Four Hearts [π™Άπš‡π™Ά] [𝙿𝙾𝙻�...

By xvii_xxiv

71.2K 3.1K 410

A story about a girl who will cross paths with four gorgeous girls that will falls in love with her. More

Prologue
Introduction of Main Characters
Synopsis
Chapter 1: Again
Chapter 2: Marriage Certificate
Chapter 3: First Disaster
Chapter 4: Four Deity
Chapter 5: New Target
Chapter 7: Bago yun
Chapter 8: Knowing you
Chapter 9: Fiance
Chapter 10: Date
Chapter 11: The Post
Chapter 12: Ideal Girl
Chapter 13: Campus Princess
Chapter 14: Campus Sweetheart
Chapter 15: Ice Queen
Chapter 16: The bet

Chapter 6: Stress

2.5K 137 6
By xvii_xxiv

5 years ago

Tala Amara's POV

"Girl, we've been looking for you" bungad sakin ni Willa kalabas ng restroom.

Hindi pa ako nakakapag salita nung bigla niya akong hinala agad, narinig ko pang tinawag ako ni Rhya pero hindi na ako nakalingon kase itong si Willa kung makahila parang hinahabol eh.

"Willa teka lang" pigil ko sakaniya nung makita ko yung dalawa sa cafeteria.

Hindi ako nag dalawang isip na lapitan sila at walang ano ano'y kinuha ko yung juice ni Manyak at tinapon kay Yelo. Napatayo siya at masama pa yung tingin saken.

"That's for earlier!" Sigaw ko.

"How da—" bago pa matapos ni Manyak ang sasabihin niya isang malakas na sampal ang sinalubong ko sakaniya katayo niya sa harap ko.

"Isa ka pa!" Galit kong sabi sakaniya. Napahawak siya sa pisngi niya dahil sa lakas ng sampal ko.

Galit itong napatingin saken at susugod sana pero hinarangan siya ni Yelo kaya napatingin ako sakaniya.

"Who do you think you are?" Malamig niyang tanong.

"Ako? Ako lang naman yung babaeng hindi kayo uurungan. Kung sa tingin niyo natatakot niyo ang iba sa pambubully niyo pwes ibahin niyo ako!" Sigaw ko sa mukha niya.

"You don't have to shout, stupid" hindi ko alam kung hanggang saan ko ba mapipigilan sarili ko na wag sapakin to.

Scholarship ko ang nakasalalay dito kaya dapat mag dahan dahan parin ako sa actions ko.

"Ano bang pakealam mo?!" Inis kong sigaw.

Hahampasin na sana niya ako ng biglang may kamay na humarang sa kamay niya.

"Don't you dare Kalli" napatingin ako sa babaeng nasa harap ko.

Si Noelle. Di ko alam kung kinikilig ba ako ngayon o abnormal lang talaga mga bulati ko sa tiyan.

"Are you really on her side? Look what she just did!" May gigil sa tono ng pananalita niya pero yung boses niya ang lamig parin talaga.

"She won't do such a thing if hindi niyo sinimulan" seryosong sabi ni Noelle sakaniya.

Nag titigan sila ng ilang segundo bago napunta yung tingin saken ni Yelo.

"You'll pay" malamig niyang sabi at kinuha yung bag sabay alis.

"Di pa tayo tapos" sabi ni Manyak at sumunod kay Yelo.

Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa hindi ko na sila matanaw.

"Hindi mo na dapat ginawa yun" napatingin ako kay Noelle.

"Yung kanina? Sabi ko naman sayo diba, hindi ako papayag na tapak tapakan lang ako dito" sabi ko.

"That's not what I meant.." Nag taka ako sa sinabi niya.

Humarap siya saken "Pwedeng bawiin yung scholarship mo"  expected ko na yun pero bahala na.

"Ate, I think our parents are here sa school eh" napakunot noo ni Noelle sa sinabi ni Rhya.

"Says who?"

"Nag chat kase si Maeve, ngayon ngayon lang" napasulyap pa saken si Rhya pati si Noelle.

"Tala, we need to go. Again we're so sorry about earlier but please habaan mo pasensya mo, you might lose your scholarship pero if ever I will talk to dad and tita na wag bawiin yung scholarship mo" medyo nagulat pa ako sa sinabi ni Noelle.

Napapansin ko lang, kahit naiistress na siya sa mga kaibigan niya nagagawa niya paring ngumiti.

"Take care Amara" ginulo ng konti yung buhok ko at ngumiti pa. Ang ganda ng ngiti niya.

"Bye Tala!" Paalam ni Rhya at kumaway kaway pa bago sumunod kay Noelle.

Hindi na ako nakapag salita kase umalis na sila agad. Sinundan ko nalang sila ng tingin.

"The show is over, bumalik na kayo sa pag kain niyo" sigaw ni Willa.

Ngayon ko lang napansin na pinapanuod na pala kami, mukhang may kumuha pa ng video. Wag lang sanang makarating sa Dean yun.

"Girl, lakas ng loob ah" sabi ni Willa.

"Bilib na ako sayo" sabi ni Paige. Pasulpot sulpot tong si Paige.

"Ikaw palang yung nag lakas loob na gawin yun" napataas isang kilay ko sa sinabi ni Willa.

"Yung mga transferee kase na binubully nila or kahit hindi transferee. Kahit isa sa mga yun hindi sila nilabanan kase natatakot and wala silang choice kundi ang lumipat ng school" infairness ah yun ang pinakamahabang sinabi ni Paige mula nung nakilala ko siya.

"Bakit ka naman kase matatakot sakanila?" Di makapaniwalang tanong ko.

"Kase parents nila ang may ari sa school na to?" Ha?

Parents nila?

Paano?

"Sakanila to?" Takang tanong ko.

Nag katinginan pa sila bago natawa ng mahina si Willa at napailing. Tinignan niya ako.

"It's nice knowing you girl" napairap ako sa sinabi niya kaya humagalpak ng tawa si gaga.

Pero paanong sila yung may ari dito? Kaya naman pala natatakot sila sakanila kase sila nag mamay-ari sa school na to eh. I mean hindi naman sila kase yung pamilya nila.

"Miss Tala Amara Madrid, please proceed to the Dean's office"

Napamura ako sa narinig ko. Tangina talaga!

"Ohemjiii! Mamimiss kita" mangiyak ngiyak na sabi ni Willa.

"Kaibigan ba talaga kita?" Di makapaniwalang tanong ko.

Bigla siyang lumapit saken at kumapit sa braso ko.

"Susundan nalang kita kahit saang school kapa pumunta" napairap ako sa sinabi niya.

"Ewan ko sayo" sabi ko sakaniya. "Nasan si Paige?" Tanong ko.

Kanina parang kabute ngayon naman parang bula— "I'm here"

"Tang—ano ba!" Napahawak ako sa may dibdib ko.

Nagulat ako jusko. "Kanina kapa dyan?" Tanong ko at tumango naman siya habang kumakain ng chitchirya na hindi ko alam na kanina pa pala siya hawak.

"Masanay kana dyan. Hindi ko din ramdam prisensya niyan minsan eh" sabi ni Willa.

Sa loob ng isang buwan na nakasama ko sila hindi parin ako masanay sanay kay Paige na pasulpot sulpot nalang bigla eh.

Sinamahan na nila ako papunta sa Dean's office. Kinakabahan pati laman ko.

Pagdating namin sa Dean's office, para akong nanigas sa kinatatayuan ko nung kumatok si Willa sa tapos may kung sinong nag bukas ng pinto.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nung makita ko yung apat sa loob at yung mga nakakaintimidate na taong kasama sila.

May kasamang babae si Yelo, parang nasa 30s palang at sobrang ganda niya pero parang lalamunin ako ng buhay. Parang siya din si Yelo na sobrang lamig. Tapos sa tabi nun isang lalaki naman na parang nasa 30s lang din. Nakakatakot naman tong mga kasama ni Yelo, ang lalamig nila. Pamilyang malamig sila.

Nadako yung tingin ko dun sa kasama ni Manyak. Yung lalaking nakatingin saken medyo nakangisi na parang nasa 30s din pati yung kasama nitong babaeng. Nag gagandahan at nag gwagwapuhan nga naman.

Yung kasama naman ni Noelle, isang babaeng nasa 30s na din parang mahinhin siya, ang gaan ng prisensya niya hindi kaya dito sa pamilyang malamig na to. Assume ko na talaga na magulang nila mga kasama nila.

Yung parents nila yung nakaupo tapos sila nakatayo sa likod ba.

Si Rhya naman isang lalaking mukhang mabait din pero parang matapobre, maginoong medyo gago. Mga ganon ba.

"Done checking us out?" Boses ni Yelo yun. Tinignan ko siya pero napairap lang din ako.

Napipikon talaga ako sakaniya. Maganda lang naman siya pero kinulang siya sa ugali.

"The four of you, leave" mas lalo akong nanigas sa kinatatayuan ko nung mag salita yung lalaking kasama ni Yelo.

Kung malamig pala boses ni Yelo, mas malamig yung sakaniya. Nakakatakot din siya parang gusto ko nalang mag palamon sa lupa.

"Why?" Napatingin ako sa likod ko nung may kumalbit saken.

Pag tingin ko sila Willa, sinenyasan akong lalabas na muna sila at tumango naman ako

Pag harap ko sa apat na, para silang nauumay na hindi mo alam sabihin. Parang wala na din silang magagawa kundi ang lumabas.

Nag taka ako kase si Rhya lagi naman siyang jolly at sobrang positive ng energy niya pero ngayon para siyang nag ibang tao. Yung sigla niya nawala bigla para na siyang nakakaintimidate na tao.

Hindi niya din ako pinansin at nilagpasan lang nila ako ng hindi ako tinitignan. Para silang mga robot tapos itong mga nakakatakot na taong to parang sila yung nag kokontrol sa apat.

"Sit down" para akong kinilabutan sa boses nung kasama ni Rhya kanina, tatay niya ba to?

Wala akong choice kundi umupo sa upuan na nilagay nila sa gitna nila, para naman akong inakusahan sa isang sala na hindi ko naman ginawa tapos ngayon pinapaamin nila ako. Napayuko ako dahil sa kaba na nararamdaman ko.

"Did you slap my daughter?" Napaangat ako ng tingin. Siya yung nakangisi saken kanina. Hindi na ako mag tataka kanino namana ni manyak yung ganong ugali niya.

Mukhang tatay niya to, kamukha niya eh.

"Y-Yes.. But i-it wa—"

"Just keep on doing that" napanganga ako sa sinabi niya.

"Close your mouth dear" napatingin ako dun sa nanay ata ni Yelo.

Kung nanay niya to nasan ang hustisya? Kanina mukha siyang malamig na tao pero ngayon ang liwanag ng aura niya. Nakangiti na siya hindi gaya kanina.

"I'm Rhya's Father" dun sa lalaking maginoong medyo gago.

Sabi na eh tatay niya to.

"I'm Rhey Masuda" pakilala niya.

"I'm Noelle's Mom" napatingin naman ako dun sa isang babae na parang ang hinhin niya. "I'm Nolla, Nolla Willson at the same time ako yung principal ng senior to junior highschool"

"I'm Kallista's Father, Leonard Evans, I'm the Dean or President in this Campus and this is my wife and also Kallista's mother. Kleya" hindi ko alam anong mararamdaman ko.

Bigla nalang silang nag pakilala isa isa, hindi ko alam kung daoat bang makipag kamay ako sakanila o hindi eh.

Baka kase kung mag pakilala sila parang nasa grouping kami ng nga bagong kaklase ko huhu. May pa introduce yourself palang magaganap dito hindi ako prepared. Baka may pa talent portion pa dito ha, wala akong talent ganda lang ambag ko. 

"I'm Senator Miguel Bellamino, I'm Maeve's father. And this is my wife, Claire." Nanay ni Manyak? Tekaaa oo nga pala anak ng Senator si Manyak so manyak din tong senator na to?

Yung tingin niya kase kanina para akong kinilabutan eh, yung ngisi ni Manyak saakin at yung sakaniya same lang pero mas creepy tong kay Senator.

"Do you know why we called you here?" Napakagat ako sa ibabang labi ko.

Nakakatakot yung tatay ni Yelo, kung sobrang lamig si Yelo mas malamig yung tatay niya. Parang hindi mo na babalakin na tumingin sa mga mata niya kase mamamatay ka kung sakali. Parang kasalanan yung tumingin sakaniya.

"Miss Madrid"

"Kasalanan naman po kase niya ang manyak niya naman po kase tapos po hindi naman po ako yung nauna sa pag tapos ng juice kay Yel—este kay Kalli po. Tinapunan po kase nila ako ng slime tyaka gumanti lang naman po kase ako sakanila—" natigilan ako nung natawa sila ng mahina.

Habang yung tatlong lalaki humagalpak pa sa tawa. Yung tatlong babae naman mahinhin na tumawa.

Takang tinignan ko sila. Anong nakakatawa sa sinabi ko?

"B-Bakit po?" Kabadong tanong ko.

"I like her, she's funny" napatingin ako sa nanay ni Noelle. Ang ganda ng ngiti niya huhu.

"Woah.. It's been years since I last saw you smiled like that" puna sakaniya nung tatay ni Rhya.

"This girl is different" sabi nung tatay ni Yelo.

"I get it now" sabi ni Senator.

Ano bang pinag uusapan nila? Baka gusto nilang ishare sakin diba? Para naman aware ako sa pinag uusapan nila.

