Four Hearts [π™Άπš‡π™Ά] [𝙿𝙾𝙻�...

By xvii_xxiv

71.2K 3.1K 410

A story about a girl who will cross paths with four gorgeous girls that will falls in love with her. More

Prologue
Introduction of Main Characters
Synopsis
Chapter 1: Again
Chapter 2: Marriage Certificate
Chapter 3: First Disaster
Chapter 4: Four Deity
Chapter 5: New Target
Chapter 6: Stress
Chapter 8: Knowing you
Chapter 9: Fiance
Chapter 10: Date
Chapter 11: The Post
Chapter 12: Ideal Girl
Chapter 13: Campus Princess
Chapter 14: Campus Sweetheart
Chapter 15: Ice Queen
Chapter 16: The bet
Chapter 17: Positive

Chapter 7: Bago yun

2.8K 153 10
By xvii_xxiv

5 years ago

Tala Amara's POV

"Who the fuck puts a for sale sign on my lambo?!" Sigaw ni Yelo kapasok na kapasok niya sa loob ng classroom.

"Miss Evans" mahinahon pero parang nakakatakot pag kakasabi ni Miss Castillo sakaniya.

Nakakatakot talaga siya sa totoo lang. Tumingin ako kay Yelo at medyo nagulat ako na sakin siya nakatingin.

"You!"

Agad siyang lumapit saken, take note nakakunot pa noo niya ah.

Hinintay ko lang siyang makalapit saakin hanggang sa kwelyuhan niya ako at hinila patayo.

"Ano ba?!" Inis kong sabi sakaniya at tinulak siya palayo.

Hinawakan niya ako sa braso ko dahilan ara mapadaing ako sa sakit. Ang higpit ng pag kakahawak niya sa braso ko.

"Ikaw nag lagay non! Wala namang ibang pwedeng mag lagay non!" Paladesisyon amp.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo!" Sigaw ko sakaniya "ahhh!" Lalo niyang hinigpitan pag kakahawak sa braso ko "Masakit!" Sigaw ko sa pag mumukha niya.

"Mag lalo kang masasaktan pag hindi ka umamin!" Mag gigil parin sa tono niya.

Kung hindi siya malamig na tao, iritable at galit naman lagi.

"Miss Evans, that's enough" hindi naman nag patinag si Yelo. "Miss Evan—"

"Shut up Valeen!" Nagulat ako sa sinabi niya.

Sinabi niya yun kay Miss Castillo habang nasaakin yung tingin niya. Maya maya nakita ko sa peripheral vision ko na palapit si Miss Castillo saamin at hinila si Yelo palabas ng classroom.

Nakatanaw lang ako sakanila hanggang sa makalabas sila ng room.

"Putcha!" Napamura ako sa hapdi na naramdaman ko sa kanang braso ko.

Tinignan ko to at nagulat ako na bumakat kamay niya tapos nagkasugat din dahil sa kuko niya.

Napakagat ako sa ibabang labi ko habang nakahawak sa kanang braso ko. Ang higpit ng pag kakahawak niya kanina, ang hapdi din.

"Hey, let me see" napatingin ako dun sa nag salita, si Noelle pala.

May dala dala siyang first aid kit, ang prepared naman nito.

"Wait, gamutin ko lang" tinignan ko muna siya ng ilang segundo bago umupo ulet.

"Hindi mo naman kailangan gawin to eh." sabi ko.

"No, it's fine." Tinignan ko siya. Mukhanh hindi ko na maawat to.

Hinayaan ko nalang siya, d'yan siya masaya eh.

"Talaaaaaaaaa!" Isang malakas na sigaw ang narinig namin. "Are you okay?" Nag aalala siyang tumingin saakin tapos napatingin siya dun sa ginagamot ni Noelle.

Natawa ako ng mahina nung makita ko siyang parang maiiyak na.

"Hindi naman ikaw yung nasaktan" natatawang sabi ko sakaniya.

"Hindi nga, but I felt the pain" ang cute ng batang to.

