✔Greg Faustino | Seducing Ser...

By _LoveBiteCookie

792K 10.5K 279

Greg Faustino has been Czaira's schoolmate and ultimate crush since they were in high school. She used to be... More

My Fiancè :Greg Faustino
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20 (Last Part)
Author's Note

Chapter 12

25.7K 447 19
By _LoveBiteCookie

"REUNION ba 'to, eh, bakit si Rafael nandito? Uuwi na lang ako," birong sambit ni Kimberlyn.

Hindi ito makapaniwala na nasa grand hotel ngayon ang nasabing binata na naging dahilan ng pagiging broken nito noon. 

"Hayaan mo na Kim, nandito din naman si Miguel, ibig sabihin makakapili ka kung sino talaga ang nararapat para sayo." si Katherime ang nagsalita.

Nagkatawanan sila dahil alam naman nila na magkakaibigan na si Miguel na ang napupusuan ni Kimberlyn. Tapos na ang marubdob at madamdamin na pag-amin ni Dock kay Christine.

Kung siya ang nasa katayuan ng bestfriend nila ay hindi siya iiyak sa tuwa sasampalin niya sa tuwa si Dock, ang tagal na din pala na gusto ng lalaki ang kaibigan nila pinatagal pa.

Hindi niya alam kung paano ngayon lalapitan sa kabilang table table si Greg kasama nito ang mga kaibigan. Hindi siya pinapansin ng binata simula pa kanina na magkita sila. Panay sulyap lamang ang ginagawa nito sa kanya.

"Katrina wag ka ngang uminom ng alak," narinig nilang wika ni Kimberlyn.

Inagaw nito kay Katrina ang hawak nitong beer. Hindi niya lubos maisip kung bakit beer ang inumin sa grandeng party ngayon.

"Hayaan niyo akong mamatay hindi ko na kaya," Katrina said then laughed.

Nangaasar lamang ito. Kahit sila ay natawa na lamang dito.

"Ikaw Czaira o, magpakalasing ka alam kong miss mo na ang beer," sambit ni Misha na inabutan siya ng bote ng beer.

Agad naman niyang tinanggap iyon at ininom. Hindi pinansin kung sino ang mga nasa kabilang table.

"Magusap-usap nga tayo ng matino!" si Kimberlyn na may tama na ng beer.

Sila lamang na lima ngayon ang nasa table na okupado nila si Christine ay kasama si Dock at kinakausap ang ilan na bisita.

"Girls! Usap-usap tayo dapat may sense yung kapupulutan ng aral," dugtong pa ni Kimberlyn.

Napangisi siya at muling uminom sa bote ng beer "Okay, let's talk about reproductive system." aniya.

Napasinghap ang mga kaibigan niya sa sinabi tumingin siya sa mga ito at tumawa.

"Grade five ako napag-aralan namin yan. Joined bodies yan e," sagot ni Misha.

"Bastos, reproductive system joined bodies agad? Pwede bang pagusapan muna kung saan at paano lumalabas ang ihi? Misha, magbasa-basa ka hustisya para sa topic na premarital sex," aniya.

Naubo si Katrina ng sobra dahil sa sinabi niya agad naman niyang hinagod ang likod ng kaibigan na katabi lang niya ng upuan.

"Sorry may mga bagay talaga na kailangang isiwalat." sambit niya dito.

"Sige nga pagusapan natin ngayon kung sino ang sinisinta mo noong high school. Isiwalat mo," gatong ni Misha.

Sumangayon pa sila Kimberlyn, Katherine at Katrina.

Natahimik tuloy siya at itinuon ang pag-inom sa beer na hawak. Nasa kabilang table si Greg na kahit sumulyap siya sa gawi nito hindi naman siya papansinin o titingnan.

"Hi, Gals!"

Natigil siya sa iniisip ng marinig ang boses ni Christine na tinawag silang lahat.

"Umalis dito ang may lovelife puro single ang nandito," si Katherine na nagbiro.

"Yung mga virgin din maiwa–Aray Katherine!" wika ni Kimberlyn na nakatanggap ng hampas sa kapatid nito.

"O, Christine nakabusangot?" tanong niya.

Ang kambal nagaaway pa rin, nagaasaran at sumali pa si Misha. Si Katrina naman ay tumahimik.

