Girl From Nowhere - Pablo's S...

By AthenaScarlett17

18.8K 1.3K 1.6K

A Girl From Nowhere Na Bibihag Sa Puso Ng MAHALIMA/SB19. Pero bakit tuwing nakikita nila si Bebe Girl ay hind... More

Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
PART 27
PART 28
PART 29
PART 30
Part 31
PART 32
PART 33
PART 34
Part 35
PART 36
PART 37
PART 38
PART 39
PART 40
PART 41
PART 42

Part 18

408 31 19
By AthenaScarlett17

STELL'S POV

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Para akong nabato matapos akong halikan ni Pablo. Di ko rin sya magawang lingunin. Nahihiya kasi ako. Alam ko kasing subra ang pamumula ng pisngi ko.

Para kong teen-ager na kinikilig dahil pinansin ako ng crush ko.

Mas malala pa nga yata eh.

Kasi yung crush ko, di lang ako pinansin.

Hinalikan pa ko. 🤭

Please Lord. Tell me na di ako nananaginip.

Please tell me Lord 😣 totoo na to. Na di na to Delulu, na si Pablo talaga ang humalik sakin. 🤭

My God.

Di ko mapigilan ang kilig na nadarama ko.

Napatakip na lang ako sa aking labi dahil di ko mapigilang mapangiti.

Hay nako Pablo, ano bang ginagawa mo sakin.

Mababaliw yata ako nang dahil sayo.😣

PABLO PABLO PABLO

Boooiiinnnkkk 😵‍💫😵‍💫😵‍💫

Aray naman.

Parang nayanig yata ang buong pagkatao ko. 🫨

Kung kanina ay sa labi ko ako nakahawak, ngayon naman ay sa buong muka ko na. 😭

Eh pano ba naman.

Biglang binuksan ni Justin yung pinto eh nasa harap nga ko ng pinto diba.

Kainis.

Nasa ulap pa ko eh. Kakahalik lang sakin ni Pau tapos sinundan agad ng halik sa pinto. 😭

Mga panira talaga tong mga to ng moment ko.

"Ano ba Justin, kumatok ka muna bago pumasok." Sakit non ah, magkakapasa yata ako. 🥺

"Ang tagal mo kasing lumabas, eh nagdala ka lang naman ng kape." Reklamo nito.

Ano minomonitor na nila ko ngayon?

"Anong akala mo sakin. May gagawing masama kay Pablo? Makabantay naman kayo kala mo laging lalamangan." Benelatan ko si Jah at saka ako lumabas ng kwarto.

Bahala kayo dyan.

Basta ako nasa dream land ako ngayon habang paulit ulit na plini-play sa utak ko yung ginawang pag kiss sakin ni Pau. 🤭

It's just a quick kiss pero grabe ang epekto sakin.

Pano pa kaya pag matagal pa.

Eh di himlay ako malala. 🤭

Ayiiieee Nase, panagutan mo yung kilig ko. 🥰

*******

PABLO'S POV

Damn this head.

Nagising ako sa subrang pananakit ng ulo ko.

Pagtingin ko sa paligid ko ay nasa loob na ako ng kwarto ko?

Hindi ko matandaan kung pano ko nakauwi. Ang tanging naaalala ko lang ay yung umiinom kami ni Josh.

And speaking of Josh. Asan kaya sya? Sya kaya nag uwi sakin?

🧠: Of course Paulo, sya ang nag uuwi sayo. Sino ini-expect mo, si Stell? 😑

Fuck, bakit ko ba pinagagalitan ang sarili ko?

I check my self at napansin kong iba na ang suot ko.,

Napahawak ako sa ulo ko.

Pinilit kong alalahanin kung ano bang pinag gagagawa ko. Pero kahit anong halukay ang gawin ko sa utak ko ay wala talaga kong matandaan.

Ano bang klaseng alak ang pinainom sakin ni Josh? Idagdag pa yung sakit ng ulo ko ngayon.

Parang ayaw kong bumangon.

Damn you Josh.

Lagot ka sakin pag nakita kita. 😤

Pinipilit kung bumangon kahit subrang sakit ng ulo ko. Dumeretso ako ng banyo at saka ko naligo.

Habang naliligo ako ay pinilit ko pa ring alalahanin kung ano bang ginagawa ko kagabi.

Para kasing meron eh.

Di ko lang alam kung good or bad ba ginawa ko.😓

Ano kaya yun?

Ang natatandaan ko lang kasi ay yung sinasabi ko kay Josh yung about sa sumpa ko pero ayaw nitong maniwala.

