Ang Mutya ng Section E (Book...

By eatmore2behappy

60.6M 2.3M 3.3M

Ready to say goodbye? More

eatmore2behappy
Chapter 261
Chapter 262
Chapter 263
Chapter 264
Chapter 265
Chapter 266
Chapter 267
Chapter 268
Chapter 269
Chapter 270
Chapter 271
Chapter 272
Chapter 273
Chapter 274
Chapter 275
Chapter 276
Chapter 277
Chapter 278
Chapter 279
Chapter 280
Chapter 281
Chapter 282
Chapter 283
Chapter 284
Chapter 285
Chapter 286
Chapter 287
Chapter 288
Chapter 289
Chapter 290
Chapter 291
Chapter 292
Chapter 293
Chapter 294
Chapter 295
Chapter 296
Chapter 297
Chapter 298
Chapter 299
Chapter 300
Chapter 301
Chapter 302
Chapter 303
Chapter 304
Chapter 305
Chapter 306
Chapter 307
Chapter 308
Chapter 309
Chapter 310
Chapter 311
Chapter 312
Chapter 313
Chapter 314
Chapter 315
Chapter 316
Chapter 317
Chapter 318
Chapter 319
Chapter 320
Chapter 321
Chapter 322
Chapter 323
Chapter 324
Chapter 325
Chapter 326
Chapter 327
Chapter 328
Chapter 329
Chapter 330
Chapter 331
Chapter 332
Chapter 333
Chapter 334
Chapter 335
Chapter 336
Chapter 337
Chapter 338
Chapter 339
Chapter 340
Chapter 341
Chapter 342
Chapter 343
Chapter 344
Chapter 345
Chapter 346
Chapter 347
Chapter 348
Chapter 349
Chapter 350
Chapter 351
Chapter 352
Chapter 353
Chapter 354
Chapter 355
Chapter 356
Chapter 357
Chapter 358
Chapter 359
Chapter 360
Chapter 361
Chapter 362
Chapter 363
Chapter 364
Chapter 365
Chapter 366
Chapter 367
Chapter 368
Chapter 369
Chapter 370
Chapter 371
Chapter 372
Chapter 373
Chapter 374
Chapter 375
Chapter 376
Chapter 377
Chapter 378
Chapter 379
Chapter 380
Chapter 381
Chapter 382
Chapter 383
Chapter 385
Chapter 386

Chapter 384

155K 4K 1.1K
By eatmore2behappy

A/N:

Exam

Jay-Jay's POV

Bakit ako natatakot ng ganito? Si Yuri pa rin naman siya. Kaibigan ko pa rin naman siya.

"Sshh. . ." sabi niya at pinunasan ang pisngi ko gamit ang hinlalaki niya.

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Nakasandal pa rin ako sa pader at nakaharang naman ang mga braso niya sa magkabilang ulo ko. Nakakulong ako at hindi makatakbo.

"Sshh. . .  I won't hurt you."

"T-Tinatakot mo ko," sagot ko at bahagya siyang tumawa.

At talagang tinawanan pa ko.

"Hindi ka matatakot kung hindi mo ko pinag-iisipan ng masama."

Oo nga naman. Totoo ang sinabi niya, kung hindi ko siya pinag-iisipan ng masama hindi ako matatakot ng ganito. Kaso anong gagawin ko, eh hindi ko mapigilan. Ang dami kong hindi alam sa kanya, idagdag pang baka may balak siyang masama kay Keifer.

Paano kung nagalit siya sa 'kin dahil nakikialam ako sa balak niya? O baka naging sagabal ako sa plano niya? Kagaya sa mga telenobela sa TV, mate-tegi ang mga kumokontra sa plano ng kotrabida.

Tangina, alisin mo 'yan sa isip mo Jay!

"Kung hindi ganito ang kilos mo, hindi ako matatakot." Pagmamatapang ko.

Hindi ako papahuli ng buhay. Lalaban kahit gutom. 

Kinagat niya ang labi bago ngumiti at magsalita. "Lagi kang may sagot."

Ay, malamang!

Hinawakan niya ang baba ko at pilit iniharap ang muka ko sa kanya. Ilang beses akong umiwas kaya nauwi ang kamay niya sa paghawak sa panga ko. Agad umangat ang isang kamay ko para hawakan siya sa pulso.