"Hindi ko kayo masamahan dito," sambit ni Christine sa malungkot na tinig.

"May Daomino na kaya ang arte."

"May boyfriend ka lang pero tandaan mo walang forever."

"Iiwan ka din niyan."

"Ipaliwanag ang reproductive system kay Christine."

Tumawa siya sa pinagsasabi ng mga kaibigan nila. Si Christine naman ay nag-walk out na lang dahil naalaska ng wala sa oras.

"Tumigil na kayo pinagtitinginan na tayo nila Kuya Devlin baka mapagalitan tayo," si Misha na tumikhim at tumahimik.

"Naguusap lang naman tayo. No hard feelings," si Katrina.

Close nito ang kapatid ni Dock na si Devlin nakita nila kanina kausap nito ang binata, ang sabi ni Misha sa kanila ay kilala nito su Nikassandra, ang babaeng gusto ni Devlin. Ilang beses ng nakasama ni Katrina sa Charity ang dalaga dahil mahilig rin umanong magvolunteer iyon at magdonate para sa mga batang nandoon at minsan ay kasama pa nito si Devlin.

"Isagad mo Trina, hard pala." si Kimberlyn.

"Masakit, soft feelings pala." Sagot naman ni Katrina.

Nagkatawanan sila mas pinipili niya ngayon ang tumahimik at wag masyadong uminom dahil baka mamaya ay sakitan nanaman siya ng ulo. Nasa kabilang table pa naman si Greg, hindi niya gustong bigyan ng kahihiyan sa binata.

"Si Czaira pahinhin kunwari kasi nakatitig sa kanya si Greg," si Misha.

Tiningnan niya ng masama si Misha at sinipa ang paa nito mula sa ilalim ng mesa. Misha gave her a smirk and laugh.

"Yung fiancèe mo dapat binabakuran mabilis pa naman akong mang-agaw," that's coming from Duke Alexander.

Hindi niya alam kung kikiligin ba siya o matatakot. Napag-alaman niyang kapatid ito ni Misha at isang Doctor.

"Back off men, she's mine," dinig niyang wika ni Greg.

Napalunok siya at mamula.

"She's mine!"

"Misha, c'mon! Lets sing sayang ang gabi." Lalaki na lumapit kay Misha hindi pa man pumapayag ang kaibigan nila ay hinila na iyon ng lalaki.

Lumayo ka na saakin, wag mo kong kausapin

Parang awa mo na wag kang lalapit-lapit sakin.

"Nagpaparinig ba yang Kristoff na yan?" si Kimberlyn.

Ito ang nag-react sa pinatugtog ni Kristoff sa stage. Tila nag-ngitngit pa ang kalooban ni Kimberlyn dahil doon.

Habang busy siya na panoorin si Kristoff at Misha sa stage sa gilid ng kanyang mga mata nakita niya na tumayo si Greg mula sa upuan nito, nag-excuse ito sa mga kaibigan nito.

Nakita din niya na dinukot ng binata ang cellphone mula sa bulsa nito. Her forehead turned to knot she also stand up and excuse herself to her friends.

Hindi pa man nakakalayo si Greg ay sinundan niya ito palabas ng hotel. But Greg was fast, nawala sa paningin niya ang binata.

"Hello? Candy..."  Natigil sa pag-ikot ang paningin niya upang hanapin ang lalaki ng marinig ang tinig nito. "You cheat, tapos ikaw 'tong umiiyak ngayon? Im done with our stupid relationship." dinig niyang dugtong ni Greg.

Lalo siyang napahinto sa kinatatayuan tila isa siyang estatwa dahil hindi niya mai-hakbang ang mga paa papalapit sa binata.

Who is Candy?

"No, Candy... let's end this," ani pa ni Greg.

Hindi niya kailangan na hulaan kung sino ang kausap ngayon ni Greg dahil isa iyong babae.

Babae.

"God! Wait me there babe, I love you too," He said. Nahimigan niya ang taranta sa boses nito.

Dahil sa narinig ay bigla na lamang ang bagsak ng mga luha niya sa magkabila niyang pisngi.

Kusang umatras ang mga paa niya para makaalis sa lugar kung saan niya sinundan si Greg. Bumalik siya sa loob ng hotel patuloy sa pag-iyak at walang pakielam kung sino man ang makakita.

