The Royal Chef

By senoritaxara

22.7K 1.2K 326

Sarina Sandoval is a woman from the modern world, she is an aspiring chef from the Blue House. At a young age... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1: The Training
Chapter 2: Azrael Luna
Chapter 3: The Triplets
Chapter 4: The Recipe
Chapter 5: The Palace
Chapter 6: Elimination
Chapter 7: First Day
Chapter 8: Alas
Chapter 9: Favorite
Chapter 10: Hilaga
Chapter 12: Hilaga (3)
Chapter 13: Hilaga (4)
Chapter 14: Dethroned Queen
Chapter 15: Sugalan
Chapter 16: Lawa
Chapter 17: Ghosted
Chapter 18: Goodbye
Chapter 19: Trip
Chapter 20: Kabaong
Chapter 21: Stars
Chapter 22: Pagbabalik
Chapter 23: Starvation
Chapter 24: Royal Kitchen
Chapter 25: Diary
Chapter 26: Ruiz Clan
Chapter 27: Last Entry
Chapter 28: The Red Book
Chapter 29: King
Chapter 30: Banquet
Chapter 31: Unexpected
Chapter 32: Him
Chapter 33: Awake
Chapter 34: Regained
Chapter 35: Caught
Chapter 36: Library
Chapter 37: Truth
Chapter 38: Help
Chapter 39: Plan
Chapter 40: Rest

Chapter 11: Hilaga (2)

470 32 5
By senoritaxara

[Chapter 11]

Tahimik ang kanilang byahe. Tahimik talaga dahil walang makausap si Sarina. Sa totoo nga ay kating-kati na ang dila niya na magsalita at makipag-usap. 

Ang kutsero kasi ay hindi siya pinapansin. Ang mga guwardiyang nakasakay sa kaniya-kaniya nilang kabayo ay sinasabayan lamang ang kanilang kalesa at karuwahe, tahimik lang rin.

Napabuga ng hangin si Sarina. Gusto niyang mag-ingay, ang kaso ay wala siyang kausap.

Lumingon siya sa guwardiyang nasa tabi ng kaniyang kalesa. Ito ang guwardiyang naatasang magbantay sa kaniya habang papunta sila sa kaharian ng Hilaga. 

Kailangan talaga kasi na may kasamang guwardiya sa tuwing maglalakbay papunta sa ibang kaharian dahil minsan ay may mga bandit na nang-aabang sa daan at nagnanakaw ng mga gamit at higit pa roon ay pumapatay ng tao.

"Malayo pa ba tayo?"

Tumango ito nang hindi siya nililingon, nanatili ang mga mata sa daan na tila wala itong ibang kasama. Talagang pinaparamdam nito na wala siyang ganang makipag-usap.

"Alam mo, pansin ko ang sususngit niyo." Saad ni Sarina habang nakatingin sa guwardiya. Kahit na ayaw siya nitong kausap ay hindi parin siya tumitigil.

Totoo naman kasi ang sinabi niya. Kanina niya pa inoobserbahan ang mga kasama at napansin niya na ang tatahimik ng mga ito. Hindi manlang lumilingon sa kapuwa guwardiya o nakikipag-usap manlang.

Hindi alam ni Sarina kung parte iyon ng kanilang trabaho bilang guwardiya o mga tahimik lang talaga ang mga ito. Kapag kinakausap kasi ay tango o iling lamang ang sinasagot.

Napaisip tuloy siya kung hindi ba napapanis ang mga laway nito.

Napatabingi na lamang ang ulo ni Sarina habang nakatitig sa guwardiya. Hindi sumagot ang guwardiya sa sinabi niya. Sa halip ay tinaasan lamang siya ng kilay.

"Sungit mo naman," natatawang saad ni Sarina. "Pero 'di nga? Mga ilang oras pa ang byahe natin?"

"Tatlong araw." Maikling sagot nito at napabuntong-hininga.

