Falling for Miss President

Por phantasiaaaaa

4.2K 211 313

❝Hindi naman porket naka-glasses ay matalino na!❞ - Alora Camren. Isa si Alora sa mga taong napagkakamalang... Más

Falling for Miss President
1.
2.
3.
4.
5.
6.
NOT AN UPDATE
7.
8.
9.
10.
11.
12.
13.
14.
15.
16.
17.
18.
19.
20.
21.
22.
23.
25.
26.
27.
28.

24.

58 6 40
Por phantasiaaaaa


Araw ng unang pasukan para sa second semester namin. At usual, morning classes till afternoon na naman. 6:00 AM pa lang at gising na ako para mag asikaso. Iyong schedule namin nalabas naman na a day after nung enrollment namin.

Aantok-antok pa akong pumasok sa CR at ginawa ang routine. Grabeng 7 AM first class kasi 'yan. Ang maganda lang this semester ay wala na kaming math. Yes! Pero may research pa rin.

Akala ko pa naman Practical Research 1 and 2 lang, may 3 pa pala, iniba lang ng pangalan which is III or Inquiries, Investigation and Immersion. Wala na rin kaming science bukod sa General Biology na for sure patayan na naman ng braincells.

Halos 1 week na rin ang nakalilipas simula noong enrollment namin at kung saan nalaman ko na lalayuan niya ako kapag nalaman niya na gusto ko siya. Hindi ko nga alam bakit kasi tinanong ko pa 'yon. But, nagkakausap pa rin naman kami, hindi naman natigil 'yon. Pero sa loob ng isang linggo na 'yon, ayon lang ang naiisip ko. Nakakatakot.

Hayaan ko na lang siguro. Mawawala rin naman 'tong nararamdaman ko... Siguro, lalo na kapag hindi na-reciprocate. Gano'n kasi ang observation ko sa mga taong nakakasalamuha ko. Like, if their crush can't reciprocate their feelings, eventually, mag fe-fade rin yung nararamdaman nila.

Nang matapos ako sa loob ng CR ay agad na rin naman akong lumabas para mag bihis. Habang nakatingin sa salamin at inaayos ang necktie ko, naalala ko na naman yung una naming pagkikita. Ang encounter pa ay dahil sa necktie namin ni Diya.

Time flies too fast pala talaga ano. Parang dati lang sobrang natatakot pa ako sa kaniya dahil ang intimidating niya, ang indenial ko pa noon dati, ngayon...

Pinilig ko na lang ang ulo ko para alisin yun sa isip. Nang matapos akong mag ayos ay kinuha ko na sa table ko yung eyeglasses ko at sinuot tapos ay kinuha na rin ang bag ko at bumaba.

"Hindi ka ba muna kakain?"

Nahinto ako sa dire-diretsong paglalakad ng marinig ang boses ni Manang. Nasa bungad ito ng dining namin.

"Hindi na po, baka ma-late po ako eh," agad kong sagot.

Eme lang, wala lang talaga akong gana kumain. Umalis na naman kasi agad sila Mommy. Ni hindi man lang naisipan muna na hintayin or sabayan ako kumain bago umalis. Atsaka, alam ko rin naman na hindi ako male-late kasi first day of class pa lang, tamad pa magturo ang mga teacher diyan.

"Ay hindi, teka lang! Gagawan kita ng sandwich mo para may makain ka sa sasakyan o hindi kaya'y sa klase mo," dali-dali naman itong bumalik sa kusina kaya hindi na ako naka-angal pa.

Lumakad na lang ako sa kung saan pumunta si Manang. Nakita ko itong pini-prepare na nga ang sandwich na ipapabaon niya sa 'kin. Agad naman akong napa-ngiti.

I'll feel so lonely here talaga if wala sila Manang or ang ibang kasamahan ko sa bahay. Though, I rarely talk to them due to they always do their job on household chores and I am also busy studying. 'Di bale, I'll make time for them na lang sa bakasyon.

"Oh ito anak, kainin mo ah. Huwag kang magpapalipas ng gutom," nakangiting inilahad sa 'kin ni Manang yung dalawang sandwich na hawak niya. "Ingat sa pagpasok," dagdag pa niya.

Nakanguso ko naman itong inabot. I'm so emotional talaga! "Thank you so much po, Manang! Love you!" Dinamba ko naman siya ng yakap at hinalikan sa pisngi.

"Hay nako bata ka! Baka mamaya ma-out of balance tayo," natatawa naman niyang saad.

Kinalas ko na ang pagkakayakap sa kaniya at ngumiti, "Thank you po, I really don't know what to do if you're not here." Nag pout ako ulit para iwasan ang maluha.

Ang aga aga nag da-drama na naman ako!

-----

Nang makapag-park ang sasakyan namin dito sa parking lot ng school ay agad na rin naman akong bumaba.

"Salamat po, Kuya!" Saad ko sa driver namin. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at tumakbo na papunta sa malapit na trash can.

Kinain ko kasi sa sasakyan kanina yung isang sandwich, at ang isa naman siguro sa lunch na lang. Dumiretso agad ako sa gymnasium ng school dahil sa orientation nga daw.

Hindi naman kasi puwedeng um-absent dito dahil this consider as first day of class. Ang gagawin lang naman dito ay mag sasalita about sa program, kung anong dapat rules, anong passing grade, when ang exam, and welcoming ang mga transferee.

Nang makarating, in-assist lang ako nung mga student council ng senior high. Nagtaka pa ako't wala sila Anjali.

Nang makita ang sign board kung nasaan ang section ko. STEM 12 Section 2. Agad akong pumila at sumilip pa kung nasa unahan na ang mga kaibigan ko.

"Nandoon sila," anang isang lalaki kong kaklase.

Tinanguan ko na lang ito at pumunta sa harapan. Nag uusap-usap sila doon, nandito rin naka-puwesto sila Brit and Syd.

"Hey, Alora! Here!" Kaway pa sa 'kin ni Brit.

Ngumiti ako sa kaniya at lumapit na sa puwesto nila. "Ang aga mo ah," pansin ko nang tumabi kay Diya.

"Nako, huwag mong pansinin. Baka mabati." Nakangising saad ni Chanelle.

"New semester, new me naman, duh!" Umirap pa ito sa 'min.

"Si Sofie wala pa." Ani Anjali.

"Ay oo nga, parang ngayon lang siya na-late kapag first day." Komento ko. Sofie's one of the early bird sa 'min. Bihira lang 'yon ma-late lalo na kapag ayaw niya sa subject. Kahit na madami siyang kaartehan sa katawan, mabilis pa rin siyang kumilos.

"Hayaan niyo siya, baka nag bebetime kaya late nagising."

"Bitter ka, 'teh?" Pang aasar ka.

"Anong bitter?!"

Humalakhak naman ako dahil sa itsura nito. "Chill, Diya Mae! Parang babanatan mo na ako ah," hinampas ko pa ito sa braso.

Ilang minuto pa kaming nagdaldalan lang nang bigla ng tumunog ang speaker, meaning to say mag i-start na ang orientation. Humarap naman na kaming lahat sa stage na ginawa nila.

Napa-taas ang kilay ko nang sunod-sunod umakyat ang mga Head. Nandoon si Vicente, iyong nag tutor sa 'kin. Inikot ko ang paningin ngunit wala ang taong hinahanap ko.

"Nasaan bebe mo?" Bulong sa 'kin ni Diya.

"Ang ingay mo!" Asik ko sa kaniya.

Tinignan naman niya ako ng parang nandidiri sa 'kin, "Bobo, binulong ko lang may makakarinig pa ba nun?" At tinarayan pa niya ako.

"Pero wala, sabi niya 11 AM pa start ng class nila." Sagot ko. Para namang may sinabi akong nakakagulat nang in unison silang lumingon sa 'kin.

"Bakit?" Inosente kong tanong. May mali or kagulat-gulat ba sa sinabi ko?

