My Black Guy

By littlemissselle

12M 126K 19.9K

Black Series I: I'm Kathryn Penelope Torres. "Pretty and smart" that's what I always get from others, except... More

My Black Guy
MBG - 1
MBG - 2
MBG - 3
MBG - 4
MBG - 5
MBG - 6
MBG - 7
MBG - 8
MBG - 9
MBG - 10
MBG - 11
MBG - 12
MBG - 13
MBG - 14
MBG - 15
MBG - 16
MBG - 17
MBG - 18
MBG - 20
MBG - 21
MBG - 22
MBG - 23
MBG - 24
MBG - 25
MBG - 26
MBG - 27
MBG - 28
MBG - 29
MBG - 30
MBG - 31
MBG - 32
MBG - 33
MBG - 34
MBG - 35
MBG - 36
MBG - 37
MBG - 38
MBG - 39
MBG - 40
MBG - 41
MBG - 42
MBG - 43
MBG - 44
MBG - 45
MBG - 46
MBG - 47
MBG - 48
MBG - 49
MBG - 50
MBG - 51
MBG - 52
MBG - 53
MBG - 54
MBG - 55
MBG - 56
MBG - 57
MBG - 58
MBG - 59
MBG - 60
MBG - Epilogue
Black Note - Author's note
Special Chapter 1: RoBianKats
Special Chapter 2: JulRome
Special Chapter 3: Sam-Thiffany & Janella-Mortel
Special Chapter 4: Enrique and Someone
Special Chapter 5: SofLil & Lester-Aya
Last Special Chapter: PenFord's Wedding

MBG - 19

178K 1.7K 198
By littlemissselle

Thank you po sa mga nag-tweet ng My Black Guy nung nagpa-trend ng hashtag na #BestKathNielWattpadStory Thank you so muchhhh!!

Dedicated sa kanya. Hello!! (kaway!) \*.*

Sa mga nagpapa-dedicate nga po pala, naka-lista na yung bibigyan ko ng dedicate, hintay hintay na lang po kung anong chapter made-dedicate sa inyo haaaa. Mwaaaaa!! Hugs! >:D<

So eto na po update. :))

---------------------------------------------------------------------

CHAPTER 19

JEROME’S POV

ANONG KALOKOHAN TO?!



Umabsent lang ako kahapon tas ngayon sila ang makikita ko?



Ako ba eh pinaglololoko talaga ng Daniel na yan?



Naglalakad siya ngayon kasama si Julia sa hallway.



Di na ako nagdalawang isip na lapitan sila at pagkalapit ko naman eh agad kong hinila ang kwelyo ng polo ni Daniel.




“Ano bang problema mong gago ka? Pinaglalaruan mo lang ba kapatid ko ha?”



Pumagitna naman samin si Julia at tinulak ako.




“Jerome please tumigil ka na. Okay na kami ngayon ni Daniel. Just please be happy for us.”



I saw Daniel smirked. That hella dark creature is really getting on my nerves!!




“Alam mo Julia okay lang naman kung ako lang yung masasaktan eh. Pero yung kapatid ko! Pucha, ibang usapan na yon.”



Julia smiled. “Siguro hindi mo din alam noh?”




“Ang alin?”




“Na, pretend lang yung relationship nila Kath para pagselosin ako.”



Medyo mabagal ang pag process nun sa utak ko.



?



Pretend?



Para pagselosin siya?




“What the heck?! Hoy Daniel magsalita ka nga! Totoo ba yon ha?”




“Ba’t di mo na lang tanungin si Penelope tungkol dun?” sagot niya




“Eh gago ka pala eh!” at di ko na napigilan ang sarili kong suntukin siya.



Sinuntok din niya ako. “Away pala gusto mo eh. Game!”



At nagsuntukan na nga kami. Gagong to! Anong karapatan niya para gamitin ang kapatid ko?!




“Jerome! Daniel! Tama na!” awat ni Julia




“Hoy ikaw! Walang hiya ka! Tanga ka talaga!”




“Mas tanga ka! Imbis na nakikipagaway ka sakin ngayon sana pinuntahan mo na kapatid mo!”



And that hits me.



Princess...



Lumayo ako sa kanya. “Di pa tayo tapos, Ramirez!”




“Sige lang maghihintay ako Torres!!”



Bwst.



Hinanap ko na si Kath. Pumunta ako sa room nila kaso di daw pumasok.



What the hell?



Hindi niya dapat pinagaaksayahan ng luha o ng oras ang tulad ni Daniel!



Hinanap ko siya sa buong campus pero wala padin. May isang lugar akong naisip. Sumakay ako sa kotse ko at pinuntahan ko ang lugar na yon.



Habang nililibot ng mata ko ang paligid, nakita ko na din siya.



Ang kapatid ko.




“Sabi na andito ka eh.”



Napabukas naman siya ng mata niya.



Andito siya sa hide out naming magkapatid. Well, peaceful kasi dito. Ito yung park na pinagawa ng parents namin para saming dalawa nung mga bata pa kami. May swing, slide, monkey bar at kung ano pa. Malapit lang to sa mansyon.



At eto siya, ang prinsesa ko, nakahiga sa ilalim ng puno. Tinabihan ko siya at nahiga na din.




“Kelan mo balak sabihin sakin, princess?”




“Ang alin, prince?”




“Wag na mag-deny.”




“Tch. Alam mo na? Eh kasi kuya..” Hindi niya matuloy ang gusto niyang sabihin.



Ipinatong ko ang ulo niya sa balikat ko. “Magkapatid talaga tayo. Parehas tayong sawi.” pabiro kong sabi.



Hinampas niya ako sa braso. “Baliw ka. Hindi naman ako sawi eh.”




“Sus eh yung tungkol kay itim?”




“Ha?”




“Ibig ko sabihin, kay Daniel. Slow. Tsk.”




“Eh hamu na.”




“Hamu na? Pero nagmumukmok ka dito.”




“Di ako nagmumukmok. Nagpapalipas oras lang ako.”




“Wushoo mga dahilan mo, princess.” pinalo ko ng mahina ang noo niya. “Di ka pa pumasok dahil don. Emo mo, Kath.”



Nilayo niya ang ulo niya sakin at tinignan ako. “Kuya, hindi ako nage-emo dito. Exempted ako sa quiz namin kaya nagpapalipas oras ako dito. Tss.”



Napakamot ako sa ulo. “So, hindi ka affected?”




“Oo naman.”




“Talaga?”




“Oo nga.”




“Swear?”




“Oo kuya eh. Paulit ulit.”



Hinawakan ko ang kamay niya. “I love you, princess.” I kissed her forehead.



She smiled. “I love you too, Kuya.”



Kapatid ko siya, sabay kaming lumaki, kilalang kilala ko na tong isang to.



And right now, I can say that..












.. she’s lying.




SOFIA’S POV



Break time na at hindi namin kasama si Kath. Tch. Sinusulit naman niya masyado pagiging exempted niya baka gusto na niyang pumasok.




“Hoy ano nagtext na ba si Kath?”




“Di pa ngae. Bayaan mo na. Mabuti na ding wala siya ngayon.” Bianca




“Ha? Ba’t naman?”



Lumapit siya sakin ng onti at bumulong, “Si Julia at King na ulit.”




“Wait sinong King? Si Jerome ba?” pabulong kong tanong




“Hindi. Si Daniel.” pabulong niyang sagot



I gasped.



As in, OMG



Bigla namang may mga umupo sa harap namin.



Tch.



Dyahe.




“Chismosa alert!”




“Pwede ba Robi. Lumipat ka nga sa kabilang table.” Bianca




“Galit agad?”



Napangiti na lang si Khalil sa dalawang to at sinuot ang headset niya.



