Remembering Us

By bbmindaysara

1.3K 168 42

A story of two high-school exes who cross paths by chance years later. This time around, Bong is determined t... More

Synopsis
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 15

Kabanata 14

97 10 5
By bbmindaysara

Sara's POV


Dalawang araw...


Dalawang araw akong hindi lumabas ng bahay simula nung bumisita ako sa ospital. Alam ko naman sa sarili ko na may posibilidad nga 'yun dahil ramdam ko namang iba makitungo sa akin si Bongbong kesa kay Robin kahit parehas ko silang naging kaibigan.



Hinahayaan ko lang ang sarili sa ngayon na i-process sa sistema ko ang katotohanan. Sa loob ng dalawang araw na iniisip ko ang mga maaring nangyari ay madalas na sumasakit ang ulo ko dahil sapilitan ko nang inaalala ang mga bagay na ayaw parin ibigay sa akin. 



Bago ako nun tuluyang umalis sa ospital ay nakasalubong ko pa si Robin na nakaupo sa mahabang stainless steel chair na umiinom malapit sa vending machine. 



Ngumiti ako ng pilit sa kanya saka lumapit. Nanatili naman ang tingin niya sakin na tumayo. "Kumusta?"



Tumango ako bilang pahayag na maayos kaming nag-usap. "May tanong ako." Alam kong alam na niya ang itatanong ko, pero nanatili parin sa mukha niya ang pagiging seryoso at kuryoso. 



"Ano yun?"



"Totoo bang naging boyfriend ko si Bongbong?" diretsong tanong ko. Hindi naman nakaligtas sa akin ang pag-iwas niya ng mukha niya at ang pagsilay ng maliit na ngiti sa labi. Napakunot ako ng noo.



He crossed his arms, pilit na pinipigilan ang ngiti. "Nakwento na pala niya sayo?"



"Yun lang ang sinabi."



His face switched from being amused to being confused. Siya naman ang napakunot ng noo ngayon, "Ah, so sinabi niya lang na naging ex mo siya ganon?" 



"Oo. So... totoo ba?"



Tumango-tango siya, "Yes," tugon niya. "Naging kayo for almost 3 years din." dagdag pa niya.  



"Oh..." I sighed. May kwento nga pala talaga sila sa buhay ko. At alam kong may dahilan din kung bakit kami nagkatagpo muli. Malalim ang naging relasyon ko sa kanila. "Eh... Bakit kami naghiwalay?" 



Natahimik naman siya at agad na pinagdiin ang labi, "I'm sorry, Sara, but that's not my story to tell. Mas mabuti pang sa kaniya ka magtanong." 



Tipid lang akong tumango. "Salamat Robin." sabi ko at umalis na. 



Mas lalong dumami ang bumagabag sa akin. Mas maraming tanong ang naglalaro sa isipan ko. Nasaan siya nung mga panahong walang-wala ako? Paano ko mag-isang hinarap ang buhay nang walang kahit sino sa nakaraan ko ang dumamay sa akin? Paano siya nawala sa akin?



Saglit akong pumikit at pilit iniwasan iyon isipin. Kasalukuyan akong nasa balcony ng apartment ngayon at nakatanaw lang sa papalubog na araw habang nakikinig sa napaka-misteryosong musika ng bandang pinagta-trabahuan ko. 



Huminga ako nang malalim at kinuha ang cellphone para mag online sa social media. Nilibang ko ang sarili sa panonood ng videos. Hanggang sa madaanan ko ang mga videos galing sa concert ng TQB nung nakaraan. I tweeted some parts of the song I am currently listening. At nang mai-post ko na ay saka ko lang naalala na hindi na pala ako basta roadie nalang ng isang banda, isa na rin akong palaisipan sa mga tagahanga nila. 



Ngayon na nalaman ko na ang totoo, posibleng malaman na rin ito ng publiko. Halong pangamba at takot ang nararamdaman ko, dahil hindi naman ako kailanman nalagay sa sentro ng atensyon. Mananatili pa kaya ang kapayapaan sa buhay ko? I guess not. 



Sa ilang saglit kong pags-scroll sa social media ay biglang may lumabas sa notification bar... it was a text, from none other than... the man behind my restlessness. 



Bongbong: So... bakit mo pinakikinggan ang musika ng paghahangad?



Ang bilis naman niya. Hindi pa nga lumagpas ng limang minuto mula nang mai-post ko eh. Oh baka kaya, kanina pa 'to online at coincidence lang na agad niya yun nabasa? Eh ilang beses na 'tong sinabihan sa ospital na wag masyado magbabad sa gadget. Talaga ngang sakit sa ulo ang taong ito.



Sara: Bakit? Bawal na ba?



Bongbong: Tinatanong ko lang. Ang sungit. :(



Sara: Wala naman. Trip ko lang pakinggan. 



Bongbong: Aware ka naman di ba kung para kanino ko sinulat ang mga kanta na yun?



Para kanino nga ba? Wala naman siyang binabanggit na panga-- OMG... ako ba? Pero baka may naging iba pa siyang ex. Syempre naman Sara, ang tagal niyo nang tapos. Siguradong mas marami pa siyang naging girlfriend nung sumikat na siya. Hindi ikaw yun.



Sara: Hindi, pake ko dun. 



Bongbong: You're really something else, Miss. It makes me miss you more.



Halos masamid ako sa iniinom ko nang mabasa ang pangalawang linya ng mensahe niya.  Marunong kaya 'tong bumusina? Mahilig talaga 'to manggulat, kaya di na rin ako magtataka kung bakit nagulat ang lahat nung nawala siya nang ilang buwan. 


Sara: ???



Bongbong: Bakit? Bawal na ba?



Umismid ako sa tugon niya. Aba, pilosopo na rin. 



Sara: Bahala ka. Magpagaling ka na lang.



Napapailing na mungkahi ko. 



Bongbong: I don't have my nurse here at home. And also... I really miss your cooking. 



Sara: Puro prito lang po yun. Oily and processed foods, masama sa'yo yun lalo't nagpapagaling ka pa.



Bongbong: And? It's because ikaw nagluluto kaya may gana akong kumain. 



Napanguso ako sa sinabi ito. Lately, hindi ko na talaga napapanindigan ang sariling feelings, para bang ibang tao na ang kumo-kontrol sa katauhan ko. Handa naman akong sabayan siya sa mga banat niya pero hindi ko talaga magawa. 



Sara: Yeah, and napansin ko ngang napaka-picky eater mo.



Bongbong: Wala lang ako laging gana. So, can I ask you to come by tomorrow and cook my breakfast?



Wala talaga siyang pinapalampas. Hanga ako sa confidence nito ha, parang kailan lang halos ayaw ako tignan. Ngayon... ewan, di ko masabi. Porket pog-- nevermind. 



Sandali akong nag-isip kung tama bang pauunlakan ko ang hiling nito. Iniisip ko na nag-iinarte lang ito pero hindi rin talaga maalis sa akin ang pag-aalala lalo pa't hindi na ako nakabisita muli sa kanya since na-discharge siya. Ako lang naman kasi 'tong madrama. 



At isa pa, hindi ko man nasabi direkta sa kanya pero ipinangako ko na mananatili ako sa tabi niya. Hindi man ako sigurado sa totoong dahilan niya pero sinasabi ng kaloob-looban ko na pagbigyan ito. Hindi ko rin ipagkakaila na gusto ko rin siyang tignan lalo na sa mga oras na 'to, dahil hindi pa siya fully recovered.



Sara: Okay. I'll be there early tomorrow. Magpahinga ka na. 


                                                           ***


Kinabukasan, maaga ulit akong pumunta sa condo niya. Gaya ng nakagawian ko, dumiretso muna ako sa kwarto niya at tinaas ang blinds para maanigan ang mukha niya ng sikat ng araw. Mahimbing pa rin ang tulog nito at tulad ng dati, andyan parin sa tabi niya ang mga gamot, parang mas nadagdagan pa nga paglabas niya ng hospital. 