Nanlaki ang mga mata ni Sarina sa narinig at kaagad na inalabas ang kaniyang ulo sa kalesa upang makalapit siya ng maigi sa guwardiya. "Anong sinabi mo?! Tatlong araw kamo?!"

Nakatanggap siya ng nanghuhusgang tingin mula sa kaniyang bantay. "Ikaw ba'y bingi, Ginoo?" Naiinis nitong tanong.

Natawa si Sarina at kinindatan ang guwardiya upang mapalamig ang ulo nito. "Ikaw naman, masyadong mainit ang ulo. Pero 'di nga, tatlong araw talaga ang byahe?"

Tango lang ulit ang sagot ng guwardiya sa kaniya.

Napabuga ng hangin si Sarina at umayos na ng upo sa kalesa. "Paano tayo matutulog?"

"Tayo ay magpapahinga sa pinakamalapit na bahay-tuluyan."

Napatango ulit si Sarina. "Buti naman." 

Natahimik na siya. Pinili na lamang niyang tumingin sa labas at pagmamasdan ang kanilang dinadaanan. Mukhang wala rin naman kasing balak makipag-usap ang mga taong ito sa kaniya.

Ilang minuto pa ay nakalabas na sila sa kaharian kung saan sila nakatira, ang kaharian ng Silangan. Tanging mga puno nalang ang kanilang nakikita sa gilid ng daan. Paminsan-minsa'y matataas na damo.

Ngunit ayon sa pagkakaalam ni Sarina ay sakop pa ito ng kaharian ng Silangan. Hindi pa ngalang nababahayan.

Napahinga siya ng malalim at napalingon sa guwardiya. May bagay na pumasok nanaman sa kaniyang isip. "P're, may tanong ako."

Napabuga ng hangin ang guwardiya na tila sinasabing; Heto nananamn...

Inilapit ni Sarina ang kaniyang ulo sa guwardiya. "Nakita mo na ba ang mukha ng hari?"

Kaagad na napalingon sa kaniya ang guwardiya at sinamaan siya ng tingin. Hinawakan nito ang espadang nakakabit sa tagiliran at hinugot ng kaunti na tila naghahanda nang pugutan ng ulo si Sarina.

Kaagad na nanlaki ang mga mata ni Sarina. "T-Teka lang naman, p're! Nagtatanong lang naman!" Natatarantang saad ni Sarina at kaagad na lumapit sa kaniyang kutsero at humawak sa manggas ng damit nito. "Manong oh."

Napalingon sa kaniya ang kutsero at tinignan siya ng may pag-unawa. Tila hindi naman ito nababahala sa ginagawa ng guwardiya ngayon. "Hijo, ingatan mo na lamang ang iyong dila. Hindi tayo maaaring magbitaw ng mga ganiyang katanungan."

Napanguso si Sarina at dahan-dahang naupo na ulit sa upuan ng kalesa. Binibigyan niya ng mabilis na tingin ang guwardiya na ngayon ay masama parin ang tingin sa kaniy. "Gusto ko lang naman malaman kung sino mas pogi sa aming dalawa."

Sinamaan siya ng tingin ng guwardiya at marahas na ibinalik sa dating lalagyan ang kaniyang espada. "Bakit nais mong malaman? Ikaw ba'y may masamang binabalak?"

Ikinumpas ni Sarina ng mga kamay niya sa hangin hudyat ng pagtutol. "Wala ah! Gusto ko lang naman malaman kung magandang lalaki ba siya o hindi." 

Pinaningkitan siya ng tingin ng guwardiya na tila nagdududa pa sa kaniyang sinabi. Ngunit maya-maya ay napabuga nalang ito ng hangin at napailing. Tila tinatanggap na nito kung anong klaseng ugali mayroon siya.

Namuo na ang katahimikan sa kalesa. Natakot narin magtanong si Sarina matapos ang nangyari dahil baka tuluyan na siyang maputulan ng dila, o ang mas malala pa ay bawian siya ng buhay.

