Play PRETEND [Marupok Series...

By si_amore_mio

242K 9.6K 2K

This is My 2nd Book: Ā° ProfxStud | Intersex | GxG More

š‚š”ššš«šššœš­šžš«š¬ā™”
Prologue
DECLAIMER | WARNING
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21 šŸ”ž
Chapter 22
Chapter 23
The Gor's
Chapter 24
Chapter 25šŸ”ž
Chapter 26 šŸ”ž
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31

Chapter 15

4.9K 231 67
By si_amore_mio

I was kinda scared and hesitant to approach Manang after what mam Serena and her friends told me.

Ilang minuto akong stress na stress sa labas. Makailang balik na rin ako sa cr dahil pakiramdam ko natatae ako na ewan. Na tetense ako eh pero pilit kong kinalma ang aking sarili bago nagpasyang lapitan at kausapin ng buong tapang si Manang.

Bahala na. Hihingi na lang ako ng tawad kung sakaling galit man ito sa'kin.

Andito silang lahat sa living room. Kanya kanyang pwesto sila Celes with her friends while busy with their cellphones. Si Manang naman nakapwesto sa mini table habang nagbabasa ng magazine. As usual tahimik parin at aakalain mong galit sila sa mundo.

"What's with the long face, hija?" She asked after noticing my presence in front of her.

Hindi naman ako agad nakapagsalita dahil medyo nag-aalangan parin ako. Pero hindi eh, ang awkward at di ako sanay na umaktong pa demure sa harap niya. Di ko kailangan magpanggap at paniwalaan ang mga sinabi ng mga kaibigan ni ma'am kanina.

"Manang!" Tawag ko sa atensyon niya. Kunot noo itong tumingin ng deretso sakin kaya nagpatuloy ako.

"Kahit Mommy ka pa ni Celes, Manang parin ang itatawag ko sa inyo" singhal ko na ikinatawa nito ng mahina bago tiniklop ang magazine na hawak niya.

"Haha, sit down. Gusto mo ng brownies? Chocolate's?" Alok nito pagkaupo ko sa harap niya. Kumuha ako ng isang brownies at sinubo yun ng buo. Masarap ah di gaanong matamis.

"I actually don't mind, Ery hija. Perhaps, you can call me whatever you like" she uttered with genuine smile on her face.

Napangiti naman ako sa tinuran nito. Bigla ring gumaan ang pakiramdam ko.

"See? Mabait naman kayo eh. Minsan masyado lang talagang judgemental ang mga tao. Hindi porket masama ang trato niyo sa kanila eh ganon na rin sa lahat" medyo may kalakasan kong sambit kasabay ng intensyong marinig iyon ng iba. Pang iismid ko pa at tilá proud sa aking tinuran. Who cares?

"I really like you, hija" She seriously said that, which made my mouth hang open. Of course, in a teasing way.

"Uyy manang! Di tayo talo! Ano ba" maarting sambit ko sabay flip hair dahilan para humagalpak ito sa pagtawa.

"Hahaha Gaga kang bata ka!"Yan nagaga pa ako.

"What I mean is that I like your vibes, your aura. Your being blunt and jolly entertains and amazes me. Your eyes too, I can see the love and kindness in them." She uttered looking directly to my eyes.

"Paano naman po ang kagandahan ko? Isama niyo na, nahiya pa kayo eh" sambit ko dahilan para mapatawa ito ulit. Sigurado ako at kanina ko pa ramdam ang mga matang nakapukol sa gawi namin ni Manang. Anlakas ba naman nitong tumawa eh.

"My g-god enough haha. Sumasakit na tiyan ko kakatawa sayo haha" sambit nito sa gitna na pagpipigil ng tawa.

Sobrang babaw ng kaligayahan ni Manang.

"Sana po namana rin ni Celes yang mga mata niyo ng sa ganon, ma appreciate at makita niya rin ang worth ko" seryosong sambit ko na ikinatigil nito.

"Yung nanay gusto ako, sana pati anak din para masaya hehe" dagdag ko pa sabay tawa ng alanganin.

"Love takes time, Ery hija. Be patient and Don't lose your hope" pagpapalakas niya ng loob ko. Nakakatuwa tong mommy ni Celes, positibo mag-isip at halata mong totoo ang pinapakita niyang ugali sa tao.

"Siguro kung di lang nagkakalayo ang agwat ng edad natin niligawan niyo na po ako noh?" Seryosong saad ko na nagpaubo sa kanya bago humagalpak ulit sa pagtawa.

