THE LAST CHAPTER ( Slam Dunk)

Por Zelien03

3.3K 167 97

" Hindi Tayo mananalo kung ganito Tayo Ngayon.... Para San ba lahat nang to kundi para sa basketball." ... Más

AUTHOR NOTE!
PROLOGUE
INTRO
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
AUTHOR NOTE!
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
AUTHOR NOTE
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
A/N

CHAPTER 12

66 2 0
Por Zelien03

A/N : (  Sorry guys ha at Ngayon lang Ako nakapag sulat, medyo na busy lang kaya Naman pag pasensiyahan niyo na. Para makabawi dalawang chapter nayan... )

.......

Isang linggo na Ang nakararaan Buhat Nang nangyare Ang practice game nila Sapagitan Nang Shoyo. Halos sige sa pagpupursige Ang team Nang shohoku sa pag papractice para sa paparating na winter tournament na gaganapin Ngayong paparating na buwan.

" Nabalitaan niyo ba? Nanalo raw Ang Kainan sa practice game nila kontra Shoyo.... " Wika ni Mito habang naglalakad Kasama Ang tatlo pa nitong kaibigan.

" Malamang Kainan na talaga Ang mananalo, pumang-apat Sila Nung nakaraan kaya Hindi na Yun nakapagtataka." Sagot Naman ni Noma rito....

" Ano bang aasahan natin sa Kainan? Shempre Ang manalo palagi." Ani Oukuso na bahagya pang kinakamot Ang Ulo nito....

" Sana lang ngayong taon, matalo na Sila Nang shohoku para mag-iba Naman Ang sitwasyon." Sabat pa ni Takamiya na walang tigil sa kakalamon. Papunta Kasi Sila Ngayon sa Gym Nang Shohoku para manood sa practice game Nang mga ito. Ang balita Kasi nila nandiyan daw Ang mga unang player Nang Shohoku para sa practice game.

Pagkapasok palang Nila sa loob ay nagwa warm up na Ang lahat maliban sa apat na Taong Wala Ngayon sa loob Nang Gym. nagpalinga-linga pa Sila para hanapin Ang mga Taong ito.

" Kogure, nasan naba Ang mga Yun? Alam nilang Malapit na Ang winter tournament pero panay absent Sila sa praktis! " Mahina ngunit may diing tanong ni Akagi, kanina pa talaga ito asar na asar dahil ni anino manlang Nang apat ay Hindi Niya Nakita.

" Hindi ko Rin alam eh, mamaya tatawagan ko." Nakangiwi na Turan ni Kogure, alam Kasi nito na kanina pa ito naaasar talaga... Nakailang tawag na Si Kogure pero niisa ay Wala manlang sumagot kaya pailing itong napabaling Kay akagi Ngayon.

" Yung apat nayun talaga, kung kelan dumalaw Ang mga former player Nang team tiyaka naman naisapang mag absent." Ani Ayako na napatampal pa sa noo....

" San kaya nagpunta ang mga Yun? " Ang natanong ni iishi sa Kasama nitong si Shouzaki.

" Baka Naman may mahalaga lang na pinuntan. " Ang tanging nasagot lamang nito sa kausap.

" Asan naba Yung red hair na hanamitchi Sakuragi na Yun? " Ang natanong ni Mito....

" Kahapon pa Hindi umatend Nang practice Yun eh, maging si Miyagi tatlong Araw Nang Hindi umaatend... Ngayon Naman pati Sina Mitsui at Rukawa Wala Rin. " Bungad ni Yasuda sakanila...

" Ano Naman kaya Ang drama Ng apat nayun? " Dagdag pa ni Mito sa sinabi....

" Huling tawag Ni Sakuragi ang Sabi emergency raw." Wika pa nito....

" Si hanamitchi? May emergency? " Nanlalaki Ang matang turan ni Takamiya...

" Naku! Naniwala kanaman, Hindi Yun emergency.... Nagsisinungaling Yun! " Dagdag pa ni Oukuso sa sinabi ni Takamiya....

