This Is, Love (GxG)

By ellyciaDC

169K 4.5K 1K

Professor x Student!!! [ Hi, this is my first time finishing a book here on Wattpad. I hope this story entert... More

Intro
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Finale
Author's Gratitude
Special Chapter 1

Chapter 8

2.5K 84 15
By ellyciaDC

Xyianne





Kasulukuyang nakataas ang mga paa ko sa ibabaw ng table. Nakaupo ako dito ngayon sa couch sa kwarto ko at busy akong naglalaro ng CODM sa phone ko.



Magulo ang aking mga buhok dahil sa pagbalibalikwas ko ng pwesto lalo na kapag malapit na akong mamatay sa laro.


Minsan pa'y napapatayo ako sa pwesto ko at napapatalon kapag nakatakas ang kalaban ko kapag binabaril ito.



"Hmm, gago ka ah. Kanina ka pa talon ng talon ah!" Gigil na sambit ko habang ang nakasandal sa backrest ng couch ko.


I scrunched my nose dahil puspusan ang pagbabarilan namin hanggang sa natumba ang kalaban, pinasayaw ko ang character ko sa tuwa nung mapatay ko ang natitirang kalaban ko.



Winner winner chicken dinner, Baby!



Matapos kong maglaro ay agad kong ibinaba ang phone ko sa gilid ko at nagstretched ng mga braso at daliri. Nakailang game ako simula nang makauwi ako galing sa group meeting namin kanina. Hindi na rin ako tumuloy dahil tinamad na akong lumabas ulit. Ganito talaga ako once na makauwi ayaw ko ng lumabas pang muli.


Boring kong tao di ba? Pero dahil wala akong kaibigan bukod kay Bridge kaya hindi rin talaga ako pala punta kung saan man iyan.



Kaya ito inuubos ko na lang ang panahon ko sa pag-aaral, pagtulog, at paglalaro.



Para lang makaiwas kakaoverthink sa kung anong meron sa professor kong anghel na binagsak ng langit sa malambot na foam kaya ayun walang galos at napakaganda ng mukha.



Oo maganda si Ma'am, pero syempre mas maganda ako. Hindi ako ginawa ng mga magulang ko para magpalamang ng kagandahan.



Pamilyar talaga yong itsura ni Ma'am, hindi ko lang talaga sure kung saan ko siya nakita. Nasa dulo na ng dila ko yung clue eh.


Idagdag ko pa sa pag iisip si Nervana. Gumagatong sa iniisip ko. Gawin ko siyang uling dyan kapag napikon ako.




Hays! Ayoko na. Nagooverthink na naman ako. Makapaglaro na nga lang ulit.



Akmang ioopen ko na ang CODM app ko nang biglang may tumawag sa phone ko.



My forehead immediately form a creased because it was an unknown number.



Hindi ako fan ng pagsagot ng mga unregistered number kaya hinayan ko lang matapos ang pagriring at ng matapos ay inilagay ko siya as a spam number.



Pipindutin ko na sana ulit yung CODM ko nang biglang tumawag naman ngayon si Bridge.




Sinagot ko din naman agad dahil baka may kailangan ang babaita.



"Hi baby! Where you at? I'm hoping to see you here but sadly you're not. Hindi mo rin sinasagot ang tawag ko kanina. I already miss you though!" Halos malalaglag ang panga ko habang pinapakinggan ang malanding tono ng boses sa kabilang linya.




I triple check the registered name on my phone dahil sigurado akong hindi si Bridge ang may ari ng boses na yon. Kaso number talaga niya eh. Rinig ko rin sa kabilang linya ang bahagyang tawanan at ingay ng tugtog sa paligid.



"Who you? Bakit gamit mo ang number ni Bridge?" Seryosong tanong ko sa taong kausap ko.


"Oh honey, it's me, Your babe Nervana."
Sabi ko na. Ang maharot na si Nervana ang kausap ko.



I rolled my eyes and cleared my throat before answering her. "Eh bakit hawak mo ang phone ng best friend ko? Where is she? Don't tell me lasing na yan?" Pagtataray ko sa kanya na ikinatawa lang niya.



"Chill babe, she's still in a good state but one more drink baka sumubsob na ito sa dibdib ko. Ayaw mo naman sigurong may kaagaw—" pinutol ko na ang sasabihin niya dahil baka kung saan pa mapunta ang kahalayan ng bibig niya. Jusko.