Inayos ko naman ang mga gamit na medyo nagkalat sa paligid niya. Maaga pa naman para gisingin siya. Inayos ko rin ang kumot niya and again, napatigil na naman ako sa maamo niyang mukha.



Lumapit ako nang konti para mas lalo siyang mapagmasdan. I shortly gasped when I realized our faces were just inches away. Kumabog nang malakas ang dibdib ko nang bigla akong nagkaroon ng vision sa nakaraan, hindi klaro pero naaaninag ko ang mukha niya. He looked so young and innocent. Pilit ko pang tinitignan ang paligid pero bigla namang kumirot ang temple ko kaya napalayo ako sa kanya at napahawak sa ulo. 



Huminga ako nang malalim at lumabas na ng kwarto. Hindi ko nalang yun pinansin at nagsimula nang magluto ng almusal namin. Pagkatapos kong ayusin ang mesa ay ginising ko na si Bongbong. He's wearing a simple polo top and jeans. Aalis pala siya. Nabalitaan ko nga palang balik ensayo na sila ulit dahil papalapit na rin ang sunod na konsyerto nila.



Tahimik kaming dalawa na kumakain. Napapansin ko ang pasimpleng mga sulyap niya pero ipinagsawalang bahala ko na lang. At wala rin akong plano, sa ngayon, na sabihin sa kanya na namukhaan ko na siya sa nakaraan ko. Baka tanungin pa ako pano nangyari, eh di ko naman pwedeng sabihing nilapit ko ang mukha ko sa kanya.



"Thank you, Inday... for today." mahinang tugon nito sa gitna ng aming katahimikan. 



Ngumiti ako ng tipid, "Walang anuman. Trabaho ko lang po ito." sabi ko. Tumahimik naman ulit kami. Tama ba yung desisyon kong pumunta dito? Hindi ko na alam ang dapat na maramdaman eh. 



"I know you have a bunch of questions in your head..." aniya. Napatigil naman ako sa pagkain at napatingin sa kanya. Nakuha naman niya agad na interesado akong malaman sa kung anuman ang sasabihin niya. Kaya napaangat ang gilid ng labi niya bago magsalita, "we... occurred off naturally, you and I. It was as if it's a walk in the park."



"Kakantahan mo na ba ako ngayon?" sabi ko naman, parang tunog lyrics na naman kasi ng kanta ang pinagsasabi niya. 



Tumawa siya at napapailing. "Silly. Friends tayo for more than a year nung naging classmates tayo ni Robin. And we started dating... 5th of June when we were second year students." 



"Ang bata pa pala natin nun." 



"Yeah, but you suggested that we should give it a try."



Bahagya akong nagulat, what? Pogi naman pala niya at ako pa talaga nagyaya. 



"Ako ba nanligaw?"



"No. Mutual agreement lang ganon. But looking back, I think you only meant that as a joke but I took it seriously."



"Seryoso ba yan?"



"Yes. Nagulat ka kasi non nung inaya kita ng date two months later. Pakiramdam ko nga sinakyan mo na lang throughout our relationship hanggang ma-in love ka na rin sa akin eventually eh." aniya at ininom ang kape na hinanda ko. He looks amused seeing my confused reaction. "Well, maybe it's because you were too nice back then."



"So... ikaw unang na-in love?" sabi ko at tinaas ang kilay.



Napatingin siya sa mga mata ko, halos tumalon naman ang puso ko nang magtama ang paningin namin. "Oo naman. I won't deny that."



I pouted saka ko iniwas ang tingin at nagpatuloy sa pagkain. Yumuko ako saglit para itago ang ngiti. "Ang landi mo pala." sabi ko. Hanggang ngayon parin naman. 



"I was already infatuated with you way before that." dugtong pa niya. Parang sasabog na ang puso ko sa confessions niya. Di ko inexpect na ganito na siya ngayon ka vulgar sa nararamdaman niya. 



"Can you tell me more? Something nalang from our past." Wala sa isip kong pagtatanong. I slighly pinched my other hand because of it. Halos hindi ko na nga kayanin ang mga impormasyong nalalaman ko, gusto ko pang dagdagan. 



"'Our past.'" pag-ulit niya sa sinabi ko at nilagay ang kamay sa baba niya. He seems entertained kahit siya naman 'tong magkukwento. "Now, you're very interested. Madalas kasi tungkol sa'yo lang ang tinatanong mo, tapos ngayon interesado ka na rin sa nakaraan natin. You're cute." 



Pinagdiin ko ang mga labi ko at inirapan siya. Paano naging cute ang pagiging curious? Nagpatuloy nalang ako sa pagkain habang nagsasalita siya.



"You should know by now that you inspired me to write songs... Bago pa maging tayo, nung best friend pa lang kita. Alam mo ba kung anong unang linya ang nasulat ko about you? It's one from our released song." 



"What?"



"Look at me, Inday." utos niya at bahagyang sumandal sa mesa para mas malapit siya sakin. Napalunok ako at agad na napatingin sa kanya. "Gaano kita kamahal. I composed the line "Ikaw lamang ang aking iibigin magpakailanman" out of my infatuation back then for you. 4 months later after I wrote that at the back of your notebook, you asked me to be your boyfriend."



Para akong natutunaw sa mga titig niya, at parang malalagutan na ako ng hininga pero hindi ako nagpatinag. I asked that one question that kept running inside my head, "Pero... bakit tayo naghiwalay?"



Napansin kong nawala agad ang liwanag sa mukha niya. Dahan-dahan itong umupo nang maayos at napatingin sa plato niya, di ko makuha ang tamang emosyon. "I'll tell you later on."



"Sinaktan... ba kita noon?" mahinang tanong ko. 



Napailing siya at napatingin ulit sa akin, "No, Inday. You'll never be the type to hurt anyone."



"So, sinaktan mo... ako?" tanong ko uli at tinaas ang dalawang kilay, naghihintay sa sagot niya. Napaiwas naman siya ng tingin. 



"No... I will never intentionally do that." mahinang sagot niya. Bakas sa kanya na may gustong sabihin pero hindi masabi-sabi. It's okay. Hindi ko rin muna siya pipilitin. Dadahan-dahanin ko na rin, for my own sanity. "Uhm, let's just say... circumstances made us made our choices. We were young and naive..."



Tumango lang ako. 



From his stories, our love for each other was real, but it unfolded in a world that seemed determined to keep us apart. We were just two teenagers caught in the whirlwind of emotions. And while life may have led us in different directions, the memory of that love serves as a reminder of the intensity and purity of young love, a love that was real but perhaps too fragile for the world we inhabited.



"Let's meet again right after our next concert. I'll tell you something important."


                                         *** 


:)) 


(song is irrelevant (i guess) for this chap, pero 'yan talaga pinapakinggan ko while writing this, so might as well share it with you haha xoxo)

Continue Reading

You'll Also Like

2.2M 115K 64
↳ ❝ [ INSANITY ] ❞ ━ yandere alastor x fem! reader β”• 𝐈𝐧 𝐰𝐑𝐒𝐜𝐑, (y/n) dies and for some strange reason, reincarnates as a ...
459K 16.5K 95
The story is about the little girl who has 7 older brothers, honestly, 7 overprotective brothers!! It's a series by the way!!! πŸ˜‚πŸ’œ my first fanfic...
121K 5.6K 25
Desperate for money to pay off your debts, you sign up for a program that allows you to sell your blood to vampires. At first, everything is fine, an...
870K 40.4K 61
Taehyung is appointed as a personal slave of Jungkook the true blood alpha prince of blue moon kingdom. Taehyung is an omega and the former prince...