When You're Gone

Od ZLTres

36.2K 647 11

Introduction When someone special to you was gone forever will you be able to move on especially if you gave... Více

Chapter 1- I love her.
Chapter 2 - It's all your entire fault!
Chapter 3 - Forbidden or True Love?
Chapter 4 - Goodbye Zee...
Chapter 5 - You have her physical heart by I have her real heart..
CHAPTER 6 - The Stranger
Chapter 7 - What is success without You?
Chapter 8 - Trap?
Chapter 9 - The Man in the Suit
Chapter 10 - Gab?
Chapter 11 - Friends?
Chapter 12 - New Friendship or?
Chapter 13 - It's not a date!
Chapter 14 - She's still watching over me.
Chapter 16 - knowing you.
Chapter 17 - Her Smile
Chapter18 - Being with Her.
Chapter 19 - Gab's confession and Missy's confession and Aya's confusion.
Chapter 20 - Go with the flow?
Chapter 21 - I'll wait for her.
Chapter 22 - Prisoner of past
Chapter 23 - Our confession
Chapter 24 - My Wishlist.
Chapter 25 - Truth
Chapter 26 - I'm Lucky
Chapter 27 - Proposal
Chapter 28 - Nothing has changed to her.
Chapter 29 - Everything is going to be okay.
Chapter 30 - Wedding day.
Chapter 31 - Matilda, Gab's past?
Chapter 32 - True love means
Chapter 33 - Life
Ending
Casts:

Chapter 15 - Her suffering.

511 10 0
Od ZLTres

MARK

Nagkakape ako sa tindahan ng makita ko ang pamilyar na mukha sigurado akong si Aya yon. Dito lang pala siya nakatira. Naku matutuwa si Sir nito kapag nalaman niyang taga dito pala si Aya. Baka magkabunos pa ako ng bigla. Sa totoo lang ngayon ko lang napansion na kakaiba nga talaga ang dating ni Aya, kaya yata patay na patay si sir sa kanya kasi napakabait niya. Hindi siya maputi, hindi siya sexy hindi naman payat hindi naman di matanda. Sa una hindi siya maganda pero kung tititigan mo siya at makikita ang ngiti at mata niya para siyang nag bo-bloom at kakaiba ang dating.

Ayaw pabayaran ni nanay yong pandesal at nakita ko na nahihiya si Aya.

"Kunin mo na Aya minsan lang ganyan si nanay eh, pagbigyan mo na." sabi ko sa kanya at pinilit kong kunin nya.

"Marami pong salamat nanay ha. Aalis na po ako excited na akong kumain ng masarap niyong pandesal, bye bye Mark." Sabi nya na nakakaway papaalis.

"Anak alam mo ba naaawa ako sa batang yan. Ngayon ko nalang nakitang parang buhay ang mata niya halos 2 taon tila umiiyak yan kapag umuuwi. Tas alam mo ba na mag isa lang siya sa apartment na yan sa tapat. Ang alam ko namatay kong kasintahan niya tas ayon mag isa nalang siya mula noon." Nalulungkot na sabi ni nanay.

"Tapos sa tuwing bumibili siya dito tila namamaga ang mata niya kakaiyak lagi din siyang maputla, mataba din yan dati nangayayat nga sa yata sa lungkot tapos akala mo walang kabuhay buhay. Natatakot nga ako na baka kung anong mangyare kasi mag isa lang siya diyan."

Bigla kong napaisip at naawa sa kanya. Kaya yata gustong gusto ni Sir makita na masaya siya. Matagal ko nap ala siyang kapitbahay hindi ko man lang alam edi sana matagal na silang nagkita ni Sir.

"Kawawa naman pala siya nanay." Mahina kong sabi.

"Pero masaya na ako ngayon kasi nakangiti na siya.." nakangiting sabi ni nanay. "Ano kayang magandang nangyari sa kanya? Sana Magtuloy tuloy na masaya siya. Sayang kasi kung magpapakalunod siya sa lungkot.

"Hwag kang mag alala nanay magiging okay din siya." Sabi ko.

"Ligawan mo kya anak, mukha namang mabait." Natatawang sabi ng nanay ko.

"Eh nanay naman kay Boss Gab ko yan eh. Matagal na nga niyang hinahanap yan." Bigla kong nasabi sa nanay ko at napatakip ako ng bibig. Nkita ko na naglat si nanay at kinurot pa ako.


"Ang shunga shunga mo naman anak! 2 years na nga nating kapitbahay yan ee di mo man lang napansin? Sabagay uuwi ng umaga yan tas aalis ka naman ng umaga. Mabuti naisipan mo akong tulungan ngayon at nakita mo siya. Pero sure ka may gusto boss mo don? Baka naman masaktan yang si Aya sa boss mo. Dba dami nagkakagusto dun saka dami nagiging jowa. Naku patay ka sakin Mark ha." Seryosong sabi ni nanay sakin at kinukurot parin ako.

"Aray naman nanay. Lovestory na nila boss yon, labas na ako doon." Sabi ko sa kanya at pumasok na ako sa bahay at hinanap ang cellphone ko.

Sinubukan kong tawagan si Boss pero ring lang ng ring ang cp niya kaya ng tx nalang ako.

"Sir di ka maniniwala pero alam ko kung saan nakatira si Aya, pumunta ka dito sa bahay! Hehe sir bunos ko ha. Di mo malalaman bahay niya kundi dahil sakin." Message Sent.

 

 

Nakita ko na papaalis si Aya. Naiinis tuloy ako kay Sir baka pumunta dito yon sakto di pa nakakabalik si Aya baka mabatukan pa ako. Tinadtad ko ng text si sir pero wala parin siyang reply. Pinabayaan ko nalang sabagay taga jan lang si Aya kaya hindi naman siya mawawala.

Alas otso na ng umaga sinubukan ko uli siyang tawagan kasi nakita ko na nakabalik na si Aya. Nakakainis tulog mantika talaga si Sir. Kung kailan may mahalagang bagay pa siya natulog ano nanaman kayang ginawa ng boss kong yon?

Sinubukan ko uli siyang tawagan sa wakas sinagot!

"Ano ba ang aga aga eh isturbo ka." Tila naalimpungatan pa siya.

"Sir! Wag mo akong pagalitan. Andito si Aya!." Agad kong sabi.

"HINDI NGA! Anong gagawin niya sa bahay mo!" agad nitong tanong na tila galit pa. OA sa pagseselos hindi pa naman sila.

"Sir galit much. Kapitbahay pala namin siya Sir! Pumunta ka dito!" agad kong sabi at naputol na ang linya haha sigurado ako magmamadali yon.

GAB

Sarap sarap ng panaginip ko ay may iisturbong tawag ng tawag ang aga aga. Mahahalikan ko na pa naman siya sa panaginip ko naputol tuloy.

"Ano ba ang aga aga eh isturbo ka!" Galit kong sagot sa kanya       .

"Sir! Wag mo akong pagalitan. Andito si Aya!." Natatarantang sabi ni Mark

"HINDI NGA! Anong gagawin niya sa bahay mo!" Naiirita kong sabi.

"Sir galit much. Kapitbahay pala namin siya Sir! Pumunta ka dito!" napabangon ako agad at naligo para madaling makapunta ng antipolo. Sa bahay nila Mark. Mabilis pa ako kay the flash kumilos hindi dapat sinasayang ang oras. Miss ko na kasi agad siya.

Aaminin ko. Pag may ginusto ako dapat makuha ko at gagawin ko ang lahat. Isa pa medyo possessive din ako heheh akin lang siya eh. Agad akong nagmaneho at nag isip kung anong magandang dahilan kung pupunta ako doon. Pwede naman sigurong work related kunwari kahit siya naman talaga ang dahilan ng pagpunta ko dito.

Nakarating ako sa Antipolo at Pumarada sa may tapat ng bakery nila. Agad na lumapit si Mark at bumati sakin si Nanay Marites and nanay ni Mark.

"Oh iho napadalaw ka ata bigla. O baka may ibang dinadalaw?" natatawang biro ni Nanay Marites sakin.

"Pasensya ka na sir nadulas ako kay nana yang kulit kasi eh." Bulong ni Mark sakin.

"Kayo talaga nanay namiss ko lang naman mga tinapay nyo eh." Nakangiting sabi ko sa kanya.

"Sir daig mo pa si the flash ah. Bunos ko ha." Biro sakin ni Mark.

"Batukan kita diyan eh, san ba si Aya?' Tanong ko agad sa kanya.

"Dyan sa tapat Sir." Bulong niya sakin.

Nag iisip parin ako para mag mukhang hindi kahina hinala sa paningin ni Aya na pumuta ako doon. Nagulat ako ng lumabas siya galing sa apartment sa tapat na parang may dalang tray. Napatingin ako sa kanya at tinanggal ko pa shades ko dahil napakasimple nya yet she looks perfectly beautiful in my eyes. Naamoy ko ang dala niya spaghetti, Parang ang sarap nya, hehe yong spaghetti.

