Ghost Attendant

By Bluver_Z

805 33 0

Sa mundong kinabibilangan ni Enney, hindi lamang ang mga tao ang may limitasyon sa buhay kung 'di maging ang... More

GHOST ATTENDANT
GA 01 USOK NG MATA
GA 02 ANG MATA
GA 03 PAGTANGGAP SA MISYON
GA 04 BLACK KARMA?
GA 05 WRONG PERSON?
GA 06 BLACK OUT
GA 07 ENNEY
GA 08 GHOSTS' BATTERY LIFE
GA 09 THE KILLERS
GA 10 CORPSE
GA 11 BULLY
G12 FEELINGS
GA 13 THE CHILD GHOST
GA 14 RED LINE
GA 15 TRUE IDENTITY
G16 GOODBYE
GA 17 NEW FRIEND?
GA 18 KARMA'S POWER
GA 19 HIM AGAIN
GA 20 CLOSENESS
GA 21 PERMISSION TO CONNECT
GA 23 THE SECRET
GA 24 CONFRONTATION
GA 25 HIM AS GHOST
GA 26 MEETING
GA 27 HER DECISION
GA 28 OPERATION IS NOW ON!
GA 29 SAVE HIM!
GA 30 MISSION FAILED?
GA 31 SAVIOR IS BACK
GA 32 THE END OF THE 1ST MISSION AS GHOST ATTENDANT
GA 33 MISSED OUT
GA 34 SUSPICION
GA 35 FUN DAY!
GA 36 THE REAL VILLAIN
GA 37 GHOST SERVANTS
GA 38 HINT
GA 39 FIND OUT THE TRUTH
GA 40 STRANGER'S WARNING
GA 41 FOUND HER
GA 42 SMALL WORLD
GA 43 THE INVITATION
GA 44 THE COMEBACK
GA 45 GHOST FOR GHOST?
GA 46 SOUND OF MADNESS
GA 47 DISCOVERY
GA 48 HEAVY PRESENCE
GA 49 NEW DISCOVERIES
GA 50 RISK
GA 51 RIGHT HERE
GA 52 THE FORMER
GA 53 SIN
GA 54 FORGOTTEN CLIENT
GA 55 FAREWELL
GA 56 UNREAD REVELATION
GA 57 AWAITED TIME

GA 22 THE PHOTO

11 0 0
By Bluver_Z

ENNEY
╰(◣﹏◢)╯


PARA akong galing sa ilalim ng tubig na matapos umahon ay humugot ng hininga, pagkaangat ko ng ulo mula sa table ay nakita ko ang sariling reflection sa glass wall ng convenient store hawak-hawak ang sariling leeg. Wala akong ibang iniisip ngayon kung 'di ay pasasalamat dahil nakawala na ako sa bangungot na iyon.



"Nakita ko ang mukha niya pero bakit hindi ko maalala?" Hinihingal na tanong ko sa sarili at nilagay na sa lamesa ang mga kamay. "Hindi ba siya ordinaryong tao lang?"




"Paanong hindi ordinaryo?" agad na tanong ni Rina.



Ginaya ni pulubi ang pag-upo ni Rina sa mesa para makita ako. "Kaya siguro hindi mo maalala ang mukha niya ay dahil hindi ko rin maalala?"



Tama siya, bakit nga ba nakalimutan ko iyon. Kung ano lang ang natatandaan nila, 'yon lang din ang ipapakita sa akin at matatandaan ko sa oras na makaalis ako.



"Napaangat niya ako-I mean itong pulubi sa ere na nag-cause ng pagkamatay niya," sagot ko habang may inaalala. "Iyong guard, may napansin kabang ibang bangkay doon, Rina?"



"Wala," mabilis niyang sagot.



Lalo akong nai-stress sa natuklasan, hinilot ko ang sariling sentido at napapikit. "Hindi lang isa ang patay, dalawa sila at mukhang nilipat."



"Nilipat? Teka, about sa killer, baka naman karma 'yon? At hindi pa sila parehong patay nitong pulubi that time, malay natin na while they're unconscious dumating ang serial killer at tuluyan silang pinatay kasi 'di ba marka sa leeg at nail polish ang signature no'ng sk?" Pagpapaalala ni Rina sa details na ni-record ko.



Gusto ko man um-agree sa kaniya pero walang presensiya ng karma ang nilalang na 'yon pero puwede pa rin ang sinasabi niya lalo pa maraming klase ng spirit ang meron sa mundo na hindi ko pa nakakasalamuha so possible na isa iyon doon.



"Nasa likod ko siya, tama ba?" hindi gumagalaw na tanong ko sa kanila. May naramdaman akong bagong presensiya, presensiya ng ghost.



"Puwede ba akong kumunekta?" agad nitong tanong.



Mahina akong natawa sa narinig. "Hindi."



"But why? Si pulubi nga pinagbigyan mo," reklamo ni Rina.



"Hindi niyo ako maiintindihan, basta 'pag sinabi kong hindi, hindi na." Giit ko. "Kahit lumuha ka pa ng dugo, hindi na magbabago ang desisyon ko."



Tumayo ang pulubi para lapitan ang guard. "Okay lang, iyong picture... tama, gamitin mo iyon para ipaliwanag sa kaniya ang kailangan niyang malaman."



Napa-side eye ako nang marinig iyon. "Malaman?"



"Ano? Ghost na tayo, hindi ko mahawakan ang kahit na ano, ang pagdala pa kaya no'n."



"Pero kasi... Parang familiar ang mukha nitong babae," hindi pa siguradong tono ng pulubi, hindi ko pa malalaman kung sino ang tinutukoy niya kung hindi pa dinuro ni Rina ang sarili.



Speaking of familiar, iyong place at building na pinagtatrabahuhan ng guard parang familiar sa akin. Bakit naman kasi hindi ko tiningnan ang daan papasok dito sa lugar. Inikot ko na ang katawan para silipin ang dalawa sa likod.



"You mean, iyong inabot mo sa kaniya ay picture at ang nasa loob no'n ay itong si Rina o kamukha niya?" paniniguro ko. Sabay silang tumango. "Alam mo kung nasaan ang katawan mo?"



Hindi na tumango o sumagot ang guard, lumabas na lang siya at sinundan namin. Hindi kalayuan sa convenient store ang pinuntahan namin, sa likod ng isang bahay na puro puno ay may paa akong nakita agad, ang katawan ay natatakpan ng mga natuyong dahon.



Nilabas ko mula sa sling bag ang gloves at inalis ang mga dahon, so, 4th victim ng serial killer itong guard. Sinilip ko ang paa nito at may dumi, mukhang hindi siya nilipat, nakatakas pa siya kaya siguro ang pulubi talaga ang 3rd. Napasinghot ako sa hangin nang ma-realize ang tungkol pa sa factor na dalawa ang killer sa 14 victims. Walang sapatos, sandal or kahit medyas na suot ang mga pinatay ng sk. Akala ko mahihirapan akong linawin sa police ang tungkol sa nadiskubre ko dahil nalaman ko iyon sa tulong ng abilidad ko pero may obvious differences naman na maituturo ko.



"Ito 'yong pictures." Inabot sa akin ni Rina ang pakay ko at nasindak sa masamang titig ko sa kaniya. "Relax, mas maganda kung hindi mo na pakekealaman ang katawan, maliban sa papunta na rito ang mga police, nagdududa na ang kaibigan mong si Iajay sa 'yo."



"Bakit kailangan kong isipin 'yon?" Naiinis na kinuha ko sa kamay niya iyon. "Saan mo 'to nakuha? Sunog na."



"Sa kamay niya, mukhang ginawa niya ang lahat para mailigtas 'yan dahil may paso ang kamay niya at may galos ang ibang parte ng katawan especially sa mukha."



Pinagmasdan ko ang litrato, sa loob ng isang salon ang background at may dalawang tao sa litrato, isang nakatalikod na lalaki at nakaharap na babae, half face lang dahil natatakpan ng ulo nitong lalaki.



"Galos kamo? Pero naka-uniform siya." Nabalik ang tingin ko sa bangkay. "Easy, hindi ko gagalawin ang katawan. Dito ako sa litrato— omg." Pagkaangat ko nitong hawak at hindi sinasadyang maitapat sa mukha ni Rina ay masasabi kong siya nga ito, hindi ako puwedeng magkamali. "Iyong hikaw, peklat sa gilid ng kilay mo at buhok. Hindi puwede na nagkataon lang, right?"



"Huh?" Hinablot niya sa akin ang litrato at ibinalik din. "Actually, tama ka."



"Hindi ka man lang nagulat?" Inirapan ko na siya sabay tago ng picture sa bag dahil nagsidatingan na ang mga police.



"Enney?"



Boses agad ni Iajay ang narinig ko hindi kalayuan sa likuran ko, bago pa ako masinghalan ay lumakad na ako paalis. Sinadya kong ipakita sa kaniya ang hinuhubad na gloves para wala na siyang masabi, sa kabutihang palad may naparahan akong tricycle.



Tahimik kong pinapanood ang nadadaanan namin, saka ko lang naalala kung bakit familiar ang lugar sa alaala ng pulubi nang ibinaba na ako sa tapat ng gate nitong village.



"Enney." Kinakabahang pagtawag ni Rina sa pangalan ko.



Hangga't maaari ay ayaw kong kabahan at matakot kaya naman binagalan ko ang paghinga. "Alam ko, ayaw ko na isipin pa ang lugar na ito. Hindi ko agad nalaman dahil sa kabila kami pumasok ni Su."



"Bakit parang may ibang bagay ang bumabagabag sa 'yo?" Pagbasa ni Rina sa mukha ko, natulala na kasi ako sa lupa at nakahawak sa bag na pinaglagyan ng larawan.



Tinuro ko ang loob at nanatiling nakatingin sa kaniya. "May something sa loob nitong lugar, hindi ka ba nagtataka kung bakit napunta ka sa loob nito bago ka namatay?"



"Naalala ko sinama lang ako ng katrabaho kong babae pero iniwan din niya agad ako dahil sa emergency, maganda raw kasi service ng salon dito." Hindi man lang siya napapaisip sa kuwento niya, parang wala lang sa kaniya.



Binaba ko na ang kamay at humarap na mismo ro'n. "Naniniwala akong hindi ito nagkataon lang. What if 'yong lalaki sa larawan ay ang copycat or maybe 'yong serial killer mismo? What if isa ka rin sa victim ng killer na matagal ko nang hinahanap?"

Continue Reading

You'll Also Like

13.6M 608K 32
Sikat siya at hindi ka niya kilala. Kaya bakit sa dami ng taong nakapaligid sa kanya, ikaw na walang kamalay malay ang minumulto niya? THE JERK IS A...
107K 3.3K 53
Highest Rank Achieved #137 in Mystery/Thriller This is a place where KILLING is Legal, Don't you dare to enter this school because you will regret it...
15.1K 509 10
Nangarap ka na ba na sana magkaroon ka ng third-eye? Yung tipong makakakita ka ng mga kaluluwa? Mga bagay na hindi makikita ng pangkaraniwang tao...
Mga Agimat By Alamat

Historical Fiction

1K 134 41
Sa di inaasahang pangyayari ay nagtagpo-tagpo ang mga alamat at tunay na mga kaganapan sa paghahanap ni Lilac at ng kapatid na si Ram ng paraan para...