Ang Mutya ng Section E (Book...

By eatmore2behappy

60.6M 2.3M 3.3M

Ready to say goodbye? More

eatmore2behappy
Chapter 261
Chapter 262
Chapter 263
Chapter 264
Chapter 265
Chapter 266
Chapter 267
Chapter 268
Chapter 269
Chapter 270
Chapter 271
Chapter 272
Chapter 273
Chapter 274
Chapter 275
Chapter 276
Chapter 277
Chapter 278
Chapter 279
Chapter 280
Chapter 281
Chapter 282
Chapter 283
Chapter 284
Chapter 285
Chapter 286
Chapter 287
Chapter 288
Chapter 289
Chapter 290
Chapter 291
Chapter 292
Chapter 293
Chapter 294
Chapter 295
Chapter 296
Chapter 297
Chapter 298
Chapter 299
Chapter 300
Chapter 301
Chapter 302
Chapter 303
Chapter 304
Chapter 305
Chapter 306
Chapter 307
Chapter 308
Chapter 309
Chapter 310
Chapter 311
Chapter 312
Chapter 313
Chapter 314
Chapter 315
Chapter 316
Chapter 317
Chapter 318
Chapter 319
Chapter 320
Chapter 321
Chapter 322
Chapter 323
Chapter 324
Chapter 325
Chapter 326
Chapter 327
Chapter 328
Chapter 329
Chapter 330
Chapter 331
Chapter 332
Chapter 333
Chapter 334
Chapter 335
Chapter 336
Chapter 337
Chapter 338
Chapter 339
Chapter 340
Chapter 341
Chapter 342
Chapter 343
Chapter 344
Chapter 345
Chapter 346
Chapter 347
Chapter 348
Chapter 349
Chapter 350
Chapter 351
Chapter 352
Chapter 353
Chapter 354
Chapter 355
Chapter 356
Chapter 357
Chapter 358
Chapter 359
Chapter 360
Chapter 361
Chapter 362
Chapter 363
Chapter 364
Chapter 365
Chapter 366
Chapter 367
Chapter 368
Chapter 369
Chapter 370
Chapter 371
Chapter 372
Chapter 373
Chapter 374
Chapter 375
Chapter 376
Chapter 377
Chapter 378
Chapter 379
Chapter 380
Chapter 381
Chapter 382
Chapter 384
Chapter 385
Chapter 386

Chapter 383

111K 3.4K 1.7K
By eatmore2behappy

A/N: Weeiihhh... hehe

No editing. Sorry sa wrong grammar

Tenant

Jay-Jay's POV

Hapunan! 

Nice, daming nakahaing ulam. Siguro dahil marami kaming bisita. Dito na rin kasi kumain sina Ma'am Cindy at Sir Alvin. Syempre hindi mawawala ang Batang Kumag, David, Yuri at Keifer. 

Ang dami ko tuloy kaagaw sa pagkain. 

"Hoy, maghinay-hinay ka nga sa pagkain," sita sa 'kin ni Aries.

"Mauubusan ako," bulong ko sa kanya.

Tinignan niya si Ci-N na sunod-sunod ang pagsandok na parang walang ibang kasalo sa hapag kainan. Napailing na lang ang kapatid ko.

Napatingin ako sa dapat na pwesto ni Tita. Wala sila sa hapag at hindi sumabay sa 'min dahil inuna niyang asikasuhin si Mama. Nakakahiya kung tutuusin kasi ako dapat ang gumagawa no'n sa Nanay ko. 

"Anong balak niyo?" tanong ni Kuya kay Sir na umagaw ng atensyon namin.

"Lipat bahay ulit, sukol kami sa unit mo," sagot niya.

Lumipat nga pala sila sa unit ni Kuya no'ng isang araw. Sobrang bilis nilang maglipat. Hindi ko nga alam na andon na sila kung pa sinabi ni Kuya. Pero bakit naman kaya sila masusukol sa unit ni Kuya, eh ang laki no'n? At sino namang susukol sa kanila?

Hala, baka mga inaanak or pinagkakautangan nilang pinagtataguan nila.

"How about you stay here?" tanong ni Kuya at sunod-sunod kaming nasamid nina Aries, Keifer at David.

Parang gago 'tong pinsan ko. Nakalimutan na yata niyang Teacher ko pareho si Ma'am at Sir, edi nalaman nilang hindi ako nag-aaral ng mabuti. 

Pero bakit nasamid 'tong tatlo na 'to?

"Kuya? Are you serious?" tanong ni Aries.

