Chapter 1

14.6K 276 17
                                    

"We always long for the forbidden things and desire what is denied us."
Francois Rabelais

CHAPTER 1

"Nakakapagtaka talaga, Sam," he said while applying makeup on me.

"Anong nakakapagtaka?" I asked.

"Kasi naman, five years ago pa sila na-engage tapos ngayon pa lang sila ikakasal? Wow. Ano 'yun? Joke?"

Napairap naman ako sa sinabi niya. Well, yes. Nakakapagtaka rin naman talaga. But who knows, right? Baka mayroon lang hinintay. O baka naman isa pa sa kanila ang umaayaw. Hindi ko alam. At wala akong planong alamin ang bagay na 'yon.

"Are you sure na okay lang na iiwan ko muna si Kai sayo?" may bahid ng pag-aalangan kong tanong.

After we arrived yesterday, dito kami pinadiretso ni James. He wants us to live in his condominium. Takot din siyang may makakita kay Kai.

"Okay lang 'no. At isa pa, maghihintay pa ako kung kailan tatawag si Henry," tila kinikilig nitong sambit na ikinairap ko.

"Ang landi," I commented.

"Palibhasa, walang jowa."

"I don't need a boyfriend. I have my Kai" nakangiti kong sambit.

"Whatever." Umingos lang ito at dumistansiya sa akin. Inikot niya ang swivel chair paharap sa salamin. "Ayan. Burn the bride."

Napailing nalang ako. "Baliw."

Naramdaman ko namang umalis siya. After seconds, bumalik ito dala ang isang kahon na pinagsidlan ng gown na susuotin ko.

"Here. Suotin mo na so I can work with your hair. Dali!"

Napataas naman ang kilay ko nang kunin ko ang gown sa box. "Hindi naman ako ang bride ah?"

She scoffed. "Mas maganda ka kasi sa ate mo."

I chuckled upon hearing that. "Lunatic. I love my sister, James. Why don't you try to?"

Umirap ito. "You can't force me to like someone I don't. Duh!"

Ngumiti lang ako at tumungo sa banyo. Kai is inside his room. Probably playing riddles and sudoku, I guess?

Tinawagan ko si Ate Resha kahapon na nakarating na ako ng Pinas. She immediately demanded to see me. Then, nang nagkita kami, she told me na ako ang maid of honor niya. Dinala niya na rin ang gown kahapon. She even asked me where's my son, and I lied. I told her na iniwan ko si Kai sa Japan dahil sandali lang naman ako dito. 'Di niya naman alam na may trabaho ako rito sa Cebu.

She also asked me to stay in our parent's mansion, but I refused. Of course. I want to be with my child. And in addition, siya lang ang may alam na may anak ako.

"Bilisan mo, girl. Malapit na magsimula ang march. Hindi ikaw ang bride para hintayin."

Napabuga ako ng hangin at mariing pinikit ang mga mata. I have to do this. For my sister's sake. I just have to act na hindi ko siya kilala.

Dumilat ako at maingat na sinuot ang gown. The gown hugged my curves. It's a pink gown at may maliliit na diyamante sa neckline nito. My back is exposed a little, and also my cleavage. The gown is indeed simple yet elegant.

Naging maid of honor ako na hindi man lang nakapag-practice ng march. I didn't know it's possible but well, siguro ay susunod na lang ako sa daloy ng events.

Lumabas agad ako ng banyo. Naratnan ko naman si James na nag-aayos ng mga kagamitan niya sa pag-aayos ng buhok ko.

"Dalian mo na!"

Forbidden PleasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon