun? Ano bang nangyayari?

Pinilit ko ang sarili ko na maglakad papuntang customer service dahil alam kong nandoon ang magaling kong bestfriend.

“Shelbie, alam kong naririnig mo to ngayon.”

Oo. Naririnig ko nga. At buti nalang hindi alam ng iba na ako ang tinutukoy nya.

“At alam ko rin na sa mga oras na to, nahihiya ka na.”

Agad naman akong napayuko sa sinabi nya.

Nakakainis ka Rian! Bakit alam na alam mo ang nararamdaman ko?! Samantalang yung pakiramdam ko na mahal kita hindi mo agad nalaman! -__-

“Pero gusto ko lang naman ipaalam sa mga tao ngayon dito na mahal mo ko eh.”

Ok. Kayabangan is in the air. -__- humanda ka talaga sakin bestfriend. Patuloy lang ako sa paglakad. Bakit ba ang layo ko pala sa customer service?! Tss.

“At gusto ko rin naman malaman mo at lahat ng taong nandito na mahal din kita. Hindi bilang isang bestfriend lang at lalong hindi rin kapatid, kundi bilang isang babae.”

Alam ko sa sarili ko na kinikilig na ko. Kasi naman! Tong lalaking to sapat naman na sakin na sabihin nya nalang sa harap ko o kaya ibulong nya ang nararamdaman nya. Hindi na kailangan pa ng ganito! >///<

Nakarinig na tuloy ako ng mga bulung-bulungan. Ang sweet daw ni Rian at nacucurious din sila sa itsura ng babaeng sinabihan nya nun. >.>

I know what you’re thinking. Dapat nagulat na ko sa biglaang pag-amin nya diba? Pero kasi, matagal ko syang naging bestfriend. At ng marinig ko kanina ang boses nya sa speaker, alam ko na nagising na sya. Na malalaman nyang mahal nya din ako. Kaya lang mas nangibabaw ang kilig ko kesa sa gulat. >_>

“So Shelbie,,, pinagsisisihan ko na ang lahat ng masakit na nagawa ko sayo.. Kaya sana,”

Ayun! Nakita ko din ang customer service! Binilisan ko lalo ang paglakad ko.

At nang makapunta naman ako sa harap nito ay biglang tumingin sakin si Rian.

Nagkatinginan kaming dalawa. Nakatingin sya sa mga mata ko at ganun din naman ako sa kanya.

Ilang sandali pa ay bigla syang nagsalita, “Patawarin mo ko.”

Nanatili lang akong nakatingin sa kanya.

Nag-umpisa na ding magbulungan ang mga tao sa paligid. Alam na nila na ako ang sinasabihan ni Rian.

“Shelbie..” nagsalita sya ulit.

Napalitan naman ng masamang tingin ang tingin ko sa kanya.

Nag-mouth of words ako sa kanya, ‘Anong ginagawa mo?!’

Nakita ko naman na napangiti sya at muling nagsalita, “Sa loob ng apat na araw na hindi kita nakita, parang mas gumanda ka pa lalo sa paningin ko ngayon.”

Narinig ko naman na napa-yiiiieee ang mga tao sa paligid namin. Pati yung mga empleyado kaya napatingin ako sa kanila at nakita ko ang isang pinsan ni Rian na babae. Nag-thumbs up sya sakin. Tss. Kaya pala nagawa to ni Rian eh. -__-

Muli kong ibinalik ang tingin ko kay Rian na naka-smirk. Sinenyasan ko sya na lumapit sya sakin.

Grabe. >.< nakakahiya na talaga to.

Nakita ko naman na nag-thank you sya sa pinsan nya at dahan dahang lumakad palapit sakin.

Nang nasa harap ko na sya ay muli ko syang tiningnan ng masama, “Para san naman yon ah?!”

“Nako miss. Wag mo naman syang sigawan. Ginawa lang naman nya yun para masabi na mahal ka nya.”

“Oo nga naman miss. Ang effort kaya nya oh.”

“Kung ako sayo yakapin mo nalang sya. Para pambawi na din.”

Napatawa naman ng mahina tong si Rian dahil sa sinabi ng mga taong nanonood samin ngayon. Psh. Nakahanap ng kakampi. -__-

“Narinig mo ba sila? Yakapin mo daw ako.” Sya.

Lalong sumama ang tingin ko sa kanya, “Bahala ka sa buhay mo.”

Napangiti sya pero agad namang napalitan ng serious face ang mukha nya.

“Pero Shelbie..” hinawakan nya ang dalawa kong kamay, “Sorry sa katangahan ko ah? Kung pinaiyak kita. Sorry. Hindi ko naman yun sinasadya eh. At yung nakita mo nung gabi sa battle of the bands. Yung kaming dalawa ni Elthy? Ginawa ko lang naman yung gusto nya kasi yun naman na ang huli eh. Alam ko na nasaktan ko din sya dahil ako ang unang nakipaghiwalay sa kanya. Alam ko na kasi sa sarili ko na ikaw yung mahal ko at hindi si Elthy. Kaso ayaw nyang pumayag na maghiwalay kami. Mahal nya daw kasi ako.”

Nakatingin lang ako sa kanya, “Pero bakit sinabi mo na mahal mo din sya?” hindi ko napigilang itanong.

“Sinabi ko yun dahil totoong mahal ko sya. Mahal ko sya bilang isang malapit na kaibigang babae sakin. At hindi tulad ng pagmamahal ko sayo. Pero nagrequest sya na halikan ko daw sya. Umiiyak na sya nun sa harap ko. At kilala mo naman ako diba? Ayoko ng may umiiyak sa harap ko lalo na kung ikaw dahil nasasaktan ako. At naisip ko din na yun naman na ang huli kaya pagbibigyan ko na sya. Hinalikan ko sya kaso nakita kita. Hindi mo alam pero sobra akong naguilty sa ginawa ko. Gusto nga kitang habulin pero pinigilan ako ni Elthy. Kaya nung kumanta ka, tagos sakin yun. Ramdam ko yung sakit na nararamdaman mo nung mga panahon na yun. At nung makita kitang umiyak sabay sabi ng ‘goodbye bestfriend’ pakiramdam ko para akong pinapatay sa sobrang sakit. Gay ba? Pero wala eh. Yun talaga ang naramdaman ko. Hinabol din kita nun kaso hindi kita naabutan. Pinilit ko rin makita ka pero pinagtataguan mo naman ako.”

Napaiwas ako ng tingin sa kanya, “Eh kasi…”

“Ako muna.” sabi nya.

-___- eh di sya na nga muna.

“Tapos nalaman ko kay Rembert na aalis ka pala. Natakot ako na baka iwan mo na ko ng hindi ko pa nasasabi ang tunay kong nararamdaman para sayo. Kaya ginawa ko ang lahat para lang maabutan kita. Hindi ko na pinansin kung hindi mo marinig ang mga sinabi ko sa speaker. Pero mukhang successful naman ako dahil narinig mo. Kaya ngayon Shelbie,” pinatingin nya ako sa kanya, “Gusto kong humingi sayo ng tawad. Please. Forgive me and please, give me another chance.”

Napakaseryoso nya habang sinasabi ang mga salitang yun. Sobrang sincere ng mga mata nya. Para bang ito ang nakikiusap sakin.

Nang hindi ako nagsalita ay pinagpatuloy nya ang sinasabi nya, “Shelbie, Give me chance and I’ll do everything just to prove my love for you. Please.”

Napabuntong hininga ako. Nakikinig lang ang mga tao sa paligid namin. Naghihintay sa sasabihin ko.

Tiningnan ko sa mata si Rian at nagsalita, “Fine. Apology accepted and request granted.”

Nanlaki ang mga mata nya, “REALLY?!” nag-yiiieee muli ang mga tao sa paligid.

Shems~ nakakahiya na talaga kami, >.>

Dahan dahan akong tumango habang nakangiti.

Napa-yes naman sya habang nakangiti ng malapad.

Kaso tiningnan nya ulit ako ng seryoso, “Shelbie. Please. One more request.”

Napakunot ang noo ko, “Ano yun?”

Ngumiti sya, “I want to fully accept your heart, so please,

Allow me to court you.”

Agad na nanlaki ang mga mata ko dun. Court me? Pero alam nya naman na mahal ko sya diba? Eh di alam na nya din ang magiging sagot ko sa huli.

“Pero…”

“Gusto kong paghirapan ang pagkuha sa puso mo ng buong buo. Hindi naman porkit alam ko na mahal mo ko ay hindi na kita dapat ligawan. Gusto kong dumaan tayo sa ganung proseso. Step by step hanggang sa makapunta ako sa last step kung saan, alam ko na abot na abot ko na ang puso ng babaeng mahal ko.”

>//////< bigla naman nag-init ang mukha ko sa sinabi nya. Kinilig nga din ang mga nanonood samin eh. :””””>

Napa-sigh ako at ngumiti sa kanya, “Ocge. Kung yan ang gusto mo. Bahala ka.”

Lumapad naman ang ngiti nya at bigla akong niyakap ng sobrang higpit.

Napatawa naman ako sa ginawa nya at nag-yiiie ulit ang mga audience namin.

Niyakap ko din sya pabalik.

“Thank you Shelbie, thank you.” sabi nya habang nakayakap sakin.

Bigla naman syang kumalas at tinitigan ang mga mata ko, “Mahal kita.”

Napangiti naman ako habang nakatitig din sa mga mata nya, “Mahal din kita.”

Nanatili lang kami sa ganun hanggang sa maisip ko na pagsasabihan ko pa nga pala sya sa ginawa nyang nakakahiya! >.<

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya, “At nga pala Rian, hindi porkit pinagbigyan na kita ay hindi na kita pagsasabihan sa ginawa mo! Kita mo nga! Ang daming nanonood satin oh! Hindi mo man lang ba naisip na nakakahiya ang nangyayaring to? Ano ka ba naman Rian! Para ka namang----“

“Omg. Nakakakilig!” >///<

“Kyaaaaah! Napaka-ideal man naman ng lalaking yun!” :”””>

“Ihhh.. nakakatuwa naman sila.” <3

Mga iba’t ibang comments na nanggaling sa mga nanonood samin.

Pinutol kasi ni Rian ang pagsasalita ko sa pamamagitan ng pag-angkin sa mga labi ko. >/////<

Nakadilat pa tuloy ako ng halikan nya ako sa harap ng maraming tao. Pero habang nararamdaman ko ang bawat halik nya ay napapikit na rin ako at tumulo ang mga luha sa mata ko..

At doon naramdaman ko ang tunay na saya..

Ngayon ko lang talaga naramdaman na ang saya saya ko..

Dati, pinangarap ko lang na mahalikan ni Rian na bestfriend ko..

Tapos ngayon, heto na. Nangyayari na ang matagal ko ng pinapangarap.

Mahal na nya din ako gaya ng pagmamahal ko sa kanya.

Akala ko hindi ko na to makakamtan.

Akala ko habang buhay nang walang pag-asa ang puso ko..

Akala ko mali ang taong minahal nito..

Pero lahat yun ay maling akala..

Napatunayan ko na pwede rin palang mangyari ang mga bagay na to..

Yun bang mga bagay na talagang makakapagbigay sayo ng tunay na kaligayahan..

At ramdam na ramdam ko yun ngayon..

For now, hahayaan ko syang patunayan na mahal nga nya talaga ako.

Ieenjoy ko ang mga panahon na kasama ko sya,

Ito naman ang matagal ko ng gusto eh.

Ang mapansin ng lalaking mahal ko ang nararamdaman ng puso ko,

Kuntento na ko at masaya na ko sa sitwasyon namin ngayon,

Masasabi kong kami na siguro hanggang sa huli,

I will forever his girl, and he will forever my man.

I’m so thankful that Rian Joseph H. Madrid came to my life.

Became the owner of the big part of my heart.

So, now, I can tell to myself and to all of you,

That this,

This HEART of mine,

Is HOPELESS,

NO MORE. <3

~

“CLOSENESS is the tendency that we fall inlove to somebody. This is based on the REALITY that even FRIENDS turn to LOVERS,

Unexpectedly.”

~

*THE END.

~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^

YUN! TAPOS NA DIN! XDD. SANA MAAYOS ANG ENDING NITO. >.> TINAPOS KO NA TO KASI MAGFOFOCUS NA KO ULIT SA MMH. XDD. MAY CLUE NA DITO ABOUT SA MMH. NABASA NYO BA?  HAHAHA. :D


ONCE AGAIN. THANK YOU SA LAHAT NG NAGBASA, NAG-ADD SA RL, NAG-VOTE, NAG-COMMENT AT SA MGA SUMUPORTA. THAAAAANKS! :D


LAST PICTURE OF SHELIAN <3

----------------------------------------------->


KITAKITS TAYO SA MMH GUUYS! :D GAGAWAN KO TO NG COMPILATION PARA MAS MADALING BASAHIN TUTAL SHORT STORY LANG NAMAN. HEHE^^


SEE YA GUYS! VOTE COMMENT FOLLOW ME. THANK YOU~! ;)


I♥YongSeo09

Continue Reading

You'll Also Like

377K 19.7K 31
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
1M 32.8K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
28.9M 916K 49
[BOOK ONE] [Completed] [Voted #1 Best Action Story in the 2019 Fiction Awards] Liam Luciano is one of the most feared men in all the world. At the yo...