CHAPTER 1

3.9K 50 0
                                    

Acacia

Napabuntong hininga na lamang ako matapos kong makita ang resulta ng pregnancy test na isinagawa ko. Bagsak balikat akong lumabas ng aking banyo. Kaagad namang sumalubong sa akin sina Macarine at Broccoli.

“Anong resulta, mamci?” tanong ni Broc. Halata ang kabang sa Mukha nito.

“Negative naman ’di ba?” si Mac na halata ang kaba base sa ekspresyon ng kaniyang mukha.

Itinaas ko ang PT na ginamit ko para malinaw nilang makita.

“OH MY GOSH!” gulat nilang sabay na reaksiyon. Pareho pa silang napatakip ng bibig. Pagbagsak akong umupo sa kama ko.

“Dahan dahan naman mamci Aca, baka mapano si baby” OA na saad ni Broc saka lumapit sa akin.

“So, anong plano mo mamci? Ipapaalam mo ba kay Deron ang tungkol diyan?”

Mabilis akong umiling kay Mac

“Para ano? Para sabihan niya na naman ako na desperada? Tama na ’yung apat na taong paghahabol ko sa kaniya. Yung nangyari sa amin weeks ago, iyon na ang una at huling beses na iibigay ko sa kaniya ang katawan ko” sagot ko saka humiga

“Pero Mamci, magkaka-baby na kayo eh” singit ni Broc. Inirapan ko naman siya

“Wala siyang pake sa akin ’di ba? Sa tingin niyo ba, may pakialam din siya kapag nalaman niyang may nabuo sa isang gabing may nangyari sa amin? Yung gabing halos isuka niya ako sa harap ng lahat ng tao. Hindi niya na dapat malaman pa ang tungkol sa baby, mamci” sagot ko. Tama lang ang desisyon ko. Wala siyang karapatan Dito sa Bata

Bumuntong hininga naman si Broccoli “Ikaw ang bahala. Basta always remember na narito lang kami sa tabi mo, mamci”

I smiled at them. They really are my true friends.

The next day ay medyo late na akong nakapasok dahil sa morning sickness ko. Nang-galing na rin ako sa Ob-gyne ko at nakumpirma kong 2 weeks na ang tiyan ko.

Katulad ng isang linggo ko ng ginagawa, dire-diretso akong pumasok sa gate at hindi pinansin ang grupo nila Deron na nasa tambayan ng mga ito. Hilig kasi nilang tumambay malapit sa gate para mabilis silang maka-pang bully.

“Aca!” Dimitri called me. He's one of Deron's brother. They're triplets. Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay. Pilit kong iniiwasan ang mapatingin sa gawi ni Deron.

“Isang linggo mo na kaming ini-snob ah” ngumisi siya. Inirapan ko siya. Laki lagi ng problema sa'kin ng lalaking yan.

“Why do you care? Hindi ba dapat matuwa ka kasi hindi na ako nagpapaka-desperada sa atensiyon nyo” pagsusuplada ko. Hindi ko alam kung sadya bang natauhan na ako kaya, kaya ko na silang tarayan ng ganito o dala lang ng pagbubuntis ko.

“Woah! Ibig bang sabihin seryoso ka talagang naka-get over ka na kay Deron? Sumusuko ka na?” sabat naman ni Naru na sinabayan niya pa ng nakakabwesit niyang pagtawa

I rolled my eyes.

“Oo. My five years love for him was already gone, so ba-bye” walang pag-aalinlangan kong sagot sa kaniya. Tumalikod na ako at handa ng maglakad paalis ng biglang magsalita si Deron

“Liar!”

That voice.

I looked at him

“Totoo ang sinasabi ko. Honestly, I fell out of love sa'yo and fell in love with someone else na mas better” buong tapang kong sagot sa kaniya. I lied

Chasing Series #1: OUR YESTERDAY'S SHADOWS ( COMPLETED ) Where stories live. Discover now