Saktong pagbalik niya sa party ay nagsasayawan na at sa pagbalik niya sa table nila naharang siya ni Misha.

"Bakit ka umiiyak?" agad na tanong nito, hinawakan siya sa magkabila niyang balikat. "Anong nangyari? Nasaan si Greg?"

Lalo siyang umiyak nang marinig ang pangalan ng binata. Si Misha na gusto magtanong ay pinatahan na lamang siya.

"My g-girlfriend pala siya," humihikbing aniya. "Ako s-sabit lang."

"Hindi ka sabit at kung sino man yang sinasabi mong girlfriend niya wag mong intindihin, wag ka ng umiyak. I thought you can handle? Then prove to us." ani Misha na patuloy sa pagpapatahan sa kanya.

Who's that Candy?

Ngayon alam na niya kung bakit hindi siya mahal ni Greg.

"She's mine"

Nalala niyang wika ni Greg kanina. Para saan pa't sinabi iyon ng binata?

"AKO Monica wag 'mong sagarin! Sumasampal ako ng babaeng humaharang sa dadaanan ko," seryosong wika niya.

Kanina pa siya hinaharangan ng secretary ni Greg wag lang siyang makapasok sa opisina ng binata.

"Ma'am k-kasi po may kausap pa si Sir."

"Puwede akong pumasok sa opisina niya kahit may kausap siya. Fiancèe ako, yang Sir mo hindi ako kino-contact." aniya, tumaas ang kilay. "Umamin ka sakin may babae siya no?"

Bagamat mahina ay napatingin sa kanya ang ilang empleyado mula sa table ng secretary ni Greg.

"Ma'am, w-wala po."

"Ikaw Monica a, kung hindi mo sasabihin sakin ikaw talaga ang paghihinalaan ko. May lima akong kaibigan kaya nilang bumugbog ng mga nagsisinungaling." aniya.

Kanina pa siya sa labas ng office ni Greg. Gusto niyang malaman kung sino ang kausap nito at bakit halos inabot na ng ilang oras.

Napakamot sa ulo ang secretary ni Greg at nakita pa niyang lumunok. No wonder, babae ang kausap ni Greg  sa loob ng opisina nito.

Desidido na siyang sabihin kay Greg ngayon din na mahal niya ito. Nagusap sila ni Misha at ang sinabi sa kanya nito ay bahala siyang lumutas ng sarili niyang problema dahil sinabi niya sa kaibigan na kaya niyang dalhin ang sitwasyon.

Ngayon ay iniisip niya kung ano ang magiging reaksyon ni Greg sakaling umamin siya sa binata. Hindi na bumalik si Greg matapos na may kausapin ito sa cellphone nito at kinabukasan wala na siyang natanggap na anuman na paramdam mula sa binata. Tawag o text ay wala, biglang tila nag-iba ang takbo ng relasyon nila.

Pakiramdam niya iniwan siya sa ere.

"M-Ma'am sand–"

"Quiet," pigil niya sa secretary ni Greg.

Huminto siya sa tapat ng nakasaradong pinto ng opisina ng binata.

"Just listen Monica kung ayaw mong mawalan ng trabaho," bulong pa niya dito.

Tumikom naman ang bibig nito.

"Babe please, balikan mo ko." dinig niyang boses babae.

Kumunot ang noo niya sa narinig.

Babe?

Iyon ang natatandaan niyang endearment na narinig niya kay Greg ng may kausap ito sa cellphone noong gabi ng party.

Ito na ba ang babaeng iyon? Kung hindi siya nakakamali natatandaan niya ang pangalan ng babae.

Cassey? Candy? Candle?

"Tapos na tayo Candy," narinig niyang wika ng binata.

Its Candy

"May fiancèe na ako at magpapakasal na kami."

Dahil sa sinabing iyon ni Greg ay sumulyap siya sa katabi niyang si Monica. Tahimik lang din ito na nakikinig sa usapan sa loob ng office ni Greg.

"Narinig mo magpapakasal kami," bulong niya sa katabi na kinilig.

Handa na siya na muling makinig sa usapan nang biglang kapwa sila mapalayo ng katabi niya dahil sa nalaglag at tila nabasag mula sa loob.

Akma niyang bubuksan ang pinto ng opisina ni Greg upang sana makita kung ano ang nangyari, but his secretary Monica stopped her.

Kinabahan siya dahil sa narinig. Maya-maya lang nakarinig siya ng hikbi, umiiyak iyon.

"B-balikan mo ako, paano ang baby ko? Paano na kami panagutan mo ko,"

Nanlambot siya sa narinig. Napahawak nalang siya  bigla kay Monica, gusto niyang magtanong dito baka sakaling may alam ngunit nanatali siyang tahimik.

Bumilis ang kabog ng dibdib hindi siya tanga para hindi mahulaan kung ano ang narinig niya. Buntis ang babae at ang tatay si Greg.

"Candy how many times do I need to tell you that I dont want? May fiancèe na ako paano kung makasal kami? Hindi ko gusto na manggulo ka. Kung gusto mo ng suporta habang naghahanap ka ng trabaho, at maliit pa ang anak mo ibibigay ko hindi yung may makakaalam pa."

"I want you Greg... Ako ang pakasalan mo..."

"Wag mong painitin ang ulo ko, Candy tapos na tayo,"

"Mahal kita..."

"Mahal din kita pero mali, Candy."

Nagtaas baba ang dibdib niya sa mga narinig lalo naman humigpit ang kapit niya sa sekretarya ni Greg na tila gulat na gulat din sa mga narinig.

Parehas pa nga yata silang putla at parehas din na hindi alam kung paano makakaalis sa kinatatayuan nila ngayon. Kung noon mabait para sa kanya ang tadhana ngayon hindi na. Sobrang sama na para sa kanya hindi niya naisip noon na posibleng may ganito.

'Yon bang may babaeng involve kay Greg at mahal ng binata. Imposible naman na siya ang taong iyon dahil bigla lang naman ang sulpot niya sa buhay nito, masyado niyang itinuon sa nararamdan niya para dito ang atensyon.

Bakit hindi niya inalam noon kung may girlfriend ito? Taas noo siya sa lahat ng taong alam ang relasyon nila ni Greg. Masaya siya na ipagmalaki ito bilang fiancè niya paano kung may makaalam na nakabuntis ito at hindi siya ang babaeng iyon? Hindi niya kayang dalhin ang kahihiyan na parang wala lang.

Siya ang kilalang fiancèe ni Greg at ibang babae ang nabuntis nito, lalabas pa na siya ang kontrabida.

Iisipin ng ilan na hinarangan niya ang relasyon ni Greg sa iba mapunta lang sa kanya ang binata, ang tagal niyang pinangarap si Greg. Tapos ay ganito pa nagbigay ng komplikadong sitwasyon ang tadhana.

"M-Ma'am wala po akong alam sa mga narinig natin," si Monica na dahan-dahan na inilayo siya mula sa opisina ni Greg.

Biglang naubos ang enerhiya niya wala siyang naiisip na paraan para kumalma. Ang alam lang niya ngayon ay gulat at nasasaktan siya sa narinig.

She can't do what Christine can.  Parehas silang hopeless pagdating sa mga napupusuan nila. Ang kaibahan nga lang ay si Christine seducing Dock in a way na hindi natatakot ang kaibigan niya kung saan hahantong ito at ang binata. At iyon ang hindi niya kayang gawin kay Greg ang kaya lang niyang gawin ay ipakita sa binata kung sino ang totoong siya na matatanggap nito.

Kailangan niyang dumistansya, kung kanina ang nasa utak niya ay ang umamin na mahal niya ito. Ngayon ay  habang buhay na lamang niyang itatago ang nararamdaman para dito.

"Monica sa mga narinig mo nating dalawa wala ka sanang p-pagsabihan," wika niya.

Marahan na tumango ang dalaga sa kanya. Nakabalik na silang dalawa sa office table nito.

Pagbukas nang pinto sa opisina ni Greg ay inilabas doon ang babaeng kausap ng binata kanina.

Kung kanina ay nagulat siya sa mga narinig ngayon ay mas lalo siyang nagulat dahil sa pamilyar na babaeng nakita niya lalo pa't napasulyap sa kanya ang dalaga. Sa namamagang mga mata at hikbi pa rin nito ay kitang-kita rin niya ang gulat sa mga mata nito dahil sa nakita siya.

Marahil ay natandaan din siya nito hindi na siya magtataka na sinadya ng babaeng ito na dumayo sa botique niya para makita siya sa sulyap at patingin-tingin na ginawa ng dalaga sa kanya noon sa botique niya may posibilidad na kilala na siya nito.

Hinagod niya ng tingin ang kabuuan ng babae, ang dress na binili ng babae mula sa botique niya noong nakaraang linggo ay suot nito.

Si Candy. Ito si Candy ang dalawang beses na niyang narinig sa binata na mahal nito.

Ngayon hindi niya alam kung kaya niyang makita si Greg.

"So its you?"

Hindi niya alam kung bakit niya natanong iyon at ang timbre pa ng pagsasalita niya ay sarkastiko.

Nakita niya ang ginawang paglunok ng dalaga.

"M-magpapaliwanag ako, may sasabihin a-ako..." mahinahon na wika nito sa kanya.

"Nope, I already know. Kung sa tingin mo na basta ko nalang ibibigay sayo si Greg. Nagkakamali ka dahil kahit anong iyak at pilit mo pa sa kanya na balikan at panagutan ka niya. Ako pa rin ang pakakasalan niya," wika niya.

Pinigilan niya sarili na maiyak dahil hindi niya alam kung tama ba ang mga sinabi niya. "Hindi ako naaawa sayo," dugtong niya.

Umiyak muli ang dalaga sa hindi malakas na paraan. Kung nasaktan niya ito sa mga sinabi niya ay quits lang sila.

Nasaktan din siya nito. Nasaktan siya sa paraan na ang swerte nito dahil ito ang mahal ng taong mahal niya.

Iniwan niya ang babae sa labas at pumasok sa opisina ni Greg naabutan niya iti na may binabasang folder files.

How she missed this man! Ilang linggo din simula ng party na hindi ito nagparamdam.

"I saw your girl," panimula niya.

Gulat na umangat ang ulo ni Greg ng marinig ang boses at ang sinabi niya.

She saw his features again with his suit makes him more handsome. How this man can give her a heart-attack everytime she saw him like that?

Hindi siya lumapit sa office table ng binata at hindi rin lumapit para umupo sa one-seater sofa na nadoon.

"Hindi mo sinabi sakin," aniya.

Tumayo ang binata mula sa swivel chair nito.

"C-Czaira magpapaliwanag ako."

Akmang lalapit ito sa kanya ngunit agad niya itong pinigilan.

Hindi niya alam kung ano ang mangyayari kung lalapit at hahawakan siya nito baka bigla ay masampal niya ito dahil galit at nasasaktan siya ngayon.

Sanay siya sa katotohanan katulad ng nararamdaman niya para dito. Matagal na panahon ang hinintay niya na makilala siya ni Greg na ngayon ay nangyari na ay masakit naman ngayon puso.

"She's pregnant. Narinig ko ang paguusap niyo," aniya, hinawakan niya ang kanang kamay at inalis ang sing-sing na suot.

Kung kailan isinuot niya ulit ang sing-sing ay tatanggalin naman niyang muli sa kamay niya. Hindi na niya mai-susuot pa.

Mabilis ang ginawa niyang paghakbang papalapit sa office table ng binata inilapag niya sa ibabaw niyon ang sing-sing.

"Czaira what are you doing?" hindi makapaniwala at nagtatakang wika ni Greg sa kanya.

Ngumiti siya sa binata ng pilit. "Let's end this. Salamat sa friendship ring." aniya at walang lingon likod na umalis.

Nilisan niya ang opisina ng binata na pigil ang pag-iyak.

Continue Reading

You'll Also Like

53K 1.8K 42
They say "Chase your dream" so im chasing mine and it's you.
88.6K 1.1K 45
Simula nang dumating si Blue Santimeda sa buhay ni Nevi ay hindi na siya nagkaroon ng kalayaan na gawin ang lahat ng gustuhin niya. Naiirita siya sa...
710K 13.1K 46
Chris Lawrence Lardoza I was called a Playboy, heartbreaker, cheater, and worst fucker. whatever you name me, This is me. I love to date girls. hot a...