Play PRETEND [Marupok Series...

By si_amore_mio

243K 9.6K 2K

This is My 2nd Book: Ā° ProfxStud | Intersex | GxG More

š‚š”ššš«šššœš­šžš«š¬ā™”
Prologue
DECLAIMER | WARNING
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21 šŸ”ž
Chapter 22
Chapter 23
The Gor's
Chapter 24
Chapter 25šŸ”ž
Chapter 26 šŸ”ž
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31

Chapter 11

4.6K 202 44
By si_amore_mio

Nakangiti akong umalis sa condo ni ma'am bitbit ang card na magpapa alwan sa aking buhay. Ang yaman ko na nito kung sakali.

Yun, kung basta ko na lang din itong gagamitin.

Pero syempre hindi ko gagawin yun dahil kahit pa binigyan niya ako ng karapatan gastosin ang pera niya ay nakakahiya parin. Ayokong abusohin yun at sanay naman ako sa simpleng buhay lang.

I can leave without those fancy and extravagant things people used to boost on social media. A 50 peso shirt would do, and even ukay ukay clothes can pull off a decent look.

Oh yeah, kahit 10 pesos pa yan basta maayos pa naman. You need to wash it lang tapos pwede na isuot, di na nila mahahalata na mumurahin.

Basta importante may damit na nakatakip sa ating katawan.

Panloob na kaanyuan parin naman ng tao ang basihan para matawag kang disente eh.

I believe na hindi kayang takpan ng mamahaling abobot sa katawan ang dignidad ng tao.

Kung madumi ang budhi mo, kahit anong tapal pa ng ginto ay hindi na magbabago yan. You should change yourself into a respectful and better person, and in that way, you will gain respect and gold-like treatment from society.

Kahit nga itong suot ko ngayon lahat ay imitations lang, in short mumurahin.

Who cares?

Ang Importante maganda ako. May respeto sa kapwa at higit sa lahat may takot sa diyos.

Pero hindi lang talaga itong Black card ang dahilan kung bakit ako masaya.

Yung mismong nagbigay nito ang rason kung bakit pakiramdam ko sobrang gaan ng buhay.

Sariwa parin kasi sa utak ko ang nangyari sa pagitan namin kanina.

Yung bawat dampi ng kanyang mga labi sa aking balat. Haplos ng kanyang mga kamay at daing niyang kaysarap sa tenga.

Woah!

I still can't believe that such a magical moment happened. I mean, ahhh, what great feelings!

Ganito talaga siguro ang pakiramdam pag yung taong mahal mo mismo ang humaplos sayo.

Wala akong pinagsisihan.... Ganon din siya.

My first kiss is not a disaster Lord!

Hmm.. di ko maiwasang mapangiti habang naglalakad sa lobby ng building namin.

Kahit kagagaling ko lang sa sakit ay sobrang ganado ako na halos mapakaway pa ako sa mga estudyanteng bumabati sa'kin.

Syempre medyo famous tayo since isa ako sa student council ng university.

"Celery!"

Napatigil ako sa paglalakad ng may biglang tumawag sa pangalan ko.

"Asyn!" Masiglang tawag ko sa kanya ng mamataan ko itong tumatakbo palapit sa gawi ko.

"Asan si Asukal"

"Pupuntahan mo ba si Sugar?"

Sabay naming tanong na ikinaikot ng mata niya.

So pareho kaming absent sa first subject namin kay Mrs. Lhust.

"Kanina ko pa tinatawagan si Asukal pero hindi niya naman sinasagot." Kibit bikat kong saad dito.

"Lika at puntahan natin sa room. Nakatunganga na naman yun kay Mrs. Lhust panigurado" sabay hila ko kay Syn ngunit tinabig lang nito ang kamay ko sanhi para mapatigil kami sa paglalakad.

"Ikaw na at may pupuntahan pa ako." Yun lang sinabi niya bago ako talikuran at iwan sa gitna ng hallway.

Ang attitude rin ng hinayupak na yun. Paano nga ba namin naging kaibigan ni Asukal yun? Hayy naku hayaan na nga.

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad ng mamataan ko si Asukal na aligagang lumabas ng room.

"ASUKAL!!" sigaw ko at patakbong lumapit sa kanya.

"Haa-haa- ka-kanina pa kita tinatawagan" hingal kong sambit sa kanya.

"Bakit hindi mo sinagot tawag ko sayo ha?!" Singhal ko habang nakahawak sa aking dibdib. Kagagaling ko lang sa sakit kaya siguro ambilis kong mapagod sa simpleng takbo lang.

"Paano kita masasagot aber ha?! Na confiscate ni Mrs. Lhust cellphone ko" aligagang sambit nito. Halata mong kinakabahan at hindi mapakali.

