The Royal Chef

By senoritaxara

22.7K 1.2K 326

Sarina Sandoval is a woman from the modern world, she is an aspiring chef from the Blue House. At a young age... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1: The Training
Chapter 2: Azrael Luna
Chapter 3: The Triplets
Chapter 4: The Recipe
Chapter 5: The Palace
Chapter 6: Elimination
Chapter 7: First Day
Chapter 8: Alas
Chapter 9: Favorite
Chapter 11: Hilaga (2)
Chapter 12: Hilaga (3)
Chapter 13: Hilaga (4)
Chapter 14: Dethroned Queen
Chapter 15: Sugalan
Chapter 16: Lawa
Chapter 17: Ghosted
Chapter 18: Goodbye
Chapter 19: Trip
Chapter 20: Kabaong
Chapter 21: Stars
Chapter 22: Pagbabalik
Chapter 23: Starvation
Chapter 24: Royal Kitchen
Chapter 25: Diary
Chapter 26: Ruiz Clan
Chapter 27: Last Entry
Chapter 28: The Red Book
Chapter 29: King
Chapter 30: Banquet
Chapter 31: Unexpected
Chapter 32: Him
Chapter 33: Awake
Chapter 34: Regained
Chapter 35: Caught
Chapter 36: Library
Chapter 37: Truth
Chapter 38: Help
Chapter 39: Plan
Chapter 40: Rest

Chapter 10: Hilaga

496 29 13
By senoritaxara

[Chapter 10]

"Wait! Wait! Bagalan lang natin, p're! Ayoko pa madedo!" Sigaw niya habang nagpupumiglas sa guwardiya.

Hindi sumagot sa kaniya ang guwardiya. Ni hindi manlang siya nilingon. Tila walang naririnig at walang ibang kasama. 

Napabuga ng hangin si Sarina. Tumigil na siya sa pagpupumiglas at sa pagsigaw dahil siya lang naman ang napapagod sa kanilang dalawa.

"Saan mo ba kasi ako dadalhin? Mamamatay na ba ako?" Tanong niya sa mahinahong boses habang nagpapatangay na lamang sa guwardiya.

Ngunit kahit gaano siya kahinahon ay hindi rin naman siya pinapansin ng guwardiya. Tila wala man lamang siyang kasama. Hindi man lamang siya nito inilingan o tinanguan manlang bilang sagot.

Napasimangot si Sarina. "Sige, Kuya. Salamat sa lahat," sarkastiko niyang saad.

Ngunit kahit ganoon ay hindi parin siya nito pinansin. Sumuko na lamang si Sarina at hinayaan na lamang ang guwardiya na tangayin siya kahit saan.

Pumasok sila sa palasyo na ikinamangha ni Sarina. Ito ang unang beses na makakapasok siya rito. Nang makapasok ay wala namang magandang bagay na nagpamangha sa kaniya bukod sa mga painting na nakasabit sa dingding. Sa palagay ni Sarina ay iyon ang mga dating hari.

Kapansin-pansin rin sa kanilang dinaraanan ang mga indoor plants at iba pang ginto. Kung pwede ngalang magnakaw ng isa ay ginawa niya na. Ang kaso ngalang ay hawak siya ng guwardiya sa braso. 

Kung magnanakaw man siya ay siguradong uuwi siyang wala ng kamay.

Nakailang liko pa sila hanggang sa makarating sila sa harap ng double door. Mataas ang dalawang pinto na umabot sa kisame at malaki ito. Sliding door pa ang istilo. Ngunit hindi iyon ang nagpamangha kay Sarina kundi ang sampung guwardiyang nakabantay sa harap ng silid na ito!

Nakahilera ang mga ito sa tabi ng pinto. Lima sa kaliwa, lima sa kanan. Lahat ay seryoso ang mga mukha na tila hindi marunong magbiro. 

Nahihiyang ngumiti siya sa mga guwardiya ngunit hindi siya nito pinansin. Napasimangot tuloy siya, gusto niya lang naman makipag-kaibigan. Masyadong seryoso ang mga taong ito sa buhay. Napag-isip-isip niya.