Siya siguro yung baby nilang mag totropa. Buti nakayanan niyang kaibiganin yung dalawa.

"Baliw, malayo naman sa bituka eh." sabi ko.

Napapangiwi ako pag natatamaan niya yung sugat kung saan lumubog kuko ni Yelo. Masakit ah, siraulong yelo yon. What if tunawin ko siya?

"There, all done." napatingin ako sa ginawa niya.  "Hindi ko na nilagyan ng band aid or what." Malayo naman sa bituka eh kaya okay na yan.

"Hindi masakit?" Tanong ni Rhya.

"Hindi, kaya wag ka ng umiyak dyan." sabi ko sakaniya at ginulo ko pa yung buhok niya kaya napasimangot suya.

"Come on, let's buy some ice cream." masiglang sabi niya at hinihila pa ako.

"Rhya, teka lang naman. May klase pa tayo." sabi ko.

"Rhya, don't be stubborn. May klase pa tayo." Nakangiting sabi ni Noelle. Ang ganda talaga ng ngiti niya nakakainis.

Pero kahit gusto kong samahan si Rhya mag ice cream, hindi naman pwede kase lumabas lang naman ata si Miss Castillo para ihatid si Yelo sa principal's office eh.

"Where is she?!" Isang malakas na pag bukas sa pinto at sigaw ang yumanig sa buong classroom namin.

Kaya pala wala siya kanina para umeksena kase ngayon palang siya pumapasok. Inikot niya paningin niya sa buong room hanggang sa magtama yung tingin namin.

Parang naiimagine kong umuusok yung ilong niya sa galit. Agad siyang sumugod saken pero inawat siya agad ni Noelle at Rhya, pilit siyang nilalayo saken.

"You put that fucking for sale sign on my car didn't you?!" Sigaw niya. "And you were the one who put that ice for sale sign on my apartment!" Naririndi naman ako sa sigaw nito.

"Oh? May ibidensya ka?" Tanong ko.

"Wala! Pero alam ko ikaw gagawa non!" Sigaw niya ulet.

"Don't blame her" mahinahon na sabi ni Noelle.

Napatigil si Manyak sa pag pupumiglas at tinulak yung dalawa. Nag papalit palit yung tingin niya sa dalawa.

"Are you two seriously on her damn side?!" Di makapaniwalang tanong niya.

"Hindi naman kami papanig sainyo kung mali naman ginagawa niyo" gusto kong palakpakan si Rhya. Hindi siya madaling ma bad influence.

"She's right. Amara's kind, so stop bullying her and blaming her for something that she didn't do" kalmado pero halata mo yung inis sa tono niya.

"Argh! Whatever!" Napairap pa siya at sinamaan ako ng tingin bago umalis ng classroom.

Mapride siyang tao pero ang bilis ding sumuko o ayaw niya lang makipag talo kay Noelle?

Ilang minuto lang hinintay namin nung bumalik na si Miss Castillio. Nag discuss lang siya ng konti at dinismiss na din niya kami.

Natapos yung morning class namin ng hindi pumasok yung dalawa kaya medyo payapa yung pakikinig ko sa mga instructor namin. Pag kase nandyan sila kundi nila ako babatuhin ng papel sisigaw naman si Manyak ng 'Sir/Ma'am hindi daw po naiintindihan ni Tala' diba, parang mga gago eh.

Minsan naman tatabi si Manyak saken tapos guguluhin niya ako. One time hindi ko siya napansin sa gilid ko tapos bigla niya akong tinusok sa may tagiliran kaya napatayo ako bigla. Ang saklap lang nun kase may instructor kami.

Masyado silang nag eenjoy sa ginagawa nila. Parang ako nalang yung tao sakanila.

"Girl!" Nagulat ako sa biglang pag sigaw ni Willa.

"Ano ba?" Tanong ko sakaniya.

"Kanina kapa namin tinatawag, tulala ka dyan? Yung pagkain mo oh kawawa" napatingin ako sa kinakain ko.

Napabitaw ako sa tinidor na hawak ko. Na torture ko na yung isda, kawawa.