Nagkatinginan muna sila bago ulit tumingin sa 'kin. "Updated!" Sabay-sabay nilang saad.

Inirapan ko lang sila at tumingin na sa stage. Halos mapatalon pa ako nang bigla-biglang tumunog ang pambansang awit kaya agad kong nilagay ang kanang kamay sa kaliwang dibdib.

Sunod-sunod ang usual na ginagawa kapag flag ceremony. May panunumpa pa at ang hymn ng Skyline. Nang matapos, nag proceed na sila sa kung ano man ang paulit ulit na ino-orient sa first day.

"Until what time ba 'to?" Tanong ko.

"Depende, sana nga matapos na." Sagot ni Anjali.

Ito talaga ang pinaka-boring sa lahat. Parang kuliglig naman ang paligid dahil may kaniya-kaniya ng ginagawa, ang iba nga ay nakikipag-daldalan na lang sa katabi nila.

Mag iisang oras na rin kaming nandito at bored na bored na nakikinig. Gusto ko na ngang sawayin ang mga katabing section dahil sa ingay nila. Tinalo pa ang kuliglig sa puno.

"Tangina, ang ingay!" May kalakasan na sigaw ni Diya at sinamaan ng tingin ang kabilang section.

Tuwang tuwa naman ako dahil nanahimik sila. "Lakas mo talaga, lods!" Sinanggi ko pa ang balikat nito.

"Ako pa!"

Sabay naman kaming tumawa. Siga talaga siya kaya maraming ka-batch namin ang galit o 'di kaya ay takot sa kaniya.

"Iba talaga kapag anak ng kagawad, mabangis!" Pang asar pa ni Anjali na siya rin namang tinawanan namin.

Ilang minuto lang din naman ang lumipas at mas lalong lumakas ang bulungan, hindi na nga ata bulungan eh kundi chismisan na talaga na malala.

Panay lingon pa kami sa kabilang side namin dahil sa ingay. Itong mga ibang strand na 'to, akala mo nasa party lang kung mag ingay.

Naasiwa na ako sa ingay nila. Tahimik naman na ang strand namin dahil sa pag saway ni Diya, iyong ibang strand nga lang.

"Itong GAS at TVL talaga akala mo..." Hinila ko namam paupo si Diya nang tumayo ito.

"Ready to fight ka na naman." Natatawang saad ni Chan sa kaniya.

"Pinipikon nila ako eh, ang ingay nila!"

Hinimas ko na lang ang likod nito para maibsan ang inis niya. Ayaw na ayaw niyang maingay ang paligid pero siya maingay din naman, hay.

"Oh, may himala." Sabay naming saad ni Diya nang unti-unting tumahimik ang paligid. In chorus pa kaming lahat na lumingon sa likod.

"Ampota..." Naibulaslas na lang ni Diya.

Paano ba naman kasi, naglalakad na ang mga ito papalapit sa stage. Masama pa ang tingin niya sa mga studyante marahil sa ingay nga ng mga ito.

"Ang ganda ng bebe mo, gagi!" Dagdag pa niyang ani.

Ang mga Allegra kasi ng nag grand entrance kaya tumahimik ang paligid. All of the students were like us, looking at them admiringly.

Tatlo silang naglalakad at nauuna si Geovana, syempre sya ang President. Suot-suot na nila ang uniform nila. Sobrang seryoso at masama ang tingin nila sa paligid na lalong nagpaganda sa kaniya, ganiyan na ganiyan ang awra niya noong una kaming nagkita.

Dire-diretso lang ang lakad nilang tatlo. Halatang mga bad mood, lalo na ang bebe ko. Char! De, pero nakaka-admire kasi talaga siya.

She was walking straight with her fierce expression but it doesn't can change the fact like she was walking like a model in a runway show and we are her audience.

Nakadagdag pa sa aking ganda niya ngayon ay ang bahagyang nakakulot niyang dark brown hair na hinahangin pa habang naglalakad kaya mistulang nasa isang fashion show ito.

"Bebe mo, galit." Bulong na naman ni Diya. "Teka, yung puso mo, okay pa ba?" Dagdag niya.

Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. Wala namang pagbabago, bumibilis pa rin ang tibok ng puso ko kapag nakikita o nakakasama siya. Ang cringe pakinggan sobra pero ito ang nararamdaman ko.

Kung dati, pinagtatawanan ko ang mga kaibigan ko kapag sila ang nagsasabi ng ganito, pero ngayon, shet I know that feeling why they always say that their heartbeat fasts everytime they are with their crush or jowas.

Naka-akyat ang mga ito sa stage na gano'n pa rin ang expression. Naupo sila sa kanilang mga upuan at parang may pinagu-usapan kasama iyong iba pa nilang ka-head.

2 hours na rin ang nakakalipas bago natapos ang orientation. Grabeng sakit sa likod at leeg. Wala naman kaming nagawa kundi makinig at paminsan-minsang nagdadaldalan, pero hindi gano'n kaingay dahil nga nandito na si Geovana.

"Hoy, yung bebe mo tinitignan ka." Ani Diya sa 'kin.

"Oo na, kanina ka pa paulit-ulit!" Sa buong oras naming nandito, ayan lang ang bukambibig niya.

"Kanina pa nga 'yon naglilibot ng tingin, mukhang hinahanap ka. Tapos noong nakita ka, ayaw mo naman tignan?"

"Bakit ba? Kailangan ba lagi kaming magkatitigan?" Maang na sagot ko pero deep inside may nqagrarambulan na sa mga tiyan ko.

Kanina ko pa rin kasi pinipigilan na tumingin sa kaniya. Ito ang first time na nakita ko siya in person matapos noong event at noong pag uusap namin sa call.

Lalayuan niya ako. Parang tanga kasi ang utak ko, lagi itong sinisigaw.

"Utot mo, pero deep inside kilig na kilig?" Asar pa nito.

"Tigilan mo ako!"

"Luh? HAHAHAHA tigilan pero nakangiti na?" Kinurot ko na lamang siya sa tagiliran dahil ayaw pa niyang tumigil.

Nang makalabas na sa gym, sa classroom naman ang tungo ng mga estudyante. Nakakatamad pa. Ang aga pa lang tapos aral agad? Hays.

"Tara, canteen muna."

Sabay-sabay kaming napalingon kay Chanelle ng mag aya ito.

"Chan, nilalagnat ka ba?" Hinipo pa ni Diya ang leeg nito. "Hindi naman, anong nakain mo?"

"Wala, kaya nga nag aaya mag canteen 'di ba?" Masungit na saad nito at nauna na maglakad.

"Kung 'di ko lang 'yon kaibigan, sinabunutan ko na 'to sa kasungitan."

Sumunod na lang kami kay Chanelle na papunta na ngang canteen. Nilingon ko pa ang ibang students na dumi-diretso talaga sa room nila.

"Kinakabahan ka ba?" Natatawang pansin naman ni Diya sa 'kin. "Basta kasama 'tong hindi tayo mapapagalitan." Kampante nitong saad.

Well honestly, ayoko kasi talaga na lumalabag sa mga rules. If what's majority is doing, gano'n din dapat ako. Like kapag sila gumagawa na ng pinapagawa, dapat gawin ko na rin para iisa kami. Basta ayon, hirap i-explain.

"Ang tagal niyo!"

Reklamo agad ni Sofie ang bumungad sa 'min pag pasok ng canteen. Nakaupo ito sa may table sa gilid at mukhang wala rin sa mood.

"Wow, hindi ka sumipot sa orientation!" Segunda ko naman sa kaniya.

"Masakit yung tiyan ko, nag paalam naman ako 'no!"

"Buti nga..." Rinig kong bulong ni Diya Mae.

Pumunta na lang muna kami sa counter at bumili ng pagkain. Kahit kaka-kain ko lang kanina nung sandwich, nagutom pa rin ako.

"So, bakit masakit tiyan mo? What happened?" Tanong ni Anjali kay Sofie.

