Forgotten Promise (Salguero S...

By arranindi

85.3K 1.1K 86

As the second son of the Salguero family, Cassian's reputation is quite different from that of his siblings... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1- Disappointed
Chapter 2- True
Chapter 3- Gift
Chapter 4- Fear
Chapter 5- Hurt
Chapter 6- Owner
Chapter 7- Heavy Heart
Chapter 8- Intention
Chapter 9- Hug
Chapter 10- Friends
Chapter 11- like
Chapter 12- Jealous
Chapter 13- Kiss
Chapter 14- Dream
Chapter 15- Pictures
Chapter 16- Truth
Chapter 17- Identity
Chapter 18- The Promise
Chapter 19- Love
Chapter 20- Stay
Chapter 21- Found
Chapter 22- Faked Death
Chapter 23- Almost
Chapter 24- Treasure
Chapter 25- Turned On
Chapter 26- Pure
Chapter 27- Surprise
Chapter 28- Proposal
Chapter 30- Plan
Chapter 31- Preparation
Chapter 32- Santina's Pain
Chapter 33- Cousin
Chapter 34- Safe
Chapter 35- Shot
Chapter 36- Goodbye
Chapter 37- Healing
Chapter 38- New Member
Chapter 39- Wedding Plan
Chapter 40- Forever
Special Chapter
Him

Chapter 29- Invitation

1.3K 17 0
By arranindi

"Ang alam ni ate Samara at kuya Royse proposal lang talaga ni kuya Cassian para sayo ang mangyayari, they didn't know that we were surprising them too. While you only knew that we were surprising kuya Royse and ate Samara on the other hand." Yanna explained to me. Ang galing nilang mag-plano, kaya pala ganoon ang naging reaksyon ni ate Samara. While they know everything, we only know chunks of it.

Inangat ni ate Samara ang kamay ko at tiningnan ang engagement ring.

"Cassian has a great taste. The ring is so beautiful, Sabel. It suits you well." Napangiti ako at pinagmasdan din ang singsing. Katulad ng sinabi ni ate Samara ay sobrang ganda talaga ng singsing. I love it so much. Cassian values and considers everything I like. 

My favorite color is blue and he gave me a sapphire engagement ring.

"I hope I find a man just like kuya Royse and kuya Cassian." Napalingon kami kay Cosette na nakatanaw kila Cassian na nagsusurfing sa dagat.

Napagkasunduan kasi namin na magpunta rito sa hotel para makapag-relax kaya nag-surfing na rin sila.

"I know you're going to find the right man for you, baby. You are very precious. Hindi mo kailangang magmadali, bata ka pa. Mawawalan kami ng baby niyan." Napanguso si Cosette at humawak sa tiyan ni ate Samara.

"May bago na kaya tayong baby, ate. Kaya hindi na ako baby." Napatawa kami.

"Tama si Samara, Cosette. You're still too innocent to think about being in a relationship, mag-aral ka muna. I know how much you want to become a lawyer." Yanna added na sinang-ayunan din ni London.

"The right man comes without a warning. Kapag dumating na yung taong para sa iyo, hindi mo mamamalayan na kusa na lang titibok ang puso mo, Cosette." Just like how Cassian came into my life at a very young age.

Love is the thing that is easy to feel but very hard to explain. Its complexity is beyond explanation but can lucidly be defined by our feelings.

"You're all right. I promised to make careful decisions and not be ruled by my feelings." Yumakap siya sa amin. 

I blushed when I felt their breasts.

We're wearing bikinis and I can feel their breasts. Grabe, pinagpalang-pinagpala sila. Nahihiya tuloy na makipag-bonding ang dibdib ko.

"Why did you and Duke break up, Yanna? If you don't mind answering," mukhang napansin din ni ate Samara ang biglaang pag-lalim ng iniisip ni Yanna.

Napabuntong hininga ito bago tulalang napatingin sa malawak na karagatan. Mukhang wala pa rin balak umahon ang apat, they're enjoying the waves.

"He cheated." Natahimik kami. I didn't know Yanna's ex, but I can see how much she loved him.

Sobra siguro siyang nasaktan sa nangyari. Her eyes started to get red but no tears escaped from those. Nagkatinginan kami at niyakap siya. Sometimes letting our thoughts come out can lighten the heaviness in our hearts.

"Many people come and go in our lives, ate Yanna. It's like the way we make art, we do it to inspire, to commiserate with people, to express... and let go," napangiti ako sa sinabi ni London.

I heard it has not been too long since Yanna and Duke broke up. The wound in her heart might still be fresh, but I can see that Yanna is strong. I know that she will get through this.

"Ano ba ang mas mahirap? Ang masaktan o ang mag move on?" Tanong niya na alam namin na siya lang ang makakatuklas at makakasagot.

"Both are hard, Yanna. But the real matter is on how we deal with our feelings." Napabuntong hininga si Yanna at humalik sa tiyan ni ate Samara.

"Kapag lumaki ka, huwag kang tutulad sa lalaking iyon ha, baby Daven." Napatawa kami.

Minsan naiisip ko rin ang mga ganitong bagay pagdating sa amin ni Cassian. I have a lot of what ifs in my mind but I do not let them compromise with my doubts. I can never cheat on him, and I know he will never either. Hinintay siya ng puso ko kahit nakalimutan siya ng isip ko, at nanatili siyang tapat sa pangako namin kahit na wala ako sa tabi niya sa loob ng maraming taon. Our faithfulness to each other has been challenged, and we have overcome it with the love and promises we have toward one another.

"Pasali naman ako!" Narinig namin na sigaw ni Orion. Nakaahon na pala sila bitbit ang surfing board nila. Pinahawakan niya kay kuya Royse ang surfing board niya at tumakbo papunta sa amin.

Maingat siyang sumali sa group hug at humalik sa tiyan ni ate Samara. Napatawa kami. Nabanggit ni Cassian na papasok si Orion ng seminary after niyang grumaduate. Nakakatuwa rin ang pagiging malapit ng pamilya nila sa Diyos.

Lumapit din ang tatlo sa amin. Lumuhod si kuya Royse at humalik kay ate Samara at sa tiyan nito, while Cassian sat beside me.

Yumakap ako sa kaniya. The scent of the sea blends with his natural scent.

"I'm still wet, baby," he chuckled. Napanguso ako.

"Not a problem. I want to surf with you," gusto kong tingnan kung marunong pa ako. Natatandaan ko noon na sinabi ko sa sarili ko na mag-aaral akong mag-surfing para makasama ko siya na masakyan ang alon.

"I want to make a different thing with you," napataas ang tingin ko at nakita ko siya na nakatigin sa dibdib ko. I slapped his shoulder.

Napatingin siya sa akin at napatawa.

"It's s-small compared to other women," biglang kumunot ang noo niya at napahinto sa pagtawa. Napayuko ako. I can remember how women flaunted their breasts to him in the bar.

"Ano namang gagawin ko sa dibdib nila kung ang dibdib mo lang ang gusto kong hawakan at angkinin?" Nanlaki ang mga mata ko at natakpan ang bibig niya.

Napalingon ako sa kanila at mabuti na lang at mukhang hindi nila narinig. He's too straightforward!

"Cassian! Baka marinig ka nila!" Mahina pero may pangigigil kong bulong bago alisin ang pagkakatakip sa bibig niya. The crease on his forehead remains.

"I'm just telling what's in my mind, baby. Are you self-conscious?" Mabilis akong napailing.

"I-I'm not! I'm just wondering if you're thinking about the difference between my my..." Humina ang boses ko at hindi ko na natuloy ang gusto kong sabihin. Ramdam ko ang pamumula ko dahil nahihiya ako sa kaniya.

I'm content with my body. I love the way God created me. I admit that I was insecure before, but as I grew up, I learned that loving myself is what makes me beautiful. I just couldn't avoid wondering if he noticed the difference between my body and other women's bodies who often approached him. Mga babae na alam kong nagpapapansin sa kaniya na madalas kong pagselosan.

He cupped my cheeks and raised my head so I could meet his gaze.

"I never think about comparing your body to other women's bodies, Sabel. You are our own. Your body is the most perfect body for me. You're so beautiful, not just on the outer but purely in the inner. Minahal kita dahil ikaw si Isabella, ang nag-iisa kong si Isabella," my heart soothes. Hindi ko napigilang itago ang ngiti ko.

He never failed to calm my ego.

"And never also think that I will get tired dealing with your whining," he chuckled kaya napatawa rin tuloy ako. Kilalang-kilala na talaga niya ako. Kapag kinasal siguro kami hindi na kami masiyadong mahihirapan sa mga pagbabagong mangyayari dahil naiintindihan at nauunawaan na namin ang personality ng isa't isa. Lalo na siya.

"I understand your woman's feelings, and will always be happy to deal with it." Piniga ko ang pisngi niya at hinalikan siya sa labi.

"Have I told you before how lucky I am with you, baby?" Umiling siya.

"You did not, but swear," yumuko siya at bumulong sa tainga ko.

"It's clearly visible in your eyes, baby." Imbis na hampasin ulit siya sa braso ay pinulupot ko ang mga braso ko sa baywang niya at yumakap sa kaniya ng mahigpit.

I am happy that I never settle for less. Finding the right person has never been easy, men came into my life but I never saw myself as valuable as I am right now with him.

Minsan maging ang sarili mismo natin nahihirapang intindihin ang puso natin, lalo na kapag dumadating tayo sa point na pakiramdam natin wala ng darating, but if we dig deeper, our own heart will be the ones to tell us to never give up, even if we don't understand it sometimes.

Hinayaan ko muna si Cassian na makapag-pahinga bago kami mag-surfing. He asked for another surfing board, the one he personalized for me. It's a combination of white and royal blue color with a rose design.

Lumuhod siya at siya na rin ang nagkabit ng leash sa paa ko. Magsusurfing din sila Yanna kaya tinulungan din sila nila Jesian na magsuot ng leash.

Their surfing boards are beautiful and look so expensive, even the one Cassian gave me.

Simple lang ang surfing board ni Kuya Royse, it has brown and white diagonal stripes. Ang kay Cassian naman ay Ocean waves na may mga lilies sa gilid. Sunflower designs naman ang kay Yanna. Kay Jesian pa-sunset ang design with medicine symbol in the middle at the bottom.

Combination of white and red with building structure naman ang kay Orion, samantalang pink naman ang kay Cosette na may mga coconut trees and flower design. Yung kay London naman sa palagay ko ay sarili niyang design. It was a woman surfing, which I assume was inspired by their mother. Ang mga surfing board ay may pangalan nila sa gilid, maging ang sa akin.

"Mag-iingat kayo!" Narinig namin si ate Samara.

Hinawakan ni Cassian ang kamay ko. Bitbit ang mga surfing board namin ay tumakbo kami papunta ng dagat.

Nagpaiwan si kuya Royse para masamahan niya si ate Samara. Pagkatapos daw niyang manganak ay magpapaturo siya kay kuya Royse para makasama namin siyang mag-surfing.

I was surprised that I could still surf. Natatandaan ko pa ang mga moves na naituro sa akin at nagagawa ko pang i-perform ng maayos. At first, I'm still calculating my body, Cassian is guiding me all the way. I can still manage to follow the waves and balance my body on the board. Ang unti-unting paggalaw ko ay muli kong nakontrol hanggang sa makaya ko na nang hindi nakaalalay si Cassian sa akin.

Iba pa rin talaga kapag malapit sa puso natin ang ginagawa natin, kahit na ilang taon pa ang lumipas magagawa pa rin natin ito. 

I miss dancing with the waves.

Although I manage to do most of the tricks, unlike them, I fall and am wiped out many times. Naninibago pa rin talaga ang katawan ko, but my happiness didn't fade away. They are there to help and guide me. Tinatawanan ko na lang ang bawat pagbagsak ko dahil masaya ako na nagagawa ko na ulit na makasabay sa alon.

Ang gagaling nila, lalo na ni Cassian. Now that I can watch him closer, I can see how he maneuvers his moves so perfectly. He's so confident with the waves, they were one. His muscles flexed every time he faced and followed the waves. Nakakatuwa ang talento nila.

Even though my body is still adjusting, I manage to stay on the sea longer than I expected. I think I didn't notice my tiredness because of the joy.

