When You're Gone

By ZLTres

36.3K 647 11

Introduction When someone special to you was gone forever will you be able to move on especially if you gave... More

Chapter 1- I love her.
Chapter 2 - It's all your entire fault!
Chapter 3 - Forbidden or True Love?
Chapter 4 - Goodbye Zee...
Chapter 5 - You have her physical heart by I have her real heart..
CHAPTER 6 - The Stranger
Chapter 7 - What is success without You?
Chapter 8 - Trap?
Chapter 9 - The Man in the Suit
Chapter 10 - Gab?
Chapter 11 - Friends?
Chapter 12 - New Friendship or?
Chapter 14 - She's still watching over me.
Chapter 15 - Her suffering.
Chapter 16 - knowing you.
Chapter 17 - Her Smile
Chapter18 - Being with Her.
Chapter 19 - Gab's confession and Missy's confession and Aya's confusion.
Chapter 20 - Go with the flow?
Chapter 21 - I'll wait for her.
Chapter 22 - Prisoner of past
Chapter 23 - Our confession
Chapter 24 - My Wishlist.
Chapter 25 - Truth
Chapter 26 - I'm Lucky
Chapter 27 - Proposal
Chapter 28 - Nothing has changed to her.
Chapter 29 - Everything is going to be okay.
Chapter 30 - Wedding day.
Chapter 31 - Matilda, Gab's past?
Chapter 32 - True love means
Chapter 33 - Life
Ending
Casts:

Chapter 13 - It's not a date!

517 11 0
By ZLTres

AYA

Nakakainis si Gab. Sabi kong ililibre ko siya pero siya parin ang nagbayad! Kaya ko namang bayaran yon eh. Nakakainis! Nagulat ako nong sabihin niyang ilibre ko nalang siya sa ocean park eh ang mahal doon eh nakakahiya naman kung murang ticket bibilihin ko. Hindi lang yon ang iniisip ko kasi nasa wishlist ko yon at gusto ko kami ni Zee ang pumunta doon ng magkasama. Bago siya nawala dapat pupunta kami pero di na natuloy dahil wala siya.

"Hindi naman sigurong masama kung pupunta ako." Bulong ko sa sarili ko.

"Sir, narinig ko na plano nyo pumunta sa ocean park. Meron pop ala kaming ticket dito na 50% off in partnetship po sa ocean park baka gusto nyo?" narinig kong tanong ng crew.

"Sige Miss pakibigyan ako ng dalawang ticket. Magkano po ba?" agad kong tanong. Aba syempre discount yon at 50% pa.

"Bali 800 na po yong dalawa Maam. Lahat po ng attraction kasama po diyan, mag eenjoy kayo sa date ng asawa nyo." Natutuwang sabi ng babae at umalis na siya. Naiinis ako sa babae sabihin ba naman yon.

"Narinig mo yon napagkamalan pa ako. Nakakainis mukha na ata akong matanda." Bulong k okay Gab.

"Hahaha hindi naman eh! Baka ako napagkamalang matanda." Natatawa nyan sabi sakin. "Salamat nga pala sa libre mong ocean park ha." Biglang lumapit yong crew at iniabot sakin ang ticket.

"Thank you Maam. Enjor date." Sabi ng crew at umalis.

"Gab let me clear myself first. Ocean Park tayo but Its not a date." Nahihiya niyang bulong sakin. At napangiti ako.

"Hahah wag mo ng pansinin yong babae, alam mo naman pag may nakitang babae at lalaki na magkasama kala nag dadate na. It's totally clear its not a date." Ngiting sabi ni Gab sakin.

GAB

Sumakay na kami sa kotse ko at pumunta ng ocean park. Nakita kong tuwang tuwa siya. At syempre hindi ko papalampasin ang araw na to. Kinukunan ko siya ng picture, at palihim baka magalit siya. I will treasure every moment that I could be with her. I hope that someday she will notice me.

"Ang ganda talaga dito. Pakiramdam ko isa akong bata sa tuwa na nararamdaman ko. Matutupad ko parin pala to." Masaya niyang sabi at halos matunaw nanaman puso ko ng makita ko ang mga ngiting yon.

