Miss Astig

By cursingfaeri

3.7M 55.6K 8K

PUBLISHED UNDER LIFE IS BEAUTIFUL and is available in all Precious Pages Bookstore Nationwide for only 129.75... More

About the Book
One
Two
Three
Four
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty Two
Thirty Three
Thirty Four
Thirty Five
Thirty Six
Thirty Seven
Thirty Eight
Thirty Nine
Forty
Forty One
Forty Two
Forty Three
Forty four
Forty five
Forty Six
Bonus Chapter
Forty Seven
Forty Eight
Forty Nine
Fifty
Fifty One
Fifty Two
Fifty Three
Fifty Four
Fifty Five - The Finale
CREDITS || FAQs || SURVEY QUESTIONS || POVs
Ang huling hatol ni Diwata
SOON TO BE PUBLISHED
Published Book Version

Five

72.2K 1K 207
By cursingfaeri

___________________________________________________

Nakakatuwa si Keira.

 


Ang dami niyang dalang toys! Sabi ko pumunta lang siya ng bahay pero parang bitbit niya yung buong kwarto niya. Kasi hinatid lang siya nung driver nila. Nagulat nga sina Tita na may bisita ako, ayun tuwang-tuwa. Nandito kami ngayon sa kwarto ko. Ang laki-laki ng doll house niya. Madami din siyang manika. May baon pa nga siyang pagkain. Kaso hindi naman ako mahilig sa ganito. Pano ba laruin to?

Nakita ko siyang tila nagsasalin ng kung ano sa maliit na tasa. Nagluluto-lutuan ng pagkain. Tapos kinakausap ang mga manika. Hala?! May sayad si Keira?! Napatayo ako tuloy habang yakap yakap ko si Spongebob, ang paborito kong stuffed toy na singlaki ko. Mga five minutes na yata akong naninigas kakatayo ng mapansin niya ako.

"Wag kang lalapit. Lumayo ka sakin," natatakot kong sabi dito. Malay ko ba kung bigla akong dakmain nito at may lahi pa lang witch to. Bakit niya kasi kinakausap yung mga manika? Eh non-living thing naman yun?

"Napano ka?" tanong nito.

"Ba't mo kinakausap yung manika?" tanong ko ditong hindi pa rin lumalapit. Nakaready na nga akong tumakbo eh. Pag nagkamali lang to sisipain ko talaga to, bahala na. Nagkamali pa yata ako ng desisyong ayain to sa bahay.

"Hahahaha! Hindi ka ba naglalaro nito? Kunya-kunyari lang naman. Syempre kakausapin mo sila as if they are alive," sabi nitong na-aamuse sa reaction ko.

"Ngee? Para ka kayang timang dyan. Tsaka hindi ako naggaganyan eh. Hindi naman kami naglalaro nina Kuya niyan. Tara, mag-Wii tayo sa player room. Mas gusto ko magtekken," aya ko dito.

"Pangbabae kasi ang dolls. Hindi ka ba binibilhan ng Mommy mo ng dollhouse?" sabi nito pero sumunod din.

"Meron pero hindi ko kinakausap katulad ng ginagawa mo, ginagawa naming hideout ng mga soldiers namin yun, tara na nga! Amboring naman niyan eh," sabi ko dito at hinatak ang kamay niya.

Naglaro kami ng Tekken, Pingpong, Dance revo, Car Racing at kung anu-anu pa sa player room. Game naman si Keira kahit parang sinasakyan niya lang mga trip ko. Bago siya umuwi binigyan niya ako ng stuffed toy, si Baby Taz. Ang cute cute kaya hindi ko mahindian. Hehehehe. Sabi naman niya remembrance ko daw at sign ng friendship namin eh. Kaso wala naman akong mabigay sa kanya dahil alam kong hindi siya mahilig sa cars. Langan naman bigay ko ang mga gutay-gutay kong dolls eh ginamit na namin yung shooting target nila Kuya. Hehehe.

Masaya ang sumunod na mga araw. Kasi si Keira yung nakakasama ko pag recess. Dinadaanan niya ako sa classroom tapos sabay kami papunta sa canteen. Minsan naririnig ko yung mga rumors na girlfriend ko daw siya. Hindi na lang ako nagrereact. Chismis. Hahaha.

 Two months from now, graduation na. Malapit na din ang exams. Okay naman. Kahit hindi naman ako subsob magreview mabilis pa rin akong makaintindi ng lessons. Mahina pa rin sa spelling pero coping. Inaamin ko ng magulo ako sa letters. Sa nakakaduling eh, ano ba? Hahahaha.

One time, tinanong ako ni Keira kung sino daw yung crush ko sa school. Sabi ko, wala pa. Totoo naman eh. Pero sabi niya dapat daw magka-crush na ako para ma-inspire daw ako. Gagraduate na nga kailangan pa ng inspiration? Hahaha. Tapos tinanong ko siya.

"Ikaw ba may crush na?"

Sabi niya si Kuya Kurt daw yung crush niya.

"Ha?! Weh?! Ba't mo naman crush si Kuya? Pati ba naman ikaw?!"

Kasi naman daw ambait ni Kuya Kurt. Pag pumupunta kasi siya sa bahay si Kuya Kurt lang halos yung pumapansin sa kanya sa mga pinsan ko. Ewan ko nga kung bakit eh. Pero hindi naman siya inaano nina Kuya J, Kuya K at Kuya Justin. Parang hindi lang talaga nila trip pansinin. Okay naman si Keira eh.

Until today.

Nagkataon kasing wala kaming teacher ng araw na yun, balak kong pumunta ng Science Garden para magbasa. Dadaan dapat ako sa classroom nila Keira. Sisilip lang baka wala din silang class kasi ang alam ko may meeting lahat ng teachers nun eh, biglaan daw. Malapit na ako sa room nila, isang liko na lang kaso narinig ko ang boses ni Bea.

"Hoy Keira the user bitch! Akala mo hindi ko alam na ginagamit mo lang si Louie para sumikat? Kapal talaga ng mukha mong sakang ka!" nanggagalaiting sabi nito.

"Inggit ka lang kasi hindi ka niya feel and I was able to enter her room. Oh diba? Sobrang close na namin? Hahahaha. Look at you. Pathetic loser," sagot ni Keira na may nakakaloko pang tawa.

Nagulat ako. Sa sobrang gulat ko hindi ako makagalaw. Yung tipong nanginginig ka at hindi mo alam alin una mong mararamdaman? Inis? Tawa? Galit? Pero hinayaan ko na lang. Pinatapos ko yung salitan nila ng usapan baka joke lang eh. Malay mo role play lang pala diba? Hahaha.

"I like her. I admire her so much and I'm not denying it. Eh ikaw? Pretender. Hindi naman talaga si Kuya Kurt ang crush mo eh, si Louie! At least honest ako from the start, hindi katulad mong ang laking sinungaling! Tsaka nakikipagfriend lang ako. Susumbong kita kina Kuya Kurt," banta ni Bea.

"Kasalanan ko ba that your plans are as lousy as you? One of these days, you'll be surprise that Louie and I are the best of friends. And who knows? We might be future lovers too. And while you, die in jealousy. Hahahaha! As if naman maniniwala sila sayo, e si Louie nga, HINDI ka feel," sagot ni Keira.

So ayun. Hindi ko na matagalan. Bumalik na lang ako sa classroom. Doon ko na lang hihintayin si Tatay Tonyo. Evil witch din pala tong si Keira. User na user nga. Nakakalungkot lang. Ngayon ko lang narinig yung ganong tone ng voice niya. Bakit pag ako kaharap niya ang sweet? Sayang, kala ko pa naman okay siyang friend. May hidden agenda pa pala. Pero sige lang. Naglearn naman na ako eh. Mahirap talagang magtiwala. At least nalaman ko bago mahuli ang lahat di ba? Magpapasalamat ako one time kay Bea. Pero wag muna ngayon. Nakakatamad pa. Hahaha. Hindi ko iiyakan yun. Duh. Lovers daw? Yuck. Sabi niya dati wala siyang gusto sakin tapos lovers? Kadiri siya!

Pag-uwi ko ng bahay tinapon ko agad yung Baby Taz ni Keira. Baka may hidden camera pa yun. Hahaha. Iniwasan ko na din siya ng sumunod na mga araw sa school. Pag recess sa classroom na lang din ako. Hindi ko na lang sinabi yung nalaman ko. Bahala siyang maloko kakaisip bakit ako umiiwas. Minsan tumatawag pa din sa bahay. Pag pumupunta siya sinasabi ng helpers na wala ako. Hanggang sa napagod na din siya. Mabuti nga. Kaya ko namang maging masaya na wala siya eh. Anong kala neto sakin? Weak? Hahahahaha.

Malapit na naman ang graduation eh. Sa high school na ako maghahanap ng new friends. This time, ayoko na sa mga mahihinhing babae. Yung mukhang anghel. Maghahanap ako ng kaibigang mahilig din sa sports at astig din. Oo, astig kaya ako sabi ng mga kaklase ko. Hahaha. Tapos gusto ko yung makulit? Yung madaldal? Yung walang kiyeme-kiyeme? Yung.. Basta yun na yun. Hahaha.

"Oh, ba't sambakol ang mukha mo?" Kuya Kurt.

"Naiinis ako eh," sagot ko.

"Alam mo na?" tanong nito.

"Ha?"

"Na crush ka ni Keira?"

"Alam mo?!"

"Alam namin. Akala nga namin girlfriend mo na yun eh hahaha!"

"Kuya naman kinikilabutan ako sayo! Twelve pa lang ako!"

Eh sa totoo naman eh. Sabi ni Kuya narinig daw nila Kuya J na binibida ni Keira na girlfriend ko siya. Grabe ang daldal lang? Kaya naging palakaibigan na talaga ako after nun. Baka akalain nito nagluluksa ako sa pagkawala niya. Asa siya. Ambata-bata ko pa sa mga ganyan kaya. Di ba? Hehe.

Masaya ulit ang sumunod na mga araw. Excited na din ako sa graduation kasi madami daw akong awards sabi ni Ma'am. Ako yung Athlete of the Year sabi ni Coach. Champion yung team namin sa basketball eh at syempre, ako po ang most valuable player. Dapat lang. Hahaha. Ako din yung Math Wizard of the Year at Science Wizard of the Year. Running for valedictorian na din ako. Ewan ko pano naging ako. Hahahaha. Sinabihan ako ni Ma'am magprepare lang daw ako ng valedictory speech eh. Patay. Hindi pa naman ako sanay sa public speaking, kaya sana, salutatorian na lang para pledge of loyalty lang. Hahahaha.

Kakatapos ulit ng PE namin nun kaya nagmamadali akong nagbihis ng bagong shirt na kinuha ko sa locker. Kukuha na dapat ako ng bag sa seat ko ng mapansin ang green na sobre na nakapatong sa table ko.

Pano nito nalaman na green ang favorite color ko?

To IDOL

Binuksan ko ang sobre.

Kamusta ka na? Namiss kita ah.

Galing mo talagang magbasketball.

Athlete of the year? MVP? Wow!

Huwag magpatuyo ng pawis. Ingat lagi. :)

Hehe. Ba't ang thoughtful? At.. Hehehehe. Ano, uhm. Ano... Uhm.. Wag na nga. Hehehehe.

Teka, sino nga ulit tumawag sakin ng ganun?

Continue Reading

You'll Also Like

4.3M 96.5K 74
"Living in the dark side of the world isn't easy. Everyday is a fight. Every second is a riddle, and every minute is death. And being the boss makes...
6.6K 277 55
"Sabi nila hindi daw totoo ang love at first sight pero bakit ganun ako lang ba ang tinablan nun o naranasan niyo na din na ma - love at first sight...
1.1M 7K 19
She has an amnesia, sa loob ng 12 years ay namuhay siyang puno ng katanungan at kulang sa buhay niya, (ang kanyang alaala). Sa pagpasok niya sa isang...
18.7K 1K 28
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...