Mukha ngang hindi maganda ang pakiramdam nito dahil kahit puno ng makeup ang mukha, halata pa rin na may iniinda.

"Nagtatae ka?" Tanong ni Diya.

"Hindi. Sinisikmura ako," sagot nito.

"I have meds here, kumain ka muna before ka uminom ng gamot." Saad ni Chan at kinuha sa bag ang gamot at inabot kay Sofie.

"Thanks, babe!"

Nanahimik na lang kami dahil busy sa pagkain. Nang makakalahati, ayon na naman ang ingay.

"Kamusta kayo?" Tanong ni Sofie.

Tinignan ko ito at nakatingin din sa 'kin, I suppose ako ang kinakausap niya. "Okay, naman ako." Sagot ko.

"Ni Geo?" Dugtong nito.

Rinig ko naman ang pabagsak na lapag ni Chanelle ng iniinom niya. Si Anjali ay tahimik lang naman, si Diya ayon, kumakain pa rin.

"Huh? Okay naman din siguro siya?" Patanong kong sagot.

"Tanga, what she meant to say is, kamusta kayo, yung situationship niyo, kung meron nga ba." Sabat ni Diya.

"Ah, okay naman? I mean it's not situationship, we just talk sa chat gano'n."

"MU?"

"Hindi." Agad kong sagot. I don't know, ayoko naman sabihin na oo kasi hindi naman talaga.

"Aguy."

Naglalakad na kami sa corridor ng floor namin ng makagulat pa ako kasi muntik na kaming magkabanggaan ni Xirano.

"Oh, sorry!" Agad nitong saad.

"Okay lang," natatawa kong sagot.

Gumilid na lang ako para makadaan at nilampasan sila. "Tara na guys, baka nandoon na si Ma'am!" Tawag ko sa mga kaibigan ko.

Hindi ko na tinignan pa sila. Sumunod naman ang mga ito sa 'kin. Hindi ko pa naririnig ang pag alis ng mga Allegra.

"Bebe mo, bakit 'di mo pinansin?" Tanong ni Anjali.

"Huh?" Maang ko.

Kinagat ko ang laman ng pisngi ko para pigilan ang sarili ko mag sabi ng kung ano pa at mapigilan na lingunin siya.

"May nalaman 'to." Rinig kong komento ni Chanelle.

"Paano mo ba na-discover na gusto mo siya?" Tanong ni Diya.

Nilingon ko naman ito at pinanlakihan ng mata, kung anu-anong tinatanong eh.

"Bakit?" Inosenteng tanong nito.

"Manahimik ka! Ang ingay mo." Nilingon ko siya ulit at kita ko sa peripheral vision ko na nandoon pa ang bulto ng matatangkad na babaeng ito habang papalayo kami.

Ano pang ginagawa nila doon? Nag hihintay ng pasko? Malapit pa lang naman.

"Eh curious lang ako. Gusto mo naman siy—" agad kong tinakpan ang bibig niya sa sobrang ingay.

"'Di ba sabi ko manahimik ka?" Naiinis kong saad sa kaniya.

Agad akong pumasok sa classroom na hila-hila si Diya, nakasunod lang naman sila Sofie sa 'min. Mabuti na lang at wala pa ang teacher namin sa subject na ito. Hinila ko na lang si Diya papunta sa vacant seat sa dulo.

"May nalaman ka 'no?" Agad na tanong ni Anjali pagkaupo.

"Anong nalaman mo?" Sabay na tanong ni Diya at Sofie.

"Wala!" Agad kong sagot.

"Sus, parang dati abot langit na ngiti mo kapag nandiyan siya." Segunda ni Diya.

"True, ngayon eh parang bula lang siya?" Si Sofie naman.

"Wala nga. Nahihiya lang ako ulit." Sagot ko at inayos ang salamin kong nakasabit sa ilong ko. Mannerism na kumbaga.

"Ba't parang iniiwasan o nilalayuan mo?" Tanong ni Chan.

"Ang dami niyo namang tanong, isa-isa lang." Natatawang sabi ni Anjali.

"Dali, let's talk about it habang wala pang teacher." She added.

Umismid naman ako, "Wala nga, trust me." Pagkasabi ko nun ay sabay-sabay naman nilang hinawakan ang palad ko.

"Eme ka!"

"Nag sisinungaling!"

Napapikit ako sa sigaw nila. "Huy! Nakakahiya kayo!" Saway ko.

Well, they have their on ways to know whether I am lying or not. Sila lang talaga ang taong kilalang-kilala ako. Namamawis kasi ang kamay ko kapag kinakabahan ako sa kasinungalingan ko. Ewan ko ba, hindi naman ako pasmado pero kapag ganito, namamawis siya.

"Dali, spill." Sambit ni Sofie at tinignan pa ako na akala mo e she's eager to know the chismis.

"Wala nga, guys! Kukulit ng lahi niyo."

"Come on, Alora."

"Spill na so that we can help you."

Napanguso naman ako dahil sa sobrang mapilit sila. I don't want to tell them kasi nakakahiya.

"This is your first time having a crush, let us help you out."

Kinukwento ko na sa sobrang hinang boses ang nangyari noong time na tinanong ko si Geovana about sa paano kapag nagkagusto ang kaibigan niya sa kaniya at kung anong sagot nito.

"Oh..." Iyon ang naging reaction nila ng matapos akong mag kuwento.

"But, what if she likes you kaya niya sinabi 'yon?" Sofie said.

"Don't give her false hope." Ani Diya rito.

"Does she continue talking to you after that?" Anjali asked.

Tumango naman ako rito, "Oo, gano'n pa rin. Nag uusap pa rin naman kami." Sagot ko.

Kaya ko nga nalaman ang schedule nun eh. Kasi she asked for mine and then sinend niya yung kaniya kahit hindi ko naman hinihingi.

"After you knew her answer?" Tanong nito ulit na tinanguan ko naman.

"Marupok."

"May future maging masokista."

Reaction na namam nila. "Ano 'yon?" I asked.

"Wala," umirap pa sa 'kin si Diya.

"Why does you keep talking to her?" Nakataas na ang isang kilay ni Chanelle.

"Gusto niya eh." Sagot naman ni Diya.

"Still, if you do that you'll fall for her more."

"True!" Sang-ayon ni Anjali.

"Does she knows ba na gusto siya ni Alora?" Tanong ni Sofie.

"Duh, obviously." Sagot naman ni Chanelle.

"How'd you know?" Balik tanong ni Sofie rito.

Salitan naman ang tingin ko sa dalawa dahil sa palitan nila ng tanong. Parang nag de-debate pa ang mga ito.

"They way we know from that start that she's starting to like that girl." Sagot naman nito.

Grabe naman si bebs sa girl.

"And hello, tayo ngang hindi sinasabihan nito nalaman natin, paano pa siya?" Sabat ni Anjali sa usapan ng dalawa.

"Who wouldn't know that? Eh you'll saw in someone's action if may gusto siya sa 'yo." Saad naman ni Chanelle.

"Oo, maniwala kayo kay Chanelle, pro 'yan sa ganiyan." Natatawang saad ni Diya.

"Baliw, ikaw madaming kaharutan dito." Sagot naman ng isa.

"Tama na nga, guys!" Sayaw ko sa kanila. Roller coaster ride na naman ang usapan namin.

"So, anong balak mo niyan?" Tanong ni Sofie sa 'kin.

"Wala." Hindi ko naman kasi talaga alam at wala naman akong balak umamin or gumawa ng move.

-----

Lunch break at dito kami sa may playground ng elementary tumambay. Ewan ko ba sa mga kaibigan kong 'to at nagiging gala ngayon.

May mangilan-ngilang bata ang naglalaro kaya hindi namam crowded. Kanina nga ay nag slide at seesaw pa kami bago kumakn.

"Ano, kamusta na tiyan mo?" Tanong ko kay Sofie.

"Medyo masakit pa rin, babe," sagot nito sabay kagat sa burger niya.

