The Policewoman

By TalithaKum

215K 6.2K 1K

Maraming beses nang nabigo sa pag-ibig si Rogin. Kaya't nang lokohin ng huling naging kasintahan ay pinagtang... More

Copyright © TalithaKum 2015
Prologue
Kabanata 01 - Ang Pagtatagpo
Kabanata 02 - Mga Hinaing
Kabanata 03 - Ang Pamilya Reyes
Kabanata 04 - Ang Nakaraan
Kabanata 05 - Munting Kasiyahan
Kabanata 06 - Ang Pamamaalam
Kabanata 07 - Ang Pagbabalik
Kabanata 08 - Si Claire
Kabanata 09 - Bagong Simula
Kabanata 10 - Aking Pamilya
Kabanata 12 - Sa Istasyon
Kabanata 13 - Isang Kaibigan
Kabanata 14 - Pamilya Del Rosario
Kabanata 15 - Sa Restawran
Kabanata 16 - Ang Sakripisyo
Kabanata 17 - Sa Ospital
Kabanata 18 - Ang Liham
Kabanata 19 - Ang Pagdadalamhati
Kabanata 20 - Ang Paghahanap
Kabanata 21 - Tito Ramon
Kabanata 22 - Ang Katotohanan
Kabanata 23 - Ang Kuwento
Kabanata 24 - Ang Pag-ibig
Kabanata 25 - Ang Pagtatapat
Kabanata 26 - Ang Desisyon
Kabanata 27 - Getting-to-know Each Other
Kabanata 28 - Si Winona at Ako
Kabanata 29 - Ang Pagbubunyag
Kabanata 30 - Ang Wakas
Epilogue

Kabanata 11 - Si Winona

5.7K 209 23
By TalithaKum

ISANG linggo na ang nakararaan nang huli kong makita si Winona. Kumusta na kaya siya? Nawala sa isip kong tawagan siya dahil naging abala ako sa trabaho. Ilang araw kasi akong nawala kaya't natambakan ako ng trabaho at kinailangan kong ihabol ang mga ito sa deadline. Pagkatapos naman ng trabaho, dumadaan ako kila mommy o di kaya'y kila daddy. Nagdadala ako ng pasalubong para sa mga kapatid ko at doon na ako naghahapunan. Pagkatapos ay uuwi na rin sa apartment.

Alas siyete na ng gabi at nasa opisina pa ako. Kinuha ko ang aking planner kung saan ko isiningit ang kapirasong papel na ibinigay ni Winona. Kinuha ko rin ang aking cellphone. Tinawagan ko ang numerong ibinigay ni Winona. Nag-ring iyon sa kabilang linya subalit sa tagal na walang sumasagot ay operator na ang nagsalita. Binaba ko ang tawag at muling sinubukan. Wala pa ring sumagot. Inulit-ulit ko pa rin ito hanggang sa magsawa ako at maramdaman ang pagkulo ng aking tiyan.

Naisip ko na baka kaya hindi niya sinasagot ang tawag ay dahil hindi niya alam ang aking numero. Kaya't bumuo ako ng mensahe upang magpakilala.

"Hi, Winona. This is Rogin. You're not answering my phone calls kaya naisipan kong baka kailangan ko munang magpakilala. Anyways, tumatawag ako dahil gusto sana kitang imbitahang magdinner. Just want to hang out tonight. Are you free? Send me your address so I could pick you up."

Pagka-send ko ng mensahe ay iniligpit ko na ang aking mga gamit. Habang nagliligpit, hindi ko maiwasan na maya't maya ay mapatingin sa cellphone ko, checking if she replied pero wala pa rin.

Tumayo ako at nagtungo muna sa pantry. Naghulog ako ng barya sa vending machine para sa isang mainit na tsokolate. Naupo muna ako roon habang nagbabasa ng diyaryo at iniinom ang mainit na tsokolate. Wala pang limang minuto akong nakaupo roon ay nag-vibrate ang cellphone ko na nasa aking bulsa.

Palagay ko'y nag-reply na siya kaya't agad kong dinukot ang cellphone sa bulsa. Laking-tuwa ko nang tumama ang aking hula. Dalawang mensahe ang natanggap ko mula sa kanya. Binuksan ko iyon at tahimik na binasa.

"Hi, Gin! It's been a while. Pasensiya na, hindi ko nasagot dahil tulog ako," unang mensahe niya at 'yung pangalawa ay ang address ng kanyang dorm sa Las Piñas.

