What Are The Chances? (Profes...

By sinner_from_south

14.7K 817 371

Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind an... More

Characters
Quadro
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chaper 17

Chapter 5

563 36 18
By sinner_from_south

Vaine Fleur

"I like you, Vaine. And I will court you." mahangin na sambit ng lalaking bigla nalang sumulpot sa harap ko habang kumakain kami sa cafeteria.

"Good taste." naka-ngiti kong sabi sakanya na tumatango tango habang pinupunasan ang bibig ko saka tumingin sakanya.

"But no chance." agad na bawi ko saka sumenyas na umalis na siya sa harap ko.

Nawala naman ang ngiti nito sa labi pagkasabi ko nun.

"Why? I'm handsome, famous and rich. I have everything you are looking for." pagmamalaki pa nito.

Men, smh.

"Umalis ka nalang bro, wala kang mapapala jan." sabat ni Rain na parang naiinis na din sa kayabangan ng lalaki na nasa harap namin ngayon.

"Bakit? Sino ka ba't nangingialam ka?" maangas na tanong ng lalaki.

Para namang nagpanting ang tenga ni Rain kaya tumayo ito na agad namang pinigilan ni Sunny pero hindi pa rin ito natinag.

"Sino ako? Ako lang naman ang babangas jan sa pagmumukha mo kapag hindi ka pa umalis." masama ang tingin na sambit ni Rain sa lalaki.

Lumapit naman ang mga kaibigan ng lalaki at pumunta sa likod nito na parang handa na sa gulo kung sakaling may gagawin si Rain.

"Tama na yan, kung ako sainyo umalis na kayo. Ayaw namin ng gulo." mahinahong sabi ni Sunny habang pilit na inilalayo si Rain.

"Ano? Wala ka pala eh." maangas na sabi ni Rain nang hindi nakapag-salita ang lalaki.

"May araw ka din." masama ang tingin na sabi ng lalaki habang palabas ng cafeteria.

"Ang yabang ng gago, pag 'yon pinatulan ko mang-hihiram talaga yun ng mukha sa aso." inis na sabi ni Rain saka bumalik sa pagkaka-upo.

"Kumalma ka nga,Rain. Hindi lahat dinadaan sa init ng ulo ha." sita ni Storm sa kapatid.

"Ang yabang eh, akala mo kung sino." sambit ni Rain habang sinusundan ng masamang tingin ang grupo ng mga lalaking naglalakad sa labas.

"Isumbong mo sa amin kapag ginulo ka ulit ng hinayupak na yun Vaine." sabi ni Rain.

"Sa tingin mo ba hindi ko kaya ang mga 'yon? Hindi ko lang pinatulan kanina kahit naiinis na ako dahil ayoko ng gulo at tinatamad ako. Isa pa nasa University tayo, mahirap na mabigyan ng sanction." sagot ko naman sakanya.

"Vaine Alvarez? Pinapatawag ka ni Ma'am Xanther sa office niya." sabat ng kung sinong estudyante sa likod ko at agad na umalis.

Tumayo naman ako kaagad kahit hindi ko pa nauubos ang kinakain ko.

"Sibat muna ako guys, mamaya nalang." paalam ko sakanila saka lakad takbo na itinungo ang office ni Professor Xanther.

Hindi ko alam pero parang na excite akong makita siya ulit. Isang linggo ko din kasi siyang hindi nakita dahil may seminar sila sa Cebu at kakabalik lang niya.

"Good afternoon, Professor Xanther." masigla kong bati pagkapasok ko sa office niya.

"There's nothing good in the afternoon, Alvarez. Sit down." masungit na sabi nito. Mabilis lang ako nitong tiningnan saka ibinalik ang tingin sa laptop niya.

"Bakit po? Ang init naman ata ng ulo mo ngayon." nagtatakang tanong ko saka sinunod ang sinabi niya na umupo.

"Bakit naman hindi iinit ang ulo ko kung hindi ka pumupunta sa practice niyo. Seriously, Alvarez?" inis na sabi nito sa akin.

"Eh sorry na Ma'am, may inaasikaso kasi ako eh. You know, med student sobrang busy." kagat labi na rason ko kahit ang totoo ay hindi lang talaga ako pumupunta dahil nga wala siya.

"You and your excuses." iiling iling na sabi nito na tila hindi naniniwala sa sinabi ko. "Mag-practice ka mamaya, sinasabi ko sayo Alvarez." sambit pa nito.

"Copy, ma'am." sagot ko saka sumaludo sakanya. Magpa-practice talaga ako mamaya, nandito na siya eh.

"You may go." pagpapa-alis nito sa akin pero hindi ako umalis sa pwesto ko at prenteng sumandal pa.

"Dito muna ako ma'am, breaktime naman eh. Nag-lunch ka na po?" sagot ko na ikinatingin niya saakin.

"Hindi tambayan ang office ko, Alvarez. Umalis ka na." masungit na sabi niya at hindi pinansin ang tanong ko.

"Ayaw. Namiss kita ma'am eh, tagal mo kasing nawala." dire-diretsong sabi ko na ikinagulat niya.

"W-what the hell are you saying?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Alin po? Yung namiss kita?" nagtataka kong tanong ulit sa sinabi ko kanina.

Nakita kong napalunok siya at umayos ng upo.

"And why do you miss me?" pormal na tanong nito.

Kumibit balikat lang ako at ngumiti ng malaki sakanya.

"Matagal po kasing hindi kita nakita, hindi lang ako sanay." sagot ko naman sakanya.

Ang lakas naman ata ng loob ko ngayon. Baka dahil sa excitement at saya na nararamdaman ko dahil nakita ko na ulit siya.

"Whatever, Alvarez. I have a lot of things to do kaya umalis ka na dahil nakaka-abala ka." pa-irap na sabi niya.

"Edi tulungan nalang po kita. Mamayang 3pm pa naman yung next class ko eh." sagot ko at kitang kita ko na ang inis sa mukha niya dahil sa kakulitan ko.

"Makulit ka ha. Fine, get those papers on the side. Irecord mo lahat ng scores at huwag kang tatayo hanggat hindi mo natatapos." sabi niya saka tinuro ang gabundok na papel na nasa gilid.

Napalunok naman ako at hindi makapaniwalang tiningnan siya. Ang dami jusko baka bukas na ako matapos niyan.

"Ah hehehe sabi ko nga po lalabas na ako." sabi ko at tumayo na para umalis.

"And where do you think you're going? Stay here and start recording the scores. 'Yan ang napapala ng mga makukulit na kagaya mo." pagpigil nito sa akin kaya wala akong nagawa kundi sundin ang utos niya.

Bagsak ang balikat na lumapit ako sa tambak ng mga papel at binuhat ito papunta sa couch na may lamesa din sa gitna.

"Hindi yan magsusulat mag-isa kung titingnan mo lang." rinig kong sabi ni Prof. sa akin dahil sandali akong natulala.

Hindi naman kasi ito yung tulong na gusto ko eh, nakakaiyak. Inumpisahan ko nang irecord lahat at mabuti nalang dahil naka-alphabetical order lahat at hindi na ako mahihirapang hanapin yung mga pangalan.

"It's almost 3pm, baka ma late ka pa sa next class mo at ako yung sisihin mo. You can go now." napatingin naman ako kay Prof. Xanther nang magsalita ito.

"Hindi pa tapos, ma'am." sagot ko naman.

"It's okay. Ipaparecord ko nalang sa machine mamaya yang mga natira sa faculty room." sagot nito na ikinalaglag ng panga ko.

What the hell?! May machine naman pala silang ginagamit pang record tapos ako yung pinahirapan niyang mag-sulat.

"Seryoso ka ma'am? Bakit hindi mo sinabi?" hindi makapaniwalang tanong ko.

Ngumisi naman siya na parang nang-aasar.

"You didn't ask." kibit balikat na sagot niya. "Matuto ka kasing sundin kung ano ang sinasabi sayo." iiling iling na dagdag pa niya.

"Bad ka ma'am, pinahirapan mo ako tapos meron naman pala kayong machine. Hmp, hindi tayo bati." nakanguso kong sabi sakanya saka lumabas na ng office niya.

"Oh bakit ka nakasimangot?" tanong ni Sunny nang makapasok ako sa room.

Sinabi ko naman agad sakanila at ang mga depunggal imbes na maawa at maki-simpatya ay pinagtawanan pa ako except kay Snow. Mga walang puso, pare-pareho lang sila ni Professor Xanther.

"Yan kasi, bida-bida ka eh." asar ni Rain sa akin.

"Mga walanghiya, hindi yun nakakatawa." inis na sabi ko sakanila.

Tiningnan ko sila ng masama at nakasimangot na humalukipkip lang sa upuan ko.

Pagkatapos ng klase ay dumiretso na ako sa auditorium para mag-practice dahil baka pagalitan nanaman ako kapag hindi pa ako sumipot ngayon.

"At bakit ngayon ka lang nagpakita?" sermon ni coach Vienna habang dinuduro ako at nang makalapit ay piningot ako nito sa tenga saka kinaladkad.

"A-aray ko naman coach, masakit." nakanguso kong reklamo habang hawak ang tenga ko na piningot niya.

"Talagang masasaktan ka kapag hindi mo ako binigyan ng magandang dahilan kung bakit isang linggo ka nang absent." akmang sasagot na ako nang dumating si Professor Xanther at agad na inilibot ang tingin sa auditorium.

Nag-iwas ako ng tingin at nag-kunwari akong hindi ko siya nakita nang akmang titingin siya sa pwesto ko.

"Hoy, Vaine. Ano? Hindi ka sasagot?" napa-talon ako nang magsalita si coach na nasa gilid ko.

"Eh sorry na po, busy lang po sa acads kaya hindi ako makapunta." sagot ko naman.

"Haynako, sana naman ay nagsasabi ka kung hindi ka makakapunta. Marami kang hahabulin dahil ilang araw kang hindi nagpakita dito." ini-angkla ko naman ang kamay ko sa braso niya saka nakangusong tumingin sakanya.

"Sorry na coach. Promise hindi na ako a-absent." panunuyo ko pa saka itinaas ang kanang kamay na parang nanunumpa.

"Busy ka lang ata sa karera kaya ka absent eh" nagdududang sabi nito kaya agad akong umiling.

Close kami nitong si coach Vienna dahil nasa Aliastarro Circuit din siya madalas. Halimaw din kasi ang isang 'to sa karera eh, mas magaling nga lang ako.

"Masamang mambintang coach, hindi na nga ako nakakatapak dun simula nang manalo ako sa huling laban ko eh." sagot ko at medyo niyabangan ang huli kong sinabi.

"Ang hangin." irap na sabi nito na ikinatawa ko.

Sus, ayaw pang umamin na nagagalingan din siya sa akin eh. Aasarin ko pa sana siya nang may narinig kaming tumikhim at pagkaharap namin ay si Professor Xanther pala na seryosong nakatingin sa amin.

"It looks like all of the contestants are here. We should start the practice." sabi nito saka tumalikod na at pumunta sa gilid ng stage.

"Narinig mo naman siguro yung sinabi ng hot mong professor diba? Punta na dun." sabi naman ni Coach saka ako malakas na tinulak na kamuntikan pa akong madapa sa ginawa niya.

"Alvarez, yung paa mo."

"Alvarez, ayusin mo ang ikot mo."

"Alvarez, yung posture mo. Lakihan mo ang ngiti mo."

"Alvarez, sa harap lang ang tingin huwag kung saan-saan."

Tanginang yan, parang wala na akong ginawang tama ah. Huwag na rin kaya akong huminga?

"Pinag-iinitan ka ata ni Prof.?" tanong ng isa kong kasamang candidate habang pababa kami ng stage pagkatapos ng practice.

"Ewan ko nga dun, at ako lang palagi ang nakikita." simangot naman na sagot ko.

"Matagal ka kasing hindi umattend, yan tuloy ang init nila sayo." natatawang sabi niya.

"Si Prof. Xanther lang naman ang sumisita sa akin eh. Yung coach natin tawa lang ng tawa sa gilid sa tuwing pinapagalitan ako." tukoy ko kay coach Vienna na tuwang tuwa kanina pa tuwing sinisita ako.

Pagod ang katawan na umupo muna ako at pinahinga ang paa ko. Naninibago na naman kasi dahil nga matagal akong walang practice bagay na pinagsisisihan ko. Busy ako sa pagmamasahe ng paa ko nang may isang piraso ng kamay na may hawak na tubig ang bumungad sa akin. Nang mag-angat ako ng tingin ay ang magandang mukha ng propesora ang nakita ko habang seryosong nakatingin sa akin. Tiningnan ko ulit ang inaabot niya saka ibinalik ang tingin sa maganda niyang mukha. Akmang kukunin ko na sana ang tubig na inaabot niya nang maalala kong nagtatampo nga pala ako sakanya.

"I'm okay ma'am, hindi po ako nauuhaw." pagtanggi ko sakanya. Pero inilalapit niya pa rin sa akin ang bote ng tubig na hawak niya.

"Hindi nga po ako nauuhaw. Sainyo nalang po yan." pagpapakipot ko pa.

Pero isang pilit nalang bibigay na ako.

"What are you saying? I'm just asking you to open my bottle of water because my hands are sweaty." sabi nito na ikina-awang ng bibig ko. "You know what, nevermind. Assuming." dagdag pa nito at tinalikuran ako.

Tangina?

Continue Reading

You'll Also Like

361K 15.5K 85
Better to read, for you to understand.
7.8K 330 12
Aeros, a gangster who fell in love for the first time and ready to change just for the woman he loves. "Dos" was surrounded by rules that could prev...
11.5M 336K 68
X10 Series: Arthur Evangelista He dumped me at our own wedding. I left. I met HIM. And there came the SECRET. Do you want you to know about it? Let's...
1.6M 70.9K 69
𝐀𝐃𝐕𝐄𝐍𝐓𝐔𝐑𝐄𝐒 𝐈𝐍 𝐁𝐀𝐁𝐘𝐒𝐈𝐓𝐓𝐈𝐍𝐆 | ❝Don't fuck with the babysitter!❞ In which Tony Stark gets a little worried about his newest prodi...