Surrender

By sweet_aria

5.9M 124K 7.1K

Challenges, pains, heartbreaks. These are inescapable things that every person would experience in reality. S... More

Surrender
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 6

136K 2.8K 181
By sweet_aria

Chapter 6

Isang buwan na ang nakaraan matapos ang chemotherapy ng nanay. Sa nakalipas na mga buwan ay madaming beses na isinalang ang nanay sa iba't-ibang uri ng theraphy. Wala akong masyadong alam dito pero tinutulungan naman ako ni Phoenix para maintindihan ang mga treatment na nalagpasan ng nanay.

"Nymph?" Tawag ko at sinilip ang kapatid kong babae.

Saglit kong iniwan ang nanay at nilabas ang dalawa kong kapatid. Naggagawa ang dalawa ng assignment.

"Kailangan niyo ng tulong ni ate, Nymph?" Tanong ko at ngumiti. Umupo ako sa settee.

Lumapit naman sa akin si Neo at bumulong. "May field trip si ate Nymph, ate. Ayaw niyang sabihin sa'yo kasi alam niyang wala naman tayong pera."

Bumalik siya sa kinauupuan at tinuloy ang paggugupit ng article sa dyaryo. Siguro ay assignment sa English ang ginagawa ni Nymph.

Sumilay ang ngiti sa aking labi dahil sa pagtulong ni Neo sa kanya.

"Nymph, may hindi ka sinasabi sa ate?" Bumuntong-hininga ako. Gusto kong sa kanya mismo ito manggaling.

Tama si Neo. Wala pa akong pera na maaring ibigay kay Nymph pero kung para sa pag-aaral naman niya ay gagawan ko ng paraan.

Tumayo siya at pinagpagan ang kanyang shorts. Tumabi siya sa akin. Tahimik lang siya pero alam kong sasabihin niya din sa akin ang sinabi ni Neo.

Hindi kailanman naglihim ang mga kapatid ko sa akin. Kapag nga may nagagawa silang kasalanan ay sinasabi nila sa akin. That's how lucky I am for having them.

"M-may field trip kami ate eh." Nag-iwas siya ng tingin. "Ang sabi mas maganda daw na sumama kami para hindi na ako gumastos pa sa project na maaaring ibigay sa mga hindi sasama." Yumuko siya at nagsimulang paglaruan ang mga daliri.

Damang-dama ko ang paghihirap na nararamdaman niya. She didn't want to tell this to me. I could feel it. Pero napipilitan siya. I know Nymph so well. Marunong siyang makiramdam. Ayaw niya akong pahirapan pag-iisip kung saan ako kukuha ng pera.

Ganun nga ang aking ginawa. Pumasok ako sa Caress. Nagtrabaho ako. Naghanap pa ng pwedeng pagkakitaan hanggang sa makaipon ako ng isang libo. Kaso kulang pa din dahil dalawang libo ang kailangan ng kapatid ko.

"Ate, alis lang kami ah." Paalam ni Nymph sa akin. Humalik siya sa pisngi ko.

"Aanhin mo 'yang pang-isang kilong plastics Nymph?" Kumunot ang aking noo nang makita ang hawak niyang plastics.

Sasagot sana siya pero bigla na lang kaming nakarinig ng tunog ng sasakyan. Sumilip ang dalawa kong kapatid. Nakita ko ang pagsilay ng magandang ngiti ni Nymph.

Hindi ko man labasin para malaman kung sino ang dumating pero sa kilos pa lamang ng mga kapatid ko ay alam ko na.

"Kuya Phoenix!" Agad tumakbo si Nymph palabas.

Si Neo naman ay nakatitig lang sa akin at nakakunot ang noo.

"May problema ba Neo?" Tanong ko sa kanya.

Sumilay ang munting ngisi niya. "Andito na si Kuya Phoenix ate. Hindi mo man lang ba siya sasalubungin?" Tanong niya.

Gusto kong takbuhin si Neo at guluhin ang buhok. Napakagwapo ng kapatid ko. Kahit na mura pa ang kanyang edad ay kitang-kita ko na ang maaari niyang gawin paglaki. Sana lang ay hindi siya katulad ng mga lalaki ngayon.

Palalakihin kong matino si Neo para hindi siya maging katulad ng mga lalaking walang puso. Many would cry for him. Nakikinikinita ko na ito. Pero sana paglaki niya ay tama ang landas na tatahakin niya at alam niya kung ano ang mga dapat niyang gawin.

"Where's Millicent?"

Nadinig ko ang kanyang baritonong boses. Saglit akong tumayo at ang salamin sa pinto ng CR ay tinakbo ko para makita ang aking itsura. Nang makita kong hindi naman ako gusgusin sa paningin ay lumabas ako.

Nadatnan ko ang nakaakbay na si Phoenix sa dalawa kong kapatid. Sa mesa ay may dala siyang mga pagkain galing sa isang fast food chain. Sa tabi din nito ay may mga gamot na para kay nanay.

"Ano ang mga iyan, Phoenix?" Tanong ko at ibinaling ang tingin sa kanya. Ayokong iniispoil niya ang mga kapatid ko.

Kusa namang umalis sa pagkakaakbay niya ang mga kapatid ko at lumabas na ang mga ito.

Tumayo siya at lumapit sa akin. Agad naman akong umatras hanggang sa nadama ko ang likod ko na nakadikit na sa aming mesa.

"You didn't sleep." Nakorner niya ako. Sa magkabilang tagiliran ko ay ang mga kamay niya. "Dark circles around your eyes. Pale face." Galit ang tono ng kanyang boses. "Are you trying to kill yourself Millicent?"

Humiwalay siya at seryosong binalingan ang kanyang mga dala.

Humarap ako sa kanya. Masama ang kanyang tingin sa akin na para bang kasalanan sa kanya ang hindi ko pagtulog.

He's right. Hindi pa ako nakakatulog simula kagabi dahil kinailangan kong magtinda ng mani sa plaza. Hindi iyon alam ng mga kapatid ko. Hindi rin alam ni nanay. Pero hindi na naman bago sa akin ang gawaing iyon dahil noong bata pa ako ay sumasama na ako sa pagtitinda ni nanay habang nasa trabaho ang tatay.

"I saw you last night, Millicent." Mas lalong lumamig at tumigas ang kanyang boses. "I saw you at the park. Sinong maysabi na magtrabaho ka sa gabi-"

"I needed to do that, Phoenix." Putol ko sa kanya. "Kailangan ko na naman ng pera at ayoko nang iasa pa sayo ang tungkol dito. Hiyang-hiya na ako. Kailangan ni Nymph ng pera para pambayad sa tour nila." Umikot ako at iniwas ang tingin sa kanya.

Hinawakan naman niya ang aking braso. Hinigit niya ako at muling pinatingin sa kanyang mga mata.

"How much do you need?" Titig na titig siya sa akin.

Umiling ako. "No. You won't give me. Hayaan mo na lang akong magtinda. Wag mo na akong pakialaman Phoenix."

Marahas niyang binitawan ang braso ko. Saka ko narinig ang pag-ungol ng nanay. Agad kaming tumakbo papasok ni Phoenix sa kwarto ng nanay.

"Nay ayos lang ho kayo?" Tanong ko. Nakaupo na siya. Hinaplos ko ang kanyang ulo na ngayon ay wala na kahit ni isang buhok.

"A-ang aga-aga nagtatalo kayong dalawa. Ayos lang kayo?" Hindi niya pinansin ang aking tanong. "Phoenix, nag-agahan ka na ba, Hijo?"

"Opo nay." Malambing niyang nginitian ang nanay.

Parang hinaplos ang puso ko nang sumilay ang ngiti sa labi ng nanay. Alam niya na tinutulungan kami ni Phoenix. Maging siya nga ay nahihiya pero ang sabi ko 'wag na siyang masyadong mag-isip. Sa tuwing nagtatanong siya kung paano ako makakabayad ay madalas kong ibahin ang usapan.

Pagkatapos naming tignan ang nanay ay agad tumungo si Phoenix sa lamesa. Naghanda siya ng pagkain. Akala ko ba kumain na siya?

"Eat now. I know you're not having your breakfast yet." Pinag-isod niya ako ng upuan.

Sumunod naman ako dahil ayoko ng magtalo kami.

Malamig kung pakitunguhan ko siya. Pero kahit kailan ay hindi nawawala sa isip ko na siya ang tumutulong sa amin.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko.

Umupo siya sa aking harapan. Ngumisi siya. Ayan at bumabalik na siya sa pagkamaloko niya. Kilala ko siya. Highschool pa lang ay sobra siyang maloko. Sa ngisi niya ay madaming nahuhulog na mga babae.

"May... kailangan ka ba?" Dagdag ko pa.

Sa nakaraang mga buwan ay lagi siyang pumupunta dito. At minsan ay naiisip ko din kung ano ang napapala niya sa pagpunta-punta dito. Wala naman siyang ginagawa. Kinakamusta niya lang ang nanay pagkatapos ay uuwi na din.

"I just wanna see you. Is that bad?" Kumagat siya sa kanyang burger. Tumayo siya at kumuha ng baso.

Saka ko lang napansin na bumili din pala siya ng fresh milk. Nagsalin siya at inilapag sa harap ko ang baso.

"Drink that, binibini. You look frail."

"Salamat." Umayos ako ng upo.

"Is that really your way of dealing with me?" Nag-isang linya ang kanyang mga labi. "You're always cold. Seems like we don't even know each other."

"Magkakilala lang tayo sa kama-"

"Stop right there." Mariin niyang sabi. "I've known you since high school. We're... classmates."

"Oo nga pala." Tinitigan ko siya at ngumisi ako. "Ikaw nga pala ang dakilang playboy."

Umiling siya. Nagsimula na akong sumubo ng pagkain. Ramdam ko ang titig niya sa bawat pagsubo ko.

"Ikaw naman ang dakilang babae na hindi man lang ako nabigyan ng kahit kaunting pansin."

Nilaro niya ang kapeng binili din niya sa McDo. Seryoso na ang kanyang mukha.

Bigla kong naalala ang lahat dahil sa sinabi niya. Lahat ng alaala ay bumalik. Kung paano ko siya nakikila. Kung paanong ang simpleng buhay ko ay bigla na lang gumulo.

"Ngayon daw ang dating ni Phoenix Dela Vega."

Kumunot ang aking noo dahil kanina ko pa nadidinig ang pangalang iyon. Aware ako sa apelyidong Dela Vega dahil sa eskwelahang ito na pinapasukan ko ay sila ang tinitingala.

"Balita ko, kaya daw nagtransfer si Phoenix ay dahil dito nag-aaral ang girlfriend niya."

Napatingin ako sa mga kaklase kong ke-aga-aga ay nagtsitsismisan. Tumabi naman sa akin ang bestfriend kong si Monica Montealegre.

"Who's Phoenix Dela Vega?" Tanong niya. Hinaplos niya ang maikling buhok at pumangalumbabang humarap sa akin.

"Hindi ko alam-"

"Phoenix Dela Vega is Hiro and Conrad's cousin." Singit sa amin ni Cassia Imperial. Kumuha siya ng isang upuan at inisod ito paharap sa amin. "Kapatid ni Raxx. 'Yung masungit na third year."

Tumango kaming dalawa ni Monica. Maya-maya ay napatingin kami kay Geneva Imperial na padabog na umupo sa kaliwa ko. Pinsan siya ni Cassia.

"What's your prob Gen?" Tanong ni Cassia sa pinsan.

Pumadyak naman si Geneva at kinagat nang mariin ang labi. "Si Sid may kasamang babae. Magkaholding hands pa sila!"

"Baka girlfriend?" Singit ni Monica.

Lalong nagdabog si Geneva. Ang ginagayon niyang Sid ay ang President ng Student Council. Crush niya ito simula first year highschool pa lang.

"Hindi siya pwedeng magkagirlfriend Monica!" Nanggigil pa ding sabi ni Geneva.

We're friends. Masaya ako dahil kahit na hindi ako katulad nila na may mga sinabi sa buhay ay napili nila akong maging kaibigan.

"Dela Vegas are here!" Tili ng isa sa mga kaklase kong babae.

Umayos naman ng upo ang mga kaibigan ko. Si Cassia ay nagsimula nang manginig sa tabi dahil makikita na naman niya si Hiro. Umiling-iling na lang ako.

We have crushes. Pero hindi ako tulad nila na masyadong umaangal kapag nakikita nilang may kausap at kasama ang mga nagugustuhan nila. I have Nigel from the other section. Sobrang gwapo niya. Kaso ay mayaman din kaya hindi na ako umaasang mapapansin niya ako. Okay na ako sa gawain kong sumulyap sa kanya kapag naglalaro siya ng table tennis.

Umingay ang room nang pumasok ang magpipinsang Dela Vega. Sa likod ni Conrad at Hiro ay ang tahimik na si Raxx at isa pang lalaking hindi ko kilala. Hindi ko pa masyadong nakikita ang kanyang mukha dahil kinakausap niya si Raxx.

"You should date that girl. It's obvious that she likes you. Don't be a pussy, Raxx." Sabi ng lalaki.

Umupo ang mga ito sa harap namin. Sumulyap naman sa amin si Conrad at nginitian kaming magkakaibigan.

"Don't annoy Raxx, Phoenix." Ani Conrad. "Hi girls!" Bati niya sa amin.

"I'm not peeving my brother, Conrad. Gusto ko lang manligaw na siya ng babae. No one in Dela Vegas is funk. Hindi ko naman kasi maintindihan dito kay Raxx kung bakit ayaw pumatol sa mga babaeng nanliligaw sa kanya." Nakangising sabi ng tinawag nilang Phoenix. "What's wrong with you bro?"

"Shut up, Kuya." Walang emosyon na sabi ni Raxx. Lumabas na lang ito bigla ng room.

"You made him mad, you're such a fucker Phoenix!" Naiiling na sabi ni Hiro.

"Shit, ang gwapo talaga!" Tili ni Cassia sa tabi ko.

Napatingin tuloy sa amin ang mga Dela Vega. Nag-init ang pisngi ko nang sa akin silang apat tumingin.

Napagkamalan yatang ako ang tumili dahil kalapit ko lang si Cassia! Inikot ko ang paningin at nakitang maging ang iba naming kaklase ay nakatingin sa gawi namin.

"We're handsome. We know that, Miss." Sabi ng malokong boses.

Nang tignan ko ang nagsalita ay si Phoenix Dela Vega ito. Nakatitig siya sa akin. Malawak ang kanyang pagngisi. Mas lalong nag-init ang aking pisngi.

Pasimple kong kinurot sa tagiliran si Cassia. Umaray naman siya.

"You're red. Are you okay?" Pinisil niya ang sariling ilong.

Hindi ako nagsalita. Bigla naman siyang tumawa kaya kusang kumunot ang aking noo.

"The hell. My effect to girls." Naiiling niyang sabi. Kumindat siya pagkatapos ay nakipag-apir kay Conrad at Hiro na tumatawa na din.

Break time ay nagmamadaling tumayo ang mga kaibigan ko. Hindi ko pa maayos na naisasara ang bagpack ko nang higitin ako ni Cassia.

"Come on, Millie. Make it fast! Baka maunahan tayo ng iba sa table na katabi ng mga Dela Vega!" Pagmamadali niya sa akin.

Pinigil ko ang sarili na kurutin siya. Kanina pa ako nanggigigil dito kay Cassia. Dahil sa kanya ay napahiya ako sa mga Dela Vega!

"Easy, Cassia!" Natatawang sabi ni Geneva. Nakalimutan na niya ata ang tungkol sa crush niyang si Sid. Nasa likod namin sila ni Monica.

Nilingon ko sila at si Monica ay iiling-iling habang isinisipit ang mga takas na buhok sa kanyang tainga. Ang buhok naman ni Geneva na natural na kulot-kulot ang dulo ay sumasayaw kasabay ng kanyang paglalakad.

Nakarating kami sa canteen na hingal na hingal ako. Galing kaya kami sa third floor!

"Yes!" Pumalakpak pa sa saya si Cassia.

Naiiling namang umupo si Monica at Geneva. Umupo din ako sa tapat ni Monica. Magkalapit kami ni Geneva at tabi naman si Monica at Cassia.

"How's Jemimah, Phoenix?" Si Hiro ang nagtanong.

Pasimple akong sumulyap sa table sa kanan kung saan sila nakaupo. Si Cassia ay nakapangalumbaba habang nakatitig kay Hiro.

"Huy, Cassia! Magtigil ka nga diyan! You're too obvious!" Hinampas ni Geneva ang braso ng pinsan.

Tumingin ako kay Monica na hawak-hawak ang mamahalin niyang camera. Panay ang hagikgik niya sa di ko malamang dahilan.

"Ang ganda mo talaga Millicent. Kahit sa stolen shots." Ngumiti siya at ipinakita sa akin ang kuha ko.

Ngumuso ako. Kinurot niya ang pisngi ko.

"Order na tayo ng lunch?" Tanong niya sa akin.

"Yeah. I'm hungry na din." Tumayo si Geneva at hinatak ang nakatulala pa ding si Cassia. "Snap out Cassia! He'll not disappear okay?!" Umirap siya.

Tumungo na kami sa mga nakahilerang bilihan ng pagkain. Umorder si Monica ng inasal.

"Two orders and large size choco drink."

Hinawakan ko siya sa braso para pigilan siya. Nginitian lang niya ako.

"It's okay Millie. You're my bestfriend. Wala ito okay? Libre na kita."

Bumalik kami sa table namin at kahit na since first year ko ng best friend si Monica ay nahihiya pa din ako sa kanya. Lalo na kapag ganito na inililibre niya ako. May pera naman ako pero lagi na lang siya ang gumagastos para sa pagkain ko. Sabi niya ipunin ko na lang daw ang ipinapabaon sa akin ng mga magulang ko.

"I bought desserts girls. Sliced cakes." Ani Geneva at tumabi sa akin.

