Refuge

By hannablint

195 33 18

How did it happened? That's the biggest question of Samariya after seeing zombies that is scattered all over... More

REFUGE
Prologue
Chapter 1 // Home
Chapter 2 // Companion
Chapter 3 // Sniper
Chapter 4 // Runaway
Chapter 5 // Crossing Paths
Chapter 6 // The Beginning
Chapter 7 // Hideout
Chapter 8 // Leader
Chapter 9 // The Organization
Chapter 11 // Clan of Hunters
Chapter 12 // Safe Place
Chapter 13 // Face to Face
Chapter 14 // Mission
Chapter 15 // Searching the North
Chapter 16 // Keepers' Association
Chapter 17 // Hollow Building

Chapter 10 // East Barrier

9 2 0
By hannablint

Samariya's PoV

Walking like a zombie. That's how I describe myself right now. Para akong walang buhay na naglalakad sa gitna ng syudad at walang pake sa paligid ko. Hindi ko kayang iproseso ang mga bagay na narinig ko kanina. Para 'yong bomba na sumabog sa utak ko kaya ang gulo-gulo.

"Samariya?"

Hindi ko akalain na mapupunta ako sa teritoryo nila at makakausap ang pinuno nila. Now, I got some information about them, the Morph Organization, who's primary motive is to alter this city into a place that they wanted to have control over. Gusto lang nilang sila ang mamuno sa buong lugar na 'to. They're taking advantage of this apocalypse for their dirty work.

"It's her!"

They even asked me to join them, to be one of them which I don't want to happen. Ayokong maging parte ng isang pagbabagong wala namang magandang idudulot sa lahat at sila lang ang makikinabang. Hinding-hindi ako sasali sa kanila kahit anong mangyari.

"Oh my gosh! It's you!" Sapo-sapo ni Gabriella ang magkabila kong pisngi habang nakatingin sa akin ang mga nag-aalala niyang mga mata. They found me. "Where have you been?" tanong niya pero nanatiling tikom ang bibig ko at nakatitig lang sa kaniya.

"I think we need to go back to the forest first," sabi ni Alexander na sinang-ayunan nila kaya inakay ako ni Gabriella at Akira habang alerto lang sa paligid si Cyrus na siyang nasa likuran namin.

***

Nakarating kami sa gubat na ligtas at masayang sinalubong kami nina Killian na puno rin ng pag-aalala. Hindi niya pa alam ang nangyari sa akin, ni isa sa kanilang lima na naiwan dito ay walang alam na nawala ako. Basta ang alam nila ay galing kami sa syudad.

"Here, drink water," Inabot sa akin ni Cyrus ang isang baso ng tubig kaya kinuha ko 'yon at ininom. Naubos ko ang tubig na nakatingin lang sila sa akin. Siguradong naghihintay sila sa sasabihin ko kung ano bang nangyari.

"May nangyari ba?" tanong ni Killian na nagtataka pero walang sumagot sa kaniya.

Napabuntong hininga na lang si Alexander bago nagsalita. "Samariya was gone for a day, we just found her a while ago." Halata ang pagkagulat sa mga mukha nila matapos 'yong sabihin ni Alexander. "Wala kaming alam sa nangyari sa kaniya, kung paano at kailan siya nawala at kung saan ba siya napunta," dagdag niya pa.

Killian looked at me worriedly before he held my face. "Are you okay? Are you hurt? Tell us what happened," aniya habang hinihimas ng hinlalaki ang pisngi ko. I can't help but to close my eyes as I felt his warm hands caressing my cheeks. I don't know but this just feels right.

"H-Hey, why are you crying?" natatarantang tanong niya. Agad ko namang pinunasan ang luha ko na hindi ko rin namalayang tumulo kung hindi niya sinabi.

"I need to rest," sabi ko na lang at umalis sa harap nilang lahat.

Dumiretso ako sa kwartong tinutuluyan ko at humiga sa kama. Pinakiramdaman ko ang sarili ko kung bakit naging gano'n ang reaksyon ko kanina. Maybe I'm just longing for someone because I saw my father... or maybe not. I don't know. I really don't know.

Masyadong maraming tumatakbo sa isip ko at hindi ko na malaman kung ano ba talaga ang dapat kong unahin. I'm so overwhelmed right now that I feel like breaking down, again. Kaya rin siguro ako naiyak kanina nang hawakan ako ni Killian dahil sobrang bigat na ng nararamdaman ko. I felt a relief because of his gesture.

Bumukas ang pinto at iniluwa no'n si Kean kaya ngumiti ako sa kaniya para ipaalam na ayos lang na pumasok siya. Tumuloy naman siya at lumapit sa akin sa kama 'tsaka yumakap sa akin na siyang ikinagulat ko.

"Kuya told me to give you a hug because he can't," sabi niya habang nakayakap sa akin at mas lalo akong nagulat. K-Killian said that? "Mukha ka raw po kasing pagod at maraming iniisip," dagdag niya at nakangiting tumingin sa akin.

"T-Thank you," Nahihiya kong sabi. Nag-iinit ang mukha ko at hindi ko alam kung bakit.

"I hope you get better, Ate Samariya." She hugged me tighter before going out. Hindi ko mapigilang ngumiti paglabas niya. He sure knows a way to make me feel better, huh? Tsk. Ginamit niya pa ang kapatid niya.

Nanatili akong nagpapahinga sa kwarto hanggang sa lumubog na ang araw. Hindi ko kasi sila kayang harapin kanina dahil pagod na ako at hindi ko rin alam kung saan ako magsisimula. Pero sa tingin ko ngayon ay kaya ko ng sabihin sa kanila lalo na't importante ang mga nalaman ko.

Lumabas ako at pumunta sa kusina kung saan kami madalas nagsasama-sama. Naabutan ko silang lahat na naghahanda na para sa hapunan, sakto pala ang dating ko. Hindi na lang nila ako masyadong pinansin at tinuloy ang mga ginagawa nila, maliban na lang sa kaniya.

"Kumusta ka? Ayos ka na? May kailangan ka ba?" Sunod-sunod niyang tanong pagkalapit niya sa akin kaya medyo napaatras ako at napalunok. Ano bang nangyayari sa kaniya? Masyado naman yata siyang nag-aalala sa akin.

"I-I'm fine, don't worry a-about me," Nauutal kong sagot nang hindi makatingin ng diretso sa kaniya. Jeez! Bakit ba ako naiilang? What's wrong with me?

"Sigurado ka? Just tell me," sabi niya pa kaya nag-init ang mukha ko. Ano bang sinasabi niya? This is weird and awkward.

"Ayos na ayos na ako, okay?" Pinilit ko talaga ang sarili kong sabihin iyon ng diretso at nakatingin sa kaniya para hindi niya isiping nahihiya ako kahit 'yon naman talaga ang totoo.

Nang matapos silang mag-ayos ay humarap na kaming lahat sa hapag para kumain ng hapunan. As usual, we're all silently eating and waiting for someone to break the silence. Madalas namang ganito ang eksena namin dito kapag kumakain kami kaya nasanay na rin ako. Mabuti na nga rin 'yon dahil marunong silang makiramdam kung dapat ba na pag-usapan ang isang bagay habang kumakain kami.

Ang plano ko kasi ay mamaya ko sa kanila sasabihin sa hall para pormal kaming lahat na makapag-usap at hindi na madamay si Kean. Hindi dapat siya maapektuhan sa problema naming mga nakatatanda sa kaniya. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay pwede niyang marinig ang mga usapan namin.

Natapos kaming kumain na walang nagsalita o nagtanong tungkol sa kung ano ang nangyari o kung ano ang nangyayari. Tahimik lang din naming inayos ang kusina para maging malinis hanggang sa napatulog na ni Killian si Kean. Now, we can finally talk about what happened.

"To the hall, right now," sabi ko at naunang naglakad papunta roon.

Agad din naman silang sumunod sa akin at nanatili lang kaming mga nakatayo. Wala pa kasing mga gamit dito sa loob at may mga konti pang aayusin. Pero gaya nga ng sabi ko, para sa mga importanteng bagay lang ang pag-uusapan dito sa hall na 'to at ito ang unang beses na gagawin namin 'yon.

"What's happening?" tanong ni Wyzel. Wala akong panahon para mag-aksaya ng oras sa kaniya kung sakaling mag-taray siya kaya sumagot na lang ako.

"I already knew about the organization."

"You mean the organization that we're always talking about?" tanong ni Cyrus at tumango ako. "Are you serious?" dagdag niya pa kaya kinuwento ko sa kanila kung paano nangyari ang lahat.

"Your father..." Malungkot na sabi ni Gabriella kaya tumamlay ang mga reaksyon nila na parang nagbibigay simpatya sa akin dahil sa nangyari. Binalewala ko na lang 'yon dahil ewan, wala naman na akong magagawa kung ganoon na talaga. I'll just accept the fact that he's gone. They're gone.

Nagpatuloy ako sa pag-kuwento hanggang sa nawalan ako ng malay at nakaharap ang namumuno sa Morph Organization. "You met the bosu?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Akira.

*Translation: "boss"

"Yes, and he wants me to join them," I answered and there was a loud silence. Alam kong iniisip nila kung tinanggap ko ba ang inalok sa akin o hindi.

"Hindi ka naman pumayag, 'di ba?" tanong ni Franco.

"Oo naman, malabo pa sa malabo ang maging isa ako sa kanila." Paninigurado ko.

"Then what are you planning to do now?" tanong naman ni Alexander kaya tinignan ko sila isa-isa.

"We need to find new comrades."

***

Umaga na naman at gaya ng napag-usapan namin kagabi ay aalis ulit kaming lima at itutuloy naman nina Killian ang mga gawain dito. We are planning to go the the East, where the sun rises and we're going to look for survivors.

The city is in the West, meaning the Morph Organization is far from it. So, there's a high possibility that they haven't tried to recruit the survivors there yet to be one of them. Sana lang ay tama nga ang hinala naming hindi pa.

Alas-sais pa lang ng umaga ay sinimulan na namin ang pagpunta sa Silangan dala ang lahat ng bagay na kailangan namin. Mga armas, pagkain at tubig dahil hindi namin alam kung ilang araw kami tatagal doon. Our priority is to get more people on our side and to survive while trying to do so.

Halos dalawang oras din ang naging paglalakbay namin. Kung hindi sana nawala ang sasakyan namin baka isang oras lang pero dahil nga sa nangyari noong nakaraan ay wala kaming pagpipilian kundi maglakad kahit na malayo. Pero ayos na rin ito dahil madali kaming makakaiwas sa mga nagkalat na zombies.

It was around 8 in the morning when we decided to take a rest. Hindi pwedeng tuloy-tuloy lang kami lalo na't hindi naman namin kabisado ang lugar na 'to. Mabuti na nga rin at madali kaming nakahanap ng pwesto namin at mukhang ligtas naman dito.

Isang abandonadong bahay na dalawang palapag at may rooftop. A nice spot for our sniper. Marami na rin ang sira ng bahay pero pwede pa namang matuluyan, kailangan na lang din namin maging maingat dahil buhay na namin ang nakasalalay. Simula noong pumunta kaming lima sa syudad ay nakalubog na ang kalahating katawan namin sa libingan dahil wala ng kasiguraduhan ang buhay namin.

Nang makapagpahinga na kami ay nagpatuloy na kami sa paglibot sa lugar. It's a dead place. I can't stop myself from thinking that there are no survivors around this area because it's already full of zombies. Puro kami hinto dahil ang daming nakakalat na zombies sa paligid.

