Kabanata 52

1.6M 40.2K 6.6K
                                    

Kabanata 52

Still In Love

No! Hindi ako sasama. Nahirapan na nga ako sa pagsama sa wedding na yun, meron pang ticket-for-two sa isang resort with Jacob?

Ilang araw na ang nakalipas pero di parin ako tinatantanan ng mga iniisip ko. Every five minutes, nag fa-flashback sakin ang lahat ng nangyari sa kubo. Yung halik niya... Hindi ko matanggal sa isip ko yung labi niya sa labi ko. Yung pagkakahawak niya sa likuran ko, sa baywang ko... yung mga titig niya sakin.

Gulong-gulo na ako. Hindi ko na maorganisa ng maayos ang iniisip ko.

Una, kailangan ko ng layuan si Callix. Hindi ko alam pero may masamang feeling na talaga ako. Pangalawa, kailangan ko ring layuan si Jacob dahil habang tumatagal, lumalambot ako. Masama iyon dahil hanggang ngayon, di ko parin makalimutan yung mga atraso niya sakin. Naiinis parin ako sa ginawa niya noon. Naiinis din ako sa ginagawa niya ngayon. Naiinis ako kasi nagbago na siya. Naiinis ako dahil wala akong hold sa kanya...

Siguro tama si Maggie, dapat ko ng tigilan to. Lalayuan ko sina Callix (ibig sabihin pati sina Ava, Belle, Josh at Edward). Si Karl lang ang ititira ko...

"Rosie!" Tawag ni Callix sakin sa corridor.

Kasama niya si Jacob. Tumingin ako sa paligid at nakikita ko na naman ang mga masasamang tingin ng mga tao sakin. Guilty ako, to the highest level. Yung kasing guilty nung may ginawa kaming masama ni Jacob sa kubo?

"Ano? Sisiputin mo ba si Jacob sa Imperial Bay?" Tumawa si Callix.

Kumunot ang noo ni Jacob habang tinitignan ang pinsan niya.

"Sorry Callix, pero di ako pwede eh." Sabi ko.

"Oh, ba't ka sakin nag sosorry? Kay Jacob dapat."

Napatingin ako kay Jacob na hanggang ngayon ay nakatingin parin sa pinsan niya.

"Sorry, Jacob." Sabi ko.

"Ba't ayaw mo? Napanalunan natin yun, Rosie... Sayang naman-" Sabi ni Jacob.

Napalunok ako sa boses niya, "Ayoko!" Sabi ko.

Nakita kong nabigla si Callix sa sinabi ko.

"Bakit, Rosie? Natatakot ka?" Tanong ni Callix.

Nakita kong seryoso ang mukha niya pero humalakhak ito sa huli.

"Natatakot?" Tanong ko. Kinakabahan na.

"Natatakot ka ba na kayo lang dalawa ni Jacob?" Mas lalong naging seryoso ang mukha niya.

Napatingin kaming dalawa ni Jacob sa kanya.

"Callix, b-bakit naman ako m-matatakot?" Patay! Nauutal pa ako.

Baka Sakali 1 (Alegria Boys Series #1) (Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon