Never Thought

By JustMe_R_

11.3K 529 129

I am not a fvcking gay. I don't like dumb people. But I Never thought... that I would fall in love with my d... More

Chap 1
Chap 2
Chap 3
Chap 4
Chap 5
Chap 6
Chap 7
Chap 8
Chap 9
Chap 10
Chap 11
Chap 12
Chap 13
Chap 14
Chap 15
Chap 16
Chap 17
Chapter 18
Chapter 19
>3
Chapter 20
Chap 21
Chap 22
Chap 24
Chap 25
Chap 26
Chap 27
Chap 28
Chap 29

Chap 23

213 14 16
By JustMe_R_

Calliopi

It's tuesday at maingat ako ngayong naglalakad sa hallway wag lang syang makasalubong.

Halos lakad takbo nga ginawa ko habang tumitingin tingin rin sa paligid kasi para kapag makita ko sya, maiwasan ko kaagad.

Yes, I'm avoiding her after nong encounter sa Isla.

Hayss, Tangina naman kasi yopi! Bakit naman kasi naisipan mong mag confess at hinalikan mo pa talaga sya! Hindi ka ba nag iisip?! Kaka open lang nya sayo tungkol sa naging past nya tapos ginawa mo pa yung bagay na yun! Ang malala pa don, alam mo namang hinding hindi ka magugustuhan pabalik tapos bigla bigla ka nalang nag co-confess!

Napatampal ako sa noo ko ng paulit ulit. Napaka tanga ko talaga. I should just keep it to myself pero dahil may pagka tipsy ako nasabi ko yun at nakagawa ng maling bagay.

Dahil hindi pa ako totally lasing non, naaalala ko talaga ang mga nangyari nong araw na yun. Pag uwi namin sa mansion, sinabi ko kaagad kay ave na gusto ko ng bumalik ng syodad ng kaming dalawa lang kasi hindi pa pwedeng umalis si dad. Kaya ayun, instead na umuwi kami kasama si merk gamit ang yacth nya, nagpasundo nalang si ave gamit ang chopper nila. Nagpaalam kami kay dad at sinabi kong ipaalam nalang din kay don enricko, pati na sa mga kasambahay na naging close ko at pati narin kay Ma'am Meisi at merk na umalis na kami.

Hindi ko sya pwedeng maharap kasi natatakot ako. Mabuti nalang talaga pumayag non si ave.

Bahagya akong nagitla nang may tumapik sa likuran ko.

"Calli!"

Humarap ako dito at napa exhale ng si ave lang pala. Mabuti nalang.

"Punta ka sa class mo? Hatid na kita." Nakangiting ani nito na bahagyang ikinakunot ng noo ko.

Ako? Ihahatid nya? Parang bago yun ah. Tsaka bakit may iba sa kanya ngayon?

She's wearing light make up at yung straight nyang buhok ay ngayon may pagka wavy na. Wow, mas lalong gumanda si ave.

"Malapit naman na ako sa room ko kaya wag na. Dumeretsyo ka nalang sa room mo."

"Nah, mamaya pa mag s-start ang next class ko kaya ihahatid na kita." Nagkibit balikat nalang ako at pinasabay na nga sya saking maglakad.

Nang makarating kami sa harap ng room ko ay nagpaalam na ako pero bago pa man ako makapasok ay hinawakan nito ang braso ko dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"Uhm... p-pwede ba tayong lumabas mamaya?" Kinagat nito ang pang ibabang labi nya sabay yuko.

Nu nangyari sa kanya?

"Ah, sige, wala naman akong gagawin eh." Napaangat ito ng tingin at ganun nalang ang pagka bigla ko ng bigla nitong pinulupot ang braso sa leeg ko at hinalikan pa talaga ako sa pisngi.

"Ave naman--"

"What the hell are you both doing?!" Pareho kaming nagitla nang marinig namin ang boses na yun.

Nang tumingin kami sa kanya, nakita ko ang muka nitong parang sumasabog na sa galit dahilan para mapalunok ako ng ilang beses.

Naitulak ko ng slight si ave at inaayos ang postora ko bago bahagyang yumuko at humingi ng tawad.

"P-pasensya na ma'am, p-pero kung ano man po ang iniisip nyo--"

"I don't care, if you both wanted to do some nasty things then go outside the university. Paalala lang, 'school' ito bawal dito ang PDA--"

"P-pero ma'am hindi naman po--"

"Shut up, Ms. Monverde! Ikaw Ms. Montessori? San ang next class mo?" May bahid na galit na tanong nito kay ave.

