Forbidden Pleasure

By SenyoritaAnji

565K 9.5K 930

WARNING: SPG | R18 | MATURED CONTENT REVISED VERSION *** How can you love a person when it was already owned... More

Forbidden Pleasure
PRE-ORDERING ANNOUNCEMENT
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Author's Final Note

Chapter 21

13.9K 306 34
By SenyoritaAnji

"I think we're just gonna have to be secretly in love with each other and leave it at that."
anonymous

Chapter 21

"Can't sleep?" tanong ni Hiro at tumabi sa akin.

Alas kuwatro na ng madaling araw, kanina pa sila tapos sa paglalaro. Hindi ko na rin nakita si Kaius pagkatapos ng laro. Inaya rin ako ni Helena na umuwi na pero ang sabi ko ay magtatagal muna ako rito ng ilang minuto. But the minute I told her became an hour. Gusto ko rin munang mapag-isa.

Ngumiti ako nang malungkot habang nakatitig sa kalmadong dagat. The moon was about to vanish, but the stars remained twinkling. "It's hard to fall asleep when your heart is at war with your mind," I mumbled.

"That's why you're staring into the horizon like a lost woman, sitting on the seashore," he murmured. "What are you thinking?"

"Nothing." Niyakap ko ang aking sarili nang biglang umihip ang malamig na hangin. "I was just thinking... How will I stop this mess?"

"And?"

"I'm thinking of ending it now," I said, nilingon ko ito at nginitian. "I'll be filling out a resignation letter the moment we step back on Manila. I-I can't handle the pain and this situation anymore."

Ramdam kong natigilan si Hiro sa narinig. "You're leaving?"

"For good." I smiled sadly.

I saw him lift his gaze at the view behind me. Out of curiosity, nilingon ko ito. Bumungad sa akin ang naglalakad na si Kaius. He's wearing black shorts and a white shirt that hug his toned muscles.

"You really need to end it," Hiro murmured. "I'll give you both time. I'll go ahead."

Pilit ko itong nginitian at tumango. Hiro stood up before Kaius got near us.

"It's too early to have a date, Alexis," mariing bungad nito.

Should I tell him? Pero paano ko sisimulan?

Nakatitig lamang ako sa kanyang mukha. His eyebrows almost became one line. Napangiti naman ako at wala sa sariling hinawakan ang panga niya. I caressed his jaw to his cheeks and lightly brushed my thumb on his lips. My eyes started to water, remembering my son.

I miss him.

Sa hindi ko namalayan, tumulo ang luha ko. Sa harap ng taong mahal na mahal ko. My tears fell even more as I cupped his cheeks. Kita ko kung paano siya mataranta at hinapit ang bewang ko.

He wiped my tears. "Why are you crying?" he asked in a hushed voice.

Umiling ako at hindi ko na mapigilan pa. I wrapped my arms around his nape as I locked the smallest distance between us. I hugged him tight. Lahat ng sakit, lungkot, at pagkabigo ay binuhos ko sa yakap. I know he's wondering about my weird behavior.

"Are you okay?" he asked and pulled me closer, encircling his arms around my waist.

I'm not okay. "I just want to hug you. Hindi ba pwede?"

Hindi na ito nagsalita pa, sa halip ay mas hinigpitan nito ang kanyang yakap at ramdam kong hinalikan niya ang aking ulo. I looked up at him and smiled; my eyes are misty.

I cupped his cheeks and whispered, "I'm sorry."

I'm sorry for being selfish. I'm sorry for not letting you know about your son. I'm sorry for not giving you the right to do your role as our son's father. I'm sorry. I'm sorry for stealing your time when it's supposed to be for my sister. I'm sorry for making you a sinner.

"For?" kunot-noong tanong nito.

Ngumiti akong muli. "Just sorry..." sana pagdating ng panahong malaman mo ang tungkol sa anak mo, ay mapatawad mo ako. I whispered to myself.