Sa wakas ay binitawan na siya ng guwardiya. Humarap ito sa kapuwa niya guwardiya at yumuko ng kaunti. Ganoon din ang ginawa ng kaniyang mga kapuwa guwardiya. 

"Mahal na Hari, narito na ang Maharlikang Tagapagluto." Anunsyo ng guwardiyang nakapwesto sa tabi ng pinto.

"What?! Mahal na Hari?!" Natatarantang bulong ni Sarina sa guwardiyang tumangay sa kaniya. "Bakit hindi niyo ako ininform?!"

Alam niyang importanteng tao ang nakatira sa silid na ito dahil sa bilang ng guwardiya pero hindi niya akalain na mimong hari ang nakatira dito! 

Kunot-noong tinignan lamang siya ng guwardiya. Pagkatapos ay hindi na siya pinansin. Marahil ay iniisip na nito na nababaliw na siya.

Binuksan nila ang pinto dahilan upang mapaatras ng isang hakbang si Sarina. Naningkit ang kaniyang mga mata habang sinusuri ang loob ng silid. Kinakabahan siya pero gusto niyang makita ang loob ng kuwarto ng hari.

Sa harap ng pinto ay malaking kama na gawa sa ginto. Ngunit kagaya ng inaasahan ay may nakatakip na kurtina sa kama upang hindi makita ang taong nakahiga o nakaupo man roon. 

Ang kulay pulang kurtinang iyon ay nagsilbi ng kulambo dahil buong parte ng kama ay natatakpan. Sinaunang-sinauna talaga ang estilo.

Napatingin siya sa guwardiya nang maramdaman niya ang matalim nitong tingin.

"Ano?" Naguguluhang bulong ni Sarina rito.

Pinandilatan siya nito at itinuro ang kama ng hari gamit ang mga mata nito. 

Napakunot ang noo ni Sarina. Hindi maintindihan ang gustong ipahiwatig ng bago niyang tropa.

Pinapapasok niya ba ako?

Humakbang si Sarina papasok habang nakatingin sa guwardiya na tila nagtatanong kung tama ba. 

Napatampal sa kaniyang noo ang guwardiya at hinila siya muli palabas at pwersahang pinaluhod.

"Narito na ang Maharlikang Tagapagluto, Mahal na Hari." Saad ng guwardiyang habang pinandidilatan si Sarina na tila sinasabing ganon ang dapat gawin.

"Ah, sinasabi mo bang batiin ko?" Natatawang bulong ni Sarina.

Nakahinga ng maluwag ang guwardiya at tumango.

Huminga muna ng malalim si Sarina at niyakap ang sahig kagaya ng mga napapanood niya sa movie kung paano mag-bow ang mga tagapagsilbi sa hari.

"Magandang gabi, Mahal na Hari. Ako'y nagagalak na makita ka kahit hindi pa kita nakikita," magalang at malakas ang boses na saad niya.

Lumabas mula sa kurtina ang enuko at nang makita siya ay kaagad itong namutla. Ngumisi lamang siya rito at kumindat.

"Maaari ka nang pumasok ayon sa utos ng Mahal na Hari," saad nito.

Nakahinga ng maluwag si Sarina at tumayo na saka nag-unat-unat. "Hay, salamat naman."

Pumasok na siya sa loob at lumuhod ulit dahil pinandilatan nanaman siya ng bago niyang tropa. Hindi na siya kinakabahan at hindi narin natatakot. Pakiramdam niya ay wala namang masamang balak sa kaniya ang hari.

"Ano pong maipaglilingkod ko?" Tanong ni Sarina. Tinignan niya ang kurtina, hindi  niya nanaman makita ang hari pero ramdam niyang may tao sa loob. "Teka nakikita niya ba ako?"

Umiling ang enuko. "Hindi ka nakikita ng Mahal na Hari."

"Ah okay," kibit-balikat ni Sarina habang sinusuri ang paligid. "So, bakit niyo nga ako pinatawag?"

"Nais sabihin ng Mahal na Hari na nagustuhan niya ang iyong mga niluto. Bago lamang raw ito sa kaniyang mata at panlasa ngunit ang pakiramdam niya'y tila hinahanap-hanap na ito palagi. Nais niyang ipaalam na napakasarap mo magluto at nagpapasalamat siya sa iyong kahusayan at kasipagan sa pagluluto." Saad ng enuko.

