Vices Within Virtues

By Ice_Freeze

26.7K 1K 426

Stand Alone Novel | R-18 | On-going Bilang alipin ng salapi, iniwan ni Vinniece Jan Saavedra ang masayang buh... More

DISCLAIMER
Vices Within Virtues
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7

Chapter 6

1.5K 57 22
By Ice_Freeze

LILINGA-LINGA ako sa paligid ko habang iniisip kung may sumusunod ba sa akin o TH lang talaga ako dahil batak na batak ako sa pang-uunggoy sa akin ng amo ko na mukhang hindi pinainom ng am noong baby siya.

"VINNIECE!" Agad akong napalingon sa pinanggalingan ng tinig na iyon at nakita ko si Pitchy na malaki ang pagkakangiti sa akin.

Laki ng ngiti ni gaga. Parang hindi siya responsable kaya ako narito sa sitwasyon na 'to ngayon. Aba'y kung hindi kasi siya nagselan at paladesisyon wala ako sa sitwasyon ko ngayon at tamang inom lang ako ng redhorse habang nakataas ang paa!

Nang makalapit siya sa akin ay bigla niya akong dinamba ng yakap. Halatang miss na miss niya ako.

Nandito ako sa mall kasi tinakasan ko ang amo ko para saglit akong makakawala mula sa mga kamay niyang may mahabang mga kuko–charot!

"I missed you so much, Vinn. Inang iyan, hindi ka man lang tumaba kahit wala kang ginawa kung hindi kumain ako humilata—ARAY!" Dinagukan ko nga.

"Wala kang karapatan husgahan ako sa mga ginagawa ko dahil hindi mo alam kung anong pinagdadaanan ko sa boss kong mamamatay-tao!" pag-iinarte ko sa kaniya.

Bigla niya akong tinulak palayo at gulantang niya akong tinitigan. "M–mamamatay-tao?"

Dahan-dahan kong itinango ang ulo ko at lumabi pa ako na para bang nakakaawa talaga ang sitwasyon ko.

"Gaga! P–pinagsasasabi mong abnormal ka!" aniya na sinundan pa niya ng awkward na tawa. Halata sa pautal-utal niya na talagang gulat na gulat ang pagkatao niya sa sinabi ko.

"De huwag kang maniwala. Tse!" inarte kong muli, saka mabilis at malalaki ang hakbang na iniwan siya.

Letse ka, Pitchy! Nakipagkita ako sa 'yo para may masabihan ng mga hinanakit ko tapos hindi mo ako paniniwalaan. Hmp!

Hinabol ako ng bansot na ito at buong lakas niya akong iniharap sa kaniya. O' pak! Hindi n'yo kaya. Parang may humatak sa akin na gremlin—charot!

"Ang arte-arte ng hayop na 'to, akala mo naman maganda," salubong niya pagkalingon ko sa kaniya at binelatan ko siya.

"Maganda talaga ako kaya okay lang mag-inarte. Inaayon ko naman sa mukha," buwelta ko at saka ko siya hinatak sa isang malapit na kainan.

Pagpasok namin sa loob ay nahirapan pa kaming makaubo sa sobrang dami ng tao.

"'Tang ina, singkwenta mil ang sahod buwan-buwan tapos dadalhin ako sa Mang Inasal. Kayang-kaya naman sa fine dining. Kuripot talaga ng gago!"

"Bumubulong ka lang ba niyang lagay na iyan? Lakasan mo pa kaya para marinig pati ng crew sa kitchen na nag-iihaw ng manok para masabi kong ikaw na ang isunod?" anas ko at saka ko siya inismiran. Inilibre mo na nag-iinarte pa!

Love na love ko iyang si Pitchy. Madalas lang talaga na abnormal kaming mag-usap na dalawa. Sanay naman na kami sa isa't isa.

Nang maka-order na kami ay nakahanap na siya ng upuan at natiyempo kami sa may sulok at malayo-layo nang bahagya sa tao.