After non ay nag inuman na kami tapos yun., Hanggang don lang sa manok at itlog ang natatandaan kong pinagtatalunan namin. 😑

Haysst, bahala na.

Pagkatapos kong maligo ay nagtuyo lang ako ng katawan ko at saka nag boxer.

Wala ko sa mode magdamit. Ang init kasi ng pakiramdam ko. Besides, gento naman talaga ko pag mag isa lang ako. Mas presko kasi sa pakiramdam lalo na't nakainom pa ko.

Lumabas ako ng kwarto at saka ako dumeretso ng kusina.

Pakiramdam ko kasi ay uhaw na uhaw ako.

Nang makainom na ko ay naisipan kong magpa-deliver na lang food ko. Tinatamad na kasi akong magluto. Tapos, puro hotdog na lang din yung laman ng ref ko.

Kukunin ko sana yung phone ko sa room. Pero laking gulat ko pagbalik ko nang makita ko yung apat na tukmol na ukupado yung sala ko.

Bakit sila nandito?

Lahat sila ay nakatingin sakin at pagkatapos ay sabay sabay na nag iwas ng tingin.

Parang mga bano.

Problema nila?

Parang ngayon lang nila ko nakitang nakaganito.

Mga sira ulo.

Teka ano bang ginagawa nila dito eh ang aga aga?

"Muka kayong tanga." Sita ko sa kanila.

Eh pano.

Mga namumula pa ang mga gago. Pisti.

"Ano ba Pau, kadiri naman. Magbihis ka nga don. 🫣" Taboy sakin ni Justin na tinakpan pa ang mata pero nakasilip naman.

Pagtingin ko kay Stell ay nakaiwas pa rin ito ng tingin sakin. Binasa nito ang kanyang labi gamit ang dila nito.

Damn.

Napamura ako sa aking isip dahil sa ginawa nito.

Bigla tuloy nanuyo ang lalamunan ko.

Eto nanaman yung pagnanais ko na halikan sya. 😮‍💨

Bakit kasi sinabi pa nya noon na gusto nya ko. Naguguluhan tuloy ako. Hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko.

Alam ko sa sarili ko kung ano na ba talaga sya sa akin.

Pero sa kanya kaya?

Totoo kaya yun?

O lasing lang sya.

Napabuntong hininga na lamang ako sa mga iniisip ko.

"Bahala nga kayo dyan." Sabi ko na lang at saka ako pumasok ng kwarto.

Nang masara ko na yung pinto ng kwarto ko ay napasandal ako dito.

Ang dami kasing tumatakbo sa isip ko ngayon. Lalo na pagdating kay Stell.

Siguradong nagugustuhan lang nya ko dahil sa babaeng anyo ko. Pero pag bumalik na ko sa dati ay sigurado din akong mawawala na rin yung pagkagusto nya sakin.

Kaya hangga't maaga ay kaylangan ko nang pigilan ang nararamdaman ko. Alam ko namang nadala lang sya ng itsura ko kaya nasabi nyang gusto nya ko.

Di tulad ko.

Di ko na lang yata sya gusto.

Isa pa, ano bang malay ko. Baka nga kasama ang imosyon nila sa sumpa ko. Di rin naman lingid sakin yung mga pinapakita nilang lahat sakin. Kahit si Ken. Pareho din kay Stell.

Kaya ayokong maniwala sa mga pinapakita nila sakin dahil nga sa sitwasyon ko ngayon.

Alam kong lahat pweding mangyari. Walang imposible. Kahit pagmamahal. Maaring maging peke.

Pipilitin ko na lang sigurong kalimutan ang nararamdaman ko para kay Stell. Hindi naman ako magbabago kung pano ko makitungo, pero hangga't kaya ko pa. Kakalimutan ko na tong feelings ko para sa kanya.

*******


STELL'S POV

Nang makapasuk na si Pablo sa room nya ay saka lang ako nakahinga ng maluwag.

Kasi naman.

Di pa nga ko nakaka-move on sa kiss nya kanina eh. Tapos ngayon naman ay may pa boxer na agad.

Lord? Hinay hinay naman oh.

Baka di ko kayanin.

"My God, totoo ba talaga nakita ko?" Sabi ni Justin.

"Alin don? Yung naka boxer lang si Pablo?" -Ken

"Baliw. Si Pablo. Galing syang room diba?" -Josh

"Oh tapos?" -Ken

"Eh diba andon si Athena. Wala naman dun si Pablo kanina eh." -Jah

"Sya nga si Athena. Ang kulit nyo naman eh." Naiinis na sabi ni Ken.