Ang gwapo niya talaga.




“Sofia! Binilan kita ng Chocolate Mousse tikman mo dali. Pag di masarap babalik ko kay Manang.”




“Sam. May saltik ka din eh.”




“Sofia kung ayaw mo akin na lang.” Bianca




“Masiba.” Robi




“Leshe. Umalis ka nga dito!”




“Pagma-may ari mo? May pangalan mo?”




“Nauna ako sayo dito kaya alis.”




“Pilitin mo muna ko.”




“Pigilan niyo ko mapapatay ko tong kaibigan niyo!”



We just laugh. Ganyan talaga yang dalawa na yan. Ganyan sila magmahalan.




“Nga pala, san si Jerome?” I asked Sam




“Ewan lang eh. Pakalat kalat lang yun dyan.”




“Wala din kasi si Kath eh. Anw, baka magkasama yung magkapatid.”




“Oo, napa-away yun kanina ke aga aga.” Robi




“Kanino?”




“Kay Daniel.”

“Dahil kay Julia nanaman. Tss. Ewan ko ba dyan sa hari niyo may katangahan din minsan ang mga matatalino noh?” Bianca




“Dahil kasi sa kapatid niya. Alam mo di bale ng siya lang yung masasaktan eh pero kung si Kath? Nako, mage-evolve yon. Mahal na mahal nun kapatid niya.”



Geez.



Suddenly, parang gusto ko tuloy magkaron ng Kuya! Parehas kasi kami ni Bianca na only child eh.




SETH’S POV



YO MAH MEHN



Hot chicks everywhere.



Yebah!



Well, actually kaming apat lang natutuwa. Si pinunong itim kasi serious mode di lang halata.




“Hoy King.”




“Hoy Seth.”




“Hoy Daniel.”




“Hoy Gothico.”




“Hoy Penelope.”



At sinamaan niya ako ng tingin. “Sabi ko nga, Hoy Kathryn eh. Tch.”



At inirapan lang niya ako.



Siya po ay nasa Black mode which means bawal siya bwisitin dahil siya po ay badtrip na o wala sa mood.



At naghintay lang kami dito hanggang sa mag-umpisa ang event.



What event?



Oh well, THE ULTIMATE DRAG RACING.



Sa Ultimate Drag Racing maglalaban yung mga malalakas na team na galing din sa mga makakapangyarihan na pamilya at syempre ka edad din namin mga to.



Ayos lang naman talaga samin to eh hangga’t di kami nahuhuli. Eh drag racing nga di ba? So it means, it’s illegal.



Malaki ang pusta dito mga brad. Kung dati sa mga pa puchu puchung racing eh 1-2 million lang, ngayon this is worth 10 million and above kaya naman ganun dun kadesedido si Tito Rommel na pasalihin kami dito.



We won last year at pinaghatian ng mga magulang namin ang premyo para sa mga company nila.



Nagsalita na ang host ng event, si JD. Walangyang yan pag may mga pulis na siya pa unang nawawala, bilis tumakbo eh.




“Teams line up here!”



Inayos namin ang gear namin at lumapit sa kanya.




“Okay the race track will be the same. Per inuulit ko mag-iingat kayo sa kalagitnaan alam naman natin kung ilan na ang na-ospital sa bangin na yon.”




“Let’s get this started!” sigaw nung isang player.



Tch hangin. Taob din naman mamaya.




“Wait! Patapusin muna kasi ako. Atat masyado? So bago tayo mag-umpisa may kailangan muna akong sabihin. Tulad padin ng dati ang rules and regulations BUT this time you won’t be driving your own car.”



And all of us we’re like, “OH C’MON IT SUCKS!!”




“That’s what Joker told me. Sumusunod lang ako noh.”



Joker ang bansag namin sa presidente o pinuno ng drag racing na to.




“At isa lang ang pwede lumaban kada team.”




