Destined To Love (Short Story)

By superJOem

497 48 34

COMPLETED | ROMANCE | I'm going to fight coz I know, I'm destined to love this bad boy. More

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Epilogue

Kabanata 5

44 5 5
By superJOem

•••

Nilapag ko na yung kape sa center table. Pagkatapos umupo ako sa sofa. At siya naman mataman lang na nakatingin sa akin. What's wrong with this man? Balak niya ba akong tunawin?

"Wrong timing ka Levi. Wala dito sila Kuya. May practice ata ng basketball." Sabi ko nalang kasi sobrang tahimik na talaga.

Tinignan niya yung kape.

"Wag kang mag-alala, walang sili yan. Safe yan."

Natawa siya sa sinabi ko. Aminin ko man o hindi mamiss ko ang lalaking ito. Ang tanging lalaking nakapag-papabilis ng tibok ng puso ko.

Kahit apat na taon na siya parin pala..

Akala ko nawala na ang pagmamahal ko sa lalaking ito pero, nakatulog lang ata siya. Natulog ng apat na taon sa puso ko pero kelan man hindi nawala. Pakshet.

"Anong iniisip mo?"

"Huh? Ano nga ulit yung sabi mo?"

"Nothing important. Uhm, I better get going. Mauna na ako." Sabi niya at umalis na.

Sana makalimutan na kita Levi...

Ang hirap mo kasing mahalin e.

•••

Kanina pa ako nag-aantay sa napag-usapang restaurant. Ngayon na kasi yun. Nasaan na ba si Bryle?

Putcha. Pag-antayin daw ba ako?

"Pasensya ka na a. Nag-antay ka ba ng matagal?"

Napatingin ako sa nagsalita. Si Bryle na ba yan?

"Huh? Naku, hindi. Hindi. Actually nga kakarating ko lang. Hihihi."

Umupo na siya may tapat kong upuan. "What do you what to eat?" Tanong niya. Ang gentleman naman pala niya! Impressed na ako a! Hihihi.

"Anything would do. Thanks."

Ngumiti nalang siya at umorder na ng pagkain namin. Nang maka-order na kami, nagsalita siya.

"You look gorgeous.." Komento niya habang nakatingin sa akin. Pero bakit ganun? Hindi ko nararamdaman yung nararamdaman ko kay Levi?

Ganun ba talaga kapag, siya lang?

Siguro nga. Nginitian ko nalang siya.

"Thank you.."

Nagsimula na kaming kumain. Habang kumakain, napansin ko na tingin siya ng tingin dun may likod kong table.

Pasimple naman ako ng tingin dun. May maganda ngang babae dun. Sabi ko na nga ba e. Nakakainggit tuloy. Type ba siya ni Bryle?

"What shampoo you're using?"

Napatingin ako sa nagsalita. Si Bryle. Bakit naman niya tinatanong?

"Uhm, bakit mo naman natanong?"

"Na amoy ko kasi. Ang bango. That's why I asked." Nakangiti niyang sabi.

"Oh, I'm using *** shampoo. Hehehe." Alanganin kong sabi.

Tapos nagkwentuhan pa kami. Tungkol sa business ganun sa mga ginagawa namin sa buhay. Mga tipikal na pinag-uusapan sa isang date.

Pero hindi ko talaga mawalang bahala, lagi siyang tumitingin dun sa likod namin na table!

Tiningnan ko nalang ulit yung likod namin na table. Pero, wala naman dun yung babae kanina e! Lalaki yung nandun!

Tiningnan ko si Bryle, tapos dun sa lalaki sa likod. Uwaaah! So, ibig sabihin yung tinitignan ni Bryle kanina pa sa likod ko ay yung lalaking iyon?

Oh noes!

Hindi kaya..

"Bryle... are you gay?" Alanganing tanong ko sa kanya.

•••

Kung kanina medyo awkward kami ni Bryle, ngayon hindi na! Aba't parehas pala kami! Parehas kaming pusong babae! Huehue! \(^•^)/

Oo, umamin na siya sakin. Isa daw siyang sirena! Hahaha. Seryoso ako. Kahit sobrang gwapo ni Bryle, beki daw siya.

Kaya nga kanina pa ako nagtataka kasi tinanong niya kung anong gamit ko shampoo! Sabi ko na nga ba't insecure siya sa akin e. Tss.

Well anyway, sinabi niya sa akin na hindi alam ng parents niya ang pigiging kabilang niya sa LGBT Community. Napilitan lang din siya sa pakikipag-date niya sa akin.

Pero ganun pa man, natutuwa ako kasi may kaibigan na akong judey! Haha.

"Oy sis! Pakilala mo naman ako sa brother mo! Balita ko, Zach ang pangalan niya!" Malanding sabi ni Bryle. Minsan naiilang parin ako. Hindi kasi ako makapaniwalang judey siya! Hello? Sige nga, naka polo siya at ang gwapo gwapo tapos judey? Kaloka diba?

"Ah oo. Kaya lang suplado yun e." Sabi ko kay Bryle.

"Okay lang hehe. May bago namang dumarating na fafabol. Tingnan mo girl! Papunta ata sa table natin."

Napatangin naman ako sa sinasabi ni Bryle. At hindi nga siya nagkamali may paparating nga sa table namin!

Anak ng pupu! Anong ginagawa niya dito?!

"Levi?" Hindi makapaniwalang sabi ko.

Tumingin lang siya sa akin at tsaka kay Bryle. Ang sama ng tingin niya kay Bryle.

Pagkatapos hinila niya ako at inilabas ng restaurant.

"Hoy! Ano bang problema mo at bigla ka nalang susulpot at manghihila? Naka-drugs ka ba?"

Sigaw ko sa kanya. Bubuka na yung bibig niya nang may magsalita.

"May problema ba Claire?" Napalingon ako sa nagsalita. Si Bryle. At ang gaga, balik sa pagkalalaki ang boses!

"Ah, wala. Uhm ano.. Tara balik na tayo sa loob?" Sabi ko kay Bryle at babalik na sana sa loob nang biglang akong napatigil.

Hawak kasi ni Levi ang kamay ko.

"Hindi na siya babalik doon. Sasama na kasi siya sa akin." Madiin na sabi ni Levi. Habang masamang nakatingin kay Bryle.

"Ganun ba? Sige, bye Claire! Tatawag nalang ako!" Sabi ni Bryle sabay kindat at umalis na. Alam ko naman ibig sabihin ng kindat niya. Haha. Napangiti ako.

"Kinilig ka naman?"

Napatingin ako kay Levi. Anong kinilig? Kadiri a! Haha. Hindi kasi niya alam e. Sabagay kahit ako naman e. Iisipin ko talagang nagpapa-cute si Bryle sa akin. Pero kasi judey yun! Haha.

"Pakialam mo naman? Teka nga? Bakit ka ba nandito? Hindi mo ba alam na inistorbo mo ang date namin?" Nakapamewang na sabi ko sa kanya.

Sumandal lang siya sa kotse niya ako yumuko. Tingnan mo lang ito. Ang bastos lang. Tss.

"Maka-alis na nga. Tsk." Sabi ko at tinalikuran na siya. Pero gaya kanina, maagap niya akong pinigilan.

"I said, sasama ka sa akin." Sabi niya.

Napakunot ako noo ko sa sinabi niya. "And what made you think na sasama ako sa'yo huh?"

"Because Zach told me to do so." Sabi niya na napahawak sa bandang noo niya. Anong problema nito?

Wala sa loob na napahawak ako sa noo niya. Gosh! Ang init niya! Literally! Alam kong hot si Levi pero basta ang init niya! May lagnat ata siya.

"May lagnat ka. Ang init mo. Tara na nga." Sabi ko at inakay na siya papasok sa kotse.

"It's nothing. There's nothing to worry.."

Hindi ko na siya pinakinggan at inakay na siya papasok sa kotse niya. At ako na rin ang nag-drive.

•••

Eto kami ngayon sa condo ni Levi. Oo may condo na ang loko. Dati wala pa. Tapos ngayon meron na? Sosyal.

Napatingin ako kay Levi na nakahiga sa kama niya at medyo na papa-ungol. Ang taas siguro ng lagnat niya! Anong kailangan kong gawin? Dahil ko kaya sa ospital?

Anong gagawin ko?

Sa pagkataranta ko tinawagan ko si Insan. Sa ilang ring palang sinagot na niya.

"Oh anong prob--"

"Insan! Ano bang dapat gawin sa taong may lagnat? Tumawag ng doktor? Tumawag ng albularyo? Ng pulis? Ng dentista? Ng imbalsamador? Ano?"

"Teka chill ka lang! Lagnat lang naman pala e! Walang namamatay sa lagnat! At anong imbalsador? Tss. Pfft. Tanga!"

"Oo na! Ano ngang kailangang gawin? Bilis sabihin mo na kasi!"

"Hubaran mo tapos punasan mo yung buong katawan ng bimpo. Tapos pakainin mo ng mainit na sopas o kaya lugaw tapos painumin mo ng gamot. Tapos ang usapan. Teka sino ba yang may lagnat na yan? Mukhang alalang alala--"

"H-huwag mo nang tanungin insan. Sige na bye."

May iba pa sana siyang sasabihin pero binaba ko na yung phone ko.

A-anong sabi niya? H-hubaran? Uwaaah! So panic inside! Paano ko naman gagawin yun? I'm doomed!

Napatingin ako kay Levi na nakahiga sa kama niya at ewan na umuungol.

Gagawin ko ba?

Tss. Pag hindi ko ginawa baka mamatay na ito ng tuluyan at tuluyan na rin akong tumawag ng imbalsamador! Uwaah!

Sige na nga! Fighting!

•••

Nilapag ko yung palangana na may tubig sa may mesa sa tabi ng kama. Sinawsaw ko dun yung bimpo at piniga.

Gosh. Ito na yun. Lumapit ako kay Levi na mariin paring nakapikit.

Napalunok ako nang tanggalin ko ang unang butones ng polo niya. Hanggang sa pangalawa, *lunok laway* pangatlo, pang-apa--

"Masyado ka namang mabilis babe.." Napaanggat ako nang tingin ng magsalita si Levi ng paos at pilyong nakangiti sa akin.

"H-hoy! Aalagan na nga kita! A-ang arte mo! Bahala ka na nga--"

"Sige, hindi na ako magrereklamo.." Nagulat ako sa sinseridad sa boses ni Levi.

"U-umayos ka na Levi a-ah!"

Tumango siya at pagkatapos ay ngumiti. "Salamat, Zoe.."

Pupunasan ko na sana siya nang marinig ko yun. Ayan na naman yung paruparu sa tyan ko. Kinikilig ba ako?

Pikit mata ko nalang siyang pinunasan. Wala naman siyang naging imik hanggang sa matapos.

Pagkatapos ko ay lumabas ako ng kwarto niya. Tska lang ako nakasagap ng hangin. Napasandal ako sa saradong pinto ng kwarto ni Levi at napahawak sa may bandang dibdib ko.

Heart relax. Nakita mo silang magkasama ni Selena sa bar kaya wag umasa. Masakit yun. Learn your lesson..

Sa paghawak ko sa dibdib ko, nakapa lo yumg kwintas na binili ko four years ago. Yung may pusang pendant.

Ayoko na talaga Levi...

Siguro nga hindi kita makalimutan, pero kasi... Nakakapagod ka nang mahalin..

Sobrang pagod na ako...

•••

Continue Reading

You'll Also Like

74K 136 49
Enjoy
441K 16.4K 35
"If someday, when you realize that I could somehow be a part of your life , I'll always be your shooting star." Santi X Martee
850K 40.6K 60
Dominique Selenophile * Mikaela Rielle