Dali-dali akong tumayo at muling humigop ng mainit na tsokolate bago tuluyang umalis. Nagtungo ako sa parking area kung saan naroroon ang aking kotse. Nang makita ko ang sarili sa rear view mirror ay saka ko lamang na-realize na abot-tainga na pala ang ngiti ko.

Gumamit ako ng GPS upang matunton ang lugar ni Winona. Hindi pa kasi ako nakararating ng Las Piñas kaya't hindi ko alam ang pasikot-sikot doon. Nasa express way na ako patungong Alabang nang tumawag siya. Sinagot ko iyon gamit ang bluetooth headset na nakasuksok sa aking tainga. "Hello, Nona."

"Gin, sorry... sorry talaga. Nasa biyahe ka na ba? Kinailangan kasi ako sa trabaho e. Okay lang ba kung bukas na lang tayo magkita?"

"Trabaho? Anong klase ba 'yang trabaho mo? Bakit pinapupunta ka ng gabi?" istriktong tanong ko.

"You're sounding like a strict boyfriend," natatawang sabi niya. "Ganun talaga sa trabaho ko. On-call kami. Pasensiya na talaga."

"Ano ba'ng trabaho mo?" tanong ko. Bigla kong naisip na sa dalawang araw naming nagkasama at nagkausap ay hindi ko naitanong kung ano ang trabaho niya.

"Huwag mo nang itanong, baka mag-iba pa ang tingin mo sa akin," natatawang sagot niya.

"Huwag mong sabihing hindi marangal ang trabaho mo?"

"Hhmmm... sabihin na nating ganun na nga ang tingin ng marami sa mga tulad ko."

Napaisip ako. Anong trabaho ba ang kakailanganing pumasok ng gabi? Anong trabaho ba ang hindi marangal para sa isang babae? Maganda at sexy si Winona. Hindi kaya'y isa siyang--

"Oh sige na, Gin! Magbibihis pa ako e. Bukas na lang, ha?"

"Winona, sanda--"

Ibinaba na niya ang tawag. Hindi ako mapalagay. Hindi ko alam kung bakit patuloy pa rin akong nagmamaneho patungo sa lugar niya kahit pa kinansela na niya ang aming lakad.

Isang daang metro na lamang ang layo ko sa tinutuluyan niya ayon sa GPS. Tingin ko'y maaabutan ko pa siya roon. Wala na akong balak umatras dahil wala naman akong ibang gagawin sa apartment. Wala rin naman akong balak magpakita sa kanya. Sabihin na nating gumana lang ang pagkamausisa ko kaya't gusto kong alamin ang pinagkakaabalahan niya. Hindi naman siguro masama kung susundan ko siya, hindi ba?

Limampung metro pa ang layo ko nang makita ko siyang bumaba ng tricycle. Akala ko'y namamalikmata lamang ako. Subalit nang dumaan siya sa harap ng aking kotse at nailawan ng headlight ay nakumpirma kong siya nga iyon. Sinundan ko siya ng tingin. Nakagayak siya na parang pupunta ng party. May kausap siya sa cellphone. Itinabi ko ang kotse at bumaba.

Sinundan ko siya. Pumara siya ng jeep Pa-Zapote at sumakay sa harapan noon, katabi ng drayber. Bagamat nakabestida at may mataas na takong ay hindi ito nag-alangang sumakay roon. Hinabol ko ang jeep at sumakay sa loob noon. Naupo ako sa dulong bahagi, sa may pintuan. Mabuti na lamang ay abala siya sa kausap sa cellphone kaya't hindi ako napansin. Nagbayad ako ng eksakto upang hindi ko na kakailanganing sumigaw sa drayber. Bumaba siya sa harap ng isang bar. Pinalagpas ko munang kaunti ang jeep bago bumaba at dumistansya ako nang limang metro sa kanya.

Alas nuwebe na ng gabi subalit heto siya, nasa labas at naisipan pang mag-party o. . . 'di kaya'y ito na ang tinutukoy niyang trabaho? Hindi ito ang pagkakakilala ko sa kanya. Ni sa hinuha ko'y hindi ko naisipang kaya niyang gawin ito. Para sa akin ay isa siyang anghel, isang inosenteng babae. Nalulungkot ako para sa kanya at sa pamilya niya kung totoo man ang aking hinala.

Nakita kong lumapit siya sa grupo ng mga kalalakihan na noo'y nasa labas ng bar. Nakangiti ang mga ito sa kanya. Hindi ko nakita kung ngumiti siya sa mga ito dahil nakatalikod siya sa akin. Nag-usap silang sandali subalit malayo ako upang marinig ang usapan nila. Maya-maya'y isa-isa na silang pumasok sa loob ng bar. Naunang pumasok si Winona. Bawat isa'y may tatlong minutong interval sa pagpasok. Hindi ko alam kung sadya iyon o trip lang.

Nang makapasok na ang lahat ay lumapit na ako sa bar at pumasok. Noon lamang ako nakapasok ng bar. Madilim dito at kakailanganin pang titigan nang husto ang mga tao upang makilala. Nahirapan tuloy akong hanapin si Winona.

"Ilan po kayo, sir?" tanong ng isang babae.

"Ako lang. Ako lang mag-isa," sagot ko na halos isigaw ko na dahil sa dumadagundong na tugtog.

"This way, sir," sabi ng babae at inalalayan ako papunta sa isang maliit na mesa. Inabutan niya rin ako ng menu na puro pulutan at inumin lamang ang nakalista.

Maliit ang loob ng bar. May naglalakihang speakers, iba't ibang kulay ng ilaw, may entablado na wala namang nagpe-perform, mga lalaki't babae na malaswang sumasayaw sa gitna, mga babaeng hindi ko malaman kung waitress o prostitute dahil halos lumuwa na ang dibdib nila at halos makita na rin ang panloob nila sa kaunting pagyuko lamang dahil sa suot na kinapos sa tela, at mga lalaking nakaitim na may naglalakihang katawan na nakatayo sa bawat sulok ng bar.

Kahit na nananakit na ang mata ko sa makikislap na ilaw ay hindi ko tinigilan ang paglilibot ng tingin hangga't hindi nahahagip nito si Winona. At sa wakas, nakita ko siya sa isang sulok. Masayang kausap ang dalawang lalaki na mukhang sanggano. Halos magdikit na ang kanilang mga mukha dahil sa pagbubulungan. In-obserbahan ko ang kanilang mga kilos.

Maya-maya'y nakita ko silang tumayo at umakyat sa balcony, kung saan kakaunti lamang ang tao. Umakyat din akong kasunod nila. Napansin ko na ang mga taong naroon na ay ang grupo ng kalalakihang kausap niya kanina sa labas ng bar, subalit parang hindi na sila magkakakilala ngayon.

Nagtungo si Winona sa sulok ng balcony at doo'y nakatayo silang nag-usap ng dalawang lalaki. Nakita kong may kinuha si Winona sa kanyang bag, isang bungkos ng pera. Tingin ko'y tig-lilimang daan iyon. Nagitla ako. Ano'ng ibig sabihin nito? Bakit may ganoon kalaking pera siya?

Mas nagitla ako nang makitang may iniabot din ang isang lalaki kay Winona habang ang isang lalaki nama'y isinusuksok na sa bag ang perang inabot niya. Parang may ilegal na transaksiyong nagaganap dito.

"Kumpleto 'yan," nabasa kong sabi ng lalaki matapos i-check ni Winona ang laman ng paper bag.

Hindi ko na napigil ang sarili. Lumapit ako sa kanila upang ipaalam kay Winona na nakita kong lahat ng mga ginawa niya. Palapit pa lamang ako ay gulat na siyang napatingin sa akin.

"Nona, ano 'yan?" singhal ko.

Ngumiti siya at nakalolokong tinignan ako. Inilugay niya ang kanyang buhok. Ang dalawang lalaki nama'y napatingin din sa akin at biglang nanlaki ang mga mata nila nang mapatingin sa likuran ko. Marahan akong lumingon at nakita ang grupo ng kalalakihan na noo'y may mga hawak ng mga baril. Ang mga baril nila'y nakatutok lamang sa ibaba. Naglalakad silang palapit sa amin. Pagbaling kong muli ng tingin kay Winona ay may hawak na rin siyang baril. Nakatutok din iyon sa ibaba. Seryoso na ang kanyang mukha.

"Taas ang mga kamay! Pulis ako!" sigaw niya.

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 32.6K 47
Highest Rank Achieved #23 in Romance - 11/22/16 Warning: Don't Plagiarize my story. YOU KNOW PLAGIARISM IS CRIME King Damon Valiente a sexy beast a M...
26.8M 930K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
899K 13.7K 40
Being a single mother is twice the work, twice the stress and twice the tears but also twice the hugs, twice the love and twice the pride." - unknown
46.8M 1.4M 55
Blake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb...