CONSEQUENCE OF TEMPTATION

By greeeeeenstories

31.8K 577 17

Zephyr was not ready to give up his active and steamy sex life. Nasanay siya sa kanyang bachelor life kung sa... More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Epilogue
Special Chapter

Chapter Thirty

551 15 1
By greeeeeenstories

Days passed pero hanggang ngayon ay hindi pa din bumubuti ang lagay ni Zach. Tatlong araw na kami sa hospital pero akyat baba pa din ang lagnat niya. Red rashes are starting to form in his skin and his nose is always bleeding.

Wala pa din kaming pahinga ni Zephyr dahil ayaw namin pareho iwan si Zach sa hospital para matulog. May kwarto dito sa suite ng hospital pero hindi namin yon nagagamit ni Zephyr dahil tumatabi kami kay Zach. Ayaw kasi nitong nawawala kami sa paningin niya kaya wala kaming magawa kundi tabihan siya.

"Bakit noong nagkasakit ako di naman ako tinabihan nila mommy sa pagtulog?" Pagda-drama ni Jupiter. Kasalukuyan silang dumadalaw ni Sandro dito.

"Di mo daw kasi kailangan ng comfort." Pangaasar ni Zephyr.

"Buti na lang mga babes ko lagi ako kino-comfort."

"Sira."

"Kelan ang kasal?" Ngumisi si Jupiter sakin, "Meron na bang laman? Gusto ko yung mabuhok!"

"Malapit na." Gatong naman ni Zephyr at kinindatan ako, "I would like to have my Junior."

"Eww! Ang corny ng junior! Parang pinangalan mo lang sa manoy mo, kuya!"

"Pakialam mo ba?" Sagot naman ni Zephyr. Nagsimula na silang magtalo tungkol sa pangalan.

"Mommy?" Tumingin ako kay Zach nang magising to. I smiled and caress his pale cheeks.

"Yes baby?"

"Mommy I'm tired. Let's go home pwease?"

"But baby the doctors are still curing your boo boo." I said. Naaawa na din ako kay Zach dahil araw araw siyang kinukuhaan ng dugo at ini-injection-an pero ano bang magagawa ko? Mas alam ng doctor kung ano ang ikaka-galing ng anak ko.

"When will I be well? I miss my classmates and I miss playing tag with daddy." Lumuha ito kaya naman naiyak din ako. Hindi na lang ako sumagot at niyakap siya.

"Don't worry, son, after this we'll let you eat your favorite chocolates." Singit ni Zephyr na di ko namalayang nasa gilid ko na pala.

"Promise daddy?" Mahinang saad ni Zach. His daddy nod and gave him a smile. Humalik ako sa noo ni Zach bago ako tumayo para ihanda ang pagkain niya. Si Zephyr naman ang tumabi sa kanya.

"Need help ate Bela?" Tanong ni Jupiter.

"It's okay." I said and smile.

"Sige. Mauna na pala kami. Dumaan lang kami dito para dalawin si Zach." Paalam ni Jupiter, "Hey big boy, get well soon okay? I'll buy you your favorite superhero toy."

"Bye uncles." Paalam din ni Zach. Nang makaalis ang dalawa ay pinakain ko na si Zach kahit na wala siyang gana. Ilang oras din ang lumipas bago pumasok ang nurse para kuhaan na naman siya ng dugo. Iyak lang ng iyak si Zach dahil sa sakit.

Kinabukasan ay mas nanghina na si Zach. Ayaw na halos nito kumain at lagi lang siyang natutulog. Mas dumami na din ang rashes niya sa balat at namayat na siya ng husto.

"Doc, what should we do? Bakit parang hindi umaayos ang lagay ng anak ko?!" Sigaw ni Zephyr sa doctor kaya agad ko tong hinawakan para kumalma.

"We need a blood transfusion Mr. Montenegro. His platelet count suddenly went down this morning. Kaya agad akong umakyat dito nang makita ko ang resulta para sabihan kayo."

"Sige po, doc. Kung ano ang ikakabuti ng anak namin." Sagot ko, "Please, do anything to make him better."

"His blood type is AB kaya kung sino sa inyo ang type AB magpunta kayo sa—"

"I'm type AB." Putol ng isang boses kaya napalingon kami sa likod namin. Isang pamilyar na lalake ang lumakad palapit samin na may seryosong mukha.

"L-Laurent." Gulat na saad ni Zephyr, "What are you doing here, man? I thought you're in Germany?"

"I heard about what happened to Zach that's why I rushed here." Anito at lumipat ang tingin niya sakin. I suddenly felt my spine shivered without any reason.

"My son would love to see you." Ngumiti si Zephyr dito, "Anyway, this is Bela. Hindi ko pa siya napapakilala sayo noon."

"I know." Saad ng lalaking si Laurent saka ko muling tinignan. I saw his lips formed a smirk making me step backward.

"You know? Did you met her already?"

"I mean, I know that you haven't introduce her to me." Tugon nito, "Nice to meet you Bela. I'm Laurent."

"H-Hello." Bati ko dito.

"By the way, saan ako pwedeng mag-donate ng dugo?" Baling ni Laurent sa doctor. Ako naman ay nanatiling nakatitig dito dahil inaalala ko kung saan ko siya nakita. I know I met him somwhere. Everything about him is so familiar. The way he talk and the way his eyes are looking at me. I know I've seen him before.

"Hey, are you okay?" Bulong ni Zephyr sakin. Tahimik lang akong tumango. Nagpaalam naman si Laurent samin na magdo-donate ng dugo kaya naiwan kaming dalawa ni Zephyr.

"Are you not going to donate blood?" I asked him. Umiling naman siya sakin.

"Type O ako, Bela. Hindi ba't type AB ka?" Aniya. Bigla kong kinabahan sa di malamang dahilan. Tila nanlamig ang palad ko kahit wala namang aircon dito.

"Tignan ko lang si Zach." Sagot ko at nagmamadaling pumasok sa loob ng suite. Natutulog pa din to nang makapasok ako sa loob kaya naupo ako sa tabi niya at hinawakan ang kamay niya at pumikit.

It was dark. Nasaan ako? But there's a loud music everywhere. May usok. Saan nanggagaling yon?

"You look sad. Mind sharing your problem?"

Napatingin ako sa tabi ko nang biglang magkaron ng kulay ang paligid. I was in a bar. And there's a man sitting beside me. Sino to? His face was blurred and I feel like my head is spinning.

"How can you be so sure? Nasubukan mo na bang umamin sa kanya?"

Umamin? Kanino ako aamin? Sino ba to? I was staring at him but he's just smiling at me. His eyes...pilit kong inaninag ang mata niya ngunit hindi ko to makita dahil sa usok. He is talking to me but I can't understand what he's saying. Ako ba talaga ang kinakausap niya?

"Maybe. But maybe you're wrong, too. You're pretty and sexy. Sino bang hindi magkakagusto sayo? You even got my attention you know."

Biglang nagpalit ang paligid. I was in a room. Napatingin ako sa sarili ko at nakita kong nakahubad ako. Inangat ko ang tingin ko at nakita ang isang lalake na walang saplot at nakaluhod sa gitna ko. He was grinning at me and his eyes were fierce and menacing. He pinned both of my hands and I gasped as I stare at his blurry face.

"You're mine Isabela. Mine. Mine. Only mine. I'll make you mine. Akin ka. Akin ka lang."

"Are you okay?" Nagulat ako nang may humawak sa braso ko. Hindi ko namalayan na nakatulog ako, "Nananaginip ka ata."

"S-Si Zephyr?" Pagiiba ko ng usapan.

"Nagpaalam siyang uuwi at kukuha ng damit. Pinapasabi niya." Saad nito at lumapit kay Zach tsaka humalik sa noo nito. He was staring at my son with an emotion in his eyes that I can't explain.

"Okay. Salamat pala at magdo-donate ka ng dugo para sa anak ko." Sagot ko sa kanya. Hindi agad ito umimik ng ilang saglit bago niya nilipat ang mata niya sakin.

"Bela, right?" Aniya at ramdam ko ang malamig niyang pagtawag sa pangalan ko. Wala sa sariling tumango ako habang tinitignan ko siya, "Have we met before?"

"I-I don't think so." Saad ko dito. Nakita ko ang pag-taas ng sulok ng labi niya na kinakabog ng dibdib ko.

"Is that so?" Tugon niya at naupo sa silya na katapat ko, "Kasi, para sakin ay nagkakilala na tayo noon."

"Talaga?" Tanong ko dito. Tumango naman siya, "If that so, I'm sorry that I forget about you."

"Yeah. You totally forget about me Bela." He chuckled, "Everything about me."

"I'm sorry?" I asked him. Hindi to umimik at binaling ang tingin kay Zach.

"I miss this little kid. Ilang buwan din kaming hindi nagkita." Aniya.

"He tells me stories about you."

"Really?" He smiled, "Zach really likes me. I wonder if he will still like me as...nevermind."

"Hmm?" Tinignan ko to pero umiling lang siya.

"Is it okay with you if I ask you for a dinner tonight?" Tanong niya kaya natigilan ako, "Don't worry, I just want to know Zach's mom better."

"What do you mean?"

"Gusto kong i-kwento sayo ang mga ginagawa ni Zach noong nasa america siya." Ngumiti ito at napatingin naman ako kay Zach, "Ako halos nagpalaki sa kanya kaya madami akong alam tungkol sa anak mo."

"Okay. Maraming salamat." Sagot ko.

"At eight PM. Let's meet at Pelechonè Ristorante. I'll wait for you, Isabela..."

Nang makaalis si Laurent ay siya namang dating ni Zephyr dala ang mga pamalit na damit namin. Kumuha din to ng mga gamit ni Zach at bumili ng pagkain. Inumpisahan na din ang blood transfusion kay Zach at ako naman ay hindi mapalagay.

"Okay ka lang ba Bela?" Tanong ni Zephyr, "Kanina ka pa tulala dyan."

Tinignan ko naman si Zephyr. I don't want to overthink but what if I was wrong all these years? What if I decided without thinking properly? What if everything happened is just a consequence of my temptation? What if this is not really what should happen to me? To us? What if...?

"Bela?"

"H-Ha?" Napatingin ako kay Zephyr. Tumayo naman to at tinabihan ako sa sofa.

"Are you okay, babe? What's wrong?"

"Sorry. Nagaalala lang kasi ako para kay Zach." Sagot ko.

"Shh, everything will be fine Bela. Don't worry. Kasama natin ang Diyos." Saad nito na kinatango ko.

Natatakot ako. Natatakot ako sa mga susunod na mangyayari. Dahil unti-unting lumilinaw sa alaala ko ang pangyayari ng gabing yon. Ang gabing inakala kong tama...

—•—

Eight pm nang makarating ako sa lugar na sinabi ni Laurent. Nagpaalam lang ako kay Zephyr na uuwi saglit pero tumuloy ako dito para kausapin si Laurent. Agad ko tong nakita sa pinaka-dulo ng restaurant kaya lumakad ako palapit sa kanya.

"Bela! I thought you'll ditch me." Aniya at ngumiti, "Sit down. Kumain ka na ba? Their pasta is the best in this place."

"It's okay. Tapos na kong kumain."

"But I'll still order food. Mukha kasing mapapahaba ang usapan natin ngayon." Aniya at muling ngumiti. Isang ngiting may kakaibang kahulugan.

Nag-order siya ng linguini, vegetarian pizza at bolognese pasta para saming dalawa. Tahimik lang kami nung una hanggang sa mag-umpisa siyang mag-salita.

"Zach is a naughty kid." Aniya at ngumiti, "He always do whatever he thinks is right."

Hindi ako nakasagot dahil wala naman din akong masasabi. Nanatili akong nakikinig sa kanya.

"He would obey his dad and always look for his attention. Ito kasing si Zephyr, mula nang bumalik sa Amerika ay walang ginawa kundi ang mag-trabaho. He always left Zach with his nannies that's why I decided to stay with Zach until Zephyr comes home."

"I never thought that Zach would grow up being a bully just because he wants some attention from his father. Ngunit pag kasama ko naman to ay hindi ganon ang ugali niya. That's why I thought maybe he just wants some love from his parent but Zephyr can't give it to him."

"H-Hinahanap ba niya ko?" Tanong ko.

"Sometimes he's looking for a mom. Dahil nakikita niyang may nanay ang ibang bata na ka-edad niya. Tatanungin niya ko kung nasaan ang mommy niya at hindi ko yon masagot dahil hindi pa kita nakikilala noon."

"I'm sorry." I whispered. Sa kwento pa lang niya ay nasasaktan na ko. Parang gusto ko tuloy hilahin pabalik ang panahon at ayaw kong maranasan yon ni Zach.

"It's fine, actually. Dahil sa pagaalaga ko kay Zach ay may mga bagay akong nalaman." Aniya kaya tinignan ko siya.

"Tulad ng ano?"

"I guess you know the name Magnus Elinzano, right?" He asked. Natigilan naman ako dahil sa pag-ngiti ng labi niya.

"What about him?"

"May mga bagay kasi siyang nilinaw sakin Bela. Mga bagay na dapat ginawa mo noon pero hindi nangyari dahil nahulog ang loob mo kay Zephyr. Plans that was ruined because of your decisions, he said."

"What do you mean, Laurent? I don't understand." Saad ko dito pero ang puso ko ay parang sasabog na sa kaba. May nilapag itong puting envelope sa mesa at tinulak niya yon papunta sakin gamit ang daliri niya. Tinignan ko siya at nakita kong seryoso ang tingin niya sakin.

"Seven years, Isabela..." He utter in a low voice. Nanginginig ang kamay na kinuha ko ang envelope at binuksan yon. Isa-isa kong binasa ang mga nakasulat don at tuluyan nang sumabog ang takot sa puso ko. Tinignan ko siya habang nanlalaki ang mga mata ko. Ang labi ko ay nangiginig dahil sa kaba.

"I-Ikaw...ang lalaki..." Natigilan ako bago ko sinalubong ang mata niya, "...ng gabing yon?"

"Yes, I'm that man. The man whom you had sex with. The man who got you pregnant. I'm Zach's real father, Isabela."

Continue Reading

You'll Also Like

407K 9.3K 34
A roller coaster ride to forever. Prince Cage Monteverde was known as a notorious playboy. He could make you his by his sugar coated words. Telling y...
34.7K 901 39
Love can make you do anything. Even if it means trading your innocence. Original story by greeeeeen Published 2018
450K 10.1K 30
WARNING: MATURE CONTENT INSIDE | EROTIC-ROMANCE | R-18 SYNOPSIS There's one word that suits Mayor Grego Perez: lonely. Nawala na ang saya at sigla ni...
62.3K 1K 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...