Hindi pa ako halos nakakapagsimulang kumain dahil naghugas ako ng kamay, itong Pitchy ay sumesenyas na sa nagbibigay ng kanin na bigyan na ulit siya.

"Awow! Nagrereklamo ka pa kanina pero sinusulit mo na ang extra rice!" pang-aasar ko sa kaniya nang makalapit ako at ang gaga ay sinamaan lamang ako ng tingin tapos ngumiti naman siya doon sa crew na may dala ng kanin. Bipolar, amp!

Nang makaupo na ako ay nagsimula na rin akong kumain dahil baka itaob pa ni Pitchy itong Mang Inasal sa lakas niyang magkanin. Sumbong ko yata kay Cynthia Villar 'to, e.

"Busog na ako. So ano nga iyong sinasabi mo kanina na mamamatay-tao iyong boss mo? Para ka rin naman talagang sira-ulong magkuwento minsan—"

"Hindi ako nag-jo-joke. Mamamatay-tao talaga siya," putol ko sa kaniya.

"Bakit? Pinatay ka na ba sa sarap?" pang-aasar niya na sinamahan niya pa ng nakakalokong ngisi.

Muntik na at makailang beses na—gusto ko sanang iboses kaso baka masapok ako ng bansot na 'to kahit hindi niya naman abot ang ulo ko.

"Sa dami niyang sikreto na ayaw ibunyag sa akin, kine-claim ko na talaga na masama at mamamatay-tao siya. Hindi na kailangan pa ng kung ano-anong ebidensiya dahil sa mga dugo-dugo lang na nakikita ko, alam ko nang hindi ako tamang hinala lang," mahabang paliwanag ko na sinagot niya naman ng pangungunot ng noo.

"Baka naman kasi magluluto ng dinuguan?"

"Gaga!" singhal ko dahil sa theory niya na hindi niya na sana ibinoses at nangunsumisyon lang ako.

"Nagsa-suggest lang naman para hindi ka nag-o-overthink diyan."

Kapag talaga kausap mo 'to, mapapatampal ka na lang sa noo mo kasi imbes mabawasan ang stress, dadagdagan pa niya. Pasensiya, Vinn, pasensiya. Kaibigan mo 'yan kahit mahirap kausap iyan.

"Sa totoo lang hindi ko na alam kung ano bang dapat kong maramdaman sa kaniya. Parang pinaglalaruan niya ako," pagseseryoso ko. "Ang dami kong mga hinala sa kaniya pero lahat iyon biglang nawawala kapag sinumulan niya na akong paikutin sa mga—"

"Ay manipulative sad boy—aray! Joke lang naman ang seryoso mo kasi, e!" sinapok ko kasi ang lintek. Seryoso akong nagkukuwento, babanat ng kagagahan. "De seryoso na, tuloy mo na."

Hindi ko alam paano ko ie-explain kay Pitchy na minsan tao ang boss ko at kung madalas naman ay mamamatay-tao.

"Minsan ayos siyang kausap at makitungo. Madalas hindi ko siya maintindihan. Tapos noong nakaraan na may kaso ng murder sa lugar kung saan kami malapit nakatira, nauna niya nang . . . teka ano ba iyon? Iyong para bang nauna niyang ipinaliwanag sa akin iyong nangyari kaysa bago pa niya nakita mismo iyong crime scene? Nage-gets mo ba ako? Hindi ko alam paano ko ipapaliwanag," seryoso kong patuloy at bahagya ko pang ginulo ang buhok ko.

Nakita kong napaisip si Pitchy sa sinabi ko. "Iyong para bang nauna niyan in-explain iyong crime na para bang siya mismo iyong nandoon o pumatay?"

"EXACTLY!" pasigaw na sabi ko at naglingunan sa akin halos ang mga kumakain sa katabing mesa namin. "Hehehe. Sorry po. Nadala lang," paghingi ko ng paumanhin sa mga napalingon.

"Hmmmmm. Gusto mo na bang mag-resign?" pukaw ng atensyon ko ni Pitchy at parang hindi ko alam ang isasagot ko sa kaniya sa tanong niyang iyon.

"H–hindi niya naman ako sinasaktan. Mataas din siyang magpasahod—"

"Ako ba ang gina-gaslight mo o sarili mo? Oo o hindi lang ang sagot sa tanong ko, gaga ka."

"Hindi . . . yata? Hindi ko alam. Minsan parang gusto ko na siyang layasan pero minsan gusto kong mag-stay kasi gusto kong matuklasan kung bakit parang ang hiwa-hiwaga niya."

"Mag-stay ka. Kapag pakiramdam mo ayaw mo na at nakuha mo na ang gusto mong makuha at malaman, doon ka na umalis. Mahirap matulog sa gabi na alam mong may hindi nasagot sa mga tanong mo. Isa pa, sabi mo nga hindi ka naman niya sinasaktan. Basta kapag namatay ka, ako na ang bahalang magtago ng phone mo, alam kong marami kang sikreto roon na ayaw mong mabunyag gaya ng mga naka-download mong porn—"

"LETSE KA!"
   

NAKAUWI na ako at wala akong pakialam kung nakauwi ba si Pitchy nang maayos dahil deserve niyang madapa sa daan dahil sa mga pang-aasar niya sa akin.

Introvert kasi iyon kaya ganoon mag-joke kapag kaming dalawa lang ang magkasama. Tapos si Polly naman ang extrovert at magaling talagang makisama sa mga tao. Ako? Ako ang angry bird. Hehehe.

Agad hinanap ng mga mata ko ang amo kong hindi ko malaman kung ano ba talaga at hindi ko siya nakita sa may sala at kusina. Malamang nasa sikretong kuwarto niya na naman iyon at may kinakatay na tao—charot not charot! Umamin na nga siyang killer siya, e. Kung hindi ko lang siya tinakbuhan kahapon, baka kung ano na ang mga nangyari pa.

Sa totoo lang niyan, kaya nabibilib ako sa sarili ko ngayon kasi kahit ano na ang pinagsasabi niya sa akin, nandito pa rin ako. Tatag ko rin talaga, e, saka hindi pa naman confirmed. Laban para sa pipti kyaw!

"Ahhhh nandito na ang pinakamagandang babae sa kagubatan!" sigaw ko kunwari para naman malaman niyang nandito na ang pinakamaganda niyang alalay at katangi-tanging tao na sinabihan niya na killer siya.

Wala pa rin umepal na Lancelot Haunter Lewis kaya't pinairal ko na ang pagiging paladesisyon ko at inakyat ko na ang kuwarto niya.

"Bossing Sir?" katok ko ngunit walang kahit anong sign na may tao sa loob ng kuwarto kaya't bumaba na ako sa secret room niyang hindi ko malaman kung ano ba talaga ang laman.

Muli akong kumatok nang marating ko ang kuwarto pero wala talaga siya.

Hindi ko alam pero iba ang kabog ng dibdib ko sa mga oras na ito. Hindi ko rin alam kung para saan ba ito? Kung para ba sa kaligtasan ko o kaligtasan ng amo ko?

Nagkukumahog kong inikot ang malaking mansyon at ramdam ko ang panginginig ng mga tuhod ko na para bang may kutob ako ngunit hindi ko naman mawari kung ano.

Narating ko ang grahe pati pa iyong sikreto niyang garahe pero wala pa rin kahit dulo ng daliri niya.

Dinala ako ng mga paa ko papalabas ng mansyon niya na para bang alam ng mga paa ko kung saan ko siya dapat na hanapin.

Umaambon na naman at nasa gitna ako ng daan at wala akong dalang payong. Wala rin signal ang telepono ko na kanina ko pa inaangat-angat sa ere.

"Iha?"

"Ay palakang hinalikan ng tangang prinsesa!" gulat na bulalas ko at nalingunan ko ang isang matandang lalaki na inaabutan ako ng payong. "L–luh, Tatay, saan ka po nanggaling?"

"Kanina pa kita sinusundan, anak. Hindi kita mahabol-habol. Nakita kitang galing sa mansyon ng mga Lewis at wala kang payong. Tila naman balisa ka kaya't lalo akong nagdesisyon na habulin ka."

"Wala po kaming kapit-bahay base sa pagkakatanda ko—"

"Akin iyong owner jeep na iyon," putol nito sa akin ng nakangiti saka itinuro ang owner na nandoon malapit sa mansyon. "Dati akong nagde-deliver ng tubig sa mga Lewis ang kaso ay nahinto magbuhat nang lumipad pa-ibang bansa si Lance," paliwanag nito sa akin. Mukha namang katiwa-tiwala si Tatay kaya kinuha ko ang payong na kanina pa niyang inaaabot.

"Kilala n'yo po pala si Sir Lance," sabi ko at tumango-tango naman ang matanda. "Kung ganoon ay alam n'yo po kung anong klaseng tao siya at kung ano po ang trabaho niya?" usisa ko. Feeling ko kasi ito na ang chance kong mag-Marites at malaman kung sino at ano ba talaga siya.

Para namang nakakita ng multo ang matanda nang marinig ang tanong ko. Namutla ito at parang any time ay tutumba. "S–sa kaniya mo na lamang itanong iyan, iha. A–aalis na ako," anang matanda at nagkukumahog na umalis.

"Sandali lang po!" pigil ko rito ngunit hindi na ako nito nilingon pang muli.

Hindi ko na alam kung ano pa'ng iisipin ko sa mga oras na ito lalo pa't ganoon ang nagiging reaksyon ng mga tao sa paligid niya sa tuwinang mag-uusisa ako tungkol sa kaniya.

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad at binuksan ko na rin ang flashlight ng telepono ko dahil lumubog na ang araw at walang kahit na anong poste ng ilaw sa paligid.

Malayo-layo na ang nalalakad ko at parang hindi na rin main road ang kinaroroonan ko dahil hindi na konkreto ang daan. Rough road na ito at napakaraming puno. Kung saan-saang dako ko na rin itinatapat ang flashlight ko.

Halos mabuwal ako nang matapat ang flashlight ko sa isang puno at hindi ko inaasahan ang natutukan ko ng liwanag . . . isang lalaking nakabigti sa may puno at putol—o pinutol ang isang binti.

Agad akong napatutop ng kamay ko sa bibig ko upang mapigilan ko ang sarili ko sa pagtili. Sariwang-sariwa pa ang tumutulong dugo mula sa katawan ng biktima kaya't hindi na ako magtataka kung nasa malapit pa rin ang suspek.

Nanginginig kong papatayin sana ang flashlight ng telepono ko nang mahulog ko iyon at tumapat ang liwanag sa isang pamilyar na bagay.

Kotse iyon ni Mr. Lewis na minsan ko nang nasakyan nang puntahan namin ang babaeng pinatay sa may Lake Woodern.

Siya nga talaga . . . siya nga ang killer.

"Vinniece."

Hindi ko na kailangan pang lingunin ang tinig na iyon dahil iyon lamang ang kaisa-isang tinig na nakakapagpanginig ng kalamanan ko.

Bakit . . . bakit ginagawa mo ito, Lancelot Haunter Lewis?

--

M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E

09/04/23

Sorry, puro bagyo kasi kaya ang dalang ng update. Kapag may bagyo, mas busy po sa work. Pasensiya.

Continue Reading

You'll Also Like

3.7K 164 16
{Warning: Some chapters of this story, entails erotic and matured contents. Read as your own dim fit, or at your own detriment. Consider this an aut...
26.7M 244K 73
Sabi nila kapag ex na, ex na. Hindi na dapat nagkikita pa. Meet Arkisha, the girl who will do everything just to make her ex, Adam Jacob stay in her...
24.7M 1.1M 123
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1...
82.4M 2.4M 73
Erityian Tribes Series, Book #1 || Not your ordinary detective story.