Pinili na lamang niyang tumitig sa karuwaheng nasa kanilang unahan, ang karuwahe ng hari.

Isa lang ang guwardiyang nagbabantay sa kalesang sakay ni Sarina. Samantalang ang karuwaheng sinasakyan ng hari ay siyam ang nakabantay. Tig-tatlo sa magkabilang gilid, isa sa harap na siyang nangunguna at nagtuturo ng daan, at dalawa sa likuran sa harap ng kalesang sinasakyan ni Sarina.

Napabuntong-hininga na lamang si Sarina, sinusubukang maging tahimik kahit na gustong-gusto na niyang magsalita at makipagdaldalan.

***

Sumapit ang alas-dose at may natanaw silang isang malaking bahay sa 'di kalayuan. Ang akala ni Sarina ay lalagpasan nila iyon ngunit tumigil ang guwardiyang nangunguna sa kanilang lakad kaya napatigil rin ang karuwahe ng hari at ang kalesang kaniyang sakay.

"Bakit tayo tumigil?" Tanong ni Sarina sa kutsero.

"Manananghalian muna tayo," saad ng kutsero.

Nangislap ang mga mata ni Sarina sa narinig. Kanina niya pa iyon hinihintay na marinig. Kanina pa kasi kumukulo ang kaniyang tiyan. 

"Hays, salamat naman. Akala ko nakalimutan niyo na e," saad ni Sarina at saka lumundag pababa ng kalesa. 

Sumunod rin naman ang mga guwardiya na kaagad pinalibutan ang karuwahe ng hari.

Napakunot ang noo ni Sarina sa nasaksihan. Ngunit kaagad ring nanlaki ang kaniyang mga mata at napangisi sa napagtanto.

Bababa ang hari!

Ibig sabihin ay makikita na niya kung sino ang mas pogi sa kanilang dalawa. 

Nang makitang binuksan na ng guwardiya ang pinto ay kaagad na nilakihan ni Sarina ang kaniyang mga mata upang makakita ng maayos. Hindi rin siya kumukurap at pinanatiling tutok ang mga mata sa karuwahe.

Napatakip sa kaniyang bibig si Sarina ng makita na niya ang paa nito na inilabas sa karuwahe. Maganda ang suot nitong boots na gawa sa balat ng hayop, halata ring mamahalin. Pati na ang suot nitong pants na puting-puti.

Hindi niya alam ngunit nasasabik siya sa kaisipang makikita na niya ang mukha nito. 

Ngunit nang tuluyang lumabas ang hari ay nagdilim ang kaniyang paningin. Hindi dahil nahimatay siya o kung ano. Iyon ay dahil tinakpan ng guwardiyang nagbabantay sa kaniya ang kaniyang mga mata. 

Naiinis na pinalo niya ang kamay nito at marahas na lumingon sa katabi. Mas lalo pa siyang nainis nang makita ang malawak nitong ngisi na tila nasisiyahan pa sa ginawa. 

"Nakakainis ka! Hindi ko tuloy nakita!" Naiinis na saad ni Sarina at kaagad na kinurot ang guwardiya ngunit kaagad itong nakaiwas at tumatawang tumakbo palayo at tumungo sa hari na ngayon ay natatakpan ng payong ang mukha. Pati ang likod at paa nito ay hindi na niya makita dahil may suot itong itim tela na parang cape ni Batman.

Napapadyak sa lupa si Sarina dahil sa inis. Sinamaan niya ng tingin ang guwardiya ngunit tinawanan lamang siya nito at tinaasan ng kilay. 

Kasing edaran niya lang ang guwardiyang iyon at may hitsura rin na mas dumagdag pa sa kaniyang inis. May ipagmamalaki kasi at malapit lang sa level niya ang face card nito.

"Kanina ang init-init ng ulo sa akin! Tapos ngayon ang lakas mang asar!" Naiinis na reklamo ni Sarina.

Natawa ang kutsero at tinapik ang kaniyang balikat na tila nakikiramay saka nauna na itong maglakad papasok sa malaking bahay.