Napangisi si Sarina sabay iwas ng tingin. "Tsk. Small thing," mayabang nitong saad.

Tumikhim muna ang enuko at seryosong tumingin sa kaniya. "Kaya naman... Nais ka niyang maging kaniyang tagapagluto."

Natigilan si Sarina sa narinig at napatingin sa enuko. "Anong ibig mong sabihin? Kaniya? Kaniyang tagapagluto?"

"Tama, Ginoo. Ikaw ay magiging kaniyang tagapagluto. Ibig sabihin ay simula ngayon ay sa kaniya ka lamang magluluto ng pagkain at wala ng iba."

Napakunot ang noo ni Sarina. Hindi parin nag-sisink-in sakaniyang utak ang sinasabi ng enuko. "Ibig mo bang sabihin ay sa kaniya lang ako?—Este, sa kaniya lang ako tatanggap ng utos at hindi sa iba?"

Tumango ang enuko. "Tama, Ginoo. Ikaw ay magiging tagapagluto ng Mahal na Hari. Simula ngayon ay hindi ka na maaaring tumanggap ng utos mula sa iba."

Napangisi si Sarina. Magiging personal chef ako ng hari? What a nice life. Napag-isip-isip niya.

"Kung ganon... Tataas na ba sahod ko?" Nakangisi niyang saad. Aba, dapat lang na taasan nila sahod ko 'no!

Kung tutuosin ay iyon naman talaga ang habol niya e. Ang makaipon para maghanap ng albularyo o kung sino pamang tao na makakatulong sa kaniya na makabalik sa tunay niyang pinagmulan.

Napakunot ang noo ng enuko. "Hin—" Napatigil ito at napatingin sa loob ng kurtina.

Lumapit ito ng kaunti sa loob ng kurtina na tila pinakikinggan ang sinasabi ng hari. Napatabingi na lamang ang ulo ni Sarina sa nangyayari. Pinagmamasdan niya lang ang bulungang nangyayari sa enuko at sa hari.

Nagtataka talaga siya kung bakit hindi pinapakita sa publiko ang hitsura ng hari, pati boses ay hindi pinaparinig. Masyadong pribado. May malubha ba itong sakit o sadyang hindi lang maaring makilala ng publiko?

Umayos muli ng tayo ang enuko at tumingin sa kaniya. "Nakapagpasya na ang Mahal na Hari, tataasan niya raw ang iyong sahod." Saad nito.

Napasuntok sa ere si Sarina sa narinig. "Yown ang gusto ko! Salamat, Mahal na Hari!"

Tumikhim muli ang enuko. Hudyat na hindi pa ito tapos magsalita. Napatitig naman sa kaniya si Sarina. Sabik at hindi mawala ang ngiti sa labi.

"Ngunit, bukas na bukas rin ay luluwas kayo ng ating kaharian. Tutungo kayo sa kaharian ng Hilaga. Kasama ka sapagkat simula ngayon ay iyong luto lamang ang kakainin ng hari."

Ngumiti si Sarina. Wala na siyang pakealam kung ano paman ang mga kondisyon o kung saan paman siya dalhin hari. Ang mahalaga ay tumaas ang kaniyang sahod.

***

Matapos ang usapan sa loob ng silid ng hari ay nakangising lumabas ng palasyo si Sarina. Hinatid siya palabas ng guwardiyang tumangay sa kaniya kanina. Siguro ay nababahala ito na baka nakawin niya ang mga gintong nakadisenyo sa gilid-gilid.

Mukha pa naman itong magnanakaw. Ani ng guwardiya sa kaniyang isipan habang pinagmamasdan ang ginoong pinatawag ng hari.

"Dito na ako, tropa. Salamat," ngumisi si Sarina at tinapik ang balikat ng guwardiya.

Hindi sumagot ang guwardiya at nanatili lamang na nakatingin sa kaniya. Kinindatan niya nalang ito saka na siya tumalikod at nagtungo sa kusina kung nasaan ang silid nila.