" Oo nga eh, swerte ko din kasi nakalibre ako." Tugon ko sa kanya at tinago ang cp ko baka mapansin kasi.

Sa unang beses nakita ko ang ngiti sa mata niya. Sana lagi siyang ganito. Sana lagi ko siyang mapasaya. Sana maging aking na siya..

Marami kaming pinuntahan, talagang nag eenjoy kami. Tuwang tuwa pa siya sa penguin, sea lion at dolphin show. Bumili ako ng dolphin na keychain na pink para souvenir niya. Ibibigay ko mamaya kapag pauwi na kami.

"Maam Sir baka gusto niyong magpapicture para may souvenir naman kayo, mura lang ho ito." Sabi ng matandang photographer.

"Naku kuya hindi na po." Sabi ni Aya.

"Maam ayaw nyo po bang may picture kayo ng bf nyo? Bagay na bagay kayo Maam oh."

"Kuya bolero. Di ko naman bf yan. May utang lang ako at nagbabayad." Nahihiya niyang sabi.

"Haay ang hirap talaga kumita ngayon, bakit pa kasi nagka cp mga tao. Kawawa tuloy kami." Napansin ko na parang naawa si Aya sa matanda.

"Sige na nga kuya, kaw talaga. Gab lika nga dito papicture tayo kay kuya." Yaya niya sakin.

Nakunan kami at tuwang tuwa ang matanda.

"Kuya baka pangit kunan mo pa kami." Sabi ko sa matanda at kinunan kami ng 5 beses pa. Nagpakuha din si Aya ng solo nya.

"Yong sakin lang babayaran ko saka yong nauna ikaw magbayad ng iba picture mo naman yan eh!" natatawang sabi ni Aya sakin pero sinadya ko naman talaga magpakuha ng marami rami para sa sarili ko.

"Maam Sir salamat po ha, napakababait nyo. Swerte nyo sa isat isa, lalo na magulang nyo. Aalis na po ako." Sabi ng matanda pagkaabot ko ng bayad. Ipapadala nalang nya ang picture sa address ko. Napansin ko na nalungkot nanaman si Aya.

"Malas ng magulang ko sakin. Iniwan ko kasi sila para sa taong mahal ko.. ngayon alam ko di na nila ako tatanggapin pa kahit wala na siya." Bulong nya.

"Walang magulang ang makakatiis sa anak Aya, bakit di mo subukang umuwi malay mo diba." Sabi ko sa kanya.

"Iba kasi ang mama ko at ang papa ko naman galit na galit na sakin. Wala ng nababanggit kapatid ko sa kanila. Ayoko malaman, sobrang natatakot ako. Lalo pa ipamumukha lang sakin ng mama ko ang ginawa ko.. its been 4 years ng iniwan ko sila para sumama kay Zee, All I have is nothing." Malungkot niyang sabi at tila naiiyak.

"If you need a shoulde to cry Im always here for you Aya." Napayakap ako sa kanya ng makita kong naiiyak na siya.

"Sorry Gab, pasensya ka na ha. Ewan ko ba pag sayo pakiramdam ko safe mga secrets ko. Saka di ka naman chismiso diba." Biglang natatawa nyang sabi sakin.

"Oo naman di ako echuserong frog." Pabiro kong sabi sa kanya at tumawa na siya.

"Wag ka ngang magsalita ng ganyan di bagay sayo para kang baklang maton HAHAHA."

Masaya ako kahit papano napapatawa ko si Aya. Kahit paunti unti nararamdaman kong nagtitiwala na siya sakin. Sana magtuloy tuloy na to.

Hindi nanaman namin namalayan ang takbo ng oras sa paglilibot libot at pag eenjoy hanggang sa kumulo nanaman ang tiyan namin. Tila kami nagtawanan na parang bata.

"Gutomin tayong pareho" natatawa niyang sabi.

"Tara kain tayo." Yaya ko sa kanya.

"KKB na tayo ha!" agad niyang sabi.

"Haha ako nagyaya eh kaya sagot ko. Gusto mo Mag Moa naman tau sa Vikings?" tanong ko sa kanya.