"Uhm.. m-mamaya pa po ang next class ko kay Mr. Han."

"Then you should go. At ikaw naman Ms. Monverde, pumasok ka!" Tiningnan ako nito ng matalim kaya walang nagawang pumasok ako sa loob at iniwan sila sa labas.

***

Nang marinig ko ang bell ay agad ko ng sinukbit ang bag ko para makalabas agad.

Ayoko ng maharap pa si ma'am. Sobrang dami na ng kahihiyang ginawa ko sa harap nya.

Sya ulit ang prof ko this term at bwakenang--akala ko naman iba na! Kasi naman dapat don lang sya nagtuturo sa BSBA department eh. Nakakapagtaka at dito ulit sya sa department namin nagtuturo samantalang hindi naman talaga dapat dito sa department namin yung focus na subject nya. Pero ano namang alam ko sa mga ganyan diba? Baka ibinigay lang sa kanya yung ibang sub ng head ng school.

"Tara dev! Tagal mo talaga!" Hinila ko na ito.

"Teka lang bakit ka ba nagmamadali--"

"Ms. Monverde." Natigilan kami nang marinig ko ang pag banggit ni ma'am sa pangalan ko.

Hindi pa ako lumingon kasi kinakabahan talaga ako. "Huy, tawag ka ni ma'am. Labas nalang muna ako."

Hinawakan ko agad ang braso nito nang akma itong aalis kaya tiningnan ako nito ng may pagtataka.

"H-hintayin mo nalang ako dito sa loob--"

"Ms. Monverde tinatawag kita!" Medyo tumaas ang boses ni ma'am don na syang mas ikinakaba ko.

"Tinatawag ka kasi bitaw nga!" Sabay hawi ng kamay ko. "Ang weird mo ngayon ah. Sa labas lang ako."

Hindi na ako nakapalag pa nang tuluyan na nga itong lumabas.

Napalunok muna ako bago humarap kay ma'am at lumapit sa kanya.

Sinalubong ako nito ng nakakamatay na tingin kaya napayuko agad ako.

Ano na naman ba ginawa ko??

"Yung paa mo hindi mapakali. Are you perhaps in a hurry?"

Tiningnan ko ito at ganun parin ang tinging pinupukol nito. Masama parin.

"H-hindi naman po ma'am.."

"Then bakit parang nagmamadali ka kanina? Ano? May lakad ka? San lakad mo? Are you having a date with Ms. Montessori right now?" Sunod sunod na tanong nito.

Napa iling nalang ako kahit na may lakad naman talaga kaming dalawa ni ave.

"W-wala po ma'am.."

"Then let's go out." Parang bigla akong nabingi nang masabi nya yun.

Tama ba narinig ko? I-inaaya ako ni ma'am?

"Don't tell me you don't want to? Bakit ha? Dahil ba mas gusto mong sumama sa kanya? I don't take no as an answer, calliopi."

Gagi, tinawag nya ako sa first name ko! Ang sarap talaga pakinggan sa tenga!

Tumikhim muna ako bago sumagot. "S-sama naman po ako sa inyo--"

"Then let's go."

Kinuha nito ang gamit nya bago naunang naglakad kaya walang nagawang sumunod ako. (Kahit gusto kon rin naman)

Pumunta kami ni Ma'am sa mamahaling resto at don kumain ng lunch tas libre nya pa hehe.

Pagkatapos naman namin don hindi na kami bumalik ng school. Pareho kaming may next class pero sabi lang ni ma'am na ok lang daw at 'she can deal with it' aniya pa kaya sino naman ako para sayangin ang oras na magkasama kami ni ma'am diba?

I was wondering... if... gusto din ba akong makasama ni ma'am kasi hindi nya pa pinasukan yung ibang klase nya para lang makasama ako ngayong araw.

Nakatingin ako kay ma'am ngayon habang busy sya sa pagtanaw sa malayo.

Nandito kami ngayon sa cliff side yung pinuntahan namin dati. May puno naman rito kaya nakakapagsilong kaming dalawa. Buti nga may sapin sya sa kotse nya kaya ito ang ginawa naming pang upo sa lupa.

"*ehem* what are you lookin' at?"

Naipilig ko kaagad ang ulo ko nang mapansing kanina pa ako nakatitig sa kanya. I can't help it, napaka ganda nya..

"Uhm.. pasensya na."

Pareho na kaming natahimik dalawa ngayon at parang pinakiramdaman ang isa't isa. Ang awkward tuloy ng atmosphere lalo na nong maalala ko na naman yung nangyari samin sa isla.