"Just continue doing that and your scholarship is secured" napakunot noo ko sa sinabi ng tatay ni Yelo.

"Po?"

"He said that just continue fighting nack and show them na hindi ka basta basta" sabi ng tatay ni Rhya.

"In short, let them taste their own medicine" sabi ng tatay ni Manyak.

"You have our consent" yung nanay ni Noelle na kamukhang kamukha niya. Ang ganda niya huhu.

Masyadong mabilis yung mga pangyayare ang dami pa nilang sinabi at kahit isa don wala akong naintindihan. Pero sabi nila secured ang scholarship mo basta itutor ko yung apat at ituloy ang ginagawa kong pagaban dun sa dalawa.

Hindi ako agad nakapag react pero sinabi ko naman sakanila na pag iisipan ko muna yung sa tutor thing. Pero kase inoffer na nila ako ng 20k pero day pero hindi parin ako pumayag kahit kailangan ko yung pera. Kung si Noelle lang sana at si Rhya why not pero sabi kase yung dalawa yung need kung itutor talaga at turuan ng leksyon sa mga pambubully nila.

Aware yung parents nila sa mga pinaggawa nila at sinasabihan naman daw pero hindu nakikinig. Ang titigas nga talaga ng mga ulo.

Ilang beses akong tumanggi at kada tanggi ko tinataasan nila yung ibabayad saken pero kase, naiinis pa ako dun sa dalawa. Kaya ko namang pag sabayin pero pakiramdam ko mamamatay ako sa stress pag sila kasama ko.

Dun ko lang napag alaman na mahina pala yung dalawa sa acads nila at walang ni isang tumagal na mag tutor sakanila. Palagi nalang din daw stress yung inaabot nila sa apat, parang dun lang sa dalawa tapos nadadamay lang si Noelle at Rhya.

Pag kalabas ko sa Dean's office agad na lumapit saken si Willa at Paige, nag aalala silang tumingin saken pero nginitian ko lang sila. Kailangak ko daw pag isipan yung offer nila. Mapapagtapos ko yung mga kapatid ko pag tinanggap ko pero kase, hindi ko alam kung makakasundo ko yung dalawa. Binigyan lang nila ako ng isang linggo para pag isipan yun.

"Tala!"

"Aybobokaano ba?!" Napapalo pa ako sakaniya nung gulatin niya ako. Eto namang si Willa tawang tawa eh.

"Tinatawag ka kase namin pero para kang nasa ibang mundo" sabi ni Willa.

"Okay ka lang?" Tanong ni Paige.

"Oo, may iniisip lang" sabi ko at ngumiti ng konti.

"Anong nangyari sa loob?" Tanong ni Willa.

"Kinausap lang ako about dun sa nangyare kanina" hindi ko feel sabihin sakanila yung sa tutor kineme baka anong isipin nila.

"Sabi kase sayo, wag sila" napailing iling pa si Willa.

Ano bang magagawa ko?

Hindi ko na muna inisip yung pinagusapan sa Dean's office. Pumasok nalang kami sa mga klase namin pero sa buong discussion walang pumapasok sa utak ko hanggang sa makauwi na kami.

Nag offer pa sila Rhya na ihatid ako pero hindi na ako punayag, nag paalam kase ako kay tito na hindi muna ako papasok. Hindi ko siya matutulungan sa barbequehan niya. Gusto ko munang ipahinga yung katawan at systema ko.

Pag uwi ko sa bahay naabutan kong nanunuod si lolo tapos si Amaro naman tinuturuan niya si Tarah sa assignment ata niya.

"Mali naman yan eh" parang naiinis na si Amaro kay Tarah.

"Tama kaya" nakasimangot na din si Tarah.

"Kailangan mo paring kulayan ng white yung papel" parang nauubos na pasensya niya kay Tarah.

"Hindi kaya kuya. Papel naman to kaya kahit hindi na kulayan" natawa ako.

Lumapit na ako sakanila at medyo nagulat pa sila nung makita nila ako.

"Ateee!!" Agad na yumakap saken si Tarah pati si Amaro.

Itong batang to binata na pero parang bata parin.

"Nasan si ate Amira?" Tanong ko kay Amaro.

"Natutulog na siya ate, kakatulog lang" napatango ako sa sinabi niya.

Lumapit na ako kay lolo at nag mano.

"Kumain na ba si ate?" Tanong ko ulet.

"Oo naman ate, wag kang mag alala. Di ko naman papabayaan si ate eh" napangiti ako sa sinabi niya.

"Oh apo nandyan ka na pala" napakamot ako sa ulo ko dahil kay lolo.

"Lolo naman eh, kakamano ko lang po sainyo" nagiging makakalimutin na din talaga si lolo.

"Nako, pasensya ka na. Tumatanda na eh" natawa ako ng mahina.

"Kumain na ba kayo?" Tanong ko.

"Oo ate, nag luto ako kanina. Nag tira na din ako ng ulam mo. Kain ka na po" napangiti ako.

Maasahan talaga tong si Amaro, kahit lalaki siya nagagawa niya parin yung mga gawaing bahay. Yung ibang lalaki kase diyan ayaw nilang ginagawa to kase daw pambabae lang daw yung mga gawaing bahay tsk.

Kumain na ako, at habang kumakain ako paminsan minsan nag tatanong si Amaro saken tungkol sa assignment niya. Matalino naman siya pero may ilan parin na nahihirapan siya. Buti nalang fast learner siya.

_______________

Kinabukasan akala ko late na ako kase walang studyante sa school.

"Nasan na sila?" Takang tanong ko.

Napatingin ako sa orasan ko, 7am na pero kahit isang student wala akong makita. Baka isurprise ako ng buong school ahh, hindi ko birthday.

Napapakamot nalang ako sa ulo ko dahil di ko mahanap mga studyante dito sa Oxford. Nakakapikon ah, nasan na ba sila?

Baka nasa loob na? Pero nakasarado kase yung school huhu.

"Hoy Tala" napangiti ako ng malapad nung marinig ko boses ni Paige pero nadismaya ako nung kaharap ko sakaniya hindi siya naka uniform.

"Bakit naka ganyan ka?" Tanong ko. Para siyang naguluhan sa tanong ko.

"Kase ganto ako pag nasa bahay?" Patanong niyang sagot.

"Hindi ka papasok?" Napakunot yung noo niya sa tanong ko.

"Gaga, sabado ngayon" ehh?

Napatingin ako sa phone ko pero shuta lowbat pala. Napatingin ako kay Paige nung iharap niya saken phone niya tapos nasa calendar.

Napasamal ako sa noo ko, shit! Sabado nga.

"Wala kaba sa sarili mo?" Tanong niya. Napatingin ako sakaniya at medyo nagulat pako na may kinakain siyang chitchirya. 

"Medyo, ang dami ko kaseng iniisip eh" hindi lang halata pero inaalala ko parin si Tarah at si ate Amira.

Kaya pala kaninang umaga hindi pa gising si Amaro, may sinasabi siya kanina pero hindi ko naiintindihan eh baka yun nga dahil sabado ngayon.

Agad din akong umalis kanina kase nga akala ko late na ako.

Nag paalam na si Paige saken kase may binili lang daw siya kaya nauna na siyang umuwi. Bumuntong hininga ako bago tumawid ng daan pero napaurong ako nung may isang mabilis na kotseng dumaan sa harap ko.

"Tangina!" Sigaw ko kase may putik sa dinaanan nila kaya nag splash saken yung putik.

Napatingin ako dun sa kotse mas lalo akong nainis nung dumungaw si Manyak.

"Deserve bitch!"

"Ahgrrrrr!" Daing ko sa inis at napapadyak pa ako.

Inis akong umuwi ng bahay. Nakakapikon talaga, may araw din sila saken.

Pag uwi ko ng bahay, dumiretso ako agad sa banyo.

"Ate bakit mukha kang pulubi?" Napatingin ako kay Amaro.

"May gago kaseng sumira ng araw ko" sabi ko sakaniya at pumasok na sa loob ng banyo.

Tumingin ako sa salamin, ang dungis ko naman. Mukha nga akong pulubi kaya pala tumatawa si Tarah kanina.

"Makakaganti din ako" sabi ko sa sarili ko at napangisi ako.

Continue Reading

You'll Also Like

99.7K 4.8K 31
"I am a vampire." Mula sa papel na hawak ko ay nilipat ko ang tingin ko sa babaeng naka puti at nakaposas ang isang kamay sa kama nya. Sa sobrang put...
132K 3.8K 54
(Under Editing All parts) Date of write: February 2020 Date publish: June 28 2021!!!! End: May/28/2022 Mafia series 2
2.2M 74.9K 56
Athena Louise Sarxel, ang babaeng hinahangaan ng SU o Sarxel University. Sya ang cheerleader captain. Sya rin ang tinuturing na Campus Bitch Queen. D...
2.4K 160 8
An Austen-themed book club for aspiring Filipino writers. O P E N : currently in need of members