"Shut up, I'll go there. Pakibantayan lang muna." Pinatay ko kaagad ang tawag niya at dali daling pinasibad ang kotse ko papunta sa resto bar na sinasabi nila kanina sakin.



Alas onse na ng gabi kaya malamang sa malamang eh lasing na yung kaibigan kong iyon. Knowing her? Hindi niya pinapalampas ang bawat shots na iaabot sa kaniya ng kung sino.




Nasaksihan ko na kasi yun dati noong naimbitahan kami sa isang bar noong kaarawan ng pinsan niya na pag mamay-ari din ang lugar.



Sa sobrang approachable niya. Pati bouncer sa labas inaaya niya mag inom.



Kaya hanggat maari ayaw kong maginom ng sobra kapag kasama siya. Dahil baka parehas kaming pulutin sa kangkungan kinabukasan.




Nang makarating ako sa lugar kung nasaan ang kaibigan ko ay agad din akong bumaba sa kotse.



Pinagmasdan ko ang exterior design nito. Hindi na masama, maganda nga. Mukhang maharlika. Makulay din dahil sa warm led lights. May rooftop din para sa mga gustong tahimik ang buhay kapag kumain.



Sa unang tingin akala mo ay isang ordinary restaurant lang ito pero noong pumasok ako at hanapin ang sinasabi nilang bar, doon ko masasabing napakahusay ng gumawa nitong lugar na ito. It looks classy and elegant when you first enter, as in restaurant type of place siya. Then once you go deeper into it, there's a bar hidden beneath the place. Nasa lower ground floor ang bar. Kaya payapa silang mag-ingay at magwalwal nang hindi nakakaistorbo sa mga gustong kumain lang at magchill.




Soundproof, iba't ibang ilaw ang pupukaw sa mga mata mo. Mga taong nagsasayawan sa dance floor, may booth ang DJ pero ang kasalukuyang tumutugtog ngayon ay sila Brandon, Sabrina at Naomi at ibang kabanda nila.




Si Sabrina ang vocalist ngayon na may hawak ding gitara at may ka-duet na lalaking hindi ko kilala, si Brandon ang drummer, while si Naomi ay sa electric guitar, may iba pa silang kasama pero hindi ko na sila pinagtuunan ng pansin dahil hindi ko sila kilala eh.




Nagumpisa na silang tumugtog muli ng bagong kanta.



And I'd give up forever to touch you
'Cause I know that you feel me somehow
You're the closest to heaven that I'll ever be

And I don't want to go home right now
And all I can taste is this moment
And all I can breathe is your life
And sooner or later, it's over
I just don't wanna miss you tonight




Ang cool nila pagmasdan. Minsan nangangarap rin akong tumugtog, pero dahil wala akong confidence kaya ginawa ko lang siyang libangan.




Ikaw ba naman lumaking walang nag e-encourage sayo. Si Dad kasi ay madalas wala dahil sa work. So sino pa ba aasahan ko eh wala naman akong nanay.


I always kept myself in the small circle of my comfort zone. That's where I live.



And I don't want the world to see me
'Cause I don't think that they'd understand
When everything's made to be broken
I just want you to know who I am



"Aray, sorry ha!" Nabalik ako sa katinuan nang biglang may bumangga sa balikat ko na kung sino. Hindi man lang marunong maglakad ng maayos! Iinom inom tapos susuray suray maglakad tapos mambubunggo pa.




And you can't fight the tears that ain't coming
Or the moment of truth in your lies
When everything feels like the movies
Yeah, you bleed just to know, you're alive

And I don't want the world to see me
'Cause I don't think that they'd understand
When everything's made to be broken
I just want you to know who I am




Hindi ko mapigilan tumingin sa stage kung saan may banda dahil ang galing nila. Halatang sanay na sila sa ginagawa nila. I've heard them before sa mga event sa school pero hindi ko sila kilala at wala rin akong panahon para kilalanin sila noon dahil masyado akong focus sa sarili ko.



Nagumpisa na akong maglakad lakad sa loob. Puro PDA ang mga magjojowa at kabit, nakalimutan kong itanong saan nakapwesto ang kaibigan ko. Mukhang matatagalan pa ako sa paghagilap. Jusko! Naiwan ko pa kasi ang phone ko sa bahay dahil low batt na kaya chinarge ko muna.



Magaling ka talaga, Xyianne. Pahirapan mo pa ang sarili mo.



Tumingala ako sa loft type na VIP rooms na nakapalibot sa loob baka kasi may makita akong Bridgette na sumusuka sa tapat ng glass planel.



Pero wala.




"Hi, Miss beautiful, shot ka muna!" Hindi ko pinansin ang boses ng kung sino man iyon. Wala akong time hanapin kung saan galing dahil mas importanteng mahanap ko yung kaibigan ko.



"Hey, sexy lady, wanna play body shot with us?" Sabi nang mga mukhang tuko na grupo ng mga lalaki. Body shot daw eh kung pagbabarilin ko kayo ng shot gun dyan para malaman niyo kung anong body shot ang gusto kong gawin?


As usual nilagpasan ko lang ang mga tae sa paligid. Hanggang sa makarating na ako sa bandang unahan. Nakahinga ako ng maluwag dahil nakita ko si Nervana sa table na may kausap na babae. Hindi pala usap, kasi mukhang maghahalikan na sila anytime.



Masuyo kong pinasadahan ang paligid kung nasaan na ba ang kaibigan kong kanina ko pa hinahanap. Hays, Bridgette Borja. Ginagawa mo talaga akong butler mo kapag lasing ka.




Lumapit na ako sa table kung nasaan ang maharot na si Nervana.



Nang mapansin niya ang paglapit ko ay dali dali niyang pinaalis ang babaeng kinulang sa tela ang suot katulad niya at saka ako sinalubong ng malagkit na yakap na agad ko naman tinulak sa balikat niya.



Amoy alak.



"Where's Bridge?" Bungad ko sa kanya, bahagya kong nilapit ang mukha ko sa kanya para itapat sa tenga nito dahil masyadong malakas ang tugtog sa stage. Malapit kasi itong pwesto nila sa banda. Kaya hindi na rin ako nagtaka nang makita ako nila Brandon.




Medyo nagulat pa sila nang makita ako pero kalauna'y kumaway ang mga ito sa akin at ginawad ang mga ngiti nilang abot tenga.




I smiled back at them and wait for Nervana's response. She cling herself to me in my arm. Ako naman ay hinahawi ang pagkakalingkis niya sa akin, pero she's persistent. Parang may mighty bond yung mga kamay niya dahil ayaw matanggal. Napabuntong hininga na lang ako sa kanya.





"Come again?" Sambit ulit nito, halatang tipsy na sa tono ng boses niya.



"I said where's Bridgette? I thought you're with her? Nasaan na siya?" Kunot noong tinanong ko ulit sa kanya.




"Oh— that Borja girl? Maybe she's at her house already." Nervana said then shrugged her shoulders.



"What!? Sino naghatid? Pinagdrive mo yon ng lasing? How dare you? Sabi mo ikaw bahala!?" Inis kong usal sa kanya. Potek, baka kung ano mangyari doon. Baka hindi pa nga yun makauwi! Jusko. This is a headache!



She just chuckled at my reaction. Sa inis ko'y hinawi ko ulit ang mga kamay niya sa braso ko at tsaka ko siya hinawakan sa magkabilang balikat nito at matamang tinignan ang mga malapusa niyang mga mata na mapupungay na ngayon dahil sa kalasingan, ang mga pisngi nito ay namumula na rin.



Tinitigan ko siya ng masama na kinangisi lang nito. "Hoy, Nervana! Kapag may nangyaring masama sa kaibigan ko—" pinutol nito ang sasabihin ko.



"Chhiiill~ she's fine as hell, okay? My sister was the one who took her home. You're such a mommy to worry like that! Gosh! You're so fucking hot right now." Nervana stated while blinking her seductive cat eyes while biting her lips.



I suddenly removed my hands off her shoulders dahil bigla ata akong napaso sa imahe niya ngayon. Juicekolord.




I composed myself again trying to brush off the feeling of seduction towards the woman in front of me. "Your sister? How will I trust her that she'll take her home safe and sound? How are you sure of that?" Kunot noong tanong ko sa lasing na babae sa harap ko.





"Ssshhh, can you stop blabbering about your beloved bestie? Don't worry. 'Kay? She's with my sister, my sister who doesn't know how to smile and calm down." She laughed at her last statement.



"What!?—" napako ang katawan ko sa biglang paglapit ng mukha nito sakin, kusang pumikit ng madiin ang mga mata ko dahil sa gulat. Not that I'm expecting but I really thought that she will kiss my fucking virgin lips.




Pero nakahinga ako ng napakaluwag, super luwag kagaya ng langit dahil walang lumapat na kahit ano sa bibig ko.



Pero sumikip din bigla ang dibdib ko dahil sa boses na narinig ko.




"What the fuck are you doing, Nervana!?"



Minulat ko ang mga mata ko ng dahan dahan, this place was dark but somehow the disco lights helped me to see the ever angelic face of my professor in front of me.


But even with those angelic features of hers, she can't hide her frustrated expression towards Nervana who was just smirking to the both of us.


She chuckled. "Oh– hi there, Ma'am Adler. Or should I say...couz?" She playfully say to my professor which resulted me in shock.



What?! Cousin daw? So pinsan niya?



Oo Xyianne, bobo ka ba? Tinagalog mo lang eh.


Pero huh!? I didn't expect that!



My mouth immediately shut kahit gusto ko nang ngumanga dahil sa gulat.
Nakakatakot kasi tumingin si Ma'am. Ibang iba talaga kapag pinakulo mo ang dugo ng mababait na tao.



Kilabot to the max!



"You're drunk. Let's go." Kalmadong usal nito sa babaeng maharot na kaharap namin. Ang bilis niya kumalma mga sis.



Hinawakan ni Ma'am ang braso ni Nervana para hilahin paalis.



"Hey! Don't— stop it couz! My god! I'm not done with Xyianne!" Reklamo ni Nervana na lalong kinainis ng propesora.



"You're the one who should stop, Van. Mabuti na lang at ako ang nakakita sayo. Dahil kung naabutan ka pa ng ate mo dito na gumagawa ng milagro, baka kalbo ka na bukas. Just be grateful!" Hala, sermon yarn.



Okay, I think I should be the one to go first. Ayoko nang makisali pa sa panenermon ni Ma'am.



"I should go," Sabat ko sa pagtatalo nila. Dahil mukhang ayaw patalo nitong isa kay Ma'am. Tigas ulo. Buti isa lang ulo nito.



Napatingin ang dalawa sa akin na agad nagpalunok sakin.


"No–"

"Dapat lang."


Sabay nilang sabi. I looked at them alternately.



Magkaibang magkaiba ang expressions nila. Nervana looks like pleading me to stay while Ma'am Adler looks like she's going to punish me if I don't follow her.



"Uhm... Ano," ano Xyianne? magisip ka! Hindi mo minana ang talino ng nanay mo kung hindi mo gagamitin ang utak mo.




Nakatingin lang silang dalawa sa akin at naghihintay ng sasabihin ko. Hot seat na naman ang peg ko.




"Ano, uhm.. Ihatid na natin si Nervana, Ma'am. Baka kung ano pa ang gawin niyan sa akin. Virgin pa po ako." Parang tangang saad ko sa dalawa.




Kita ko kung paano nangunot ang noo ni Ma'am pero hindi nakalagpas ang bahagyang pagtaas ng labi nito na agad ding nawala.




Si Nervana naman ay hindi makapaniwalang naparolyo ang mga mata sa sinabi ko. She hisses and left us both staring at each other.




"You should go now, I can handle her." Kalmadong saad ni Ma'am pero umiling lang ako.




"No Ma'am, samahan ko na po kayo ihatid iyan. Matigas po ang ulo ng isang iyan baka maubos po ang pasensya niyo. Nakakatakot pa naman kayo kapag nagsusungit." Litanya ko pero hininaan ko lang ang huli kong sinabi. Baka kasi lumabas ang tunay na kulay ni Ma'am at masaksihan ko ang bagyong dala niya.




Lalong kumunot ang noo niya sa ginawa ko. Kaya ako na ang humatak sa kanya sa braso para sundan ang lasing na maharot na pinsan niyang si Nervana.




Bahagya pa ang pagtigil nito sa ginawa ko pero sa huli'y nagpatianod din ito hanggang sa maabutan namin ang babaeng iyon na nakikipagshot pa sa ibang table.




Hay, si Bridgette dapat ang inaatupag ko ngayon pero ito ako, ibang lasing ang inaalalayan ko.



"Hoy tanga, halika ka na. Tama na yan." Kalabit ko kay Nervana at kinuha ang shot glass na may lamang alak. Balak pa tunggain ng buang na ito.




Si Ma'am tahimik lang.



"Miss, ikaw na lang ang uminom niyan. Shot! Shot! Shot!" Pang eengganyo ng mga tao sa table kung nasaan si Nervana ngayon.



"Ako na, Zamora." Ma'am, shut up na lang ang iyong mouth. Ako na, baka dalawa pa kayong bitbitin ko eh.



Mahirap na.



Akmang hahablutin ni Ma'am ang shot glass nang ininom ko ang laman nito ng isang lagok lamang. Ramdam ko ang pait at init na dumaloy sa lalamunan ko pero nawala rin agad dahil sa ingay ng mga tao.




I heard my professor hissed at my back pero sinawalang bahala ko na lang at sabay hinatak si Nervana palayo sa mga tao. Bali para akong may hawak na dalawang anak.



Si Ma'am sa kanan, sa kaliwa si Nervana.



Malapit na kaming makalabas ng tuluyan sa bar na ito ng biglang harangin kami nila Sab and the band.




Jusko, kanina pa ako nandito sa lugar na ito. Ito na ang pinakamatagal kong staycation sa bar.



"Hi, Xyianne! Sabi ko na hindi mo ako matitiis eh." Brandon cheerfully greeted me which I reciprocated with a nod and a small smile. Hindi naman siya ang pinunta ko dito. Duh!




The others also greeted me and Nervana whose head was already leaning on my shoulder, kapit na kapit din ito sa kaliwang braso ko kaya ramdam ko na rin ang bigat nito. Si Ma'am naman umalis na sa kanan ko at nakaalalay na sa likuran ko in case na ma out of balance ang babaeng ito.



"Oh– Ma'am nandito din po pala kayo. Good evening po—" putol na sambit ni Brandon dahil sumingit si Ma'am.



"Actually, it's already 1 am. You should be at home by now. You have classes tomorrow." Bakas ang pagkairita sa boses niya sa lalaki pero kalmado lang siya kung titignan.



"Y-yes Ma'am, paalis na rin po kami. Tapos na kasi ang gig namin." Medyo utal na sagot ni Brandon.




"Don't worry, Ma'am. Papasok kami bukas sa subject niyo dahil malakas kayo samin! Tsaka baka kasi magpaquiz kayo eh." Biro ni Sabrina na agad sinang-ayunan ng iba at napatawa pa.



Our professor just nodded and smiled at them. "Okay, ingat kayo." Saad nito at ako naman ang hinatak niya kasama si Nervana na malapit na matulog, tahimik na eh.



"Bye, Xyianne. See you again, thanks sa pagpunta!" Habol pa ni Brandon bago pa man kami makalabas ng tuluyan sa resto bar.




I heard a sigh of relief from my professor after that. Kaya napahinga na lang din ako ng malalim dahil finally nakalabas na ko! Malaya na ko! Charot.



Tang ina anong oras na! Dapat naglalaro lang ako ng CODM ngayon eh. Kainis!



Kasalanan mo ito Bridgette Borja.

#normalizedblamingbridgette


Nakarating kami sa parking lot na akay akay ko si Nervana habang si Ma'am naman ay nakaalalay lang ng mabuti sa akin. Sa akin talaga hindi sa pinsan niya. Hanep din ito si Ma'am eh.



"Ma'am saan ka pupunta?" Takang tanong ko dito dahil humiwalay siya ng direksyon sa amin.



"To my car?" Hindi niya siguradong sagot sa akin nang lingunin niya ako.


"Sa kotse ko na, Ma'am." Aya ko sa kanya habang hawak ko sa bewang at balikat ang pinsan niya.


Naramdaman ko bigla ang bahagyang pagkilos ni Nervana at lalong nagsumiksik sa akin. Ang init ng katawan niya.



"Hmm, you're so bango~" lasing na bulong nito sa akin. Pigil hininga ko siyang itinulak ng kaunti palayo sa akin pero umangat pa ito ng tingin sa akin at nasalubong ng mata ko ang mapungay na cat eyes nito. 




"Tsk, Keys." Medyo tumalon na naman ang puso ko sa gulat dahil sa pagsulpot ni Ma'am sa harap ko.



"Huy Ma'am, ayoko siyang ikiss ha. Inilalayo ko nga yung pinsan niyo eh. Masyado na niyang inaaubos ang personal space ko." Pagrereklamo ko dito dahil sulit na sulit na ng isang to ang pagdikit nito sakin.



"What are you saying? I said keys, susi. Gustong gusto mo rin i-kiss ang pinsan ko eh noh? Gosh, I can't with you." Reklamo nito sa akin na ikinaismid ko.