Pinagtaasan siya ng kilay ni Kuya Angelo. "Kanino bang bahay 'to?"

Hindi nakasagot si Aries at napainom na lang ng tubig para mawala ang pagkasamid.

"Does that mean, Yuri will stay here too?" tanong ni David at tinignan naman siya ng batang kumag sandali bago kuhanin ang manok na nasa plato niya.

"He had nowhere to go," kaswal na sagot ng pinsan ko.

"Then, I'll stay here too," sabi ng Hari at bigla na lang sinaksak ni Kuya ang tinidor sa manok na nasa plato niya. "Then I'll visit here frequently," pagbawi niya sa sinabi niya.

Takot ka no? Baka sa susunod ikaw na masaksak ng tinidor.

Lahat naman kami nagulat. Pati si Ci nailuwa ang nasa bibig dahil sa pagkabigla. Unang beses ko ring makita si Sir na napaiktad sa gulat at napahawak naman si Ma'am Cindy sa kanya. Si David din pero mabilis siyang nakabawi sa pag-inom ng tubig.

"Uuwi ng probinsya sina Mama at Tita Jeana. They will stay there for a while, kaya pwede silang mag-stay dito sa 'tin," paliwanag ni Kuya sa 'min.

Natigilan ako sa parte na uuwi si Mama at Tita sa probinsya. "Bakit sila uuwi?"

Hindi ko maiwasang matakot o mangamba. Baka mamaya hindi na makabalik si Mama dahil hinuli na siya ng pulis do'n.

Sumama kaya ako?

"Pinapauwi sila ni Lola, it has something to do with the property left by Lolo," paliwanag ni Kuya habang nakatutok sa pagkain niya.

Nagtinginan kami ni Aries. Ngumiti siya na para bang sinasabi niya na totoo ang paliwanag ni Kuya pero nahihirapan naman akong maniwala.

May property pa pala ang Lolo namin. Hindi ko na siya naabutan, basta ang alam ko lang saksakan siya ng higpit at sungit. Dati raw kasing sundalo 'yon tapos maaga nagretiro. Dala-dala hanggang bahay ang ugaling sundalo niya.

Kwento ng Tita kong mayaman sa pagmumura, magkaaway daw sila. Lagi raw kasi silang hinahagupit ng butot pagi na para bang may mga engkantong nakakapit sa katawan nila. Kaya hinahagupit din niya ng tsinelas kapag napipikon siya.

'Yan ang Tita ko. Beachwalk ang weapon.

"You guys can stay here until you find a better place to stay," sabi ni Kuya kay Sir.

"Maybe we can stay until the exam is over," sagot naman ni Ma'am Cindy.

Sumang-ayon naman si Sir. Pero mukang nag-aalangan si Yuri. Napatitig siya sa plato niya at kinailangan pang tawagin ni Ma'am para marinig ang sagot niya.

"Yuri . . ."

Ngumiti siya sa 'min. "I'm thinking of moving out. Nahihiya na kasi ako."

"You can move to my house," suhestyon ni Keifer at agad kaming nagtinginan ni Ma'am Cindy.

Mukang pareho kami ng iniisip. Hindi pwedeng tumira si Yuri kina Keifer. Hindi pa rin malinaw sa 'min ang tunay na agenda niya o kung susundin niya ba ang nakuha niyang listahan, o kaya naman may gagawin ba siyang masama sa Hari ng mga Ulupong.

Sa mga panahong nakatira siya kina Ma'am wala naman silang nasabing problema kay Yuri. Minsan nga narinig ko pa silang pinupuri siya kasi marunong daw sa gawaing bahay. Hindi na rin kailangang utusan dahil nagkukusa na siyang gawin ang mga dapat gawin. Minsan kahit hindi pinapagawa sa kanya, inaako na rin niya para mabilis matapos.

Kung meron nga siyang balak na masama kay Keifer malamang na nagsalita si Ma'am o kaya man kumilos na siya para pigilan si Yuri at syempre ipapaalam niya sa 'min 'yon pero wala kahit anong masamang salita para kay Yuri.

Kahit gano'n alam kong hindi pa rin kami pwedeng pakampante.

"You don't have to. You're under my protection and care, so you'll move with us," sabi ni Sir Alvin. Kokontra pa sana si Yuri pero pinigilan siya ni Ma'am.

"Whether you like it or not."

Napabuntong hininga si Yuri at napakamot sa anit. Wala siyang choice. Napatango na lang siya para tanggapin ang pagkatalo niya.

Kita ko ang pagsibangot ni Keifer na para bang hindi niya tanggap na dito mag-stay si Yuri at siya hindi pwede. Para ilang araw lang naman, feeling naman niya habang buhay na rito 'yung tao.

Natapos ang hapunan namin na puro pagpa-plano sa paglipat nina Sir ang pinag-uusapan. Kinakailangan ng umalis ni Keifer dahil may problema na naman daw kay Keigan. Hindi ko maiwasang mag-alala. Kapag nababanggit ang pangalan niya pakiramdam ko may ginawa na naman siya na ikapapahamak ni Keiren. 

Trust issues na ba 'to?

"Anong nangyari?"tanong ko sa Hari ng mga Ulupong matapos niyang magpaalam kina Kuya at Sir.

"Nagkaroon lang ng maliit na gulo, hindi naman gano'n kalala," sagot niya at ngumiti sa 'kin para tanggalin ang pag-aalala ko.

Kaso wala naman talab 'yon dahil nag-aalala pa rin ako. "Pag-uwi mo, pwedeng sabihin mo sa 'kin ang lagay niya?"

Hinawakan niya ang pisngi ko at mabilis akong hinalikan sa noo. "Thank you for checking Keigan but you have nothing to worry about. Everything was handled by Honey."

Sandali akong napaisip. Alam din kaya niya ang kalagayan ni Keigan? Tingin ko namang maasahang tao si Honey kaso hindi ko siguro kung kaya nga niyang pigilan si Keigan kapag nagwala na siya.

Si Kuya kaya, kaya niya pigilan kapag nagwala?

"Sige, sabi mo eh."

Bahagya siyang tumawa. "I won't lie to you about his situation."

"Wala naman akong sinasabing baka nagsisinungaling ka."

"Ramdam ko lang na naghihinala ka na naman," sagot niya at tumawa ng malakas.

Tinulak ko siya palabas ng bahay. "Umuwi ka na nga."

Hanggang sa makarating kami sa gate at makalabas tulak-tulak ko pa rin siya. Huminto lang kami pareho pagtapat namin sa kotse niya. Pareho kaming naging tahimik habang patingin-tingin sa paligid.

Yes, this is my chance.

"Keifer," tawag ko sa kanya at ngumuso pero bigla siyang tumawa ng makita ako.

"Ano 'yan?" tanong pa niya.

Anong ano 'yan? Ang gago nito eh.

Biglang nainit ang tenga ko. Ngayon na lang ako naglambing napahiya pa.

"Ay putangina, pinahiya ako."

Nanlaki ang mga mata niya kasabay ng pagtawa ng marinig ang sinabi ko. Tsaka ko lang din naalala . . . ang lintik na profanity niya.

Mabilis siyang lumingon sa gate bago hawakan ang magkabilang pisngi ko pero umiwas ako.

"Ayoko na, napahiya na ko."

"You know the rules," sabi niya at akmang hahawakan ulit ako pero lumayo na ko.

"Rules mo muka mo, gago."

"Nakakadalawa ka na."

"Kahit sampo pa 'yan," inis na sagot ko at malalaking hakbang na lumayo sa kanya.

Nagulat ako ng bigla siyang sumunod kaya napatakbo ako papuntang kabilang bahagi ng kotse niya. Mabilis niya kong naabutan at yumakap. Sinenyasan niya kong tumahimik at tumingin sa gate namin. Magkasabay namin kaming tumingin pero wala namang tao.

Eh anong tinuturo niya.

Naramdaman ko ang hininga niya sa pisngi ko kaya napaatras ako hanggang sa mapasandal sa kotse niya. 

"Hoy, umayos ka. Kapag lumabas si Kuya, todas tayo pareho."

"Sino kayang nag-initiate?" mapang-asar na tanong niya.

Hindi pa rin ako humaharap sa kanya. Seryoso ako no'ng sinabi kong baka lumabas si Kuya. Kaya nga kanina pa ko nagbibigay ng hint sa kanya, eh kaso ang gago pinagtawanan ako.

"Seryoso—."

"Huli ka balbon!" Biglang sulpot ni Ci na nagpasigaw sa 'kin ng malakas. "Anong ginagawa niyo dyan?"

"You ruin their moment," nakangiting sabi ni David.

Para siyang nang-aasar na nasira nila ang moment namin. Lumayo sa 'kin at malalim na nagbuntong hininga habang nakatingin sa ibang direksyon. Nagpamaywang pa siya bago humarap ulit sa 'min.

Nakunsume ka bigla ano?

"Alis na ko, baka may masapak lang ako," sabi niya at malakas na tumawa si David na para bang nanalo siya.

Hinalikan ako ni Keifer sa noo bago siya sumakay ng kotse niya. Pinanood namin siyang umalis at kinawayan naman siya ng batang kumag.

"Wow, lakas maglandian, wala namang label," sabi ni Ci at napasibangot ako.

"Paano magkaka-label? Lagi kayong abala!" Inis na sagot ko at tinangka siyang batukan pero mabilis siyang nakapagtago sa likod ng Lolo niya.

"Ayan! Lolo! Sasaktan ako!" sumbong pa niya.

"Fvck off," sagot ni David sa kanya bago humarap sa 'kin. "Alis na rin kami, kailangan ko pang ihatid ang batang 'to."

Ngumiti ako at tumango. Lalapit na sana sila sa kotseng sinakyan nila pero biglang huminto si Ci at parang merong hinahanap sa bulsa niya.

"Cellphone ko?" tanong niya pa sa 'min na para bang kami ang huling may hawak no'n.

Umandar na naman pagkaburara nitong bata na 'to.

"Saan mo huling binaba?" tanong ko.

"Sa kwarto mo!"

Lalakad na sana ako pabalik sa bahay pero pinigilan niya ko. "Ako na lang," sabi niya at mabilis na tumakbo papasok ng bahay.

Hinayaan ko na lang siya at hinarap si David. Ngumiti siya sa 'kin bago ayusin ang hibla ng buhok na humarang sa muka ko. 

"Bakit kasama mo nga pala si Ci?" tanong ko sa kanya.

"Pinuntahan ko siya, tumawag kasi sa 'kin at umiiyak. Akala ko naman kung napano na," sagot niya at pareho kaming natawa.

Malamang na dinramahan siya ni Ci kaya napilitan siyang isama na siya rito sa 'min.

Hindi rin naman niya natiis ang Batang Kumag.

"Ano pa lang pinag-usapan niyo kanina?" tanong ko kahit alam ko naman ang sagot.

Kapareho kay Keifer gusto ko lang din malaman kung magsasabi siya sa 'kin.

"Tungkol kay Drew. Exam na kasi bukas," sagot niya at tumango-tango naman ako.

Totoo naman ang sinagot niya pero hindi sinabi ang parte kung saan pinabalik nila siya sa shark loan na pinagkakautangan niya.

Ayokong magtanong pa, baka kasi kutuban siya na may alam ako. Sosyalin pa naman instinct nito.

"So, you and Keifer are getting serious now?" tanong niya na pinagtaka ko.

Bahagya akong natawa. "Syempre naman. Anong klaseng tanong 'yan?"

"Saan muna ang label?" 

Napasibangot ako dahilan para tumawa siya ng malakas. "I'm just kidding."

Lakas ng trip. Nasiyahan siguro siya sa hapunan namin.

"Ewan ko sa 'yo," kuwaring inis na sagot ko.

"As long as you are happy," sabi niya at tinignan ko siya ng mapansin ko ang pagkaseryoso ng tono niya kahit nakangiti naman siya. "But let me know if Keifer hurts you again."

"Bakit? Babanatan mo siya?"

Umiling siya. "Aagawin kita sa kanya."

Inirapan ko siya. "Akala mo naman papaagaw ako."

"I have my own ways at alam 'yon ni Keifer," mayabang na sagot niya bago tumawa.

Parang linya ng Hari 'yon ah?

Napailing na lang ako habang natatawa sa kanya. Kung ano-ano na lang kasi ang naiisip niya. Kung andito lang si Keifer malamang ko nagsuntukan na sila dahil sa mga sinasabi niya. Malakas ding mang-asar ang isang 'to.

"Anong ways naman 'yan?"

"Gusto mo subukan?" tanong niya at akmang lalapit sa 'kin pero sinipa ko sa ere ang paa ko para patigilin siya. "Sige, kapag kayo na ni Keifer, susubukan natin."

"Gago," sagot ko sa kanya at tumawa na naman siya.

Napatingin kami sa gate ng lumabas si Ci habang may hawak na tupperware. Mukang nakakuha pa ng pabaon. Kasunod niyang lumabas sina Sir Alvin, Ma'am Cindy at Kuya Angelo.

"Uwian na," nakangiting sabi niya. 

Sinubukan kong tignan ang laman ng tupperware pero mahigpit ang yakap niya habang palapit sa kotse ni David. Kumaway pa siya sa 'kin.

Bakit pakiramdam ko karne ang laman no'n? Parang fried chicken.

"Bye-bye Jay," sabi pa niya.

Ngumiti sa 'kin si David bago kumaway at sumakay sa kotse niya. "See you tomorrow."

"See you when I see you," sagot ko.

Pinanood ko ang pag-alis ng sinasakyan nila bago bumalik sa bahay. Hindi ko na namalayan ang pag-alis nila Kuya. Malamang na kukuhanin nila ang mga gamit nila Sir. Hindi ko nga lang napansin kung kasama nila si Yuri para kasing hindi siya lumabas ng gate.

Saan naman napunta ang pulang buhok na 'yon?

Pumasok ako sa loob at si Mama at Tita Gema ang bumungad sa 'kin. Nakatayo si Mama pero balot na balot pa rin siya at medyo namumutla. 

"Gabi na, lumabas ka pa?" tanong sa 'kin ni Mama.

"Hinatid ko lang mga kaibigan ko," sagot ko at tinignan siya mula ulo hanggang paa. "Bakit bumangon ka na? Okay na ba pakiramdam mo?"

Umiling siya at bahagyang umubo. "Hindi pa, pero mag-aayos na ko para sa byahe bukas."

"Bukas?"

"Hindi pa ba sinabi ni Angelo sa inyo?" tanong ni Tita at saka bumalik  sa 'kin ang sinabi ni Kuya kanina sa hapag kainan. 

"'Yung pag-uwi niyo po ba sa probinsiya?" pagkumpirma ko at tumango naman si Tita.

"Bakit biglaan?" Hindi ko matago ang pag-aalala ko. Paano kung hindi na makabalik si Mama?

"Matagal na talaga kaming pinapabalik do'n, kaso ngayon kailangang kailangan na."

"Maaga kami bukas, para pagdating do'n makapagpahinga ako ng matagal," dagdag ni Mama at inayos ang nakabalabal sa kanya.

Tinitigan ko siya. Wala naman akong nababakas na takot. Baka nga totoo ang sinasabi nilang tungkol lang sa property ng Lolo ko. 

Sana lang talaga wag silang babalik dito na may kasama ng masamang balita.

Bahagya akong tumango. "Pasabi na lang kay Lola miss ko na siya."

"Kay Tita Lara mo, wala ka ipapasabi?" tanong ni Tita.

Umiling ako. "Wag na lang po baka murahin ako."

Sabay silang tumawa ni Mama. Naglakad na sila papuntang kusina kaya pumunta na ko sa kwarto ko para sana magpahinga na rin. Natigilan ako ng makita kong may taong nakadapa sa kama ko.

Pula ang buhok.

Nilapitan ko siya at sinilip, tulog na tulog siya at malalim ang paghinga. Bigla naman akong nakaramdam ng awa sa itsura niya. Parang pagod na pagod siya at ngayon lang nakahanap ng maayos na hihigaan. 

Kaya pala hindi siya nakitang kasama nina Kuya at paglabas ng bahay. Hindi pala talaga siya sumama. 

Minabuti kong hayaan na siyang matulog. Nanguha na lang ako ng pamalit at dumiretso sa banyo para maglinis at mag-ayos. Hindi rin naman ako nagtagal. Paglabas ko tulog pa rin siya at ngayon mahina ng humihilik. 

Hindi pa naman ako inaantok kaya nag-review muna ako. Baka meron akong ma-save na lesson sa utak ko at magamit ko bukas. Wag lang talaga ako gugutumin habang nag-eexam at baka mabura lahat ng pinaghirapan kong pag-aralan. 

Kailangan makisama ng utak ko bukas. Kakain ako marami sa umaga.

Habang nagbabasa ng notes na binigay sa 'kin ni Aries, narinig ko ang pagtunog ng phone ko. Tinignan ko 'yon at pangalan ng Hari ang bumungad sa 'kin. 

From: King_Bingi

Message: I'm home, Keigan is alright. He's asleep now due to exhaustion. 

'Yan! Ganyan ang gusto ko nag-u-update.  Mabilis naman akong sumagot sa kanya at nag-goodnight. Alam kong pagod na rin siya kaya hindi na ko nakipag-kwentuhan. Bukas ko na lang din sasabihin sa kanya na nasa kwarto ko si Yuri. Baka bigla siyang bumalik dito at banatan ang bestfriend niya.

Babalik na sana ako sa pagbabasa ng notes ng mapansin kong gising na si Yuri at nakatingin sa 'kin. Ngumiti siya at unti-unting bumangon.

"Sorry, I fell asleep in your bed," sabi niya at inayos ang buhok bago isuot ang salamin.

Ang haba na pala ng buhok niya, ngayon ko lang napansin. 

"Sige lang, mukang pagod na pagod ka eh."

Ngumiti siya. "A bit, nahihirapan kasi ako sa set up namin ngayon."

"Kaunting tiis, makakahanap din kayo ng maayos na lilipatan,"

 Naupo siya sa gilid ng kama malapit sa study table ko kung saan ako naka-pwesto. 

"Do you need help?" tanong niya sabay turo sa mga notes ko.

Umiling ako. "Okay na ko, tinulungan ako ni Aries. Inuulit ko na lang pagbabasa para hindi mabilis mawala sa isip ko."

Tinitigan niya ko sandali at akmang aabutin ang pisngi ko pero mabilis akong nakalayo. Halatang nagulat siya sa ginawa ko.

Hindi ko sadya, kusang umiwas katawan ko.

"May dumi ka sa pisngi mo," sabi niya at pinunasan ko naman ang pisngi ko.

Nawala ang kaninag ngiti niya. Kalmado siya pero parang ang lalim ng iniisp niya. Hindi ko maiwasang kabahan. Alam ko namang wala siyang gagawing masama sa 'kin pero hindi ko lang maiwasan.

"B-Bakit?"

"Bakit ang ilap mo sa 'kin?" tanong niya.

Napaisip ako. Mailap nga ba ako sa kanya. Binabati ko pa rin naman siya, nagtatawanan pa rin naman kami, nag-uusap kagaya dati at higit sa lahat niyayakap kapag may pagkakataon.

Anong mailap do'n?

Kuwari ko siyang tinawanan. "Paanong mailap?"

"Was it because of Keifer?" seryosong tanong niya at naging seryoso rin ako. "Ayaw mo ba siyang magselos?"

"Hindi naman ako mailap ah? Ako nga dapat ang magsabi niyan sa 'yo. Hanggang ngayon may mga hindi ka pa rin sinasabi sa 'min," sagot ko at parang napahiya siya.

Sinuklay niya ang buhok kasunod ng paghinga ng malalim. Mali yata ang naging tono ko. Parang ang dating kasi inaakusahan ko siya. 

Pero mapipigilan ko bang akusahan siya?

"I'm sorry, my bad," sabi niya at merong kinuha sa ilalim ng unan ko. "Pero paano pa ko magsasabi sa 'yo kung may alam ka na?" Binuklat niya ang isang nakatuping papel at iniharap sa 'kin.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang muka at pangalan ni Keifer. 'Yung listahan na nakuha ko sa gamit niya. 

Ang alam ko naibalik ko 'yon ng maayos sa envelop na pinaglalagyan. Paano niya nalaman na nakita ko 'yon? Imposibleng may sinabi si Ma'am Cindy.

"A-Anong sinasabi mo?" maang-maangan ko.

Hindi siya sumagot. Tinitigan niya ko na para bang sinasabi niya na hindi siya nakikipaglaro.

Tatanggi pa ba ko kung halata namang alam na alam na niya? Sarili ko lang ang ginawa kong tanga kung gano'n. Napalunok ako. Nahihirapan akong gumalaw pero kailangan kong kumilos.

Segundo lang ang meron ako, agad akong tumayo at tumakbo palabas sana ng kwarto pero mas mabilis si Yuri. Nahawakan kagad niya ang dalawang braso ko bago ako isandal sa pader. Narinig ko pa ang pagtaob ng bangkuan ko mula sa study table.

Nanginginig akong tumingin sa kanya. Gusto kong sumigaw pero baka meron siyang gawin sa 'kin at baka mapahamak din ang mga tao dito sa bahay. 

Nakakainis! Hindi ko dapat siya pinag-iisipan ng masama dahil wala pa siyang paliwanag pero hindi ko mapigilan.

Ano ba talagang nangyayari kay Yuri? O mas tamang sabihin na sino ba talaga siya?

Continue Reading

You'll Also Like

533K 9.2K 41
When we love we became stupid. When we love we give everything that we have. When we love we became another person we thought we wouldn't be. When w...
21.5M 699K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...
3.8M 141K 28
Yuka wants nothing in the world more than a good old rags-to-riches kind of story. She's dealt with the rags part of it and trying to get to the rich...
4.5M 190K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy