Ignoring The Father Of My Baby

Da vexarin

73.4K 1.6K 175

He initially disliked her, treating her as desperate and unworthy woman. However, when her cousin entered the... Altro

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
AUTHOR'S NOTE!
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43

CHAPTER 31

2.8K 58 18
Da vexarin

Another week passed and still walang Asi na nag-paparamdam. Bukas na ang graduation day at nalulungkot ako dahil mukhang hindi makaka-attend si Asi.

“Acacia!”

Mabilis akong napalingon sa tumawag ng pangalan ko. Mabilis na napakunot ang noo ko ng makita ko si Dimitri na naglalakad palapit sa akin

“Bakit?” taas kilay kong tanong sa kaniya. Alanganin naman siyang ngumiti at bahagya pang nagkamot ng kilay niya

“Pwede ba kitang makausap, kahit sandali lang. I just want to confess something” anito. Confess something? Tungkol naman kaya saan? Tumango na lang ako dahil graduation na rin naman bukas. Dapat na muna akong maging mabait sa kaniya

“Dito ba o sa mas tahimik na Lugar?” tanong ko

“Sa Garden na lang sa likod ng gym, pwede ba?” anito na tinanguan ko na lang

Naglakad na kami patungo sa garden sa likod ng gym. Habang naglalakad ay may pa-ilan ilan na mga estudyante na nakatingin sa akin partikular na sa aking tiyan. Kalat na din kasi dito ang tungkol sa pagbubuntis ko dahil sa ginawang eksena ni Deron noong nakaraang araw.

FLASHBACK

Habang wala si Asi ay pansamantala na si Deron ang kasama ko dito sa Apartment ko. Ayaw ko nga sana, pero wala naman akong magagawa dahil mapilit siya. Sa kwarto rin naman siya ni Asi tumutuloy kaya ayos na rin kahit papaano.

Sa ilang Araw naming magkasama dito sa Apartment ko ay paunti-unti na akong nasasanay sa kaniya, sa mga sweet gestures, sweet words at pati na rin sa mga ginagawa niyang pag-aalaga sa amin ng baby ko. He always make sure na healthy ang mga kinakain ko. Siya rin ang nagluluto minsan at ayaw na ayaw niya yung nagpapa-deliver kami.

“Okay na ba lahat? Wala ka bang nakalimutan?” Tanong nito habang ipinapasok ang mga gamit namin sa sasakyan niya. Tumango na lang ako sa kaniya saka pumasok sa passenger seat.

Pagdating namin sa University ay pinagbuksan niya ako ng pinto gaya ng palagi niyang ginagawa. Tipid na lang akong ngumiti sa kaniya.

Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko ng hawakan nito ang kamay ko. Dito ako hindi nasasanay, ang paghawak niya sa kamay ko sa tuwing papasok kami or kahit nasaan kami. Hindi kami pero he's acting na parang kami na

Nasa hallway kami ng bitawan ni Deron ang kamay ko dahil tinawag siya ng isang guro, meron yong inabot sa kaniya na isang folder. Ako naman ay dumiretso ng lakad ng bigla na lang may nagmamadaling babae na nabangga ako. Sa bilis ng pangyayari ay namalayan ko na lang ang sarili ko na nakasalampak na sa sahig. Binundol kaagad ng Kaba ang buong sistema ko ng may kung anong sakit akong naramdaman sa tiyan ko. Unti-unti na ring lumalabo ang paningin ko

“F*ck Acacia! What happened?” Iyon ang huling narinig ko bago ako tuluyang nilamon ng dilim

Nagising ako na nasa clinic na ako ng University namin. Una kong nakita sina Broccoli at Macarine na nakaupo sa kabilang bed. Ng mapansin nilang gising na ako ay mabilis silang lumapit sa akin

“Gosh Mamci! Okay ka na ba?”

“Wala bang masakit sa'yo”

“Granbe ka Mamci, pinakaba mo ako ng todo”

Napangiwi ako dahil sa ingay ng bibig nitong dalawa

“Ano bang nangyari, bakit narito ako sa clinic?” tanong ko. Hindi ko kasi maalala kung bakit napunta ako dito sa clinic

“Sabi ni Deron may bumangga daw sa'yo tapos napaupo ka tapos nawalan ka ng Malay. Taranta nga yun kanina noong wala kang malay, kahit kami, mamci” sagot ni Macarine. Biglang nanlaki ang mga mata ko ng maalala ko ang baby ko. Hinawakan ko ang tiyan ko at hinaplos

“Y-yung baby ko? O-okay naman siya 'di ba?” kinakabahang tanong ko. Mabilis na hinawakan ni Broccoli ang kamay ko

“Okay naman daw ang baby sabi ng Doctor kanina. Mabuti na nga lang daw at hindi nakaapekto sa baby ang pagkakabagsak mo. Sinabi niya na mag-iingat ka na lang daw sa susunod. Mag-ingat ka naman kasi, Mamci. Pinag-alala mo kami ng husto” sagot ni Broccoli. Halata naman sa kaniya ying pag-aalala

Kahit papaano ay napanatag ang loob ko. Mabuti na lang at hindi napahamak ang baby ko

“Nasaan pala Si Deron?” tanong ko saka inilibot ang paningin ko sa buong clinic para hanapin siya

“Iniwan ka niya sa amin saglit. Hahanapin niya daw yung babaeng bumunggo sa'yo para managot” sagot ni Macarine

Magtatanong pa sana ako ng biglang tumunog ang speaker na ginagamit for announcement.

“Good morning. This is an important announcement from our MVP basketball player Mr. Deron Wesley Escoffier” Saad nung announcer

Si Deron?

“I just want to inform everyone that Maria Acacia Dela Paz, my future wife  is carrying my child. Kaya kung sino man ang nagbabalak ng saktan siya ulit gaya ng pagbunggong ginawa sa kaniya kanina, ako ang makakalaban niyo. If you don't want me to mess with your fre*aking life then, you should stay away from her. Nagkakaintindihan ba tayo?” boses ni Deron.

Sandali,

Did he announce it to the whole University?

END OF FLASHBACK

“Are you okay?”

Nabalik ako sa reyalidad ng marinig ko ang boses ni Dimitri. Oo nga pala, nakalimutan ko na kasama ko nga pala siya. Bw*sit kasing Deron 'yon e. Hindi maalis alis sa isip ko lint*k!

Tumingin na lang ako sa kaniya at umiling “ay naalala lang ako bigla” tugon ko. Inilibot ko ang paningin ko sa kabuoan ng mini Garden na ito. Ilang taon din ako sa eskwelahan na ito pero ngayon ko lang napuntahan itong garden dito

“Si Deron ba?” anito

“No. Bakit ko naman iisipin ang j*rk mong kapatid, aber!” mabilis kong pag-tanggi sa kaniya.

“Or maybe about sa ginawa niya last time” Dagdag nito. Hinarap ko siya at sinamaan ng tingin. May lahi ba silang mind reader?

“Tigilan mo na nga 'yang tungkol sa kapatid mo. Ano ba yung sasabihin mo sa akin?” pag-iiba ko ng usapan. Kung maaari lang ay ayaw ko na munang pag-usapan si Deron.

“Well, uhm...” He bit his lower lip. Para itong nagdadalawang isip na magsalita.

“Diretsahin mo ako. Ayaw ko ng pa-suspense” pagsu-sungit ko sa kaniya. Hindi na lang kasi sabihin kung ano man yung sasabihin.

“You really are impatient tsk!” anito na iiling-iling pa.

Honestly, Nakakapanibago siya. Hindi ako sanay na hindi niya ako inaasar or binubully.

Simula ng iniwasan ko si Deron noon ay bigla na rin naman siyang nanahimik. Huling nakausap ko siya ay noong nasa Isla pa kami, noong mahuli niya akong tumakas ng ikulobg ako ni Deron sa kwarto niya. Pagkatapos nun, naging ilag na siya sa akin. Hindi ko rin naman actually napansin dahil wala naman akong pake sa kaniya

But now, he's quite acting weird. The way he looked at me, parang may something na hindi ko maintindihan

“Alam mo, ang weird mo. Ano ba kasi ang sasabihin m-” Hindi ko pa natapos ang sasabihin ko ay pinutol na ako nito ng mga salitang nagpatigil sa akin at nag-paawang sa aking bibig

“I like you”

Diretso itong nakatingin sa mga mata ko ng bitawan niya ang tatlong salitang iyon. Hindi ko alam kung ilang segundo akong natahimik bago nag-sink in sa akin ang sinabi niya. Kumunot ang noo ko kasabay ng pagsalubong ng aking mga kilay

“Huh?” I asked. I heard it clearly. Gusto ko lang makasiguro na tama ang pagkarinig ko


He looked away and said “Sabi ko, I like you”


Muli akong natigilan, pero ng makabawi ako ay humagalpak ako ng tawa. Yung tawa na parang baliw talaga. Gosh! What's with him? He said what? He likes me? What the f*ck!

“Why are you laughing? May nakakatawa ba sa sinabi ko?” kunot noo itong bumaling sa akin. Saglit akong tumigil sa pagtawa para sagutin siya


“Oo. Nakakatawa naman talaga yung joke mo. Napatawa mo nga ako eh” sarkastiko kong tugon sa kaniya

“Seryoso ako, Acacia. Gusto talaga kita” sabi nito ulit.


Gusto niya ako? Siraulo ba siya?

Bakit niya sinasabi 'yan gayong halos ubusin niya ang oras at panahon niya sa akin noon para lang i-bully ako, ipahiya ako sa ibang tao at ipamukha sa akin na hindi ako kayang gustuhin ng lalaking gusto ko, sila ng kakambal niyang si Dashwen

“Pwede ba, Dimitri. Kung akala mo maniniwala ako sa'yo pwes you're wrong! Wala ka naman yatang matinong sasabihin, Aalis na ako!” Singhal ko sa kaniya. Tumayo na rin ako para iwanan na siya, subalit bago ko pa man subuking maglakad paalis ay napigilan na ako nito sa pamamagitan ng paghawak nito sa braso ko.

“Gano'n ka ba kagalit sa kin para hindi paniwalaan ang sinasabi ko?” he said.

Iritado ko siyang nilingon “Sige nga, Alalahanin mo lahat ng pinagsasabi at pinag-gagagawa mo sa akin noon. Sa tingin mo ba madali para sa akin ang  paniwalaan ka?” Singhal ko.

“Then, what about Deron? Yes, you like him, pero mas matindi pa yung ginawa niya sa iyo kaysa sa akin. Hindi ba dapat ay galit ka rin sa kaniya? Pero bakit pumayag ka na ligawan ka niya”


“Bakit, ikaw ba siya? At pwede ba, bakit ba sinasabi mo yan sa akin ngayon? Ngayon talaga na buntis na ako?”

“Bakit, kung umamin ba ako sa'yo ng mas maaga, may chance ba ako sa'yo?” Saad nito

“Wala” Mabilis kong sagot sabay iwas ng tingin sa kaniya. Ewan ha, but I felt something strange inside me.

“See? Alam kong wala akong chance sa'yo kaya nga hindi na ako nag-abala pang umamin sa iyo dati, kahit kating kati na ako” saad sa malungkot na tinig. Muli ko siyang tinignan at saglit na napatitig sa kaniya. 



“Then, bakit ka umaamin ngayon?” tanong ko rito.


“Kasi aalis na ako after graduation. Gusto kong bago ako umalis ay nasabi ko sa iyo ang nararamdaman ko para sa iyo na ilang taon ko na ring itinatago. Plano kong sa Canada na mag-college and maybe doon na rin ako for good. I want a fresh start there, at hindi iyon mangyayari hanggang hindi ko nailalabas o nasasabi itong hidden feelings ko for you” Saad niya “Honestly, Hindi lang ang pagka-gusto ko sa'yo ang gusto kong malaman mo”

Hindi na lang ako umimik at hinintay ang sasabihin niya.

“Naalala mo ba noong sinabi mo noon kina Mom ang dahilan kung bakit mo nagustuhan si Deron? Na you fell inlove with him the first time you bumped into each other?”

Kumunot ang noo ko “Oh? Anong tungkol doon?”


“Actually, that wasn't him” sagot nito saka pekeng ngumiti

“Ano?”

“The guy you bumped that time was me, not him” he said.

“What are you saying? Alam kong si Deron 'yon” angal ko

“Ang totoo, Hindi aksidente ang pag-bunggo ko sa'yo. Sinadya ko iyon para makuha ang atensiyon mo. Honestly, hindi mo pa kami kilala, kilala na kita at alam ko rin ang totoong realasyon niyo ni Asiai.” Saad niya niya. Bahagya akong natigilan

“W-what?”


“I bullied you because I was trying to push you away from Deron, dahil nagseselos ako sa tuwing ipinaglalandakan mo sa lahat kung gaano mo siya kagusto. I embarrassed and humiliated you many times with the same goal. I did all those things para lang mawala ang atensiyon mo sa kapatid ko. I did everything I can, but I ended up failing and losing you more”


“What the h*ck, Dimitri!”