"Ano ba yan Manang, wala na kayong naiambag sa usapang 'to kundi puro na lang tawa" pero hindi parin ito natinag at kita ko pa ang maluha luha nitong mata. Napapailing na lang ako bago lumingon sa gawi nila ma'am. Oh yes, lahat sila nakangangang nakatingin sa gawi namin lalo na dito Kay manang na wala parin tigil kakatawa. Nang ibaling ko ang tingin kay Celes, as usual sobrang sama ng tingin nito sakin.

"She's mad and jealous haha" mahinang bulong nito kaya hindi ko narinig ang huling sinabi nito.

"Ano po?" She's mad lang kasi ang narinig ko eh.

"Uhm nothing, hija" medyo natatawang sambit nito.

"Puntahan mo na. Here" sabay abot niya ng isang box ng Brownies.

"Give it to her, favourite niya yan"dagdag niya pa na ikinatango ko.

Tumayo ako't nilapitan si Celes na nakabusangot parin ang mukha hanggang sa makaupo ako sa tabi nito. Alanganin kong inabot ang brownies na agad niya ring tinanggap.

Katahimikan ang namayani sa pagitan namin at ng lingonin ko ang mga kaibigan nito ay maya't maya kami kung sipatin.

Nakiki marites mga 'to panigurado.

Hinanap ko naman ang ate ngunit hindi ko ito mahagilap. Baka siguro malungkot ang beshy niyo kasi wala ang sweety pie niya.

"Celes" pagtawag ko sa kanya na ngayon ay busy sa pagkain ng brownies. Lumingon ito sa gawi ko at tinaasan ako ng kilay. Hindi talaga sila magkamukha ni manang, yung attitude lang ata ang namana nito.

"Uhm sabi ng mommy mo pwede na raw tayo magpakasal" seryosong sambit ko na ikinatigil nito sa pag nguya.

"May blessings na tayo from her and she said lets me a baby na agad" dagdag ko pa dahilan para magsalubong ng husto ang kanyang kilay.

"May pari na, yung susuotin natin meron na rin. Bali oo mo na lang ang kailangan at bukas na bukas pwede na tayong magpakasal" masiglang saad ko sa kanya ngunit palatak at irap lang ang ginanti nito.

"Why don't you marry my mom instead? Since the two of you seem so close" sarkastikong singhal nito. Hindi ko naman maiwasang mapatawa ng pasekrito.

"Hmm, kung sabagay noh. Mukhang type rin naman ako ng Mommy mo eh. Pwede na rin since may blessings na kami sayo" sabay ko sa pang-iinsulto niya ngunit halos mapaigtad ako sa pagkakagulat ng bigla nitong binato ang hawak niyang brownies sa sahig bago tumayo.

"Stupid" dinig kong bulong nito bago nagmartsa paalis. Taranta naman akong napatayo at sinundan ito. Dinig ko pa ang mahinang hagikhik ng mga kaibigan niya bago ako makalabas ng bahay.

"Hoyyy, ito naman ang patola oh" hindi parin ito tumigil kaya mas binilisan ko ang pagtakbo para mahabol ito.

Bigla itong tumigil at hinarap ako.

"Alam mo-"

"Hindi pa po" singit ko sa sasabihin nito. Yan bubuga na ng apoy sabayan mo pa ng panlilisik ng mata niya. Short tempered naman masyado. Di na mabiro eh.

"Can you stop flirting with my mom!?" she shouted. "Not my mom, and from now on, I forbid you to flirt with anyone!" she added before turning her back on me.

I was flabbergasted, and confusion enveloped my whole being when realization kicked in.

"You're jelous?" Di makapaniwalang tanong ko rito.

"Oh no! Never! Why would I?" Defensive nitong sagot at muling humarap sa'kin.

Anger is evident on her face; she's just trying to hide it, but she's obviously struggling.

"Mag girlfriend tayo right? I fucking hired you! At ayaw kong mag-isip ng kung ano ang mga kaibigan ko. It's a shame, so better stop clinging and sticking your nose in someone else's." singhal niya na ikinakuyom ng kamao ko. Hindi ko gaanong maintindihan ang pinuputok ng butchi niya. Ang gulo niya minsan.

"Grabe ka naman Celes, nakipag-usap lang naman ako ng maayos sa Mommy mo pero yang utak mo masyadong madumi kung mag-isip" nagpipigil akong huwag itong pagtaasan ng boses. Nakakainis lang na masyadong makitid ang utak niya, nakakainsulto at nakakababa ng pagkatao ang pangaakusa niya.

Napapikit ito at napabuntong hininga.

"You made her laugh" It seemed like she couldn't believe it."What did you do?" She flatly asked, which made my eyebrows furrow in confusion.

"It was 12 years ago when she stopped showing that kind of emotion. Since that woman-"

"Ary" naputol ang sasabihin nito ng may biglang tumawag sa kanya.

"Uhm, I'm sorry for the interruption, but can I talk to you for a moment?" Biglang sulpot ng ate sa harap niya dahilan para mabaling ang atensyon ni Celes sa kanya.

"Y-yeah of course" bilis magbago ng emosyon oh. Nakangiti na, yung mala Tigre niyang mukha kanina lang ay biglang umamo.

Naka focus ang atensyon ko kay Celes kaya hindi ko na namalayan ang pag-alis ng Ate.

"Uhm saan na ba tayo?" Ambilis makalimot.

"Sige na, puntahan mo na at mukhang mas importante yun" walang buhay kong pagtataboy sa kanya. Hindi naman agad ito umimik at masidhi akong pinakatitigan.

"Uhm about last night-"

"Yes I know, Celes" pagputol ko sa sasabihin nito. "Ako na magsasabi at magpapaintindi sa sarili ko na 'WALA LANG YUN'" diing sambit ko sa huling salitang sinabe ko. Mamaya baka kung ano na naman ang sabihin niya na walang katuturan.

"Nilamon ka lang ng tukso at di mo sinasadyang ipaubaya ang iyong sarili sa'kin di ba?" Dagdag ko pa ngunit hindi ito kumibo.

"Sige na. Go, sayang ang oras" sambit ko bago ito tinalikuran.

"Hindi yan ang gusto kong sabihin, Cherub" saad nito bago ko pa man maihakbang ang aking mga paa palayo.

Hindi ako anghel para tawagin niya ng ganyan. May tinatago rin akong kademonyuhan kung alam niya lang. Pero aminin ko man sa hindi, I'm quite happy sa endearment niya sa'kin. Hindi ko lang alam ba't niya ako tinatawag ng ganon parang ang dating kasi ang espesyal ko sa kanya.

But i want to confirm something muna bago umasa ulit since Ilang linggo na rin kaming naglolokohan. Magkasama I mean.

"Mahal mo parin ba ang ate?" Wala sa sariling tanong ko sa kanya habang nakatalikod parin.

"I-I do" pabulong nitong sagot.

"Gusto mo siyang pakasalan?" Tanong ko ulit. Hindi ito nagsalita ng ilang minuto at ng akmang haharapin ko na ito ay siya namang pagsagot niya sa tanong ko.

"Yes, I do" edi wow! Haha.

Bumuntong hininga muna ako ng malalim at ibinaling ang tingin sa langit.

"Okay, now I pronounce you wife and wife. Puro ka 'I do' eh. Sige na puntahan mo na siya" sarkastikong saad ko bago maglakad paalis.

Putang*nang pagmamahal na yan!

Hindi pa man ako nakakalayo ng bigla niya akong hinablot at hinila paharap sa kanya.

Nagtama saglit ang mga mata namin pero bigla rin akong nag-iwas ng tingin. Napayuko ako dahil ayokong makita niya ang mga mata kong puno ng lungkot.

"I do" sambit nito bago hawakan ang panga ko dahilan para magtama muli ang mga mata namin.

At sa isang iglap lang ay nakalapat na ang malambot niyang labi sa labi ko. Ilang segundo rin ang tinagal nun bago ito dumistansya sa'kin.

"Let's talk again later, okay? Give me at least 10 minutes to talk to her." sambit nito bago ako iniwang tulala sa kinatatayuan ko.






================================

Thank you for patiently waiting for my update po.

Salamat din sa mga nag vo-votes at laging nag co-comment! 😉❤️

Continue Reading

You'll Also Like

2M 71.9K 34
(Trope Series # 1) Cerise's younger sister is getting married and she's expected to attend. The logical thing to do was to attend (duh, it's her sis...
1.9M 87.7K 25
(Yours Series # 4) Marian Eliana Nicolas just wanted to be left alone. She knew that she's not exactly the kindest person-definitely not the first pe...
2.2M 98K 32
(Yours Series # 5) Graciella Rae Arevalo just wants to love and be loved. She feels like she has a lot of love to give and she just wants her own per...
1.4M 47.2K 40
Heartbreakers Series #4: Uriah Kylo Penalver Si Aryn Valerie "Areli" Lopez ay ang isa sa mga maraming taga-hanga ni Uriah Kylo Penalver, the Cold Hea...