What Are The Chances? (Profes...

By sinner_from_south

14.7K 817 371

Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind an... More

Characters
Quadro
Prologue
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chaper 17

Chapter 2

614 42 25
By sinner_from_south

Vaine Fleur

"Good morning, class." bati ni Professor Xanther pagkapasok niya ng classroom na agad din naman naming binati pabalik.

"Index cards, please. We have a recitation today." anunsyo nito na ikinagulat ng lahat at sari-saring mga reklamo ang maririnig.

"Quiet. I told you to study all of your lessons. Kung nag-aral ka, masasagot mo ang tanong ko." sabi nito at kinuha na ang mga index cards saka shinuffle.

Halos lahat ay namumutla at kinakabahan lalong lalo na itong apat na nasa gilid ko.

"Lord, please sana po hindi ako matawag promise mag-aaral na po ako." rinig kong dasal ni Rain sa tabi ko.

"Kinakabahan ako takte." sabi naman ni Storm saka nag-breathing exercise.

"Mga siraulo talaga. Yan kase hindi kayo nag-aaral, kung ano-ano ang inaatupag niyo." tumatawa kong sabi ko sa dalawa.

"Bakit ikaw nag-aral ka? Makapag-salita ka ah." sabi naman ni Rain na nginisihan ko lang.

"Hindi ko na kailangang mag-aral, Ulan. Sa dami natin 1% lang ang chance na matawag ako kaya confident akong---"

"Alvarez, Vaine Fleur." napatigil ako sa pagsasalita nang marinig kong tinawag ang pangalan ko saka gulat na tumingin sa harapan.

Agad na nagtama ang mga mata namin ni Professor Xanther at hindi nakaligtas sa paningin ko ang bahagyang pagtaas ng gilid ng labi nito.

What the---seryoso?! Ako talaga ang una?

Kinakabahan akong tumayo dahil hindi ako nag-aral. Takte naman, ang bilis ng karma ah. Narinig ko pa ang pag-pigil ng tawa ng apat dahil sa pagtawag sa akin kaya sinamaan ko sila ng tingin.

Sana matawag din sila, hindi pwedeng ako lang.

"Alvarez, here's your question." sabi ni Prof. habang nakatingin sa akin.

Ito namang si Professor Xanther hindi pa ako diretsuhin ng tanong. Pa suspense pa eh, lalo tuloy akong kinabahan.

"What is the most commonly involved coronary artery in myocardial infarction?" tanong niya sa akin.

Sus, basic.

"Left anterior descending artery, Ma'am." confident na sagot ko na ikinatango niya saka nilagyan ng score ang index card ko.

Nakahinga naman ako ng maluwag at akmang uupo na nang pigilan ako nito.

"Ah-ah, may sinabi ba akong umupo ka na?" taas ang kilay na tanong niya kaya napakamot ako sa pisngi ko at tumayo ng maayos.

"What is the most common cause of mitral stenosis? Kapag nasagot mo 'to ay may plus points ka kapag hindi ay babawasan ko ang score mo." sabi nito na ikina-awang ng bibig ko.

No fair! Ang daya naman.

"Ma'am, it's Chronic rheumatic valve disease." sagot ko.

"Are you sure?" tanong ulit niya na ikinatango ko.

Shit,mali ba ako?

"You may sit down. Next." sabi nito kaya nakahinga na ako ng maluwag at prenteng umupo.

Jusko, mabuti nalang talaga at may stock knowledge akong baon.

Nagpatuloy ang recitation at marami naman ang mga nakasagot pero marami din ang hindi katulad nalang ni Rain na lutang pa dahil uminom kagabi kaya may hangover.

"Hayop ka, Ulan. Ang dali-dali na nga ng tanong sayo nagkamali ka pa." sermon ni Sunny sakanya.

"Saan ba kami nag-kulang ng pagre-review sayo?" disappointed na sabi ni Storm habang umiiling na nakatingin kay Rain na ngayon ay nakasimangot habang pinapagalitan ng mga kapatid.

"Ang bobo mo, Rain." sabat naman ni Snow kaya gulat na napatingin kaming lahat sakanya.

Minsan lang kasi mag-salita ang isang 'to at hindi namin inaasahan na sasabihan niya si Rain nang ganun.

"HAHAHAHA pucha. Kita mo na, Rain. Sa sobrang tanga mo pati si Snow na sobrang bait at tahimik napasabi mo ng bobo." hagalpak na tawa kong sabi sakanya.

"Hoy, Snow baka nakakalimutan mong mas matanda ako sayo. Kuya mo ako kaya respetuhin mo ako." sabi ni Rain kay Snow.

"Yabang mo, eh minuto lang naman yung pagitan natin." irap naman na sagot ni Snow.

"Ang sasama niyo. Kung makapagsalita kayo parang hindi niyo naranasan yun ah." nakasimangot na reklamo ni Rain.

"Hindi naman talaga." sabay sabay na sagot namin na mas lalong nagpasimangot sakanya.

"Ms. Vaine Alvarez?" sabay-sabay kaming napatingin sa likod nang marinig ko ang pangalan ko.

"Yes?" tanong ko sa babaeng tumawag sa akin.

"Pinapatawag ka ni Professor Xanther sa office niya." sabi nito at umalis na.

"Sibat muna ako, guys. Kitakits nalang sa next subject." paalam ko na tinanguan din naman nila.

Naglakad na ako papunta sa office ni Professor Xanther kahit nagtataka ako kung bakit niya ako pinatawag. Wala din naman akong maalala na kasalanan ko maliban dun sa pagiging late ko nung isang araw.

Pagkarating sa labas ng office niya ay kumatok muna ako at nag-hintay para buksan niya ang pinto. Ilang sandali pa ay agad din naman iyong bumukas at bumungad sa akin ang magandang mukha ng propesora. Saglit pa nga akong natulala dahil ngayon ko lang siya nakitang may suot na salamin.

She looks so hot.

Damn, Vaine. Ano ba yang iniisip mo!

"Are you done battling with yourself?" masungit na tanong ni Professor Xanther at tinaasan ako ng kilay.

"S-sorry po." paumanhin ko at bigla akong nahiya dahil mukha pala akong tanga na nakatayo sa harap niya.

"Come in." sabi nito at nauna na siyang naglakad papunta sa table niya.

"Bakit niyo po pala ako pinatawag?" tanong ko dito nang maka-upo ito sa swivel chair niya.

"We'll be having a pageant next month and we need a representative for the College of Medicine." panimula niya at sinenyasan akong umupo sa bakanteng upuan na nasa harap ng lamesa nito na agad ko namang sinunod.

"Ako po ba?" hindi siguradong tanong ko kasi baka masabihan pa akong assuming.

"What do you think? Ipapatawag ba kita kung hindi ikaw?" masungit na sabi niya.

I mentally rolled my eyes dahil ang sungit niya eh nagtatanong lang naman ako.

"Bakit po ako? Ang dami namang mas maganda kaysa sa akin." pagtanggi ko sa sinabi niya.

"Ikaw na ang napili ng Department kaya wala ka nang magagawa. Your practice will start after your class later." wow desisyon kayo Ma'am ah.

Jusko, mamaya na agad-agad?

"Pwede pong mag decline? Ayoko po talaga." pagmamakaawa ko pa.

Anong alam ko sa pageant na yan, never naman pumasok sa isip kong sumali sa mga ganyan eh, jusko.

"No." diretsong sagot nito. "And don't you dare ditch me, Alvarez. I'll be the one to handle you so be responsible." dagdag pa nito na mas lalong nagpasimangot sa akin.

"Pero hindi ko po kayang pagsabayin yung studies tsaka yung pageant. Hindi po kaya ng oras ko." pamimilit ko pa.

Hindi na ako makakapag-karera pag nagkataon at yun ang ayokong mangyari.

"You can. Don't worry, you'll be exempted if ever na may mga activities and tests na ibibigay yung ibang Professors sa mga araw ng practice mo." sagot naman niya kaya napabuntong hininga ako.

Lahat nalang talaga ng rason ko may sagot siya. Ano ba yan.

"If you have other questions, feel free to ask me. Kung wala na, you may go." sabi ulit nito saka ibinaling ang tingin sa laptop niya.

"Wala na po, mauuna na po ako." paalam ko saka tumayo na tinanguan lang din naman niya.

"Pageant amputa, kung basagan sana ng mukha papalagan ko pa." inis na bulong ko sa sarili nang makalabas na ng office.

Pagkarating ko sa classroom ay nakasimangot akong umupo at diretsong inihiga ang ulo ko sa lamesa.

"Huy, Vaine. Anyare?" rinig kong tanong ni Rain pero hindi ko siya sinagot.

Anong alam ko sa pesteng pageant na yan? Eh mas lalaki pa nga ako kung gumalaw kaysa sa mga totoong lalaki jan eh.

Nagsimula na ang klase pero ang isip ko ay lutang pa rin dahil sa sinabi ni Professor Xanther. Wala din ako sa mood kahit kanina pa ako kinakausap ng apat pero puro tango lang ang sagot ko.

"Tara dinner tayo, libre ko." yaya ni Sunny pagkatapos ng klase namin.

"Yun oh, tara! Gutom na din ako eh." masayang sagot naman ni Storm habang hawak-hawak ang tiyan.

"Pass. May pupuntahan ako." sagot ko na ikinakunot ng noo nila.

"Saan? Himala ata, eh hindi ka umaatras sa libre ah." tanong naman ni Rain.

"Kay Professor Xanther. May practice ako." simangot na sagot ko.

"Ha? Practice saan?" nagtatakang tanong ni Sunny.

"Pageant. Ako daw representative natin. Tangina talaga." buntong hiningang sagot ko na ikinalaglag ng panga ng apat.

"Seryoso?" gulat na tanong ni Rain.

"Damn, I'm excited to see you wearing a gown." tumatawang sabi ni Sunny na mas lalong nagpasama ng timpla ng mukha ko.