"Excuse me lang Ma'am ha. Masyadong judgemental ka sa part na iyan. I don't just kiss someone noh! My precious lips could never." Pairap kong sagot sa kanya.




"Tsk, your action says otherwise. So, nasaan na nga ang susi?" Pagdiin nito sa salitang susi.



"Nasa bulsa ko sa likod, Ma'am." Medyo inis kong sagot sa kanya. Judger si Ma'am. Husgahan ba naman ako dahil sa keys.


Kiss kita dyan eh.

Huy~

Anong pag iisip iyan, Xyianne. That will never happen. Graduate muna bago landi.


#goforthegoal


Pakshet si Ma'am, nanghahawak ng pwet!


"M-ma'am.." wala sa sariling sambit ko.


"Why?" She nonchalantly utter.


"Nanananching ka–Ouch!" Napaigik ako sa sakit dahil hinampas pa ni Ma'am yung pwet ko. Puta!



"You and your mind. I'm just getting your keys. My goodness!" Asar na sagot ni Ma'am sa akin.



Lately, nagsusungit na si Ma'am. Pansin ko lang. O baka sakin lang siya ganyan.


"How dare you to spank me, Ma'am? Ni hindi nga ako napalo ng nanay ko eh." Kasi hindi ko naman naabutang buhay iyon kaya malamang.

What a dumb statement, Xyianne.



"As if— I mean, kasalanan mo. Masyado kang feelingera." Sagot nito at sa wakas ay nasa kotse na kami. Pinahiga na muna namin si Nervana sa backseat dahil bagsak na ang katawan niya sa kalasingan.


Si Ma'am naman ay nasa passenger seat at ako ang magdadrive. Although nangawet ako ng bongga sa bigat ni Nervana. Ako na rin ang nagpresinta magdrive para mabilis. Gusto ko na makauwi.


"Ma'am, saan ko kayo ihahatid." Ngayon ko lang natanong sa kanya kung saan ko sila ibaba. Nagdrive lang kasi ako agad.


Uwing uwi yarn?


"Sa Brighton Village." Maikling sagot nito habang nakatingin sa labas. Huminga ito ng malalim kaya napatingin ako pero agad ko rin winaksi at hindi na nag abala pa magtanong dahil hindi naman ako palausisang tao.




"Phase 2 block 7." Sambit nito ng makapasok kami ng matiwasay sa gate ng village.



I nodded in response and immediately manouver the steering wheel at the location.



Isang malaking gate ng bahay ang tumambad sa akin.



Agad na bumaba si Ma'am para iopen ang gate gamit ang boses nito. Ay shala.


Nang bumukas ay dali dali akong bumaba at binuksan ang pinto ng backseat para maalalayan ang lasing na babaeng natutulog ngayon ng mahimbing. 



"Ipasok mo na ang sasakyan mo dito para mas madaling mabuhat yan." Sambit ni Ma'am na naghihintay lang sa gate.



Eh kung tulungan mo ako dito, Ma'am? Pinsan ko ba ito?



Tumikhim ako bago muling bumalik sa loob ng kotse at ipinark na sa loob ang kotse ko. Ma'am Alder immediately closed the gate using her voice again.




Hindi ko na lang muna pinansin kung bakit niya sinarado gayong aalis rin naman ako agad. Bagkos ay bumaba na ako agad sa kotse para gisingin si Nervana.



Tinapik ko ang mukha nito para magising na agad. Rinig ko ang bahagyang pag ungol nito pero winaksi ko lang ang narinig ko at inalalayan na siya sa paglabas ng kotse ko.




Ma'am Adler then helped me to carry this woman hanggang sa makapasok kami sa loob.



Ang lawak ng bahay ni Ma'am, I wonder kung sino sino ang mga nakatira dito kasi tahimik lang.




Maamoy agad sa loob ang refreshing bamboo scent katulad ng amoy nito sa office niya.



"Go to the second room right in the middle. That's where she'll stay. Kukuha lang ako ng tubig. Wait for me there." Sambit ni Ma'am matapos naming maiakyat ng matiwasay ang babaeng ito.



I opened the door where the room is, kinapa ko na rin muna ang switch sa gilid at nang maiopen ko ang ilaw ay bumungad sa akin ang cream colored na room, may queen sized bed sa gitna at couch malapit sa paanan nito. Mukhang kumpleto ang mga furniture sa loob at mukhang nagagamit naman kwartong ito at hindi lang basta basta guest room.




