Remembering Us

Da bbmindaysara

1.3K 168 42

A story of two high-school exes who cross paths by chance years later. This time around, Bong is determined t... Altro

Synopsis
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15

Kabanata 10

91 11 3
Da bbmindaysara




Bongbong's POV


Sa loob ng siyam na taon simula nang iwan kita, limang taon kitang hinanap. Sa pagkabigo ko, sinubukan kong hanapin ang ligayang dala mo sa iba. Limang beses ako muling nabigo. At hindi ko inaasahang sa dapit-hapon ng aking kabanata, matatagpuan ulit kita.





Itatama ko na ngayon lahat. Uunti-untiin ko, maaalala mo man o hindi, mahal kita. At ipaparamdam ko yun ulit.





[Bong-Sara convo]


Bongbong: Good morning, Sara.





Sara: Aga mo naman po nagising. Good morning :)





Bongbong: Yeah, I'm a morning person now. Anyway, kasama ka ba namin sa interview mamaya?





Sara: Ahh.. hindi. Pero bukas, kasama ako sa radio show.





Bongbong: Oh. Alright. Nakatulog ka ba?





Sara: Oo naman hahaha





Bongbong: Buti naman hindi ka na nagpuyat pa. :D by the way, you loved eating champorado with tuyo as breakfast.





Sara: Talaga? ^_^





Bongbong: Bakit?





Sara: Lagi kong naiiisip kasi na ang odd nung combination hehe. Parang masarap i-try. Thank you sa paalala.





Bongbong: You're welcome. I hope I get to share a bowl of champorado with you one of these days :)





Sara: Sure boss. :)





Bongbong: Nice. I'll go ahead, Robin is bombarding me with texts.





Sara: Good luck! Break a leg... pero wag literal :)





Napangisi ako sa huling mensahe niya. I'm glad that she doesn't seem awkward to me... or baka magic lang ng technology yun. Gayunpaman, masaya ako na hindi ko na kailangan maging anonymous sa buhay niya ngayon.





Magtitipa pa sana ako ng mensahe nang lumabas sa screen ang pangalan ni Robin. Naman! Ayaw talaga ako maging masaya ng isang 'to. Tumayo ako para sana sagutin ang tawag pero muntik na akong matumba nang maramdaman ang biglaang pagkirot ng ulo ko.





"Hello? Bongbong, are you okay?" bungad niya sa kabilang linya. Siguro narinig ang pagkabig ko sa upuan nung muntik na akong matumba. Napapikit ako at ininda saglit ang sakit sa ulo ko.





"Y-yeah. I already texted Miss Pia, nagpasundo ako. Sakit ng ulo ko. But I'll be on my way." I went to the kitchen and immediately looked for my medicine saka ininom yun.





"Wait, are you really okay? We can cancel the interview." nag-aalalang tanong niya.








"Yeah, I'm alright. Late lang ako nakatulog. Sino kaya ang may kasalanan?" pagbibiro ko nang medyo mahimasmasan sa sakit. I lean against my countertop and itinaas ang ulo ko habang hawak ang telepono sa isang tenga.








"Hehe... well at least you're free now. Nga pala, how is it going with Sara?"





"Don't bother to ask. Ako na ngayon ang memory dealer niya, you can step aside."





Rinig kong pabulong siyang napamura sa sinabi ko. "Psh! Iyong-iyo, sir. You take your meds and mag-ingat ka papunta dito." aniya saka binabaan ako ng tawag. Hindi na ako nakasagot pa. Bumuga ako ng hangin at napatulala sa kawalan. Please, give me more time...


***

Sara's POV


Champorado with tuyo? That's weird. Alam kong matakaw ako to the point na kahit anong food combo kaya kong patusin, pero yung sobrang dry na tuyo tas mainit na champorado? Grabe, changed person na talaga ako.





Napangiti ako nang maalalang si sir Bongbong pa talaga ang nagpaalala sa akin non. He has been cold and distant pero nung malaman kong siya pala ang naging ka textmate ko ilang linggo, medyo nag-iba yung pananaw ko sa kanya. From the way he texts me, he's soft and caring. I guess he has always been that way when we were in high school?