We can't kill a zombie unless it's needed, that's the number one rule that I told them before going here. Knowing that this place looks like this makes it more important. Hindi kami pwedeng gumawa ng desisyon na makakapag-pahamak sa aming lahat. Gaya nga ng sabi ko dati, konektado sila sa isa't-isa kaya kapag pumatay kami ng isa, lahat ng malapit ay pupunta rin sa amin.

We can't take that risk. Siguradong hindi pa lumulubog ang araw ay patay na kami o kagaya na nila. Our safety comes first before anything else and our only objective in this task is to find survivors and not kill zombies that's going around. May naghihintay pa sa amin sa gubat, naghihintay pa siya sa akin.

Naging maingat kami sa pag-iikot sa lugar, iniiwasang makagawa ng kung anong bagay na magiging dahilan para mapansin nila kami. Bawat daan na may uri nila ay nilalampasan namin at sa iba kami dumadaan. Hanggang sa makarating kami sa dulong bahagi kung saan may mataas na bakod at hindi namin makita kung ano ang nasa kabila.

"There's something in here, be alert," I warned them.

Nagsimula na akong kabahan at bumilis na ang tibok ng puso ko. I don't know but I am starting to feel the adrenaline. This barrier... what's behind this could be a place for survivors or something that needs to be kept away from the dangers outside.

*gun shots*

Nagulat na lang kami nang may biglang magpaputok sa amin. Pare-pareho kaming mga nakayuko habang dali-daling tumakbo para sumandal sa bakod. Damn! Napasok na ba ng Morph ang lugar na 'to at ito ang teritoryo nila?!

"Good thing they're using silencer," sabi ni Alexander at napailing na lang ako.

Tama naman siya dahil kahit papaano hindi namin poproblemahin ang pagpunta rito ng mga zombies. And that's what I thought, however, someone threw a grenade to us. Now, that surely will attract zombies.

"Who the heck was that?!" Gabriella said in a loud voice. Siya kasi ang pinakamalapit sa bomba at sa kabutihang palad wala namang nangyari sa kaniya dahil mukhang nagagalit pa.

"Oh no! Karera wa kite imasu!" Akira exclaimed. One thing I learned about her is that she speaks Japanese when she's scared, angry, and sad.

*Translation: "They're coming!"

"Get ready," saad ko at hinawakan na ang dalawang katana sa likod ko.

I can already hear their growls, starving for human flesh and thirsty for our blood. Rinig na rinig sa tahimik na lugar ang bawat tapak ng mga nagmamadaling nilalang ang papunta sa amin ngayon. Jeez. I hope we get through this.

Only 10 meters away from us, we saw the horrifying creatures that are ready to kill us all. But we let our guards down and forgot that there are also humans who just tried to kill us minutes ago.

Hinila kami ng anim na tao papasok sa bakod na nasa likod lang namin na agad din nilang sinara para hindi makapasok ang mga zombies. Mga nakasalampak kami sa lupa habang pinapalibutan nila at nakatutok ang mga armas nila sa amin. Hindi nila alintana ang ingay ng mga nagwawalang nilalang na nasa kabila lang ng bakod.

Lumapit ang isang lalaki na ilang taon ang tanda kay Alexander at nagsalita. "Are you part of the Morph Organization?"

The part of what?

Continue Reading

You'll Also Like

1.5K 82 23
A fan-fiction based and related to Mobile Legends: Bang Bang Disclaimer: No copyright imfringement intended. Synopsis: Libong taon na ang nakalipas...
25.4M 851K 53
Crimes. Mystery. Clues. Detectives. Deductions. Love story. Detective Files. File 1 Written by: ShinichiLaaaabs (FILE 1 of 3)
6.9M 347K 53
The adventures of the QED Club continue as the Moriarty mystery thickens. Looking for VOLUME 1? Read it here: https://www.wattpad.com/story/55259614...
7.6M 382K 89
Ten missing teenagers. One house. One hundred cameras. A strange live broadcast suddenly went viral in all social media websites. What makes it stran...