"Calm down Jay, gusto lang kitang makausap ng maayos," sabi niya at nilapit ang muka sa 'kin. "Wala akong balak saktan ka. May tiwala ka naman sa 'kin di ba?"

May tiwala pa nga ba ko?

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Nang mapansin niyang maayos ang paghinga ko tsaka niya ko binitawan. Nakasandal pa rin ako sa pader habang pinapanood siyang kuhanin ang papel kung saan nakasulat ang pangalan ni Keifer.

Inunat niya ang papel at hinarap sa 'kin. "Bukod sa 'yo, sino pa ang nakakita nito?"

Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin ang totoo. Kung magsisinungaling naman ako baka lalong maging kumplikado ang sitwasyon, lalo na kapag nahuli niya ko. Pero hindi ko pwedeng ilaglag si Ma'am Cindy.

"W-Wala. Ako lang."

Tinitigan niya ko sa mga mata. Nakipagsabayan ako sa kanya para patunayan na hindi ako nagisisnungaling. Laking pasasalamat ko ng tanggapin niya ang sagot ko.

"Do you know what this is?"

Gusto kong sabihing hindi, kaso sinong niloko ko no'n. Hindi siya tanga. Alam kong may idea na siya na alam ko kung ano ang papel na 'yon. Idagdag pang tumakbo ako kanina ng ipakita niya sa 'kin ang papel. 

Alangan namang sabihin kong natakot lang ako sa picture ni Keifer. Huhu kata-cute.

Tahimik akong napaluha at napabuntong hininga siya. "Of course you do. Si Freya ba ang may sabi sa 'yo?"

Dahan-dahan akong umiling. Naguluhan ako kung bakit naisip niyang si Freya ang pwedeng may sabi sa 'kin. Dahil ba nagkakausap na kami o dahil sumasama na rin siya sa 'min? Alam kaya niyang naki-chismis ako sa kanila no'n sa Ospital?

"Tell the truth Jay, mapapahamak si Freya kapag nalaman nilang may pinagsabihan siyang iba tungkol dito."

Sinong nila? At bakit mapapahamak si Freya?

"W-Wala siyang sinabi sa 'kin. Hindi naman kami close ni Freya," paliwanag ko.

Totoo naman. Hindi pa kami frenny para magchikahan ng hindi nag-aaway-away. 

Para siyang nakahinga ng maluwag. Pero mukang hindi pa rin siya tapos magtanong sa 'kin.

"Kanino mo nalaman ang tungkol dito?"

Umiling ako. "H-Hinala ko lang, dahil 'yung mga kasamang pangalan niyan, pamilyar ang iba."

"At ang hinala mo?"

Ilang beses akong huminga ng malalim. "M-May balak kang masama kay Keifer, baka pababagsakin mo rin siya kagaya ng ibang pangalan kasama niyan."

Tinitigan niya ko. Hindi man lang niya tinanggi kung mali ba ang hinala ko. Mukang tama nga ako. Mukang tama nga si Ma'am Cindy. Nilapitan niya ko at hinawakan ang dalawang kamay ko.

"Listen to me, sa ngayon hindi pa ko pwedeng magsalita o magkwento sa 'yo. But I need you to trust me. Ako, si Freya at iba pang taong involve dito, kailangan naming makalaya sa mga taong nagpadala nito."

Naguluhan ako. Bakit kasama si Freya? At makalaya kanino? Lalo lang akong naguguluhan sa mga sinasabi niya. Sagot ang hinihingi ko pero panibagong tanong lang ang nadadagdag. Naiinis akong ganito ang ginagawa niya. 

Pahingi ng sagot, ano ba?

"Wala kang ibang pwedeng pagsabihan nito Jay."

Pilit kong inagaw ang mga kamay ko sa kanya. Kita kong nasaktan siya sa ginawa ko.

"Paano ako nakakasiguro na hindi mo sasaktan si Keifer?"

Ngayon pa talaga ako nagka-trust issue. 

Tinitigan niya ko. "I won't. I know I won't hurt him."

Ang hirap niyang pagkatiwalaan ngayon pero gagawin ko pa rin. Kasi kaibigan ko pa rin siya. Kasi siya pa rin naman ang Yuri'ng kilala ko. Kaya kahit labag sa loob ko, tumango ako.

"Wala akong ibang pagsasabihan, basta wala kang gagawin sa kanya na ikapapahamak niya," sabi ko at para kaming nagkaroon ng kasunduan.

Ngumiti siya sa 'kin. Sa pagkakataon na alam kong genuine na ang ngiti niya. Pwede akong magalit sa kanya at awayin siya dahil sa napatunayan ko pero ngayon ko na naisip na baka mabigat ang dinadala niya. Ayokong maging pabigat sa kanya. 

Pero oras na may mapansin akong hindi maganda, hindi ako magdadalawang isip na sabihin ang totoo kay Keifer. Kahit alam kong magkakasira na naman ang pagkakaibigan nila.

"Thank you for trusting me, when the right time comes, I will tell you everything," sabi niya at tinalikuran ako para lumabas ng kwarto.

Napaupo ako sa sahig. Ang daming naglalaro sa isip ko. Hindi ko mapigilang matakot para kay Keifer. Akala ko mababawasan na ang isipin ko kapag wala na si Ram, pero ito na naman may dagdag na namang isipin. 

Buti sana kung tumatalino ako kakaisip, kaso laging pagkain ang hinahanap ng utak ko. 

May ilang oras din akong nakaupo sa sahig. Narinig ko pa ang pagdating nina Kuya, pero hindi na ko lumabas ng kwarto. Hindi ko rin namalayan na nakatulog na ko sa pwesto ko.

Nagising ako dahil sa pagkirot ng likod ko. Sinubukan kong mag-inat pero narinig ko ang pagtunog ng buto ko.

Putangina nabalian pa.

Pagapang akong lumapit sa higaan ako para lang makahanap ng suporta sa pagtayo. Para akong matandang nirarayuma. Hawak ko pa ang balakang ko pagtayo. 

Hinanap ko ang cellphone ko para tignan ang oras. 5AM na ng umaga. Bigla ko naalala na ngayon nga pala ang alis nina Mama at Tita Gema. Sandali muna akong nag-ayos sa banyo bago lumabas ng kwarto.

Naabutan ko pa silang nasa sala at nag-uusap. Nakabalabal ulit si Mama at parang nilalamig pa nga. Palapit pa lang ako pero nakita na kagad niya ko.

"Ang aga mo magising," puna niya.

"Wala lang, alis na kayo?" tanong ko at tinuro pa ang ilang bag na dala nila.

"Oo, hinihintay lang namin ang Tito Julz mo."

Tumango-tango ako at napatingin kay Tita na abala magbilin sa mga kasambahay. Hinarap ko ulit si Mama. 

"Babalik ka naman dito 'di ba?" Hindi talaga mawala sa isip ko na baka do'n na siya damputin ng mga pulis.

Bahagya siyang natawa. "Oo naman. Dito na ko maghahanap ng trabaho."

Hindi ko alam pero kusang gumalaw ang katawan at braso ko para yakapin siya. Halatang nagulat siya sa ginawa ko pero nakisabay naman siya sa pagyakap din sa 'kin. 

Ang dami kong atraso sa kanya. Gusto ko pang makabawi at maayos na makahingi ng tawad sa kanya.

Bumalik ka dito, sinasabi ko sa 'yo, susunod ako sa kulungan. 

"Ano bang nangyayari sa 'yo?" tanong niya pero hindi ko sinagot.

Bumitaw ako at nagpaalam na sa kanya. "Babalik na ko sa pagtulog."

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Tita Gema. Nagpaalam na rin ako kay Tita. Hindi nagtagal dumating na si Tito Julz kasunod si Kuya Angelo. Sandali pa silang nag-usap bago tuluyang magpaalam sa 'min.

Sunod-sunod silang sumakay ng kotse. Nasa pinto si Kuya at pinapanood sila samantalang ako nakatayo pa rin kung saan nila ko iniwan. Natatakot ako para kay Mama.

Sana wala talagang humili sa kanya ro'n.

"Bakit ang aga mo?" tanong ni Kuya pagtalikod niya at makita ako.

"Sumakit likod ko. Sa sahig kasi ako nakatulog."

"Ano na naman ang kalokohan mo at napunta ka sa sahig?"

Kalokohan agad? Hindi pwedeng do'n lang nakatulog o kaya nalaglag sa kama?

"Wala, do'n lang talaga ako nakatulog. Saan na sina Ma'am and Sir?" Pag-iiba ko sa usapan.

"Sa huling guest room, si Yuri naman nasa kwarto ni Aries."

"Pumayag si Aries?" Hindi makapaniwala kong tanong. 

Alam ko namang medyo magkakasundo na sila pero syempre iba pa rin ang takbo ng isip ng horoscope na 'yon. Hindi pa rin siya kumportable makasama ng matagal ang mga dating kaibigan. Magandang progress kung pumayag nga ang kapatid ako.

Kaso hindi ko mapigilang mag-alala, hindi ko nga lang alam kung para kanino.

"As if he have a choice to say no," sagot ng pinsan ko at tinalikuran na ko.

Ay syemre wala, ikaw ang batas. 

Bumalik na ko sa kwarto ko para sana matulog ulit. Kaso nawala na ang antok ko kaya sinubukan kong magbasa ng notes. Inayos ko pa ang bangkong tumaob kagabi matapos kong subukang tumakbo palayo kay Yuri.

Kahit kaunting lecture sana meron pa ring pumasok sa isip ko. Baka mamaya bigla akong ma-blangko habang kaharap ang test paper. Buti sana kung may magmagic at magsagot ulit no'n para sa 'kin.

Ano kaya kung magkasakit ako ulit? Paano ba?

Hindi ko namalayan ang oras kaya nagulat ako ng merong tumawag sa 'kin para mag-almusal. Sunod naman ako agad dahil gutom na rin ako, buti naman at nakatagal ang tyan ko. Natigilan nga lang ako ng makita ko si Yuri na nag-aayos ng hapag.

Ngumiti ng matamis sa 'kin. "Good morning," bati niya.

Tumango lang ako at nilingon si Ma'am Cindy na may pagkain. Ngumiti siya sa 'kin at binati ako. Gano'n din ang ginawa ni Sir Alvin na kasunod niya.

"I hope you don't mind about us barging in,"

Umiling ako at handa na sanang sumagot pero ang kakadating na Kuya Angelo na ang gumawa. 

"You're not barging in. I invited you to be here."

"Baka mailang pa rin ang mga pinsan mo. Imagine their teachers in one roof with them," paliwanag si Sir Alvin.

May tama naman si Sir. Nakakailang nga na andito sila sa bahay.

Pero naiintindihan ko naman ang sitwasyon nila. Kailangan nilang pagtaguan ang mga inaanak nila. Kailangan nila ng maayos na titirhan kahit sandali bago makahanap ng maayos at permanente.

Nakakahiya nga lang kasi makikita nila kung paano kami kumilos sa bahay. Hindi na lang ako lagi lalabas ng kwarto. Ipasok ko ang ref sa kwarto ko.

"Good morning," bati ni Aries na bigla na lang sumulpot sa likod ko.

Aba, isa na siyang kabuti ngayon. 

"Kumpleto na tayo, shall we eat?" tanong ni Ma'am at nagkanya-kanya na kami ng pwesto.

Hindi ako kumportableng tumabi kay Yuri kaya nakipagpalit ako kay Aries. Sakrispisyo nga lang dahil naging katabi ko si Kuya Angelo. Mabuti na lang din at walang nakapansin ng ginawa ko. Tahimik akong kumain pero sila patuloy sa pag-uusap. Minsan akong sumasagot sa mga tinatanong nila pero hindi ako bumuboo ng usapan.

Natapos ang almusal at nauna akong bumalik sa kwarto ko para mag-ayos. Hindi ko pa rin kasi naaayos ang mga gamit ko sa bag. Nagsabog pa ang mga piraso ng notes ko. Naging mabilis naman ang kilos ko sa pagligo at pagbibihis.

Exam day na, nakakatakot. Kung kailan ako nagreview tsaka ako sobrang kinakabahan, hindi kagaya dati na stock knowledge lang ang meron ako tapos wala pang knowledge puro stock lang.

At least nairaos.

Matapos mag-ayos lumabas na ko ng kwarto. Timing naman dahil balak na pala akong puntahan ng kapatid ko. Natigilan siya ng makita ako. Nagulat siguro siya dahil naunahan ko siya. Amazing. Mamangha ka!