"Sige libre mo eh." Sobrang saya ko ng pumayag agad siya. Kaso nalungkot naman ako ng sabihin niya na parang kapatid niya ako. Debale magbabago din ang tingin niyang yon sakin.

Nakarating kami sa Vikings at kumuha kami ng kakainin. Natutuwa ako sa kanya hindi siya yong tila nagpapanggap at talang kinain niya mga gusto niyang kainin. Syempre ganon din ako. Napansin ko na mahilig siya sa hipon.

"Ano kayang masarap na luto sa hipon?" bulong ko sa sarili ko kasi parang gusto ko siyang ipagluto.

"Grabe Gab ang sakit ng tiyan ko ngayon nalang ako uli kumain ng ganito. Haha ang sarap pala ng parang may kapatid ka. Kaso sino ang matanda ako o ikaw?" tanong niya sakin.

"Haha kapatid talaga di nalang ba pwedeng bf...f.?" mabuti nalang nadugtungan ko agad muntik na ako madulas.

"Haha sabagay bff na kita! Lagi mo ako libre heheh."

"Oo ba walang problema!" Agad kong sagot.

"Haha joke lang. Medyo pareho kayo ni Zee. Nakakatuwa kang kasama saka para ka din yong kuya ko makulit din." Nangingiti niyang sabi sakin. Okay na sa ngayon ganon ang tingin niya sakin papasaan pa mas magiging mamalim din yon.

"Mabait ka kasi eh." Tipid kong sabi at nakangiti sa kanya. "Grabe busog na busog ako, gusto mo maglakad lakad muna tayo para matunawan?" gumagawa ako ng paraan para makasama ko pa siya ng matagal tagal.

"O sige, maaga aga pa naman. Hapon pa naman yong lakad ko saka baka antukin ako sa kabusugan." Agad naman niyang sagot.

Naisipan naming maglakad malapit sa may dagat habang kung anu ano naman ang pinag uusapan naming. Nakatingin siya sa may dagat na tila nakangiti agad ko siyang kinunan ng picture at agad siyang lumingon.

"Hoy! Ano yan!." Nagulat ako ng sinabi niya yon.

"Ha naghahanap lang ako ng signal nawala kasi eh." Agad kong sagot sa kanya.

"Haha kala ko kinukunan mo ng picture yong mag jowa doon." Natatawa niyang sabi sakin.

"Bessy!"

"Aya?"

Nakita akong nanglaki ang mata niya ng makita yong mga kausap niya kanina sa elevator. Agad naman lumapit yong babae sa kanya at nagbeso habang yong lalaki naman parang tinapik siya at nakipagkamay sakin. Nag hi naman yong babae.

"Bessy! Ikaw di ka nagsasabi na may date ka pala kaya pala down yong elevtor na sinakyan mo may sundo ka pala kala ko naman ngmamadali ka lang! Daya mo bessy!" nalulungkot na sabi nong babae sa kanya.

"It's not what you think Joana, he's just a friend. Seriously? Date agad?" natatawa niyang sagot pero pakiramdam ko naiinis siya na nakita siya na kasama ako. Sakit naman nun hehehe.

"Aya, ano ka ba okay lang yan nu. Kung hindi ka sana naming nakasalubong di naming kayo iisturbuhin, si babe kasi eh alam mo naman pag dating sayo natataranta lagi." Paliwanag nong lalaki.

"Ano ba naman kayo, nagbabayad utang lang ako sa kanya, kaibigan ko lang yan, saka sa gwapo niyang sigurado may jowa yan." Natatawa parin siyang nagsasalita dahil sa itsura nong babae.

"Ha? Pare may jowa o asawa ka na ba?" agad na tanong nong lalaki sakin.

"Huh? Wala.. Single ako pero magkaibigan lang kami ni Aya." Sagot ko sa kanya at napangiti sakin si Aya.

"See! Kayo kasi eh. Saka alam nyo naman na siya parin." Mahina niyang sabi.

"Aya you also need to be happy and she'll be more happy up there kung magiging masaya ka nu!" tila nag aalalang sabi nong babae.

"Ay pare, Mike nga pala siya girlfriend kong si Joana, mag sisine kami baka gusto niyong sumama?" pagpapakilala nong lalaki at alok.

"I'm Gab." Tipid kong sagot.

"Sige matagal na din akong hindi nagsisine mga 2 years na ata ahaha. Tara tara, ay Gab baka busy ka na?" tanong ni Aya sakin.

"Hindi naman wala naman akong gagawin ngayon. Libre ko na kayo?" agad kong aya sa kanila.

"NO! KKB tayo ahaha! Madami ka ng libre sakin eh nakakahiya baka isipin mo puro libre ako." Nahihiya niyang sabi at tila namumula.

"Minsan lang naman saka nag eenjoy naman akong gumala, matagal na din nong huli akong namasyal puro trabaho kasi." Nakangiti kong sagot kay Aya.

"Okay then, tara na ang manood ng sine HORROR!" natutuwang sabi ni Joana at pumunta na kami sa IMAX.

Bumili na kami ng ticket naming at mga pagkain. Nagsimula na ang palabas at ang ingay ng mga babae na sumisigaw. Habang si Aya ay napapapikit lang at napapatakip ng tainga. Natatawa naman ako sa reaksyon niya kasi para siyang bata.

"Gab pahawak lang nininerbyos na kasi ako. Ayan na ung nakakatakot eh." Bulong niya sakin at napahawak sa braso ko. Tumungo lang ako sa kanya gustong guto kong hawakan kamay niya at nong scene na nakakatakot at napahigpit siya ng kapit. Ako naman nagugulat sa mga nagsisigawan. Hindi ka sa movie magugulat eh kundi sa mga nagsisigawan lalo na ang mga bakla nakakainis.

"Hay natapos din, nakakabitin naman." Sabi ni Joana na parang ayaw pang umalis.

"Hay nako babe, lamog nga ako sa kakahampas mo eh." Tugon ni Mike sa kasintahan.

"Hehe masyadong nakakatakot pinanood natin, nakakapanglambot." Mahinang sabi ni Aya.

Lumabas na kami ng sinehan at naglakad papuntang malapit sa may malapit sa dagat at naupo. Medyo tahimik nanaman si Aya ng mga panahong yon at hindi ko pa naman alam kung paano ko sisimulan ang usapan kapag nananahimik siya. Kapag ganun siya gusto kong yakapin siya.

"Hapon nap ala di ko namalayan oras. Mauuna na ako sa inyo." Paalam ni Aya

"Sige Aya. Paalis narin naman kami ni Mike." Tugon ni Joana sa kanya.

"Hatid na kita Aya malayo layo sakayan." Agad kong aya sa kanya.

"Sige. Bye Mike bye Joana." Paalam ni Aya sa kanila at niyakap siya. Nag paalam ako sa knila at may binulong sakin si Mike.

"Pare kaw na bahala sa kanya. Ngayon lang siya lumabas uli. Kahit kanino hindi siya basta basta sumamasama mula nong may nawala sa kanya, sana mapagaling mo ung sugat niya." Bulong ni Mike at nakipagkamay sakin.

"I sure will." Bulong ko din sa kanya. "Ingat kayo." Huli kong sabi at umalis na kami ni Aya. Nakasakay na kami sa kotse ko at nagsimulang mag paandar ng kotse pabalik ng office niya dahil doon daw madaling makasakay. Hindi na ako nagpumilit na ihatid siya baka kung anong isipin niya mahirap nab aka lumayo siya sakin. Mahirap nab aka lumayo pa loob niya sakin.

Masaya akong umuwi ng condo at tinitingnan ang mga pictures nya sa cp ko. Inilipat ko din yon sa laptop ko. Sobrang saya ng araw ko ngayon.

Continue Reading

You'll Also Like

80.5K 2.9K 33
..""""COMPLETE.""""" Hindi hadlang ang kasarian para sa taong nagmamahal maging buhay man ang kapalit." Kaya kung mag antay gaano man ito katagal mag...
11.5M 361K 70
What he wants. He gets... By hook or by Crook
126M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...