Surrender

By sweet_aria

5.9M 124K 7.1K

Challenges, pains, heartbreaks. These are inescapable things that every person would experience in reality. S... More

Surrender
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 7

122K 2.2K 66
By sweet_aria

Chapter 7

"Grabe, lagi sigurong ubos ang tinda niyo ni Nanay, Millie." Nakangiting sambit ng bestfriend ko. Nakahilig na naman siya sa aking balikat habang kumakain ng dinala ko.

"You brought peanuts for Phoenix too, Millie?" Tanong ni Geneva. Dumampot din siya ng mani na nasa desk ni Monica.

"Tawang-tawa talaga ako kahapon. God, Phoenix is hot but it's still Hiro that I like." Kinagat ni Cassia ang labi. "Inggit na inggit yung ibang girls na nakakita nang ginawa ni Phoenix. Gusto daw niyang matikman ang mani mo, Millie!" Humagalpak siya ng tawa.

Nag-init ang magkabila kong pisngi. Si Monica ay humahagikgik na din sa balikat ko. Kahapon ay sobra akong nag-loading sa sinabi ni Dela Vega. Pero nagets ko din kaya pakiramdam ko ay pahiyang-pahiya ako kahapon!

"Hindi ako nagdala para sa kanya. Ke-bago-bago ang hambog. Ang bastos pa ng tabas ng dila!" Dumampot na din ako ng mani.

"Relax, Millie." Umalis sa pagkakahilig sa akin si Monica.

Kusang dumapo ang mga mata namin sa pinto nang umingay ang room. Paparating na ang mga Dela Vega!

"Tamiya's a real spoiled brat!" Seryosong sabi ni Hiro habang naglalakad papasok. "Inaway na naman si Jemimah at Camilla."

"We should understand her, Hiro. Tita Maureen and Tito Henry are not here." Ani Phoenix at tumingin sa gawi namin. Nagtama ang aming mga mata.

Napakagat ako sa labi. Hindi ko alam kung bakit siya nakatingin sa akin.

"Jemimah can handle herself. Camilla too. Don't worry about them. Talagang maldita lang ang babaeng iyon." Hindi niya pa din inaalis ang tingin sa akin.

Umupo sila sa upuan sa aming harapan. Bumaling sa amin si Hiro at Conrad. Si Phoenix ay malaki na ang ngisi.

"'Yan na ba ang mani mo, binibini?" Turo niya sa mga maning nasa desk ko na. Inilipat ata ni Monica kanina. "Give it to me."

Napapikit ako nang marinig ko ang tawanan ng mga pinsan niya. Nakisali din ang mga kaibigan ko.

"P, watch your words. Iba ang naiisip ng iba sa tuwing nagsasalita ka nang ganyan!" Halakhak ni Hiro.

"Gago ka talaga Phoenix. 'Wag mong ganyanin si Millicent." Umiling si Conrad. "You're embarrassing her."

"I'm not embarrassing her. You know how much I love peanuts." Ngumisi siya at tumayo. Pakiramdam ko ay napigil ko ang hininga sa paglapit niya sa akin. Nasa harapan ko na siya. "You're red again, binibini."

Iniwas ko ang tingin.

"Is this for me?" Tanong niya at ang maliit na food container ay iwinagayway sa harap ko. "Thank you."

Hindi na lang ako nagsalita. Umalis siya sa harap ko at walang pakundangan na linantakan ang dinala ko para kina Monica. Pinigil ko ang inis na nagsisimulang bumalot sa akin.

"Are we gonna watch Nigel today, Millie? May practice daw si Nigel ng table tennis." Sabi ni Geneva.

"Wag na lang. Kailangan ko kasing umuwi nang maaga mamaya. Magpapaturo daw si Nymph sa akin sa project niya sa science eh." Nanghihinayang ako dahil hindi ko na naman mapapanuod ang pagpapakitang gilas at pagpapatumba sa mga kalaban niya sa table tennis. He's great at the said sport.

Bumuntong-hininga si Monica sa tabi ko. Si Cassia naman ay hawak ang camera ni Monica at patagong kinukuhanan ng picture si Hiro. Napailing ako.

"Don't worry, may ibang araw pa naman." Sabi ni Geneva.

Tumango na lang ako. Iginala ko ang mga mata dahil wala pang pumapasok na teacher. Naramdaman ko na may nakatitig sa akin.

Kumunot ang aking noo nang makitang si Dela Vega na naman ito! Kausap niya ang mga pinsan.

"Who's Nigel?" Tanong niya kay Hiro.

Ewan ko kung bakit nasali ang pangalan ni Nigel sa usapan nila.

"Nigel Arroyo. Dating section two. Section one na ngayon." Kumunot ang noo ni Hiro. "Why did you ask, P?"

Namangha ako sa narinig. Kinalbit ako ni Monica. Tumingin ako sa kanya. Matamis niya akong nginitian.

"Did you hear that, Millie?" Tanong niya. "Sinasabi ko na nga ba! Kaya wala si Nigel kahapon! Nadinig ko kasi sa mga former classmates niya na section one na nga daw ang crush mo! God, he's our classmate now!" Nawala ang pagiging mahinhin ng bestfriend ko.

"Seriously?" Tanong ni Cassia na napalingon na din sa amin.

Akala ko'y hindi na naman niya papakawalan sa titig niya si Hiro!

"He's here!" Ani Geneva.

Napatingin kami sa itinuturo ni Geneva. Papasok na si Nigel dito sa room. Napaayos ako sa kinauupuan.

Hindi pa nga ako makapaniwala sa sinabi nilang section one na si Nigel ngunit heto't pinatunayan na niya agad!

Pinanggigilan ako ni Cassia nang gumala ang mga mata ni Nigel. "Shit, it's true, Millie! Ayan na ang gwapo mong crush!"

Hindi ko alam kung paano ako nakasurvive sa araw na iyon. Hindi nga ako nakapanood ng practice ni Nigel pero nabuo naman ang araw ko dahil kaklase na pala namin siya!

Pauwi na kami ay panay pa din ang tukso sa akin ng tatlo.

"I'll request sa adviser natin na lapit si Millie at Nigel." Sabi ni Cassia.

"Don't do that, Cassia. I want my best friend to be my seatmate. Kung kailan fourth year na tayo tsaka pa kami maghihiwalay ng upuan?" Nakangusong sabi ni Monica.

Napangiti ako dahil sa inasta niya. Ipinulupot ko ang kamay sa kanyang braso dahilan para mapatingin siya sa akin.

Selosa si Monica. Kahit na alam niyang crush na crush ko si Nigel at gusto niya ito para sa akin ay gusto niyang kami pa din ang magkatabi.

Dumaan ang mga araw. Naging busy na sa school dahil regular classes na. Hindi ko inaasahan na bigla akong magkaroon ng pagkakataon na makausap si Nigel.

"Do you have paper, Millicent? Naiwan ko kasi ang papel ko sa bahay kagabi. Pati ang essay na pinagawa ni Ma'am ay naiwan ko." Nginitian niya ako.

Ilang segundo yata akong hindi nakakilos. Nasa harap ko siya at nanghihingi ng papel! Hindi ako makapaniwala. Idagdag pa ang katotohanang kilala niya ako!

Halos manggigil ako sa bestfriend ko na tahimik lang. Kinagat ko nang mariin ang labi.

Binigyan ko naman siya ng papel dahil hindi ko na kayang tagalan pa ang ngiti niya. Baka mamaya ay mangisay na lang ako sa kilig!

"Ways of pathetic asshole huh?" Si Phoenix ang nagsalita.

Sa nakaraang mga araw ay naging aware na ako sa kanyang boses. Maingay kasi siya. Para bang walang oras na hindi niya kayang patikumin ang sariling bibig. Araw-araw ay naririnig kong nag-uusap sila ng mga pinsan niya. Madalas ay tungkol sa mga babae.

