Destined To Love (Short Story)

By superJOem

497 48 34

COMPLETED | ROMANCE | I'm going to fight coz I know, I'm destined to love this bad boy. More

Kabanata 1
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Epilogue

Kabanata 2

96 12 6
By superJOem


•••

"Anong nangyari sa'yo Zoe? Bakit ang ikli na ng buhok mo? Naging red pa?" Gulat na gulat na tanong ni Insan Kriella sa akin.

Kakagaling ko lang kasing parlor at doon pinaputulan ang hanggang bewang kong buhok na ngayon ay hangang leeg nalang at kulay pula na.

Minsan talaga umaatake ang katangahan ni Insan. Haay.

"Nagpagupit at nagpakulay malamang. Tss." Sabi ko at tuluyan na siyang nilagpasan.

"Tss. Alam ko! Ang ibig kong sabihin, bakit mo naman ginawang magpagupit at magpakulay?"

"Trip ko lang insan." Sabi ko at sinarado ang pinto na kwarto ko para wala nang istorbo. Kukulitin lang ako ni Kriella e.

Nag-dial ako ng number sa phone. Tatawagan ko sila mama. Kung napapansin niyo kasi, wala ang parents namin ni Kuya. Well, nasa abroad silang pareho.

"Hello, darling?" Narinig kong sagot ni Mommy sa phone.

"Hello Mommy, may gusto sana akong sabihin.."

"Then what is it my darling?"

•••

Monday. May pasok na ngayon. Bumaba na ako para sa almusal. Pagkababa ko, naabutan kong kumakain na sila kuya at insan.

"Zoe, kain na. Malelate na tayo. Monday pa naman may flag ceremony!" Sabi ni Insan na hindi tumitingin sa direksyon ko.

"Okay lang naman kung ma-late ako e."

Nag-angat na siya nag tingin. "Anong okay-- BAKIT IBA YANG SOUT MONG UNIFORM?!" Sigaw ni Kriella sa'kin. Pati si Kuya tinignan na ako.

Tiningnan ko muna silang dalawa bago ako nagsalita. "Lumipat ako ng school."

"WHAT??!!"

Tumango nalang ako sa kanila.

Ito lang kasi ang alam kong paraan para madaling maka-move on. Pag kasi sa school, lagi ko lang sila makikita ni Selena.

At alam kong magiging masakit yun para sa akin. Kaya hiniling ko kay mommy na i-transfer ako sa ibang school.

Buti at pinayagan ako.

Alam kong magiging mahirap na hindi ko na makikita si Levi pero para rin naman ito sa ika bubuti ko.

•••

Ilang linggo na ako dito sa bago kong school. At aaminin ko, sobrang boring.

Tapos kapag uuwi naman ako sinasadya kong gabi na. Kasi tumatambay pa kasi minsan yung mga kabarkada ni kuya sa bahay. At sigurado akong nandun si Levi.

Kaya hangga't maaari, gabi na ako uuwi.

Ayokong mauwi sa wala ang pagmo-move on ko. Ang hirap na nga tapos mauuwi pa sa wala? Edi quotang quota diba?

Sinara ko na ang libro ko. Nandito ako ngayon sa library. Sa library ko na kasi ginagawa ang mga assignments ko. Kasi nga diba? Gabi na ako umuuwi? Kaya ayon wala nang time gumawa sa bahay.

Palabas na ako ng library nang may makita akong nakatayo di kalayuan sa akin.

Nakatingin siya ng mataman sa akin.

Anong ginagawa niya dito?

Namamalikmata ata ako.

Maya-maya lumapit siya sa akin. Ako naman parang napako ang mga paa sa kinatatayuan ko. Hindi ako namamalikmata!

"Zoe.."

Sabi niya sa akin. Hindi ako namamalikmata lang o kung ano. Nandito nga siya at nakatayo sa harap ko ngayon.

"L-Levi?" Hindi makapaniwalang sabi ko. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.

"Why did you transfer here? Is it because of Selena? Is it because of me?"

Then bigla na siyang naging curious sa buhay ko ngayon? Wow.

"Levi, do you think that we're close enough para sabihin ko sa'yo?" Hindi ko alam kung bakit ko sinabi yun. Siguro nasasaktan parin ako. At tsaka ano bang pakialam niya sa akin. Wala naman siyang nararamdaman sa akin di'ba? So, what for?

Natigilan naman siya sa sinabi ko.

"Yeah. I think you're right. I better get going." Pagkasabi niya nun, tinalikuran na niya ako. Leaving me dumbfounded.

Bakit nakakaramdam ako ng panghihinayang?

Tama lang naman ang ginawa ko ah.

Ayoko na kasing bigyan ng pag-asa ang sarili ko. Kasi alam ko sa sarili ko na masakit umasa sa wala.

Zoe, umayos ka ngaNagmo-move on ka remember?

Tama nagmo-move on ako. *tango-tango*

•••

Ilang buwan na ang lumipas...And unfortunately, si Levi parin.

Hindi ko nga alam kung mawawala pa ang nararamdaman kong ito kay Levi. Pero at least for the fast few months, may improvement. Hindi na ako masyadong umiiyak. Buti nga hindi na pumupunta dito si Levi e. Sila Mike at Stanley nalang.

"Meow..." Napatingin ako kay Kitty. Napangiti ako. Sa ilang buwan kong pag-eemo, siya lagi ang kasama ko.

Siya ang nakakakita ng pag-iyak ko.

"Kitty, si Levi parin bakit kaya ganun?"

"Meow.."

"Hahaha. Ikaw talaga! Mahal kita Kitty!"

"Meow.."

"Zoe Claire Portalejo! Bumaba ka na! Dinner na!"

Narinig kong tawag sa'kin ni Insan.

"Ge, bababa na." Sigaw ko. "Tara Kitty, mag-dinner na tayo!"

Bumaba na ako. Medyo na curious naman ako dahil ang sobrang tahimik.

"Insan! Kuya! Nasaan na kayo?"

NR. Nasaan na kaya yung mga yun? Tiningnan ko yung sala. Yung kitchen pero wala?

Sinubukan ko yung garden. O.O

"SURPRISE!!!"

"Mommy..." Nandito na si Mommy..

"Hello my darling!" Niyakap ako ni Mama. Dumating na nga siya.

"Welcome po ulit Tita!" Bati ni Insan Kriella.

"Welcome back, mom." Si kuya Zach at niyakap pa si Mommy.

"Welcome po Titang maganda!" Sabi naman ni Mike. Sabay kindat. Ang hilig niyang gumanun. Sinasabi ko na nga ba't bakla ito e. Tss.

Naki-welcome din si Stanley. Nandito pala ang buong barkada nila kuya. Buong barkada? Hala! Edi nandito din si--

"Hello, Tita Elizabeth. Welcome home." Sabay labas niya dun sa may likuran nila Mike at Stanley.

Kanina pa ba siya dyan?

Bigla na namang nagwala ang puso ko. Pasimple akong humawak sa dibdib ko. Baka sakaling kumalma.

Kelan pa ba yung huling kita namin? Sa school pa yun. Grabe aminin ko man o hindi, sobrang namiss ko siya.

Napatingin ako sa kanya. Nakatingin din siya sa akin!

"Levi..."

•••

"Anak, kelan ka ba magkaka-nobyo?"

*cough*

*cough*

"Eto insan o, mabulunan ka dyan." Sabi ni Mike at binigyan ako ng tubig. Ininom ko naman. Teka, insan? Pakisabi nga sakin kung kelan ko naging pinsan si Mike, hindi ko maalala e.

Nakita ko naman na siniko ni Kriella ai Mike.

Nagdi-dinner nga pala kami ngayon. Kasama yung mga katropa nila kuya.

"Honey, hindi mo pa sinasagot ang tanong ko." Sabi ni Mommy. Lahat tuloy makatingin sa akin.

"Mom, hindi niyo siya kailangan madaliin. Everything falls in the right time." Nagulat ako kasi si kuya ang sumagot. Napatingin ako kay kuya. Sinabi niya yun ng hindi tumitingin kay mommy. And sobrang seryoso niya.

"Masyado pa siyang bata. Puppy love lang nararamdaman niya ngayon."

Napatingin ulit ako kay kuya. Nakatingin siya kay.. Levi.

Puppy Love?

Pero bakit ang sakit na?

•••

"Miss, bibilhin ko na ito." Sabi ko dun sa tindera ng binibilhan ko ng necklace. Yes, necklace ang cute kasi nito e. Pusa ang pendant niya na silver tapos may mga diamond.

"Ma'am couple necklace po ito. Baka gusto niyo pong bilhin yung isa." Sabi nung alahera.

Couple necklace? Ako lang naman ang mag-susuot nito. 'Wag nalang.

"Ah, hindi na. Ito nalang. Magkano po ito miss?"

"3,500 po Ma'am."

Binayaran ko na lang at umalis na sa jewelry shop na iyon. Naisipan kong mag-ikot ikot muna sa mall na 'yun.

Napatingin ako dun sa binili kong necklace. Couple Necklace...

Natigilan ako. Bumalik ako dun sa jewelry store na binilhan ko.

"Uhm, miss. Kukunin ko na yung isang necklace."

"Naku may nakabili na po. Actually kakabili nga lang po e. Mga 10 mins ago."

Ganun kabilis? Ano ba 'yan?! Dapat kasi binili ko na kanina e. Haay.

"Ganun ba? Sige. Sigiro nga hindi para sa'kin yun."

Sayang naman.

Gusto ko pa namang ibigay yun sa kanya.

Bago ako umalis...

•••

"Ano aalis ka? Saan ka naman pupunta?" Bakit ganun? Laging in chorus sila Kuya Zach at Insan Kriella kapag nagsalita?

"Sasama ako sa pag-alis ni Mommy. I've decided, sa States nalang ako mag-aaral." Sabi ko sa kanila ng diretso.

"What?!!" Ayan na naman sila. Sabay na naman silang dalawa sa pag-rereact.

Tumango nalang ako.

Nakapag-desisyon na ako. Mas makakaya ko kapag lumayo ako sa kanya. Dahil kapag nandito ako lagi ko lang siyang makikita.

Flashback...

Kakatapos lang nung dinner nung isang gabi na kadarating lang ni Mommy. Naisipan kong magpahangin dun sa may garden habang nagkakasaya sila dun sa loob ng bahay.

Pumunta ako sa likod ng bahay namin nang makita ko Levi sa harapan ko.

Nagulat ako nang makita ko siya dun. Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Bakit ganun? Wala parin nagbabago sa nararamdaman ko kapag nandyan lang siya sa malapit. Ang bilis parin ng pump ng puso ko.

Pero bakit din ganun? Kapag nakikita ko siya sumasaya ako? Pero at the same time, nasasaktan din ako.

"Uhm, papasok na ako dun sa loob." Sabi at tumalikod nang magsalita siya.

"Hanggang kelan mo ako iiwasan, Zoe?"

Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi kita iniiwasan! Nilalayuan kita! Dahil baka mabaliw na ako kapag hindi pa kita lalayuan!

"Hindi kita iniiwasan." Mariin kong sabi.

"So, ano palang tawag sa ginagawa mo?" Sabi niya habang lumalapit siya sa akin.

Ako naman medyo umatras na. "Levi, gusto kita!" Sigaw ko sa kanya. "Ngayon, sabihin mo. Bakit hindi kita kailangang layuan?"

"I'm just a little girl. A plain and a boring one. Stuborn and immature to be exact. Sino namang magkakagusto sa isang tulad ko?"

Hindi na napigil yung pesteng tubig sa mata ko. Agos na ng agos!

"Zoe.." Lumapit siya sa akin at akmang pupunasan ang luha ko pero parang natigilan siya. "H-hindi kita g-gusto.. M-may iba akong g-gusto.. At si S-Selena yun.."

Bakit ganun? Buong akala ko, masakit na yung marinig sa kanya na hindi niya ako gusto. Pero, shet. Shet lang. Mas masakit pala kapag sa'yo mismo sinabi. Straight into my face. Fck.

Tinalikuran ko na siya. Siguro nga hindi kami para sa isa't isa. Hindi kami para sa isa't isa ng true love ko..

End of flashback..

"Zoe, kung dahil ito kay L--"

Hindi ko na tinapos kung ano mang sasabihin ni Insan. "Hindi ito dahil sa kanya. Aalis ako kasi desisyon ko ito. Mag-aaral ako sa States para tuparin ang pangarap ko..." At makalimutan na ng tuluyan si Levi..

•••

Continue Reading

You'll Also Like

116K 3K 28
GXG
137M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
21.1M 517K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
Gapang By vhfc_13

Short Story

13.6K 35 23
Enjoy reading!! (credit to the rightful owner)