Baka Sakali 1 (Alegria Boys S...

By jonaxx

121M 3M 1.1M

Ang pag-ibig ay parang nagsusugal. Pag sigurado kang mahal mo ang tao, ibibigay mo ang lahat. Ang problema di... More

Baka Sakali
Panimula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Pangwakas
Notes

Kabanata 40

1.5M 43.3K 23.9K
By jonaxx

Kabanata 40

Balik Maynila

Wala akong maalala. Hindi ko alam kung anong nangyari pagkatapos akong ipagtabuyan ni Jacob sa harap ng lahat. Buti at kasama ko si Maggie, nakauwi pa kami ng maayos. Sa totoo lang di ko talaga naalala kung paano kami umalis sa bahay nina Jacob. Tulala ako all the way...

"Uh, Auntie, sumakit po kasi tiyan ko. Kumain naman kami at binigay ni Rosie yung regalo niya pero nagmadali po kaming umalis." Paliwanag ni Maggie kay Auntie Precy nang narealize na maaga kaming umuwi.

Nang nasa kwarto na kaming dalawa ni Maggie, dun ko lang naibuhos ang sama ng loob ko. Umiyak ako nang umiyak. Hindi ko matanggap ang lahat ng nangyari. Lintik! Ano ba ang nangyayari?

"Rosie, tama na..." Sabi ni Maggie.

Dalawang oras niya na akong tinatahan sa pag iyak. Pumuslit na rin siya ng konting pagkain sa kusina para makakain kaming dalawa pero di ko ginalaw yung akin.

"Mag, anong nangyayari? Panaginip b-ba to?" Napahikbi ako.

Maging siya ay napaiyak na rin sa kakatahan sakin.

"Sis, sigurado ka ba talagang sinabi niyang kayo na? O mahal ka niya?"

Mas lalo akong napaiyak sa tanong ni Maggie. Sa tanong niyang iyon, parang naiisip kong baka guni-guni ko lang lahat ng nangyari samin ni Jacob. Para bang gawa-gawa ko lang ang lahat! Ako lang yung na inlove, ako lang hanggang huli, walang kami.

"Mag, Kilala mo ako. Hindi ako assuming na pagkatao-" Hindi ko na natapos. Gusto kong mag mura at magbasag ng gamit dito.

Lintik na pag-ibig! Kahit nung nag break kami ni Callix hindi ganito ka disaster para sakin yun! Siguro nga dahil naibigay ko ang lahat ko kay Jacob. Siguro dahil mahal na mahal ko siya... dahil nag tiwala akong mahal niya rin ako. Galit ako dahil mahal ko siya pero sinaktan niya ako. I felt like I'll bleed till I die. Ganun ka sakit.

Natulog ako ng umiiyak. Tinabihan ako ni Maggie sa pagtulog. Buong Sabado at Linggo, inubos ko sa kakaiyak sa kwarto. Namumugto na ang mga mata ko.

Hindi ko makalimutan ang pagtaboy niya sakin. 'Umalis ka na!' Sh1t! Ano ba!? Tama na!

Tama na ang katangahang ito! Tama na! Alam ko. Naibigay ko na ang lahat sa kanya. Ang 'oo' at ang virginity ko... ang puso ko... ang kaluluwa ko. Lahat na ay nasa kanya! Ang natitira na lang sakin ngayon ay ang pride ko. Hinding-hindi ko ito isusuko kahit anong mangyari.

TAPOS NA KAMI DUN EH! Natanggap niya na ako! At kahit hindi niya ako matanggap noon, wala naman akong pakealam kasi hindi ko naman hinangad na magkaroon talaga kami ng relasyon. Siya yung may gusto nito at nagtiwala naman ako.

Bakit? Bakit niya nagawa ito sakin? Pagkatapos ng lahat?! Siguro nga ay nagkamali ako sa mga desisyon ko. Minsan, hindi lahat ng gusto mo ay tama. Hindi lahat ng gusto ng puso mo ay tama. Minsan, makamundo ang hangarin ng puso mo. Ang dahilan kung bakit binigyan ka ng utak ay para malaman kung alin ang kailangan at alin ang gusto mo lang. Hindi masama kung sundin mo ang gusto mo pero nandyan ang utak para timbangin kung KAILANGAN MO BA TALAGA YUNG GUSTO MO. At sa puntong ito, narealize kong hindi ko kailangan si Jacob. May nagmamahal man sakin o wala, may mahal man ako o wala, hindi yun magiging hadlang sa pagiging tao ko... buo ako, nandyan man siya o wala.

Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Tuwing naiisip kong wala na siya sakin parang may parte sa buhay kong nawawala?

"Nag iimpake ka?" Tanong ni mama nang dumating ang Lunes - unang araw ng finals namin.

"Oo, ma." Sabi ko at pinilit na ngumiti.

Ramdam ko ang mga titig ni Maggie na halatang nag-aalala. Hindi namin sinabi kay mama at papa ang nangyari.

"Bakit? Ayaw mo dito?" Ngumisi si mama.

"Kailangan kong mag-aral sa Maynila, ma. Mas maganda kung doon dahil maraming opportunities."

"Pero paano si..."

"Ma, hindi ko po kailangan si Jacob para maging successful. Hayaan niyo pong patunayan ko sa inyo na kaya kong maging successful ng ako lang, na walang tulong sa isang..." tulad niya. "lalaki. Kaya ko po yun."

"Pero diba-"

"Kung kami... magiging kami. Kung hindi, hindi." Sumulyap ako sa nakangangang si Auntie Precy.

"Ganyan din ang sinabi ko noon nung umalis ako ng Alegria." Aniya.

Nagkibit-balikat na lang ako at umalis na bago pa tumulo ang luha ko.

Maaring magiging katulad nga kami nina Auntie Precy at ni Don Juan... Pero kailanman, hindi ako magiging katulad ni Auntie Precy na hindi na nakapag-asawa at pinagsisihan ang ginawa. Binigyan ako ni Jacob ng rason para umalis sa lintik na bulubunduking ito... Hindi ko alam kung malulungkot ba siya o masisiyahan sa pag alis ko pero mas gusto kong isiping masisiyahan siya.

Tahimik ang mga taong nakasalubong ko sa school. Buti at di namin kailangang magtagal sa school dahil exam week lang ngayon. Dalawang exam lang at uuwi na agad kami bawat araw. Hindi ko nga lang alam kung bakit ito ang pinaka mahabang linggo sa buong buhay ko. Bawat minuto tumatagal ng isang oras. Lalo na pag nakikita kong ibinabaling ni Jacob ang tingin niya sakin. Tahimik lang siya at seryoso ang mukha kahit kinakausap ng kahit kanino.

Hindi ako tumitingin sa kanya. Di bali nang makita ko ang mga kaklase kong umiirap at nag-baback stab sakin.

"Buti nga sa kanya!"

"Galing ni April noh? Navideohan niya talaga? Huli sa akto?"

"Ganda niya pero mukhang ginagamit niya lang ang kagandahan niya para makabingwit ng mayaman."

Magtitimpi ako... Magtitimpi. Dahil alam kong pagdating Biyernes ay sasabog ako. Sasabog ako dahil wala na akong pakealam. Aalis na ako.

"Rosie." Tumindig ang balahibo ko nang marinig kong binanggit ni Jacob sa wakas ang pangalan ko nang sumapit ang Biyernes.

Di ako tumingin sa mukha niya, kinuha ko lang yung binigay niyang textpaper. Napatingin din ang mga tsismosa kong classmates...

Tumagal ng dalawa at kalahating oras yung exams at agad kong niligpit ang gamit ko. Excited akong makatapak na ulit sa Maynila pero mas excited akong makaalis ng Alegria.

"Rosie!" Sigaw ni April nang nakaalis na ako sa pintuan.

Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya. Nagngingitngit ako sa galit pero pinigilan ko ang sarili ko.

"Sorry dun sa video. Pero kasi mali lang talaga-"

PAK! Ayun! Sabi na at sasabog ako! Humilata si April sa sahig. Walang akong bakas ng guilt sa pagsampal ko sa kanya. Agad kaming pinalibutan ng estudyante.

"Roseanne! Ano ba! Tama na yan!" Sigaw ni Teddy kung saan.

"Rosie, sirang sira ka na dito, wa'g mo ng dagdagan pa-" Sabi ni Eunice.

"SIRA NA NGA AKO DITO EDI LULUBUS-LUBOSIN KO NA!" Sigaw ko.

