The Royal Chef

By senoritaxara

22.7K 1.2K 326

Sarina Sandoval is a woman from the modern world, she is an aspiring chef from the Blue House. At a young age... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1: The Training
Chapter 2: Azrael Luna
Chapter 3: The Triplets
Chapter 4: The Recipe
Chapter 5: The Palace
Chapter 6: Elimination
Chapter 7: First Day
Chapter 8: Alas
Chapter 9: Favorite
Chapter 10: Hilaga
Chapter 11: Hilaga (2)
Chapter 13: Hilaga (4)
Chapter 14: Dethroned Queen
Chapter 15: Sugalan
Chapter 16: Lawa
Chapter 17: Ghosted
Chapter 18: Goodbye
Chapter 19: Trip
Chapter 20: Kabaong
Chapter 21: Stars
Chapter 22: Pagbabalik
Chapter 23: Starvation
Chapter 24: Royal Kitchen
Chapter 25: Diary
Chapter 26: Ruiz Clan
Chapter 27: Last Entry
Chapter 28: The Red Book
Chapter 29: King
Chapter 30: Banquet
Chapter 31: Unexpected
Chapter 32: Him
Chapter 33: Awake
Chapter 34: Regained
Chapter 35: Caught
Chapter 36: Library
Chapter 37: Truth
Chapter 38: Help
Chapter 39: Plan
Chapter 40: Rest

Chapter 12: Hilaga (3)

417 28 2
By senoritaxara

[Chapter 12]

Dalawang araw na ang lumipas at dalawang araw na rin silang naglalakbay. Dalawang beses silang tumigil sa pinakamalapit na bahay-tuluyan para magpahinga at matulog.

Ngayon ang kanilang ika-tatlong araw. Tahimik lang si Sarina kagaya ng kaniyang mga kasama. Namamanhid na nga ang kaniyang pwet dahil ilang oras na siyang nakaupo.

"Alas-tres na ng hapon. Matagal pa ba tayo?" Tanong ni Sarina sa kutsero.

"Tayo'y malapit na, hijo. Kaunting minuto na lamang ay matatanaw mo na ang kanilang palasyo," natatawang sagot ng kutsero.

Napatango nalang si Sarina at piniling pagmasdan ang tanawin na kanilang dinaraanan. Ayaw rin naman niyang guluhan ang mga kasama dahil baka magmukha nanaman siyang kontrabida.

Ilang minuto ang lumipas ay natanaw na nga nila ang tuktok ng palasyo ng Hilaga. Kaagad na napaupo ng tuwid si Sarina upang mapagmasdan iyon ng mabuti. Sa tuktok ay mayroong malaking orasan.

"Wow! Ang taas!" 'Di hamak na mas mataas ang palasyong 'to kaysa sa palasyo nila sa Silangan.

Ilang minuto pa ang lumipas ay tuluyan na nga nilang natanaw ang mataas na gate ng kaharian ng Hilaga. Nagpapahiwatig lamang ito na papasok na sila sa teritoryo ng mga ito.

Sa magkabilang gilid ng gate ay may nakatayong dalawang guwardiya na awtomatikong binuksan ang gate upang tuluyang makapasok ang sinasakyan nilang karuwahe at kalesa.

Sa kanilang pagpasok ay doon na tuluyang namangha si Sarina. Holly fudge?! Artista na ba ako?!

Sinalubong sila ng isang masigabong palakpakan. Bumungad sa kanila ang sandamakmak na tao sa gilid ng daan na tila naghihintay sa kanilang pagdating. Lahat ng mga ito ay nakangiti at nagbibigay galang kapag nadaraanan na ng karuwahe ng hari. 

Ngunit hindi lamang sa karuwahe ng hari natuon ang atensyon ng mga tao, lalo na ang mga babae. Dahil lahat ng ito ay napapapihit ang ulo nang dumaan na sa kanilang harapan ang kalesang sinasakyan ni Sarina.

Panay kaway naman si Sarina habang nakangising kinikindatan ang mga babae na kaagad namang namumula at kinikilig. Hindi niya maawat ang kilig na namumuo sa kaniyang tiyan habang nakatingin sa sandamakmak na chix sa gilid ng daan. Ito ang heaven na gusto niyang maranasan.

"Ang saya dito, ang daming chix," saad ni Sarina sa guwardiyang nagbabantay sa kaniya.