Hindi ko alam kung maiinis ba ako sa kaniya dahil sa mga sinasabi niya ngayon. He did all those things para lumayo ako kay Deron? For the same goal? At ang goal niya na sinasabi niya ay ang mawala ang feelings ko para sa kapatid niya, gano'n ba iyon?

“I know mahirap paniwalaan ang mga pinagsasabi ko, pero iyon ang totoo” Dagdag nito

“Teka lang ha, wait lang. Masiyado mo akong ginugulat diyan sa mga pinagsasabi mo”

Halos hindi na kayang mag-sink in sa utak ko lahat ng sinasabi niya. Una gusto niya daw ako? Tapos sinasabi niya na siya yung nakabunggo ko noon at hindi si Deron, pero kung siya nga 'yon, bakit hindi ko naramdaman na siya 'yon noong makilala ko silang tatlo, bakit kay Deron ko naramdaman yung katulad ng naramdaman ko doon sa lalaking nakabunggo ko, at ano daw? Matagal niya na akong kilala?


“Kung matagal mo na akong kilala, saan mo ako unang nakilala?” tanong ko dito. Tumitig naman siya ng diretso sa mga mata ko


“Noong 10th birthday namin.  Nag-gate crash kayo ni Asiai sa party namin. I was not in the mood that time, so I went down to the pool area para maglibang, and I accidentally saw you there, drowning. Hindi ako nag-dalawang isip na tumalon sa pool to save you. I did CPR 'cause you lose consciousness” kwento niya. Saglit akong natigilan at pilit na inalala ang sinasabi niya

Iyon ba yung araw na tinakasan namin ni Asi si Lola at ang Mommy niya para sumama sa field trip sana namin, ang kaso sa maling resort kami napadpad ni Asi. At itong sinasabi ni Dimitri na nalulunod ako ay totoo dahil aksidente akong nahulog doon sa pool. I can't swim that time kaya halos maubusan ako ng hininga sa ilalim ng tubig. I thought Asi was the one who saved me dahil siya yung unang nakita ko ng magkamalay ako

Kung totoo nga ang sinasabi niya, ibig sabihin.....

Siya ang first kiss ko?

“After that incident, nakita uli kita noong nag-field trip kami 1 year ago pagkatapos kitang iligtas, I was in 7th grade that time. I dunno kung bakit nasa gubat ka rin noong time na iyon, but I saw you there, at the river exactly. You were talking to your reflection on the water. I didn't hear what you say but I know you were mad dahil nagsisisigaw ka. Never akong nagka-interest sa ibang tao noon, but the moment I stared on your face, on your angelic face, I felt something building up inside me. My heart started to beat abnormally, and for the first time, I found myself smiling because of someone, because of you. And that was the time I started to like you. Simula noon palihim na kitang sinusundan hanggang sa lumipat kayo ni Asiai sa University na pinapasukan ko. I thought it was a good opportunity para sa akin na lumipat ka, but it wasn't”

“Bakit hindi mo ako nilapitan noong una pa lang? Bakit hinintay mo pa na ma-inlove ako sa kapatid mo?” seryoso kong tanong. Hindi ba? Kung noon pa lang nilapitan niya na ako bago ko pa nakilala so Deron, baka siya yung nagustuhan ko at hindi yung kapatid niya. Kung nangyari 'yon edi sana, hindi ako nasaktan kay Deron.

“Because destiny blocked me. Pinigilan niya ako dahil alam niyang hindi ako ang para sa'yo” sagot niya saka ngumiti. Isang ngiting may halong lungkot.

Tumayo siya at bahagyang yumuko para makapantay ang Mukha ko.

“Huwag kang mag-alala. Hindi ako katulad ng mga villain sa teleserye na gagawa ng masama para lang mapunta ka sa akin. I like you, pero gusto ko na mapunta ka sa taong alam kong nararapat at makapag-papasaya sa iyo” aniya saka ngumiti ng totoo

“Pwede ba akong mag-request, Acacia? Pwede ba kitang mayakap sa una at huling pagkakataon?”

Hindi pa man ako nakakasagot ay naramdaman ko na ang pagyakap nito sa akin.


“Thank you, Aca. Salamat dahil naging inspirasyon kita. I wish you and my brother to be happy not just today and tomorrow, but until you both loses your breath”



Continua a leggere

Ti piacerĂ  anche

71.5K 2K 64
Student and Principal Dalawang nag uugnay sa loob ng isang paaralan. Principal ang sinusunod at Studyante ang taga sunod. Pero sa kaso ko ako ang sin...
7.9M 233K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
4.2M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...