"May sakit ka no?" bungad niya sa 'kin.

"Bakit na naman? Dahil sa nauna ko sa 'yo?" inis na sagot ko.

Akala niya siguro makakahirit siya ng pang-asar sa 'kin.

"Hindi, ang putla kasi ng labi mo," sagot niya at tinalikuran na ko.

Napahawak ako agad sa labi ko. Tuyot nga pero hindi ko naman masabi kung maputla nga. Akala ko may hirit na naman 'tong horoscope na 'to. Sana hinulaan na lang mangyayari sa 'kin sa exam. Sumunod naman ako sa kanya ng walang sinasabi. Pakiramdam ko talaga inaasar lang niya ko. 

Hindi kaya namutla ang labi ko dahil sa kaba? Nag-aalala kasi ako sa exam namin, baka biglang mabura ang mga lessons na paulit-ulit kong pinag-aralan. 

Kumapit lang kayo sa utak ko, please lang.

Sa kotse kami ni Aries sumakay, nag-alangan nga lang ako ng isabay niya si Yuri. Hindi tuloy ako masyado nagsalita sa buong byahe papunta ng school. 

Si Sir at Ma'am Cindy, hiwalay pumasok ng school. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit gano'n set up nila pero hinayaan ko na lang. Magulo talaga ang matatanda.

Pinakamagulo si Kuya, kasi matanda na siya.

Kung naririnig lang siguro ng pinsan ko mga pinagsasasabi ko sa isip ko malamang mabatukan ako no'n. Natatawa na lang ako sa mga panlalait ko sa kanya. Hindi ko rin naman kayang sabihin lahat sa kanya ng harapan, kaya dito na lang sila sa maliit kong utak.

Nakarating kami ng school ng matiwasay, pagdating sa parking nakita ko agad ang Hari ng mga Ulupong. Agad ko siyang nilapitan para sana gulatin pero nakita na pala niya ko.

"Kainis, bubulagain sana kita."

Mahina siyang tumawa. "Ulitin mo na lang, I'll pretend that I didn't know."

"Eh? Asan ang surprise do'n?"

"Dagdagan mo ng word na surprise," sabi niya at napasibangot ako.

Ang aga-agad pero tinatarantado ako nito. Sinuntok ko siya sa braso.

"Bwisit—!" naputol ang sasabihin ko dahil sa biglaang pagsulpot ni Yuri sa harap namin.

Hindi ko namalayaang kusang humawak ang isang kamay ko sa braso ni Keifer. Napatingin siya do'n bago ibaling ang paningin sa 'kin at ngumiti at harapin ang Hari.

Bakit ba ko kinakabahan?

"How's Keigan?" tanong niya.

"Good, I think. Nagkulong na naman siya sa kwarto at nahirapan silang palabasin siya kaya nagkagulo," paliwanag niya.

Nagsimula silang maglakad kaya napasunod ako. Bumitaw ako kay Keifer dahil naiipit nila kong dalawa. Napunta ko sa likod niya at agad hinawakan ang dulo ng polo niya para hindi ako mapalayo sa kanila. 

Patuloy sila sa pagk-kwentuhan habang ako nakikinig lang. Paminsang titingin sa 'kin si Yuri pero umiiwas lang ako. Sinusubukan din niyang tanongin ako pero tipid na salita ang sagot ko sa kanya.

Naiilang ako sa kanya. 

Pakiramdam ko ang sama ko kasi ganito ang nararamdaman ko para sa kanya. 

Nakarating kami sa room at napansin ko agad ang katahimikan ng lahat. Tinignan ko ang mga Ulupong at karamihan nakatingin ng masama kay Drew, Rory at Edrix na nasa sulok ng kwarto. Binati ako ng iba pero karamihan walang gana. 

Sinubukan kong ngitian sina Drew pero pilit na ngiti lang ang sinagot nila  sa 'kin bago umiwas ng tingin. Gano'n din sina Rory at Edrix. Halatang mga umiiwas sila.

"Jay," tawag sa 'kin ni Keifer at bahagya akong hinila palapit sa table ko. "Please ignore them."

"Bakit ko gagawin 'yon?"

"For your safety," sagot niya.

Magrereklamo pa sana ako pero kita ko ang pagseryoso ni Keifer. Kung tutuusin siya nga dapat ang umiwas dahil siya naman ang sunod na target.

Napanguso ako at naupo na lang sa table ko. Gising si David ngayon, dahil siguro may exam kaya kailangan active ang isip niya. Si Ci-N naman naglalaro sa cellphone niya. Wala pa naman si Sir kaya kinuha ko muna ang notes ko para magbasa.

Seryosong seryoso sa pagbabasa, wala namang naiintindihan.

Ngayon ko napatunayan na totoo pa lang nagiging relihiyoso ang mga istudyante kapag malapit na ang exam, kasi napapadasal na lang ng milagrong makapasa. Nakakaiyak naman.

Hindi nagtagal ng dumating si Sir. Binati niya kaming at pasimpleng tinignan ang sulok ng kwarto kung nasan ang tatlo. Mukang may tinatagong hinanakit 'tong si Sir kay Drew. Pasulyap-sulyap lang siya. Pero kung ako kay Sir, mamemersonal ako ibabagsak ko 'yan.

Joke lang, nakakaawa rin kaya si Drew. Alanganin din kaya ang grades niya at baka hindi rin maka-graduate. Kaya sana makabawi-bawi rin siya ngayon para hindi na siya mahirapan pa. Alam ko na namang priority niya ngayon ang magbayad ng utang, pero malaki rin matutulong ng diploma niya sa kanya.

Tinago ko na ang mga gamit ko at tinira ang mga kailangan ko sa exam. Pagkaabot ng test paper, napa-Thank you, Lowd ako agad. Yes, hindi ako zero nito. May one point na ko.

Sinimulan namin ang exam, may pagkakataon na hindi ko maalala ang tanong pero proud akong sabihin na natatandaan ko karamihan. Si Ci-N ang unang nakatapos at nagpasa ng papel, sumunod si Yuri, ang Hari ng mga Ulupong at si David. Halos kalahati na ng mga kaklase ko ang nagpasa bago ako makatapos at makapagpasa ng sarili kong papel. 

Malapad ang ngiti kong inabot 'yon kay Sir. Natawa pa siya sa itsura ko.

"Ang bilis ah, tama ba lahat 'yan?" tanong niya at umiling ako habang nakangiti.

Nginitian lang niya ko ng nakakaloko bago tanggapin ang papel ng ibang Ulupong. Bumalik na ko sa upuan ko at proud na ngumiti kay David. Napangiti rin siya dahil sa reaction ko.

"Ganda ng mood," sabi niya. 

"Syempre, marami akong naalala sa mga ni-review ko."

"Really? Napansin mo rin ba ang mga pampalitong sagot?" tanong niya na nagpawala ng ngiti ko.

Anong pampalitong sagot? Ano 'yon?

Umiling ako. "Ha? Meron ba no'n?"

"Oo, 'yung sagot na akala mo 'yun na pero mali pala," seryosong sagot niya.

Nanginig ako bigla. Hindi ko napansin 'yon. Ibig sabihin ba no'n iba ang tamang sagot pero hindi ko nakita o napuna man lang.

"Wala namang gano'n," singit ni Ci-N sa usapan namin at unti-unti sumilay ang nakakalokong ngiti ni David.

Ay, bwisit! Nananakot lang pala.

"I'm just kidding," sabi niya sa 'kin at agad ko siyang inabot para hampasin.

"Bwisit! Akala ko nauwi sa wala pagr-review ko!"

Mahina siyang tumawa. Ilang beses ko pa siyang hinampas at tumigil lang ng kuhanin ni Sir ang atensyon namin. Inayos niya ang mga papel sa harap at hinintay kaming tumahimik.

"Na-explain ko na 'to dati pero uulitin ko ulit. This will be your final exam pero meron pa tayong post-final exam," panimula ni Sir at lahat naman kami nakatutok. "Pwede kayong bumawi do'n kung meron kayong bagsak at pwede ring gamitin ang score do'n as your entrance exam score para sa mapipili niyong university or college."

Tumango-tango naman ako pero sa totoo lang wala akong naiintindihan. 

"Sadly, not all university is accepting the post-final exam score as an entrance exam score. Unfortunately we are not accredited to those university. Kaya naman kung papasok kayo sa school na 'yon at pasado naman lahat ng exams niyo, hindi niyo na kailangang kumuha ng post-final exam."

Biglang naghiyawan ang mga Ulupong kaya napalingon ako sa kanila. Meron pang nag-appear at si Mayo naman tinangka pang yakapin si Kit pero tinulak lang siya sa muka palayo kaya muntik na siyang matumba. 

"Aray naman," reklamo pa niya.

"Ang kulit mo kasi," sagot naman ni Kit.

Napailing na alng ako. Inagaw ulit ni Sir ang atensyon namin.

"Anyway, scores will be posted on Monday kaya enjoy the long weekend," sabi niya at napapalakpak naman ako.

Waley pasok bukas, Friday ang saya-saya.

Pag-alis ni Sir nagtayuan na rin kami. Akala ko ready na umuwi ang iba pero nagulat ako ng magkumpulan ang karamihan sa likod kung nasana ng tatlo.

"Ano na? Iba rin tigas ng muka niyong tatlo!" sabi ni Denzel.

Sinubukan siyang awatin ni Eman. Hindi ko naman siya masisisi sa galit niya dahil muntik na ring pag-isipan ng masama ang asawa niya habang naghahanapan ng traydor.

"Kailangan din namin mag-exam," sagot ni Rory at tinulak siya ni Eren.

Agad na gumanti si Rory sa kanya kaya nagsimula na ng gulo pero mabilis na pumagitna si Yuri at David. Hinatak nila palayo ang mga sangkot.

"Tangina naman!" sigaw ni Eren kay David.

"Kumalma nga kayo!" sagot nito sa kanya.

"Paano kami kakalma, para kaming kriminal kung tratuhin dito! Hindi niyo man lang iconsider mga dahilan namin!" galit na sabi ni Rory.

"Tanginang dahilan 'yan!" sagot ni Blaster sa kanya. "Kayo ba naisip niyo rin kami, na pwede niyo rin kaming lapitan? Wala kasi kayong tiwala sa 'min kaya nagkanya-kanya kayo ng kilos."

Gusto ko rin sanang magsalita para awatin sila pero pinigilan ako ni Keifer. Pilit niya kong pinalayo at dinala sa labas ng classroom namin.

"Sandali, hindi man lang ba natin sila aawatin?" pigil ko sa Hari ng mga Ulupong.

"David and Yuri is there, hayaan na lang muna natin sila." Hinawakan niya ko sa kamay at hinatak paalis.

Hindi na ko sumagot kahit inis na inis ako. Kung safety pa rin ang dahilan niya tingin ko naman wala na kaming problema do'n. Wala na si Ram, wala na kong alam na pwedeng manakit or magtangka sa 'kin liban sa Halimaw na Tatay niya.

Wala na. Badtrip na ko.

Buong akala ko didiretso kami sa parking pero ganon na lang ang pagtataka ko ng dalhin niya ko sa harap ng room ng Section A.

"Sorry, hindi kita mahahatid. I need to do something urgently," sabi niya at hinalikan ako sa noo. "I will talk to you later." 

"S-Sige, mag-ingat ka."

Bago tuluyang umalis, nakahalik muna siya ng dalawang beses sa labi ko at malapad na ngumiti. 

"That's for the two profanity yesterday."

Inirapan ko siya na kinatawa niya. Iniwan na niya kong nakatayo lang sa pwesto ko. Kumaway pa siya bago kumindat. Wala akong choice ngayon kundi hintayin ang kapatid kong matapos para makasabay ako sa kanya pauwi.

May ilang minuto pa siguro akong paikot-ikot ng mapansin ko ang mga Ulupong na nagtatakbuhan paalis. Para silang nagmamadali at merong pupuntahan. 

Panghuli ko nakita si Rory, Edrix at Drew. Nag-uusap-usap pa sila habang mabagal na naglalakad.

"Diretso uwi na ko, aasikasuhin ko muna kapatid at Nanay ko," sabi ni Drew sa mga kasama.

Napanguso ako. Meron lang kasing ideya na pumasok sa isip ko. 

Wag sana ako makagalitan sa naiisip kong gawin.

Continue Reading

You'll Also Like

39.8M 1M 49
She's pregnant and... a virgin.
24.2M 708K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
21.5M 699K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...