I put my phone down and went to the kitchen to cook my unbeknownst favorite dish. Natapos ko nang lutuin ang champorado when I suddenly remembered my friends, oo nga pala, magandang balita to sa akin, at siguro dapat din nila ito malaman kasi syempre I am now a work in progress, may mga tao nang handa akong tulungan para makaalala. But of course, I know that Amenah is somewhere around the world kaya yung isa nalang ang guguluhin ko.





Sara: Christina!





Tina: Hey, Sara!





Sara: Bilis ah. Hindi ka pa naman pupunta sa work diba?





Tina: I just woke up, what do you mean? haha





Sara: Nice! Dito ka na mag-breakfast. :)





Tina: Oh...kay. Biglaan?





Sara: Naparami luto ko ng champorado eh :p





Tina: Wow, champorado? Count me in! Pero bakit ang sudden naman?





Sara: Sabi ni sir Bongbong paborito ko raw champorado plus tuyo combo.





Tina: Really? Mina used to force you to eat that combination, but to no avail never mo tinikman. :)





Sara: Well, I think it'll be worth the try this time right? Malay mo diba may maalala ako.





Tina: Good thinking. Be there in 10.





Sara: See you! AND drive safely. :*





Pagkatapos ko kausapin si Christina sa text ay pinagpatuloy ko ang ginawang paghahanda sa kakainin namin. Medyo natagalan pa ako sa pagluluto ng tuyo dahil masakit sa kamay ang mga nagtatalsikang mantika kaya marami akong naging time outs sa pagluluto. Nakakainis, di parin ako sanay.






Nang marinig ko na ang dalawang busina sa labas ay agad akong sumilip sa balcony para tignan ang sasakyan ni Christina na kasalukuyang nagpapark. Dali dali naman akong bumalik sa kusina para mabilisan na magtimpla ng kape.





"Hello there, chef!" rinig ko mula sa bukana ng pinto, nilingon ko si Christina na may bitbit na bayong. Dumiretso lang siya dito sa kusina at nilagay sa lamesa ang dala niya.





"Ano yan?" turo ko sa dala niya.





"Fruits. I brought you these para pampalakas kasi alam ko wala ka na masyadong time kumain ng mga masusustansya dahil dyan sa trabaho mo." aniya at nilabas sa bayong ang mga prutas na dala niya. Napangiti naman ako dahil sa pagka-caring nito. Kung hindi ko lang 'to kaibigan, iisipin kong may gusto to sakin eh. "What?" aniya at natigilan nang mapagtantong nakatingin lang ako sa kanya.





"Nothing." I said then shook my head. Kumuha muna ako ng tubig at uminom.





"Hmm, parang masyadong plain ang set up natin. I brought flowers too para, somehow, may ibang buhay naman sa apartment na to." aniya saka tumawa.





Hinayaan ko lang siya ayusan yung pagkakainan namin saka kami mabilis lang na nagpictorial sa ginawa ko at kumain na. Masasabi kong nagiba ang panlasa ko sa kinain simula nang sabihin ni sir Bongbong na naging paborito ko ito.





Yung maalat na lasa pero malutong na tuyo ay nag complement sa mainit na yakap mula sa champorado. Ang kombinasyon na ito ay hindi inaasahan pero sobrang sakto. Katulad ng iba't-ibang tunog sa musika na nagkakasama para lumikha ng magandang tugtog na nakakabighani, ang magkakaibang lasa at tekstura ng tuyo at champorado ay nagmumula sa hindi inaasahan ngunit magandang paraan, na naglalayong maghatid ng kakaiba at nakakatuwang karanasan sa pagkain. He was right. Ganda pala ng taste ko.








Hindi rin nagtagal si Christina dito dahil kailangan niya pa ulit magtrabaho kaya naiwan ako mag-isa. Tinulungan naman niya ako na iligpit ang mga pinagkainan saka siya umalis.