"Ano ba kaseng iniisip mo?" Tanong ni Paige.

"Ahh wala" sabi ko.

"Ikaw ba talaga nag lagay nung for sale sign?" Tanong ni Willa kaya mapatingin ako sakaniya bago tumango.

Actually alam ni Paige yun kase siya yung nag print nung mga for sale signs na yon.

"Siraulo ka talaga" natawa ako ng mahina.

"Hindi naman pwedeng lagi nalang sila yung masaya, dapat ako din" napangiti ako sa nga pusible pang mangyare katapos ng araw na to.

Habang kumakain puro sermon ni Willa natanggap ko pero hindi naman ako madadala kase hangga't hindi sila tumitigil, hindi din ako titigil.

"Geez, stop. We're eating" iritang awat ni Paige kay Willa.

"Hindi naman kase pwedeng ganon, dapat hayaan nalang niya kase pag gumaganti parin siya mas gaganti yung nga yon kaya walang katapusang to" sabi ni Willa.

"Mag sasawa din naman sila eh" yan nalang palagi kong sinabi sakaniya mag buhat kanina.

Totoo naman kase na mag sasawa din naman sila sa pambubully nila. Edi pag nag sawa sila, edi back to normal ang buhay ko pero sa ngayon makikipag sabayan muna ako sa trip nila hanggang sa sila na mismo ang kusang sumuko.

Nung matapos kaming kumain, pumasok na rin kami.

Nung nasa hallway na ako papunta sa room namin medyo kinabahan ako kase sobrang tahimik sa hallway. Maaga pa naman pero parang nag start na yung klase kase pag lunch time maingay pa dito pero ngayon sobrang tahimik.

Binalewala ko nalang. Nung nasa tapat nako ng room, nag tataka ako bakit ang tahimik tapos nakasara yung room.

Lagi namang nakabukas to kahit my aircon pag lunch break pero ngayon nakasara na, may teacher na ba?

Teka baka isa nanaman sa pakulo nung dalawang gago to ah. Last time na ganto kase kapasok ko may smile na bumuhos saken ano naman kaya ngayon?

Kumatok muna ako, baka kase may instructor na sa loob eh. Pinihit ko na yung door knob at medyo kabado talaga ako.

Pag bukas ko ng doorknob sobrang tahimik sa loob pero nandito na silang lahat. Ang weird pa kase sakin sila lahat nakatingin. Tumingin ako sa harap pero wala namang instructor tapos ang tahimik nila? Mga nakadrugs ba tong mga to?

Di ko nalang sila pinansin at pumasok na pero huli na nung marealize kong patomba na ako sa sahig.

"Ahh!" Daing ko sa sakit. Ang sakit nung pag kakatomba ko.

May pumatid sakin. Ang sakit, natuhod din ako. Fudge feel ko mag kakapasa pa ako nito eh.

"Amara" tinayo ako ni Noelle. Pero ang sakit ng tuhod ko. Yun yung mas napuruhan talaga.

"What did you do?!" Inis na sigaw niya kay Yelo.

Napatingin ako sakaniya nung hindi siya sumagot, nakangisi lang siya saakin. Ang sarap burahin ng ngisi niya sa totoo lang. Gusto ko siyang kalbuhin.

"Hey, are you okay?" Tanong ni Rhya.

"O-Oo" putek ang sakit talaga sa tuhod.

"Come on, we'll bring you to the clinic." inalalayan ako ni Noelle at Rhya na ngayon ko lang napansin na nandito pala.

"Go play the heroes tsk." malamig na bulong ni Yelo nung kalagpas namin sakaniya.

Hindi ko mahakbang ma-straight yung paa ko ng sakit niya. Parang umiba ng pwesto yung buto ko shuta.

Nung makadating kami sa clinic—teka bakit ang laki? Clinic ba talaga to? Halos lumuwa mata ko nung makakita ako ng hospital dito sa loob ng Oxford University.

May ilang linggo na din akong nag aaral dito pero ngayon ko lang nakita tong hospital type nilang clinic. Ang susyal masyado, bakit ko ba nakalimutan na yayamanin may ari ng school na to tse.

"Anong nangyare?" Tanong nung nurse kapasok namin.

Agad namang may nag assist at si Noelle na din yung kumausap sa nurse.

May isang doctor na lumapit sakin at siya na yung tumingin saakin. Habang tinitignan ng doctor yung tuhod ko, si Rhya parang ewan na maniyak ngiyak sa tabi ko habang hawak yung isang kamay ko tapos si Noelle naman nakatayo lang sa likod ng nung doctor habang tutok na tutok din siya sa tuhod ko.

Nung matapos yung doctor sabi niya nabugbog lang daw at hindi naman na fractured pero kailangan ko parin daw munang mag pahinga kase namaga din daw yun.

"Thank you Doc." Pasasalanat ni Noelle dun aa Doctor.

Nag bilin pa siya ulet bago naisipan na umalis na. Nag hila si Noelle ng upuan at pinuwesto sa mismong harap ko. Umupo siya don at tinignan saglit yung tuhod ko bago ako tinignan.

"I'm really sorry" pag hingi niya ng tawad.

"Wala ka namang kasalanan eh. Dapat nga nag papasalamat pa ako sayo." sabi ko.

"Intindihin mo nalang sila Kalli, they're being immature again. Don't worry sasabihin ko sila—"

"Noelle" pigil ko sakaniya. "Hayaan mo na sila."  Sabi ko at nginitian ko siya.

Simula nung naistress siya sa dalawa niyang kaibigan, yung palangiti na Noelle naging seryoso amp.

"I won't tolerate this. Kaibigan ko sila and I need to—" di ko alam anong pumasok sa isip ko at nilagay ko yung hintuturo ko sa labi niya.

Ang lambot pa ng labi niya shemay sanaol.

"Wag ng makulet, mag sasawa din sila." Sabi ko at ngumiti sakaniya.

Tinitigan niya muna ako ng ilang segundo bago nag pakawala ng hangin. Isang buntong hininga ang ginawa niya bago napailing at natawa ng mahina.

"You're interesting." sabi niya habang nakangiti.

Kahit siguro araw araw kong makita yung ngiti niya hindi ako mag sasawa eh. Ang ganda ng ngiti niya. Si Yelo kaya? Kasing ganda niya kaya yung mama niya pag ngumiti siya, malamig mga pamilya niya pero yung mother niya ngumiti naman pero hindi gaano. Parang slight smirk pa nga eh.

Pag iniisip ko parang nakakacurious yung pag katao niya, weird. Gusto kong malaman kung bakit ganon siya kalamig.

Pinag pahinga na muna ako ng nurse dito tapos si Noelle pinapasok ko na sa klase niya. Naiwan si Rhya dito kase nakatulog sa tabi ko sa kakaiyak, yakap yakap pa nga niya yung kamay ko.

Napatitig ako kay Rhya. Ang cute cute niya talaga. Sobrang inosente niyang tao. Para siyang bata na di makabasak pinggan pero makulet.

"I didn't know na close ka pala sa apat." Napatingin ako dun sa nurse na lumapit saamin habang nakatingin kay Rhya.

"Dun lang po sa dalawa. Kaaway ko pa yung dalawa." Pag kaklaro ko, natawa naman siya ng mahina.

"I guess I will be seeing you here more often." Napakunot noo ko sa sinabi niya.

"Bakit po?" Tanong ko.

"You'll know soon enough. Pero advice lang, try to avoid them as much as possible." Sabi niya lang at umalis na.

Natatakot ba sila dun sa dalawa? Eh mga duwag lang din naman sila eh.

Hinayaan na muna niya akong mag pahinga kaya humiga na muna ako dito sa hospital bed. Hindi ko na namalayan yung nangyare kase nakatulog ako, nagising nalang ako nung may marinig akong nag uusap.

Malalaki boses nila kaya nagising ako.

"We didn't do anything mom! Lalampa lampa lang siya." Boses ni Yelo yun.