Sa kabilang Banda Naman, tahimik at tila may malalim na inisiip si Miyagi Habang nakaupo sa Isang silya Malapit sa dagat. Ang totoong dahilan kung bat Hanggang Ngayon ay Hindi parin ito nagpa practice ay dahil Hindi parin tumitigil Ang pangangatog at panginginig Nang buong katawan nito. Marahil ito na siguro Ang naging epekto Nang pagtatapat nila ni Miyo Nung practice game nila kontra Shoyo. Hindi Niya talaga  inasahang makakalaban niya ito sa Isang laro, at kahit kelan Hindi Niya inaasahang magiging katunggali Niya ito balang Araw. Hindi man Niya aminin subalit dumating na Ang Isa sa pinaka kinakatakutan Niya, Ang makaharap Ang Taong siyang mismong naging dahilan kung bat natuto siyang maglaro Nang Basketball. Mahirap para sa kagaya niyang kalabanin Ang Taong Malaki Ang naitulong sakaniya pagdating sa larong ito, at kahit sabihing Isa Rin Siya sa magaling ay inaamin niyang mas magaling parin ito sakaniya. Pano ngaba Niya matatalo Ang Taong may matagal Nang experience pagdating sa paglalaro? Pano ngaba Niya malalamangan Ang Taong kahit kelan Malaki Ang naging ambag nito sa Buhay Niya.

Pasaglit niyang tiningnan Ang palad niyang Ngayon ay nakabukas, nanginginig ito na para bang Anu Mang Oras Wala Nang balak pang tumigil. Isa nalamang mahabang buntong hininga Ang kaniyang pinakawalan habang Nakatitig sa mga kamay nito.

" Hindi ko alam kung kelan ka titigil sa panginginig, pero sana Naman... Wag kanaman sanang makaapekto pa sa laro ko." Mahina niyang bulong sa sarili matapos ay tumingin kung asan Ang kulay asul na dagat na mismong Nasa harap lamang Niya. Habang inaalala Ang mga nakaraan nila Nang matalik nitong kaibigan na Si Miyo Ishikawa.

                               FLASHBACK

" Miyagi! Hindi dapat pinupwersa Ang opensa kapag balak mong eh shoot Ang bola. " Wika nito habang dinidribble Ang bola sa mga kamay nito.

" Ha? Hindi ka makakawala kung Hindi mo pwe-pwersahin." Angal Naman Niya rito Nang bahagya Siya nitong tawanan.

" Kapag matumba Ang nagbabantay sayo, may posibilidad na makagawa ka Nang foul... Maaaring maibigay mo pa Ang pagkakataon sa kalaban mo." Paliwanag nito sakaniya, matapos ay itinuro Ang tamang pamamaraan Nang paglalaro... Mula sa pinaka basic papunta sa pinaka major Nang laro.

" Alamo? Gusto Kong maging kagaya mo Miyo, gusto Kong makasali sa All-star kagaya mo... Balak ko ring makilala Nang saganun masuklian ko ang pagtuturo mo sakin." Aniya habang nakatingala sa liwanag Nang buwan... Pasimpleng napangiti Ang binatilyo sa itinuran Nang kaibigan Niya... Pakiramdam Niya Ang idolohin Nang Isang kaibigan Ang pinaka magandang achievement na nakuha Niya para sa sarili.

" Darating din Ang Araw na yon Miyagi, lagi mo lang tatandaan na kapag Nasa Oras ka Nang laro, isipin mo Ang mga Taong umaasa sayo... Nang saganun matalo mo Ang bagay na posibleng makatalo sayo." Mahabang pahayag nito Kay Miyagi habang Nasa maliwanag Rin na buwan nakatingin...

" Isipin mo Rin kung Ano Ang kinakatakutan mo at Hindi para matantiya mo Ang dalawang Yun pagdating Nang Araw. Ano ngaba Ang kinakatakutan mo? " Dagdag pa nito sa sinabi, bahagya Namang nagbaba Nang tingin si Miyagi papunta sa gawi nito bago magsalita.

" Natatakot akong makalaban ka Miyo... Ayuko Yun." Seryosong wika nito...

" Ano kaba, panigurado kapag nangyare Yun mas magaling kana." Patawang sambit nito sakaniya.

" Seryoso Ako Ron, Yun Ang Isa sa pinaka kinakatakutan ko... Naiisip ko palang Yun para nakong nawawalan Nang kompiyansa sa sarili. Hindi birong ikumpara sayo Miyo, kahit gano Nako kagaling Basta Ikaw Ang kalaban ko parang Wala parin kung ikukumpara Yun sakin." Mahabang Turan ni Miyagi rito na nakapagpatahimik sa buong paligid. Bata palang lagi na Silang ipinagkukumpara ni Miyo, maging sa acads ay lagi itong nanalo.... Nanliliit si Miyagi sa sarili dahil sa kahit ano Mang larangan tinatanggap niyang Hindi Niya matatalo Ang kaibigan. Bahagya Siya nitong tinapik sa balikat dahil simula pa Pala noon ito na Ang nararamdaman Nang kaibigan Niya satuwing ikinukumpara ito sakaniya. Taliwas sa inaasahan Niya Ang sasabihin nito pagdating sa bagay na kinakatakutan nito sa Buhay. Bigla siyang nakadama Nang panandaliang Inis sa sarili... Hindi Niya ginustong maging threat Siya sa kaibigan Lalo nat Ang gumaling lang Naman Ang hangad Niya para rito.

..........

Napasingyap si Miyagi sa naalala, pakiramdam Niya ay sariwa pa Ang lahat Nang pagsasama nila Nang kaibigan niyang si Miyo... Hindi parin tumitigil Ang pangangatog Nang tuhod Niya maging Ang buong katawan Niya.... Dito Niya Rin naalala kung pano nga ba Niya naalala si Ayako, dahil Rin mismo Kay Miyo.

..........

Tahimik na naglalakad si Miyagi habang bitbit Ang bag nito galing eskuwelahan, Nang Hindi niya inaasahang Makita si Miyo habang may kausap na babae. Hindi maipaliwanag ni Miyagi kung bat naging ganito Ang pakiramdam Niya, para siyang nakadama Nang panandaliang saya Nang Makita Ang imahe Nang dalagang kausap nito.

' napaka ganda Naman Niya...'

Ang tanging Turan Niya sakaniyang isipan, nabalik lamang Siya sa wisyu Nang tawagin Siya ni Miyo....

" Miyagi! Tara Dito! " Tawag nito dahilan upang lumapit Siya sa gawi Nang mga ito pansamantala. Pakamot-kamot pa siyang lumapit na para bang nahihiya pa.

" Nga Pala.... Miyagi ito si Ayako, Ayako ito Naman si Miyagi." Pagpapakilala nito sakanilang dalawa...

" Oh! Hi nice to meet you Miyagi." Maangas na wika Nito na para bang  pang boyish Ang datingan nito. Mula sa suot nitong jersey maging sa maong na suot-suot nito Isama pa Ang kulay abo nitong sumbrero sa Ulo.

" Nice to meet you Rin." Bungad niya rito na bahagya pang nagpatawa sa dalawa..

" Bat kaba nagkakandautal diyan ha miyagi? " Pangangasar na Saad ni Miyo rito dahilan upang mas Lalo pa siyang mahiya.

" Nauutal bako? Hindi kaya." Aniya na pasimpleng sinulyapan Ang imahe ni Ayako pasaglit.

" O pano bayan Miyo, Miyagi.... May practice pa Kasi ko tiyaka baka hanapin Nako Nang coach Namin eh... Pano bayan maiwanan ko Muna kayo." Wika nito, tumango lamang Siya habang ngumiti Naman si Miyo rito... Tiningnan lamang Niya Ang pag-alis nito Hanggang sa mawala na ito sakaniyang paningin.

" Maganda ba Siya? " Tanong na bumungad sakaniya habang naglalakad Sila ni Miyo...

" Ha? Bat mo Naman sakin tinatanong Yan?  Tiyaka bagay Naman kayo..." Mahina Ang panghuling sinabi Niya subalit narinig parin iyon ni Miyo dahilan kung bat napatawa ito na siyang ikinatingin Niya.

" Ano kaba Miyagi, Anong bagay? Yang si Ayako parang kapatid na Ang Turing ko diyan... Isa pa medyo may pagka tomboy Siya Minsan kaya Hindi ko Siya natipuhan kahit simula pa noon." Nakatawa nitong pahayag....

" Nahahalata ka tuloy, eh Ikaw ata Ang may crush sakaniya eh."  Dugtong pa nito sa sinabi... Napatawa nalamang si Miyagi dahil sa pang-aasar ni Miyo sakaniya...

" Ayieee, bagay Naman kayo." Panggagaya nito sakaniya...

" Tumahimik ka nga Ang ingay mo."

........

Napapangiti si Miyagi dahil sa nga naaalala, para kasing kahapon lang ito nangyare na talaga Namang sariwa pa sa isipan Niya kahit na sabihing ilang taon na Ang lumipas. Naalala Rin Niya Ang Araw na lumaban Ang eskuwelahan nila kontra Hiyufo high.

Dumating pa Ang Isa sa pinaka hinihintay ni miyagi Nang mga sandaling iyon. Laban iyon Sapagitan Nang skwelahan nila at Ang eskuwelahan Nang Hiyufo High. Gusto niyang makitang maglaro Ang kababata nitong si miyo dahil paniguradong walang magiging panama Ang mga makakalaban nito sa laro.

" Sigurado Naman akong walang panama Ang Hiyufo high sa Ace Nang Gangnom na Si Miyo Ishikawa... Para narin nilang sinuntok Ang buwan kapag matalo nila Ang Taong Yan."

" Sinabi mo pa, ilang awards naba Ang natanggap ni Miyo Nung naglaro Siya sa World Tournament Nung nakaraan? "

" Isa talaga Siya sa inaabangan ko.. "

" Trending Rin Ang play na ginawa nila ni Mith suwahara sa world Tournament, Yung bang ipinasa Niya Ang bola sa ere tapos sinalo Naman iyon ni Suwahara para idakdak. Kakaibang kombinasyon Ang ginawa nila na talaga Namang nagpayanig sa larangan Nang Basketball."

"  Oo pre, natatandaan ko... Kung di Ako nagkakamali  Natalo nila Ang team Nang Carpenters noon."

Rinig niyang usap-usapan Nang iilan, Hindi maiwasang Hindi mapangiti ni Miyagi sa mga naririnig patungkol Kay Miyo. Pakiramdam Niya Ang magkaroon Nang Isang all-star player na kaibigan ay Isang Malaking karangalan. Iniidolo Niya Ang kababata Niya dahil sa galing nito kung maglaro, Minsan narin niyang pinangarap maging Isa sa pinaka magaling pero kahit Hindi pa iyon natupad sakaniya, natutuwa Siya dahil kahit Hindi man sakaniya mapunta Yun atleast na punta Naman ito sa kaibigan Niya.

Mag-uumpisa na Ang laro Sapagitan Nang dalawang eskuwelahan, junior high palamang Sila at talagang inaabangan Nang lahat Ang laro Nang dalawang eskuwelahang ito. Kung di Kasi Hiyufo high Ang nagkakamit Nang panalo ay Ang Gangnom high Naman. Halos Hindi magkanda ugaga ang mga manonood Nang lumabas na Ang player Nang kaniya-kaniyang team.

" Miyo! Galingan mo! "  Malakas niyang sigaw Nang Makita Ang kaibigan niyang naglalakad na patungong bench nito. Kumaway lamang ito sakaniya Saka ngumiti...

" Gusto ko ring maging kagaya mo Miyo, gusto Kong maging Isang All-star... Kahit Hindi kita matalo ok lang, tatanggapin ko Yun.......










































Hindi Naman Siguro Tayo magpapang-abot sa basketball Hindi ba? Kaya Hindi Ako natatakot dahil alam Kong Hindi Naman kita makakatunggali sa laro, Hindi ba Miyo..... "

Seguir leyendo

También te gustarán

381K 13.6K 60
𝗜𝗡 𝗪𝗛𝗜𝗖𝗛 noura denoire is the first female f1 driver in 𝗗𝗘𝗖𝗔𝗗𝗘𝗦 OR 𝗜𝗡 𝗪𝗛𝗜𝗖𝗛 noura denoire and charle...
1M 40.5K 93
𝗟𝗼𝘃𝗶𝗻𝗴 𝗵𝗲𝗿 𝘄𝗮𝘀 𝗹𝗶𝗸𝗲 𝗽𝗹𝗮𝘆𝗶𝗻𝗴 𝘄𝗶𝘁𝗵 𝗳𝗶𝗿𝗲, 𝗹𝘂𝗰𝗸𝗶𝗹𝘆 𝗳𝗼𝗿 𝗵𝗲𝗿, 𝗔𝗻𝘁𝗮𝗿𝗲𝘀 𝗹𝗼𝘃𝗲 𝗽𝗹𝗮𝘆𝗶𝗻𝗴 𝘄𝗶𝘁𝗵 �...
97.5K 2.8K 47
Hinamori Amu is now a junior in Seiyo High. After almost five years of not seeing Tsukiyomi Ikuto, she finally sees him, but at school....as her new...
1M 64.4K 119
Kira Kokoa was a completely normal girl... At least that's what she wants you to believe. A brilliant mind-reader that's been masquerading as quirkle...