Hindi na rin ito nagsalita pa. He just hugged me tight, like he's afraid of letting me go. Alam kong hanggang dito na lang 'to. The moment we step foot in Manila, everything will change. We'll never be the same again.

--

Mabilis na lumipas ang araw. At sa nalalabing dalawang araw na pananatili namin dito ay iniiwasan ko si Kaius. Alam kong nararamdaman niya ito. He keeps finding ways to approach me, and all I did was ditch him.

"Really? Be a good boy to Tita Jamie, okay?" bilin ko sa aking anak.

James is taking Kai on a beach. May kaibigan daw kasi siyang inimbitahan siyang mag-beach. At dahil hindi niya maiwan-iwan si Kai ay dadalhin niya ito.

"Mochiron, mama. Watashi wa ī ko ni narimasu." I can feel him smiling from ear to ear. [translation: Of course, mommy. I'll be a good boy.]

I chuckled. "That's good to hear, baby. I love you."

"I love you, too," he replied. "Sayōnara, mama. Yaya ga nimotsu o matomeru no o tetsudaimasu." Ramdam ko ang kasabikan niya sa pag-alis na ikinangiti ko. [translation: Bye, mom. I'll help yaya to pack my things.]

I also said goodbye before entering the room again. Na sa terrace kasi ako kanina habang kausap si Kai. Although Helena is not here, I was just being extra careful.

Saktong pagpasok ko ay pagpasok ni Helena. "Tara na, Sam. Maligo na tayo. Last day na natin 'to rito sa Bora."

Mamayang gabi ang alis namin. And the clock is now ticking two in the afternoon. Nakasuot na rin ng black bikini si Helena at may hawak din siyang isang sunglasses.

I smiled. "Tara?"

Nangunot ang noo nito. "Hindi ka magbibihis?"

"No." I chuckled. "Na sa ilalim ng bistida ko ang bikini. Tara na."

She nodded her head and walks out of the room. Sumunod naman ako habang bitbit ang aking phone. Nagpi-picnic din sila sa baba kaya kakain na lang muna ako. Mamayang hapon na ako magtatampisaw sa dagat, masyado pang masakit sa balat ang init.

"Ay, girl! Bakit ganyan suot mo? Hindi ka maliligo?" bungad ni Benji nang makarating kami sa kanilang picnic area sa ilalim ng punong niyog na wala namang bunga.

"Mamaya pa ako maliligo." I forced a smile.

"Oh sheyt, ang sarap naman," rinig kong bulong ni Benji habang nakatitig sa dalawang taong paparating. "Nahulog 'ata panty ko."

Napailing ako rito at umupo sa banig na nakalatag sa buhangin. Hindi na ako nag-abala pang tignan si Kaius. Kumuha ako ng mangga at sinawsaw sa suka nilang may halong sili. My mouth watered before I could even take a bite.

"Wow, hindi ka naasiman?" tanong ni Tiana. "At saka, maanghang ang suka. Bakit parang normal lang sa 'yo?"

Nagtataka ko itong tinignan. "Maasim ba? Hindi naman."

Tiana looked at me weirdly before telling us that she'd take a swim. Sumunod naman sa kanya si Helena na parang batang excited makaligo ng dagat. Hindi na ako nagtaka pa nang sumunod kaagad si Kiyo. I smiled before picking up a slice of mango. Kinain ko rin agad ito at muling pumulot.

Kahit na sa gilid lamang ng aking mga mata ay kita kong naglalakad patungo sa deriksyon ko si Kaius. I was about to stand when his forehead creased and he pulled his phone out of his pocket. Ramdam kong tinapunan niya muna ako ng tingin at naglakad pabalik sa pinanggalingan niya habang nakadikit ang cellphone sa kanang bahagi ng kanyang tenga.