"Ahh.. m-ma'am... y-yung tungkol sa... sa nangyari s-satin sa isla..."

"Right, this is the right time para pag-usapan yun." Tumingin ako sa kanya at ganun din sya sakin.

"Calliopi... you know.. y-you said... y-you like me, right? Siguro naman tanda mo pa yun kasi hindi ka pa naman masyadong lasing non."

Napakagat labi ako at tumango bago napayuko.

Nahihiya ako sa ginawa ko.

"You don't have to be shy, it's ok. Tumugon rin naman ako sa halik mo."

Namula ang pisngi ko nang maalala na naman ang kaganapan na yun.

"But calliopi... I want you to listen." Narinig ko syang bumuntong hininga bago nagpatuloy sa pagsasalita.

"Naguluhan ako sa sarili ko nang ginawa mo yun. It isn't right but I do admit that I... I like the kissed." Napaangat ako ng tingin.

N-nagustuhan nya?

"But I also want to admit truthfully... I think I commit a biggest sin when I respond to your kissed." Biglang kumirot ang dibdib ko nang masabi nya ang katagang yun.

She sighed once again. "I was thinking... the other day na hindi talaga tama. I am your professor and yet nagawa kong hayaan kang halikan lang ako basta. Actually, hindi lang yun ang unang beses na make out natin. Naalala mo nong araw na galit na galit ako sayo kahit wala ka namang ginawa? Kasi nagkita ulit tayo sa club at don.. nong gabi na yun... nakita kong lasing ka kaya inapproach kita at hinila mo ako sa banyo at don, don nangyari ang first make out natin." Nanlaki ang mata ko sa narinig.

A-ano??

So ang dahilan pala ng malaking marka non sa pisngi ko ay galing sa kanya?

Bakit ba kasi wala akong maalala nong oras nayun?! Sobrang lasing ko na ba talaga at nagawa ko ang bagay na yun sa kanya at ang malala hindi ko man lang naalala?!

"P-pasensya na po talaga kayo Ma'am!" Mabilis na paumanhin ko pero natawa lang ito.

"It's ok, tapos na yun. What we need to talk about right now is yung nangyari satin nong isang araw lang." Nanigas ako nang hawakan nito ang kamay ko.

"Calliopi... we need to forget what happen to us." Napayuko ako. Bakit parang hindi ko kaya..

"As your professor.. pinigilan ko sana yung sarili ko. Kahit gano ko man nagustuhan yung halik.. hindi dapat ako nagpatianod sa tukso at higit na sa lahat.. hindi ko na sana dapat pinansin yung kung ano man ang pagkalitong nararamdaman ko matapos mong guluhin ang buhay ko. *sigh* I... I don't want to lower my standard just because of what's going on between us. Hindi talaga pwede to.. kaya yung sinabi mong nagugustuhan mo na ako.. kalimutan mo na. Because as what I have mentioned before, I can't reciprocate your feelings. I'm straight calliopi... and I don't like you back romantically.."

Napabitaw ako sa hawak nya at tuma-tango tango.

Nakakawasak talaga ng damdamin ang mga pranka ng mga straight.

"N-naiintindihan ko naman po M-Ma'am, I... I already expect that and I still respect you."

Nakipag titigan ako sa kanya at kita ko sa mata nito ang pag-aalala.

"Wag po kayong mag-alala, diba po naranasan ko na po to kay ave? Kaya hindi na talaga ako nag expect ng kung ano satin. I just... like you ma'am, I like everything about you. Your personality, your appearance, and 'you' as my professor. Wala naman pong masama kung gustuhin kita diba? Ang masama don ay ang mag expect ng same feelings pabalik pero hindi ko naman inexpect yun. Iba ang inexpect ko, at yun yung kahit kailan hindi tayo pwede at hindi mo 'ko magugustuhan." Napabuntong hininga ako. "Sana lang ma'am... after nito... walang magbabago satin. Hindi ka sana ma-awkward satin o ano pa man, just let yourself enjoy together with me. Dahil ako... nae-enjoy talaga ako kapag kasama ka." Nginitian ko sya ng matamis habang nakatulala lang syang nakatingin sakin pero kalaunan ay ngumiti rin sya pabalik.

"Right,"

Pareho nalang kaming natawa.

We ended our day na masaya parin kaming magkasama despite sa mga confessions. Wala naman akong hinanakit sa pag reject nya kasi hindi naman talaga ako nag expect. Ang mahalaga lang sakin ngayon ay ang ma enjoy namin ang company ng isat isa. Pero kahit aminin ko man o hindi, masakit talaga ma reject ng slight. Ikaw kaya ma reject diba? Hahahahahh..