“PUCHA AKALA KO BA KATULAD PADIN NG DATI? LOKOHAN ATA TO EH.” reklamo ni JC.




“Eh yun sabi niya eh. Ba’t ba sakin kayo nagagalit! Leche. He already chose the players for tonight.. ..” At binanggit na niya ang mga maglalaro para sa kada team at ng sa team na namin. “Black Cards - Daniel Clifford Ramirez. Goodluck to all.”



Ah sht.




“Pare game ka ba?” tanong ni Les kay King




“Always.” cool niyang sagot habang inaayos ang gear niya.




“Pero pare andyan si Evo. You know how dirty he can be.” Kats



Oo, team ni Evo ang isa sa mga mahihigpit naming kalaban. Kampante siya sa madumi niyang paglalaro dahil siya ang anak ni Joker. Fck that. Pero last time kasi buong barkada kaming magkakasama kaya nababantayan namin ang isa’t isa mula sa mga dirty tactics niya pero this time, mag-isa lang si Daniel.




“Dude sigurado ka ba? Pwede namang si Kats na lang, kaya niyang makipaglaro ng madumi dyan kay Evo.” JC




“Sigurado ako. Mas wais to mga tol.” sabi niya na tinuturo turo pa yung sentido cumon niya.



At kahit po siya ay nasa Black Mode, mahangin padin po siya.



Sinuot na niya ang helmet niya.




“Okay players, lumingon kayo sa likod.” utos ni JD



At pagkalingon naming lahat biglang bumukas ang ilaw at kitang kita namin ang isang kalokohan sa gabing ito..



OLD RACING CARS



Seriously?



The players have to choose from those old cars.

Bago pa lumapit si Daniel sa kotseng sasakyan niya, we held his shoulders. “Take care, King.” we said in chorus.



He just gave us a smile.



Ngiting hindi ko mabasa. Hindi ko alam kung ngiting tagumpay, ngiting naninigurado o ngiting “bahala na lang.”




KATH’S POV



Pagkauwi ko galing school grabe feeling ko gutom na gutom ako.



Kumain ako ng kumain.



Naabutan pa ako ni Bianca at Sofia na lumalamon ng popcorn habang nanunuod ng Harry Potter series.




“Gusto niyo?” alok ko sa kanila na puno pa ang bibig




“No, thanks. Baka kulang pa sayo yan.” sarcastic na sagot ni Bianca



Nang matapos na ko sa kanunuod ko dumiretso na ko sa kwarto ko.



Pero hindi pa ako inaantok. Hmm..



Naisipan kong gumawa muna ng gatas.



Pagkainom ko balik ako sa kwarto, nahiga ako at nagpa-ikot ikot sa kama.



Nang umikot sa kaliwa ay nahagip ng mata ko si Black Jack, remember him? My baby.. our baby. Oh whatever. My black teddy bear.



Lumapit ako para kunin siya at pagkahawak ko naman sa kanya ay bigla akong nakaramdam ng kaba..



Kabang di ko maipaliwanag.

-----------------------------------------------------

Yan lang po ang nakayanan. Mehehehe. Mukha atang bitin? Mmkaaaay. Hehehe. Wait for the next UD po! Wait lang din kayo kasi feel ko na malapit na dumating si Quen. Mas love niyo na sya kesa kay Clifford ahhh. -_- Hahaha. Dejk.

Comment and vote po hehe. THANK YOUUUU!! :*

Continue Reading

You'll Also Like

2M 133K 47
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
4.7M 315K 73
He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are comp...
1.1M 12.1K 11
Tomboy si Girl.. Bakla si Boy.. Isang gabi nakalimot silang dalawa.. Ang kwentong 'di mo inakala.. Hahaha! XD
1.6M 21.7K 9
Baduy- isang salitang ibabansag sa taong hindi marunong manamit at old fashion.At yun ang bansag kay Salvatore.Daig pa daw niya ang mga sinaunang bay...