"Sabihin mo kung natatae ka, iiwan ka namin dito." Nakangising saad ni Diya na siya namang sinamaan ng tingin ni Sofie.

"Grabe 'no, ang daming gagawin." Out of the blue na sabi ni Anjali. Nakatingin lang ito sa may palaruan.

"Napagod agad ako nung nakita mga pinapagawa." Saad ni Chanelle.

Kanina kasi second subject namin ang understanding culture, society, and politics na kung saan orientation pa lang sa subject pero bago matapos ang klase nag iwan ng gawain. Yung sa first subject sana namin kanina is Entrepreneurship, naglapag ng announcement sa Portal namin at ipapasa bukas ang assignment niya. Bongga 'di ba, hindi pa nami-meet ang teacher may gawain na agad.

"Batak magpagawa eh. For sure sa mamayang subject may ipapagawa rin." Saad ko. Isipin ko pa lang 'to ay nanghihina na agad ako.

Nang makitang nagtatakbuhan na paalis yung nga elementary na naglalaro ay tumayo na rin kami. Tapos na ang lunch break. Balik na naman sa kalbaryo sa room, eme!

Dalawang building ang layo nitong playground sa building ng SHS kaya binibilisan namin ang lakad. Wala na ngang naglalakad na junior high sa part na ito dahil building nila itong dinadaanan namin.

Binibilisan na namin ang lakad kasi nang makalagpas kami sa building ng junior high wala ng mga ka-batch namin ang tumatambay or naglalakad pa.

Lakad takbo na ang ginawa namin paakyat sa floor ng room namin. Napapala ng dumadayo sa malayong building.

"Gagi, baka ma-late tayo." Saad ni Diya.

"Wow, kailan ka ba naging conscious sa kung ma-late ka eh lagi ka ngang late?" Anas ni Sofie rito.

"Epal ka 'no? Malamang first day ngayon, nakakatakot pa rin."

"Oh, may takot ka pala?" Natatawa kong sabat.

"Nanay mo ngang kagawad kinakaya-kaya mo lang." Ani rin ni Chanelle.

"Baliw—" hindi na natapos ni Diya Mae ang kung ano pa niyang sasabihin ng may tumawag sa 'min.

"Guys!"

Nakangiting si Xirano ang tumawag kasama ang dalawa na papalapit sa 'min. Ayan na naman... Parang nag i-slow motion ang peg niya sa paningin ko. Nakatingin din siya sa 'kin at parang may kung anong sinasabi ang mata niya. Iniwas ko na lang ang tingin at binati si Xi.

"Hi, Xi!" Nakangiti kong bati rito.

"Why you guys are running?" Natatawa pa nitong tanong.

"Alora."

Imbis na sasagutin ko si Xirano at tinawag pa ako nitong isa. Grr! Magwawala na naman ang kalamnan ko.

"Hmm?" Nilingon ko ito at curious na tinignan. Nakatingin lang naman siya sa 'kin, gano'n din ako.

When she was about to open her mouth to say something, siya naman ang pag interrupt ni Chanelle.

"Geovana."

Kumabog ang dibdib ko sa sobrang seryosong boses nito. Parang tumayo pa balahibo ko kasi this is the first time that she call her with her name.

"Huy, Chan!" Tawag ko rito nang lumapit ito sa tatlo.

Parang tuod naman yung dalawa na nakatingin lang kay Chanelle. Sinisiko ko si Diya para pigilan ito pero deadma si madam.

"You have a minute?" Tanong nito na mas lalo kong ikinakaba.

"For?" Balik tanong nung isa.

Ang seryoso rin ng boses. Ano bang nangyayari! Tinignan ko sila Anjali at nakangisi naman ito, si Sofie naman ay seryoso lang. Si Xirano ay nakatingin lang kay Chanelle, si Arcane ayon as usual walang emosyon. Parang sa 'ming lahat ako lang ang nate-tense.

Knowing Chan, pareho 'yan sila ng ugali. What if magkainitan itong dalawa? Pinilig ko ang ulo sa kung anong inooverthink ko.

