AYA
Nakakapagod ang araw na to pero ang sarap sa pakiramdam na nakapamasyal ako. Ngayon ko nalang uli naranasan to, ang kumain ng madami, ang tumawa, ang mag enjoy, at matakot sa pinapanood. Habang sakay ng fx paputang Antipolo nakatulog ako at napanaginipan ko si Zee.
"Aya, I want yyou to be happy.. Always happy.." sabi ni Zee.
"Zee.. I am happy with you." Sabi ko sa kanya.
"Aya, I will wait for you, but for now open your heart open your eyes, don't let sadness eat your life, you deserve to be happy. Don't worry about me. I love you Aya...I always will.."
Bigla akong nagising at naluha. Zee is always been my happiness. Pakiramdam ko napaka unfair ko kasi nagsasaya ako. Pero tama si Zee magkakasama din kami alam ko naman na mas masaya siya kung magiging masaya din ako. Pero sa panaginip hindi ko maintindihan open your heart daw? Panaginip nga naman ang gulo. Pero masaya na rin ako kahit sandal pakiramdam ko nakasama ko siya. Kahit sa panaginip lang. That's more than enough to asks for more.
Nakarating na ako sa libingan ni Zee. Nilagay ko ang bulaklak. Saktong paglagay ko. Naramdaman ko ang hangin na tila yumakap sakin.
I want you to be happy. Open your heart...
Narinig kong bulong kasabay ng malakas na hangin. Napaluha ako. Hindi ko maintindihan ang nangyayari. Gaya ng pangako ko sa kanya siya lang ang mamahalin ko hanggang huli. Wala ng iba pa. Mas pinili kong maging manhid sa paligid. Siya lang ang mamahalin ko habang nabubuhay ako. Pero bakit parang echo ang salitang... yon... hindi ko maintindihan at ayaw kong intindihin.
I want you to be happy. Open your heart...
"Baka naghahalucinate lang ako." Bulong ko sa sarili.
Mga 1 oras din akong tumigil doon ng makaramdam ako ng antok. Naisipan ko ng umuwi sa apartment ko at diredirestso na nakatulog ng makahiga ako. Muli nanaman akong nanaginip.
"Aya, buksan mo ang mata mo sa paligid mo, buksan mo ang puso mo. May darating para sa'yo. I want you to be happy.. pero pag dating mo dito ako parin ha."
"Ano ka ba. Ikaw lang ang mahal ko! Ayoko. Tumigil ka na." naiiyak kong sabi."Huwag mo na akong iwan Zee. Dito ka nalang.."
"Your happiness is very important to me Aya. I want you to live like the way you used to be even if I am gone. Someone deserves you and I know he can make you happy. He just like me you loved you so much and can give everything for you.. and the love that you will have will never be forbidden. With this way magkakabati na kayo ng pamilya mo. Im so sorry for being selfish when it comes to you. I love you .."
"No Zee! I chose you and I will still choose you above anything else."
"Aya, I want you to be happy.. Don't worry I will still wait. Ayoko mag isa ka lang na mabuhay. Please grant my only wish.. You need to be happy with him.. But I will still be with you forever..."
"Zee!"
Bigla akong nagising sa panaginip na yon. I know andito lang siya at nag aalala sakin. Tama siya dapat maging masaya ako habang nabubuhay ako pero alam ko magkakasama muli kami.. Some part of that dream was to hazy for me to remember. Pero natantadaan ko parin lagi niyang sinasabi na "Open your heart." Pero di ko na masyado pang iniisip.
Nagising ako umaga na at ala singko imedya na. Hehe ngayon nalang uli ako nakapag pahinga ng ganon. Nakatingin ako sa picture frame na nakasabit yong picture naming at napangiti ako. Pupunta muna ako kay Zee ng maaga.
"Don't worry Zee. I will start to be alive and happy again. I know I'll see you soon. I love you so much baby." Sabi ko habang nakatingin sa picture frame. Nakaramdam ako ng gutom para nabuhay uli ang senses ko na halos di ko napansin ng dalawang taon. Naghalungkat ako ng mga bpagkain at nakita ko ang spam kaso walang tinapay at wala din akong bigas. Nakakatamad kaya magluto. Si Zee lang kasi nagluluto. Naligo muna ako at bibili ako ng pandesal. Gumala ako kahapon maghapon kaya di pa rin ako nakakaligo dahil nakatulog ako ng umuwi ako.
Pagkatapos ko mag asikaso ng sarili ko lumabas na ako para bumili ng tinapay. Ngayon ko lang napansin na parang ang ganda ng umaga.
"Ate pabili po ng 10 pisong pandesal." Sabi ko sa babae.
"Oh Maam Aya?" nagulat ako ng marinig ko ang pamilyar na boses.
"Ma-Mark?" tanong ko.
"Oo ako nga yon, yong assistant ni Sir Gab!" agad niyang sagot.
"Wala kang pasok?" natanong ko dito.
"Nakapahinga kami ni Sir ngayon. Pero mamaya pupunta ako sa kanila. Tumutulong muna ako dito sa nanay kong maganda sa bakery niya." Masayang sabi niya.
"Talaga tong anak kong to. Alam mo ba Ne' ang bait nitong anak ko, kung di dahil sa kanya di kami magkakaganitong bahay at negosyo." Pagmamalaki ng ina niya na parang ikainggit ko kahit pinalayas na ako ni mama namimiss ko parin siya.
"Ang swerte nyo naman sa anak niyo ate." Sabi ko sa nanay niya.
"Tawagin mo nalang akong nanay. Basta kaibigan nitong anak ko, parang anak na ko na din, nililigawan ka ba nito iha?"
"Nanay naman! Kay S-sir... hindi nuh! Kaibigang siya ng boss ko." Bigla niyang sigaw.
"Ay ganon ba anak? Hehe pasensya ka na ineng ha." Sabi ng matanda.
"Aya nalang po nanay." Nakangiti kong ng sabi.
"Ito iha ang pandesal mo, mainit pa yan. Libre ko na sayo yan." Sabi ng matanda.
"Ay naku nanay baka naman malugi kayo niyang, ito po ang bayad ko." Nahihiya kong sabi.
"Kunin mo na Aya minsan lang ganyan si nanay eh, pagbigyan mo na." sabi ni Mark. Nahihiya man ako ay kinuha ko nalang nag isip ako na minsan dalhan ko nalang ng pasalubong ang nanay niya.
"Marami pong salamat nanay ha. Aalis na po ako excited na akong kumain ng masarap niyong pandesal, bye bye Mark." Sabi ko at kumaway ako pag kaalis.