What Are The Chances? (Profes...

By sinner_from_south

16.4K 904 421

Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind an... More

Characters
Quadro
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chaper 17
Chapter 18

Chapter 6

598 37 23
By sinner_from_south

Vaine Fleur

"Kinakabahan ako." hindi mapakali kong sabi habang naghihintay sa dressing room kasama sina Sunny at Snow.

"Ano ka ba, mag-relax ka nga. Hindi pa nag-uumpisa yung program parang hihimatayin ka na jan." pagpapakalma naman ni Sunny sa akin.

"First time ko 'to! Paano kung madapa ako mamaya sa stage o di kaya makalimutan ko yung sasabihin ko?" kinakabahan at sunod-sunod kong sambit.

"Hey, relax. Just sit down, okay?" sabi naman ni Snow sa akin sabay hawak sa kamay ko saka ako pinaupo.

"Alis muna ako, nag-text si Storm nandyan na daw yung gown na gagamitin mo mamaya. Kukunin ko lang." paalam naman ni Sunny tsaka lumabas na.

"Hey, look at me." pagkuha naman ni Snow sa atensyon ko saka ako hinawakan sa pisngi. "You can do it, alright? We're here to support you. Manalo ka man o matalo, proud pa rin kami sayo. Show them what you've got, love." seryosong sabi ni Snow saka tinapik tapik ang pisngi ko ng marahan na nakapag pangiti sa akin.

Love na talaga ang tawag sa akin ni Snow simula noon. Yun na din kasi ang lambing niya sa akin hanggang sa nakasanayan ko na rin na tinatawag niya akong ganun. Minsan lang yan maging sweet no kaya hindi na ako umangal.

"Thank you, Snow. You're the best." sabi ko naman sakanya saka ko siya niyakap.

"Alvarez." napahiwalay kami ni Snow sa isa't isa nang marinig namin ang boses na iyon.

"M-ma'am." nauutal na sambit ko saka agad na tumayo.

Teka, bakit ba ako kinakabahan? Para tuloy akong nahuli ng jowa na may kalandiang iba.

"Get ready, the show will start in 20 minutes." sabi naman nito saka muling binalingan ng tingin si Snow na walang reaksyon na nakatingin din kay Professor Xanther habang nakaupo pa rin. Ibinalik nito ang tingin sa akin saka ako inirapan at tumalikod na para lumabas.

Problema nun?

"Snow una na ako ha. Mags-start na." paalam ko kay Snow na tinanguan naman niya.

"Good luck, love. Just enjoy, okay?" bilin nito saka ako pinat sa ulo na parang bata at lumabas na.

Huminga muna ako ng malalim at nagdasala bago tuluyang lumabas at pumunta ng backstage.

"Girls, just remember everything that I've taught, okay? Do your best and just enjoy. Good luck everyone!" sambit ni coach Vienna.

"Yes, ma'am!" sabay sabay naman na sagot naming lahat.

"Relax, Vaine. You can do this." pagpapalakas ko sa loob ko habang nakatayo sa gilid at naghihintay na ng cue sa paglabas namin.

"Nervous?" napa-igtad ako sa gulat nang biglang may bumulong na sobrang lapit at ramdam na ramdam ko ang mainit na hininga nito na tumatama sa tenga ko.

Agad akong napalingon at nakita ko si Professor Xanther na seryosong nakatingin lang sa akin.

"Ma'am. Pwedeng mag back-out?" naka-ngiwing tanong ko na ikinasama ng tingin niya.

"Stupid, ngayon mo pa talaga naisip na umatras. Just relax and breath all of that shit out." sagot niya sa akin.

Wow, grabeng encouragement. Nakakawala ng kaba 👍🏻

"Take a deep breath. Trust in yourself and your abilities. Remember, it's okay to feel nervous, it's a sign that you care. Just take one step at a time, and you'll do great. Keep your head up, Alvarez. Good luck." muling sabi nito bago kami tawagin para mag-ready na sa paglabas namin.

Isa isa nang tinawag ang mga candidates at sakto namang panghuli ako kaya mas lalong lumala ang kaba na nararamdaman.

"And last but definitely not the least! Let us all welcome the College of Medicine!"

Huminga muna ako ng malalim bago inilabas ang ngiti kong kahit sinong makakakita ay siguradong mahuhulog.

Pagkalabas ko ay marami na kaagad ang tilian at sigawan na naririnig ko at nangingibabaw na don ang boses nina Rain at Storm na.

"GO, VAINE! IPANALO MO NA!" rinig kong sigaw pa ni Rain nang rumampa na ako papunta sa dulo ng stage.

"VAINE! MALAKI ANG PUSTA KO SAYO KAYA IPANALO MO MAAWA KA!" sigaw naman ni Storm.

Mga walanghiya, pinagkakitaan pa talaga ako.

"WHOO! GO VAINE! ANG GANDA MO!"

"CRUSH NA ATA KITA, VAINE!"

"LULUHUDAN! MAMAHALIN! SASAMBAHIN!"

"UWIAN NA, MAY NANALO NA!"

Habang rumarampa ako ay sari't saring sigaw at hiyawan ang naririnig ko.

"A pleasant evening to one and all. I am Vaine Fleur Alvarez representing the College of Medicine!" pagpapakilala ko dahilan para mas lalo pang lumakas ang hiyawan ng lahat lalo na nung kumindat ako bago tuluyang tumalikod.

Napapikit ako at nakahinga ng maluwag nang makabalik na ako sa backstage para mag-ayos ulit para sa gaganaping Q&A and long gown competition. Nauna na nung nakaraang araw ang talent portion pero ngayon din aawardan kung sino ang nanalo doon.

"Kaya mo naman pala." salubong ni Professor Xanther sa akin pagkaupo ko habang nire-retouch ang make up ko.

"Wala naman po akong choice. Ayoko namang mapahiya dun." sagot ko naman sakanya.

"Ikaw na ang panalo, audience impact palang pak na pak na." sabi naman ng baklang make-up artist ko.

Masyado pang maaga para sabihin yan.

"Okay lang naman sa akin kahit hindi ako manalo dito, ang importante matapos na 'to. Pagod na ako eh." reklamo ko naman na ikinatawa ng make-up artist ko.

"Are you really nervous? It wasn't obvious on your face earlier." tanong ni Professor Xanther habang nakatingin sa salamin kung saan ako nakaharap.

"Haynako, ma'am. Kung alam mo lang kung gaano ako nanginginig kanina." sagot ko naman saka tumingin sakanya. "I'm just really good at hiding my true feelings." dugtong ko pa saka pumasok na ng dressing room para isuot ang gown ko.

Ni hindi mo nga alam na crush kita eh.

Napagtanto ko lang nitong mga nakaraang araw na parang may iba kapag nakikita ko si Professor Xanther. Lagi akong ganado kapag nandyan siya at sa tuwing kinakausap niya ako. Pero crush lang naman 'to eh. Sana.

"Ayan tapos na! You look stunning, darling." namamanghang sabi ng stylist nang matapos akong bihisan ng gown para sa last part ng pageant.

"Thank you." naka-ngiting pagpapasalamat ko habang tinitingnan ang sarili ko sa salamin.

Ako ba talaga 'to? I'm wearing a fully crystallized nude column gown with delicate gold beadwork and oversized ruffled tulle.

Nang makalabas ako ng dressing room ay ramdam ko ang tinginan ng mga tao dito sa backstage pati na rin ang mga candidates na kasama ko.

"Damn, you look exquisite." sambit ni Reina habang papalapit sa akin saka ako hinawakan sa bewang.

Siya ang representative ng Architecture Department.

"You too. Pero pakialis ng kamay mo sa bewang ko at baka masiko kita." sagot ko naman sakanya saka siya pabirong inirapan na ikinatawa niya.

She tried to hit on me a couple years ago pero hindi siya nagtagumpay. Reina is gay at kilala din siya dito sa University. Sa dami ba naman ng babae niya eh but we're good friends.

"What are you two doing? Stop chatting, you guys are next." masungit na sita ni Professor Xanther sa amin kaya agad kaming naglakad sa pwesto kung saan yung ibang mga candidates.

"Ang sungit ni Professor Xanther no? I like her though. She's hot especially when she's like that. I wonder how she is in bed." nakangising sabi ni Reina habang ngumingiti na parang manyak.

Nainis naman ako sa sinabi niya kaya siniko ko siya na ikina-daing niya.

"Ouch! What's that for?" reklamo niya habang hawak hawak ang tagiliran na siniko ko.

"That's what you get for being a bitch. Stop fantasizing about her, especially that she's a respectable professor." inis na sabi ko sakanya.

"I'm just kidding, geez." sagot niya saka itinaas ang dalawang kamay na parang sumusuko. "O baka naman you're just jealous? You like me no?" pang-aasar niya pa na ikinasama ko ng tingin sakanya.

"Over my dead body, Arguelles." pairap na sagot ko naman sakanya.

"Reina, get ready. You're next." anunsyo ng staff.

"Laters, Alvarez." paalam niya sa akin saka nag flying kiss habang papalayo sa akin.

Ew.

"What a flirt." napatingin ako sa gilid ko kung saan nakatayo si Professor Xanther habang nakahalukipkip na nakatingin sa akin.

"Ako po ba?" nagtatakang tanong ko saka itinuro ang sarili na ikina-irap niya.

"Vaine, ikaw na." pagkuha ng atensyon ng staff sa akin. Agad naman akong lumapit at nag-ready na sa paglabas ko.

"Make sure that you'll win, Alvarez. It will be such a disgrace if you'll lose especially that I'm your trainer." rinig kong sambit ni Professor Xanther bago ako umakyat sa stage.

Hindi na ako nag-abalang lumingon o sumagot sakanya dahil tinawag na ang pangalan ko. Facing the possibility of defeat is indeed scary. The expectations are raised by the pressure to achieve and stay out of shame.

Dahan dahan akong umakyat sa stage at seryosong nakatingin sa lahat ng tao hindi katulad kanina na panay ngiti ang ginawa ko.

Every step I make is resonating with purpose, as intense eyes pierce through the audience, conveying a serious and captivating energy. With an unwavering expression, I maintain a stoic and serious demeanor, adding a layer of mystery and intensity to my stage presence.

I can feel the looks people give me as if they are admiring at my appearance.

"Introducing the esteemed Ms. Vaine Fleur Alvarez from the College of Medicine!" the crowd erupts in applause as I end my walk.

"And now, let us proceed to the last and final round. The question and answer portion. This will determine who will go home with the crown and the title of Miss Hemsworth 2023." anunsyo ng host kaya mas lalo akong kinabahan. Pati ba naman dito may recitation.

Lalo akong kinabahan nang marinig ko ang sagot ng mga kapwa ko contestants dahil ang gagaling nila.

"And for our last candidate from the College of Medicine. Please step forward." tawag ng host sa akin kaya dahan-dahan akong pumunta sa gitna at nag-umpisa nanaman ang malakas na sigawan ng mga manonood.

"It seems like our last candidate is popular. I can see that even from other courses, they are also cheering." sambit ng host.

"So Ms. Vaine from the College of Medicine. How are you tonight?" tanong ng host sa akin.

"I'm good. I don't feel any pressure right now." confident kong sagot kahit ang totoo ay nanginginig na ang tuhod ko sa kaba pero hindi ko iyon pinahalata.

"That's good to hear. It sounds like you're feeling relaxed and at ease." tumatangong sabi naman ng host. "So are you ready for your question?" tanong pa nito na ikinangiti ko saka tumango.

"What inspired you to pursue a career in medicine, and how do you hope to make a difference in the field?" tanong ng host sa akin na ikinatahimik din ng lahat at hinihintay ang sagot ko.

"The altruistic desire to make a positive impact on people's lives fueled my passion for medicine. The human connection, the ability to alleviate suffering, and the prospect of contributing to a healthier society have been profound motivators. I aspire to make a difference by approaching each patient with empathy, advocating for accessible healthcare, and actively participating in initiatives that address community health needs. Ultimately, my goal is to be a compassionate healer, dedicated to improving the well-being of individuals and fostering a more inclusive and caring healthcare environment and I, thank you." mahabang sagot ko.

Nakarinig ako ng palakpakan na unti-unting lumalakas.

"WHOO! PANALO NA YAN!"

"ANG GALING MO VAINE!"

"MAGANDA NA MATALINO PA!"

"WALA AKONG NAINTINDIHAN KASI ENGLISH PERO ANG GALING MO VAINE!"

Napa-face palm ako sa huling narinig ko dahil siguradong si Rain iyon.

"Ladies and gentlemen, the moment we've all been waiting for. After witnessing incredible displays of talent, it's a pleasure to announce the winner of the talent portion." panimula ng host. "And the winner is none other than Ms. Vaine Alvarez from the College of Medicine!" announce nito na ikinagulat ko at medyo matagal pa nai-process ng utak ko.

Hindi ko ine-expect na maipapanalo ko yun dahil kumanta lang naman ako at nag-gitara.

"Congratulations, Alvarez." sabi ni Reina habang pumapalakpak.

Pumunta na ako sa gitna para tanggapin ang award at magpapicture na rin.

Nagpatuloy pa ang awarding at nagugulat pa rin talaga ako dahil halos lahat ng award ay nakuha ko.

🏅 Best in Talent
🏅Ms. Photogenic
🏅 Darling of the crowd
🏅 Best in Evening Gown

"Ladies and gentlemen, the moment we've all been waiting for has arrived. But before we announce the winner of this pageant, let's take a moment to appreciate the extraordinary talent and grace displayed by all our contestants tonight. Each one has brought something special to the stage. Now, without further ado, the coveted title of Miss Hemsworth goes to.....VAINE FLEUR ALVAREZ from the College of Medicine!"

Nanlalaki ang mata at gulat na gulat akong napatingin kay Reina para kumpirmahin kung tama ba ang narinig ko. Nakangiti ako nitong niyakap saka marahan na itinulak papunta sa gitna ng stage.

"MISS HEMSWORTH! MISS HEMSWORTH!"

"WE'RE SO PROUD OF YOU VAINE!"

"PANALO AKO SA PUSTA! THANK YOU VAINE!"

Habang binibigay ang mga awards ko ay inilibot ko ang aking paningin para hanapin ang taong naniwala at naging gabay ko para makuha ko ang lahat ng ito.

Nakita ko si Professor Xanther sa gilid hindi kalayuan sa stage na nakatayo at nakatingin sa akin habang nakahalukipkip. At nababasa ko sa mga mata niya ang katulad ng palagi niyang sinasabi sa akin.

"Pwede na?" walang boses na tanong ko saka itinaas ang hawak kong trophy at mayabang na itinuturo din ang mga sash na nakakabit sa akin at mukhang naintindihan din naman niya ang sinabi ko dahil kumibit balikat lang ito sa akin bilang pagtugon na ikinangiti ko.

Continue Reading

You'll Also Like

40.9K 1.4K 99
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
363K 15.6K 85
Better to read, for you to understand.
14M 78.2K 9
Book Cover Credit- @badbitty10 Book one to the Romano's Crime Organization Series. (18+) In which a rookie detective, Diamond Lee, ends up in the wr...
53.5M 380K 66
Stay connected to all things Wattpad by adding this story to your library. We will be posting announcements, updates, and much more!