Hindi sumagot ang guwardiya at nagpapanggap na walang naririnig.

Nakalagpas na sila sa mainit na salubong at pagtanggap sa kanila ng mga mamamayan ng Hilaga at narito na sila sa harap ng gate ng palasyo ng Hilaga. Nang makita ng dalawang guwardiyang nagbabantay sa tabi ng gate ang kanilang karuwahe ay dali-dali nitong binuksan ang gate upang tuluyan silang makapasok.

Nang makalapit na sila sa main door ng palasyo ay kaagad na lumundag pababa ng kalesa si Sarina. Sumunod rin naman sa pagbaba ang iba pa.

Sa unahan ay naroon nakatayo ang isang lakaki at isang babae na sa hula ni Sarina ay nasa 30 pataas na ang edad. Ito siguro ang hari at reyna nila. Sa pananamit palang ng mga ito ay nahulaan na kaagad ni Sarina. 

Hindi na nag-abala pa si Sarina na titigan ang hari dahil nasa kaniyang tabi nanaman ang kaniyang bantay habang malaki ang ngising nakatingin sa kaniya. Irap lamang ang isinagot niya rito saka siya naglakad patungo sa tabi ng enuko na ngayon ay nakatayo sa tabi ng pinto ng karuwahe.

Sumunod rin naman sa kaniya ang bantay niya ngunit sa kabila na ito pumwesto, kung saan naroon ang kapuwa nito mga guwardiya.

Dito talaga pumwesto si Sarina sa tabi ng enuko upang kahit papaano ay masulyapan niya manlang ang mga mata ng hari. Lumapit na ang isang guwardiya sa pinto upang buksan ito. Kaagad namang napangisi si Sarina habang nakatutok ang mga mata sa pinto ng karuwahe. 

Ngunit kaagad siyang natigilan nang maramdaman niya ang tila masamang titig na nanggagaling sa kaniyang tabi. At doon nakita niya ang nanlalaking mata ng enuko na tila binabalaan siyang huwag gagawa ng kung ano-ano.

Nginisian niya ito at tinapik ang balikat nito. "Huwag kang mag-alala, 'di naman ako gagawa ng katarantaduhan."

Masamang tingin lamang ang sinagot sa kaniya ng enuko. Wala itong tiwala sa mga pinagsasabi niya.

Umatras ng isang hakbang si Sarina nang bumukas ang pinto. Kaagad siyang napatakip sa kaniyang bibig sa kaisipang makikita na niya ito.

Ngunit bago paman tuluyang bumukas ang pinto ay kaagad na itong tinakpan ng malaking payong sabay tinapunan siya ng malupet na boombastic side eye ng enuko na ngayon ay pinapagpagan na ang suot na black cape ng hari habang nakatingin parin sa kaniya ng nagbabantang tingin.

Kaagad na napapalatak si Sarina. Iyon na e. Iyon na, makikita na sana niya. Ngunit kaagad rin siyang napangisi at nagmamadaling lumapit sa kanilang pwesto. May naisip na siyang paraan!

Mabilis ang kaniyang lakad at bago paman siya tuluyang makalapit sa hari ay kaagad siyang nadapa at pahigang lumanding sa lupa habang ang kaniyang ulo ay sinakto niyang matatapat sa harap ng paa ng hari. Muntik pa siyang maapakan ng hari sa mukha ngunit kaagad na natigil ang paa nito at ibinaba sa lupa kaya napapikit ng mariin si Sarina na kunwari ay nasasaktan.

Wala na siyang pake kung mapahiya man siya, ang mahalaga ay maibsan ang kaniyang kyuryusidad at mabawasan ng kaunti. Ang gusto niya lang ay malaman kung sino ang mas guwapo sa kanila ng hari.

"A-Aray..." Daing niya kunwari.

Pagdilat niya ng kaniyang mga mata ay kaagad siyang napasigaw sa gulat. Bumungad sa kaniya ang mukha ng enuko. Nanlalaki ang mga mata at nakataas ang kilay. Limang inches ang layo nito sa kaniyang mukha habang pinandidilatan siya ng mata.

Natatakpan nito ang view niya sa mukha ng hari kaya hindi niya ito tuluyang nakita. Kaagad siyang napatayo at pinagpagan ang kaniyang sarili. "Panira," bulong niya sa enuko na kaagad siyang sinamaan ng tingin.

Napasimangot na lamang siya nang magsimula na ang mga ito na maglakad palapit sa entrance ng palasyo. Nakaramdam siya ng tapik sa kaniyang magkabilang balikat. Pagtingin niya roon ay bumungad sa kaniya ang kaniyang bantay na may mapaglarong ngisi sa labi at kaagad na humabol sa mga kasama at sa kaliwa ay ang kaniyang kutsero na umiiling na bumalik sa kabayo. Maiiwan ang mga kutsero sa labas upang bantayan ang kanilang kabayo.

Napailing na lamang siya at napabuga ng hangin saka naglakad palapit rin sa mga kasama na ngayon ay maayos na nakahilera sa likuran ng hari. Dalawang linya ito habang ang enuko ay nasa likuran ng hari habang nakahawak sa malaking payong.

Napakrus na lamang ang kaniyang braso at pinagmasdan ang pangyayari na tila wala siyang ginawang kahihiyan kanina lang. Sinakripisyo na nga niya ang dignidad niya pero hindi parin gumana. Muntik na e.

Nakatayo lamang siya sa pinakalikod at sa pinakagilid habang pinagmamasdan kung paano ngumiti ang hari at reyna ng hilaga sa kasama niyang hari. Taimtim na naghihintay sa paglapit ng hari.

Ngunit nang akmang tatalikod na si Sarina ay kaagad ulit siyang napapihit paharap. Hindi niya inaasahang lalabas sa payong ang hari! Nagsimula na itong tahakin ang ilang hakbang na hagdan patungo sa pinto ng palasyo kung saan naroon naghihintay ang hari at reyna ng Hilaga.

Doon nakita ng mas maayos ni Sarina ang hari. Napawow siya nang makita ang nagsusumigaw nitong tangkad na kung tatantsahin niya ay parang nasa 6'0 or 6'1 ft. Ngunit hindi niya makita ng maayos ang outfit nito dahil sa suot nitong black hooded cape na umabot hanggang sa kaniyang talampakan.

Hindi niya rin makita ng maayos ang mukha nito dahil naka-side view ito sa kaniyang pwesto. Ngunit ang ilong nitong natatakpan ng kulay itim na tela ay nagsusumigaw sa tangos. Mapupungay ang mga mata nito at medyo singkit.

Napatango-tango siya habang nakangisi. "May ibubuga 'to," bulong niya sa sarili habang sinusuri ang kabuoan ng hari.

Kahit pa na mata niya lang ang nakikita niya rito ay nararamdaman niya ng gwapo ito at may maibubuga. Kailan ba siya nagkamali? 

Nakatutok lamang ang mga mata niya rito hanggang sa makarating na ito sa harap ng mag-asawa. Yumuko ito ng kaunti at inilahad ang palad sa harap ng reyna ng Hilaga. Ngumiti ang reyna ng Hilaga at inabot ang palad sa hari. Tinanggap ito ng hari at hinalikan ang likod ng palad nito. Pagkatapos ay naggshake-hands ang dalawang hari at doon na natapos ang batian dahil tinangay na ito papasok ng mag-asawa.

Napangisi na lamang si Sarina  nang mawala na sa paningin niya ang hari. Pasado ito para sa kaniya. Pero pakiramdam niya ay mas gwapo parin siya rito, lamang lang ang hari nila sa pagiging gentleman nito kagaya ng ginawa nito kanina, pati na sa tangkad. 

Inaamin naman ni Sarina na hindi siya gentlewoman, mayabang lang talaga siya at wild pa. Tsaka anong laban niya sa tangkad nitong 6'1? 5'5 ngalang siya e.

"Pero magagawa ko rin naman 'yon 'no. Halik lang naman sa kamay, baka nga kapag ginawa ko 'yon sa mg babae rito ay mahulog pa silang lahat sa akin," bulong ni Sarina sa sarili at napapailing na naglakad papunta sa likod ng mga guwardiya.

Nang makalapit ay nilagpasan na niya ang mga ito at lumapit na siya sa enuko. Naiwan sa labas ang mga guwardiya habang siya ay kaagad na tinapunan ng tingin ng enuko na tila pinapasunod na ito papasok.