Nagmamadali namang humabol rito si Sarina at sumabay sa paglalakad nito. "Ikaw, Manong. Nakita mo ba ang hitsura ng hari kanina?"

Umiling ang kutsero. "Hindi ko nakita ang kabuoan ng Mahal na Hari, ito ay nakatalukbong ng mahabang kulay itim na tela at ang ilong at bibig ay natatakpan rin ng kulay itim na tela."

Napapalatak sa inis si Sarina. "Sayang!"

Natawa na lamang sa kaniya ang kutsero. Pumasok na sila sa loob at bumungad sa kanila ang malaking mesa at nakapalibot roon ang sampung guwardiya. 

Inilibot ni Sarina ang tingin sa buong silid. Hinahanap niya ang hari ngunit hindi niya ito makita. Ngunit maya-maya ay bumukas ang isang silid at lumabas doon ang enuko ng hari. Sa palagay niya ay nasa loob na ng silid na iyon ang hari.

Tumingin ito kay Sarina at yumuko ng kaunti. "Maaari ka nang magsimula, Maharlikang Tagapagluto."

Napakunot ang noo ni Sarina at nabahiran ng pagkalito ang ekspresyon sa kaniyang mukha. "Ha? Anong gagawin?"

Napatingin sa kaniya ang enuko ng may pagtataka. "Magluluto? Hindi ba't iyon ang dahilan kung bakit ika'y kasama namin ngayon?" Nalilito nitong saad.

Natawa si Sarina at kaagad na napatango sa napagtanto. Ngayon niya lang naalala na kaya pala siya kasama dahil personal chef siya ng hari. Nawala na kasi sa isipan niya dahil sa pagtataray sa kaniya ng guwardiyang nagbabantay sa kaniya.

"Oo nga pala! Hahahaha! Nakalimutan ko. Sorry, tao lang," natatawa niyang saad at tumungo na sa kusina para magsimula.

***

Lumipas ang isang oras at natapos na siya sa kaniyang mga niluto. Medyo natagalan dahil dinamihan niya ang kaniyang niluto para makakain silang lahat. Tinanggal na ni Sarina ang kaniyang suot na apron at isa-isang nilabas ang kaniyang niluto at inilagay sa malaking mesa kung nasaan ang kaniyang mga kasama.

Matapos ay kinuha niya ang para sa hari. Nakahiwalay ito sa kanilang pagkain dahil hindi naman ito sasabay sa kanila kumain sa hapag. Sa isang pribadong silid ito kakain at pagsisilbihan ito ng enuko.

Kumatok si Sarina sa pinto at naghintay na pagbuksan. Nang bumukas ang pinto ay kaagad siyang ngumisi sa enuko. "Alam kong masarap 'yan, kaya magwa-walang anuman na ako ngayon palang," saad niya sabay kindat.

Tinignan lamang siya ng enuko ng may pagtataka at tinanggap na ang pagkain. Pagkatapos ay binagsakan siya ng pinto.

Napangiwi na lamang si Sarina at tahimik na bumalik sa mahabang mesa kung nasaan ang kaniyang mga kasama. Ang sampung guwardiya at ang dalawang kutsero.

Nang makita ay kaagad siyang ngumiti sa mga ito at kumaway. "Kain na tayo?" Aya niya.

Kaagad na tumango ang lahat at nagsimula nang magsandok ng kanin at ulam na kaniyang niluto.

Ganon rin ang ginawa ni Sarina habang nakataas kilay na nakatingin sa guwardiyang nagbabantay sa kaniya.

Hindi ito makatingin sa kaniya habang nagsasalok ng ulam dahilan upang matawa si Sarina. Hindi niya alam kung nahihiya ito sa kaniya dahil siya ang nagluto ng ulam o sadyang hindi lamang talaga ito nagbibigay ng atensyon sa kaniya.