"Bwesit na yan! Mukhang nasa peligro pa tuloy ang buhay ko dahil sa pag te-text ko sa inyo ni Syn" bulyaw niya pa.

"Ayy teka. Bakit late ka ha? Bakit ngayon ka lang?" Sunod sunod na tanong nito na ikinaiwas ko ng tingin.

"Teka. Ano yang nasa leeg mo ha?" Turo niya sa leeg ko. Lumapit siya sa'kin at hinawi ang buhok ko. Wala na akong nagawa kundi ang hayaan ito.

"May hickeys kang bwesit ka!" Exaggerated niyang reaction. Hindi ko ito matignan ng deretso sa kahihiyan.

"Kaya pala late ka dahil puyat ka sa pagpapasarap. Ito naman akong tanga na alalang ala sayo dahil baka may sakit ka"nakapameywang nitong singhal sa harap ko. Nagkasakit naman talaga ako pero 'di ko na kailangan sabihin yun sa kanya.

"So ano? Masarap ba?" Walang preno nitong tanong na ikinapula ng buong mukha ko.

"A-ano ba asukal. S-syempre uhm...mesherep siya" pabebe kong sagot dahilan para masapak niya ako.

"ARAY! Ba't ka ba nananapak diyan ha? Inggit ka noh? Blehhhhh" parang bata kong akto sa harap niya.

I'm just trying to uplift her mood  para makabawi sa kanya. Halatang tensyunado eh.

"Tigilan mo nga ako Ery. Bwesit ka talaga" bulyaw niya sabay irap.

"Ako Asukal naka score na. Samantalang ikaw? Boom! Bokya! HAHAHAH" sambit ko sabay flip hair.

Ano siya ngayon?

"Hoy babae! Ano akala mo sakin, mahina? Ha! Nakailang beses na kaya ako" pagmamayabang niya. Edi wow.

"So nabinyagan na yang junjun mo?" Bulong ko sabay turo sa ibaba niya. Parang marites kaming nagbubulungan sa gitna mismo ng hallway.

"Intact parin. Daliri at bibig ko pa lang ang gumalaw" bulong nito pabalik. Yan effective at ramdam kong gumagaan na ulit pakiramdam nito.

"Ayy mahina ka asukal..tsk.tsk"
panggagantso ko pa sa kanya.

"Oh ba't yang sayo nagamit mo na ba ha?!" Singhal nito pabalik sa'kin.

"Hindi pa! Pero malapit na asukal hehehe" sagot ko sabay galaw ng aking kilay.

"Ewan ko sayo Ery. Diyan ka na nga at nabi-bwesit lang ako sayo" ay hala siya galit na.

"Ito naman Asukal. Sorry na. Ganto na lang. Ililibre kita kaya wag ka na magalit" panunuyo ko sa kanya. Di ako nito pinansin at tinalikuran lang ako.

"Ito naman napaka tampohin. Ililibre na kita ng isang linggo sa cafeteria. Ano deal?" Sambit ko na ikinatigil niya.

"Sigurado ka? Isang linggo mo kong ililibre?" Paninigurado nito na ikinatango ko.

"Oo asinsado ako ngayon eh. Binigyan ako ni Ma-" bigla akong napatigil ng ma realize na muntik ko ng masabi name ni Ma'am.

"B-binigyan ako ni kuya Dexter hehe" medyo kabado kong sambit. Mabuti at preoccupied utak ni Asukal. Halatang di niya napansin pagsisinungaling ko.

"Oh siya. Maya na tayo mag-usap at pupuntahan ko pa si ma'am" muli nitong paalam. Hiniwakan ko ito ulit sa braso upang pigilan.

"Antayin na kita Asukal, kukunin mo lang naman cellphone mo di ba?"hindi ito umimik at nag-iwas lang ng tingin.

"Hoyy umamin ka nga. Ba't ang tensyunado mo ha? May nagawa ka bang katarantaduhan ha?" Pang-uusisa ko sa kanya.

Lumapit ito at bumulong malapit sa tenga ko.

"Hayop ka Asukal! Nanood ka ng porn?!" Sigaw ko sa pagkakagulat ng ikwento niya ang dahilan kong bakit natatakot siya sa posibleng gawin sa kanya ni Mrs. Lhust.

"Ano ba Ery, wag ka nga sumigaw. Nakakahiya baka may makarinig sayo"suway nito sa'kin na ikinangisi ko.

"Sige na. Umalis ka na at ako na bahala magsabi kay tita kung sakaling 'di ka na makabalik ng buhay" pagtataboy ko dito. Walang pang Segundo ng kumaripas ito ng takbo patungo sa opisina ni Mrs. Lhust. Tsaka ko na siya kakausapin at nagmamadali na.

Nang mawala ito sa paningin ko ay bigla na lang ako napatawa ng mahina.

Kawawang Asukal.

Mabuti ako heto chill lang. Kahit papaano pakiramdam ko nahuhulog na rin sa'kin si Celes.

Hayy nakakatuwa.

Sa unang pagkakataon may nagparamdam sa'kin ng kakaibang pagmamahal. Yes, advance ako mag-isip eh kaya alam ko unti unti ng nahuhulog ang loob ni ma'am sa'kin.

She won't kiss me if she doesn't feel anything on me, right?. Tsaka, 'di siya nagsisi, hindi isang pagkakamali ang halikan ako.

Hayy di na ako makapag antay na makita at makausap ito muli. Baka magkaron kami ng part 2...

"Celery!" Masiglang bungad sa'kin ni manang pagkapasok ko ng Carenderya niya.

"Manang Cesil!" Bati ko pabalik dito.

"Isang order po ng lomi" sabay upo ko sa isang silya.

"Ito Ery. Pakabusog ka" sambit nito bago nilapag ang order ko.

Tahimik akong kumakain at seryosong nilalantakan ang pagkain ko ng may isang mukhang banyaga ang pumasok. Di ko na sana papansinin ng magsalita ito.

"Hey Manang, can i have one order of that peyris po?" Halos mabulunan ako pagkarinig sa sinabi nito.

Ang arte? Pares! Peyris ang shuta!

"How much it is po?"tanong ulit nito.

"Fifty pesos for you Ms. Pretty"sagot naman ni manang.

"Thanks po. By the way, my ate will pay for my order manang. She's there po oh" sabay turo niya sa gawi ko.

Ako magbabayad? Aba ang kapal!

"Hi Ate" sabay upo nito sa harap ko.

Hindi ako nakakibo at tinaasan lang ito ng isang kilay.  Di man lang natinag at ngumiti lang.

"Sino ka? At anong ate ha? Di kita kilala" Pagtataray ko sa kanya.

"Tsaka anong sabi mo? Ako magbabayad niyan?" Dagdag ko pa.

"Yes po. Wala akong pera eh. And I'm famished po" nag papaawang sambit nito na ikinapikit ko ng mata.

Hindi ko na ito kinibo at hinayaan na lang itong kumain.

"Hmm it's good ate. You wanna try?"

"Ayoko. Mukhang kulang pa nga yan sayo mamimigay ka pa" kung kumain parang aagawan eh.

"Manang Cesil ito po ang bayad." Lumapit ito agad sa'kin.

"Bayaran ko na rin kinain nitong patay gutom na 'to. Wag niyo na 'ho suklian para pagbalik ko next time di na ako magbabayad pa"sambit ko na ikinatawa ng mahina ni Manang.

"Maraming salamat ho. Mauna na ako" paalam ko bago lumabas. Di ko na pinansin yung isa. Bahala siya dun.

"Hoyy anak ng! Ba't ka ba sunod ng sunod ha?" Sigaw ko sa pagkakagulat ng may biglang lumingkis sa aking braso.

"Sasabay na ako sayo. Wala akong pamasahi sa jeep eh"

Tumigil ako sa paglalakad bago tinabig ang kamay nitong nakapulupot sa'kin. Feeling close eh.

"Saan ba mga magulang mo ha? Tsaka mukhang mayaman ka naman. Look oh sapatos mo branded pa." Ang desente ng ayos eh. Halata mong anak mayaman.

Hindi ito kumibo at yumuko lang. Bigla naman akong naawa agad dito. Jusko naman.

"Hayy naku" tigas ng ulo. Yan sinabay ko na sa jeep.

"Manong dalawa po" wala na akong nagawa kundi ilibre ulit ito. Yaan na nga at isang beses ko lang naman ito makikita. Mamaya kung may nangyari pang masama sa kanya ako pa sisihin ng mga magulang.

"Oh huwag mo sabihin sasama ka pa sa'kin?" Inis kong singhal pagkababa namin ng jeep. Nasa tapat mismo kami ng village na tinitirhan namin pareho. Yes sabi niya dito rin siya nakatira.

"I'm Zucchini ate" pagpalakilala nito.

Zucchini? Gulay really?

"My name is unique right? Like yours too ate. You can call me 'Chin' or 'Chinni' po" sabay ngiti niya ng sobrang tamis.

Ang ganda ng batang 'to kahawig ni ano. Basta.. Halata namang mas bata ito sa'kin ng ilang taon or baka isip bata lang talaga siya.

"Oh siya sige na, shoo. Bahala ka na maglakad papasok at may pupuntahan pa ako"pagtataboy ko sa kanya.

"Hindi po ako maglalakad. May sundo ako oh"sabay turo nito sa kotseng kanina pa nakabuntot sa'min.

Anak ng teting naman oh. Ang sarap hambalosin nitong batang 'to.

"Bye ate! Bukas ulit ha?" Sabay karipas takbo nito papalayo.

Hindi ko na inantay makaalis ang kotseng sinakyan niya. Tumalikod na lang ako at muling naglakad.

Pupunta pa ako sa condo ni ma'am. Medyo delay na nga ako eh dahil sa kanya. Hayaan na at 10 minutes lang naman ang layo ng tinitirhan ni ma'am mula sa village namin.

Wala parin itong reply mula ng i-text ko siya kanina habang kumakain, marahil busy parin ito sa kaibigan niya.

Basta nag text ako na pupunta akong condo niya. Mababasa niya naman yun eh. Kung wala pa siya edi sa loob na ako mag-aantay.

Pagkarating ay agad akong dumeretso sa taas ng building. Pagkatapat ko ng unit niya ay agad kong kinapa ang susi sa bag ko. Ngunit halos maitaob ko na ito sa paghalughog ngunit hindi ko parin ito mahahilap.

Napapahilamos na lang ako ng mukha ng ma realize na baka naiwan ko ito sa ibabaw ng lamesa noong nakaraang pagbisita ko.

Ang malas naman oh.

Makailang beses na akong nag doorbell at katok sa pinto ng unit niya ngunit walang nagbukas. Ibig sabihin nun ay di pa nga siya nakakauwi.

Wala na akong nagawa kundi ang bumaba ng building. Bigla rin kasi akong naihi. Hindi ko alam kung may public cr ba 'tong building nila kaya minabuti ko na lang lapitan si kuya guard na nagbabantay sa baba.

"Manong saan po CR niyo?"

"Naku ma'am nasa parking lot po ang public cr. Deretso po kayo diyan tapos kaliwa, andun po"turo niya sa kabilang gawi.

"Maraming Salamat kuya"pag papasalamat ko bago naglakad takbo.

Takti naiihi na talaga ako.

"Ahhh thanks God" paghinga ko ng maluwag after makaraos. Ang sakit kaya sa puson magpigil ng ihi.

Saan naman kaya ako tatambay ngayon. Ayoko ring umuwi at magkukulong lang din naman ako sa kwarto. Masyadong aligaga si Asukal at Asyn ngayon kaya hindi ako makatambay sa bahay nila.

Pasipol sipol akong naglalakad sa parking lot. Manghang mangha pa ako sa mga mamahaling sasakyan na nakahilira. Ang gara kasi eh kaya di ko maiwasang maiingit sa may-ari ng mga 'to.

"Someday magkakaron din ako ng sarili kong sasakyan!" Sambit ko sa hangin.

Halos isa isahin ko ang mga kotseng nadadaanan ko ngunit bigla akong napatigil sa paglalakad ng may mamataan akong pamilyar na sasakyan.

Hindi ako pwedeng magkamali dahil lahat ng kotse niya ay alam ko.

Bigla akong kinabahan. Hindi ko alam kung bakit at kusa na lang akong dinala ng aking mga paa sa tapat ng kotseng yun.

Hindi tinted ang sasakyan kaya kita ko ang loob nito.

Sa ganitong sitwasyon...

Minsan hindi maganda ang ugali na mapang-usisa, dahil may mga bagay kang hindi magugustohan. Mga bagay na magdudulot ng kakaibang emosyon. Ayos sana kung masaya ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon puro na lang ganon.

Parang istatwa akong nakatingin ng deretso sa iisang dereksyon.

Yung excitement ko buong maghapon ay biglang napawi.

Yung gaan ng pakiramdam ko ay biglang bumigat.

Yung haplos sa puso ay napalitan ng sakit.

Yung ngiting nakaukit sa aking mga labi ay napalitan ng pigil na hikbi.

.......

She didn't regret kissing me.

But here she is now, in front of me...

Kissing my sister.













================================

Goodnight Pows!💚

Don't forget to vote!(✯ᴗ✯)

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 36.7K 31
(Trope Series # 3) Arielle was contented living her quiet life. She's got a job that pays well, a place to live, eats three times a day, and had frie...
1.1M 32.1K 105
Arya Astrid Fonacier is a lot of things; she's beautiful, cunningly smart, restless, and outgoing. She just wants nothing but to prove herself to the...
1.4M 47.2K 40
Heartbreakers Series #4: Uriah Kylo Penalver Si Aryn Valerie "Areli" Lopez ay ang isa sa mga maraming taga-hanga ni Uriah Kylo Penalver, the Cold Hea...
2M 72K 34
(Trope Series # 1) Cerise's younger sister is getting married and she's expected to attend. The logical thing to do was to attend (duh, it's her sis...