Ang Mutya ng Section E (Book...

By eatmore2behappy

60.6M 2.3M 3.3M

Ready to say goodbye? More

eatmore2behappy
Chapter 261
Chapter 262
Chapter 263
Chapter 264
Chapter 265
Chapter 266
Chapter 267
Chapter 268
Chapter 269
Chapter 270
Chapter 271
Chapter 272
Chapter 273
Chapter 274
Chapter 275
Chapter 276
Chapter 277
Chapter 278
Chapter 279
Chapter 280
Chapter 281
Chapter 282
Chapter 283
Chapter 284
Chapter 285
Chapter 286
Chapter 287
Chapter 288
Chapter 289
Chapter 290
Chapter 291
Chapter 292
Chapter 293
Chapter 294
Chapter 295
Chapter 296
Chapter 297
Chapter 298
Chapter 299
Chapter 300
Chapter 301
Chapter 302
Chapter 303
Chapter 304
Chapter 305
Chapter 306
Chapter 307
Chapter 308
Chapter 309
Chapter 310
Chapter 311
Chapter 312
Chapter 313
Chapter 314
Chapter 315
Chapter 316
Chapter 317
Chapter 318
Chapter 319
Chapter 320
Chapter 321
Chapter 322
Chapter 323
Chapter 324
Chapter 325
Chapter 326
Chapter 327
Chapter 328
Chapter 329
Chapter 330
Chapter 331
Chapter 332
Chapter 333
Chapter 334
Chapter 335
Chapter 336
Chapter 337
Chapter 338
Chapter 339
Chapter 340
Chapter 341
Chapter 342
Chapter 343
Chapter 344
Chapter 345
Chapter 346
Chapter 347
Chapter 348
Chapter 349
Chapter 350
Chapter 351
Chapter 352
Chapter 353
Chapter 354
Chapter 355
Chapter 356
Chapter 357
Chapter 358
Chapter 359
Chapter 360
Chapter 361
Chapter 362
Chapter 363
Chapter 364
Chapter 365
Chapter 366
Chapter 367
Chapter 368
Chapter 369
Chapter 370
Chapter 371
Chapter 372
Chapter 373
Chapter 374
Chapter 375
Chapter 376
Chapter 377
Chapter 378
Chapter 379
Chapter 380
Chapter 381
Chapter 382
Chapter 383
Chapter 384
Chapter 385

Chapter 386

288K 5.1K 7.1K
By eatmore2behappy

A/N: Enjoy!!!!!


Checkmate

Jay-Jay's POV

"Hindi 'to alam ni Marianne, kaya hinaan mo lang ang boses mo," sabi ni Drew habang patuloy sa paghango ng mga damit.

Sinadya naming bagalan ang kilos para makapag-usap kami ng maayos. Hindi ko lang alam kung naririnig ba kami ni Yuri na abala sa paglalaro ng chess. Matalino naman siya kaya alam kong keri niyang labanan ang isang champion. 

"Ibig mong sabihin, umabot ng 39 million ang utang na iniwan niya sa inyo? Ngayon 9 million na lang sana kaso dahil sa shark loan naging 15 million?" pag-uulit ko sa sinabi niya sa 'kin.

Tumango siya habang pinapagpag ang damit na hawak. "Hindi ko alam kung nasan ang walanghiya at kung paanong nakakagawa pa rin siya ng utang matapos magtago."

"Saan naman niya ginamit ang pera?"

"Sugal at panlalalaki," sagot niya bago ibalik ang basket sa bahay nila.

Napanga-nga ako sa sinagot niya. Gano'n kalaki ang naubos niya sa sugal at . . . ano? Sandali!

Bumalik si Drew dala ang walang lamang basket. Tinuloy niya ang ginagawa at ako nanatili pa ring nag-iisip sa huling sinabi niya habang hawak ang kaparehong damit na huli kong nakuha.

"Hindi ba pangbababae?" pagtatama ko pero umiling siya.

Hindi nga ako nagkamali ng dinig sa huling sinabi niya.

"Panlalalaki. Ilang beses ko nahuli 'yon dati pero dahil bata pa ko hindi ko pa naiintindihan," kaswal na paliwanag niya na parang ordinaryong bagay lang ang mga sinasabi niya.

Kusang bumalik sa 'kin ang reaksyon niya no'ng umamin si Kit sa harap ng klase.

"Kaya ka ba nagalit no'n kay Kit?"

Huminto siya at kinuha ang damit sa kamay ko. Binigay ko naman at hinayaan siyang itupi 'yon ng maayos. 

"Bumalik sa 'kin lahat no'ng umamin siya. Hindi ko napigilan galit ko, kaya gano'n nasabi ko sa kanila. Pinagsisisihan ko naman 'yon," paliwanag niya.

Alam ko namang nagka-ayos na sila no'n. Wala rin naman akong nakikitang galit o inis sa kanya kapag tinitignan ang mag-jowa. Dipende na lang kung nagkapikunan na naman sila ni Mayo.

Sunod na nilapitan ni Drew ang mga kumot. Tinulungan ko siyang kuhanin 'yon sa sampayan at pagpagin bago itupi. 

Napatingin ako kina Yuri ng wala akong naririnig na kahit na anong ingay mula sa kanila. Concentrate na concentrate sila pareho. Ilang chess pieces pa lang ang nakukuha nila mula sa isa't-isa at parang ilang minuto bago sila gumawa ng kilos at tumira.

Totoo nga, ang kumplikadong laruin. Pang-matalino talaga.

Napatitig ako sa Mama ni Drew bago ko siya harapin. "Alam kong personal na 'tong itatanong ko pero . . . ang Mama mo, anong nangyari sa kanya?"

"Hindi naman personal na tanong 'yan, maraming nakakaalam niyan. Na-tabloid pa nga siya dati dahil sa kundisyon niya." Huminto siya sa ginagawa at pinagmasdan ang Mama niya. "Akala ko kaya niyang i-handle lahat. Binenta niya mga property namin, insurance, business, pati pension niya ginagamit niya pangbayad ng mga utang. Tapos araw ng graduation ko hindi sila dumating, pag-uwi ko sa bahay si Marianne lang ang naabutan ko. Hindi namin alam na may problema na pala siya sa pag-iisip at nawawala na pala siya no'n. Buti na lang may mabuting taong nagdala sa kanya sa Police Station. Malas nga lang, kasi merong reporter do'n na nakakilala sa kanya."

Tumingin siya sa malayo at pinunasan ang muka. Papatigilin ko na sana siya sa pagk-kwento pero ako ang pinigilan niyang magsalita sa pagsenyas sa 'kin.

"Matatanggap ko ang pagkakasakit niya pero 'yung kutya ng mga tao, 'yon ang hindi ko matanggap. Naka-headline sa balita, 'Dating Filipino Representative sa Chess Olympiad nasiraan ng bait'. Hindi ko alam ang gagawin ko no'n. Wala kaming malapitan. Araw-araw kaming kinakatok ng mga reporter, hina-harass ng mga naniningil, tapos ninanakawan pa kami ng mga kamag-anak namin."

At lahat ng 'yon pinasan niya mag-isa. Gumawa siya ng paraan sa sarili niya para buhayin ang kapatid at Nanay niya pati na rin ang bayaran ang mga utang na naiwan sa kanila. 'Yon ang hindi namin nakita sa kanya dahil buong akala namin sa pagsusugal niya ginagamit ang hinihiram niya sa 'min. Hindi ko namalayan na umiiyak na rin ako.

Ngayon ko naiintindihan kung bakit lagi niya sinasagot na kaya siya nagsusugal para makabayad ng utang. Kasi 'yon talaga ang ginagawa niya. Do'n siya kumukuha ng pera. Akala ko sinasagot lang niya 'yon para tigilan namin siya pagtatanong tungkol sa perang hiniram niya sa 'min.

