Girl in Red (PUBLISHED)✓

By kwin_vivi

279K 5.6K 211

Two billionaires fell in love with the girl that they saw in London. They don't know her name, and the only t... More

DISCLAIMER
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER
AUTHOR'S NOTE
FAQs
ABOUT THE BOOK

CHAPTER 13

5.5K 126 4
By kwin_vivi


HANGGANG sa makapasok kami sa resto ay nakasimangot pa rin ako dahil sa asar ko sa kasama ko ngayon. Mabilaukan sana siya mamaya

Nang makaupo na kami ay si Howard na ang pina order ko. Dahil ang hihirap pa naman basahin 'yong mga nasa menu nila.


"H'wag kanang sumimangot bebe ko,  papangit ka lalo niyan." Sabi ni Howard at para pa itong nagpipigil ng tawa


Napairap naman ako

"Bebe mo mukha mo!" Mahinang singhal ko sa kanya


Tumawa naman siya kaya napatingin 'yong ibang kumakain dito. Napatikhim ito at umayos ng upo.


Bumelat naman ako sa kanya ng makita kong namula siya.

"Bilis ng karma 'no?" Pang aasar ko sa kanya

Napaismid naman siya

Nang ma served na 'yong order namin ay nagsimula na kaming kumain. Habang kumakain ay nag uusap rin kami ng kong ano-ano. Well, except sa past namin, dahil for sure, magkaka-awkwardan na naman kami.


Masaya pa rin kaming nagkwekwentohan ng may biglang sumabat


"Hi, Pinsan. Hi, Cap."

Napalingon naman kami ni Howard at nakita namin ang dalawang kambal.
Nakita ko ang madilim nilang awra lalo na kay Zynard na walang emosyon na nakatingin sa akin. Habang si Zenard naman ay nakangiti ito, pero walang emosyon ang kanyang mga mata
Mukhang galing pa silang dalawa sa trabaho.

Uminit naman ang pisnge ko ng maalala ko ulit 'yong halik.

Hay, ba't pa kasi nagpakita itong dalawa na 'to? Hindi ko na tuloy malunok 'tong kinakain ko


"What are you two doing here?" Seryosong tanong ni Howard sa kanila.


Nakakatakot talaga 'tong si Howard kapag naka serious mode, pero mas nakakatakot 'tong dalawang kambal dahil parang hinuhukay ang buo mong pagkatao habang nakatingin sayo. Tulad nalang ngayon.


"Myrtle was attacked by her asthma again, and you need to go home." Seryosong sagot ni Zynard at bumaling kay Howard


Nakita ko naman ang pagkataranta ni Howard at bakas sa mukha niya ang labis na pag-alala sa bunsong kapatid. Maski din naman ako, ay nag alala rin ako ngayon sa batang 'yon.


"Kanina pa sila Tita tawag ng tawag sayo, pero 'di mo naman sinasagot" Pagsingit ni Zenard sa usapan at nakita kong seryoso na siya

Kinuha naman ni Howard sa bulsa niya ang kanyang cellphone at napamura.

"F*ck!"

"You should go now, Ed. Don't worry, kami na bahala kay Akira." Sabi ni Zynard at namulsa.

Nakita ko naman ang pag-aalangan ni Howard, pero 'di kalaunan ay tumango siya.

He gave me an apologetic look

Nginitian ko naman siya

"It's okay, Howard. Your sister needs you, and I understand." Sincere na sabi ko sa kanya

Ngumiti naman siya at hinawakan ang  kamay ko na nasa ibabaw ng lamesa. Narinig ko naman ang pagmumura ng kambal pero 'di ko nalang 'yon pinansin


"Thank you, Kir. Don't worry, babawi ak-


"Times up. You need to go home now." Pagputol ni Zenard at hinila patayo si Howard. Napakamot naman ito ng ulo at nag-iwan ng pera sa ibabaw ng lamesa.


Nagpaalam ulit sa'kin si Howard at sinabihan ko siya na balitaan niya ako sa kalagayan ni Myrtle. Tumango naman ito sa akin.


Nang makaalis si Howard ay umupo si Zynard sa pwesto kanina ng kanilang pinsan at sa gilid ko naman ay si Zenard at pariho nila akong tinignan na para bang may nagawa akong kasalanan sa kanila.

Problema na naman ng mga 'to?

Tumikhim ako dahil nakaramdam ako ng awkward.


"I want to go home." Mahinang sabi ko at nasa pagkain lang ang paningin ko dahil 'di ko kayang salubongin ang mga seryoso nilang mukha.