Dapat ba akong tumayo o mag tulog tulugan nalang?

"Someone saw you, pinatid mo siya." Nanay niya yun diba? Yung isa pang malamig.

"I didn't raise you like this Kallista!" Napalunok ako nung marinig ko boses ng tatay niya.

Nakakatakot na nga siya pag mahinahon siya tapos ngayon pa na galit siya? Sa mga pamilya nila, parang yung nanay at tatay ni Yelo yung wag ginagalit. Tingin palang kase nila malulusaw ka na.

"Yeah, because you didn't raised me at all!" Nagulat ako sa sigaw ni Yelo, ngayon ko lang siya narinig na sumigaw ng ganon.

Parang puno ng hinanakit yung sigaw niya. Minulat ko ng konti mata ko, nakagilid naman kase ako kaso wrong timing pag mulat ko ng mata.

Isang malakas na sampal ang natanggap ni Yelo Mula sa tatay niya.

Napatayo ako bigla nung sasampalin na sana niya ulet si Yelo pero wrong move kase natomba ako. Napatingin ako sa tuhod ko, namamaga shuta.

"Argh!" Daing ko sa sakit.

"Are you okay?" Napaangat ako ng tingin kay Yelo na nakalapit na pala saken. Medyo nagulat ako kase ngayon ko lang nakita yung expression niyang to. Nag aalala siya.

"Don't touch her, you might hurt her more." Bigla siyang hinila ng nanay niya nung tutulungan na sana niya akong tumayo.

"Are you okay iha?" Tanong ng tatay niya.

Tumango lang ako sakaniya at ngumiti ng tipid sakaniya. Tinignan ko si Yelo, umiwas siya ng tingin nung mag tama tingin namin.

Pinunasan niya luha niya,  kahit hindi siya dito nakaharap alam kong luha pinunasan niya.

"Kallista, where are you going?" Ehh? Paanong nalaman ng tatay niya?

Hindi siya naharap kay Yelo pero alam niyang paalis si Yelo.

"Permission to leave the room, Dad." Humarap na sakaniya yung tatay niya.

Tumayo siya ng maayos at nag pamulsa. "Apologize before you leave." Tinignan ako ni Yelo.

"Sorry.. " yun lang at umalis na siya.

Napahilot si Sir Evans sa sentido niya. Hindi man halatang naiistress siya sa anak niya.

"Hindi ko na alam anong gagawin ko sa anak ko." Sabi niya.

"Calm down dear." Pag papahinahon sakaniya ng asawa niya.

"We didn't raise her to be stubborn." Sabi niya pa. Tumingin siya saken. "I'm sorry."

Ngumiti ako ng tipid sakaniya. "Wala po yun, pero sana po hindi niyo na po siya sinaktan."

"I didn't.."

"Alam ko po wala po ako sa lugar para sabihin to pero anak niyo parin po siya. Hindi ko po alam kung ganon lang po talaga kayo mag disiplina pero babae po ang anak niyo." Sabi ko.

Ang panget lang kaseng tignan ng ganon, babae anak mo tapos sinasaktan mo siya physically.

"Hindi ko naman sinasadya yon." Pwede naman palang makipag usap ng hindi malamig yung dating eh.

Idol lang ata talaga nila si Elsa kaya ganyan.

Humingi sila ulet ng tawad saakin kahit ilang beses ko ng sinabi na dahil lang to sa katangahan ko pero ayaw nilang makinig saken eh basta daw pag isipan ko yung offer nila at lumabas na din sila katapos, may meeting pa daw kase sila kaya kailangan na nilang umalis agad.

Nag stay pa ako dito ng ilang minuto bago ako payagan ng nurse na lumabas na. Masakit parin yung tuhod ko kaya sinabihan niya ako na wag ko daw biglain at wag tumakbo.

Para akong pilay kung mag lakad eh, saklay nalang talaga yung kulang.  Pag kalabas na pag kalabas ko, si Yelo yung nakita ko.

Nakatayo siya sa tabi ng pinto kung saan ako lumbas, nakasandal siya dun at parang hinihintay talaga ako.