Sabay kaming pilit kumalma at tumahan. Pinunasan ko ang muka ko gamit ang palad ko. Samantalang siya ginamit ang manggas ng suot na tshirt para punasan ang muka.

Nagsabog na ang sipon ko.

"Maniwala ka, hindi ko talaga intensyong ipahamak ka. Kung meron lang akong ibang pagpipilian no'n kahit mahirapan ako o madagdagan ang utang ko, 'yon ang pipiliin ko. Pagod na pagod lang talaga ako mag-isip at maghanap ng mahihingan ng tulong. . . Patawarin mo ko."

Ngumiti ako habang pilit pinipigilan ang maiyak. Huminga pa ko ng malalim bago magsalita. 

"Tangina ka kasi, sana kinausap mo ko. Sana nilapitan mo rin ako."

"Bakit? Papautangin mo ba ako ng milyon?"

"Putangina mo," sagot ko at natawa naman siya. "Hahanap tayo syempre."

"Kanino ka hahanap? Kay Keifer?"

Bahagya akong natawa. Siya nga kasi ang nasa isip kong kayang maglabas ng milyones. Halong iyak at pagtawa ang reaksyon namin. Para siyang nakahinga ng maluwag sa mga oras na 'to kahit panandalian lang. Basta hindi na niya uulitin wala kaming magiging problema. 

Ako susuntok sa kanya kapag inulit niya pa pagtraydor sa 'kin.

"Kung pwede lang, magsabi ka na ng totoo sa lahat. Kasi ang iniisip namin, ikaw ang may gawa ng mga utang mo sa pagsusugal," sabi ko at tumango siya habang pinupunasan ang muka.

"Susubukan ko, nahihiya rin kasi ako. Ayokong isipin nilang nagpapaawa lang ako para hindi magbayad ng utang."

"Kung sa sugal ka pala kumukuha ng pambayad, saan mo dinala ang inutang mo sa 'kin na 5,000?" tanong ko. 

Masama pa rin ang loob ko sa 5,000 na 'yan. Kaso anong magagawa ko kung wala talaga siya. Kahit awayin ko pa siya kung wala siyang iaabot, gano'n pa rin.

"Entrance fee tapos paunang taya. Laki sana ng panalo ko no'n kaso nahuli ako ni Tiger. Ayun, muntik na ko ipabugbog kaya napa-call a friend ako. Tapos ikaw ang tinawagan ko sa sobrang takot ko," paliwanag niya at tumawa.

Kaya naman kami napasugod ni Yuri sa Kingsground. Kapag naalala ko 'yon, nakakatakot pa rin lalo na ang paglaban ni Yuri sa ring. Sabagay, nakakatakot naman kasi talaga ang vibes sa lugar na 'yon. Huli ko na nga nalaman na illegal pala ang business ng frenny ni Kuya Angelo, kaya pala malaya kaming nakakapasok kahit minor kami kasi wala naman silang batas na sinusunod. 

Nasa muka naman talaga ni Tiger ang pagiging illegal. 

Meron lang akong pinagtaka sa sinabi ni Drew. 

"Anong ibig mong sabihin na nahuli ka?"

Napakamot siya sa ulo. "Ang totoo, kaya ako nananalo sa mga sugal. Kasi dinadaya ko ang mga baraha."

Napangiwi ako at muntik na siyang batukan. Pahamak na nga ang pagsusugal, daragdagan niya pa sa pandaraya. 

"Siraulo ka ba? Talagang mabubugbog ka sa ginagawa mo!"

Mabilis siyang umiwas ng tumaas ang kamay ko. Sinenyasan din niya kong tumahimik at baka marinig kami sa loob ng bahay kung nasan ang kapatid niya.

"Bakit? Madaya rin naman ang sugal, edi sabayan ko," pangangatwiran niya.

"Edi sana hindi ka na lang nagsugal."

"Mas mabilis ang pera sa sugal, pero may mga sideline na rin naman ako."

Napalingon kami sa Mama niya dahil sa pagpalakpak nito. Mukang natutuwa siya dahil nakahanap siya ng katapat sa paglalaro ng chess.

"Hindi mo pa rin ba nadadala sa psychiatrist ang Mama mo?" tanong ko kay Drew at malalim siyang napabuntong hininga. 

"Nadala ko na, kayalang hindi ko kaya bilhin ang mga gamot niya. 'Yung pension sana niya kaso malaking bahagi no'n, pinangbabayad ko sa utang tapos ang matitira panggastos na namin dito sa bahay. Lumipat na nga kami as Maid's Quarter para maliit lang ang gastos namin sa kuryente kaso na-sh-short pa rin kami minsan."

Kaya pala kahit ang laki ng bahay nila, hindi sila do'n nakatira. Pero okay naman 'tong tinitirhan nila ngayon. Naging praktikal lang siya.

"Pakiramdam ko, hindi na ko matatapos sa pagbabayad ng utang," dagdag niya. "Minsan nga gusto ko na ring hanapin ang Tatay ko para sapakin."

Sabi niya at bahagyang natawa. Alam kong masama ang loob niya sa Tatay niya. Sinong hindi magagalit sa ginawa niya. Iniwanan ng napakalaking utang at iniasa sa kanila ang pagbabayad. Kung hindi siya mapipigilan, sana umalis na lang siya at wala ng iniwang dagdag na pahirap sa kanila.

Same sila ng Tatay ni Keifer. Sana hindi ganyan ang Papa ko, sana wala siyang ibigay na sakit ng ulo sa 'kin.

"Ituloy na natin 'to at baka hindi na tayo matapos," sabi ko sabay turo sa dalawang natitirang kumot.

Tumawa lang siya at tinuloy ang mga ginagawa namin. Natapos namin 'yon at pinasok naman niya sa loob ng bahay ang basket ng mga tinuping damit at kumot. Nilapitan ko naman sina Yuri na abala pa rin sa laban nila. Gusto ko sana siyang pagtawanan dahil stress na stress siya sa pag-iisip ng susunod na tira. 

Lumabas din si Drew matapos ibaba ang hawak. Nasa kalagitnaan kami ng panonood ng marinig naman ang malakas na pagbalibag sa gate nila. Kahit malayo kami narinig pa rin namin, kasunod no'n ang pagtawag kay Drew ng mga boses lalaki.

"Sino 'yon?" tanong ko pero bago pa masagot ang tanong ko, tinawag ni Drew ang kapatid.

"Marianne, si Mama!"

Nagmamadaling lumabas si Marianne at agad na binitbit sa magkabilang braso ang Mama niya pero nanlaban 'yon sa kanya. Napilitan akong tumulong at sumunod sa pupuntahan nila.

"Laro, laro, laro," naiiyak na sabi ng Mama nila.

"Ma, may kalaban sa labas. Tago muna tayo," pang-uuto ni Marianne pero bakas ang takot sa boses niya.

Halatang hindi siya susunod kaya nakisali na rin ako sa pang-uuto niya.

"Tagu-taguan muna tayo," sabi ko at tumingin sa 'kin ang Mama nila.

Mukang nakinig naman siya at hindi na nanlaban pa. Dumiretso kami sa malaking bahay. Bukas ang backdoor na papasok sa mini-kitchen at dining ng bahay. Nagtago ang mag-ina sa isang kwarto pero pinili ko namang manatili at sumilip sa labas sa siwang ng saradong bintana. 

Nakatayo si Yuri si tabi ni Drew na inaabangan ang pagdating ng mga pumasok. Hindi rin naman nagtagal at nagpakita sila. Grupo ng mga lalaking maraming tattoo sa braso at leeg. Muka silang hindi magdadalawang isip na manakit.

Sino naman ang mga 'to?

"Bata, deadline na ng hulog mo," sabi ng isang lalaking may hawak na sigarilyo.

"Kakabayad ko lang ah?" sagot ni Drew.

"Nagtaas kami ng interes para sa buwan na 'to. Hindi mo pa nababayaran ang interes ng hulog mo."

Anong klaseng panlalamang 'yan? Pinagkakautangan din pala sila ni Drew, pero nanglalamang naman sila. Ganito siguro ang tinatawag na shark loan. Grabe magpatong ng interes sa mga pautang nila.

May isang lalaki ang umakbay kay Drew pero tinabig niya 'yon at lumayo siya. 

"Sabi mo tataas lang ang interes kapag hindi nakakabayad ng maayos. Hindi naman ako nagmintis," inis na sabi ni Drew.

"Bata, mahina ang kita ko sa 'yo dahil ang baba ng interes ko sa utang niyo. Luge naman yata ako dahil ilang taon mo pang babayaran ang utang mo."

"Hindi ka pwedeng basta magtaas ng interes, illegal na nga ang pa-utang mo, pati interes dadayain mo pa," singit ni Yuri at napasampal ako sa noo ko.

Bakit ka pa nagsalita? Taga-support ka lang dapat.

Halatang nairita ang mga lalaki sa kanya. Masama ang naging tingin ng lalaking may sigarilyo kay Yuri. Humakbang siya palapit sa kanya pero hindi naman natinag ang pulang buhok.

"Bata . . ." sabi ng may sigarilyo at tinuro ang buhok niya. "Cosplayer ka ba? Bakit ganyan ang buhok mo?"

Akmang hahawakan niya ang buhok ng kaharap pero naging mabilis siya Yuri para harangin ang kamay at palipitin ang daliri. Napasigaw ang lalaki at nalaglag ang sigarilyo sa sahig.

"Hoy, Yuri! Bitawan mo 'yan!" pag-awat ni Drew.

Na-alarma ang mga lalaking nakapaligid sa kanila. Tinangka nilang lumapit pero naging malakas ang paghiyaw sa sakit ng lalaking hawak ni Yuri kaya hindi na sila gumalaw.

"Don't you dare touch me with your filthy hand," sabi ni Yuri.

Tinignan niya ang mga lalaki at si Drew. Nang bumalik ang tingin niya sa kaharap tsaka ko lang nakita ng maayos ang itsura niya. Para siyang walang konsensya at wala lang sa kanya ang ginagawa niyang pagpalipit sa daliri ng lalaki sa harap niya. Nakikita ko ang dating Keifer sa kanya, no'ng mga panahong enjoy-enjoy nila makipagbasag-ulo at balian ng balian ang mga kaaway.

Ang pinagkaiba lang, wala akong makitang paki kay Yuri. Paki kung ituloy niya o hindi ang balak. Paki kung ikapapahamak ba niya o ni Drew ang ginagawa niya. Paki kung ano ang magiging resulta ng aksyon niya.

Ano bang nangyayari sa kanya? Hindi ko pa siya nakikitang ganito.

"Ano bang problema mo bata? Hindi mo naiisip ang pwede naming gawin sa 'yo?" tanong ng isa sa mga lalaking nakapaligid sa kanila.

Sandali siyang tinignan ni Yuri na para bang isa siyang mababang uri ng tao. Kalmado siya pero nakakamatay ang tingin niya. Hindi ko maiwasang manibago.

"Listen here, let's make a deal," sabi ni Yuri habang tinataas ang isang binti niya, sapat para maabot niya ang medyas.

Pare-pareho silang nagtaka sa ginagawa niya. Meron siyang kinuha at nang itaas niya 'yon naalarma ulit ang lahat, pati ako. Isang itim na pocket knife.

"Yuri!" sita ni Drew para pigilan siya kung anong balak niya pero hindi siya pinansin nito.

Anong gagawin niya? Dapat na ba kong lumabas at makialam?

Tinaas niya ang kamay na may hawak ng pocket knife. Pinakita niya sa lahat 'yon bago itutok sa kamay na kanina niya pa pinapalipit.

"Hindi ako makikialam sa utang ni Drew, I don't have money to help him anyway. But here's what I want you to do, keep the same interest amount—."

"Hindi ikaw ang gagawa ng desisyon dito!" galit na sigaw ng lalaking hawak niya.

Walang tingin na sinaksak niya ang kamay nito. Natakpan ko na lang ang bibig ko sa pagkagulat. Napaatras si Drew sa ginawa niya at gano'n din ang iba. Agad na tumulo ang dugo sa sahig.

Putangina, anong ginawa niya?

Pinagpasalamat kong nagtago si Marianne at ang Mama niya. Baka hindi rin nila makayanan na makita 'to. 

"I said, let's make a deal," sabi ni Yuri at hinugot ulit ang pocket knife.

Tanging pagsigaw at pagdaing ang nagawa ng lalaki. Halong takot at pag-aalala ang nararamdaman ko at alam kong ganon din si Drew. Bakit pakiramdam ko ngayon lang din niya nakitang ganito si Yuri?

"Keep the same interest rate for Drew's debt, wala kayong itataas. Because the moment you do so, isang daliri mo ang puputulin ko sa bawat pagtaas ng interest na gagawin mo." Hinintay niyang sumagot ang lalaki pero pagdaing lang ang maririnig sa kanya habang pilit binabawi ang kamay.

Tumaas ang isang kilay niya habang naghihintay. Segundo pa lang pero mukang inip na inip na siya. Tinutok niya ang pocket knife sa daliri nito at akmang susugod na ang mga nakapaligid ng sumagot na rin ang lalaki sa wakas.

Sabog ang sipon at luha sa muka niya habang paulit-ulit na sinasabing payag na siya. Mabuti na lang din at sumagot na rin siya. Balak ko na talagang tumakbo palabas para pigilan si Yuri. 

Kahit parang imposible na magpapigil siya.

"Gago ka ba? Hindi mo alam kung anong kayang gawin na mga 'to!" galit na sabi ni Drew sa kanya.

Tumawa siya. "At hindi rin nila alam kung anong kaya kong gawin."

Binitiwan na niya ang kamay ng lalaking kaharap niya. Lumapit ang ilan sa kasama niya at tinulungan siyang makatayo. Bago pa magbitaw ng banta ang lalaki, agad siyang kinontra ni Yuri.

"Don't even try. I will visit your office to seal our deal. Kapag hindi ka tumupad, buong kamay mo ang papatulin ko."

Hanggang masamang tingin na lang ang kayang isagot ng mga lalaki. Umalis sila na walang ibang ginawa o sinasabi.

Gano'n na lang 'yon? Natakot sila kay Yuri?

Ang dami nila, tapos mas malaki pa kay Yuri pero wala man lang lumaban o nagtangkang sumugod sa kanya. Hindi naman nakakatakot ang itsura ng pulang buhok na 'to. Kumpara naman kay Keifer at Kuya Angelo papasa pa nga siyang mabait. Kaya paanong umalis sila ng hindi nagsasalita o lumalaban man lang.

Binuksan ko ang pinto at dahan-dahang naglakad palapit sa kanila. Halatang nakunsume si Drew sa nangyari. Nasabunutan niya pa ang sarili habang nakatingin sa mga lalaking umalis.

"Paano mo nagawa 'yon?" tanong ko kay Yuri pero may halong pang-aakusa ang tono ko.

Inosente siyang tumingin sa 'kin bago itago ang pocket knife sa likod niya. "Luck, I guess."

"Hindi man lang sila lumaban sa 'yo?" 

"Dahil babalikan nila siya, o ako," sabi ni Drew na mukang stress na stress na.

"Hindi nila gagawin 'yon. Akong bahala," sagot ni Yuri sa kanya.

Napalingon kaming lahat sa malaking bahay ng makarinig kami ng mga gamit na bumagsak. Agad na pumasok si Drew sa backdoor. Susunod na sana ako sa kanya pero natigilan ako ng mapansin kong hindi gumagalaw si Yuri sa kinatatayuan niya.

"Maghuhugas lang ako ng kamay, susunod ako," sabi niya at sinenyasan akong lumakad na.

Ginawa ko naman dahil alam kong ayaw niyang ipakita sa 'kin ang pocket knife niyang may dugo. Iniwan ko siya at pumasok na rin sa malaking bahay. Hinanap ko agad sina Drew at Marianne. Hindi naman ako nahirapan na makita sila, dahil kahit maraming pinto kakaunti lang ang pasikot-sikot sa loob.

Nasa hagdan si Drew paakyat. Sumunod ako ng makita kong papasok si Marianne sa isang kwarto.

"Ma!" dinig kong tawag ni Drew.

Wala naman sanang masamang nangyari.

Hingal na hingal ako pagdating sa second floor. Pagpasok sa kwartong pinasukan nilang magkapatid, napahinto ako at napatitig sa nangyayari. Wala namang masamang ganap pero naglilinis ang Mama nila na parang isang normal na Nanay.

"Kwarto ni Andrew, dapat malinis . . ." sabi niya at pilit unuunat ang sapin ng isang kama. "Makalat kasi ang anak kong 'yon."

Niligid ko ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto. Halatang hindi nagagalaw ang gamit, kagaya ng kama, sofa, study table at closet, pero kataka-takang malinis at walang masyadong alikabok ang kwarto kumpara sa labas at sa hallway na dinaanan ko. Kupas ang kulay ng pader at ang ilang gamit pero matino pa naman ang lahat.

Merong picture frame sa bedside table pero basag na ang salamin kaya hindi ko makita ang muka ng mga nasa picture.

"Dapat linisin ang kwarto ni Andrew . . . dapat malinis."

Tinignan ko si Drew at Marianne, kahit wala silang sabihin alam kong nahihirapan sila sa nakikita nila. Bakas ang pagod sa mga itsura nila pero wala silang magawa. Pakiramdam ko, hinihiling nila na bumalik na siya sa dati o gumaling na siya.

Tumigil ang Mama nila sa paglilinis at naglakad palabas ng kwarto. Agad naman silang sumunod at sinubukan pa nilang pigilan pero nagalit lang 'to sa kanila kaya napilitan silang hayaan. Pumasok siya sa kasunod na kwarto. Kagaya ng nauna, wala ring masyadong alikabok ang kwarto. Maraming manika at libro sa isang cabinet katabi lang ng study table.

"Kwarto ni Marianne malinis palagi, pero maglinis pa rin dapat," sabi ng Mama nila at sinimulang pinunasan ang bedside table.

Pinagpag niya ang mga unan at gano'n din ang sapin at kumot. Meron siyang mga sinasabi at binubulong na hindi ko na masyadong pinakinggan dahil naagaw ang atensyon ko ng huling kwarto sa sulok. Bukas ang pinto at kitang-kita ko ang mga gamit sa loob. 

Sandali ko silang iniwan at sinilip 'yon. Puno ng mga memorabilya. Meron pang malaking litrato ng Nanay nila. Mga malalaking trophy na binalot na ng alikabok at dumi. Mga box na puno ng mga picture frame, newspaper, at iba pang mukang papeles. 

Siguro, sikat talaga ang Mama nila.

"Jay . . ." tawag sa 'kin ni Drew bago tignan ang kwartong sinisilip ko. "Gusto mong pumasok? Magulo nga lang."

Umiling ako. "Hindi na siguro, makikigulo pa ko eh mukang mahirap ayusin ang mga 'yan."

"Magulo pa 'yan, sinubukan ko kasing hanapin ang titulo ng bahay at lupa. Bebenta ko sana kay Keifer kaso hindi ko makita," paliwanag niya habang naglalakad papasok sa loob ng kwarto at nilalagay ang mga gamit na nakakalat sa sahig sa isang kahon.

"Alam ni Keifer ang sitwasyon mo?" tanong ko at hinarap niya ko sandali para umiling.

"Hindi lahat, nahihiya rin kasi ako ipaalam sa kanya ang lahat." Napakamot siya sa ulo. "Hindi naman siya mahigpit sa pera pero gusto niya sa tamang tao o paraan gagamitin ang iaabot niya. Kaya 'yon, hindi ko masabi lahat baka kasi ikagalit niya."

Napanguso ako. Tama naman siya ng sinabi tungkol sa paglabas ni Keifer ng pera. Hindi ko lang maisip kung bakit pagdating sa pagkain ko, parang ang bilis-bilis niyang dukutin ang wallet. Naalala ko nga na nanghiram ako ng pera sa kanya dati para ipambayad kay Mykeliling sa ginawang niyang pamamahiya kay Ci-N dati, hindi na niya ko siningil. Hindi ko naman magawang ipaalala sa kanya.

Tapos parang barya lang sa kanya ang mga ginagastos niya sa 'kin.

Sana marami rin ako pera kagaya niya.

"Tingin ko naman maiintindihan niya, hindi naman ikaw ang gumawa ng mga utang na 'yon," sabi ko at naglakad na siya palabas ng kwarto.

"Sana nga," sagot niya bago isara ang pinto.

Naglakad na kami paalis. Wala na si Marianne at Mama niya sa kwartong iniwan namin. Tumuloy na rin kami palabas ng bahay kung saan namin naabutan ang kapatid niya na pinupulot ang mga chess pieces sa sahig.

"Si Mama?" tanong ni Drew.

"Nasa loob na, pinahiga ko na, sana nga makatulog na."

Pumunta si Drew sa bahay nila, ako naman piniling tulungan si Marianne sa pamumulot. Paglagay sa chess board ng mga pinulot namin, binilang namin 'yon para masiguro na kumpleto. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang kahoy sa sirang bahagi ng board.

"Lumang-luma na siguro 'tong chess board, pasira na eh."

Tinignan ni Marianne ang tinutukoy ko. "Ay oo, alam ko nga swerte 'tong chess board na 'to. Kwento ni Mama dati, ito raw nagpapanalo sa kanya sa unang tournament niya."

Pinagmasdan ko ang kabuuan ng chess board. Inalis ko muna ang laman bago tinignan ang magkabilang bahagi. Para kasing hindi pantay ang sukat mula sa labas at loob ng chess board. Napansin ko na no'ng una na parang makapal ang isang 'to kumpara sa mumurahing nabili sa palengke. Muka kasing makapal sa labas pero kapag tinignan ang loob kung saan nilalagay ang piraso ng chess parang ang liit-liit lang ng espasyo.

Baka gano'n lang ang ayos para hindi madaling masira. 

"Bakit?" tanong ni Marianne sa 'kin.

"Tinignan ko lang baka malaki na pala ang sira, pero mukang tatagal pa naman," sagot ko at tinanggap naman niya.

Niligpit na namin ang chess board at hinayaan ko siyang ipasok na sa loob ng bahay. Kasalubong naman niya ang kapatid na tinitignan ang paligid. 

"Saan nagpunta si Yuri?"

Continue Reading

You'll Also Like

211K 4.9K 52
When your happiness only refers to one thing, acceptance. What can you do to get the acceptance you want? How far can you fight? Handa ka bang tangga...
6.5M 134K 51
The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapphire Briones. She loves to hang-out with her...
17.8M 355K 27
A Collaboration with Race Darwin and Cecelib
116K 5.7K 73
"OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!" Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Bawat buka ng bibig ko ay na...