I immediately drop Nervana's body on the bed. Yes, I dropped it like a sack. Napagod at hiningal na ako eh. Napakabigat ng babaeng ito. Hindi naman niya malalaman na binagsak ko lang siya dahil sa kalasingan niya.





Narinig ko lang ang pagreklamo nito ng bahagya pero kalauna'y nahiga rin siya ng maayos.





"What did you do?" Takang tanong ni Ma'am dahil medyo natawa ako sa itsura ni Nervana.




"Ah, nothing." Mabilis kong sagot sa professor ko. "Mauna na po ako, Ma'am. Anong oras na rin po kasi. May klase pa po ako bukas." Dugtong ko sa sinabi ko.



"No, you can stay here for the night. It's late. You should already rest." Pagpigil ni Ma'am sa akin na agad kong ikinailing.



"Ma'am ayaw ko po matulog dito, baka kung anong gawin sakin ng pinsan niyo." Sagot ko dito habang yakap yakap ko ang sarili ko sa mga braso.



I heard her scoffed. "What? Do you think, I'll let you stay here with her? Over my dead body, Zamora! There's an available guest room outside. Go there!" She hisses while she softly comb her smooth brunette hair upwards in frustration.




Nakakunot na naman ang noo ni Ma'am, ang cute magsalubong ng kilay niya.


Nakatanggap naman ako ng isang hampas sa braso dahil hindi ko na napigilan ang pagsilay ng maiksing ngiti sa labi ko.


"You! Pumunta ka na nga don. Ako na bahala dito. May mga hinanda na rin akong pampalit mo, you can take a shower and rest. G-go, bilis." Tulak tulak ako ni Ma'am habang sinasabi iyon.


Bago pa man niya maisarado ang pinto sa mukha ko ay pinigilan ko ito.


"Ma'am, baka hanapin pala ako ni Daddy." Hiyang saad ko dito.


She gave me her phone. "Here, message him." I immediately got it para matapos na itong araw na ito.


"Ay Ma'am, password?" Tumalikod si Ma'am sa akin para asikasuhin na si Nervana.



"Quadruple 1." She shortly utter while removing Nervana's dress. Shit.


Napatalikod ako bigla dahil sa ginagawa ni Ma'am.



Pinindot ko ang apat na 1 para maunlock ang phone niya.


Same kami ng password ni Ma'am....




Iwinaksi ko na lang ang iniisip ko at dali daling tinext si Dad. Hindi ko na tatawagan dahil for sure humihilik na iyon. Sapat ng nagmessage ako sa kanya.



"Uh, Ma'am. Tapos na po ba bihisan si Nervana? Ibabalik ko na po kasi ang phone niyo." Usal ko dito habang nakatalikod pa rin sa pintuan.



"Yes, let's go." Sinarado na rin niya ang pintuan ng kwarto at halata na ang pagod sa mga mata ni Ma'am. Kaya hindi na ako nangulit pa at nagpasalamat sa pagpapahiram ng phone niya.



Dumiretso na ako ng kwarto pagtapos kong magpaalam at nagshower. Pagkatapos kong magbihis ng malaking t-shirt at cotton short shorts ay nagpatuyo na ako ng buhok.





Dumiretso ako ng higa sa malaki at malambot na kama at pinagmasdan ang kisame.




Nakakapagod pero hindi ako makatulog.
Hindi talaga ako sanay matulog sa ibang bahay.




I tried to close my eyes but all I see was my professor's frowning face.




Natampal ko ang sarili ko dahil sa inisip ko at nagbilang na lang ako ng tupa.



Kaso kamukha ni Ma'am yung mga tupa....


Fuck, walang tulugan is real!


*******



Continue Reading

You'll Also Like

17.4K 224 30
Kaia Theya Frances known as the most cheerful and the happiest person that almost everyone in South Dawn University knows. South Dawn University is T...
108K 2K 25
❝we'de still worship this love❞ [ COMPLETED ] ★ 𝐢𝐧 𝐰𝐡𝐢𝐜𝐡 percy jackson and lena brown were the best of friends until they weren't 𝐨𝐫 𝐢𝐧 �...
Brandon By A

Romance

488K 8.3K 12
Blue hated her dad's best friend, Brandon. He was tall, scary, and mean. He was the drummer in her dad's band. Every time they saw each other, a sco...