Napatingin siya saken tapos tumingin siya sa tuhod ko then balik tingin saken.

"Okay ka—"

"Remember this lampa, you didn't saw or hear anything earlier." Teka, para akong naano dun sa tinawag niya saken.

"Teka, lampa?" Tinaasan niya ako ng kilay.

"Lampa ka naman talaga." Sabi niya at ngumisi pa bago umalis.

Gusto ko siya sugurin at sabunutan pero naalala ko yung kanina. Umiyak siya, feel ko may tampo siya sa mga magulang niya.

"Hoy Yelo!" Sigaw ko.

Inis na binalingan niya ako at nakakunot na ulet noo niya.

"Mahalin mo magulang mo habang nandyan pa." Sabi ko.

"Oh shut up." Nalamig na talaga siya ulet, parang di umiyak at nag alala saken kanina eh.

Napailing nalang ako at pinagmasdan siya hanggang sa makalayo siya.

Paano pala akong uuwi? Masakit pa tuhod ko, tyaka need ko ding mag trabaho pala. Wala pang ulam sila Amaro, hindi ako nakapag iwan.

Dahil wala na akong klase lumabas na ako ng school. Buti nalang hindi ko na kailangan bumalik sa room para kunin gamit ko, dinala na kase nila kanina pero hindi ko alam kung sinong nag dala.

Pumunta na ako sa sakayan para mag abang ng jeep. Buti nalang maaga pa pero bakit walang jeep? Ginagago ba ako ng universe?

Kunyari hindi rush hour pero wala ka namang masasakyan.

Maya maya may kotseng tumigil sa harap ko. Napatingin ako dun, teka kay Yelo to ah. Alam ko ito yung kotse na gamit nila ni Manyak nung naligo ako ng putik.

Binaba niya yung bintana at dun ko siya nakita.

"Bakit?" Tanong ko.

"Hop—"

"Amara!" Napatingin ako dun sa likod ng kotse ni Yelo.

Si Noelle pala. "I'll drive you home." Napangiti naman ako.

Ang bait niya talaga kahit kailan. Tinignan ko si Yelo.

"Ano nga—" mabilis niyang pinatakbo yung kotse niya. Bastos talaga kahit kailan eh.

"That's Kalli,  right?" Nakalapit na pala saken si Noelle.

"Oo eh, may sasabihin ata siya kanina pero ayun umalis nalang bigla. Napakabastos talaga e." Sabi ko.

"Ganyan talaga yon, so let's go?" Napatango naman ako.

Kinuha niya yung gamit ko at inalalayan akong sumakay sa kotse niya. Himala nga hindi niya kasama si Rhya pero sabi niya kase sinundo daw si Rhya ng tatay niya.

Pero na curious ako dun sa sasabihin sana ni Yelo kanina. Ano kaya yon?

Titigil na kaya sila sa pambubully saken? Kase kung hindi, makakaganti pa ako bukas. Hindi naman pwedeng sila nalang palagi. Nakakailan na sila.

Curious parin talaga ako sa pag katao nung dalawa, lalo na si Yelo. Napaka mysterious naman kasi, di nag papakita ng emosyon pero kanina kase nung nakita ko siyang umiyak dun ako na amazed na may iba pa pala siyang ekspresyon. Akala ko hindi na siya tao eh.

If curiosity will kill me then I'm digging my own grave.

Continue Reading

You'll Also Like

132K 3.8K 54
(Under Editing All parts) Date of write: February 2020 Date publish: June 28 2021!!!! End: May/28/2022 Mafia series 2
2.4K 172 9
An Austen-themed book club for aspiring Filipino writers. O P E N : currently in need of members
82.4K 2K 41
I really don't have a choice! My life is a mess. I can't do anything to change my life. I'm stuck being a drug pusher. I have to be careful because...
139K 3.7K 59
"If I didn't care I would have left you to die but I care and that's why I'm protecting you." Kaya ba niyang protectahan ang taong mahal na mahal niy...