"Nanay may dala po ako para sa inyo." Agad na lumapit si Nanay Marites sa kanya.

"Naku iha nag abala ka pa para 10 pisong pandesal lang binigay ko sayo." Nahihiyang sabi ni nanay Marites. "Mahirap ka palang bigyan kasi ang laki ng pinalit mo, nakakahiya naman."

"Naku nanay, bigla lang po akong ginanahang magluto, yan lang po kasi ang alam kong lutuin, tagal ko na din hindi nakakapagluto niyan eh madami po hindi ko naman kayang ubusin yan." Nakangiti niyang sabi. Bigla siyang napalingon ng biglang nagsalita si Mark.

"Aya, bango naman ng spaghetti na luto mo sigurado ako masarap yan."

"Gab bakit andito ka?" agad niyang tanong hindi ko alam isasagot.

"Pano kasi Aya si Sir may papagawa sakin sabi mamayang hapon pa gusto niya ngayon agad agad eh tinutulungan ko pa si nanay. Sabi ko siya pumunta ditto kung nagmamadali siya. Eh nagulat ako pumunta nga." Agad na sagot ni Mark. He is such a lifesaver madadagdagan ko bunos niya dahil dito.

"Haha sipag niyo naman."tipid niyang sabi.

"Mga anak halika na kayo at kainin na natin tong luto ni Aya, halika Aya dito ka nalang din kumain, malungkot kumain ng mag isa." Yaya agad ni nanay Marites at hinawakan pa si Aya para din a makatanggi at inabot kay Mark ang spaghetti. Sumunod naman ako sa kusina nila at naupo sa tabi ni Aya. Naglagay naman si nanay ng plato at tinidor at may dalang juice at tinapay si Mark.

"Ay nakalimutan kong dalhin yong cheese!" sabi ni Aya.

"Ito na iha ang keso, maupo ka na diyan at kumain na kayo feel at home ha." Nakangiting sabi ni Nanay Marites at kumidat pa sakin. Heheh swerte ko naman tinutulungan pa ako ni Nanay.

Kumuha ako ng spag at kinadkaran ko ng maraming keso. Masarap kasi pag madami. Nakita ko si Aya na naghihintay.

"Ako nalang mag kadkad para sayo." Sabi ko sa kanya.

"Sige, damihan mo rin ha." Sabi niya na parang natutuwa. Ang sarap ng luto niya manamis namis parang gusto kong ubusin.

"Wow jolibbee spaghetti". sabi ng makulit kong inaanak na si Melissa na sinusubuan ni Mark.

"Anak mo yan?" tanong ni Mark.

"Hindi nu, pamangkin ko si ate kasi nasa work na tas yong asawa niya nasa abroad kaya si nanay tumitingin." Sagot ni Mark.

"Ang cute naman niya ang saya siguro na may bata s bahay nu lalo pa ganyan kabibo." Masaya niyang sabi.

"Tita Aya, Love love mo ba si Ninong Gab ko? Lagi mo ba ako ipagluluto ng Jolibbee spaghetti?" biglang sabi ni Melissa. Isipin mo 3 years old palang yan kakampi ko na. Bigla naman akong naubo.

"Haha ang kulit naman ng pamangkin mo, Ninong ka pala niya Gab?"Biglang baling sakin ni Aya.

"Hehe si kulit yan eh." Tipid kong sabi.

Lumapit si Melissa kay Aya. At nagpapakalong. Kinuha naman siya ni Aya.

"Tita Aya lagi kita nakikita pero lagi kang sad buti ngayon marunong ka na mag smile. Ayaw ko na pasubo kay tito subuan mo ako tita please." Pagpapacute ni Melissa.

"Oo naman nu, say aaah" sabi ni Aya at natutuwa ako sa nakikita ko.

"Tita Aya can I just call you ninang? Para madami ako gift sa pasko?" natutuwang sabi ni Melissa.

"Sure baby. Ano bang gusto mo?" tanong ni Aya sa bata at kiniss sa pisngi. Naiinggit ako kay Melissa.

"Gusto ko sana pumuta sa Enchanted Kingdom! Tas sasakay ako ng mga rides." Excited na sabi niya.

"Edi mag Enchanted Kingdom tayo." Agad kong sagot kay Melissa.

"Talaga Ninong? Yehey sama ka Ninang ha please..." pagpapacute ni Melissa.