Ayaw pa rin kasing maniwala nila Jah at Josh

"Para kasing hindi totoo. Pwede pala yun mangyari sa totoong buhay. Ang hirap naman non. Pano nya nakakaya kaya yun? Saka ano yun, magic?" -Josh

"Kaya nga need nating tulungan si Pablo na bumalik na sa dati. Need na natin mahanap yung babaeng sumumpa sa kanya." Seryosong sabi ko sa kanila at sumang-ayon naman sila sakin.

Nang lumabas si Pablo sa kwarto ay naka t-shirt na ito na mahaba, pero nakaboxer pa rin.

My God Pablo 😓.

"Ano bang ginagawa nyo rito ang aga aga?" Tanong samin ni Pablo habang minamasahe yung sintido nya. Masakit yata ang ulo dahil sa hungover.

Teka?

Bat nag tatanong to?

Di ba nya tanda ginawa nya kagabi?

"Tsk, grabe ka naman malasing. Di ka nga sumusuka pero nakakalimot ka naman." Reklamo ni Josh.

Tampo yarn? May something?

"Wala nga kong matandaan kagabi. Kanina ko pa nga iniisip eh. Parang may ginawa akong kalokohan." Yes Pau, you kiss me. Quick lang naman but still. You kiss me pa rin tapos sabay tinulugan mo ko. 😤

Wait 🫸, wala syang matandaan?

Ibig bang sabihin Pau pati yung kiss mo sakin di mo tanda? 😢

"Wala, makulit ka lang kagabi. Para kang baliw." -Josh

"Bakit? Ano bang ginawa ko?" Takang tanong ni Pablo.

Wala talaga syang maalala.😓

"Wala, makulit ka lang." Nakangusong sabi ni Josh. "Sabihin mo na lang samin lahat about sa transformation mo. Ready na kaming makinig. Tutal kami na lang ni Justin ang di pa nakakaalam. Ano bang nangyayari sayo?" -Josh

Umupo si Pablo sa gitna namin ni Ken.

Lumakas bigla ang tibok ng puso ko. Sa pagdikit pa lamang ng mga balat namin ay parang libo-libong boltahe na ng kuryente ang dumaloy sa akin. Bigla tuloy akong napausog palayo kay Pablo.

Alam kong napansin nya ko pero di na lang sya nag-react.

Nakaramdam tuloy ako ng kaba na baka sa lapit nya sakin ay marinig na nya ang pagtibok ng puso ko sa subrang lakas.

"Kwinento na namin ni Stell sa kanila pero mas okay pa rin if sayo manggagaling." Sabi ni Ken at saka nito hinawakan ang kamay ni Pablo na nakapatong sa hita nito.

Bwisit talaga ang isang to.

At dahil sa dakilang SELOSO si AJERO, hinampas ko yung kamay ni Ken.

Anong yun.

Nag da-the moves sya? 😤

At sa harap ko pa.

No, akin lang ang ASAWA ko. 😤

"Ano ba Stell? Bat nananakit?" Angal ni Ken sakin.

"Buti nga sayo 😛." -Jah

😑 👈 Josh

"Nag aaway nanaman kayo. Akala ko ba best pal kayong dalawa 😑" Reklamo ni Pablo.

"Si Stell kasi." Sumbong ni Ken dito.

Haysst, ano ba to.

Mukang kay Pablo pa yata kami magkakatalotalo 😮‍💨.

Bakit kasi ang gandang nilalang ng taong to.

"Tumigil na kayo, tatampalin ko kayo eh." Sabi ko nga titigil na. Ate Chona mode ka na eh.

"Magkwento ka na. Makikinig kami ni Jah. Kelan ba nagsimula yan?" -Josh

Nag start na magkwento si Pablo mula nong unang mag-transform sya hanggang sa ma-discover namin ni Ken yung secret nya.

Tahimik lang kaming nakikinig sa kanya lahat pero di ko magawang mag-focus.

May habit kasi si Pablo na medyo malikot ang kamay. Yung paglalaruan nya yung kamay or hita ng katabi nya.

At dahil ako ang nasa kanan nya ay ako yung pinagdidiskitahan nya.

Pero pakiramdam ko ay hindi lang ako yung di nakakapag focus samin. Pati rin yung tatlo.

Ang sama kasi ng timpla ng muka nila eh.

Dagdag pa yung tingin nila sa kamay ni Pablo na patay malisyang lang. 😓

"So ibig mong sabihing, yung babaeng hinabol mo kagabi. Sya yung sumumpa sayo?" Tanong ni Josh kay Pablo pero sa kamay ni Pau ito nakatingin.

Pero maya-maya ay kamay ko naman ang tinampal ni Ken.

Tsk, napaka isip bata talaga.

Di ko manlang masolo ang Pau ko. 😭

Mga Epal talaga sila ng buhay ko 😤

Sinamaan ko ng tingin si Ken pero benelatan lang ako nito.

Naiiling na lang si Pablo na tumingin sa amin.

"Kaya nga na-frustrate ako nong di ko sya nahabol no." Malungkot na sagot ni Pablo.

"Kaya pala bigla kang umiyak non." -Josh

"Umiyak ka?" -Ken

"Oo,...... Kasi naman andon na eh. Nakita ko na sya tapos biglang nawala." Nagpakawala nang malalim na buntong hininga si Pablo. Tapos bigla itong tumawa.

"Baliw ka boi?" -Jah

"HAHA 😂, eh pano. Naalala ko si Josh." Natatawang sabi nito.

Bigla namang namula yung muka ni Josh.

Ano kayang nangyari?

"Bakit? Anong ginagwa ni Josh?" Tanong ni Ken habang nakakunot ang noo.

"Eh pano si Josh nong umiiyak ako bigla nya kong HWUEJHDINDHSJI." Di na natuloy ni Pablo yung sasabihin nya dahil biglang tinakpan ni Josh ang bibig nito.

Tawa naman ng tawa si Pablo kahit halos yakapin na sya ni Josh.

Mga malalandi 😭.

At sa harapan ko pa talaga.😢

Bakit sa iba nagagawa mong makipag kulitan Pau? Bat sakin hindi 😢.

"Tumigil na nga kayo dyan.😒" Sita ni Jah sa kanila.

Umayos naman ng upo si Pablo, si Josh naman ay bumalik na sa kinauupuan nito kanina.

"Ano nang plano mo ngayon Pablo?" -Tanong ni Jah dito.

"Syempre, hahanapin ko pa din yung sumumpa sakin. Hindi pwede yung ganito. Gusto kong maging normal. Gusto ko nang umuwi samin." Malungkot na sabi ni Pablo.

Nakaramdam naman ako ng awa sa kanya. Parang gusto ko tuloy syang yakapin.

"Don't worry Pau. Tutulong kami. Pero masmaganda yata if ipa-sketch natin yung muka ng sumumpa sayo para alam din namin if anong itsura nya. May mga kakilala naman ako na pwedeng gumawa non eh. Sabihin mo lang.😊" -Jah

"Oo nga no." Sabi ni Pablo na bahagyang napaisip. "Ang talino mo talaga Jah, halika nga dito. Pakiss ako." Sabi pa nito at saka lumapit kay Justin.

Si Jah naman ay bilang umiwas at saka tumakbo papunta sa likod ni Josh.

"Wag po. Bata pa ko." -Jah

"Natutuwa lang naman ako sayo eh 🤗. Lika na dito. Kikiss na bebe." Nakangising biro ni Pablo at saka lumapit parin kay Jah.

Panay naman ang iwas nito kay Pablo at parang batang naghabulan sila sa bahay. Natatawa na lang kami sa ginagawa nila. Alam naman namin na pinagtitripan na ito ni Pablo.

Kaso nakakainggit pa rin. 😑

Nang mapagod nang maghabulan yung dalawa ay nakaramdam naman sila pareho ng gutom.

Nagpadeliver na lang kami ng food dahil mga ayaw na rin naming magluto.

Besides, alam ko naman na puro hotdog lang naman ang laman ng ref ni Pablo kaya wala rin kaming ibang maluluto. 😮‍💨

********

PABLO'S POV

After lunch ay nagsipag alisan na rin yung mga kumag sa bahay ko. Ayaw pa sanang umalis nila Ken at Stell pero sabi ko ay gusto kong magpahinga kya wala rin silang nagawa.

Gusto ko muna kasing mapag isa.

Saka gusto ko rin munang lumayo kay Stell kahit sa gantong paraan lang. Pag pumayag kasi akong mag stay si Ken dito sa bahay ay siguradong magpipilit din si Stell na wag munang umuwi. Ayaw ko namang isipin nya na si Ken ay pinapayagan kong magstay tapos sya ay hindi.

Malaking diskusyonan nanaman ang magaganap pag nangyari yun at wala akong maisip na palusot sa kanya kaya mas okay kung lahat sila ay uuwi.

Nang sumapit ang alas otso ng gabi ay di naman ako nag-transform bilang babae. Pero kahit ganon ay di ko nanaman maiwasang ma-stress sa bahay kaya gumala muna ako para naman kahit papano ay di naman ako madepress. Wala kasi akong kasama at makausap. Ayoko namang istorbohin yung apat dahil may kanya kanya naman kasi kaming buhay. Hindi naman pwedeng lagi ko na lang silang istorbohin.

Nag-commute lang ako at di na ko nagdala ng sasakyan. Parang gusto ko munang maging normal na tao ngayon. Di ko na kasi nagagawa to eh.

Parang nakaka-miss.

Dinala ako ng pagkabagot ko sa MOA sa may seaside, medyo marami namang tao pero sa tingin ko ay wala naman nakakakilala sa akin. Naka mask naman ako at cap para maitago ang muka ko. Saka pag may tao na medyo napapalapit sakin ay lumalayo ako or yumuyuko ako para itago ang itsura ko. Mahirap na. Ako lang mag isa.

Dati kasi ay kaming dalawa ni Stell ang gumagawa nito. Di ko tuloy maiwasan ang mamiss sya. 😮‍💨

"Sana nandito sya." Mahinang sabi ko.

Sa pag iisip ko ay di ko napansin na may lalake palang tumabi sa akin.

Naka mask din at cap ito.

Tulad ko ay nakatago din ang muka nito.

Nagulat ako sa biglang paglingon nito sakin at nanlaki ang mata ko nang makilala ko ito.

"Stell?" Medyo napalakas na sabi ko.

Bakit sya nandito?

Pano nya nalaman na nandito ako?

Sinundan ba nya ko?

"Shisssh, quiet. Baka may makarinig sayo." Sabi nito at saka natatarantang lumingon lingon sa paligid.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.

Sa mga oras na to ay subrang lakas ng tibok ng puso ko.

Hindi ko alam kung bakit pero subrang saya ko nang makita ko sya.

Pakiramdam ko ay iiyak ako sa saya.

Parang kanina lang ay namimiss ko lang sya tapos ngayon ay nasa harap ko na sya.

"Sinusundan mo ba ko?" Tanong ko ulit dito. Di kasi sya sumasagot sa tanong ko.

Bigla nyang nilahad ang palad nito sa akin.

"Tara na. Magde-date na tayo." Masayang sabi ni Stell. Alam kong malaki ang pagkakangiti nya. Kasi kahit naka-mask ito ay makikita mo naman ang saya sa mata nya.

"Ano munang ginagawa mo dito? Pano mo nalamang andito ako?" Nagtataka pa rin kasi ako kung bakit sya nandito.

"Oh kalma, Ate Chona ka nanaman eh. Wag ka nang magalit Mahal, andito na nga ako eh."

Biglang nawala ang saya na nararamdaman ko. Nakakainis, bakit kasi ganito tong taong to.

"Dyan ka na." Sabi ko sa kanya at saka ko sya iniwan.

Nakakaasar kasi. Lahat na lang ginawang biro.

Baka pati pag confess nya sa feelings nya biro pa rin yun.

Saka bakit ba napakadali para sa kanyang sabihin yung salitang iyon.

Mahal? Mahal nga ba o isang malaking kalokohan lang?

"Sandali lang. Pau, to naman di na mabiro." Hinawakan nito ako sa braso at saka hinarap sa kanya. "Pupuntahan sana kita sa condo mo para yayain kumain. Kaso nakita kitang lumabas tapos nag-commute ka pa kaya sinundan kita. Wala pa sana kong balak na lapitan ka kasi baka gusto mong mapag isa, pero di kita matiis eh. Di ko matiis na di ka lapitan."

Damn, bakit ba ganyan ka Stell?

"Uuwi na ko." Sabi ko sa kanya at saka ko kinuha ang braso ko na hawak pa rin nito.

Tinalikuran ko na si Stell at nagsimula na kong maglakad palayo sa kanya.

I'm sorry Stell, saka na lang siguro tayo lumabas pag alam ko nang wala na kong nararamdaman para sayo.

Hindi ko alam kung bakit biglang tumulo ang luha ko nang iwasan ko si Stell.

Siguro nga ay mahal ko na nga talaga sya kaya masakit para sakin ang layuan si Stell.

Siguro sa next life namin baka pwede na.

Continue Reading

You'll Also Like

10.6K 536 6
Five Years ever since Our Hero, Young Master Silver Shield, sacrificed himself for the sake of his people and Died Along with White Star. The Remaini...
6.4K 187 43
I'm Azaria Kylie Dela Cruz and I have five lost brothers. hindi ko sila kilala dahil 1 month palang simula nung pinanganak ako ay iniwan na ko ng mga...
80.3K 2.6K 80
BANG... BANG..... BANG I jumped up out my sleep to three gun shots. I creep up to my door, opening it up just a little, seeing my father go to my...
4.3K 239 23
Paano kaya kung makapasok ang mga Mondragon sa mundo ng Encantadia? (Short-story)