I picked up another slice again before standing up. Humikab pa ako at pinanood silang masayang naglalaro sa tubig. Tinignan ko ang aking phone at nabasa ang mensahe ni James, nagsasabing na sa Airport na daw sila. I didn't bother to reply dahil wala rin naman akong load.

As the clock ticks four, hindi na masyadong matindi ang init. Nakapagpahinga na rin sila ni Helena at Kiyo dito sa picnic mat. Hindi na rin nakabalik pa si Kaius. And I'm thankful for that.

"Ligo na tayo!" Hinila pa ni Benji ang braso ko. "Take off this dress already and let's go make ligo." Konyo.

I smiled before taking off my dress. Some people whistle, mostly boys from the other circle. Hindi ko nalang sila pinansin at nagpatangay sa panghihila ni Benji.

Huminga ako ng malalim bago mag-dive sa tubig. Lumangoy ako sa malalim na parte ng dagat. Nang lingunin kong muli ang dalampasigan ay namataan ko si Kaius na nakikipag-usap kay Kiyo. Napasinghap naman ako nang may nagtapon sa 'kin ng tubig. I used my right hand to wipe my face before glaring at Hiro. Oo, si Hiro ang walang hiyang nagtapon ng tubig sa'king mukha.

"You really don't have a plan to talk to him, don't you?" tanong nito.

"Wala na," I murmured. "Hindi ko man nasabing tinatapos ko na ang ugnayan namin, alam ko namang nahahalata na niya sa paraan ng pagkilos ko."

"Are you really leaving?" may bahid ng lungkot ang kanyang tinig.

I smiled. "I'll leave, but that doesn't mean I'll forget you. I-se-celebrate pa natin ang kaarawan niya, 'di ba?" pampalubag loob ko.

He was just staring at me. Moments later, he heaved a deep breath. "You hide your emotions too well, Sam."

Nawala ang ngiti ko. Agad akong napahilamos sa aking mukha upang hindi niya mapansin ang mga luhang tumatakas sa mga mata ko. "Pretending to be happy is not easy, Hiro."

"Then how can you do it like that? Looking at you right now, all I can see is that you are happy, content, and carefree."

Tumingin ako sa mga kasamahan naming natatawanan habang naglalaro ng volleyball sa dagat. Wala na rin si Kaius sa picnic mat at ang natitira na lang dito ay si Kiyo at Helena.

"Sometimes, all you can do is smile. Move on with your day, hold back the tears and pretend you're okay." I looked back at him and smiled. "Life is full of pretensions, Hiro. You pretend in order to hide the real emotions inside you. Ayokong magmukhang mahina. Iniisip ko pa lang ang sarili kong nagmumukmok dahil sa labis na sakit na nararamdaman, parang naaawa ako sa sarili ko. Siguro dati, umiiyak ako habang pinapanood ang mga masasakit na pangyayari sa harap ko. But I realized it wouldn't get me anywhere. So instead of sulking, I fought and stood again. I masked those emotions to keep living."

Nakatitig lamang ito sa akin. Moments later, he smiled. "I'm so proud I became your friend, Sam."

"The feeling's mutual, Hiro." I smiled again.

"Hiro! Sam! Tara na!" sigaw ni Liezel at kumaway. Nagkatinginan naman kami ni Hiro at parang timang na ngumiti.

Nagpabilisan kami sa paglangoy patungong dalampasigan. And guess who won? Syempre, ang gago. Sa haba ba naman ng binti niya, paniguradong mananalo siya.

Kinuha ko sa pagkakahawak ni Hiro ang aking phone at bestida. Sinuot ko ito bago kami naglakad pabalik ng hotel. Medyo inaantok na ako dahil sa pagod kakalangoy. Ramdam ko ring nanlalagkit na ang katawan ko at ang aking buhok. My head aches so bad. Himihikab ako papasok ng hotel nang may tumawag sa pangalan ko.

"Architect Sam?" paninigurado nito.

I blink my eyes several times to clear my blurry vision. Inaantok na ako. "M-mrs. Imperial!"