Nang matapos ako sa gawaing bahay ay nagbrowse muna ako sa social media. At sa di inaasahan, may nakita akong isang article na lumabas galing sa interview ng TQB ngayon.





Robin Padilla's plans on raising a family with wife Mariel, Bongbong Marcos' new song inspiration, Duke and Herbert's real score, and the band's plan after their tour. More details on the interview with TheQuatroBrigade...








Naging curious naman ako sa headline na ito, kaya pipindutin ko na sana ang link para basahin ang buong article pero nagulat ako nang makita ko ang pangalan ni sir Bongbong sa receiver. Bakit ito tumatawag? Tapos na ba ang guesting nito?









"Hello." marahang bungad niya pagsagot ko ng tawag.





"Hi..." medyo nahihiya pa ako kasi bakit naman siya tatawag sa oras na to eh dapat busy to. "Ano po yun?"





"Nothing, just wanna check up on you. How was the taste of your champorado and tuyo?" tanong niya na nakapagpakunot ng noo ko. Wait, hindi ko naman siya sinabihan na agad kong lulutuin ngayon yung sinabi niyang paborito ko ah.





"Ah.. it was so good. But.. paano mo nalaman na niluto ko na yun ngayon?"





"I saw your girlfriend's post."





Oh shocks! Nag picture nga pala kami ni Christina kanina.





"Ah... oo. Masarap yung combo, baka nga paborito ko na yun ulit ngayon." sabi ko saka ako tumawa nang mahina.





"Kaya mong umubos non ng tatlong malaking mangkok."





"Grabe naman pala ako katakaw non, pati mangkok kinakain ko." pambabara ko pa para maalis yung tensyon ko sa sistema.





Tumawa siya nang mahina. "Okay, I'll accept that. Anyway..." he stopped for a moment bago nagsalita ulit. "Matanong ko lang, anong trabaho mo aside from being our roadie? Hindi naman kasi araw-araw may sched kami."





"Nothing, tambay." napatawa naman ulit siya. "Maganda naman sahod kaya okay lang na may tambay days ako."





"Eh pano na kapag natapos na ang tour namin?"





"Uhm... saka lang siguro ako maghahanap ng bagong trabaho." sabi ko. Narinig ko pa ang buntong hininga niya sa kabilang linya.





"Bakit?" tanong ko, kuryoso.





"You should be a pilot right now." aniya na nagpatahimik sa akin, he knows about it too. "Not that being a temporary roadie is a bad thing, but you've always dreamt of becoming a pilot."





Oo, nakalimot ang utak ko pero hindi nakalimutan ng puso ko ang pangarap na gusto kong abutin. At hindi ko naabot yun dahil sa nangyari sa akin. But I guess life just works that way, life wants me to explore the unknown, yung buhay na katulad ng tuyo at champorado-- hindi inaasahan, pero sakto sa tatahakin kong landas.





"Wala kasing magpapa-aral sa akin non. Tsaka naging sagabal sa pag-abot ng pangarap ko yung antegrograde amnesia ko for almost two years. Sabi ng doctor baka Korsakoff's syndrome ang naging kaso ko. Complete wipeout ng memory tapos hindi ako makapag-form ng bagong memories. But sa awa ng Diyos, gumaling." napangiti ako nang maalala iyon.





"I'm honestly glad na gumaling ka." aniya, napangiti naman ako.





"Hindi naman ganon kalala, wala lang silbi pinag-aaralan ko sa klase kasi half of the time wala akong natatandaan. So, I dropped. Buti mabait ang pamilya ni Christina, yung friend ko, kinupkop ako hanggang sa maging okay na ako." sabi ko at natahimik naman kami sandali.





"Wait.. Christina is just your friend? ... not girlfriend?" Napakunot uli ang noo ko sa tanong niya. Paano siya umabot sa ganon?





"Yes. Akala ko yung tinutukoy mo kanina ay babaeng kaibigan, iba pala." Ganon talaga siguro pag sobrang close kayo ng kaibigan mong babae. Iba na kasi sa mundo ngayon. It's not new to date same sex kaya madali lang i-assume ang relasyon mo sa kapwa. "She's a very close friend of mine."





"That's great to hear." aniya at narinig ko pa ang paginom niya ng tubig. "But, it's never too late Sara, pwede ka pa namang mag-aral ulit."





"Nako, hindi na. Masaya na ako sa gantong buhay." True enough, I will continue to live, kahit hindi na naabot ang mga gusto ng dating Sara.





"Sorry, I don't mean to offend you on this but the Sara I used to know always dreamt big. Pero siguro, circumstances changed your views in life."





Kumirot ang puso ko sa narinig. Na realize ko kung gaano ako ka iba sa Sara na nakilala nila dati. The Sara they knew was always fierce and ready to conquer, but the Sara now is barely living. Minsan naiisip ko nalang kung gano ako ka walang kwenta ngayon. Para akong sanggol na bagong silang na walang malay sa mundong ginagalawan. I just realized how helpless and hopeless I am. Namalayan ko na lang pagpatak ng luha ko sa gilid ng mata ko.





"Siguro nga. But I'm happy and contented, don't worry." Napahikbi pa ako na paniguradong narinig niya sa kabila.





"Sssh, don't cry... I'm sorry if I made you feel sorry for yourself..." hindi ako kumibo at pilit na pinupunasan ang mga takas na luha mula sa mga mata.








"Hindi," sabi ko at pekeng tumawa, "Di mo kailangan mag sorry. Tama lang yun na ipaunawa sakin ang totoong pagkatao ng dating ako. Yung matapang, yung matalino, at yung may pangarap... tama lang na humingi ako ng tawad sa sarili."








"Matapang ka ngayon, alam kong matapang mong hinaharap ang buhay sa kabila ng kondisyon mo. Matalino ka, dahil alam mo paano dumiskarte para mabuhay. At... alam ko sa loob ng puso mo... nariyan ang mga pangarap na handang maghintay sa pagbabalik mo. Alam kong... ikaw pa rin yan.. Inday." aniya. Parang sasabog ang puso ko sa nararamdaman. Pumikit ako nang ilang sandali at kumalma, hindi rin naman siya nagsalita at nakiramdam lang.








Ilang saglit lang ay nagsalita naman ito muli. "Pero alam mo ba kung paano pa mas liligaya ang buhay mo?"






"Paano?" I asked, kalmado na.





"Maging parte ka ng buhay ko." banat niya at tumawa nang tipid. Iba din talaga ang saltik nito, matapos ako paiyakin ay patatawanin ako.





"Joker ka pala? Bakit di ka nagpayaso nalang?" pambobola ko na patawang pinunasan ang luha.





"Pero.. on the serious note, since wala ka namang permanent job, why don't you work for me? Since you're working under our band already, why don't you work under me directly, too?"






Nagulat naman ako sa sinabi niya. I squinted. Kakatapos palang ng unang concert nila at nandito na ulit ako, nakahanap na agad ng trabaho? Swerte narin pala ako sa buhay dahil trabaho na ang naghahanap sa akin ngayon.





"Uhm... ano namang trabaho ang bagay sa akin?"





"May lisensya ka ba?"





"Yes..."





"Great. I need a driver. My headache's worse these days. If you wanted the job of course." Pucha, ipagmamaneho lang pala. Hindi ko pa talaga naiintindihan ang mood ng lalaking ito. Paiba-iba ang gustong pag-usapan, pinaiyak pa ako. "Don't worry, you'll get paid as much as you do with your job as our roadie."





My thoughts are being thunked. Maganda naman ang offer niya, actually mas gaan pa compared sa kasalukuyang trabaho ko pero pareho lang naman ang sweldo. Should I consider? Baka binobola lang ako nito.





"So I'll just drive you around? Iyon trabaho ko or...?"





"If you can, then cook for me too?" aniya at mahinang natawa. Nanliit ang mata ko sa sinabi niya. Gagawin pa ata akong katulong niya eh.





"Nako! Di ako magaling magluto eh."





"But I'm so horrible at cooking. I even got the rest of the band hospitalized because of my attempt."





"Oh my God. Seryoso?" sabi ko na animoy di makapaniwala, may tao kayang kaya ipa-ospital ang mga tao dahil lang hindi masarap yung luto niya?





"Okay, enough. You don't digest jokes." aniya kaya tinawanan ko siya. This conversation just keeps going na di ko namamalayan na naging komportable ako sa ilang minuto lamang naming pag-uusap.





"Hihi sorry. Pero kaya kong magluto ng simpleng dishes."





"Good. Then, are you accepting my offer or..."





Saglit akong napaisip sa offer niya. Should I give this a try? Tutal hindi pa naman ako sigurado sa gagawin ko pagkatapos ng tour nila, why not give this man a chance? Maganda naman ang pasahod, and mas may chance pa akong makaalala dahil parte siya ng nakaraan ko.





"Yes. Tinatanggap ko ang trabaho." I said and I heard him snapped his fingers. "So that means, I'm a personal assistant now?" dagdag ko pa. Pakiramdam ko hindi naman siya maarte sa mga bagay bagay kaya parang kaya ko naman alagaan.





"Yeah, you can think of it that way. Just keep me by your side, that's your job."





Mukhang demanding lang.





"You can start tomorrow, okay ba?"





"What? Akala ko ba pagkatapos pa ng tour?" pagrereklamo ko. Aba naman! Mahirap silang asikasuhin apat, yung isa nagpapasobra pa sa alaga.





"Don't you want it? Doble yung kikitain mo for now." napamake-face ako sa sinabi niya. Galing din talaga eh. Kuhang-kuha ako. Bwiset.





Hay kaya ko naman siguro. Isipin ko nalang yung sahod na makukuha pagkatapos ng lahat ng ito.





"I'll call you later. Maghahanda na kami sa susunod na interview. I'll just text you my location and the passcode of my unit is my birthday. I'm hanging up." pahabol niya pa. Eh malay ko ba sa birthday nito?





"Ah, sir! Kelan pala yung birthday mo?" tanong ko pa bago niya maibaba ang telepono. Sana naman naalala niyang wala akong naalala noh.





I heard him released a sigh. "Right. I forgot. 091357." (A/N: imagine-in niyo nalang na magkalapit lang sila ng edad pero as is nalang yung birthday) "By the way, my birthday used to be one of your favorite days of the year."





"Bakit naman?"





"Maraming pagkain," he said and then giggled. Wow! Buti naman pala may natira pa sa Sara ngayon yung nakilala nilang Sara noon.





"Inexpect ko na. Sige na. Gayak ka na." sabi ako na tumatawa saka pinatay ang tawag.





Hindi ko lubos maisip kung gaano kabilis nag-iba ang pakikitungo namin sa isa't-isa. In just a snap, the distant and cold vocalist of the band just went hyper and softer with me... on a call. Ni hindi ko pa lubos ma proseso sa utak ko na siya pala yung anonymous textmate ko for weeks.





Bakit ba niya kinailangan maging anon para makausap ako? Robin was just... cool. Now I'm more confused about my relationship with him before. Was he... someone special?


***


:)

Continua a leggere

Ti piacerΓ  anche

672K 33.3K 24
↳ ❝ [ ILLUSION ] ❞ ━ yandere hazbin hotel x fem! reader ━ yandere helluva boss x fem! reader β”• 𝐈𝐧 𝐰𝐑𝐒𝐜𝐑, a powerful d...
606K 36.9K 101
Kira Kokoa was a completely normal girl... At least that's what she wants you to believe. A brilliant mind-reader that's been masquerading as quirkle...
Fake love Da :)

Fanfiction

108K 2.5K 40
When your PR team tells you that we have to date a girl on the UCONN women basketball team and you can't say no to it... At first you don't think too...
1M 54.5K 35
It's the 2nd season of " My Heaven's Flower " The most thrilling love triangle story in which Mohammad Abdullah ( Jeon Junghoon's ) daughter Mishel...