"Finish your food, baby. Dahil may pupuntahan pa tayo." Wala sa sarili akong tumango at pinagsawalang bahala ko nalang ang pagtawag niya sa akin ng 'baby' kahit nagwawala 'yong mga haliparot kong mga paro-paro sa tiyan


Kong nagtataka kayo kong ba't di ako nalilito sa magkambal, simple, dahil si Zenard ay may maliit na nunal sa ilong while si Zynard naman ay wala.

Nang matapos akong kumain ay lumabas na kami sa resto, at nakita ko pa ang mga haliparot na babae na kulang nalang ay tumulo ang laway dahil sa dalawang Greek god na kasama ko.


Iginaya naman nila akong dalawa sa kanilang itim na Bugatti La Voiture Noire.
Dang! 'di ko mapigilang mapanganga.


Sobrang mahal ng kotse na ito. This car is the most expensive in the world, worth eighteen million dollars.

Edi sila na maraming pera.

Nakita ko naman ang pagtataka nila ng tumigil ako sa paglalakad.

"Is there anything wrong, sweetie?" Nag aalalang tanong ni Zenard sa akin


Ano bang nakain ng dalawang 'to at kong ano-ano nalang ang endearment ang itatawag sa akin?

"Mag tataxi nalang ako, nakakahiya naman sumakay s-

"Shhh, don't say that, baby. And besides, you are very welcome to our car." Nakangiting putol ni Zynard sa akin


"Right! And I'm sure, magugustohan mo rin 'yong pupuntahan natin." Sabi naman ni Zenard 

Napangiti ako ng malaki

"Edi, tara na!" Excited kong tugon
Napatawa naman ang dalawa na ikinanguso ko

Hinakawan nila ang magkabilaang wrist ko, at nakaramdam ako ng kuryente sa ginawa nila. Pinagsawalang bahala ko nalang ulit 'yon dahil ayokong masira ang moment naming tatlo.

Susulitin ko nato dahil first time kong makasakay ng mamahaling kotse, at kahit ilang taon pa ako magtrabaho ay 'di ko talaga afford ang ganitong sasakyan.


Nasa front seat ako, while si Zynard naman ay ang driver namin, and si Zenard ay nasa back seat.

Sobrang gwapo talaga nilang dalawa hihi. Naka black longsleeve si Zynard, si Zenard naman ay naka white longsleeve at pariho itong nakapiko hanggang siko at bukas ang tatlong butones. May dog tag pa silang dalawa. Mas lalo lang tuloy silang nagmumukhang ruthless.


A hot, ruthless hihi, sshhh lang kayo ha


"Stop staring, baby." Saway ni Zynard at tumingin saglit sa akin habang may ngiti pa ito sa kanyang labi.

Napanguso naman ako ng mahuli akong nakatingin sa kanya. Nakakahiya ka Akira!


"Sorry" Nakangusong sabi ko

Natawa naman silang dalawa na lalong ikinahaba ng nguso ko 

"Ang cute-cute talaga ng baby namin" Nakangiting sabi ni Zenard at pinanggigilan ang pisnge ko kaya tinampal ko ang kamay niya. Tumawa naman ito.


Ano ba 'yan, nagiging isip bata ako kapag kasama ko 'tong dalawa.


Parihong pariho talaga sila ng mukha. Ang kaibahan lang ay si Zenard may soft features, while si Zynard naman ay ang ruthless ng features niya. Perro hot pa rin silang dalawa at ang gwapo pa


Pinatulog muna nila ako dahil medyo malayo layo pa daw ang byahi namin. Hindi naman ako takot sa dalawang 'to dahil magaan ang loob ko sa kanila at alam kong  mapagkakatiwalaan sila. Nako, subukan lang nila maging gago ngayon, ipapakulam ko talaga sila kay Aling Benny. Mangkukulam sa'min sa probinsiya.



"Baby, wake up."

"Sweetie, we're here, na."

Nagising naman ako dahil sa mga boses at ang mahinang pagyugyog sa balikat ko.

"Nasaan na tayo?" Tanong ko habang nagkukusot pa ng mga mata

"Secret" Sabay na sagot nilang dalawa

Napa ismid nalang ako at inayos ang itsura ko, dahil nagmumukha na akong bruha.

Yuck!

NANG makalabas kami ng kotse ay 'agad sumalubong sa mukha ko ang malamig na simoy ng hangin at ang tunog ng alon.

Alon?

Nawala ang antok ko ng makita kong nasa harapan namin ang dagat.

"Let's go." Aya ni Zynard

Sumunod naman ako sa dalawang Greek god na kasama ko, at nakita kong papunta kami sa mga nakahilerang tent.


Biglang nagningning ang mga mata ko ng makita kong mga seafoods pala 'yong mga binebenta sa may tent. Katulad sa k-drama


Waaahhh!!! Seafood, here I come!

I forgot to tell you guys, na paboreto ko ang mga seafoods. Kahit ata araw-arawin ko 'yon ay 'di ako magsasawa

Nagutom tuloy ako bigla

Nakita naman ng dalawang kambal ang reaksyon ko kaya napangiti sila.

"What do you want, baby?" Malambing na tanong ni Zynard habang nakayuko sa akin.

Ang tangkad kaya nilang dalawa 
Napanguso naman ako.

"Ba't baby at sweetie ang tawag niyo sa akin? My name is Akira, okay?" 'Di ko mapigilang magtanong sa kanila dahil kanina pa 'yan sila sa endearment nila sa akin.

"Eh, kasi ikaw ang baby namin." Nakanguso ring sagot ni Zenard

"Gusto mo wifey tawag namin sayo? It's okay with us. Mas maganda pa nga 'yon eh." Nakangising sabi ni Zynard at gano'n din ang kapatid niya

Nailang tuloy ako. Letche

"Order na tayo, gutom na ako." Pag iiba ko ng usapan

"Na naman?!"Gulat na tanong nilang dalawa at tumawa ng mahina.

Inirapan ko naman sila at humalukipkip

"Bakit? May angal kayo?" Maangas na tanong ko sa kanila.

Kaagad naman silang umiling.

"Wala, sweetie. Eto naman 'di mabiro." Nakangusong sabi ni Zenard at inakbayan ako.

"I'm a food lover, and my favorite is seafood." Kwento ko. Tumango naman ang dalawa.

"Then let us spoil you with food. Let's go" Nakangiting sabi ni Zynard

Tumango naman ako at ngumiti ng pagkalaki-laki. Umangkla ako sa braso niya habang si Zenard naman ay nakaakbay pa rin sa akin.


"Arat na!" Excited na sabi ko na ikinabungisngis nila

Happy pill ata ako ng dalawa

Nag order na kami, at pinili namin 'yong isang buffet na may crabs, tahong, shrimps at iba pa. Ang sarap tuloy mag-vlog, dahil para kaming nagmukbang

Ay, mukbang na talaga hihi.

Masaya lang kaming tatlo na kumakain habang nag kwekwentohan. Marami tuloy akong nalaman tungkol sa kanila, tulad ng food lover din sila kagaya ko, pero 'di lang nila iyon pinapakita sa iba. Sa akin palang daw nila ipinakita. Taray ko diba?

Mainggit kayo, please


Nakalimutan ko tuloy na mga sikat na bilyonaryo sa buong asya ang mga kasama ko. Ang lalakas lumamon katulad ko, 'di nga ako makapaniwala eh. Pero okay lang, para may partner in crime na ako pagdating sa lamonan

*BURP*

"Sorry hihi, busog lang" pagpaumanhin ko nang malakas akong dumighay

Ew, Akira!

Natawa naman sila.

"It's o-

*BURP*

Ako naman 'yong natawa, nang malakas din silang dumighay. Napanguso sila sa'kin at 'di kalaunan ay natawa na rin.

Nang makalabas na kami ay dinamba ko sila ng yakap.

Natigilan naman sila

"Thank you, twins. I enjoyed tonight. Nabusog talaga ako" Makapal na mukhang sabi ko

I heard their low chuckles. 

They hugged me back. Hindi ko naman mapigilang mapapikit. Marami ng nakayakap sa akin, pero sa kanila ako pinaka- komportable at naramdaman kong safe ako sa kanila.

"For you, our Queen," Rinig kong sabi nila.


Napangiti naman ako.


Kumalas naman ako sa pagkakayakap ko sa kanila dahil nakaramdam ako ng pagkailang. And I saw their reddish faces.


Luh, anong nangyare sa dalawang 'to?

"Let's go?" Aya nila. Tumango naman ako dahil inaantok na ako at anong oras na rin.

Nang makapasok na kami sa kotse ay hinilig ko ang aking ulo sa bintana at pinikit ang aking mga mata. Pero bago pa ako hilain ng antok ay narinig ko ang sinabi nila.

"We love you, our agape mou."

Continue Reading

You'll Also Like

266K 10.5K 53
They were a striking pair. Both powerful, intelligent, and incredibly beautiful people- their presence filled the room and left no space for others t...
63.2K 1.9K 36
CARDIGAN━━❝ when you are young, they assume you know nothing ❞ IN WHICH, the two best friends slowly begin to feel things for each other that aren't...
85.1K 11.8K 59
When a mysterious and deadly virus sweeps across Europe, infecting millions, Hailey Rivera is plunged into a world of chaos. In the midst of her conf...
832K 63.7K 36
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...