Pagdating sa kusina ay sarado na ang pinto. Tinulak niya iyon at nakahinga siya ng maluwag nang bumukas ito. Hindi niya mahagilap ang apat, siguro ay tulog na.

Pagbukas niya ng pinto ng kuwarto nila ay bumungad sa kaniya ang mga nag-aalalang mukha ng apat.

"Pogi!" Sigaw ng mga ito at kaagad siyang sinalubong ng yakap.

"Ayos ka lamang ba?" Tanong ni Lando.

"Hindi ka ba nila sinaktan?" Tanong ni Santino.

Ngumisi si Sarina at tinignan ang mga kasama. "Ayos lang ako. Sa totoo lang ay may maganda akong balita!"

Nagkatinginan ang apat at pinukol siya ng nagtatanong na tingin. May bahid parin ng pag-aalala ang mga mukha nito.

Ngumiti si Sarina. "Personal chef na ako ng hari!" Hiyaw niya.

Inaasahan ni Sarina na sisigaw sa saya ang kaniyang mga kasama ngunit nanatili itong nakatitig sa kaniya habang nakakunot ang noo. Hindi naintindihan ang kaniyang sinabi.

"Ano?" Tanong ni Manuel.

Napatikhim si Sarina. "Ibig kong sabihin ay... ako na ang sariling tagapagluto ng hari— eh? Tama ba? Ay basta! Ibig-sabihin ay sa kaniya lang ako maninilbihan at tatanggap ng utos!"

Nagpalakpakan ang apat at kaagad siyang pinuri. 

"Magandang balita iyan!" Masayang saad ni Gomez.

"Akala namin ay napano ka na. Iyon pala ay naging mas mabuti pa ang iyong kalagayan!" Masayang saad ni Lando.

"Oo nga e," ngisi ni Sarina saka inakbayan ang mga kasama. "Tsaka pupunta kami sa kaharian ng Hilaga bukas, kasama ako syempre."

Napangiti ang kaniyang mga kasama at hinampas ang kaniyang braso. "Masaya kami para saiyo, Pogi."

Ngumiti sa kanila si Sarina at isa-isang sinuntok ang kanilang mga braso. Matapos ang tawanan at asaran ay napagpasyahan na nilang matulog dahil maaga pa sila sa ilog bukas. Maliban na lamang kay Sarina na nanatiling gising.

Nang mapansing mahimbing na ang tulog ng kaniyang mga kasama ay tumayo na siya at nagbihis. Oras na para magtungo sa kaniyang mga bebe loves!

Matapos magbihis ay palihim siyang lumabas ng palasyo pero sa main gate parin dumaan. Pagdating sa labas ay napakunot ang kaniyang noo nang hindi makita ang tatlong Sandoval.

Ngunit kaagad rin siyang napatampal sa kaniyang noo nang mapagtantong hindi niya nga pala nasabihan ang tatlo kahapon na pupunta ulit sila sa bahay-aliwan ngayong gabi.

Napagpasyahan niya na lamang na siya na lang mag-isa ang tutungo roon. Total ay mukha naman siyang lalaki ngayon. Kung tutuusin nga ay mas gwapo pa siya sa mga lalaki rito.

Tahimik niyang tinahak ang daan patungo sa bahay-aliwan. At nang makarating roon ay kaagad siyang napatigil nang makita ang taong kanina niya pa hinihintay. Papasok ito sa loob ng bahay-aliwan. 

"Hoy, Alas! Ba't mo kami iniwan kagabi?!" Sigaw niya rito.

Natigilan ito at nanlaki ang mga mata na napalingon sa kaniya. Nang makita siya ay kaagad itong lumiko at tumakbo palayo. Hindi na ito tumuloy sa bahay-aliwan.

Sa halip na tumuloy sa bahay-aliwan ay nakita na lamang ni Sarina ang kaniyang sarili na hinahabol si Alas na ngayon ay hindi niya alam kung saan tutungo.

"Hoy, tigil!" Sigaw niya rito ngunit tila wala itong naririnig.

Tinanggal ni Sarina ang isang suot na sapatos at ibinato iyon sa tumatakbong Alas. Saktong may bato sa tinatakbuhan nito dahilan upang madapa ito sa lupa nang tumama ang sapatos sa ulo nito at saktong natisod ito sa bato.

Nang matumba ito ay kaagad na tumakbo si Sarina palapit at hinawakan ito sa damit upang hindi ito makatakas. 

"T-Tumigil ka na." Hinihingal na saad ni Sarina. Habol niya ang kaniyang hininga habang ang isa niyang kamay ay nakatukod sa kaniyang tuhod habang ang isa ay nakahawak sa damit ni Alas.

Nang tignan niya ang lalaki ay nakaupo na ito sa lupa. Nakatingin lamang ito sa kaniya. Wala manlang sa mukha nito ang salitang pagod na tila sanay na sa habulan.

Madungis nanaman ang mukha nito at puno ng uling ang damit. Puno pa ng tahi ang suot na pantalon.

"B-Bakit ka ba t-tumatakbo ha?" Hinihingal niyang tanong.

"W-Wala," nahihiyang sagot nito habang umiiwas ng tingin.

"Anong wala? Syempre may dahilan ka!"

"W-Wala nga," natatakot na sagot nito.

Napahinga ng malalim si Sarina. "Sige, patatawarin muna kita ngayon."

Napanguso si Alas at napaiwas ng tingin. Wala naman siyang kasalanan para patawarin.

Napataas ang kilay ni Sarina at hinila ito patayo. "Huwag na huwag mo na ulit akong tatakasan ha."

Hindi sumagot si Alas. Nanatili itong nakayuko at nakanguso. Tila natatakot na sumagot sa kaniya.

Natawa tuloy si Sarina at kinurot ang pisngi ng lalaki. "Ang cute mo."

Napatingin sa kaniya si Alas ng may pagtataka. "A-Ano ang kyut?"

"Akin lang 'yon, bawal sabihin." Nakangisi niyang saad habang isinusuot ulit ang kaniyang sapatos. "Pareho na tayong may lihim ngayon. 'Kala mo ha."

Napangiti na lamang si Alas at napatango. Binitawan na siya ng Ginoo at wala narin naman siyang balak tumakas dahil tila mahuhuli lang rin naman siya. 

"Dito ka, samahan mo 'ko," saad ni Sarina at hinila si Alas patungo sa kaniyang tabi.

Nagsimula na silang maglakad na tila walang nangyari batuhan ng sapatos kanina.

"Palagi ka ba rito?" Tanong ni Sarina kay Alas.

Napatingin sa kaniya sandali si Alas at tipid na tumango.

"Saan ka pa nagpupupunta?" Tanong ulit ni Sarina.

Ngayon ay kibit-balikat naman ang sagot ng lalaki.

Napasimangot si Sarina at sarkastikong ngumiti. "Sarap mong kausap, p're. Grabe." Sarkastiko niyang saad.

Natawa si Alas dahilan upang mapalingon kaagad si Sarina. Ito ang unang beses na tumawa ito. 

"Wow, marunong ka pala nyan?"

Dahil don ay mas lalong lumakas ang tawa ng lalaki dahilan upang matawa nalang rin si Sarina kahit na hindi niya alam kung bakit ito natatawa.

"Teka nga, upo tayo roon oh," turo ni Sarina sa isang upuan na gawa lang sa kahoy.

Naupo silang dalawa roon habang si Alas ay panay hagikhik parin. Napailing na lamang si Sarina habang hinhintay itong tumigil.

Maya-maya pa ay tumigil na ito at nakangiting lumingon sa kaniya. "Nakakatawa ka." Nakangiti nitong saad.

Napangiwi si Sarina. "Pfft! Pano mo nasabe?"

Napakibit-balikat si Alas. "Wala lang." 

"Pwede ba 'yon?" Natatawang tanong ni Sarina.

Hindi sumagot si Alas ngunit lumingon ito sa kaniya. "Maaari bang magtanong?" 

Napakunot ang noo ni Sarina sa biglaan nitong saad pero tumango parin naman siya. Curios din naman siya sa magiging tanong nito.