Ngumiti ito at lumapit. "I knew you were here. Are you leaving tonight?"

Napatingin ako kay Hiro. He pointed the elevator, telling me that he'll go up first. Tinanguhan ko lang ito at nginitian bago muling bumaling sa ina ni Kaius.

"Yes po, Mrs─"

"Just call me Tita Isia," she cut me. "Pwede ba akong makahingi ng kaunting pabor?"

Walang pagdadalawang isip akong sumagot. "Sure po, ano po ba 'yun?"

"Can you stay just for tonight? We'll be having dinner and I want to eat with you, you know, I really wanna know you more. Don't you worry, magsasabay naman kayo ng brother-in-law mo bukas ng umaga."

Wtf, brother-in-law.

Huminga ako ng malalim. Gusto kong humindi. Ngunit nakakahiya namang tumanggi lalo na't siya mismo sa personal ang nag-imbita sa akin upang makisalo sa kanila. I played with my fingers as I answered.

"Sure thing, T-tita."

--

"Sigurado ka bang magpapaiwan ka?" tanong ni Helena. Bitbit na nito ang kanyang bagahe at handa na sa pag-alis.

I nodded. "May importante pa akong gagawin, e. Mag-iingat na lang kayo."

"Ikaw rin," sambit niya. Nilapitan ako nito at bumeso.

Nang makalabas ito ng pinto ay tumitig ako sa isang pormal na dress na susuotin ko ngayong gabi. Pinadala ito ng ina ni Kaius para maisuot dahil alam niyang nagbakasyon lamang kami dito. A black mini dress with a butterfly style that has a silver lining and its length is 3 inches above the knee.

Napangiwi ako at sinuot ito. The dress hugs my waist and chest and it brightens the color of my skin. Napansin ko rin ang maliit na logo ng IC sa dress. Maybe the  Imperial Clothing Store?

Pinaresan ko ito ng isang three inches heels. Naka-ponytail rin ang buhok ko para walang sagabal sa pagkain. And when I was about to finish, someone knocks on my door. Nangunot ang noo ko. Tinungo ko ito at walang atubiling binuksan ang pinto, bumungad naman sa akin ang nakatayong si Kaius na nakapamulsa sa suot niyang maong pants. Casual lang kami tingnan. Hindi 'yung tipong parang may napakaimportanteng lalakarin.

"They're waiting," bungad nito sa malamig na tinig.

Napatango ako. "Wait."

Bumalik ako sa loob at nilakad-takbo ang distansiya ko patungo sa aking kama. Pinulot ko ang aking cellphone bago ako lumabas ng silid. I locked the door before facing Kaius, who is now patiently waiting.

"Tara na." I forced a smile before walking my way towards the elevator.

I can't stand his presence. I feel like all those times I avoided him were nothing kung pagsasamahin rin naman kami ngayon at bukas. Naks naman, tadhana. Ang galing mo makipaglaro.

We silently entered the elevator and he pressed the floor of our destination. Na sa likurang bahagi niya ako, ngunit rumireplika kami sa pinto ng elevator.

"Why are you avoiding me, Alexis." Fuck, andito na naman tayo sa pagtatanong na hindi naman patanong ang tono.

Tumikhim ako. "I'm not."

"I'm not dumb," he uttered. "Answer me before I lose my patience and kiss you like there's no tomorrow."

Namula ako sa narinig. Nagbaba ako ng tingin. "I just want to end this mistake that is happening between us, Kaius."

I heard him gasp and turn to look at me. Saktong bumukas ang pinto kaya naman agad akong lumabas upang iwasan siya.

Huminto muna ako para hintayin siya na agad rin naglakad. Napasinghap ako nang hapitin nito ang bewang ko. "Kaius!" I hissed.

"Let's go," sambit niya at nagsimula na kaming maglakad.