"Ikaw na bata ka instant ninang mo pa si Tita Aya mo ha." Sabi ni Mark.

"Kasi bagay sila ni Ninong kaya Ninang dapat siya." Walang muang na sabi ng bata. "Enchanted na kasi tayo tito, Ninang please." Pagpapacute ulit niya.

"Sige Baby. Sasama ako sa inyo." Sagot ni Aya at parang gustong tumalon ng puso ko. Makakasama ko siya uli.

"Kung gusto niyo pumunta na tayo ngayon?" Agad kong yaya sa kanila. Biglang lumundag papunta sakin si Melissa at niyakap ako at kiniss bigla din niyang kiniss si Aya at sa lips pa. Huhu inunahan pa ako. Agad nagmadali si Melissa at hinabol ni Mark. Papunta kasi sa banyo at tila maliligo.

"Hirap tanggihan ng bata. Ano kayang pakiramdam ng may baby?" natatawa nyang sabi sakin.

"Gawa tayo baby, hehehe." Sabi ko sa isip ko ahahah.

"Oo nga eh tas sing cute pa ni Melissa nu." Sagot ko sa kanya

"Eh dapat mag asawa ka na."sabi uli ni Aya.

"Tara pakasal na tayo."sabi ko uli sa isip ko heheh.

"Wala nga akong gf eh, haha. Kunin mo na gamit mo? Ligong itik yan si Melissa mamaya bihis nayon." Sabi ko sa kanya.

"Oo nga iha, ako na magliligpit niyan, umuwi ka na muna." Sabi ni Nanay Marites.

"Sige po sandal lang ako." Agad siyang umalis at alam ko na magpapalit siya at kukuha ng gamit. Gusto ko sanang sumama kaso hindi naman pwede. After 30 minutes bihis na si Melissa at si Mark. Ayaw sumama ni nanay kasi magbabantay nalang siya ng tindahan at bumalik narin naman si Tatay Carlito galing sa kakilala nito. 30 minutes pa hindi parin bumabalik si Aya kaya lumabas ako nakita ko siya kausap nanaman yong les na yong Missy sa may labas na tila nag lolock ng gate si Aya. Lumapit ako sa may kotse para marinig ko sila. Chismoso peg ko?

"Missy, I told you. You are a good friend of mine, hanggang doon lang yon." Sabi ni Aya.

"I'm so sorry Aya, ayaw ko naman na lumayo ka sakin, hindi mo na nga kami sinasamahan minsan. Sorry na Aya, wag ka namang magalit sakin, wag ka namang lumayo samin." Sabi nito kupal talaga yong les na yon.

"Aalis ako Missy. Saka na natin pag usapan to. Hindi naman ako galit sayo. Kaibigan parin kita." Sabi niya ditto. That's my girl relax yet fierce. "Umuwi ka na."

"Hatid na kita. Dala ko naman motor ko." Sagot nito.

"Eh ang kulit mo! Gusto mo bang magalit nalang ako sayo. Alam mo naman na ayaw ko sa makukulit, umuwi ka na." sabi ni Aya at tila natakot naman yong Missy.

"Sige na nga, ingat ka ha." Sabi nito at tuluyan ng umalis. Bigla naman akong nagkunwari na may kausap sa cp.

"Oh tagal mo?" biro ko sa kanya.

"May makulit kasi eh, pasensya na." sabi niya at ngumiti sakin. Bigla naman lumapit si Melissa sa kanya at kiniss nanaman siya sa pisngi.

"Ninang ang ganda mo pareho tayo." Sabi ni Melissa. Nakasakay nap ala si Mark sa back seat at pinasakay si Melissa doon. Hehe kaibigan ko talaga to sa harap niya papaupuin si Aya para tabi kami.

"Dito nalang kami ni Melissa sa likod kakahiya naman kung si Aya pa mag aalaga sa makulit kong pamangkin." Sabi ni Mark para hindi naman kami obvious.

Nagmaneho na ako papuntang Enchanted Kingdom at ang makulit na nagyaya ay ayon tulog na pati ang magaling kong assistant. Habang si Aya naman ay tahimik lang at nakatingin sa labas.

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

167K 5.7K 55
She lived a normal life for 18 years. Until one day, she discovered that she's different from everyone around her. That she's a Mermaid and she has...
1.5M 58.6K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
577K 17.2K 86
Kayla is not your ordinary girl. Why? Because she really isn't. May kakayahan siyang hindi naiinitindihan ng ibang tao. She has a third eye. Hindi n...
261K 14.5K 36
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...