Tumingin ako sa kanya. Kumunot ang aking noo dahil nakaigting ang kanyang panga. Nakatingin siya kay Nigel. Bigla na lang siyang bumaling sa akin kaya napadiretso ako ng upo.

Tumayo siya at lumapit sa akin. "May I borrow your pen?" Aniya sa matigas na boses. "Ipangsasaksak ko lang sa bumbunan ng mga papansing lalaking hindi naman gwapo!" Tumingin siya sa ballpen kong nabili ko lang ng anim na piso.

"Ah..." Lumunok ako. "Kailangan mo ba talaga?"

"You heard me. I need your pen." Inilapit niya ang kamay sa kamay ko. Hinawakan niya ito kasama na ang ballpen.

Tumikhim ako at dahan-dahang inilayo ang kamay sa kanya. Pilit akong ngumiti. "Sige, iyo na 'yan. Pagpasensyahan mo na at hindi 'yan katulad ng ballpen na binibili niyo." Iniwas ko ang aking tingin.

"Price isn't important." Naglakad siya pabalik sa upuan. "But this thing is important. Because it's yours, binibini." Nilingon niya ako. Ngumisi siya.

"Goodness!" Mahinang tili ni Cassia. Nakatingin siya kay Phoenix. "May gusto ba sayo si Phoenix, Millie?"

Umiling ako. Ngumiwi ako dahil sa tanong ni Cassia. Nanghiram lang naman ng ballpen 'yung tao.

Kakaunti na ang mga estudyante at nakauwi na din ang mga kaibigan ko. Kinailangan ko kasing pumunta pa sa library para magresearch tungkol sa assignment namin sa isang subject. Wala naman akong computer katulad ng mga kaibigan ko kaya nagpaiwan ako.

"It's raining men! Halleluiah, it's raining men! Amen!" Kanta ng isang babae na nakahilig sa pader.

Natawa ako dahil sa babae. Maganda siya at maputi. Mahaba ang buhok at nakatitig sa grupo ng mga lalaking nakapayong. Kumunot ang aking noo nang makitang ang mga Dela Vega ito.

Umuulan kasi kaya hindi ako makauwi. Mag si-six thirty na pa naman kaya hindi ko mapigilan ang kabahan. Tiyak kasi na wala pang kasama si Nymph sa bahay. Baka nagtitinda pa ang nanay sa palengke. Mamaya ay magtitinda kami ng nilagang mani pati na rin iyong hubad at may saplot.

Napailing ako dahil sa tawag sa mga mani na itinitinda namin. Iyon kasi ang tawag ng matatanda at maging ng mga bumibili.

"Wala kang sundo?" Tanong ng lalaki na biglang tumabi sa akin.

Para akong naitulos sa kinatatayuan dahil sa boses na iyon. Hindi nga ako nagkamali nang makita ko si Nigel na may dalang kulay itim na payong. Sukbit niya ang bag at nakasuot siya ng uniporme niya ng table tennis.

Nginitian niya ako. "Thank you nga pala kanina dahil binigyan mo ako ng papel."

Ngumiti din ako. Sobra-sobra ang kabang nararamdaman ko. Pangalawang beses pa lang na kinausap niya ako. Pero para na akong kinikiliti sa buong katawan dahil sa kilig na aking nararamdaman.

"Wala bang susundo sa iyo Millicent?" Muli niyang tanong.

"W-wala eh..." Kinagat ko ang labi dahil sa pagkautal. "Wala din akong payong. Naiwan ko sa bahay kanina bago pumasok."

Nagulat ako nang bigla niya akong akbayan. Binuksan niya ang kanyang payong. Dahil matangkad siya ay talagang tiningala ko pa siya. Tumungo siya para tignan ako.

"Don't stare at me like that." Ngumiti ulit siya. Umiling-iling at bigla na lang akong inakay sa parking lot.

Bumilis ang tibok ng aking puso. Hindi ko maintindihan kung bakit. Pinilit kong pakalmahin ang sarili.

Binuksan niya ang pinto ng backseat. Itutulak na niya dapat ako papasok pero umiling ako.

"Dito na lang ako, Nigel." Lalakad na sana ako sa shed na malapit lang para sumilong pero agad niya akong piniit.

Napatingin ako sa magaganda niyang mga mata. Nakakunot ang noo niya at nakaigting ang kanyang panga.

"It's already late, Millicent." Matigas ang kanyang boses.

Pinilit niya akong papasukin at wala na akong nagawa. Naisip ko na naman din kasi si Nymph.

"I won't let you go home with your own." Sumakay na din siya. Tumingin siya sa kanyang driver. "Ihatid muna natin itong kaibigan ko sa bahay nila."

Itinuro ko sa kanila ang daan papunta sa amin. Tahimik lang ako habang nasa byahe. Hindi ako mapakali dahil ang mga basa naming braso ay magkadikit na samantalang malaki naman ang space.

"Goodnight, Millicent." Ani Nigel pagkababa ko. Ang kanyang ngiti ay lumarawan na naman. "See you tom." Kumaway siya.

Doon nagsimula ang pagkakaibigan namin ni Nigel. Ilang beses niya akong naihatid pero masasabi kong wala namang something sa amin. Ako lang yata talaga ang meron sa kanya.

Ipinagtaka ko na lang nang dumaan ako sa isang room kung saan may narinig akong umiiyak na babae.

"Why? Why are you breaking up with me? Dahil ba sa babaeng 'yon ha, Nigel?"

Nanlaki ang aking mga mata. Agad akong nagtago. Aalis na sana ako pero napigil ako ng pagsasalita ni Nigel.

"We're done before I knew her, Lindsay! Please, don't make it hard for me. Matagal na tayong tapos!" Sigaw ni Nigel.

"No, Nigel! Sabi mo ay maayos pa natin ito diba? I came back here for you!" Pasigaw na sabi ng babae.

"Hindi ko sinabing bumalik ka dito! All I want now is you to go back to America! Nag-aaral ka pa, pagkatapos ay sinasabi mong hindi ka na babalik doon dahil sa akin? Are you out of your mind?" Naghihirap na sabi ni Nigel.

Napailing ako. Hindi ko alam kung ano at kung sino ang pinag-uusapan nila. Tumalikod ako at muntik na akong mapatalon nang makita ko si Phoenix.

Titig na titig siya sa akin at seryoso ang kanyang mukha.

"Eavesdropping, Millicent?" Tanong niya. Nakaigting din ang panga sa hindi ko malamang dahilan. "Come on, it's getting late. Baka abutin ka pa ng ulan."

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Kaya kong umuwi mag-isa Phoenix." Sabi ko at nilagpasan siya.

Bigla niya akong hinawakan sa braso. Tumingin ako sa kanya at napatingin din sa kamay niyang nakahawak sa akin.

"I know you like Nigel, Millicent." Pag-iiba niya sa usapan. Seryoso din ang kanyang boses.

Hindi ako nakapagsalita.

Bigla na lamang niya akong nahigit palayo sa room na iyon. Hindi ako nakaangal dahil sa gulat ko sa kanyang sinabi. Ang akala ko ay ang mga kaibigan ko lamang ang nakakaalam. Hindi ko alam na may iba pa pala!

"You're too obvious." Palabas na kami ng building. Binitawan niya ang braso ko at sumandal siya sa pader.

Bumuhos ang ulan. Napapikit ako. Paano na naman ako makakauwi nito? Wala na pa naman akong pamasahe pauwi dahil ibinayad ko kanina sa ambagan sa isang project ang baon ko.

"Wala... wala akong gusto kay Nigel, Phoenix." Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Hindi ko nga alam kung bakit ko siya kinakausap.

"Really?" Nanunuya ang kanyang boses. "Kung wala ka ngang gusto, sumabay ka sa akin sa lunch bukas. My treat."

Nanlaki ang aking mga mata. Bumaling ako sa kanya. Nakita ko ang naglalarong ngisi sa kanyang labi. Nakatitig siya sa akin.