Na sa pinto pa lamang kami ng magarang resto ay namataan ko na kagaad ang ina ni Kaius at ang isang lalaking sa tingin ko ay ama ni Kaius. Pinipilit kong tanggalin ang pagkakahawak nito sa aking bewang ngunit hindi ko magawa. He's strong.

"Good evening, mom, dad," bati ni Kaius.

I saw how his father's eyes lifted at us... at me. Then his eyes dropped at Kaius' hand holding my waist. Kita ko ang pag-iling nito. Pinaghila naman ako ni Kaius ng upuan bago siya umupo sa tabi ko.

"Let's eat?" aya ng ina ni Kaius. Shall I call her Tita?

Tahimik lang kaming lahat sa hapag nang magsalita si Tita Isia. "You know what, hon, it's weird," saad ni tita. Her husband just hummed. "I saw a kid this afternoon, running around this hotel. Hindi ko siya nakita nang malapitan ngunit namumukhaan ko si Ice sa kanya."

Napahinto ako sa pagsubo. My breathing hitched and my knees trembled. Oh shit, I forgot to ask James kung saang beach sila. Pero baka ibang bata lang 'yun.

Nangunot ang noo ng ama ni Kaius. "Ano?"

"The kid looked like Kaius when he was young. It's weird," saad ni Tita at tumingin kay Kaius. "I was wondering if it happens to be the son of the girl you're talking about five years ago."

"Mom," malamig na sambit ni Kaius, kasabay ng paghigpit ng kapit ko sa aking kutsara. "I told you it was over. And if ever we have a child, matagal niya na sanang pinakilala sa 'kin."

Are they talking about me?

I was silent the whole dinner. Panay ang usap nila. Nawala na rin sa usapan nila ang tungkol sa batang kaniyang nakita kaninang hapon. I felt suffocated not just by Kaius' presence, but also by his father.

"Thank you for accepting my invitation, hija," sambit ni Tita.

I just smiled. "It's a pleasure, Tita."

Magsasalita pa sana ako nang magpaalam na si Kaius. Natapos ang dinner na hindi ko man lang nalaman ang pangalan ng ama ni Kaius.

"We need to talk," may riin ang bawat salitang binibitiwan niya habang naglalakad kami patungong elevator.

My phone suddenly vibrated and it was James. Walang pagdadalawang-isip ko itong sinagot at dumistansiya kay Kaius.

"Hello?"

"Damn, Sam!" I heard him sniff. "Nawawala si Lei!"

Napasinghap ako. "A-ano?"

"Were in Bora. Hindi ko na alam ang gagawin ko─"

"I'm in Bora. Meet me outside." My eyes watered.

I immediately turned off the call and turned to Kaius. "M-mamaya na lang tayo mag-usap."

Nag-isang linya ang kilay nito. "Why? Does your boyfriend want to meet you?"

Damn it! "It's really urgent." Without further words, I turned my back at him and ran the distance from the main door.

Nawala sa isip ko na nakatakong pala ako. My eyes became misty. Niyakap naman ako ng malamig na hangin sa aking paglabas.

Wala akong James na nadatnan kaya naglakad pa ako nang may humawak sa braso ko.

"Ano ba, Kaius! I told you we'll talk later. Mahirap bang intindihin 'yun?!" I can't help but to yell.

"Who's James?" mariing tanong nito.

I tried to let go of his grip, but to no avail. "Damn it! Bitiwan mo ako!"

"Not when you tell me who he is."

"Kaius, ano ba─"

"Mommy!"

END OF CHAPTER 21

Continue Reading

You'll Also Like

8.5M 265K 70
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
223K 3.3K 21
Warning: 🔞 (This is not suitable for young readers.) BETHANY CAGLIOSTRO is a confident and brave woman. However, due to a mission assigned by her ow...
2.3M 58.8K 55
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
299K 16.7K 42
Our relationship was founded with lies. I gave her a new name. A new persona as Anselma Garcia. I call her Selma. Sel. The name used by the woman tha...