Kumunot ang noo ko nang may naka park na Audi sa labas ng bahay namin pero isinawalang bahala ko nalang.

"Salamat sa paghatid ma'am.." Ngumiti ako sa kanya.

"Yeah, welcome." Nginitian din nya ako pabalik.

"Ah, before I forgot.." May kinuha ito sa back seat nya na box at binigay sakin.

"Whoa, ano to ma'am?" Nae-excite na tanong ko.

"Just open it."

Binuksan ko naman at ganun nalang ang gulat ko nang bumungad sakin ang muka ni mickey mouse at ang nanggugulat na boses nito.

"Takte naman oh!" Naitapon ko nalang sa back seat.

Hays! kala ko naman kung anong gift kakainis.

"HAHAHAHHA Nakita ko yan sa mall nong nakaraang week at naisip ko yung ginawa mo dati sakin kaya nakaisip din ako ng paraan na maghiganti sayo HAHAHAHAHA"

Hindi sya tumigil kakatawa kaya sa inis ko ay nilapitan ko ang muka nya at hahalikan sana sa pisngi pero dahil lumingon sya sa pwesto ko ay lumanding ang lips ko sa lips nya dahilan ng pagtigil nya ng tawa.

About a minute ay naiilang na lumayo kami sa isat isa.

"Uhm... a-aalis n-na ako, thank you ulit sa paghatid ma'am, b-bye." Mabilis kong tinanggal ang seatbelt at kaagad na lumabas ng sasakyan nya.

Hooff!!

Sobrang kumabog na naman ang dibdib ko don!

Haish!! Nakakainis ka talaga yopi!!!!

"Calli!"

Natigil ako sa pagtampal sa noo ko nang marinig ko ang boses na yun.

It's ave!

Nakangiti itong lumapit sakin at kaagad na inambahan ako ng yakap.

"Oh God, I've been calling you where did you go?!" Agad ako nitong sinapak sa braso matapos itong bumitaw sa yakap.

"Pasensya na ave--"

"Diba sabi ko lumabas tayo?! Bakit bigla kang umabsent kanina? Ang daya mo talaga calli! At sino tong naghatid sayo ha?! Ito ba yung kasama mo buong maghapon?!"

Titingnan na sana nya ang loob ng sasakyan kaya pinigilan ko na kaagad.

Hayss, bakit kasi hindi pa umalis si ma'am?! Baka mamaya nyan makita pa sya ni ave at magtatanong na naman sya kung bakit kasama ko si ma'am.

"Teka ave, hayaan mo na, kaibigan ko lang yan--"

"Kaibigan? Sino sa mga kaibigan mo? Bat hindi pa umaalis yan? Palabasin mo nga!" Akma ulit itong lalapit sa sasakyan kaya hinawakan ko na ang bewang nya para mapigilan sya.

"Hayaan mo na alis naman yan ngayon, ganto nalang.. uhm.. how about.. mag date nalang tayo ngayon?"

Natigilan naman sya at biglang pinamulahan.

"D-date?"

Ngumiti ako at tumango.

"Oo, hindi natin natuloy kanina ang lakad kaya ngayon nalang, 7 pm parin naman kaya tara?" Ngumiti ito ng malapad at tumango rin ng paulit ulit.

"Tara!---"

Napagitla kami sa gulat nang biglang promeno ng malakas ang sasakyan ni ma'am saka ito umandar paalis.

"What the heck is wrong with your friend?!" Asik nito.

"Nah, siguro pagpapaalam lang yun kaya tuluyan ng umalis. Let's go?" Hinawakan ko ang kamay nito.

"Hehe tara!"

Continue Reading

You'll Also Like

4.5M 282K 105
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
1.4M 129K 45
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 𝐑𝐚𝐭𝐡𝐨𝐫𝐞 𝐆𝐞𝐧'𝐬 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐒𝐚𝐠𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...
686K 36K 30
𝐓𝐡𝐞 𝐔𝐧𝐞𝐱𝐩𝐞𝐜𝐭𝐞𝐝 𝐬𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 ~ 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝟐 Sara Zafar, once a vibrant, effervescent spirit, embarks on a new chapter of her life in New Y...
571K 46.9K 22
Indian Chronicles Book III My Husband, My Tyrant. When Peace Becomes Suffocation. Jahnvi Khanna has everything in her life, a supporting family, a hi...