"Tanong ko lamang, Ginoo. Bakit tila mahilig ka sa mga binibini?" Tanong nito. Ang mga mata ay walang halong biro.

"Seryosong tanong ba 'yan?"

Tumango si Alas upang ipakitang seryoso nga talaga siya.

Napaisip si Sarina. "Bakit nga ba?" Pati siya ay hindi alam kung bakit mahilig siya sa mga baby loves. "Siguro kasi marunong akong tumangkilik ng sariling atin?"

"Ha?" Naguguluhang tanong ni Alas. Kahit hindi ibang lengguwahe ang gamit ay hindi niya parin naintindihan.

"Wala, change topic. Ikaw ba ayaw mo sa mga babae?"

Umiling si Alas. "Hindi naman sa ayaw ko sa mga binibini. Sadyang hindi lamang ako interesado."

Napatango si Sarina. "Ayos 'yan. Hindi mo mapapaiyak future gf mo for sure."

Napakunot nanaman ang noo ni Alas sa narinig at nagtatakang lumingon sa katabi. Hindi nanaman niya naunawaan ang ginoo. Nagsisimula na tuloy siyang mag-isip kung tama bang kinakausap niya ito ngayon.

"Anyway, alis nga pala ako bukas." Saad ni Sarina kahit na hindi naman siya tinatanong. "Wala share ko lang.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Alas. Hindi na nito pinansin pa ang ibang salitang lumabas sa bibig ng ginoo na hindi nanaman niya naintindihan.

"Sa lugar ng mga pogi," sagot ni Sarina sabay lingon kay Alas na ngayon ay nakakunot nanaman ang noo. "Biro lang. May pupuntahan lang ako. Basta trabaho."

Napatango si Alas at lumingon sa kaniya. "Kailan ka babalik?"

Natawa si Sarina at ginulo ang buhok nito dahilan upang matigilan ito. "'Di pa nga ako umaalis, pinapabalik mo na agad."

Tipid na napangiti si Alas at nag-iwas ng tingin. "Hindi  ba't iyon ang tinatanong ng isang kaibigan kapag ang kaniyang kaibigan ay aalis?"

"Tama ka naman, pero 'di pa ako sigurado kung kailan ang balik ko."

"Mag-iingat ka."

Napatingin si Sarina sa katabi. "Huh?"

Ang mga mata nito ay inosenteng nakatingin sa kaniya. "Hindi ba't iyon ang sinasabi ng isang kaibigan sa kaniyang kaibigan kapag ito'y aalis?"

"Tama ka naman pero... bakit palagi mong sinasabi 'yan?"

Napakunot ang noo ni Alas habang nakatingin sa kaniya. "Ang alin?"

"'Yang 'hindi ba iyon ang sinasabi ng isang kaibigan'? Wala ka bang kaibigan?" Nagtatakang tanong ni Sarina.

Napatingala sa mga bituin si Alas na tila nag-iisip. Maya-maya ay ngumiti ito at lumingon kay Sarina.

"Ikaw."

"Ha?" Nagtatakang tanong ni Sarina. Ngayon lang ata siya nakagamit ng 'ha' ng ilang beses, Pareho sila ng lengguwahe ngunit hindi parin sila magkaintindihan.

"Ikaw. Kaibigan na kita, hindi ba?" Tanong nito. Titig na titig ito sa kaniyang mga mata na tila binabasa kung ano ang kaniyang nasa isipan.

"O-Oo, pero wala na bang iba?" 

Napaisip si Alas at napanguso saka lumingon muli sa kaniya. "Ikaw lamang at ang aking pinsan."

Napatango si Sarina at ginulo ang buhok ng kasama. "Ayos lang na kaunti basta totoo."

Napatango si Alas. Marami pa silang pinag-usapan sa loob ng isang oras. Ginagawa ni Sarina ang lahat para lang mapagaan ang loob ni Alas at maranasan nito kung paano ang magkaroon kaibigan.

Lahat ng tanong nito ay sinasagot niya. Minsan rin ay kinekwentuhan niya tungkol sa naging buhay niya sa dati niyang buhay. Ngunit ang sinasabi niya lang sa huli ay 'nabasa niya lang sa libro.'

