Girl in Red (PUBLISHED)✓

By kwin_vivi

279K 5.6K 211

Two billionaires fell in love with the girl that they saw in London. They don't know her name, and the only t... More

DISCLAIMER
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER
AUTHOR'S NOTE
FAQs
ABOUT THE BOOK

CHAPTER 39

3.9K 89 3
By kwin_vivi

ZYNARD'S POV


NANDITO kami ngayon sa penthouse namin nagbibilliard kasama ang iba pa naming mga kaibigan. Nagulat naman kami ng pabalyang bumukas ang glass door at niluwa doon ang humahangos na si Edmund. Sa likuran niya naman ay sila Kiro at Vince


"Anong nangyayari sa inyo? at para pa kayong hinahabol ng aso" natatawang sabi ng kakambal ko


"Baka may tinatakbohan kayong babae ah" Buyo naman ni Clinton.


Naghiyawan naman ang mga kasamahan namin at inasar ang tatlo. Tinaas naman ni Vince ang gitnang daliri niya


"Hindi ito ang tamang oras para mag joke. Seryosong sabi ni Edmund habang naghahabol pa rin sa hininga niya.


"Spill" utos ko

"Kinidnap si Ate Akira"


Nagulantang naman ako sa sinabi ni Kiro kaya napatayo ako sa kinauupoan ko.


Sobrang lakas ng tibok ng puso aking puso ngayon


"Kailan pa?!" Natatarantang tanong ko kay Kiro


"Ngayon lang, may nakakita kasi sa kanya na pinasok siya sa isang puting van." Sagot naman ni Vince


Napakuyom ang mga kamao ko


May isang taong pumasok sa isipan ko at sa oras na mapatunayan kong siya nga ang may pakana, hindi talaga ako magdadalawang isip na patayin siya!



ZENARD'S POV


Nablangko ang aking isipan dahil sa sinabi ni Kiro na kinidnap si Akira. Napatingin kami ng makarinig kaming may nabasag at nakita namin si Kuya na binasag ang bote ng iniinom niya.


Nagtagis ang bagang ko at binalingan si Clint na inosente lang na dumidila sa lollipop niya habang nakatingin sa amin.


"Clint, track Akira's location. Now!"


Napagitla naman siya sa kinatatayuan niya ng sumigaw ako.


"Grabi ka naman Zenard, muntik ko pa tuloy ma-


"NOW CLINTON!" Malakas na sigaw ni Kuya sa kanya


Namutla naman si Clint at hindi makatingin ng deretso sa amin.


Happy-go-lucky lang 'yan, pero takot naman sa amin dalawa ni Kuya. Lima lang kaming magbabarkada. Ako, Kuya, Clint, RJ, at si Entoy. At kompleto kaming lahat ngayon. Kakauwi lang kasi ni RJ galing London at dito na sila sa Pilipinas titira ng asawa niya.


"H-Hindi ko dal-


Hindi na namin siya pinatapos at kaagad ng hinila kong nasaan ang mga computers namin.


Tahimik lang kami habang nag-aabang sa sasabihin ni Clint. Pabalik balik ako ng lakad dahil hindi ako mapakali. Si Kuya naman ay kalmado lang, pero alam kong sa loob-loob niyan ay hindi na rin siya mapakali. Kita ko din ang pagtatagis ng bagang niya habang madilim ang awra.



Kong sino man ang kumidnap sa babaeng mahal namin ay sisiguradohin naming mabubulok siya sa kulu—ay hindi, sa empyerno!


"D*mn, I can't track her location! Naka off ang phone niya." Bakas sa boses ni Clint ang frustrations


Napahilamos naman ako sa mukha dahil sa narinig. Napatayo naman si Kuya at kinwelyohan si Clint kaya inawat namin siya


"Do something, idi*t!" Sigaw ni Kuya


"Enough Zynard! hindi makakatulong 'yang init ng ulo mo sa paghahanap kay Akira!" Galit na sita ni Edmund


Nagtagisan naman sila ng tingin.


"Huwag niyong sabihin na magsasabong kayo ngayon?" Sabat naman ni Vince habang nakapameywang.


"Please calm down, dickheads. Walang patutungohan 'yang init ng ulo niyo. Paano natin mahahanap si Akira kong ganyan kayo?" Naka taas kilay na sabi ni RJ at nag cross arm pa.

"I will do my best to track her." Mahinahong sabi ni Clint na mabilis pang tumitipa sa keyboard


Sa aming mag barkada, si Clinton ang magaling sa mga ganyan na namana niya sa Daddy niya na isang sikat na tracker sa isang organization. Iniwas ko ang aking paningin sa computer dahil sumasakit ang ulo ko sa mga maliliit na codes.


"May isang tao akong pinaghihinalaan ngayon" biglang usal ni Kuya kaya napatingin kami sa kanya


"Sino?" Sabay naming tanong sa kanya


Bumuntong hininga siya at nagtagis ulit ang bagang


"Callista"


Bigla naman napantig ang tenga ko sa sagot niya. Napatagis ang bagang ko ng maalala ko ang baliw na babaeng 'yon. Ba't 'di ko naisip 'yon kanina na posibleng siya ang nagpadakip kay Akira?


"Ba't niyo pa kasi pinatulan ang babaeng 'yon? May sayad 'yon sa utak e!" Sabi ni RJ habang umiiling pa


Umasim ang mukha ko dahil sa sinabi niya.


"Hindi namin siya pinatulan dahil gusto namin siya. Kundi para protektahan ang babaeng mahal namin." Seryosong sagot ko sa kanya



Kaya kahit ayaw namin sa kanya ni Kuya ay wala kaming nagawa kundi ang patulan ang lintek na babaeng 'yon. At ginawa namin ito para sa babaeng mahal namin para lang 'di siya saktan nito.



"Oh e anong nangyari ngayon? anong nangyari sa protektang sinasabi niyo?" Pang uuyam na sabi ni Vince sa amin


Hindi nalang kami nagsalita pa ni Kuya dahil alam namin kong ano ang pinupunto niya.



Makalipas ang ilang minuto ay hindi pa rin namin ma track si Akira na siyang ikinabahala namin lalo. Tumawag na kami sa mga kakilala naming pulis, army at kong ano-ano pa para mahanap lang namin siya!



ZYNARD'S POV


NAPASUNTOK ako sa pader dahil sa galit, lungkot at disappointment! I'm so disappointed in myself because I failed to protect her. Akala ko kapag pinakisamahan namin ang baliw na babaeng 'yon ay hindi niya gagawan ng masama ang babaeng mahal namin ni Zenard. Pero hindi, masyado siyang tuso!



Hindi pa naman namin na confirm na siya nga ang nagpadakip kay Akira, pero malakas talaga ang kutob ko na siya ang mastermind. 'Yon pa, e baliw 'yon eh!




Naaawa ako kila Tita dahil sa nangyari. Hindi ko mapigilang sisihin ang mga sarili namin ni Zenard. Kong hindi dahil sa amin ay hindi siya na kidnap. Nang dahil sa amin ay nagulo ang tahimik niyang buhay.



"I'm sorry, Tita and Tito," paghingi namin ng paumanhin sa mga magulang ni Akira.



Nandito kami ngayon sa bahay nila nag tipon-tipon para magtulongan sa paghahanap kay Akira. Nandito rin ang mga magulang ko na busy sa pag-aalo kay Ate na kanina pang umiiyak.


Naiintindihan namin siya lalo na't bestfriend niya si Akira

"Ba't naman kayo nagsosorry?" Paos na tanong ni Tita sa amin.


"Nang dahil sa amin ay nawala si Akira. Ang dating tahimik niyang buhay ay nagulo nang dahil sa amin. Patawad po." Nakayukong sabi ng aking kapatid


Bumuntong hininga naman si Tita at ngumiti sa amin.


"Wala kayong kasalanan twins, kaya 'wag niyong sisihin ang mga sarili ninyo." Masuyong sabi niya sa amin at hinawakan pa ang mga kamay namin.


"Ipagdarasal nalang natin na sana ay makita na natin siya." Kalmadong sabi naman ni Tito


Napangiti naman kaming dalawa ni Zenard dahil sa kabaitan nilang dalawa.
Halos wala kaming tigil sa paghahanap kay Akira. Umaga, tanghali, gabi. Kahit maabotan pa kami ng madaling araw sa paghahanap sa kanya ay okay lang, ang importante ay makita na namin siya. At dahil sa sobrang pagod at stress ay inatake si Tito kaya pina- pagpahinga muna na namin siya pati si Tita.


Pinaghahanap na din namin si Callista na hanggang ngayon ay hindi namin alam kong saan nagtatago. Trinatrack na din siya ni Clint, pero masyadong magaling ang baliw na babaeng 'yon. Napag alaman din namin na namatay ang Daddy ni Callista at alam niyo kong sino ang pumatay? siyempre, ang baliw na Callista! may witness sa pangyayari at 'yon ay ang isang kasambahay nila na pinalagyan namin ng proteksyon baka balikan siya ni Callista lalo na't nakita siya nito. Papatayin din sana siya ni Callista, at buti nalang ay nakatakbo siya ng mabilis.



"Anak"


Napalingon naman ako ng marinig ko ang boses ni Mommy. Nasa terrace ako ng bahay namin habang umiinom ng mag isa.


Nakatulog na kasi si Zenard sa kakaiyak niya kanina dahil sa pag-aalala. Maski ako ay gusto ko ring umiyak pero pinipigilan ko lang. Ayokong sabayan ang lungkot ni Zenard dahil ako nalang ang pinagkukunan niya ng lakas. Alam niyo naman ang isang 'yon.


"Mom, why are you still awake?" Kunot noong tanong ko sa kanya

Ngumiti naman siya sa akin.


"Hindi pa kasi ako inaantok anak. Ikaw, ba't gising ka pa? gabing-gabi na Zy." Tumingin siya sa hawak kong beer at bumuntong hininga. "You're drinking again."


Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya. Ayaw na ayaw niya kasing umiinom kami ni Zenard.

"Nagpapa-antok lang ako, Mom" Sagot ko


"Hindi masama ang magpahinga paminsan-minsan, anak. It's been what? One or two months n'ong nawala si Akira? wala na kayong ginawa magkapatid kundi ang mag puyat. Mag pahinga naman kayo Zynard. Sobrang nangangayat na kayo at walang ayos na tulog. Kapag nakita ni Akira ang mga itsura niyo, I'm sure, she won't like it. Ang papangit niyo na e" Mahabang sabi niya


Napanguso naman ako sa sinabi ni Mommy. She really like this. 'Yong seryoso ang usapan tapos biglang hihirit.


"Mom, gwapo pa rin naman kami ah," nakangusong sabi ko at nilambing siya


"Lumayo ka sa akin, Zynard Gabin. I don't like your smell, amoy alak!" Supladang sabi ni Mommy na ikinatawa ko lang.


Ang cute talaga ni Mommy kapag naiinis


"Nak, magpahinga kayo, kahit saglit lang please. Alalahanin niyo naman ang mga kalusogan ninyo." nagsusumamong sabi ni Mommy sa akin

Napahinga ako ng malalim at tumango sa kanya.



"Hindi ko naman kayo pipigilan ng kapatid mo sa paghahanap kay Akira dahil maski ako, ay nag alala din ako sa batang 'yon at palagi ko din siyang pinagdarasal na sana ay nasa mabuti siyang kalagayan kong nasaan man siya ngayon."

Hindi ko naman mapigilan mapangiti.



"Anong nginingiti mo diyan?" Taas kilay na tanong niya sa akin



Nagsusungit na naman po ang maganda naming Mommy


"You really like Akira for us, huh?" Nakangising tanong ko


Pinandilatan niya naman ako ng mata.


"I like that girl for you and Zenard. She's simple and kind." Nakangiting sabi niya habang nakatanaw sa malayo. Bumaling naman siya sa akin at hinawakan ang mukha ko. "Kaya 'wag niyo siyang sasaktan. Dahil hindi na kayo makakahanap pa ng katulad niya."




Ngumiti ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya na nakahawak pa rin sa mukha ko.


"Mom, we love her at hindi namin siya sasaktan." Masuyong sabi ko sa kanya


Inismiran niya naman ako.


"Pero nasaktan niyo pa rin siya dahil ginawa niyo siyang kabit at pinakasalan niyo pa ang baliw na Callista! hindi ko alam na wala pala kayong taste!" Mahinang singhal niya sa akin.


Napakamot naman ako sa ulo ko


"Mom, fake marriage lang 'yon" pangangatwiran ko sa kanya



"Kahit na!" Busangot na sabi niya

Niyakap ko nalang siya at hinagkan sa noo.


"We will explain to her everything, Mom, kapag nakita na namin siya." Masuyong sabi ko

"Siguradohin niyo lang!" asik niya


Hindi kami titigil sa paghahanap sayo baby hangga't hindi ka namin nakikita.


NAGISING naman ako dahil sa ingay ng cellphone ko kaya inis ko itong dinampot at sinagot ng hindi man lang tinitignan ang caller id.


Ang aga-aga nambubulabog!

"What?!" Asik ko


"Don't raise your voice at me, Zynard Gabin!"


Bigla naman nawala ang antok ko ng marinig ko ang galit na boses ni Ate sa kabilang linya.


"I'm sorry, Ate."


Nakakatakot talaga 'tong si Ate. Parang second version ni Mommy. Maamo nga ang mukha pero para namang dragon kong magalit


Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya. Nasa Sta. Rosa kasi siya ngayon dahil binisita niya ang malaki naming factory do'n. Ang sabi niya isang araw lang siya do'n pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya umuuwi


"I found her."


Kumabog naman ng mabilis ang puso ko.


"S-Si Akira?" Utal kong tanong sa kanya


Sobrang namamawis ang mga kamay ko idagdag mo pa ang malakas na kabog ng puso ko na kulang nalang ay lalabas na ito sa rib cage ko.

"Yes, and she's here in the hospital." Sagot ni Ate

"What happened to her?!" Nagpapanic kong tanong 


D*mn, parang gusto ko ng liparin ngayon ora mismo ang Sta. Rosa!


Nagising naman si Zenard habang naka kunot noong nakatingin sa akin


"Mamaya na ako mag explain sa inyo. Kaya pumunta na kayo dito at dalhin niyo na rin sila Tita and Tito."


Magsasalita pa sana ako ng mabilis niya akong binabaan ng tawag kaya napamura ako


"What is happening, Kuya?" Gulong-gulo na tanong ni Zenard sa akin


Bumaling naman ako sa kanya.


"Nakita na ni Ate si Akira"


Nanlaki naman ang mga mata niya.



"W-What the...sh*t! Maliligo na muna ako!" Aligagang sabi niya at mabilis na pumasok sa bathroom para maligo.


Hindi ko mapigilang mapangiti dahil makikita na namin siya mamaya.


Wait for us, baby, dahil pupunta na kami diyan...



A/N: Ang cute. Takot talaga sila sa Ate Eleanor nila haha.

Continue Reading

You'll Also Like

2.2K 217 37
Being the unfavored daughter and lady of the Moon's clan, Athanasia Harriette have seen what will happen to her in the near future. She is destined t...
1K 209 20
Makakaya mo kayang lumaban? What if it means fighting over what you were feeling? Keylle was a girl wishing for a complete family and a peaceful life...
10.9M 252K 60
𝐅𝐫𝐨𝐦 𝐄𝐧𝐞𝐦𝐢𝐞𝐬 𝐭𝐨 𝐋𝐨𝐯𝐞𝐫𝐬 Enzo Mariano is known for being nothing but ruthless. He is feared by all in the Italian mafia. He kills on...
266K 10.5K 53
They were a striking pair. Both powerful, intelligent, and incredibly beautiful people- their presence filled the room and left no space for others t...