Sabay silang pumasok sa loob at kaagad siyang namangha sa nakita. Ang unang bumungad sa kaniya ay ang malawak na space sa gitna na parang party area at sa pinakaunahan ay ang dalawang upuang nakatayo na para sa hari at reyna.

Sa gilid ay may mahaba at malawak na hagdan patungo sa taas. At sa mataas na kisame ay may malaki at kulay gintong chandelier na kumikinang-kinang.

"Nasaan na ang tatlo?" Tanong ni Sarina habang sinusuri niya ang buong lugar na napupuno ng ginto. Sa palagay niya ay mas mayaman ang palasyong ito kaysa sa palasyo nila.

"Tatlo?" Nagtatakang tanong ng enuko na ngayon ay naglalakad patungo kung saan man na kaniya namang sinusundan.

"Ang dalawang hari tapos 'yong reyna." Kasuwal niyang sagot na tila wala lang habang sinusuri ang buong sulok ng hallway na kanilang nadadaanan.

Nagulat siya nang makatikim siya ng hampas sa enuko. Napahawak siya sa kaniyang braso kung saan siya hinampas ng enuko. Natawa siya ng kaunti at tinitigan ang enuko.

"Bakit?" Inosente niyang tanong.

Sumimangot ito at akmang hahampasin nanaman siya kaya kaagad siyang umiwas. "Ikaw talaga ay walang galang. Mabuti na lamang ay walang nakarinig sa iyong sinabi. Baka ika'y naputulan pa ng dila," pangaral nito sa kaniya.

Napakibit-balikat si Sarina sa narinig. "Bakit? Alangan namang isa-isahin ko pa. Ang dami kaya nila." Rason ni Sarina saka inakbayan ang matanda.

"Dapat ay binanggit mo parin ang kanilang posisyon. Napakawalang galang ng iyong sinabi." Napailing nitong saad at tinanggal ang kamay niyang nakaakbay sa balikat nito.

Natawa nalang si Sarina. Hindi niya maintindihan kung bakit parang napakabig-deal para sa mga tao sa panahong 'to ang paggtawag sa posisyon. Dapat ay palaging Hari, Mahal na Hari, Mahal na Reyna, Reyna o etc! Nakakapagod kaya!

"Dito ang daan."

Sabay silang napalingon sa kabilang tabi. Doon nakita nila ang isang lalaki. Nakatayo ito at nakasuot ng parehong uniporme ng kasamang enuko ni Sarina. Mukhang kaedaran lang din nito ang kasama ni Sarina.

"Siya na lamang ang iyong ihahatid." Saad ng kasamang enuko ni Sarina sa kanilang kaharap. "Ako'y babalik na sa tabi ng aming Mahal na Hari." Yumuko ito ng kaunti.

Ngumiti naman ang lalaki at yumuko rin. "Masusunod." Lumingon ito kay Sarina at yumuko rin. "Tayo na, Ginoo."

Kaagad na napalingon si Sarina sa kasamang enuko na ngayon ay mabilis na naglalakad palayo sa kanilang dalawa. Balak niya sana itong tawagin ngunit bago niya pa man iyon magawa ay lumingon na ito at pinandilatan siya ng mata na tila nagbabanta.

Naitikom na lamang ni Sarina ang kaniyang bibig at kumaway rito. Gusto niya lang naman magpaalam. 

Hinarap na niya ang bagong kasama at tinanguan ito na nagsasabing maaari na silang maglakad. Nagsimula na silang maglakad sa malawak na hallway na napupuno ng iba't ibang painting at malalaking bintana.

Hindi sila umakyat sa taas, nasa first floor parin sila pero nahihilo na si Sarina sa lawak ng dinadaanan nila. Ilang lakad pa ang kanilang ginawa at tumigil na sila sa isang pinto. Ngumiti at yumuko sa kaniya ang enuko at iginaya siya sa pinto.

"Ito ang iyong magiging silid habang kayo ay naririto," nakangiti nitong saad.

"Salamat," saad ni Sarina.

Inabot ng enuko ang susi sa kaniya saka ito yumuko ulit. Kumaway na lamang si Sarina nang magsimula na itong maglakad palayo at tuluyan na siyang iniwan.

Pumasok na siya sa loob at bumungad sa kaniya ang maliit ngunit malinis na kwarto. Mayroong maliit na kama at tanging banig ang sapin at isang unan at manipis na kumot. Napakibit balikat siya.

"Okay na 'to" bulong niya sa sarili habang napapailing na inilapag ang kaniyang bayong sa kama na naglalaman ng kaniyang mga damit. Sinimulan na niyang tanggalin ang kaniyang mga damit at tinupi ulit ng maayos.

Kung nagpunta sana siya rito bilang anak ng nag-iisang magiting na Heneral Mikael Luna ay siguradong sa ikalawa o tatlong palapag siya patutuluyin at mas malaki at elegante ang kwarto.

Ngunit dahil nagpunta siya rito bilang tagapagluto ng palasyo ay ito ang kaniyang natanggap. Sa panahong 'to kasi ay usong-uso pa ang diskriminasyon patungkol sa pamumuhay ng isang tao.

Kung nagtatrabaho ka para sa isang tao ay kaagad kang ituturing na mababa at tatratuhing mababa rin. Kung ikaw ay pinagsisilbihan at may mataas na posisyon o 'di kaya'y dugong maharlika ay sasambahin ka at ang mga bagay na gusto mo ay madaling mapapasaiyo

Napapailing nalang siya sa kaniyang mga naiisip. Kung dati ay wala siyang pakealam tuwing nadidiscuss ang discrimination noong history class nila, ngayon naman ay naranasan niya pa talaga.

***

Ilang oras pa siyang tumambay sa kwarto niya. Nag-ayos ng damit, naglinis, naghalungkat ng kung ano-ano, at nagbasa ng mga librong nakapatong sa study table sa kwartong ito. Wala naman siyang ibang magawa. Wala dito ang mga kaibigan niyang chef, wala rin dito ang triplets kaya wala siyang makausap. Wala rin dito ang bago niyang kaibigan na palagi niyang kaaway. Sa palagay niya ay on duty pa ito sa labas para bantayan ang karuwahe ng hari.

Natigil lamang siya sa pagbabasa ng isang nobelang nahanap niya lang sa kwartong ito ng dahil sa isang katok na nanggagaling sa pinto.

Isinara niya ang hawak na libro at nagtungo sa pinto. Binuksan niya iyon at bumungad sa kaniya ang mukha ng enuko ng hari nila. Suot nanaman nito ang mapanghusga nitong mata at pinandidilatan nanaman siya.

Hindi niya tuloy maiwasang matawa sa tuwing tinititigan siya ng matanda gamit ang mapanghusga nitong mata. Pakiramdam niya ay hinuhusgahan nito ang buong pagkatao niya.

"Ika'y magluto na ng pagkain ng ating Mahal na Hari, damihan mo na rin upang matikman ng Reyna at Hari ng Hilaga." Saad nito at binigyan pa siya ng panandaliang boombastic side eye bago ito naglakad paalis.

Natawa na lamang si Sarina sa ugali nito. Tila may trust issue talaga ang enukong iyon sa taglay niyang kagwapuhan at palagi siyang binibigyan ng nagbabantang tingin na tila iniisip nitong sa kada galaw niya ay may gagawin siyang gulo.

Napapailing na naglakad na lamang siya. Sinundan niya ang enuko hanggang sa sila ay makarating sa isang malawak na kusina. Nang makapasok doon ay kaagad siyang nakatanggap ng mga nagtatakang tingin galing sa mga kapuwa niya chef.

Halos lahat rin ng naririto ay mga lalaki. Na nagpapatunay nga na hindi tumatanggap ang mga nakatataas ng babaeng tagapagluto sa loob ng palasyo. Ang mga babae ay tinatanggap lamang bilang tagapagsilbi.

Napailing si Sarina. Hindi lang pala diskriminasyon tungkol sa pamumuhay ang laganap sa panahong ito, kundi pati na rin ang diskriminasyon patungkol sa kasarian.

"M-Magandang gabi," nahihiyang bati ni Sarina sa mga ito. Hindi naman talaga sana siya mahihiya sa mga ito, ang kaso ay tila hindi nasisiyahan ang mga ito sa presensiya niya.

Tumango lang ang mga ito. Mapaghahalataang hindi interesado sa kaniya. Ang mga mata rin nito ay tila minamaliit siya. May hinuna na si Sarina kung bakit ganoon ang pagbati ng mga ito sa kaniya. Kahit na pasaway siya ay nakikinig naman siya sa history class nila noon.