Nagsimula kaming kumain. Panay ang kwento ni Geneva tungkol sa bakasyon nilang pamilya sa Korea noong bakasyon. Kami naman ay nakikinig lang. Si Cassia naman ay finesse na finesse sa pagkain dahil sa crush niyang si Hiro.

"Ang ganda nung transferee sa section two, Tarryn Ferreira ang pangalan." Kwento ni Conrad sa mga pinsan niya. "Ang sexy Phoenix, baka matipuhan mo." Tumawa si Conrad.

"No, Conrad. I can't entertain girls for now. May chix ako remember?" Mayabang na sabi ni Phoenix.

"Sus! Totoo na ba 'yan? For sure the girl will cry a river, P. Ikaw pa? Kelan ka pa nagseryoso?" Natatawang tanong ni Hiro.

Naiiling naman si Geneva sa tabi ko. Nakikinig din kasi siya sa usapan ng magpipinsan.

"Boys are boys." Bumuntong-hininga si Geneva. "They treat girls like their playthings."

"What did you say Gen?"

Suminghap si Geneva. Maging ako ay nagulat din sa biglang nagtanong na si Hiro. Narinig yata nito!

"Don't generalize, Imperial. Si Phoenix at Conrad lang." Nginisihan niya si Geneva. Tumingin siya kay Cassia. "Right, Cassia?"

Namula ang pisngi ni Cassia. Hindi na niya nagawa pang sumagot. Nanginig na lang siya sa kinauupuan niya. Buti na lang ay hindi nakita ni Hiro ang reaksyon niya dahil nakakahiya!

Sumulyap sa amin sina Conrad, Raxx at Phoenix. Kahit na natatakpan ako ni Geneva ay ipinagtaka ko ang pagtingin sa akin ni Phoenix. Ngumisi siya.

Kumunot naman ang aking noo.

Bumalik kami sa room pagkatapos ng lunch. Naging masaya ang unang araw ng klase dahil syempre may mga bago kaming kaklase at bago din ang adviser.

"Bring peanuts tomorrow, Millie. Miss ko na ang luto niyo ni Nanay ng mani." Request ni Monica habang papalabas na kami ng room. Nanay din ang tawag niya sa nanay ko.

"Cassia my God! Stop it! Uuwi na tayo! May bukas pa! Makakasilay ka pa!" Naiiritang sabi ni Geneva sa pinsan.

Nagkatinginan kami ni Monica. Nginitian niya ako bago niya ipulupot ang kamay sa braso ko.

"Cassia's crazy over Hiro Dela Vega." Mahina niyang sabi. "Ikaw, pag naging kayo na ni Nigel, dapat ako ang unang makakaalam ah. Magtatampo ako Millicent. I want to be the first to know about that, alright?" Inihilig niya ang ulo sa akin.

Parang hinaplos ang puso ko dahil sa sinabi ni Monica. Kahit kailan ay hindi ako nagsisisi na siya ang naging best friend ko. She's too sweet!

"Millicent, peanuts ah? Don't forget. Ilang buwan din naming namiss ang peanuts na tinitinda niyo." Sabi ni Geneva.

Tatango na sana ako nang biglang may kumalbit sa akin. Kumunot ang noo ko. Hinarap ko ang lalaking kasabay ko paglalakad.

Dahil nag-uunahan sa paglabas ang mga estudyante ay hindi ko namalayang isang Dela Vega pala ang katabi ko.

Ngumisi si Phoenix. Napatingin ako sa mga pinsan niyang sumasabay na din pala sa amin.

"Craving for peanuts huh, P?" Nakangising tanong ni Conrad sa pinsan.

"Yeah, I heard they're talking about peanuts. Ubos na ang pinadala ni Tita Maureen na peanuts from US." Lumingon ulit si Phoenix sa akin at binigyan ako ng isang ngiti. "Gusto ko ding matikman ang mani mo, binibini."

Kumunot ang noo ko. Ilang sandali nang marinig ko ang hiyawan ng mga pinsan niya at iba pang nakarinig.

Bakit sila tumatawa?

Nadagdagan pa ang pagkalito ko nang sumabay na din sa tawanan sina Geneva, Cassia maging si Monica.

Continue Reading

You'll Also Like

3.1M 1.8K 2
Vida live her life in luxury since her mother lived in with a rich haciendero in the province. Later on, her mom was left with nothing after the man...
6.8M 138K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
828K 35.2K 50
El Amor De Bustamante Series Book 3: AGAINST THE WIND Her frail heart falls in love too soon. Divine knows that loving someone like Gaston, who's bey...
4.3M 122K 56
Being a perfect daughter is what Mera Francheska only wants in her life. She wants nothing but to please her parents and follow whatever they ask eve...