Nasa gitna sila nang pag-uusap nang tumunog ang bell sa palasyo. Kaagad na nanlaki ang mga mata ni Sarina at napatingin sa pinanggagalingan ng bell. Late na siya! 12 AM na! Masyadong napasarap ang pakikipagkwentuhan niya kay Alas at nalimutan niyang may curfew pala ang palasyo.

"Fudge! Uuwi na a—" Hindi na niya natapos ang kaniyang sasabihin nang makitang wala na siyang katabi.

Nagpalinga-linga siya sa paligid ngunit hindi na niya nahagilap ang kasama. Sa isang iglap ay nawala ito na parang bula. 

"Dinaig pa ang Cinderella, Alas?" Sarkastikong saad ni Sarina kahit na wala na siyang kausap.

Tumayo nalang rin siya at nagsimula nang maglakad pabalik sa palasyo. Aakyat na lamang siya sa mataas na bakod. Mag-iingat na lamang na hindi mahuli ng guwardiya.

***

Sumapit ang umaga at katatapos lamang nilang maligo sa ilog. Nag-aayos  na ngayon si Sarina dahil magsisimula na silang maglakbay papunta sa kaharian ng Hilaga.

"Mag-iingat ka roon," saad ni Lando na ngayon ay tinutulungan siyang maglagay ng mga damit sa kaniyang bayong.

"Madami bang babae roon?" Kyuryusong tanong ni Sarina.

Natawa si Lando pati na ang tatlo na naroon sa labas ng silid. Mukhang narinig ng mga ito ang sinabi niya.

"Marami," sagot ni Lando at kaagad siyang binatukan. "Ngunit huwag puro binibini ang iyong isipin."

Ngumisi nalang si Sarina at umiling. Excited  na siyang umalis at mag-travel. Baka roon din ay makakita siya ng taong makakatulong sa kalagayan niya ngayon. Kahit na kakaunti lamang ang tsansa ay nagtitiwala si Sarina. Sabi nga ay huwag mawalan ng pag-asa.

Matapos makapag-ayos ng dadalhin ay lumabas na siya at nagpaalam sa mga kasama. "Mag-ingat sana ang mga binibini saiyo," saad ni Gomez.

Tinawanan iyon ni Sarina saka siya kumaway sa apat at lumabas na ng kusina. Pagdating sa labas ay naroon na naghihintay ang kalesa para sa kaniya. Habang ang sasakyan ng hari ay nasa kanilang unahan, naka-karuwahe ito at ang mga kurtina ay sarado upang hindi makita ang loob.

Pagkasampa niya sa kalesa ay nagsimula na agad umandar ito. Napadasal na lamang siya na sana pagdating nila roon ay makakita siya ng pag-asa na makakabalik pa siya sa kaniyang tunay na panahon.

**********

Continue Reading

You'll Also Like

1.9K 57 8
Alexis was always gifted ever since her birth. For Alexis her life has never been easy. Always running from different places due to her not being acc...
6.1M 398K 74
Losing this war means captured by the enemy empire and considered as their prostitutes and servants. Dreaming that situation made my heart race even...
54.2K 928 19
𝙸𝚗𝚜𝚙𝚒𝚛𝚎𝚍 𝚋𝚢 𝚃𝚋𝚑𝚔 𝚈𝚊𝚗𝚍𝚎𝚛𝚎 𝙶𝚒𝚏𝚜 𝙿𝚛𝚘𝚗𝚘𝚞𝚗𝚜 𝚏𝚘𝚛 𝚝𝚑𝚎 𝚐𝚒𝚏𝚜 𝚊𝚛𝚎 𝚃𝚑𝚎𝚢/𝚃𝚑𝚎𝚖 𝙴𝚗𝚓𝚘𝚢!
4.4K 552 10
تای:ئایا ئەشق هێندە سەختە! ... جۆنگ کووک:پێشبینی ئەوەم نەدەکرد تۆ ئەم کارە بکەی! ... جێنی:بیرۆکەیەکی خراپە لەوانەیە ئەوکەسەی ئەم ئەرکە لە خۆ دەگرێ بە...