Sabay kaming umahon nila Cosette. Nagpaiwan sa dagat sina Jesian at Yanna.

Orion was so happy when our snacks arrived. Dumating din si lolo Fred makalipas ang ilang sandali kasama sina Tadeo at Laura.

"Uhm, lolo Fred," I called his attention. Napatingin sila sa akin.

"Ano iyon, apo?" Nilingon ko si Cassian na nasa tabi ko.

"Nabanggit po noon ni Cassian na sa inyo po niya nalaman ang tungkol sa away ni papa at auntie, may I know po if how did you know it?" Alam ko naman na naging lihim ang away nila.

"Si Leoriel mismo ang nagsabi sa akin, apo. Ang totoo niyan ay pinagdudahan ko na ang nangyari sainyo ng mga magulang mo umpisa pa lang, Sabel. Noong huling makausap ko kasi ang papa mo ay parang wala siya sa sarili at ang bawat salita na binibitawan niya ay mayroong halong takot. Nagduda na ako noon kaya nagpa-imbestiga ako. Tama nga ang kutob ko dahil nalaman ko na walang sakay ang yateng sumabog noon," bigla kong naalala ang narinig kong pag-uusap nila mama noong gabi na magising ako.

"Gusto ko sanang ako muna ang mag-imbestiga pero hindi sinasadyang narinig ni Cassian ang pag-uusap namin ng kinuha kong mga tauhan kaya nalaman niya. Hindi ko pa nga natutunan ang leksyon ko noon eh," tumawa siya at tumingin kay ate Samara na biglang pinamulahan.

Napangiti ako.

"Aba'y bakit mo nga pala naitanong, apo?" Cassian held my hand.

"Sa tingin ko po kasi alam ni papa ang plano ni auntie, at mukhang hindi nga po ako nagkamali. Papa knows the real reason why auntie Santina did this to my family." Her reason is deeper than I thought. Ang galit sa mga mata niya noong makita niya ako sa auction, halata na malalim ang pinanghuhugutan niya.

P-perhaps, it has something to do with papa?

"Whatever her reason is, it is not enough for her to kill people. Hindi niya puwedeng ilagay sa kamay niya ang batas," napalingon ako kay attorney. Ngumiti siya sa akin.

"Nakausap ko na si Dr. Villamor. He's willing to give us all the information he has about Santina's illegal transaction. Higit pa, he also has evidence that will prove that she killed your parents." Nanlaki ang mga mata ko sa gulat dahil sa sinabi niya.

They also exclaimed because of happiness.

"You're the best attorney!"

Namuo ang luha sa mga mata ko at napayakap kay Cassian.

"Everything will be alright now, baby." He caressed my hair. Nagpapasalamat ako na narito sila. Kung ako lang mag-isa hindi ko magagawa ang lahat ng ito.

Humarap ako kay Cassian.

"Auntie will pay for her crimes." I told him.

"She will." He assured me.

Wala akong masiyadong matandaan sa asawa ni auntie Santina. We seldom interact, pero nagpapasalamat ako dahil nakahanda siyang tumulong at gawin ang tama.

Tumayo ako at yumakap din kay attorney na nakatayo sa tabi ni kuya Royse.

"Thank you, attorney. Thank you so much." I thank him genuinely. Tinapik niya ako sa likuran.

"I'm happy to help, Sabel. But I'm not yet ready to die." Kumunot ang noo ko nang humiwalay sa kaniya. Nagtawanan sila.

Yumakap si attorney kay kuya Royse na tumatawa rin at inakbayan ito.

Sinundan ko ang tingin nila at nakita ko ang nakamamatay na tingin ni Cassian sa kaniya.

"Cassian!" Hinampas ko siya sa balikat na lalong nagpatawa sa kanila.

Tadeo has helped us a lot. Malaki ang pasasalamat ko sa kaniya, sa kanilang lahat.

"Baby, don't hug another man in front of me," napanguso siya.

Oh my God, he's jealous again!

"I'm just thanking Tadeo, Cassian." Pag-aalo ko sa kaniya. Para siyang bata kapag nagseselos. He's so cute kaya kapag natutuwa ako lalo siyang nagtatampo. Ayoko lang kapag pinaparusahan niya ako.

"Damn you're still in your bikini." Bulong niya na hindi nakawala sa pandinig ko. Napalunok ako, mukhang lagot ako nito mamaya.

"Balak ko pa naman sanang ayain sa bar mamaya si Sabel." Yanna teased na lalong nagpasama sa itsura ni Cassian. Napatawa na rin ako dahil sobrang dali talaga niyang magselos.

Natigil lang kami ng biglang dumating si Aurora. Nawala ang ngiti ko nang makita na wala siya sa sarili at namumutla. Hinihingal pa siya at mukhang tumakbo mula sa hotel papunta rito.

Mabilis akong lumapit sa kaniya. She's holding a black gift box. Bigla akong kinabahan.

"Hey, anong problema?" Naalarma rin sila nang mapansin ang itsura ni Aurora. Tumayo si Cassian sa likuran ko.

"I-Isabella i-ito." Napatingin ako sa black gift box na hawak niya.

"What's with that, Aurora?" Napalapit din sa amin sila Jesian.

Hinawakan ko ang kamay niya at kinuha ang gift box. Bumilis ang tibok ng puso ko at lalong kinabahan nang magkaroon ng ideya kung kanino ito galing.

Naramdaman ko ang paghawak sa akin ni Cassian nang kuhanin ko ang letter sa itaas at buksan. Nanghina ang mga tuhod ko nang mabasa kung kanino ito galing. Hindi nga ako nagkamali. They came near me and exclaimed when they saw where it came from.

To my dear niece,

From your loving, auntie Santina

"Loving, devil kamo." I heard Laura's bitter voice.

Nanginginig ang mga kamay na tinanggal ko ang ribbon ng gift box. Cassian's grip on my waist tightened when he noticed how shaky my hands were.

"Sino ang nagdala, Aurora? Nakita niyo ba?" Narinig kong tanong ni lolo Fred. Pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko habang binubuksan ang gift box.

"H-hinarang po ng security, senyor. Delivery guy lang daw po siya pero chinecheck na ng security ang background niya." Hindi ko alam kung ano ang nasa loob ng box, pero sigurado ako na hindi ito maganda.

Auntie made the first step.

Napalingon ako kay Cassian nang matanggal ko ang ribbon ng gift box. His jaw clenched.

"Do you want me to open it?" Umiling ako.

I want to open it myself.

I want to finally face auntie.

"Then I'm just here." He looked at me with security and smiled a little. Pinilit kong ngumiti kahit sobrang kaba na ang nararamdaman ko.

Pigil hininga na binuksan ko ang box. Kakaibang kaba ang bumalot sa puso ko nang tanggalin ko ang mga confetti sa loob... at halos tumigil ang paghinga ko nang makita ko kung ano ang nasa loob ng box.

Tumulo ang mga luha ko at sumikip ang dibdib ko. Nasalo ko ang bibig ko at tuluyan akong napaupo dahil sa panghihina ng mga tuhod ko. Nagawa akong saluhin ni Cassian at yakapin ng mahigpit. B-bakit? P-paano niya ito nagawa?

Wala talaga siyang puso!

Hindi ko napigilang mapahikbi at mapahagulgol. Pinaghalo-halong sakit, awa, at galit ang nararamdaman ko ngayon.

"P-pey-pey." I'm lacking in air as I called her.

Inside the box were pictures of Peyton covered in blood and wounds. Along with an invitation to Auntie's birthday celebration.

Continue Reading

You'll Also Like

222K 3.6K 48
"Drain!" malakas na tawag ko sa gitna ng maraming tao. Hindi siya lumingon at dire-diretso ang lakad. Nakagat ko ang labi ko. Ayaw mong tumingin ah...
253K 4.8K 27
Nyx Kindred Crestfall-Wyatt. Tanyag sa larangan ng business at auction war. Sumasali siya sa iba't ibang larangan ng auction legal man or hindi. Han...
117K 1.9K 47
Estella Celeste Mendoza is a third-year college student who likes to finish her education as soon as possible and gain enough money to support her fa...
27.7K 441 44
Chua Boys Series Third Installment Bonevee Felicidad Rowelle, the girl who was born with good traits, will do anything to get her parents' love and...