"A-ano?" Tanong ko sa kanya.

"We'll be eating tom. Just the two of us." Namulsa siya. "No other Dela Vegas, no Imperials and Montealegre."

Lumayo ako sa kanya. Nagugulat sa kanyang pinagsasabi. Kailan lang ay kalandian niya iyong Tarryn Ferreira dahil nadinig kong kabebreak lang nila noong nababalitang girlfriend niya na si Zitti Zapanta. Iyong babaeng cheer leader na nasa third section! Heterogeneous kasi ang sectioning dito sa school namin kaya halu-halo ang mga matatalino at hindi.

Ang alam ko ay matalino iyong si Zitti dahil madami sa mga kaklase kong lalaki ang pinag-uusapan siya.

"What?" Tanong ko ulit.

Bumuntong-hininga siya. "Am I gonna repeat it really?" Sumimangot ang kanyang mukha.

Ilang sandali ko pa siyang tinitigan. Mas lalong lumakas ang ulan kaya hindi na naman ako nilubayan ng kaba. Inaalala ko na naman ang kapatid ko.

"Hindi... hindi kasi ako sumasabay sa iba kapag lunch, Phoenix." Lumunok ako. "I'm sorry but I need to go." Tinalikuran ko siya. Pasugod na ako sa malakas na ulan nang bigla niyang haltakin ang aking braso.

Nanlaki ang aking mga mata nang tumama ako sa kanyang dibdib. Iniangat ko ang tingin sa kanya. Nakaigting ang kanyang panga pero may kung ano sa kanyang mga mata na hindi ko mawari.

Pinisil niya ang ilong at kinagat nang mariin ang labi. Napapikit siya.

Hindi ko maintindihan ang ikinikilos niya. Magsasalita na sana ako para sabihing pakawalan niya ako pero may biglang tumawag sa akin.

"Millicent?" It's Nigel. "Are we going home? Tapos ka na magresearch?"

Napatingin ako kay Nigel na nakakunot ang noo. Nakatingin siya sa braso ko na hawak ni Phoenix. Nang lingunin ko si Phoenix ay seryoso ang kanyang mukha. Pero nang makitang nakatitig ako ay bigla na lang siyang ngumisi. Ngunit hindi ito katulad ng ngisi niyang laging nanunuya.

Binitawanan niya ako at tumalikod.

Nakatingin lang ako sa kanya na naglakad palayo.

"Millicent..."

Nilingon ko si Nigel. Nginitian ko siya. "Okay... lang ba na ihatid mo ako? Baka nakakaabala na ako Nigel. Kaya ko namang umuwi-"

"Ihahatid kita." Putol niya sa akin.

Para na siyang nakayakap sa akin habang magkasukob kami sa kanyang payong wag lang akong mabasa. Meron naman akong payong sa bag pero hindi ko na ito nagawang kuhanin nang hatakin niya ako papuntang parking lot.

Nang makasakay kami ay namataan ko si Phoenix na kasukob ang kanyang kapatid na babae sa payong, si Jemimah Dela Vega. First year high school pa lamang ang kanyang kapatid. Naikwento lang din sa akin nila Monica.

Nakapasok na ang kapatid ni Phoenix pero siya ay nasa labas pa din.

Bigla siyang tumingin sa kotse kung saan ako nakasakay. Hindi sila ganoong kalayo kaya kitang-kita ko ang seryoso niyang mukha. Hanggang sa paandarin na ng driver nila Nigel ang sasakyan at nawala na siya sa aking paningin.

Continue Reading

You'll Also Like

123K 8.1K 25
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
Mío By Yiling Laozu

General Fiction

101K 2.7K 44
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]
8.3K 87 1
Perseus Samael Suarez -- VIP Start: November 27, 2023
90.3K 4K 39
(Monteciara Series 2: Claudine Leighrah Monteciara) "Why is it so easy to fall in love and yet so hard to be loved back?" *** Claudine Leighrah Monte...