"Kami ang number 1 supporter mo, Vaine. Magpapagawa talaga ako ng malaking tarpaulin." sabat naman ni Storm.

"Heh! Tumigil nga kayo. Ayoko naman sana talaga kaso wala na akong magagawa masyadong pala-desisyon yung Department natin." sagot ko sakanila.

"Go na, Vaine. Experience din yan, it's okay to go out of your comfort zone. We're here to support you, always." kalmadong sabi ni Snow habang nakatingin ng seryoso sa akin.

Mabuti pa 'tong si Snow, ang ganda kausap kaysa sa tatlo.

"Thank you, Snow." sagot ko at bahagyang ngumiti sakanya.

"Ehem, tama na ang titigan. Tara na at lumabas." pagputol ni Sunny at nauna nang lumabas ng classroom.

Agad kaming nag-paalam sa isa't isa at saka ako dumiretso sa office ni Professor Xanther.

"So, do you have any experience? Sumali ka na ba dati sa mga pageants?" tanong ni Prof. saakin.

"Wala po, first time ko po." sagot ko sakanya.

Hindi ito sumagot at tinitigan lang ako nito mula ulo hanggang paa saka pumunta sa likod ko. Ramdam ko pa rin ang mga titig nito na parang sinusuri ang kabuuan ko.

"Okay. Let's start with the basic pageant pasarela routine. Since it's your first time, you need to practice first your walk and how you carry yourself on stage." panimula nito.

"We'll start first on your 360 turn. Do it like this." sabi nito saka ipinakita sa akin ang ibig niyang sabihin.

Nagsimula na itong rumampa habang ako naman ay tulala lang habang nakatingin sakanya. She's so good. The way her body moves so swiftly, just damn.

"Next is, the one leg extension and the cross-step pose." dagdag nito saka ipinakita saakin ang mga sinasabi niya.

I can say that she has experience when it comes to this. No wonder, siya ang magha-handle sa akin.

"Are you listening?" tanong nito nang mapansing nakatulala lang akong nakatingin sakanya.

Agad naman akong nahimasmasan at sunod-sunod na tumango sakanya.

"Your turn." sabi nito sa akin kaya pumunta ako sa tabi niya at sinubukang gawin yung ginawa niya kanina.

"You're so stiff, just relax. Let your hands follow the movement of your body." sabi nito saka pumunta sa likod ko.

Napasinghap ako nang hawakan ako nito sa bewang. Nagdulot iyon ng libo-libong boltahe sa buo kong katawan.

Fvck, what the hell is happening to me?

"Walk again." utos nito sa akin habang nakahawak pa rin siya sa bewang ko.

Agad ko namang sinunod ang sinabi niya. Naramdaman kong sa tuwing maglalakad ako ay isinasabay nito ang bewang ko dahilan para umangat ang bawat gilid ng bewang ko sa tuwing hinahakbang ko ang mga paa ko. Paulit-ulit naming ginawa iyon hanggang sa nasanay na ang katawan ko.

"Do it one more time without me touching your waist." sabi nito na ikinatango ko.

Rumampa ulit ako at napansin kong medyo nagbago na din ang lakad ko. Hindi na katulad kanina na medyo matigas at nahihirapan akong dalhin, ngayon ay medyo magaan na at nasasanay na ako sa lakad ko.

"That's it for today. You may take a rest for a while then you can go." sabi nito nang ma satisfy na siya sa galaw ko.

"Okay na po ba yun?" hinihingal na tanong ko saka umupo sa couch na nasa gilid.

"Not bad. Basic palang yun, you need to have a lot of practice pa." sagot niya saka lumapit sa mini ref niya at kumuha ng dalawang bottled water.

Jusko, basic palang yun pero parang mamamatay na ako sa pagod.

Napatingin ako kay Ma'am nang lumapit ito sa akin at saka niya binuksan ang bote ng tubig at ibinigay sa akin.

"Thank you po." pagpapasalamat ko at agad na nilagok ang iyondahil kanina pa talaga ako nauuhaw.

Nagpahinga lang ako ng ilang minuto saka ko napagdesisyunang umalis na.

"Aalis na po ako." paalam ko kay Professoer Xznther. "Thank you po sa pagturo, marami po akong natutunan." dagdag ko pa at isinukbit na ang bag ko sa likod ko.

Binigyan lang ako nito ng isang tango at hindi na nagsalita.

Well, I'm not gonna lie. I had fun.

Continue Reading

You'll Also Like

14M 78.2K 9
Book Cover Credit- @badbitty10 Book one to the Romano's Crime Organization Series. (18+) In which a rookie detective, Diamond Lee, ends up in the wr...
167K 3.7K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
7.8K 330 12
Aeros, a gangster who fell in love for the first time and ready to change just for the woman he loves. "Dos" was surrounded by rules that could prev...
33.9K 2.3K 19
Based from a Star Cinema movie "Can't help falling in love" starring KathNiel comes another RaStro adaptation