Tahimik silang kumain at kaagad na inulan ng papuri si Sarina. Ang mga guwardiyang dating tahimik na tango at iling lang ang kayang gawin ay kaagad siyang pinuri matapos matikman ang kaniyang niluto, kesyo ang sarap daw, kesyo amoy palang raw ay natatakam na sila, kesyo tila natitikman raw nila ang paraiso... maliban lamang sa isang guwardiya; ang guwardiyang nagbabantay kay Sarina.

Nang magtama ang kanilang mga mata ay kaagad na ngumisi si Sarina. "Sarap ba, p're?"

Kaagad itong umiwas ng tingin at tipid na tumango. Hindi narin nito magawang lunukin ang pagkain sa sariling bibig dahil sa mapang-asar na tinging pinupukol ni Sarina. Nilalamon na ito ng hiya.

***

Natapos ang kanilang tanghalian at naka-upo na sa kalesa si Sarina habang ang kaniyang bantay ay nasa tabi ng kaniyang kalesa. Nakasakay na ito sa sariling kabayo. Kanina pa ito hindi makatingin at nahihiya.

Samantalang si Sarina ay kanina pa ito inaasar. "Hay, sarap ko talaga magluto." Saad ni Sarina.

Hindi sumagot ang guwardiya. Napalunok lamang ito at pinapanatili ang blangkong ekspresyon habang nakatingin sa malayo.

"Ikaw ha, sinusungit-sungitan mo ako sa byahe, tapos tinakpan mo pa mata ko para 'di ko makita 'yong hari.  At sa huli ay ikaw pa itong naparami ang kain dahil sa masarap kong niluto," pang-aasar ni Sarina dito.

Hindi sumagot ang guwardiya ngunit mapapansin na ang pamumula ng batok at tainga nito.

"Inaaway-away mo pa ako, pero kung makakain ng niluto ko parang wala ng bukas."

Hindi muli sumagot ang guwardiya ngunit ginalaw nito ang lubid ng kabayo dahilan upang maglakad palayo ang sinasakyan nitong kabayo. Naglalakad ito patungo sa mga kapuwa guwardiya, malayo-layo sa kaniyang pwesto.

"Aba! At ngayon tatakasan mo pa ako ha?" Nakangising saad ni Sarina. Masyado lang siyang nasisiyahan sa reaksyon ng guwardiyang hindi niya alam kung kaibigan na ba niya o kaaway parin.

***

Sumapit na ang alas-diez ng gabi ngunit hindi pa sila tumitigil. Ilang minuto pa raw kasi ang kakailanganin bago makarating sa pinakamalapit na bahay-tuluyan. Napapahikab na si Sarina habang nakamasid sa paligid.

Nilalamig narin siya dahil sa malamig na hanging dala ng gabi. Gusto na niyang mahiga dahil mukhang ngayong gabi ay hindi rin naman siya makakapunta sa bahay-aliwan. Hay, miss na niya ang mga baby loves niya.

Maya-maya pa ay may natanaw na silang dalawang palapag na bahay. Nagliliwanag ito sa madilim na gabi dahil sa mga lamparang umiilaw malapit sa bintana ng bahay.

"Heto na tayo," saad ng kutsero.

Nagsibabaan na ang lahat. Nakatayo si Sarina malayo-layo sa karuwahe ng hari.

Lumapit na ang isang guwardiya sa pinto ng karuwahe kung kaya't nakatutok nanaman ang mga mata ni Sarina sa taong huling bababa. Ayos lang kahit natatakpan ang kalahati ng mukha, ayos na sa kaniya na makita kahit ang mata lang nito.

Nang makita na niyang pababa na ito ay kaagad siyang umusog palayo sa katabi niyang guwardiya na siyang bantay niya. Mahirap na, baka takpan nanaman nito ang kaniyang mga mata.

Naramdaman niyang lumapit ito sa kaniyang tabi dahilan upang tapunan niya ito ng masamang tingin. Ngunit ngisi lamang ang sinagot ng guwardiya sa kaniya, tila nagkabaliktaran na ulit ang sitwasyon. Si Sarina naman ang inaasar nito ngayon.

Nang lumabas na ang hari ay kaagad na nagdilim muli ang kaniyang paningin dahilan upang awtomatikong umangat ang kaniyang paa upang manipa dahil sa inis.

Ngunit tila malakas ang pakiramdam ng guwardiya dahil kaagad itong nakaiwas at humahagikhik na tumakbo patungo sa pwesto ng hari na ngayon ay natatakpan na muli ng payong ang mukha.

Napapalatak nalang ulit si Sarina. Kung pwede lang niyang putulin ang kamay ng guwardiyang iyon ay ginawa na niya.

Natawa ulit ang kutsero at tinapik ang kaniyang balikat saka nauna nang maglakad. Napabuga ng hangin si Sarina at sumunod na lamang habang sinusumpa sa kaniyang isipan ang guwardiyang iyon.

Pagdating sa loob ay kaagad silang binati ng may-ari. Unang pumasok sa silid ang hari habang naiwan naman silang lahat sa sala upang mag-usap kung paano ang magiging set-up nila sa pagtulog. Napagpasyahan nilang tig-dadalawang tao sa kada isang silid dahil mararami pa naman ang bakanteng silid. 

"Pwede kayang kami ng hari ang magsama sa isang silid?" Bulong ni Sarina sa enuko.

Kaagad itong napalingon sa kaniya at tinignan siya ng may pagtataka. Ang mga mata ay nagdududa.

"Biro lang," natatawang saad ni Sarina at inakbayan ang enuko na kasing tangkad niya lamang, ngunit ito ay nasa 50+ na at may mga puti narin ang buhok. "Nagbabakasali lang naman."

Nagbabakasakali lang naman siya na makita ang mukha ng hari ngunit isang nagsususpetsang tingin ang natanggap niya sa enuko.

"Ang ating usapan ay natatapos na rito. Humayo na tayo sa ating mga silid at magpahinga," saad ng enuko saka hinila na si Sarina patungo sa kanilang kwarto. 

Ito talaga ang pinili na makasama ng enuko sa isang silid, upang mabantayan ito ng maigi at mapigilang gumawa ng anumang katarantaduhan. Naninigurado siya na hindi pupunta ang binatilyong ito sa silid ng Mahal na Hari upang manilip o mamboso. 

Mahirap na, pasaway pa naman ang binatilyong ito. Saad ng enuko sa kaniyang isipan.

***

Sumapit ang gabi at kaniya-kaniya ng hilik ang lahat. Maliban kay Sarina na gising na gising ang diwa. Napabuntong hininga siya. Siguro ay body clock na niya ito. Nasanay na ang kaniyang katawan na lumabas ng palasyo at magtungo sa bahay-aliwan.

Naupo siya sa kaniyang kama at tinignan ang katabing kama, naroon nakahiga ang enuko. Mahimbing na itong natutulog.

Napabuga siya ng hangin at napatitig na lamang sa dingding. Hindi siya makatulog. Sobrang nabobored na siya. 

Wala manlang cellphone, TV, internet, o kung ano pamang pwedeng makaalis ng boredom niya. 

Napahinga muli siya ng malalim at napatingin sa kaniyang bracelet. Ito nalang ang bagay na natitira sa kaniya na nagmula rin sa kaniyang panahon. Kulay berde ang ilaw nito, hudyat na maayos naman ang kaniyang pakiramdam.

Napatitig siya sa bracelet sa magkabila niyang kamay. Natawa siya ng mapait sa napagtantong napunta siya sa nakaraan bago paman niya naibigay ang isang pares ng kaniyang bracelet sa kaniyang assisstant na si Lory.

"Pait ng buhay mo, Sarina." Natatawa niyang saad sa sarili. Ngunit ang boses ay nababahiran ng pait. Gayundin ang kaniyang mga mata na napupuno ng lungkot. 

Nais niyang bumalik sa kaniyang panahon... Ngunit hindi niya maipagkakaila na nag-eenjoy rin siya rito kahit na walang internet at technology. Mahirap ang mabuhay sa panahong ito pero masaya naman.

Ang akala niya ay mababaliw siya kapag napunta siya sa panahong ito kagaya ng sagot niya kay Mika noon. Ngunit nagkamali siya, ang totoo ay mas masaya pa ang buhay niya rito kaysa sa buhay niya sa makabagong panahon.

Marami ang naging kaibigan niya rito. Marami ang ganap. Masaya kahit na walang internet.

Samantalang sa panahon niya ay wala siyang ibang ginawa kundi ang magluto sa Blue House, pagkatapos ay uuwi sa kaniyang bahay para mag-imbento. Blue House at bahay niya lang ang pinupuntahan niya noon.

Kung tutuusin ay sa panahong ito siya natutong magsaya at gumala. Kagaya ng pagligo sa ilog araw-araw kasama ang kaniyang mga kapuwa chef, at paglalakad sa kalsada gabi-gabi kasama ang triplets. At higit sa lahat ay ang pakikipaghabulan at pakikipagkwentuhan kay Alas tuwing alas-diez ng gabi at pagsapit ng alas-dose ay tatakasan siya.

Kaya lang kahit na gaanong saya ang maramdaman niya rito... napagtanto niyang hindi siya maaaring mapalapit ng sobra sa mga tao rito. Hindi siya maaaring mapamahal sa mga lugar dito. Higit sa lahat ay hindi siya maaaring mahulog sa taong nagmumula sa panahong ito dahil aalis siya. Dahil... Hindi rin naman siya magtatagal pa rito.

Hindi siya nababagay dito. Hindi siya ang totoong may-ari ng katawang ito. Hindi siya ang totoong may-ari ng buhay na ito. 

Lahat ay hiram. Hiram lang ang lahat ng ito at darating ang panahon na babawiin na sa kaniya ang hiram na ito.

Napangiti ng mapait si Sarina. Sa sandaling panahong pamamalagi niya sa panahong ito ay napalapit na siya sa mga tao rito. 

Ayaw man niyang aminin ngunit napalapit na siya sa lahat, kay Mikael, sa triplets, sa Lola Mara na Lola ni Azrael, kay Lando, Manuel, Santino, Gomez, sa cutie patotie na si Alas, sa mga guwardiya ng palasyo, sa enuko ng hari, at sa mga kutsero. 

Napabuga siya ng hangin. Kahit na ano pa ang gawin niya ay hindi magiging kaniya ang lahat ng ito. Kahit na gustuhin niya mang manitili rito ay hindi maaari sapagkat ang buhay na gamit niya ngayon ay hindi kaniya.

Ayaw niyang maging makasarili at tuluyang angkinin ang katawang ito, ang buhay na ito. Hindi niya magagawa iyon.

Ang tanging magagawa niya na lamang ay sulitin ang mga araw na nandito pa siya at maghanap ng paraan na makabalik sa kaniyang panahon at hayaan ang totoong may-ari ng katawang gamit niya ngayon na makabalik sa sarili nitong buhay.

Ang buhay na nararanasan at tinatamasa niya ngayon.

**********

Continue Reading

You'll Also Like

6.1M 397K 74
Losing this war means captured by the enemy empire and considered as their prostitutes and servants. Dreaming that situation made my heart race even...
914 306 22
Halina't maglakbay at sumama Patungo sa paaralan ng pantasya Kung saan pusod gubat ay iyong matatagpuan Mga kapangyarihan ay iyong masasaksihan At gu...
19.2K 315 38
Kai is something what You can say is a prodigy he always loved playing Soccer he found it fun that he was so much better than everyone one day he get...
Switched Souls By cmbewithyou

Historical Fiction

9.7K 619 49
Isang babaeng palaaway na maraming nakakabanggang naglalakihang gang na isang araw ay nagising nalang sya na nasa ibang katauhan. Ang mas malala pa...