Ayon sa kaniyang kaalaman ay sa panahong ito raw ay uso rin ang diskriminasyon pagdating sa edad. Kung bata ka ay dapat masunurin ka at dapat na palaging under sa mga nakakatanda sa iyo. Magalang ka rin dapat at tatratuhin ang mga nakakatanda ng maayos at may respeto. 

Ganoon din naman sa modern era, pero mas malala ang sa panahong ito. Dahil dito ay nag-iiba ang tingin ng matatanda sa kanilang sarili. Tumataas ang mga tingin nito sa kanilang mga sarili at paminsan-minsan ay inaabuso na ang paggalang at pagrespetong binibigay sa kanila ng mga kabataan.

"Bata-bata ka pa, Totoy." Maangas na saad ng isa na kaagad na ibinagsak ang hawak na kutsilyo sa mesa at taas noong naglakad papunta sa kaniya.

Napalunok na lamang si Sarina at napalingon sa enuko para humingi ng tulong. Ngunit kaagad na bumagsak ang kaniyang panga dahil wala na ang enuko sa kaniyang tabi. Iniwan na siya!

Napatingin muli siya sa kaharap. Napatingala pa siya dahil matangkad ito at malaki pa ang katawan. Ang edad ay tila nasa mga 50 pataas na.

"O-Opo," sagot niya.

Kailanman ay hindi siya kinabahan sa pakikipagusap sa kahit na sino! Pero sino nga namang hindi matatakot dito? Ang laki ng katawan na kapag sinapak siya nito ay siguradong tulog siya.

"At bakit ka naririto?" Maangas nitong tanong at pinagkrus ang mga braso.

Napakamot nalang sa kaniyang batok si Sarina. Na-i-sstress na kinakabahan na sa nangyayari. "Ah, m-magluluto ako ng pagkain para sa hari namin. Luto ko lang kasi ang kinakain niya."

Napataas ang kilay ng kaharap niya. "Ikaw ba'y nagbibiro? Ikaw? Magluluto rito sa aming kusina? Huh, malakas ata ang iyong apog, Totoy."

Napabuga nalang ng hangin si Sarina at pinagdikit ang kaniyang mga palad. Nabawasbawasan narin ang kaniyang kaba. Ang kaso ay mas nababahala siya kung sakaling hindi nga siya payagan ng mga ito na gamitin ang kusina nila.

"Promise, totoo 'to. Luto ko lang talaga ang kinakain ng hari namin. Gusto niyo bang papuntahin ko rito ang enuko niya?"

Kaagad namang natigilan ang kaharap at umatras matapos marinig na papuntahin dito an enuko. "H-Huwag ka nang mag-abala. Maaari ka ng gumamit ng kusina basta iyong tatandaan na hindi ka gagamit ng mga kagamitan dito ng walang paalam. Malinawag ba?"

"Maliwanag," tumatangong saad ni Sarina. Tumutunog na ang kaniyang tiyan at gutom na siya. Sana ay matapos na niya ito para makakain narin siya.

Nagtungo na siya sa libreng kalan at nagsimula nang magsiga ng apoy. Hindi tuloy niya maiwasang mapressure dahil sa mga matang nakatitig sa kaniya. Nakabantay sa bawat galaw na kaniyang ginagawa. Para bang pinayagan siyang magluto roon pero pagkatapos ay ipapa-salvage na siya. Mariing napalunok nalang si Sarina, hindi alam kung ano ang gagawin.

**********

Continue Reading

You'll Also Like

64.4K 6.3K 58
" The darkness closed in around him, like a shroud of silence. Veeranshu's eyes fluttered open, and he was met with an unfamiliar ceiling. Groggily...
502 104 37
Mahirap talaga ang buhay, maraming pag subok at maraming susubukan ka, simple lang akong babae, walang ibang gusto kundi maging mabuting anak. Pero n...
283K 19.3K 163
The Divine woman Draupadi was born as the eternal consort of Panadavas. But we always fail to treasure things which we get easily. Same happened with...
8.6K 525 57
Isang Nerd Mahirap Magaling makipaglaban Inaayawan ng ibang tao Pulubi na kung pulubi ang turing nila sa kanya Sya pa rin pala ang tagapagligatas nyo.