Hindi ko na talaga naramdaman ang luha ko sa galit ko. Naubos na siguro dahil gabi-gabi akong umiiyak.

Tumakbo si Jacob sa harapan namin ni April.

PAK! Ayun! Lumipad ang palad ko sa pisngi niyang noon ay hinahalikan ko pa.

"PUTANG INA KA RIN, JACOB! MAG SAMASAMA KAYONG LAHAT DITO! Diba kaya niyo ako sinisiraan dahil gusto niyo si Jacob? Oh hayan na! Inyo na siya at pati yung mga kayamanan nila! What the heck are you waiting for?" Tinignan ko si April na mangiyak-ngiyak. "Ano? Magpapapageant pa ba ako nang makita kung sino ang karapatdapat?" Sabi ko.

Nakita ko ang luha sa mga mata ni Jacob nang nakarecover siya sa sampal ko. Di siya gumalaw. Seryoso lang ang mukha niya nang hinarap ako.

"WALA KANG KARAPATANG UMIYAK! ANG KAKAPAL NG MUKHA NIYONG HUSGAHAN AKO! AT IKAW JACOB," Shet di ko mapigilan ang luha ko. Pride na lang ang nagbibigay ng lakas sakin ngayon. "HINDI AKO MAGMAMAKA-AWA SAYO! SA PAG IBIG MO! SALAMAT NA LANG PERO PWE SAYO NA YAN! NAKAKASUKA KAYONG LAHAT!"

Sasampalin ko na sana ulit siya pero sinangga niya ang sampal ko.

"Bitiwan mo ako! Wa'g na wa'g mo na ulit akong hahawakan!" Sigaw ko sa mukha niya.

"Rosie-"

"WA'G MO AKONG MATAWAG-TAWAG SA PANGALAN KO! Mula ngayon, wala na ako sa buhay mo. Pakatandaan mo yan, Jacob!"

"Huy, Rosie, ang feeling mo naman yata! Ikaw pa ang may ganang magsabi niyan." Sabi nung isang kaklase ko.

"Rosie, tama na. Humihingi na ako ng dispensa pero kailangang malaman yun ni Jacob bago pa mahuli ang lahat." Sabi ni April.

ARGHHHHHHHHHH! Gusto ko na lang sila pagsasampalin isa-isa! Huminga ako ng malalim at kinalma ang naghuhuramentado kong sarili.

"Tumahimik ka, April! Wa'g kang magbait-baitan diyan! Kung tunay kitang kaibigan, hindi mo na kailangang ipagkalat ang video na yun. Kay Jacob mo na lang sana ipinakita, hindi eh, diba, mas ginusto mong makita ng lahat nang mapahiya ako. Hindi niyo ako kilala kaya wa'g na wa'g niyo akong huhusgahan. At ikaw, Jacob, pinagkatiwalaan kita pero ito?" Napaiyak na naman ako.

Humikbi ako at halos di na masabi ang mga sasabihin ko. Umiyak siya... Punong-puno rin ng luha ang pisngi ni Jacob.

"Rosie, tama na. Sorry at ipinagtabuyan kita pero..."

"SH1T! WALA KANG KARAPATANG UMIYAK! AT KAHIT ANO PA MAN YUNG DAHILAN MO, HINDI KO MATATANGGAP YUN! IKAW ANG NAGTABOY SAKIN KAYA WA'G NA WA'G MO AKONG HABULIN ULIT KAHIT ANONG MANGYARI DAHIL HINDING HINDI NA KITA TATANGGAPIN ULIT. WALA NG BAKA SAKALI... Sigurado akong wala ng tayo at hindi na kailanman magiging tayo. Pakatandaan mo yan, Jacob!"

"Ang feeling!" Sabi ng ibang mga babae na nandoon sa scene.

Tumakbo ako palabas ng kampus. Palabas ng Alegria... Pabalik ng Maynila.

Minsan, ang mga gusto mo ay hindi tama. At ang mga tamang gawin ay ang mga ayaw mong gawin...

Continue Reading

You'll Also Like

7.3M 190K 35
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
3.4K 144 30
Poems from A-Z. A mixture of light, darkness and pain. Letters of hope, for those in pain.
3.3K 136 12
Dana and Kingston set out on a quest to find an ancient potion that could potentially extend Dana's life. While finding the elixir of immortality, t...
1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...