"I'll come. I also wanted to talk to you." Sabat ni Sofie.

Dumagdag pa 'to sa kaba ko. She never been this serious talking with us or with Allegra's, this is the first time.

"Sure." Sagot na lang ni Geovana. Tinignan pa ako nito bago tumalikod.

Sumunod si Chanelle at si Sofie sa kung saan sila papunta. Sinundan lang naman sila ng tingin nitong dalawa pati na rin ni Diya at Anjali.

"T-teka, a-ano bang pag uusapan nila?" Tanong ko.

"Let's go, y'all getting late." Hindi pinansin ni Arcane ang sinabi ko at nauna na maglakad.

"Wait, ano muna pag uusapan nila?" Pilit ko.

"Tara na, you guys are in a hurry right?" Iwas naman ni Xirano sa tanong ko.

Hinatid nga kami ng dalawa sa room, nandoon na ang teacher namin pero pinaalam kami ng dalawa na kinausap kami kaya ay na-late.

-----

Kanina pa ako nakauwi at hinihintay ko ang reply ni Geovana sa 'kin. Chinat ko ito at tinanong kung ano ang pinagusapan nilang tatlo.

Parang baliw kasi! Nang makabalik yung dalawa ay seryoso pa rin ang mukha ng mga ito. Kanina ko pa nga rin tinatanong kung anong pinagusapan nila pero hindi ako sinasagot. I can't believe that Chanelle and Sofie ignored me earlier.

Geo
Good evening. Have you eaten?

Anong klaseng reply naman 'to? I am asking kanina. Don't tell me pati siya iniiwasan akong sagutin?

Yup, I already eat. How about you?

Geo
I just finished eating.

Oki, that's good hehe

Geo
Glad you're talking to me right now.

Huh? Eh yung tanong ko T^T

Geo
It's nothing. Don't mind it.
Chanelle just asked me regarding the schedule about some papers.

Eh bakit kasama si Sofie?

Oh, Sofie asked about the partnership of her parents' business with my fam.

Weh? Nagdududa talaga ako. Halatang hindi ayon ang pinag-usapan! I need to know the truth.

What if sinabi nilang gusto ko siya? Joke! Hindi naman nila gagawin siguro 'yon. Masyado lang siguro sila nag o-overthink kasi first time ko magkagusto ng ganito.

Wala ba silang sinabi sa 'yo?

Geo
Wala.
Don't worry and don't think too much, pretty Alora.

Kinagat ko ang labi dahil doon. Parang tanga naman 'to, seryosong nag uusap tapos tatawagin akong pretty! Hays. Kuhang kuha talaga paano ako papakiligin, charot!

Geo
Are you free tomorrow? Your lunch break?
Can you come with me?

Nakatingin lang ako sa reply nito sa 'kin. Saan naman kaya? Atsaka, baka kasama ko ang mga kaibigan ko that time.

Sure! Kita na lang tayo sa may quadrangle

Reply ko sa kaniya. Haist! Bahala na, maiintindihan naman ng mga kaibigan ko 'yon.

-----

Hello! Hindi ko na napo-proofread ang mga chapter na sinusulat ko kasi publish na me agad. Super tagal na pala last update ko hehe October 3 pa. Sorry na, busy lang super! Dami pa naming readings and written works, kaiyak. Neways, thank you for reading! Papunta na tayo sa exciting part HAHAHAHA chariz! Keep safe guys!

Seguir leyendo

También te gustarán

32.3K 1.5K 20
(Epistolary ⌖ GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...
1.2M 53.4K 69
(COMPLETED) After enrolling on her new school, Rue thought that her life would be peaceful unlike with her old school. She loves figthing back then b...
174M 3.7M 76
Sa Kingdom High kung saan magkakaaway ang mga lalaki at babae, posible bang may mabuong relasyon at pagkakaibigan? (Completed. Published under Pop Fi...
93.8M 1.1M 88
Language: Filipino Started in July 2011 | Finished in December 2011 Published in English for paperback (Pop Fiction, 2013) Adapted in Indonesian for...