JEMA's POV'
Maaga akong nagising ngayon kahit na wala naman kaming trabaho sa farm, ngayon kasi balak pumunta ni Bei dito samin.
Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko naman silang nag-hahain na ng umagahan namin.
Oh Jema ang aga mo naman atang gumising anak. Sabi naman sa'kin ni Mama ng makita ako nito
Opo Ma, pupunta po kasi ako don sa farm. Sabi ko naman sa kanya
Tinulungan ko namaj na silang mag-hain ng makakain na kami.
Eh diba wala naman kayong gagawin doon ngayon? Tanong naman ni Mama sa'kin
Pati sila Ate Den ay nakatingin narin samin ni Mama.
Opo, may susunduin lang po ako don hehe. Sabi ko naman kay Mama
Nakita ko naman ang nakakalokong tingin ni Celine sa'kin.
Si Bei yan noh. Pang aasar naman ni Ced sa'kin
Oo, gusto niya raw kasing pumunta dito. Sabi ko naman sa kanya
Inasar naman ako nito ng masabi ko iyon sa kanya.
Habang kumakain kami ay napansin kong parang wala sa mood si Jho.
Jho, ayos ka lang? Tanong ko sa kanya
Tipid naman na ngumiti ito at tumango sa'kin.
Nakakain ata ng jellyace yan kaya ganyan, HAHA! Natatawang sabi naman ni Ced dito
Nakita ko namang napa irap na lang sa kanya si Jho.
Hindi kona lang din ito pinansin at pinagpatuloy kona lang ang pagkain ko.
Nandito na ako ngayon sa farm at hinihintay na lang si Bei na lumabas sa bahay.
Hi Jema, aga mo dito ha. Bungad naman sa'kin ni Dean ng makalabas ito sa loob ng bahay
Andito na naman ang sumisira ng araw ko..
Oo, may hinihintay lang. Tipid na sabi ko naman sa kanya
Nakita ko namang napa ngiti ito ng nakakaloko.
Ako ba hinihintay mo? Mapang-asar na tanong nito sa'kin
Napa-irap naman ako ng dahil sa sinabi nito.
Ang kapal..
Wag kang feeling, si Bei ang hinihintay ko. Sabi ko naman sa kanya
Nakita ko naman ang pagkunot ng noo nito.
Ouch.. Rinig kong bulong nito
May sinasabi kaba? Tanong ko sa kanya
Napa iling-iling naman ito sa'kin.
Just wait for Bei here, palabas narin naman yon.. sige i have to go. Sabi naman nito sa'kin at umalis na
Anyare don??
Hindi nag tagal ay nakita ko narin si Bei an lumabas ng bahay.
Ang pogi naman po...
Hi! Sorry mukang napaghintay pa kita ng matagal. Bungad naman nito sa'kin
Ano kaba, okay lang un. Sabi ko naman sa kanya
Nakita ko namang napangiti ito.
So ano? Tara na samin? Tanong ko naman sa kanya
Yeah let's go. Sabi naman nito sa'kin at hinila nako papunta sa kotse niya
Uhm do we need a car ba? Tanong naman nito sa'kin
Ikaw bahala, pero malapit lang naman yon. Sabi ko naman sa kanya
Nakita ko naman na parang nag iisip ito.
It is okay to you kung mag lakad na lang tayo? But if it's not it's okay din naman na gamitin natin tong car. Sabi naman nito sa'kin
Ang cute niya talaga pag nag e-english..
Okay lang naman sa'kin maglakad, mas mag e-enjoy nga tayo non eh. Sabi ko naman sa kanya ng nakangiti
Nakita ko namang napangiti ito ng sobra.
So ano tara na, HAHA! Sabi naman nito
Habang naglalakad kami ay hawak hawak naman nito ang kamay ko, ewan koba pero nag e-enjoy din naman ako habang hawak nito ang kamay ko.
DEAN's POV'
Dean! Tawag ni Kuya Alex sa'kin
Napansin ko naman itong naupo sa tabi ko kasama si Tots.
Ayos ka lang? Tanong niya pa sa'kin
Tipid naman akong ngumiti dito at tumango.
Sus kami pa niloko mo Dean, ano selos kana naman noh? HAHA! Sabi naman ni Tots habang natatawa
Pinsan koba talaga toh??
Selos kanino? Tanong naman ni Kuya Alex
Edi kay Jema at Bei, mas naging close kasi ung dalawa kesa sa kanila ni Jema, HAHA! Sabi nito kay Kuya Alex
Nakita ko namang napa iling iling dito si Kuya Alex.
May gusto kaba kay Jema? Tanong naman ni Kuya Alex sa'kin
Gusto kona nga ba siya??
I-idon't know Kuya Alex eh. Sabi ko naman sa kanya
Eh baka naman trip mo lang din si Jema katulad ng mga babae mo sa US, HAHA! Natatawang sabi naman ni Tots sa'kin
Onti na lang talaga mabubwiset nako dito eh..
Is that really what you think of me? Tanong ko naman sa kanya
Hindi naman Dean, pero kasi baka mamaya hindi mo naman pala talaga siya gusto, na baka kaya ka lang nag kakaganyan sa kanya kasi nagagandahan ka.. Dean kahit sino naman magagandahan sa katulad ni Jema eh, pero mas maganda si Celine din hehe. Sabi naman nito sa'kin
Hmm, may gusto ata to kay Ced..
May point naman si Tots, Dean. Sabi naman ni Kuya Alex sa'kin
Nagagandahan nga lang ba ako sa kanya? Pero bakit parang hindi naman ganon ang sinasabi ng puso't isip ko??
Hindi ko alam Kuya Alex, naguguluhan pa talaga ako sa ngayon. Sabi ko naman dito. Tapos mas lalo pang gumulo dahil kay Bei, paano kung may gusto na siya kay Jema? Ayokong biguin at saktan ang kaibigan ko eh. Dagdag kopa dito
Lumapit naman sa'kin si Kuya Alex at tinapik tapik ako nito sa balikat.
Yun ba ung nakikita mo? Tanong ni Kuya Alex sa'kin
Oo eh. Sagot ko naman sa kanya
Ganito na lang Dean hangga't wala pa naman silang sinasabi o inaamin make your move, malay mo naman may chance ka sa kanya di ba? Sabi naman ni Tots sa'kin
Kay Jema magkakaroon ako ng chance? Parang malabo ata haha..
Paano eh lumapit nga lang ako sa kanya naiinis na agad siya, kausapin ko nga lang siya saglit parang gusto niya nakong itaboy palayo sa kanya. Sabi ko naman sa kanila
Nakita ko naman napa iling silang pareho sa'kin.
Susuko kana lang ba agad agad Dean? Parang hindi naman ganyan ung Dean Wong nakilala ko, kasi ung Dean na kilala ko palaban un eh. Sabi naman ni Kuya Alex sa'kin
Susuko na lang nga ba ako ng ganon ganon?
Walang mawawala kung susubukan mo Dean. Sabi pa ni Tots sa'kin
Napa isip naman ako ng dahil sa sinabi nila sa'kin.
Sige susubukan ko, pero kung sakaling malaman ko na Bei and Jema likes each other i will stop. Sabi ko naman sa kanila
Nakita ko namang napa tango tango sila sa'king dalawa.
Hihinto na nga lang bs ako pag nalaman ko o ipaglalaban kopa rin siya hanggang sa maging akin siya? Kaso paano si Bei? Paano ung matalik kong kaibigan? Ung kaibigan kong laging nanjan para sa'kin, handa ba akong makitang nasasaktan siya ng dahil sa'kin??
Arghhhh! Ang hirap nito ahh!
====================
🥴🥴🥴🥴🥴
A/N
Sorry guys medjo naging busy kasi si otor eh, pero don't worry babawi si otor sa inyo hehe. Loveyou guys! 😚😚